Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.

Thursday, March 5, 2015

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 24 WAKAS

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta

Jino’s Point of View

                Nang hinila ako ni Buboy para mag-usap ay alam kong gusto niyang magkalinawan kami kung bakit ako pumayag na iyon ang idadahilan ng aking mga magulang, pamilya niya at mga kaibigan namin. Hindi kami tumuloy muna sa kuwarto niya. Sa tulad niyang nagugulat ay hindi pa stable ang emosyon niya. Ayaw ko ding isipin niya na basta ko na lang siya iniwan at hayaang isipin niya na totoong patay na ako.
                “Sige, simulan mo nang ipaliwanag sa akin kung ano nga ba talaga ang nangyari. Gusto kong tayo lang muna ang mag-usap kaya kita hinila. Hindi kasi ganoon kadali lang lahat brad.” Singhal niya.
                “Alam ko Boy, kaya nga gusto ko ding magpaliwanag sa’yo at sana kahit nagugulat ka pa, nagagalit at hindi makapaniwala sa nangyaring ito, gusto kong buksan mo ang isip at puso mo para sa akin.”
Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Namumula ang kaniyang mga mata. Hindi siya sumagot.
“Kasi, matagal ko na ding hinihintay na makaharap ka.” pagpapatuloy ko. Tumingin ako sa kaniyang mga mata ngunit tinalikuran niya ako. Bumunot ng malalim na hininga. “Miss na miss na miss kita sa walong taon na wala tayong communication Boy. Alam mo ba kung saan ako kumakapit? Dahil lang sa isang binitiwan mong pangako na mas nanaisin mong tumandang mag-isa kaysa magmahal ng iba. Pero pangako mo iyon nang mga bata pa tayo. Saka yung paniniwala kong mahal mo ako. Pero oras-oras akong binabalikan ng takot ko brad. Paano kung maghanap ka ng kalinga ng iba dahil sa paniniwala mong patay na nga ako at wala ka nang babalikan pa? Paano kung sa panahong magkita tayo ay may bago ka ng buhay, may nagpapatibok na sa puso mo? Anong sasabihin ko? Anong habol ko? Paano ko ipaliliwanag ang lahat sa paraang maintindihan mo?” hindi ko na napigilan pang lumuha.

Nakikita ko kasi sa mukha niya ang mga pinagdaanan niyang pagdurusa bago niya ako tinalikuran. Alam kong galit na galit siya ngunit hindi niya alam kung paano niya iyon ilabas dahil sa halu-halong emosyon. Matagal siyang nakatalikod sa akin. Gusto kong umikot para harapin siya ngunit minabuti ko na lamang na hayaan siyang itago ang kaniyang mukha sa akin.


“Oo, nakita mo ako kaninang nakangiti. Ngunit utang na loob brad, alam mong nagagalit pa din ako, nagugulat. Gusto kong magpakasaya dahil buhay ka ngunit paano naman yung hinanakit kong tumintindi ang pagkakaipon sa dibdib ko.”
Isinuntok niya ang isang kamao niya sa kaniyang isang palad.
“Jino ang hirap eh!” Napayuko. “Brad, hindi ninyo siguro ako maintindihan! Hindi ko alam kung paano ko ipaparamdam sa’yo yung nasa dibdib ko ngayon. Hindi ninyo alam kung anong hirap ang aking pinagdaanan na isiping patay ka na. Yung putang inang pinagdaan kong walang kahit anong salita ang puwedeng gamitin para ipaliwanag! Kasi nandito lang e! Naipon dito sa putang inang dibdib ko at ilang taong pilit pinag-aralan ng isip kong kalimutan ka! Gusto kong sumigaw ngayon, gusto kong magmura, manuntok!” singhal niya.
Nang lumingon sa akin ay nakita ko ang namumula niyang mukha, may luha sa kaniyang mga mata, salubong ang kilay at nanginginig ang kaniyang kamao.  Akala ko kasi kanina okey na siya. Ngayon lang pala lahat lumalabas yung mga emosyon na pinigilan niya.
                “Gusto mo ba akong suntukin? Sige lang, naiintindihan ko Boy.” Hinawakan ko ang braso niya para gawin niya iyon sa akin. Tinanggal niya ang nakahawak kong braso saka siya galit na galit na humarap sa akin.
Itinaas niya ang nanginginig niyang kamao sa aking mukha. Pumikit ako. Kung ang panununtok niya sa akin ay makakatulong para maibsan yung sakit at hirap na pinagdaanan niya dahil sa ginawa sa amin ng aming mga magulang na paglayuin para sa aming kaligtasan at kinabukasan ay pikit-mata ko iyong tatanggapin. Ngunit hindi isang malakas na suntok ang pinakawalan niya kundi isang mahigpit na yakap ang naramdaman ko. Yakap na halos durugin na niya ang katawan ko kasabay ng kaniyang paghagulgol na sinundan ng isang malakas niyang sigaw na pagmumura. Umiiyak din ako kasi pareho lang naman kami ng pinagdaanan. Nasaktan, nagtiis, nagsakripisyo dahil iyon ang kagustuhan ng aming mga magulang.
“Halos masiraan din ako ng ulo sa kaiisip noon brad, kasi dalawa kayong sabay na nawala sa akin. Paggising ko, wala na kayo. Iniwan na ninyo ako.” hinawakan niya ang pisngi ko. Tumitig siya sa aking mga mata.
“Brad, humiling ako noon ng himala. Na kahit sandali lang kitang makita, na dumalaw ka sa panaginip ko at kausapin mo ako. Makapagpaalam man lang tayo sa isa’t isa, hindi yung paggising ko, sinabi na nilang patay ka na. Putcha brad! Alam mo ba yung sakit na bago ako matulog sa bawat gabi ay naaalala kita?” humahagulgol niyang sinabi habang yakap pa din niya ako ng mahigpit. “Ilang gabi sa loob ng ilang taon na sa tuwing naiisip kita, napapaluha pa din ako. Sa tuwing kumakain ako at may mga bagay akong nakitang nagpapaalala sa’yo, nawawalan ako ng ganang kumain. Hindi ako kumakain ng French fries at burger dahil ikaw ang kakaagad na papasok sa isip ko. Ganoon katindi yung sakit.”
Pinusan niya ang luha niya sa pisngi sa pamamagitan ng pagtaas niya ng kaniyang balikat.
“Sa school noong college ako, sa canteen, sa mga fastfood, sa lahat ng park, para akong tanga na nagsasalitang mag-isa. Sinasabi ko sa sarili kong kailangan na kita ng palayain sa puso at isip ko kasi wala ka na, na patay ka na! Hindi ka na puwedeng bumalik pa sa akin, wala na akong babalikan sa Pilipinas pero tang-inang puso ko, ayaw makinig, ayaw magmahal ng iba. Kung alam lang ninyo na halos mabaliw na ako noon. Tapos heto ka, buhay na buhay.” muli siyang tumalikod sa akin. Huminga ng malalim habang nakapamaywang.
“Alam mo lahat ang nangyari pero wala kang ginawa! Sabihin mo sa akin na ganun lang kadali ang lahat brad! Ipaliwanag mo sa akin ngayon kung paano mo nasikmurang hindi na lang ako kausapin at pabayaan silang isipin kong patay ka na.” singhal niya sa akin.
“Makinig ka Boy, ilalahad ko ang lahat-lahat sa’yo. Kung sakaling hindi mo ako mapatawad at gusto mo munang pag-isipan ang lahat bago ka muling makipagkita sa akin at saka ka na lang magpakita kung kailan puwede na akong muling bumalik sa puso mo, maiintindihan ko.”
“Sige, sabihin mo lahat sa akin. Makikinig ako sa lahat ng sasabihin mo. Subukan kong intindihin ka.” Hinawakan niya ang braso ko at hinila niya ako sa dalawang bakanteng beach chair. Umupo kami doon at hinarap ko siya.
Huminga ako ng malalim. Nanlalamig ang mga daliri ko, lumalakas ang pintig ng aking puso. Hindi dahil natatakot ako sa kaniya na hindi niya ako maintindihan kundi yung nakikita kong bagong siya. Natitigilan kasi ako sa tuwing nakikita ko ang laki ng pinagbago niya, ang napakaguwapo niyang mukha, ang matikas na katawan, ang mga labi niyang parang nakapasarap halikan.
Oh God!
I miss him so much!
  “Ano, simulan mo na. Bakit ba ganyan ka makatingin?”
“I’m sorry, namiss lang kita Boy.”
Kumunot ang noo niya.
Hindi siya sumagot.
“Naalala mo ba noong umalis tayo ng bahay at pumunta tayo ng Tanay?”
Tumango lang siya.
“Pagkauwi natin, may deal din kami ni Papa. Kung mapahamak ako na kasama ka, kailangan niya akong ilayo sa’yo at hindi na tayo puwedeng magkita o mag-usap. Dahil tiwala akong hindi tayo mapapahamak kaya pumayag ako sa usapan namin. At hayun nga, nangyari yung pagkakabaril nating dalawa. Pagkakaalala ko, ako yung unang nawalan ng malay noon ngunit ako yung unang gumising sa ating dalawa. Kahit hirap ako noon sa inyong dalawa ni Lexi ay pinilit kong magpakatatag. Buhay nga ako, pero nasa bingit na kayo ng kamatayan ni Lexi. Ilang araw lang mula nang nagkamalay ako, si Lexi naman yung sumunod na nanghina. Ang masakit, namatay siyang nasa coma ka pa.”
“Isa din ‘yun ang sobrang sakit para sa akin. Namatay si Lexi na hindi ko man lang siya nakausap o kaya naihatid sa kaniyang huling hantungan.” Yumuko siya. Umiling-iling.
“Naiintindihan na iyon ni Lexi Boy. Ikaw ang alam kong ipinagdarasal niya. Noong panahong hindi na halos maintindihan ang sinasabi niya, ikaw yung paulit-ulit niyang tinatanong. Tanging picture mo lang ang inilagay ko sa palad niya at iyon ang nakadantay sa dibdib niya. Mahal na mahal ka ni Lexi, Boy. Lumabas lahat iyon nang mga huling sandali niya sa mundo. Picture mo ang una niyang nabitiwan nang bawian na siya ng buhay. Kaya naman lagi kong ipinagdarasal noon ang paggising mo. Kahit hindi pa ako lubos na magaling noon, lagi ako sa tabi mo. Kinakausap kita Boy, umaasang naririnig mo ako. Gusto kong bago tayo magkalayo ay maramdaman mong buhay ako. Kasi, kapag nagising ka na, kailangan na din kitang iwan. Kailangan ko nang lumayo. Kaya nga gusto ko noong kahit maghapon o magdamag kitang kausapin basta alam mong buhay ako. Maramdaman mong di kita binigo. Naroon ako nang nagmulat ka ng iyong mga mata. Ngunit dahil ang usapan ng mga magulang natin, kapag sigurado na ang pagkaligtas mo, iyon na din ang hudyat na kailangan kong lumayo.”
“Pinili mo akong iwan at nakipagtulungan kang gawin akong tanga? Wala ka man lang ginawa para kahit paano ay malaman ko kung ano ang totoo?” panunumbat niya sa akin.
“Alam ng Diyos Boy, ginawa ko ang lahat. Ilang beses kong sinubukang tumakas ngunit bantay sarado nila ako. Nagtulung-tulong sila para paglayuin tayo. Sa tingin mo ba, ginusto kong isipin mo na patay na ako? Walang nagmamahal Boy na gustuhin nilang patay na sila sa isip at puso ng minamahal nila. Hindi ako tanga para gawin iyon sa’yo dahil tulad ng sinabi ko kanina, kung ikaw, araw-araw mong iniyakan ang aking pagkamatay, ako, araw-araw akong natatakot na maaring mapunta ka at magmahal ng iba. Natatakot ako na dumating yung araw na ito na hindi na ako ang laman ng puso mo. Kung nahirapan ka Boy, nagdusa din naman ako. Magkaiba man tayo ng pinagdaanan ngunit sana malaman mong nagdurusa din ako. Ikaw, may karapatan ka nang maghanap ng bagong pag-ibig dahil puwedeng-puwede mo na akong kalimutan ng tuluyan at ibaon sa limot ang ating nakaraan. Mas madali na para sa’yo ang magmove-on kasi napaniwala ka nilang patay na ako at kahit anong gawin mo ay di mo na maibabalik ang buhay ko. Ako brad ko, hindi ganoon kadali. Hindi ako puwedeng mag-move on kasi alam kong buhay ka, hindi ako puwedeng magmove-on kasi naniniwala akong darating yung panahon na mabuo pa tayong dalawa ngunit paano ako mapapatahimik ng aking konsensiya? Araw-araw akong sinisingil no’n at kung makahanap ka ng kapalit ko, anong karapatan kong pagbawalan ka pa samantalang pinatay na nila ako sa’yo.” Umiiyak at humihikbi kong ipinaliwanag iyon sa kaniya.
“Gano’n na lang ‘yun? Wala nang dapat pang sisihin kasi kapwa naman tayo nagsakripisyo at nasaktan? Brad, nang una, inaamin ko, ayaw kong maniwalang patay ka na kasi dinig na dinig ko ang boses mo nang wala pa akong malay. Ngunit wala akong lakas na pagalawin ang bahagi ng katawan ko. Ni hindi ko nga alam kung panaginip lang iyon o totoong nangyari. Paggising ko, hindi ako naniniwalang patay ka. Hinanap kita e. Pumunta ako sa bahay ninyo, sa school, sa park. Ayaw kong maniwalang wala ka na kasi ramdam kong buhay ka ngunit wala kang ginawa na kahit isang sign lang na siyang maari kong panghawakan.”
Pinunasan ko ang luha ko. Tumingin ako sa kaniya na noon ay halatang nasasaktan pa din sa mga nangyari.
“Yung video na ibinigay ko, yung mga sulat natin. Iyon lang ang puwede kong ipadala para maalala mo ako. Mga alaala na puwedeng pumigil sa’yo para ipagpalit ako sa iba. Doon lang ako kumakapit kahit alam kong anong magagawa ng mga iyon kung may darating na bagong magpapatibok sa buhay mo. Brad ko, mga bata lang tayo noon. Anong magagawa ng isang 15 years old kung lahat ng pamilya at kaibigan ng pamilya niya ay nagkaisa na para ilayo ako sa’yo at unahin ating kaligtasan. Pati mga magulang mo nakipagtulungan dito para sandaling paglayuin tayo. Dinala ako sa probinsiya. Doon ako muling nagsimula. Doon ako nag-aral at sinikap makatapos. Noong college ako, maraming nagparamdam ngunit sinabi ko sa aking sarili, hihintayin kita kahit pa malabong babalik ka dito na single pa. Mahal na mahal kita kaya ako patuloy na umaasa. Kuntentong-kuntento ako sa pagmamahalan natin noong mga bata pa tayo. Gusto kong manatili ang pagmamahal na iyon sa puso ko. Gusto kong manatili ang tiwala kong ako pa din ang para sa’yo.” Sinikap kong hawakan ang kamay niya ngunit mabilis niya iyong iniiwas sa akin.
HInarap ko siya. Tumitig ako sa kaniyang mga mata. “Hindi ka ba masayang nakamit natin ang ating mga pangarap at ngayon ay puwede na tayong magsimula na walang panganib sa ating buhay? Brad ko, kailangan kong manatili dito sa Pilipinas para ipanalo ang kaso natin. Kailangan nila ako dito para humarap sa husgado. Kung ikaw, may pagkakataon kang iwan ang lahat ng iyon at harapin lang ang pag-aaral mo, malayo sa mga lugar na magpapaalala sa lahat ng masaya nating nakaraan, ako brad, kailangan kong ilaban ang ginawa sa atin. Natamihik lang ang lahat nang naipakulong ko na ang bumaril sa atin. Naipanalo natin ang ginawa sa atin noon. Ako lahat ang humarap no’n Boy. Ako lang kasama ng mga magulang natin at kaibigan.
Hindi pa din siya sumagot. Tikom ang labi ngunit may mga luha sa kaniyang pisngi na nagsasabing, naiintinidhan na din niya ang hirap na pinagdaanan ko.
“Sa tuwing nakikita ko yung park, yung harap ng bahay namin, ang school kung saan tayo nag-aral, mga lugar na pinapasyalan natin, para akong sira-ulong mag-isang umiiyak. Kinakausap ang kawalan. Wala kang facebook o kahit tweeter. Hindi ko makuha ang address mo o contact number. Ikaw ang tuluyang hindi ko na mahagilap. Ilang gabi akong nagpupuyat magsearch sa facebook, umaasang sana maisip mong gumawa ng account mo, sana maisip mong kontakin ang mga magulang ko kahit isang sulat, kahit isang tawag lang para may makuha akong impormasyon ngunit wala. Bigong-bigo akong ipaabot sa’yo na brad, naghihintay ako, hinihintay ko ang pag-uwi mo. Huwag kang magmahal ng iba kasi nandito ako para sa’yo. Sa tuwing namimiss kita, nagsusulat ako. Ang masakit hindi ko alam kung kanino ko iyon ipapadala. Kaya ako din ang magbubukas sa sulat na iyon, ako ang magbabasa at itulog na lamang ang hapdi ng ating pagkakalayo.” Hinawakan ko ang dibdib ko. Damandama ko parin kasi yung hirap na pinagdaanan ko nang magkalayo kami.
                 Humagulgol ako.
Tumalikod ako sa kaniya.
Sinapo ko ang ulo ko.
Ganoon din ang ginawa niya.
                “Patawarin mo ako brad. Hindi kasi ako kasinlakas mo. Mula no’n ikaw naman talaga sa atin yung lumalaban e, yung gumagawa ng paraan para ipaglaban ang gusto mo. Ako, laging sumusunod lang sa kung ano ang desisyon mo.”
                “Hindi naman kasi ninyo kailangang magsisihan sa nangyaring pagkakalayo ninyo. Inaako naman naming mga magulang ninyo ang desisyong iyon.” Tinig iyon ni Papa na nasa likod namin.
Napalingon kaming dalawa.
Naroon sila ni Tito Ced at nakatingin sa amin.
                “Bakit nagsinungaling kayo sa akin Dad? Bakit hindi na lang ninyo sinabi sa akin ang totoo at hindi yung palabasing patay si Jino?”
                “Makinig ka sa akin anak,” lumapit si Tito Ced sa amin. Hinawakan niya ang kamay ni Buboy ngunit maagap siyang tumayo at umiwas.
“Di ba mula noong bata ka, gusto mo lagi ang nasusunod? Kung sasabihin namin ang totoo, tatakasan mo kami, susundan mo si Jino o hindi ka tutuloy sa Canada para mag-aral. Gano’n ka no’n anak. Hindi ka nakikinig sa amin kasi laging gusto mo lang ang pinaniniwalaan mong tama. Kaya kahit gaano kasakit sa amin ng Daddy Mak mo ang magsinungaling ay ginawa namin para sa kaligtasan mo at makatapos ka sa’yong pag-aaral. Napakabata pa ninyo noon. Oo, nando’n na tayo, sobrang mahal ninyo ang isa’t isa at dahil pareho naman kayong lalaki at walang mabubuntis, pero buhay na ninyo ang nakataya. Kinabukasan na ninyo ang nasisira. Anong gagawin namin? Hahayaan lang namin kayo lalo pa’t muntik na kayong nawala sa amin. Iyon lang ang tanging alam naming paraan para mapaglayo muna namin kayo at harapin na muna ang pag-aaral.” Paliwanag ni Tito Ced.
                “Isa pa, alam kasi namin kung gaano ninyo kamahal ang isa’t isa. Kung kasalanan para sa inyo ang ginawa namin na paglayuin namin kayo para matutukan na muna ninyong paghandaan ang kinabukasan ninyo, tanggap na namin iyon. Wala kaming ibang hangad kundi mapabuti namin kayo at ilayo sa kapahamakan. Bumabawi naman kami. Tapos na ang lahat ng iyon, nangyari na. Siguro naman kahit nahirapan kayong dalawa, kahit anong mga pasakit ang pinagdaanan ninyo, may mga aral pa din naman kayong natutunan at sana iyon ang pagtuunan na lang ninyo ng pansin. Hindi naman nasayang ang lahat ng inyong sakripisyo kasi heto pa kayo oh, buo, nagmamahalan pa din at handa nang harapin ang buhay na wala nang sinumang magpapahiwalay sa inyo. Hindi na kami kokontra pa. Gawin na ninyo ang gusto ninyong gawin. Tumutulong kaming ayusin ang lahat. Bigyan lang ninyo kami ng pagkakataon.” Paliwanag ni Papa James.
                Huminga siya ng malalim.
                “Naguguluhan ho ako. E, sino yung nasa kabaong na kinunan mo noon sa iphone mo Dad? Kay Lexi ba ‘yun? Tanong niya.
Tumango si Tito Ced.
“Kanina kasi, akala ko okey na ako. Gusto ko na ngang dalhin sa kuwarto ko si Jino eh pero sa tulad kong nasa state of shock, normal lang siguro na pabago-bago ang mga desisyon ko’t nararamdaman. Gulung-gulo ako.”
                “Gusto mo bang mapag-isa muna? Sige, maiwan na muna namin kayo.” Pamamaalam ni Tito Ced. Hinawakan niya ang balikat ni Buboy pero mabilis niya itong hinawi. Halatang hindi pa din niya tanggap ang lahat ng narinig niyang paliwanag.
“Hihintayin namin ang pagsipot ninyo s akaunting salu-salo na inihanda namin. Sana sabay kayong dumating doon kasi para sa inyong dalawa talaga iyon. Just take your time mga anak.” Puno ng pagpakumbabang sinabi ni Papa James. Alam kong ngayon na nararamdaman ni Papa yung balik ng kanilang ginawa sa amin.
                Katahimikan ang namayani sa pagitan namin ng nakaalis na an gaming mga magulang.
                “Kanina, akala ko madali ko lang ayusin ito. Kung magpapaliwanag ako, maiintindihan mo kasi alam kong nagtitiwala ka pa din. Nang makita kita kaninang umaga, parang bumabalik yung dating ako noong high school palang tayo. Nandoon pa din yung kilig, yung pamumula ko, at yung bilis ng tibok ng aking puso. Matagal na panahong hindi ko naramdaman iyon. Kaya nang makita kang muli, alam ko, mahal na mahal pa din kita at wala pa din ni isang pumalit sa’yo dito.” Inilagay ko ang isang kamay ko sa tapat ng aking puso.
                “Gusto kong mapag-isa. Iwan mo na lang muna ako.” Mahina man ang pagkakasabi no’n pero matindi ang dating no’n sa akin.
                “Galit ka pa ba sa akin? May magagawa ba ako para…”
                “Please, just leave me alone!” singhal niya.
                Napalunok ako.
Hindi ko alam na kaya niya akong pagtaasan ng boses.
                “Sige, pasensiya ka…”
                “Just go! Please!” pamumutol niya sa sinasabi ko.
                Huminga ako ng malalim. Tumingin ako sa kaniya. Umaasa akong bawiin niya ang sinabi niya. Gusto ko kasing kasama ko na siya doon sa kung saan naghihintay ang mga bisita namin.
                Mukhang hindi nga yata kasi dapat kaagad na pinagplanuhan ito. Masyado yata kaming tiwala na makukuha namin siya sa usapan. Akala ko nga din maidadaan ko sa kilig ang lahat. Kanina, ramdam kong nakuha ko na siya ngunit siguro nga, nagulat siya, nalito at ngayon lang bumabalik yung sakit na pinagdaanan niya.
                “Could I leave you my number bago ako aalis? O baka kahit yung number mo na lamang ang kukunin ko.”
“Why?” malamig niyang tugon.
“Para kunsakaling matatagalan ang gusto mong time for yourself e, masabihan mo man lang ako. And I hope, it won’t take long. Boy, mahal kita, mas mahal na kita ngayon at mas mamahalin pa kita sa nalalabing mga taon na ipagsama natin. Sana…”
                “Can’t you just leave? Andami mo pa kasing satsat!”
                Natigilan ako.
Galit nga siya!

Pagdating ko sa lugar na pinaghirapan ng aming mga magulang na paghahanda ay dala ko ang lungkot. Hindi ko siya napakiusapan. Hindi pala ganoon niya kadaling ibigay ang kaniyang pagpapatawad. Mukhang nasobrahan namin ang tiwala naming matatabunan ng matindi naming pagmamahalan ang anumang nangyari sa nakaraan. Hindi pala lahat ng pagkakataon tama yung paniniwala kong, walang hindi naiintindihan ng taong tapat ang pagmamahal.
Pinagmasdan ko ang mga puting rosas, ang mga puting tela na sumasama sa paghampas ng hangin, ang mga kaibigan at pamilya naming mabilis nang nakapalit. Binuksan ko ang dala kong singsing. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon para ibigay iyon sa kaniya. Hindi man lang ako nakapag-propose.
“Huwag kang mag-alala. Darating din ‘yun, anak. Hindi ka no’n matitiis. Ikakasal din kayo sa araw na ito.” Maluha-luhang sinabi iyon ni Tito Mak.
“Pa’no ho kung mas namayani na talaga yung galit sa puso niya, Tito.”
“Tawagin mo na akong Daddy, okey?”
Tumango ako.
“Basta, maghintay lang tayo. Kung hindi man matuloy ngayon, marami pa din namang araw. Huwag ka lang mainip.”
Tumango muli ako kasunod ng malalim na hininga.
 Maghihintay talaga ako.
Yung walong taon nga na umasa akong babalik siya, nakaya ko, ito pa kayang oras o kaya ilang araw lang?”

Ngunit tanghaling tapat na, wala pa din siyang paramdam sa aming lahat.
Nandoon lang ako sa harap ng improvised stage sa beach na hitik ng mga bulaklak, palinga-linga. Naghihintay na sumunod siya. Nangangarap na darating na ang groom ko.
Alas dos.
Wala pa din.
Alas kuwatro.
Kumukulog na, kumimidlat hanggang sa tuluyang bumagsak ang ulan ay hindi pa din siya nagpakita. Ako na lamang ang naiwan doon. Sumilong sa isnag malaking tent. Ang ilang ay nagdesisyon nang bumalik sa kanilang hotel malapit sa beach.
Ilang sandali pa ay lumapit si Tito Aris at Tito Rhon sa akin na may hawak na malaking payong.
“Ano ‘nak. Ayaw mo bang sumilong na lang muna? Baka ikaw naman ang magkasakit sa ginagawa mo. Marami pang araw na darating. Hayaan muna nating mawala yung pagkalito niya at pagkagulat. Malay mo, hindi pala niya gusto ang surprise na kasal. Tara na do’n.” si Tito Rhon. Pinunasan niya ng tuwalya ang basam-basa kong ulo.
Umiling ako. Hindi ako aalis doon.
“Walong taon lang kayong nagkalayo. Kami ng Tito Rhon mo, higit pa doon. Dekada ang binilang namin bago kami muling nabuo. Ngunit hindi ako nawalan ng pag-asang balikan niya ako. Kung sinasabi ng puso mong mabubuo kayo, darating yung araw na iyon at hindi mo kailangang umupo dito at hintayin siya ng hintayin. Gawin mo parin yung mga bagay na dapat mong gawin para hindi ka maiinip sa paghintay. Puwede mong isabay ang paghihintay mo sa paggawa ng mga bagay na alam mong ikatutuwa niya kung darating yung panahong balikan ka na niya.” paalala ni Tito Aris.
“Sige po Tito. Dito na lang ho muna ako. Alam kong babalikan niya ako dito. Susunod siya sa akin at aakayin niya ako para sumilong.” Napaluha ako.
“Sige, kung iyan ang desisyon mo. Iwan na lang namin yung payong dito para may magamit ka?” Tanong ni Tito Aris.
“Huwag na ho. Nabasa na din lang ho ako. Susunod na lang ho ako doon mamaya.”
At hindi nila ako napakiusapan. Umalis silang bigo.

Lalong lumakas ang hangin at ulan.
Isang oras muli ang dumaan nang sina Tito Terence at Tito Lando din ang sumunod na dumating. May dala silang mainit-init na sopas.
Napaluha lang ako sa sopas. Ilang taon na ang nakaraan ngunit naalala ko pa ang lahat. Noong nagkasakit ako at inalagaan niya ako. Sopas ang ipinahanda niya para sa akin.
“Wala ka pang lunch, anak. Ni ayaw mong uminom ng tubig o magmiryenda. Tignan mo nga ang labi mo o, namumutla na. Ano bang gusto mong mangyari? Magkasakit at lalo lang hindi matutuloy ang kasal ninyo?” alalang-alala na sinabi ni Tito Terence.
“Kainin mo ito habang mainit pa. Ano bang ginagawa mo at kailangan mong pahirapan ang sarili mo. Hindi mo naman kailangan gawin ito. Bukas o kaya sa mga susunod na araw, puwede naman kayong ikasal. Hindi niya alam na may ganito kaya huwag kang magpakasira ulong umupo dito at hintayin na darating siya.” Paliwanag ni Tito Lando.
“Tito, ginagawa ko ho ito dahil gusto kong malaman niya na pinagsisihan ko yung iniisip niya na wala akong nagawa para ipaglaban siya. Ang paniwala kasi niya ay basta ko na lang siya isinuko at nakipagtulungan na isipin niyang patay na ako.”
“Nando’n na tayo pero naman, huwag naman yung paraang ganito na kalusugan mo ang nakataya.” Pagkukumbinsi sa akin ni Tito Lando.
Hindi na ako sumagot.
“Sige, ganito na lang, kung ayaw mong umalis dito, kainin mo ito. Kapag naubos mo ang sopas na ito, iiwan ka na namin.”
“Tito, I’m 23 na po. Bakit hanggang ngayon kasi ginagawa pa din ninyo akong bata. Kakain po ako but not now. Saan na kasi ‘yun. Sana hindi ko na lang siya iniwan doon.” tumingin ako sa paligid. Umaasang padating na si Romel.
“Kung mahal ka niya, kahit ilang taon pa ‘yang mawawala, babalik at babalik sa’yo. Ngayon, kahit pa magdamag ka dito na nakatayo, palinga-linga na darating siya kung ayaw pa talaga niyang magpakita, wala kang magagawa.” Banat na naman ni Tito Terence.
“Sige po, just give me one hour. Kung hindi pa po siya darating sa palugit kong isang oras, siguro nga kailangan tanggapin ko na na hindi pa ito ang tamang panahon para sa amin dalawa.”
“Oh, ano daw ang balak niyan? Baka gusto niya dalhan ko na din siya dito ng kama at kulambo?” si Tito Mario.
Kasabay niyang dumating si Tito Bryan.
“Kailangan talaga partner-partner ang lapit? Nang-iinggit ba talaga kayo?” napapangiti kong biro.
“Bakit? May kailangan bang kaiinggitan? Saka sinabi ko na kasi sa Papa Xian at Papa James mo na hindi uubra yung mga ganitong eksenang biglaang kasal. Oh ano ngayon di lalo ka lang nasaktan at umasa. Kaya sige na, bumalik ka do’n at baka ka magkasakit na naman.” Hinila ako ni Tito Mario.
“Bakit ba kasi nandito na naman kayong lahat. Baka akala ninyo abswelto na kayo sa ginawa ninyo noong Thirdy year high school lang ako. Pinagtulungan ninyo akong ilayo kay Romel. At ikaw Tito Bryan ang unang humila sa akin no’n palayo sa kuwarto niya nang nagkamalay siya. Ikaw yung dahilan kung bakit hindi niya nalamang buhay ako.”
“See? Sinabi ko na kasi sa’yo mahal, na hindi mo ako dapat hinihila dito kasi sa akin na naman maibunton ang unang sisi. Parang ako lang ang may pakana.” Sagot ni Tito Bryan. Niyakap niya si Tito Mario sa kaniyang baywang. Pinisil ni Tito Mario ang ilong niya saka sila naghalikan ng mabilisan sa labi.
“Iwwww! Puwede ba! Antatanda na pero kapag makapag-ihhhh! Nawawala yung eksena ko dito eh! Sige na, doon na kayo please?”
“So ano, hahayaan ka na lang naming magpakatanga ka dito? Sige, eto sinasabi namin Jino ah, huwag mong hintaying mapuno sa’yo ang Tito Jinx mo. Kanina pa naming ‘yun pinipigilang lapitan ka. Naku! Alam mo naman ang tiyahin mong ‘yun. Akala niya kasi, Gobernadora pa rin siya e, dalawang eleksiyon na ngang Luz Valdez ang tita mo.” Banat ni Tito Terence.
Nagtawanan sila.
Pati ako ay napangiti na din.
“Ooops hala ka mahal, padating na yung sinasabihan mo.” Hinila ni Tito Lando si Tito Terence saka niya ito niyakap patago sa padating na si Tito Jinx. Nakita ko pa ang patagong paghalik ni Tito Lando kay Tito Terence sa pisngi.
“Guys, atras na. Nandiyan na si Miss Minchin. Dapat kasi hinahanapan ‘yan ng dyowa ng di ganyan kasungit. Tignan mo. Bitter pa din siya.” Bulong ni Tito Mario kay Tito Terence.
“Naku, banatan mo ‘yan ng ganyan at tignan mo’t di ka aawayin. Hanggang kamatayan nga daw ang sumpaan nila ni Clyde. Sa langit na daw sila magkikita at muling magkasama.” Sagot ni Tito Terence.
Nasundan iyon ng tawanan.
“Oh, ano, ako na naman ang nakita ninyo. Naririnig ko kayo ano! E, sa one and only love ko si Clyde may problema ba? Hindi naman ako katulad ng iba na nang namatay ang jowa ay may iniwan na titingin at magmamahal sa akin. Paano kaya kung darating yung araw na magkikita silang tatlo sa langit, sino ang pipiliin, si Gerald na unang minahal o si Bryan na sumalo. Basta ako, di na ako maguguluhan.” Mataray na parinig ni Tito Jinx.
“Paano naman kung tsismis lang ang tungkol sa langit?” sagot ng nakatawang si Tito Bryan.
                “Kung tsismi at least masaya akong mag-isa. Paano naman ngayon kung totoo nga, e di nganga ka!”
                “Oh, ano sabi sa’yo sa akin na naman ang bagsak ng galit e. Tara na nga at baka madamay tayo sa galit niya sa mundo.” Hinila ni Tito Mario si Tito Bryan.
“Jinx, kulang ka lang sa dilig. Try mo din minsan magpadilig kapag may time. Kaya ka sumusungit kasi pagkatigang lang ‘yan. Umaasa ka lang kasi sa wisik ng ulan ‘te” Banat ni Tito Terence.
Nagtawanana silang lumayo sa amin.
“Oh, ikaw pangiti-ngiti ka diyan. Ano pang hinihintay mo dito. Sige na, sumilong ka do’n. Kanina ka pa dito, kung talagang pupuntahan ka, kanina pa dapat ‘yun. Ilang oras ka na diyang nakatayo. Nagmumukha ka nang tanga.”
Huminga ako ng malalim.
Inilibot ko ang paningin ko. Padilim na ang paligid. Masakit na din ang paa kong nakatayo kaya nagdesisyon na akong sumama kay Tito Jinx para sumilong at pagpalit.
Naluluha ko na lang pinagmasdan ang nasirang plano naming kasal. Kung sana alam lang niya na pinaghirapan ng lahat ng mga tito namin at magulang ang lahat ng ito para makabawi sila sa kaniya ngunit nanatiling sarado pa din ang isip at puso niya. Hindi ko tuloy mapigilang mag-alala  kung nasaan na siya? Kung nandito pa ba sa beach o tuluyan nang umalis.

Pagkapalit ko ay nahiga na muna ako sa kuwarto ng nirentahan naming resthouse. Umaasa pa ding darating siya. Tatabi sa akin, hahalikan ako at sabihin niyang napapatawad na niya ako. Sa kahihintay at pagod ay nakaidlip ako.

Isang marahang tapik sa balikat ang gumising sa akin. Pagbukas ko sa aking mga mata ay nakita ko si Papa Xian na namumula ang mga mata na parang pinipigilan niyang umiyak.
Bigla akong kinabahan.
Napabalikwas ako.
“Pa, bakit ho?” kinakabahan kong tanong.
“Halika anak. Sumama ka sa akin sa labas. Gusto kong magpakatatag kang muli ha.”
“Pa, may nangyari ho ba kay Buboy?” tanong ko. “Kaya ba hindi siya dumating? Pa, kinakabahan po ako.”
Hinaplos niya ang likod ko.
“Basta anak, nandito lang kami ha? Huminga ka ng malalim. Punuin mo ng hangin ang dibdib mo at uminom ka muna ng tubig.” Iniabot niya sa akin ang hawak  niyang baso.
“Pa, sabihin na ho ninyo sa akin, please?” nanginginig ang kamay kong may hawak ng baso. Inilapag ko iyon sa mesa na di umiinom.
“Malalaman mo din pero kailangan mong paghandaan anak.”
Tumayo ako.
 Tuluy-tuloy akong lumabas at naabutan ko silang lahat sa sala.
Natuon ang tingin ko sa noon ay nakatayong si Kuya Jello. Duguan ang kaniyang puting damit. Lalong tumindi ang kaba sa aking dibdib. Tingin palang nila sa akin ay alam ko nang may masamang nangyari. Nangangatog ang tuhod ko pero kailangan kong magpakatatag lalo pa’t sarili ko lang na takot ang nagpapahina sa akin. Wala pa akong naririnig. Wala pa silang ibinabalita.
“Kuya Jello, nasaan ho si Romel?” garalgal na tanong ko.
Hinawakan ni Kuya Jello ang kamay ko.
Tumitig siya sa akin.
Halatang nahihirapan niyang sabihin sa akin ang pakay niya.
“Si Romel kuya? Nakita mo ba? Kasama mo ba iya kanina?” sunud-sunod kong tanong.
Umiinit na ang paligid ng aking mga mata.
“Jino, huwag kang mabibigla sa sasabihin ni kuya ha?”
                “Ano ba kasing nangyari! Kuya naman eh!”
                “Kaninang huli kayong nag-usap, dinaanan niya kami nina Miggy at Philip.” Pagsisimula niya. “Kailangan daw niya ng makakausap para mawala yung pagkabigla at galit niya sa nangyari. Nakonsensiya kasi kami dahil bahagi din naman kami sa lihim na iyon. Kaya ‘yun, sumama kami sa kaniya. Gusto daw niyang maglasing baka sakaling paggising niya kinabukasan ay maayos na ang lahat. Mawala na yung galit at pagmamahal na lang niya sa’yo ang maiiwan. Ngunit umiinom palang kami, ramdam na namin ni Miggy na kaninang umaga lang ay gusto ka na niyang patawarin. Nagtatampo lang siya, nalilito, nagagalit pero nang bumuhos ang malakas na ulan at dumating si Papa Zanjo niya para sabihing naghihintay ka sa pagdating mo ay doon na siya napaisip ng husto. Tinanong niya ang Papa Zanjo niya kung anong meron at bakit kailangan mong maghintay sa gitna ng malakas na ulan. Wala na kaming ibang maisip na idahilan kundi ang amining hinihintay mo siyang dumating para matuloy ang pinaghandaan ng lahat na surprise wedding ninyo. Napaluha siya. Nagmamadaling tumayo. Nagpaalam sa amin na kailangan na niyang umalis dahil baka daw magkasakit ka. Kailangan daw na ituloy ang kasal kahit sa gitna ng ulan. Marami daw kasi kayong alaalang dalawa habang umuulan at gusto niyang samantalahin ang pagkakataon. Kaya lang…” natigilan si Kuya Jello.
Huminga siya ng malalim.
Sa ginawa niyang iyon ay parang ako ang nauubusan ng hangin sa aking dibdib.
Nahihirapan na akong kotrolin ang kaba sa aking dibdib.
“Kaya lang, ano? Kuya sabihin mo sa akin, anong nangyari?”
“Mahirap mang sabihin ito pero kailangan mo nang malaman.”
“Ang alin ho! Anong nangayri kay Buboy?”
“Sa pagmamadali niyang tumawid at dahil na din sa lakas ng ulan, hindi niya nakita ang padating na sasakyan. Huli na nang pigilan na namin siya. Hindi…”
“Hindi kuya, niloloko mo ako. Gumaganti lang siya… Kuya sabihin mong hindi totoo please?” Doon na bumigay ang luha ko.
Iba ang sinasabi ko sa gusto kong paniwalaan. Kasi alam kong hindi ako matitiis ni Buboy ng ganoon katagal. Mula nang minahal niya ako, hindi siya naghihintay ng isang oras bago niya ako amuin kaya kahit gano’n ang sinasabi ko, natatakot pa din ako.
“Sige, sabihin na nating nabangga nga siya, siguro naman nadala ninyo kaagad siya sa hospital. Siguro naman buhay pa ang mahal ko.” lumuluha ako pero kaya ko pang kontrolin ang emosyon ko.
Kaya lang, lahat sila napapaluha na ding nakatingin sa akin, na para bang wala na akong naiwang kakampi na naniniwalang buhay pa ang brad ko.
“Jino, we’re sorry. Binawian na siya ng buhay nang madala namin siya sa hospital.” Iyon na ang tuluyang dahilan kaya ang pagluha ko ay nauwi sa matinding paghagulgol.
“Hindi eh! Kuya huwag namang ganito, huwag naman ninyong paglaruan ang damdamin ko. Ayaw ko! Hindi ako naniniwala! Ayaw kitang paniwalaan. Ginagawa lang niya ito para gantihan ako, hindi ba? Kuya naman!”singhal ko.
“Jino, nakunan ko siya ng picture kanina habang dinadala namin sa hospital. Heto yung mga mga kuha niya sa cellphone ko.” si Philip.
Katulad ni Kuya Jello, duguan din ang damit.
Nanginginig ang kamay kong kinuha ang cellphone ni Philip. Nakita ko ang naliligo sa dugong katawan at halos hindi na makilalang mukha ni Buboy.
Siya nga iyon at sa dami ng dugo na halos pumuno sa kaniyang mukha at katawan ay tuluyan na akong pinanghinaan.
Nabitiwan ko ang cellphone.
Nanghina ang tuhod ko.
Nanginginig na ang buo kong katawan hanggangs a sumalampak na lang ako at paulit ko nang isinigaw ang kaniyang pangalan.
“Buboyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!!!!!!!!!!!!!!! Bubooooyyy ko!!!!!!!”
Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Papa Xian at Papa James.
“Pa! Di ba buhay pa si Buboy? Pa, kanina lang kami nagkita e. Walong mahabang taon kaming nagkahiwalay, walong taon kong hinintay na dumating siya at maipagpapatuloy namin ang aming pagmamahalan, pero Pa bakit! Bakit kinuha na siya ng Diyos sa akin! Kanina lang kami nagkausap, ni hindi ko pa nakuha ang kaniyang  pagpapatawad. Pa! Hindi puwede! Hindi siya puwedeng mamatay.” Nagwawala ako habang pilit nila akong pinapakalma.
“Anak, kami man ay nalulungkot sa nangyaring ito sa inyo, ngunit wala kaming kampangyarihan para ibalik pa ang buhay niya. Kailangan mong magpakatatag. Pupuntahan natin siya sa Hospital.” Pakiusap ni Papa James.
“Pa, ito na  a yung karma ng ginawa nating pagsisinungaling? Siya ang namatay at hindi ako Pa! Kung hindi sana ninyo kami pinaglayo, sana man lang mahabang panahon pa kami nagkasama. Namatay siyang wala man lang akong ginawa para ipaglaban siya. Siya lang yung laging nakikipaglaban para sa akin! Ano ngayon Pa, masaya na kayo? Masaya na kayong makitang habambuhay na kaming magkakalayo?” sigaw k okay Papa. Galit na galit ako at binalot ng pagdadalamhati ang puso ko.
“Anak, walang may gustong mangyari sa kaniya ito. Sige na, mag-ayos ka. Kailangan natin siyang puntahan sa hospital.”
Sinikap kong tumayo ngunit hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Gusto kong magpakatatag ngunit natatalo ng pagdadalamhati ang naiiwang katiting na lakas sa aking dibdib. Lalo pa’t nakikita ko ding magkayakap ang Daddy Ced niya at Daddy Mak niya na umiiyak sa sulok.
Wala na ni isa akong makapitan. Lahat sila lumukha. Wala ni isa akong puwedeng mahugutan ng lakas. Hanggang sa lumapit sa akin si Tito Jinx. Niyakap ako ng mahigpit.
“Hindi pa dito natatapos ang buhay. Noong ikaw ang pinalabas naming namatay sa kaniya, sumuko ba siya? Pinanghinaan ba siya ng loob? Anak, hindi naging gano’n si Romel kasi pinili niyag mabuhay para sa’yo. Ngayon na siya ang nawala, sana gano’n din ang gawin mo. Walang nagbabawal sa’yong umiyak, magdalamhati ka hanggang mawala yung sakit ngunit nasa hospital ang bangkay ng mahal mo. Kailangan ka niya doon. Kailangan natin siyang puntahan.” Pabulong na sinabi ni Tito Jinx sa akin habang hinahaplos niya ang likod ko.
Tinulungan niya akong tumayo at inalalayan hanggang sa sasakyan. Nagsunuran na din ang lahat. Sumakay na din sila sa kanilang mga sasakyan. Tumabi sa akin sina Papa. Nakatingin lang ako sa malayo. Hindi ako nauubusan ng luha. Kaninang umaga, nakita ko lang siyang nakahubad ng pang-itaas, naglalakad sa beach na parang walang pinagdadaanan. Sana pala hindi na lang muna ako nagpakita. Sana pala, hinayaan ko na lang muna siya. Sana kahit minsan naipaglaban ko man lang siya, naramdaman niyang hindi lang siya yung nakikipaglaban para sa akin. At ngayong wala na siya, ano pang silbing ipaglaban ko kung kinuha na siya ng Diyos sa akin.
“I’m sorry anak. Patawarin mo kami kung sa tingin mo may pagkakamali kami sa nangyaring ito sa inyo.” Bulong ni Papa James sa akin.
Hindi na ako sumagot.
Para saan pang sisihin ko sila. Hindi na iyon maibabalik ang buhay ng mahal ko. Hindi na mababayaran ng kahit ilang sorry pa nila ang nangyaring ito sa amin. Walong mahabang taon, ni wala pang dalawang oras kami nagkasama at nagkausap.
God!
Bigyan mo ako ng dahilan para tanggapin ito na maluwag sa aking kalooban!
Pagdating namin sa Hospital ay agad kaming sinalubong ni Papa Zanjo kasama ang isang babaeng doctor.
“Si Doc Bea pala, kaibigan at kaklase namin ni Dude Pat noong High School kami. Siya yung tumingin kaninang dinala namin dito sa hospital si Romel.” Nakayuko at maluha-luhang sinabi ni Papa Zanjo. Alam kong pinipigilan lang nito ang maluha.
Mabilis na lumapit sa kaniya si Daddy Ced. Nagyakapan sila. Hanggang sa humagulgol na ito.
Dati na akong umiiyak. Pagpasok ko palang sa hospital, humahagulgol na ako. masakit na ang aking ulo, pakiramdam ko konting-konti na lang bibigay na ako.
“Gusto naming makita ang bangkay ng anak namin Dok.” Pakiusap ni Tito Ced. Humihikbi siya at halatang halatang di na niya halos makayanan pa ang lahat.
“Sumunod kayo sa akin.” seryosong tinuran ni Dok Bea.
Nagdadasal pa din ako sa Diyos na sana, buhay siya. Nang pumasok na kami sa Morgue ay nasisigurado ko nang hindi na lang palabas ang lahat. Naabutan namin ang ilang staff sa hospital at si Miggy na nakaupo sa kaniyang tabi. Natatakpan siya ng puting tela.
“Ahm pakiusap lang ho, bawal hong yakapin muna ang bangkay dahil inaayos palang ho naming ang kaniyang katawan. Duguan pa kasi ito. Kailangan pa pong malinis namin siya. Maari na ninyong hawakan ang bangkay kapag malinis na siya at maiuwi sa inyo. Kaya manatili lang ho sana tayo dito sa bahaging ito.” Itinuro ng doctor kung saan lang kami puwedeng tumayo.
Nang matanggal ang nakabalot na tela sa mukha at buong katawan nito ay tuluyan nang umikot ang paningin ko. kitang-kita kasi kung gaano kalaki ang sugat sa kaniyang ulo. Sumisigaw na ako. Nagwawala na ako. Gusto ko siyang lapitan at yakapin. Nais kong maramdaman niyang nandoon ako at hindi kayaning nakikita ang sinapit niya. Nadudurog ang puso ko. Pakiramdam ko nawasak ang dibdib ko. Kita-kitan sa kaniyang mukha ang trahedyang sinapit niya. Wala na ang brad ko!  Patay na ang Buboy ko! Iniwan na ako ng kaisa-isang lalaking nagmahal at minahal ko. Sinapo ko ang aking ulo.
“Buboyyyyyyyyyyy! Anak koooo!” sigaw ni Tito Ced habang pinipigilan siya ni Tito Mak na mahawakan ang bangkay ng pinakamamahal ko. “Patawarin mo kami anak! Sana naging totoo na lang kami sa’yo noon. Sana pala ipinagtapat na lang namin ang totoo kasi totoong nakatapos ka, nagtagumpay ngunit pagkatapos pala niyon ay mawawala ka din sa amin! Napakasakit sa akin anak, kasi sa ipinagkatiwala ka ng Daddy Romel mo sa amin. Iniwan ka sa amin kasi gusto niyang may buhay siyang alaala sa amin ng Daddy Mak mo, ngunit ano itong ginawa namin! Anak, hindi ko alam kung paano ko mapapatawad ang sarili ko. Buboyyyy kooooo! Anak!!!!” nagwawala na si Tito Ced. Kung hindi lang siya pinigilan ay halos hilain na niya ang bangkay.  “Oh my God! Bakit dalawa na lang silang mag-ama na kinuha mo sa amin. Anong pagsubok itong patuloy mong pinapabuhat sa akin.” sigaw ni Daddy Ced. “Bakit ang kaisa-isang anak pa namin Diyos ko. Minsan mo nang halos kinuha siya sa amin at ngayon ay tuluyan mo na siyang binawi. Gusto kong intindihin ka Diyos ko! Gusto kong malaman ang dahilan ng lahat ng ito! Mak, wala na ang anak natin! Kinuha naman siya ng Diyos. Bakit gano’n beybs. Bakit ganoon siya sa akin?” humahagulgol niyang sinabi habang magkayakap na sila ni Tito Mak. Iyon ang tagpong lalong nagpahina sa akin.
Muli nilang tinakpan ang bangkay ni Romel.
“Huwag, huwag na ho muna ninyong takpan. Parang awa na ho ninyo! Gusto ko hong makita ang brad ko!” pakiusap ko.
“Sa labas na lang ho tayo maghintay mga sir. Kailangan muna nating ayusin ang bangkay para maiuwi na natin sa bahay ninyo.” Pakiusap ni Dok Bea.
“Hindi! Ayaw ko. Dito lang ako. Baka mabuhay pa siya. Baka katulad lang dati na nawalan siya ng malay. Hindi puwedeng mamataya ang brad ko!” Gusto kong isigaw ang lahat ng iyon ngunit hindi ko maigalaw ang aking dila. Walang kahit anong tinig na lumalabas sa aking labi. Naninigas na din ang aking katawan. Dumidilim ang aking paningin at kahit gusto kong umiyak ay wala na akong mailuha pa. Hanggang sa tuluyan na lang akong natumba. Tuluyan na akong walang maalala pa. Nangibabaw nang muli ang kadiliman na sinundan nang nakabibinging katahimikan.

Paggising ko ay nakahiga ako sa isang puting kama. Nasa tabi ng kama kong nakaupo sina Papa Xian at Papa James. Kaagad nilang hinawakan ang braso ko.
“Kumusta na ang pakiramdam mo anak?” tanong ni Papa James sa akin.
Sinikap kong kumalma.
Dahan-dahang umagos ang luha ko sa aking pisngi. Ngunit pilitin kong kayanin. Tulad ng pagkaya ni Buboy nang gumising siya mula sa coma at pinalabas ng lahat na patay na ako. Wala siyang nakitang bangkay noon, ako kitang-kita ko ang sinapit niya. Iniwan na ako ng brad ko. Hinding-hindi ko na siya muli pang makakasama. Dala na niya ang lahat ng pangarap ko para sa aming dalawa. Natuldukan na ng gano’n lang ang sana ay masaya naming muling pagsisimula.
“Pa, ilabas na lang ho ninyo ako. Gusto ko na hong makasama si Romel. Gusto kong bawiin yung mga panahong wala siya sa piling ko, kahit ngayong malamig na siyang bangkay.” Humihikbi kong sinabi kina Papa.
Bumangon na ako.
“Pero anak, nawalan ka ng malay dahil hindi mo kinaya ang makita siyang gano’n. Baka puwedeng ipagpabukas na lang?”
“Pa, kahit ngayon lang muli ninyo ako pagbibigyan. Sinunod ko kayo noon Pa. nagkalayo kami ni Bubboy. Ngayon, nasa edad na ako. Hindi na ninyo puwedeng diktahan ang buhay ko.” singhal ko.
“Sige, ‘nak. Kung ‘yan desisyon mo. Wala ang bangkay ni Romel dito sa Hospital. Hinihintay na lang tayo ni Jello para sa kaniya na lang daw tayo sasabay papunta sa chapel na paglalamayan kay Romel.”
Inilagay ko ang dalawa kong palad sa akin mukha. Doon ko itiuloy ang paghagulgol.
“Hintayin na lang ninyo ako sandali para maiayos ko muna ang paglabas mo dito. Pero, anak, sigurado ka bang kaya mo na?” tanong ni Papa Xian.
“Kaya ko na po ‘Pa.” sagot ko.

Pagkalabas namin sa Hospital ay nag-aabang na si Kuya Jello sakay sa kaniyang van.
Tahimik akong sumakay.
Habang binabagtas namin ang daan ay pumikit na muna ako. Gusto kong sariwain ang lahat-lahat na ginawa namin ni Romel nang mga bata pa kami. Ang ilang beses naming pagsusuntukan, ang kaniyang mga pagsulyap-sulyap, ang paglapit niya sa akin hawak ang chocolate, ang kaniyang mga halik at yakap. Ang walang kapantay niyang pagmamahal sa akin.
“Okey ka lang tol?” tanong ni Kuya Jello sa akin nang nakita niyang nakapikit ako.
“Okey lang kuya. Gusto ko lang ibalik sa isip ko ang mga masasayang alaala namin ni Buboy. Gusto kong doon ako huhugot ng lakas sa amiung nakaraan para kapag makita ko na muli siya mamaya ay kayak o na. Alam kong gusto niyang magpakatatag ako at iyon ang gagawin ko. Sabihan na lang ho ninyo ako mamaya pagdating natin sa chapel.” Malungkot kong sagot.
Inilagay ko ang hawak kong face towel sa aking mukha.  muli akong pumikit at sinariwa ang masasaya naming nakaraan.

Ilang sandali pa ay tinapik na ni Kuya Jello ang balikat ko.
“Baba na tol. Nandito na tayo.”
Huminga ako ng malalim. Kakayanin ko ‘to para sa brad ko. Kailangan kong tibayan ang dibdib ko.
Nauna nang bumaba ang mga magulang ko.
Sumunod na din ako.
Natigilan ako.

Alam na alam ko ang lugar na ito.
Walang chapel dito.
Ito yung park na kung saan kami noon laging tumatambay ni Romel.
Balot nandito kami?
Anong ginagawa namin dito?
Maliwanag ang paligid. Hindi isang lamay ang nakikita ko kundi parang…

Oh my God!

Nagkatinginan kaming lahat.
Dumating na din ang iba ko pang mga tito ko, si Tito Mak at Tito Ced ay parang nagugulat din sa kung anong meron.
             
                “Nasaan ang kabaong ni Romel?” tanong ko kay Kuya Jello.
                “Hayan na pala si Tito Zanjo. Sa kaniya na lang ho kayo magtanong ho.” Malakas na tinuran ni Kuya Jello para sa aming lahat.
                Katahimikan.
Kaiba sa nangyaring eksena kanina sa hospital.
Sabay-sabay kaming naglakad ngunit nang nasa isle na ako na nababakuran ng mga bulaklak ay bigla silang tumigil. Para bang may nagbawal sa kanilang ipagpatuloy ang paglalakad kaya ako na lang ang naiwang naguguluhan sa kung ano ang nangyayari.
Nakita ko ang paghawak ni Tito Carl sa mikropono sa dulo. Lumiwanag ang stage. Halatang hindi na lamay ang pinuntahan namin. Nagsimula siyang kumanta ng isang kantang maraming kinalaman sa pagmamahalan namin ni Buboy.
The first time that you spoke my name
It somehow sounded not the same
Was like I knew from that moment on
 That this is what I'm living for
Fate had opened up the door
And who am I to say that heaven could be wrong

 Hanggang dahan-dahan, mula sa likod ng punong punum-puno ng bulaklak ay lumabas ang akala ko ay patay na. Itinaas ko ang dalawang palad ko at tinakpan ko ang aking bibig.
Nakangiting si Romel habang titig na titig siya sa akin. Napakaguwapo niya sa suot niyang black suit at tuxedo.
Humintong sandali ang ikot ng aking mundo.
Wala akong marinig, wala akong ibang nakikita kundi siya na naglalakad palapit sa akin.
Sinikap kong bumunot ng isang malalim na hininga dahil kung hindi ko gagawin iyon ay alam kong hihimatayin ako.
 Hanggang ang layo na lang niya sa akin ay isang dipa.
Dahan-dahan siyang lumuhod gamit ang isa niyang paa.
May inilabas siyang maliit na kahon s abulsa ng kaniyang suit at binuksan niya iyon.
“Will you marry me tonight?” buo ang pagkakatanong niya.
Napaatras ako.
Humawak ako sa aking dibdib.
Mas mabilis na naglakbay ang mga luha sa aking pisngi kaysa sa makapagsabi ako ng kahit anong salita.
Nangangatog ako, nanghihina sa di ko inaasahang pangyayari.
Napahawak ako sa isang flower stand at dahil sa hindi ko nakakayanang emosyon ay kasabay ko na dapat iyong matumba ngunit sa isang kisapmata ay nayakap ako ni Buboy sa baywang at dahil nakaluhod ang isang paa niya at hindi niya inaasahan ang paghila sa akin ay sabay kaming bumagsak sa damuhan.
Umibabaw siya sa akin.
Halos magdampi ang aming mga labi.
Pumikit ako.
Gusto kong masigurong hindi ako nananaginip lang, na lahat ng ito ay totoong nangyayari.
 Hindi patay ang brad ko, hindi siya kinuha ng Diyos sa akin. Buhay ang Buboy ko.
Humikhikbi na ako.
Dahil ba sa pagkagulat? Sa galit na naisahan ako? Sa sobrang saya na buhay siya? Hindi ko alam basta nanginginig lang ako at naninigas.
Muli kong iminulat ang aking mga mata.
Naririnig ko pa din ang boses ni Tito Carl. Kinakanta pa din niya ang theme song namin ni Buboy nang mga bata pa kami.

At least I know they'll know
That in this life I've made mistakes
That I did one thing right
Cause I will spend forever loving you
If it's all I ever do, my love

“Huminga ka ng malalim. Sabayan mo akong bumunot ng malalim na hininga para ma-relax ka, please brad ko.” bulong niya sa akin.
Nahagip ng pang-amoy ko ang kaniyang hiningang matagal ko nang pinapangarap na muling maamoy.
“Akala ko kasi…”
 Inalalayan niya akong umupo saka hinalikan sa noo.
“Akala mo patay na ako? Bakit kung sakali ba, hindi mo kakayanin?”
“Ansama mo talaga! Gusto mo yata akong patayin sa nerbiyos” sinuntok-suntok ko siya ng mahinang-mahina sa kaniyang dibdib.
Hinatak niya ako at niyakap ng mahigpit na mahigpit.
“Buhay ako, brad. Buhay na buhay. Sa ngayon, wala kang ibang gagawin kundi ang tumayo. Please, tumayo ka muna.” Malambing niyang bulong.
“Sandali naman. Gusto ko lang bumalik muna sa katinuan. Kasi kanina pa ako parang nababaliw.” Pabulong din ngunit may halong pagkainis.
Niyakap niya muli ako ng mahigpit.
Hinalikan ako sa aking pisngi.
“Wawa naman ang brad ko. Masyado yatang nadala sa naisip kong ganti sa kanilang lahat. Sorry na ha. Okey na tayo. Patas na. Ikaw nga, ilang oras lang, ako brad ko, walong taon. Walong taon akong pinahirapan ng palabas ninyong patay ka na. Kaya peace na tayo okey?”
“Sana bumawi ka na lang sa ibang bagay, huwag yung ganitong patayin mo kami sa nerbiyos at pagdadalamhati.”
“Sana din pala, nagdahilan na din lang kayo noon ng iba para hindi nila pinatay ang puso ko ng ilang taon.” Palabang sagot niya.
“Okey fine! Talo na kami.” Naiirita akong tumayo.
Nanatili siyang nakaluhod.
Muli niyang binuksan ang maliit na kahon.
Napakagat ako sa aking labi.
“Brad, will you marry me tonight?” muli niyang tanong.
“I should have married you this morning pero hindi ka dumating.”
“Simpleng tanong lang brad, wala pa akong nahihintay na tamang sagot. Aba! masakit na sa tuhod ha.” Natatawa niyang sagot.
“Ano na uli yung tanong?” Hindi sa hindi ko siya narinig sa una at pangalawa kundi gusto ko lang namnamin ng maigi yung moment.
“Jino Reyes, brad ko, papakasalan mo ba ako ngayong gabi?”
Yumuko ako.
Hinalikan ko siya sa kaniyang labi at habang magkalapat palang ang mga iyon ay ibinulong ko na ang noon ko pa gustong sagot.
“Yes! Papakasal tayo brad ko kahit hindi ito buong tanggap ng lipunan, na kahit sa tingin ng iba, kasal-kasalan lang ang lahat ng ito. Basta sa harap ng pamilya natin at kaibigan ay nagawa nating magsumpaan.”
Mabilis siyang tumayo.
Binuhat niya ako.
Muli niya akong hinalikan sa aking labi.
“Bakit biglang naging masalita kang tao? Napakarami mo nang idinudugtong sa mga simpleng sagot mo lang sana.” Napansin na din pala niya.
Inginuso ko ang mga naluluhang mga Tito ko na siyang umaruga at nagmahal sa akin sa probinsiya. Sila ang dapat sisihin kung bakit ako nagkaganito.
Lumapit sa amin si Tito Ced at Tito Mak, bakas sa kanilang mukha ang madaming katanungan ngunit gumarang sa kanila si Papa Pat.
“He’ll explain, mga anak.”
“Pa naman, may kinalaman pa talaga kayo dito?” tanong ni Tito Ced.
“Di ba nga, dati na kaming kumokontra ng Papa Zanjo ninyo sa palabas ninyo noon? Bumabawi lang kami. Sige na, maupo na muna kayong lahat sa bakanteng upuan.” Pagtataboy niya sa kanila.
Nagsunuran ang lahat at bakas pa din sa mukha ng lahat ang pagkalito.
Ibinigay ni Tito Carl ang mikropono kay Buboy at kasabay niyon ang paghila nina Jheck at Miggy sa akin patungo sa likod ng ginawa nilang improvised stage na natatabingan ng putting tela na halos napuno ng maraming puting bulaklak. Napangiti ako nang makitang naroon na pala ang mga susuutin ko para sa aming kasal. Habang nagpapalit ako ay naririnig ko ang sinasabi ni Buboy.
“Una gusto ko pong humingi sa inyo ng tawad dahil sa naisip kong paraan kung paano ko din sa inyo maiparamdam na hindi ganoon kadali ang ginawa ninyong pagpapahirap sa aking kalooban ng walong taon. Yung sakit ng pagdadalamhati, yung lungkot na malayo sa pamilya ko at yung parang tumigil na ang puso ko sa pagtibok. Sana, nakakuha tayo ng aral sa ginawa namin na hindi kailanman nakakatuwang palabasing patay na ang minamahal ng isang tao para lang paglayuin at makatapos sila sa kanilang pag-aaral. Para na din lang kasi ninyo ako pinatay noon. Paano kung wala akong lakas na loob na labanan ang pagdadalamhati? Paano kung nagmahal ako ng iba at huli na nang nalaman kong buhay pa pala si Jino na tanging minahal ko? Di lalo lang nagulo ang buhay namin? Hindi ko ho ginawa ito dahil gusto ko lang gantihan kayong lahat, ginawa ko ito para ipaunawang hindi biro ang hirap na pinadanas ninyo sa akin.
Pangalawa, gusto ko ding magpasalamat sa mga taong tumulong sa akin para mas magmukhang totoo ang nangyari kanina. Kay Kuya Jello na naging messenger, kay Papa Zanjo na kumausap kay Doc Bea at sa hospital kung saan ilalagak ang bangkay ko. Huh! God! Hindi madaling mahiga sa morgue ng kahit isang minuto lang ha. Kay Doc Bea na pinag-isipan na maitago ang paghinga ko sa puting tela at kung paano mapagbawalan ang lahat na hawakan ako. Kay Miggy na nakalimutan yata ng brad ko na isang magaling na prosthetic artist ang kaibigan name kaya nagawa niyang magmukhang totoo ang mga sugat ko, kay Philip na kumuha ng litrato para magsilbing ebidensiya, kay Papa Pat, Tito E-jay at Tito Carl na nagtulung-tulong para maihanda ang park na ito na kung saan gaganapin ang aming kasal. Baka ho puwede na ding humiling na gawin nating pangkasal ang ating mga kasuotan at hindi parang pumunta lang kayo ng lamay. Alam kong may nakahanda na kayong mga damit sa inyong mga sasakyan dahil gusto ninyo akong sorpresahin sa kasal kaninang umaga pero sad to say, mas magaling yata ang team ko to surprise you all.
Nagtawanan na ang lahat. Malinaw na ang lahat ng nangyari.
Higit sa lahat, alam kong may dalawang tao akong sobrang nasaktan kanina. Kung hindi tinakpan ni Dok Bea ang mukha ko, siguradong kitang-kita ninyo ang pagbaybay ng luha sa aking pisngi. Dad, sorry po. Masakit kasi sa dibdib na pinaiiyak ko kayo. Mga Daddy ko, higit pa sa tunay na anak ang turing ninyo sa akin at habang-buhay ko kayong ipagmamalaki, mamahalin at aalagaan. Sobrang bigat talaga sa dibdib hanggang ngayon yung nangyaring pag-iyak ninyo kanina at dahil do’n, gusto kong malaman ninyo na hinding-hindi na ako mawawalay pa sa inyo kahit kailan. Hindi ko man pa ito nasasabi sa inyo, hindi naman kasi ako madalas maglambing sa inyo pero gusto kong malaman ninyo at nang lahat na mahal na mahal ko ho kayo. Kayo ho ang dahilan kung bakit mas nagiging mabuti akong tao. Salamat Daddy Ced at Daddy Mak.”
Nang makapagpalit ako ay sinikap kong silipin sila. Nakita kong lumapit sina Tito Ced at Tito Mak at niyakap nila ng mahigpit si Buboy na akala ng lahat ay patay na. Hindi ko mapigilan ang di maluha sa nakita kong pag-iyak nina Tito Mak at Tito Ced. Daman-dama ko kung gaano nila kamahal si Buboy.

Hanggang sa nang nakapagpalit na ako ng kawangis ng suot ni Buboy ay nagsimula na ang isang gabing hindi ko inaasahan. Gabing akala ko sa tabi ng kabaong ng pinakamamahal ko ako uupo habang iiyakan ang kaniyang pagkamatay ngunit nandito na, mabubuo na kaming dalawa. Mapag-iisa na kami ng aming pagmamahalan.
Parang ang lahat ay panaginip lamang.
Hindi aakalain ng lahat na minadali ang preparation sa kasalang iyon. Nakikisama ang panahon. Nang nagpasalamat ako sa Diyos sa lahat ng nangyayari at tumingala ako sa langit ay parang mga malilit na diyamante ang ikinalat sa langit para saksihan ang aming pag-iisang dibdib. Liwanag nang maraming kandila ang nagsilbing ilaw namin mula sa kinatatayuan ko hanggang sa kung saan siya nakatayo at naghihintay sa aking paglalakad. Nagmumukha tuloy na ako ang babae sa aming dalawa. Hindi ba puwedeng sabay na lang kaming maglakad hanggang sa harap ng magkakasal sa amin? Ako talaga ang kailangan magmartsa?
Sa dulo ay naroon siyang nakangiting naghihintay sa paglapit ko sa kaniya. Doon siya sa bench na kung saan pinalibutan din nila ng sari-saring puting bulaklak. Iyon ang upuan piping saksi nang aming makamit ang unang pagsabog ng aming pagmamahalan.
Huminga ako ng malalim.
Napakagwapo ng brad ko sa kaniyang suot. Nang kumindat siya at kinagat niya ang kaniyang labi habang nakatitig siya sa akin ay parang may kung anong bumundol sa puso ko. Sapol na sapol ako ih! Nangangatog ang tuhod ko. Lahat sila nakatingin sa amin. Walong taon kaming pinaglayo, walong taong sibunok ang aming pagmamahalan at heto kaming dalawa ngayon, binuong muli ng mga magulang naming nagpahiwalay sa amin.
Tumabi sa akin sina Papa James at Papa Xian.
Inakbayan ako ni Papa.
“Kailangan ba talaga may kasal pa anak? Bakit kami ng Papa Xian mo, buo pa din, kahit walang mga ganitong mga kung anu-anong…”
“Pa, iba kayo, iba kami. Puwede, gawin mo na lang ang responsibilidad mong ihatid ako sa lalaking mapapangasawa ko.” nakangiting sagot ko.
“O hayan, kokontra ka pa kasi eh!” nahuli ko ang kamay ni Papa Xian na kinurot ang tagiliran ni Papa James.
Natawa na lang ako sa simpleng lambingan nila.

Nang naglalakad na kami palapit kay Buboy ko ay tumindi ang kaba sa aking puso. Iyon na iyon ang kabang naramdaman ko nang natamaan ko siya ng bola sa beach. Ang panlalamig ng kamay ko ay kawangis nang unang pagkakataong naglapat ang aming mga labi noong hazing.
“Pa, nangangatog ang tuhod ko.” bulong ko Papa Xian.
“Umayos ka, di puwedeng mawalan ka na naman ng malay. Sayang ang moment.”

Pinilit kong lakasan ang loob ko. Ayaw ko nang lumuha kaya isang astig na ngiti at kindat ang isinagot ko sa pagkakatitig sa akin ni Buboy.
Ano kayang naiisip niya?
Katulad din kaya ng iniisip ko?

Nang nakalapit na kami sa kaniya ay inabot niya ang kamay ko.
Niyakap niya muna ako ng mahigpit.
“Sa wakas brad ko! Magiging akin ka na!” bulong niya sa akin.

Nang hinawakan niya ang kamay ko at sinabi niya ang vow niya sa akin ay doon na ako bumigay muli. Nawala yung pangako ko sa aking sarili na dapat magpaka-astig ako sa kasal namin. Hindi ako luluha, hindi ako bibigay.
“Brad, it would be easy to stand here and say things like, “ I love you” or “You're my everything” and to use words like '”forever “ or “eternity” but those words are for couples who don't  know those things. Bakit ko pa sasabihin ang mga katagang iyon kung napatunayan ko na sa’yo na sa walong taon nating pagkakalayo at napaniwalang patay ka na ay sa’yo pa din ang bawat pintig nito” kinuha niya ang kamay ko at itinapat niya sa kaniyang dibdib.  “All those eternity words are true about us, and I believe you already know that I am eager to make you feel them throughout our life. Sa’yo ko lang unang naramdaman ito at sigurado kong ikaw lang ang mamahalin ko. Naranasan ko na ang buhay na wala ka.” doon na tuluyang umagos ang kaniyang luha na kahit halatang pinigilan niya ay hindi na niya iyon nabawi pa. “Ayaw ko nang maulit pa iyon, hinding-hindi ko na kakayanin kasi, ramdam ko ang kakulangan ng buhay ko, humihinga ako ngunit hindi ko mahagilap ang tunay na saya na ikaw lang ang alam kong makabubuo. This bond that we are about to deal with is not as easy at seems. I think about how difficult it is to work as hard as we do, keep up with daily chores and maintain our responsibilities, and as I think, I'm also reminded of what led me here, marrying you. You represent everything I need; Lord knows you've got me covered there, but I truly believe that you are my  lifelong friend and a strong partner. When I think of the future, just knowing you're mine providing me with a sense of peace that only comes when you know someone who loves you has your back. I am standing here today in front of our family and friends that we love the most to make you this vow: I will always have your back. I will always love you, protect our family and always work hard to ensure you have a partner you can be proud of.”
Hindi pa din niya binibitiwan ang kamay ko. Ginamit ko ang isang kamay ko para punasan ang luha niya ngunit sarili kong luha ay di ko magawang pahiran.
“You are my best friend.” Pagsisimula ko. “Brad ko, today I give you my all, my everything. Using the love that we share as a vessel, through the pressures of the present and the uncertaintities of our future, I can promise that you will always have my deepest love, my fullest devotion, and my most tender care. Kung nagawa kitang mahalin noong mga musmos pa tayo at sa kawalang pag-asa na mamahalin mo din ako, nagawa ko pa ding umasa na ikaw talaga ang para sa akin. Libong beses man akong lumuha, kahit pa anong pagsubok ang naghihintay sa ating pagsasama, hindi ako bibitiw, hindi kita isusuko. Ayaw ko sanang mangako pero ito naman talaga ang dahilan kung bakit tayo narito. Sa harap ng pamilya natin at mga kaibigan, gusto kong bumitaw ng mga pangakong patutunayan ko hindi lang dahil nakikinig sila kundi dahil iyon ang gusto kong patunayan sa’yo. I promise to love you, to always strive to encourage and inspire you, to laugh with you, and to comfort you in times of sorrow and struggle.” Hinawakan ko ang dalawang palad niya. Titig na titig siya sa akin at gusto kong sa paglalahad ko ng aking mga pangako ay maramdaman niyang hindi lang isang salita iyon kundi kasama ng aking matinding kagustuhang makamit.
“I promise to love you in good times and in bad, when life seems easy and also when times become difficult, when our love is simple, and when things becomes complicated.
I promise to honor you, and to always hold our love for each other in highest regard
These things I pledge to you today, and all the days of our life together.” Pagkasabi ko palang doon ay mahigpit na niya akong niyakap at hinalikan sa aking labi.
                “I Love You, brad.” Bulong ko.
“I love you more.”
Muli niya akong binuhat at pinaikot-ikot habang magkalapat ang aming mga labi.
Nagtapos ang kasalang iyon sa pagpapalipad nang mga hawak ng pamilya naming puting lobo at ang masigabo nilang palakpakan.
Binuo ako ng pagmamahal ni Romel. Alam kong isa ako sa mga mapalad na nakatagpo ng tunay na pag-ibig sa kabila ng pagiging kakaiba.


EPILOGUE

Nang matapos ang kasal ay dumiresto na kami sa reception. Masaya ang lahat. Natutuwa akong makita na sa tagal ng panahong nagdaan ay buo pa din at nagmamahalan ang lahat na katulad namin na sinubok din ng panahon at katatagan.
“To the newly wed!” sigaw ni Tito Mario habang itinataas niya ang wine glass.
Tumayo kaming lahat. Itinaas namin ang mga hawak naming wine glass at pinag-untog namin iyon sa hawak ng isa’t isa.
Nakangiti akong nakatingin sa kanilang lahat.
Si Tito Mario na iniwan ni Tito Gerald, (sayang sa mga kuwento ko na lang siya nakilala) ngunit nakatagpo ng pangalawang pag-ibig sa katauhan ni Tito Bryan.
Nakita ko ang pag-akbay ni Tito Lando kay Tito Terence. Ang pag-ibigan nilang hindi tumitingin sa panlabas na anyo. Sinubuan ni Tito Aris si Tito Rhon ng cake. Pagkatapos ay saka sila nagyakapan. Sino ang makakalimot sa pagmamahalan nilang sinubok ng ilang dekada? Tinalikuran ni Tito Rhon ang pagpapari dahil mas pinili niyang panindigan ang pagmamahal niya sa kaniyang unang minahal. Sa lahat sa kanila, kay Tito Aris ako sobrang bumilib. Nagawa niyang maghintay sa kawalang pag-asa.
Napansin ako ang paglapit ni Papa Xian kay Papa James at ang paglalagay nito ng wine sa kaniyang baso. Ako ang makapagpapatunay kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Paano kaya kung hindi ginising ng pagmamahal ni Papa Xian ang tinatago at iniiwasang damdamin ng alam ng lahat na straight na si Papa James? Magbabago kaya ang takbo ng buhay naming pamilya? Matatagpuan kaya ni Papa James ang tunay na ligaya? Palagay ko hindi nasayang ang lahat ng pagsisikap ni Papa Xian, naging buo sila at daman-dama kong habam-buhay na ang kanilang pagmamahalan.
Sa mga kasiyahang iyon, naroon si Tito Jinx. Mag-isa man siya ngunit bakas sa mukha niya ang kaligayahan. Hindi talaga lahat nakakahanap ng makakasama niya habang-buhay. Ang totoo nga niyan, pinalad lang silang magkakaibigan na makahanap ng makakatuwang dahil bihirang-bihira na talaga ang katulad namin na makatagpo ng mamahalin at magmamahal sa amin habang buhay ngunit alam kong hindi lang naman karelasyon ang nagpapasaya sa mga alanganin, iba pa din ang saya na naibibigay ng pagkakaroon ng pamilya na tumatanggap sa kanilang kaibahan.
Sa ibang umpukan, makikita ang isang traditional and accepted by our society na totoong pamilya. Naroon ang mga kaibigan naming sina Kuya Cgaris at ang asawa niyang babae at tatlo nilang anak, si Kuya Jay-ar na kasalukuyang kinakarga ang kaniyang bunso at nakalima na sila ni Misis. Walang kahilig-hilig. Si Kuya Jethro, nakaisa na din sila ng kaniyang asawa. Kinawayan ko ang anak nilang si Sam at ngumiti ang bata. Malapit na din manganak si Jheck sa asawa niyang si Philip. Akalain mo ba namang nagkatuluyan kaming lahat na inayos ni Lexi bago siya pumanaw. Kung sana hindi maagang binawian ng buhay ang best friend namin, sana nandito siya ngayon at kasama naming nakikipagsaya. Nakahanap din kaya siya ng bagong pag-ibig kung buhay pa siya hanggang ngayon? Huminga ako ng malalim. Nalulungkot ako sa tuwing naaalala ko siya.
Sa kaedad naming sina Kuya Jello at Miggy, alam naming marami pa kaming mga pagdadaanan ngunit lahat kayang lagpasan. Nang isang buwan lang, akala ko maghihiwalay na ang dalawa dahil sa third party sa side ni Miggy. Nangyayari naman talaga iyon sa mga katulad naming mga alangin at bata pa, hindi naiiwasang naglalandi ang isa ngunit kung sa amin siguro mangyari iyon ng Buboy ko, hindi ko alam kung paano ko iyon matatanggap. Sana hindi darating sa amin ang pagsubok na ganoon at kung sakali mang mangyari, sana mas manaig pa din ang pagmamahal at tiwala ko sa kaniya. Tulad ng ginagawa ni Kuya Jello ngayon kay Miggy. Parang wala silang pinagdaanang problema. Sadya ngang handang magpatawad ang pusong nagmamahal.
Hindi ko man alam ang buong kuwento nina Papa Zanjo at Papa Pat, Daddy Ced at Daddy Mak at sina Tito E-jay at Tito Carl, alam kong hindi din naging madali na mabuo ang kanilang relasyon. Katulad namin, dumaan din marahil sila ng mga pagsubok at ang mga suliraning iyon ang alam kong nagpapatibay sa pagmamahalan naming lahat.

Natigilan ako sa aking pagmumuni-muni nang marinig ko ang pagpalo ni Daddy Mak ng kutsara sa hawak niyang wine glass. Nakatayo siya at inilibot niya ang tingin niya sa amin. Ginagap ni Bubo yang kamay ko. Pinisil niya ang palad iyon. Ipinatong ko din sa palad niya ang isa kong palad at nagngitian kami.
“Sandali lang mga kaibigan, may sasabihin lang po ang Beybs Cedrick ko para sa mga bagong kasal.”
Tumahimik ang lahat.
Nakatingin kaming lahat sa kanila.
                Nakaakbay si Daddy Mak kay Daddy Ced at lumapit sila sa amin.
             
“Ngayon na handa na kayo para harapin ang inyong buhay, siguro panahon na din na bumukod kayo sa sarili ninyong bahay. Please accept this as our gift. Hindi na ninyo kailangang magtanan ngayon kasi may sarili na kayong bahay na uuwian. Ito na ang susi ng bahay ninyo at sana punuin ninyo ng pagmamahal at pagkakaintindihan. Congratulations mga anak.” Nagulat kami ni Buboy sa regalong iyon.
Kung tutuusin kaya naman naming pag-ipunan pero bakit pa namin tatanggihan ang regalong alam naman naming galing sa kanilang puso.
                “Oppss sandali lang, may sasabihin din ang mahal kong si James. Mahal, sige na huwag ka nang mahiya.” Singit ni Papa Xian.
                “Ayy ohh, sabi ko sa inyo ayaw patalo ng magjowang ‘yan. eh May regalo din?” singit ni Tito Terence.
                “Tumahimik na muna pwede? Tahimik lang dapat ang mga extra! E-eksena na naman kasi e.” pabirong singhal ni Tito Rhon kay Tito Terence.
                Tawanan ang lahat.
                “Akala ninyo mga Daddy lang ninyo ang may surprise sa inyo? Meron din naman galing kina Papa. Hindi na ninyo kailangan ngayon magcommute ng jeep kung maisipan ninyong magtanan pa muli kasi, pinag-ipunan din namin ng Papa Xian ninyo ang isang bagong sasakyan para sa inyo. Congratulations mga anak. Best Wishes. Mula ngayon, asahan ninyo lagi kaming nasa tabi ninyo kahit anong mangyari. Kami ang nakasaksi kung gaano ninyo kamahal ang isa’t-isa kaya sigurado kaming habang-buhay na ‘yan.”
               
Si Buboy ang unang nagsalita.
“Wow! Masyado naman yata ninyo kaming binebeybi ne’to. Pinag-aral pa talaga ninyo kami e may bahay na, may sasakyan  na pala kami. Ang kailangan na lang pala naming pagtrabahuan ngayon ay ang araw-araw naming kakainin.”
“Sagot na namin ‘yun, may dagdag pang allowance.” Singit ng natatawang si Papa Zanjo.
                Muling nagtawanan ang lahat.
                “Mawalang galang na po sa lahat.” Pagsisimula ko. “Alam kong may kaya ang lahat, pero puwede, baka naman gusto ninyong mabuhay naman kami sa sarili naming pawis para mas masarap mabuhay. Pero dahil nandiyan na at handa na ang mga regalo na bahay at kotse na ‘yan, sino kami pa tumanggi? Saka ‘Pa, sa tanda naming ito magtatanan pa talaga kami e kasal na nga. Kung may magandang alaala na iniwan sa akin ng pagcommute namin sa jeep noong nagtanan kami, iyon ay nang ramdam kong hindi ikinahiya ng brad ko na ipakita sa lahat kung gaano niya ako kamahal.”
Nagpalakpakan ang lahat.
                “Bago magkalimutan, may pinagambag-ambagan din kaming lahat na mga tito ninyo para sa honeymoon ninyo for your Euro trip. Sagot na namin ang lahat na gagastusin, air ticket, hotel at allowance.” Pagbibida ni Tito Aris.
                “Thank you! Thank you po sa lahat ng gifts pero sana maintindihan ninyo na kailangan na naming umalis ng brad ko. Salamat sa inyong pagdalo. ” Pasalamat ni Buboy.
"Oh, alam na haha! Huwag na mag-react." banat ni Tito Terence.              
Hawak na ng brad kokong  ang isang kamay at hinihila palayo sa mga bisita.
                “Wait, ano ba, saan mo ako dadalhin?” pabulong.
                “8 years tayong di nakapagsolo. Asawa na kita. Ano ‘to, makipagbabaran tayo ng kuwentuhan diyan sa ilang dekada nang nagsasama at ginugurang na sa kanilang mga kama? Gusto mo bang patalo? Baka nga sawa na ang mga iyan sa sex e. Kuwentuhan na lang yata ang bumubuhay sa kanila. Ako  kasi brad ko, kaninang umaga pa nagpipigil. Kanina ko pa gusto magpaputok!” bulong niya.
                Siniko ko siya.
                “Hindi ba puwedeng magpaalam muna?” tanong ko.
                “Alam na nila ‘yun. Tara na at baka dito pa magwala si junior e!”
                Tumingin ako sa bahaging iyon.
Bumubukol na nga.
Napalunok ako.
                Inunahan ko siya ng lakad.
Ako na tuloy ang humihila sa kaniya papunta ng kuwarto.
                Paniguradong mahabang putukan ito!

                Bukas pala, dadalawin namin ang puntod ni Lexi. Sana kung nasaan man ang bestfriend namin ay masaya siyang makita na buo na kaming dalawa. Mananatili siya sa aming puso at isipan. Naniniwala kaming muli din kaming pagtatagpuin ng Diyos. Huwag na sana muna ngayon kasi kasisimula palang namin ni Buboy kong magpasabog!

-The End-

No comments:

Post a Comment