Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta
Hanggang sa natigilan kami sa aming paglalambingan nang biglang may dalawang nakamotorsiklong may mga angkas ang tumigil sa hindi kalayuan sa amin. Nakahelmet silang apat. Nakita ko ang pagbunot nila ng baril. Kami ang kanilang puntirya. Hinila ko si Jino na noon ay gulat na gulat at hindi malaman ang gagawin.
Niyakap niya ako.
Nakatutok na ang baril nila sa amin.
Kailangan kong iharang ang aking katawan sa balang maaring tatama sa kaniya.
Bang!
Bang!
Bang!
Umalingawngaw ang sunud-sunod na malalakas na putok ng baril.
Napaliyad ako nang naramdaman ko ang tama ng bala sa aking tagiliran at isa pa sa likod ko. Minabuti kong saluhin lahat ang balang maaring tatama kay Jino. Mas nanaisin ko pang mamatay kaysa siya ang mawala sa akin.
Nagawa ko pa din siyang yakapin para sana ilayo doon.
“Oh my God, brad tinamaan ka!” histerikal niyang sigaw nang may naapuhap siyang dugo sa likod ko.
Wala na akong marinig na putok pa. Ngunit nabuhay ang galit sa kaniyang mukha. Mabilis siyang tumakbo para sugurin ang mga nakahelmet na bumaril sa amin.
“Brad ko, huwagggggg!” sigaw ko.
Gusto ko man siyang pigilan ay hindi ko na nagawa. Kitang-kita ko kung paano siya pinagbabaril ng angkas ng mga nakamotor at nang natamaan si Jino ay saka nila mabilis na pinaandar ang kanilang mga motor.
Lumakas ang buhos ng ulan.
Nakita ko ang masaganang dugo na dumadaloy mula sa aking katawan. Ngunit si Jino ang nasa isip ko ng mga sandaling iyon. Hindi ang sarili o ang mga tama ko.
Tumakbo ako para lapitan siya kahit pa nang mga sandaling iyon ay ramdam ko na ang panghihina. Hanggang sa nang malapit na ako sa kaniya ay saka na ako parang nauubusan ng lakas.
Napaluhod ako.
Kaya ng isip ko ngunit hindi ang katawan ko. Pinilit ko pa ding muling tumayo ngunit nanginginig at nakakaramdam ako ng pagkahilo.
“JInoooooo! Bradddd koooo!” sigaw ko.
“Buboy! Brad ko…” mahina niyang sagot.
Tumayo siya ngunit katulad ko, nakita kong may mga tama din siya at naliligo na siya sa kaniyang dugo. Parang nakikiisa sa amin ang walang tigil na patak ng ulan tulad n gaming pagluha. Nakikisama ang kulog at kidlat sa nararamdaman naming galit sa gumawa niyon sa amin.
Kailangan kong malapitan si Jino.
Pinilit kong gumapang at ganoon din ang ginawa niya.
Pagapang kaming lumapit sa isa’t isa.
“Huwag kang bumitaw brad. Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Mabubuhay tayo.” Pinilit kong lakasan iyon hanggang sa nagtagpo ang aming mga palad. Kasunod iyon ng aming mga braso hanggang sa tuluyan nang magkaharap ang aming mga mukha.
“Tulungan ninyo kami!!!!!” malakas kong sigaw.
Paulit-ulit iyon.
“Mangako ka brad, kayanin natin ito. Mabubuhay tayo hindi ba? Magtatapos tayo ng ating pag-aaral, bubukod tayo sa ating mga pamilya at magkakaroon tayo ng magandang trabaho at magarang sasakyan at bahay.” Bulong niya sa akin.
Hinawakan niya ang pisngi ko. Hinalikan niya ako sa labi. Pinilit kong itabi ang katawan ko sa katawan niya. Sinikap ko siyang yakapin kahit sa kahuli-hulihang sandali. Gusto kong maramdaman ko siya. Gusto kong isipin niya na hindi ako bibigay, na hindi ako bibitiw.
Nakita ko ang tama niya. Masaganang dugo din ang lumalabas doon ngunit pinilit niyang umupo at inilagay niya ang ulo ko sa kaniyang kandungan.
“Oh my God! Napakarami mong tama brad. Huwag kang bibitaw. Huwag mo akong iwan. TULUNGAN NINYO KAMI! Please! Tulungan ninyo kami!” sigaw niya.
Umaasa kaming may sasaklolo sa amin sa park, na sana may mga naiwan pa doon na tutulong sa amin kahit napakalakas na ng ulan.
Hanggang sa may dalawang lalaking nagmamadaling lumapit sa amin para saklolohan kami. Nakikilala ko sila.
Si Miggy at si Kuya Jello.
“Oh my God! Jino, Romel, kayo nga ang binaril ng mga nakahelmet na iyon? Jello, kailangan mong ilapit ang sasakyan mo dito. Bilis! Kailangan natin silang dalhin sa hospital!” Ninenerbiyos na si Miggy.
Mabilis na umalis si Kuya Jello. Naiwan doon si Miggy na hindi malaman kung ano ang kaniyang gagawin. Hinubad niya ang damit niya at pinunit iyon saka niya itinali sa isa pang tama ni Jino sa braso.
Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko para takpan ang tama ng bala sa kaniyang dibdib. Siya man din ay pilid niyang tinatakpan sa pamamagitan ng kaniyang kamay ang aking mga tama. Hindi ko man aninag ang luha niya dahil sa lakas ng ulan ay alam kong humahagulgol siya. Ganoon din naman ako. Umiiyak ako para sa aming kaligtasan. Hanggang pakiramdam ko bumibigay na ang talukap ng aking mga mata. Siya man ay naramdaman ko ang paghina ng pagtatapal ng kaniyang kamay sa aking sugat.
“Di ba brad, sabi mo sa akin no’n walang iwanan. Huwag kang pumikit brad. Huwag mo akong iwan.” Pakiusap niya sa akin habang humihikbi.
“Hindi brad. Hindi kita iiwan. Hindi ako bibitaw. Pangako ko ‘yan sa’yo.”
“Sige na baby, buhatin mo si Romel at ako na si Jino.” Boses iyon ni kuya Jello.
Hinawakan ko ang palad ni Jino kahit pa hinang-hina ako. Hindi ako dapat bibitaw sa kaniya. Ganoon din ang ginawa niya sa akin. Kumapit din siya sa aking kamay hanggang sa pagmamadali ng dalawa na isakay kami sa kanilang sasakyan ay hindi ko na iyon maabot pa. Kumakaway ang kamay niya, ganoon din ako. Pilit naming inaabot ang kamay ng bawat isa. Hanggang sa nang ipinasok kami sa likod ng kanilang sasakyan ay hirap na hirap akong tumabi sa kaniya. Ginagap ko ang kamay niya at inilagay ko ang kaniyang ulo sa aking balikat. Nasa tabi namin si Miggy. Umiiyak sa nakikita niya sa amin.
Gusto kong suklayin ang buhok niya na basam-basa ng ulan ngunit hindi ko maitaas ang aking kamay. Inilapit ko ang aking labi sa kaniyang noo, pilit kong hinalikan siya sa kaniyang labi.
“Brad ko, kantahan mo ako please, kahit mahina lang, kahit halos hindi mo mabigkas ang mga lyrics basta sigurado akong buhay ka, na hindi ka mawawalan ng malay. Sasabayan kita. Kakantahan na lang muna natin ang lahat ng ito hanggang sa makarating tayo sa hospital.” Pabulong iyon. Nakita kong pinipilit niyang ibuka ang kaniyang mga mata. Humawak siya sa pisngi ko at inilapat niya ang labi niya sa gilid ng aking labi.
The first time that you spoke my name
It somehow sounded not the same
Was like I knew from that moment on
Kumakanta kami, kasabay ng masaganang pagbuhos ng luha at ang hindi mapigilang pag-agos ng dugo. Pinipilit kong bigkasin ng lahat ng lyrics para sa kaniya.
That this is what I'm living for
Fate had opened up the door
And who am I to say that heaven could be wrong
Humina ang kaniyang boses. Nahuhulog na ang palad niyang nakahawak sa aking pisngi ngunit ramdam ko pa din ang isang palad niyang pumipisil sa isa ko pang kamay. Tanda na lumalaban pa din siya kagaya ko.
When they carve my name in stone
At least I know they'll know
That in this life I've made mistakes
That I did one thing right
Tumigil siya. “Brad ko, sabayan mo ako, di ba kailangan nating kumanta hanggang makarating tayo sa hospital?” pabulong na lang iyon. Hirap na akong sabihin pa ng malakas. Inilapat ko ang labi ko sa labi niya. Pinakiramdaman ko kung humihinga pa siya. Nang maamoy ko ang nakasanayan ko nang samhuyin niyang hininga ay ipinagpatuloy ko pa din ang pagkanta ngunit nabubulol na ako.
Cause I will spend forever loving you
If it's all I ever do, my love
Alam kong paungol na ang pagkakanta ko ngunit buo pa ang mga lyrics na iyon sa utak ko. Hanggang sa tuluyan ng bumitaw ang palad niyang nakahawak sa aking kamay. Ako man ay di ko na kayang kumanta pa. Bumibigat na ang talukap ng aking mga mata. Tuluyan na akong iniiwan ng lakas. Hanggang sa naramdaman ko ang pagbagsak ng aking ulo sa kaniyang noo na nakasandig sa aking balikat.
Ma-hal ki-ta br- brad… please hu-hu-wag mo a-kong iw-i-wan mag-isa.” Bulong ko habang sa dumilim na ang aking paningin ngunit nakakarinig pa din ako.
“Diyos, tulungan mo kami, hindi man po ako madasaling tao, hindi man po ako palasimba ngunit kailangan ng mga kaibigan ko ang himala mo. Kailangan nila ng tulong mo Diyos ko!” panalangin iyon ni Miggy na alam kong hindi malaman kung paano niya kami maililigtas. Humahagulgol na siya.
“Baby, bilisan mo pa ang magpatakbo… kailangan nilang umabot sa hospital….” Dama ko pa ang naginginig niyang mga palad na humahaplos sa amin. Hanggang sa unti-unti nang wala akong marinig pa, tuluyan na din akong walang maramdaman.
Kadiliman…
Katahimikan…
Napakatagal na kawalan…
Matagal na pagkakaidlip.
Ngunit may mga sandaling may mga nauulinigan akong mga ingay ng tao sa aking paligid. Naririnig ko ang mga boses ng mga mahal ko sa buhay ngunit wala akong lakas na ibukas ang aking mga mata o ikilos ang buo kong katawan hanggang sa tuluyan na namang mawawala ang lahat na parang ipu-ipong dadalhin ako sa kawalan, sa katahimikan. Kung gaano ako katagal sa ganoong kalagayan ay hindi ko alam. Basta ang alam ko, kailangan kong lumaban. Kailangan kong ikilos ang aking katawan ngunit paano ko nga ba iyon gagawin kung sa tuwing sinusubukan ko ay parang nalalagutan ako ng hininga. Ilang sandali ding nararamdaman ko ang kung anong inilalagay nila sa aking dibdib para lang muli akong bumalik sa paghinga.
Kung alam lang nilang lumalaban din ako. Sana maramdaman nilang kahit sa mga panahong parang pakiramdam ko ay nalulunod ako ay pinipilit ko paring punuin ang aking baga ng hangin. Dahil ramdam kong naroon silang nagmamahal sa akin. Hindi ako iniiwan nina Daddy. Lalo na nang isang araw ay pakiramdam ko naulinigan ko ang boses ni Jino na kinakausap ako. Alam kong hawak niya ang kamay ko. Kahit hindi ko buksan ang aking mga mata ay alam kong nakatitig siya sa akin.
“Brad ko, gumising ka na, alam kong naririnig mo ako. Lumaban ka para sa pamilya mo, para sa akin. Nangako ka sa akin dib a? Sabi mo, walang iwanan. Kung nasaan ako, dapat nandoon ka rin dahil ako ang buhay mo. Lumaban ka brad ko, labanan mo ‘yan kasi hindi ko kakayaning mabuhay na wala ka.”
Naramdaman ko ang pagpisil niya sa aking palad ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko kayang pisilin din ang kaniyang mga kamay. Gusto kong iparamdam sa kaniya na lumalaban din naman ako. At ang madinig ko ang boses niya ang siyang dahilan ko para mas pilitin pang ibukas ang aking mga mata, galawin ang aking katawan kahit sa tuwing ginagawa ko iyon ay halos malagutan ako ng hininga. Gustung-gusto kong iparamdam na hindi ko siya iiwan. Na kahit pa anong mangyari ay hindi ko siya isusuko.
“Naririnig mo ba ako brad ko? Namimiss ko na ang mga ngiti mo, ang mga linya mong ginaya mo lang sa mga paborito kong pelikula. Brad ko, pisilin mo naman ang kamay ko, bigyan mo kami ng dahilan para patuloy na umasang magigising ka pa. kahit kaunting galaw lang ng daliri, please?” humahagulgol na siya.
Katahimikan.
“Aalis na ako brad ko. Kung naririnig mo ako, huwag mong pilitin ang sarili mo kung hindi mo pa kaya. Alam kong gagaling ka para sa akin. Magkikita man tayo o hindi paggising mo, gusto kong malaman mo na ikaw lang ang mamahalin ko. Gaano man katagal, asahan mong maghihintay ako. Hihintayin kita kung kailan maayos na ang lahat.”
Naramdaman ko ang kaniyang halik sa aking labi. May katagalan ang pagkakalapat no’n. Nang inilayo niya ang labi niya sa labi ko ay gusto ko siyang pigilan. Gusto kong sabihing huwag siyang umalis sa tabi ko. Huwag niya akong iiwan kasi gigising ako para sa kaniya.
Ngunit ramdam kong iniwan na niya ako. Hindi ko na naramdaman ang palad niya na nakahawak sa akin. Hindi ko na dinig ang kaniyang boses.
God! Pinipilit kong igalaw ang mga daliri ko ngunit bakit hindi ko magawa. Gusto kong buksan ang aking mga mata ngunit bakit napakabigat ang talukap ng mga ito? Anong parusa itong nangyayari sa akin? Bakit ako nahihirapan ng ganito samantalang nadidinig ko na sila. Hanggang sa hindi na kaya pa ng dibdib ko ang lahat. Tanging pagluha na lamang ang kaya kong gawin. Tama, iluha ko na lamang ang lahat baka sakaling makita niya ang pagbaybay ng aking luha sa aking pisngi para mabigyan sila ng dahilan na buhay ako. Naririnig ko sila.
“Ced, lumuluha siya! Magigising na ang anak natin! May luha sa pisngi ni Buboy.” boses iyon ni Daddy Mak.
Hanggang sa hindi ko malaman na kadahilanan ay parang naghihina na naman ako at tuluyan na naman akong walang marinig, walang maramdaman ngunit lumalaban ako para sa aking buhay.
Muling naghari ang kawalan.
Isang mahabang pagkakaidlip.
Hanggang sa ang lahat ng mga sumunod na pangyayari ay pawang mga panaginip na lang. Parang may kung anong mahabang kadiliman at pinilipit kong lagpasan hanggang sa napakalakas ng hangarin kong makakita ng liwanag. Kailangan kong tanggalin ang kung anong mga nakatakip sa aking paligid para tuluyang makawala ako sa parang kumunoy na humihigop sa akin.
“Mak, gumagalaw na ang daliri ng anak natin. Tawagin mo ang doctor! Sabihin mo nagkakamalay na yata siya!” boses iyon ni Daddy Ced.
Mas malinaw na sa pandinig ko iyon. Hanggang sa ang kadiliman kanina ay unti-unti nang lumiwanag. Maliwanag na maliwanag. Nasisilaw ako kaya kailangan kong ipikit muli ang aking mga mata.
Sandali.
Naimulat ko na ba ang aking mga mata? Ibig sabihin hindi iyon isang panaginip o pangarap lang? Sinubukan kong muling ibukas ang aking mga mata.
Tama! Naisasara at naibubukas ko na ang mga ito. Ang nakakasilaw na liwanag ay galing sa kung anong ilaw na itinututok sa aking mga mata ng di ko kilalang nakaputing lalaki. Nagkakagulo na ang paligid.
Maiingay.
Ramdan ko ang kanilang kaligayahan ngunit magulo ang dating ng lahat sa akin. Parang ibang mundo. Wala akong matandaan. Kung kailan naman ako nagkamalay ay hindi ko na alam kung alin ang totoo o ang panaginip lang s amga nangyari sa akin.
Gusto kong magsalita ngunit hindi ko kayang isatinig ang aking sasabihin. Nararamdaman ko ang paghawak nila sa akin. Nakikita ko na ang masaya ngunit puno ng luha na mukha nina Daddy Ced at Daddy Mak, sina Papa Pat at Papa Zanjo, naroon din sina Lolo at lola saka sina Tito Carl at Tito E-jay. Sa paanan ko ay nakatayo sina… sino nga ba sila? Familiar ang mukha ngunit hirap akong maalala ang mga pangalan nila.
May hinahanap ako. Si Jino. Nasaan si Jino? Iyon ang gusto kong tanungin ngunit hindi ko pa kayang sabihin kina Daddy. Kailangan kong magpagaling. Kailangan kong ibalik ang aking lakas. Alam kong isa sa mga araw na ito ay dadalawin ako ng mahal kong si Jino. Makikita ko pang muli sila ni Lexi.
Sa mga sumunod pang mga araw ay tuluyan ko nang naigagalaw ang katawan ko. Nakakapagsalita na din ako. Nakilala ko na ang dalawang familiar na mukha. Sina Tito Dave at Tito Love pala sa Canada.
“Dad, malakas na po ako. Kaya please, sabihin ninyo sa akin kung nasaan sina Jino at Lexi. Gusto ko silang makita. Bakit hanggang ngayon hindi pa sila dumadalaw.”
Nagkatinginan sina Daddy. Mabilis na naglakbay ang luha sa pisngi ni Daddy Ced at huli na para itago niya iyon sa akin.
Kinabahan ako.
Natatakot ako sa kung ano talaga ang ibig sabihin ng pagluhang iyon ni Daddy.
“Dad, anong nangyayari? Bakit nga ako hindi pa nila ako dinadalaw?”
“Dok Mario, paano ba ‘to?” tanong ni Daddy Mak sa Doctor na tumitingin sa akin. Naalala ko siya, siya yung kaibigan nina Tito James at Tito Xian na doctor.
“Stable na ang anak ninyo. Medyo umabot ng halos dalawang buwan ang coma niya dahil sa Hypoxic-Anoxic Injury. Nakulangan siya ng sapat na dugo kaya nagresulta sa acute hemorrhage. Mapalad ang anak ninyo kasi mabilis ang naging recovery niya kahit ilang buwan din siyang nakipaglaban sa coma. And basing from our observation and test, he is fully recovered now.” Ngumiti siyang lumapit sa akin.
Ginagap niya ang palad ko. “Romel, sana magpakatatag ka, kung anuman ang mga maririnig mo mula sa mga mabulang mo na nangyari noong mga panahong wala kang malay, nangyari iyon dahil may dahilan. Gamitin mo iyon para muling ipagpatuloy ang buhay. Lumaban ka para sa kanila dahil iyon naman ang alam kong gusto nilang gawin mo.” tumitig siya sa akin. May ibang dating sa akin ang sinabing iyon ni Dok Mario.
“Paano Ced at Mak, aalis na muna ako. Kailangan kong umikot at bisitahin ang iba ko pang mga pasyente. Kung sakaling kakailanganin ninyo ako o si Dok Bryan, tawagin na lang ninyo ako o kaya siya. Maiwan ko na kayo ha?” pagpapaalam ni Dok Mario.
Nahihiya akong tumango sa kaniya.
Tumabi sa akin sina Daddy. Nakatingin din sina Papa Zanjo at Papa Pat mula sa hindi kalayuan habang si Daddy Mak ay sandaling tumalikod sa akin.
“Dad, bakit hindi ho ninyo sinasagot ang tanong ko? Nasaan ho sina Lexi at Jino?”
Huminga ng malalim si Daddy Mak. Halatang nilalakasan niya ang kaniyang loob.
“Anak, may iniwan si Lexi na video sa’yo. Baka gusto mong panoorin muna?” Sinabi niya iyon na garalgal ang kaniyang boses. Tinungo niya ang isang laptop bag. Kinuha niya iyon at binuksan. Tahimik ang lahat. Halatang ingat na ingat sila sa kanilang mga sasabihin.
“Mangako ka sa akin na kahit anong marinig mo o mapanood ay tibayan mo ang dibdib mo, anak. Gusto naming mangako ka na kayanin mo ang lahat.”
“Dad, bakit? May masama bang nangyari habang wala akong malay?”
“Isa-isa nating sasagutin ang mga tanong mo. Panoorin mo na lang muna ito.”
“Hi Boy!” kumaway si Lexi sa camera. Pinipilit nitong maging masaya habang nakaupo sa isang wheel chair at nakita ko ang sarili kong walang malay sa tabi niya. Hanggang sa ginagap niya ang kamay ko.
“Hindi ko alam kung ano itong pagsubok na ibinigay ng Diyos sa atin. Best, ako lang dapat yung ganito ngayon. Yung nakahiga na walang malay at hinihintay na lang ang araw o oras na aking pamamahinga. Ngunit bakit ganito? Kayong dalawa ni Jino ang salitan kong binibisita at paulit-ulit na kinakausap para magising. Ako itong patuloy na umiiyak at humihingi ng tulong sa Diyos para sa inyong kaligtasan. Ako na lang, sana sapat na yung ako lang ang bawian ng Diyos ng buhay dahil matagal na din naman akong lumalaban.” Tumulo ang luha niya. humihikbi siyang nakatingin sa akin. Hinaplos niya ang noo ko.
“Alam mo kung ano ang masakit sa akin Boy, iyong ako ang nasa tabi ninyo at nagpapaalam. Bukas makalawa, mawawala na ako. Hindi ko alam kung mapapanood ninyo ito o magkikita-kita tayo sa huling hantungan ngunit umaasa ako Boy na kaya ninyo ni Jino ang lumaban. Na hindi kayo susuko. Malaki ang pag-asa ninyong magising pa samantalang ako, gising na gising ngunit unti-unti nang binabawian ng lakas. Sa tuwing nakikita kitang nakapikit na ganyan, parang nakikita ko na din ang sarili ko sa mga susunod pang mga araw. Ang pagkakaiba lang best, nandito ako sa tabi mo, kinakausap ko kayo para lumaban. Ako best, darating yung araw na mawawalan ako ng malay at sana, sa mga panahong iyon ay magising na kayo at maramdaman ko ang inyong mga kamay na nakahawak sa akin, maririnig ko ang inyong mga boses habang iniiwan ko na ang aking katawan. Gusto ko kasi sanang baunin sa huling hantungan ko ang inyong mga tinig. Yung alam kong buhay kayong dalawa ni Jino. Masayang ipinagpapatuloy ang inyong pagmamahalan, makatapos kayo sa inyong pag-aaral at bubuo ng sarili ninyong pamilya. Ako itong napipinto nang aalis best ngunit ako itong nakikiusap sa inyong gumising at yakapin man lang ninyo bago pumanaw, ako itong nagpapaalam sa mga walang malay. Doble-dobleng sakit naman ang ipinababaon ninyo sa akin pagkatapos ng masasayang sandali noong 16th Birthday ko. Paano kung sa pagpanaw ko ay wala pa din sa inyo ni Jino ang magigising? Iiwan ko na lang ba kayo na gano’n na lang? Mamamatay akong wala kayo sa tabi ko at kasama kong walang naririnig at nararamdaman sa mga nangyayari sa paligid? Parang awa mo na best, lumaban ka. Gusto kong maramdaman ang yakap mo, kahit pisilin mo lang ang kamay kong nakahawak sa’yo, kahit ungol mo lang na marinig ko na siyang magbibigay ng pag-asa para sa akin na mabubuhay ka.” itinaas niya ang palad ko sa kaniyang labi. Hinalikan niya iyon habang humahagulgol siya.
“Diyos ko, kulang pa ba ang buhay ko at kailangan pang pati mga best friends ko ay pahirapan mo ng ganito? I know that I don’t have the right to question you, pero sabihin mo sa akin, iparamdam mo sa akin na patas ka sa lahat ng nilalang mo. Na mahal mo din ako na kahit mula pagkabata ko ay binigyan mo na ako ng krus na buhat-buhat ko hanggang sa umabot ako ng edad na ganito. Ngayon ko higit na kailangan ang iyong himala, ngayon ko gustong maramdaman na mahal mo din ako. Iligtas mo po ang mga kaibigan ko. Alam kong hindi mo ako mapagbibigyan para pahabain pa ang buhay ko, ngunit sana Diyos ko, sila na lang. Buhayin mo ang mga kaibigan ko. Gisingin mo po sila bago ko ibalik ang aking buhay.”
Matagal siyang humagulgol. Pinipilit niyang kontrolin ang kaniyang sarili mula sa matinding pag-iyak. Inilagay niya ang kamay ko sa kaniyang dibdib. Matagal niya akong tinitigan.
“Kung sakaling hindi ka pa magigising hanggang sa ibalik ko ang buhay ko, siguro nga, ito na lang ang naiiwang paraan para magpaalam ako sa’yo best friend. Patawarin mo ako best kung may mga nasabi ako o nagawang hindi mo nagustuhan ngunit gusto kong malaman mo na mahal kita. Kaisa-isang lalaking minahal ko. Masaya akong iwan ka sa taong alam kong mahal mo at mahal ka din niya. Salamat sa mga alaala. Salamat sa pagmamahal. Sa mga masasayang sandali natin sa canteen hanggang noong huling araw na magkasama tayo at ikinasal. Isasama ko ang mga iyon sa huli kong hantungan. Kung sakaling makakaharap ko ang Diyos, kayo pa din ni Jino ang aking patuloy na ipagdarasal. Kaligtasan pa din ninyo ang aking hihilingin. Paalam best. Hanggang sa muli nating pagkikita. Mauuna na ako sa inyo.” Kinagat niya ang kaniyang lagi. Pinusanan niya ang kaniyang mga luha ngunit hindi niya kayang pigilan ang paghikbi.
“Pa, si Jino! Papa!!!!” sigaw iyon.
“Bakit? Anong nangyari…Umikot-ikot ang video camera hanggang sa tuluyan na iyong namatay.
“Dad, anong nangyari?” puno ng luha ang aking mukha. “Puwede ba ninyo akong dalhin kay Lexi Dad.”
Ginagap ni Daddy ang kamay ko. Tumingin siya sa akin at bumagsak ang luha sa kaniyang pisngi.
“Wala na si Lexi, anak.”
“Paanong wala na Dad?”
“Limang araw, pagkatapos makunan ang video na iyan ay pumanaw na siya. Iniwan ka na ng best friend mo anak.”
“Ano ho? Dad, Hindi! Buhay ho siya. Sabihin ninyo sa aking buhay pa ang best friend ko. Hindi puwedeng namatay siya na hindi man lang ako nakapagpaalam sa kaniya? Ni hindi ko man lang siya nakayakap at naihatid sa huli niyang hantungan?”
“I’m sorry anak. Alam namin kung gaano kasakit iyon sa’yo.”
“E, si Jino Dad? Alam kong buhay pa siya. Hindi ko alam kung panaginip lang o kaya totoong nangyari ang lahat pero alam ko buhay siya Dad. Kinausap niya ako, hinihiling niyang magising na ako. Nakiusap pa nga siya sa akin na pisilin ko ang kamay niya para mabigyan ko kayo ng pag-asa na lumalaban ako. Dad, buhay si Jino hindi po ba? Pero bakit hindi siya sa akin dumadalaw hanggang ngayon?”
Niyakap ako ni Daddy Ced. Wala siyang sinasabi ngunit lalo lang iyon nagpakaba sa akin.
“Pinagbawalan na ba siya ni Tito James na binisitahin ako dahil sa nangyari? Dad, gusto kong makita si Jino, gusto kong kasama ko siya para dumalaw sa puntod ni Lexi. Kailangan ko siyang makita.”
“Anak, paano ko ba sasabihin sa’yo ito nang hindi ka masasaktan? Paano ko kakayaning makita kang tuluyang mawalan ng gana para ipagpatuloy ang buhay.”
“Dad, kinakabahan ako sa sinasabi ninyo. Bakit hindi na lang ninyo ako diretsuhin?”
Lumuwang ang pagkakayakap sa akin ni Daddy Ced. Tumingin siya sa akin. Pagkatapos ay tumalikod siya. Nagkatinginan sila ni Daddy Mak. Naghihintay ako ng kanilang sagot.
“Ikaw na ang magsabi. Hindi ko kayang sabihin ito sa kaniya. Hindi ko na kakayanin Mak” pabulong man iyon ngunit dinig na dinig ko.
“Dad, ano hong nangyari kay Jino. Bakit hindi ninyo sabihin sa akin? Buhay siya hindi ba? Hindi lang siya dumadalaw kasi pinagbabawalan siya nina Tito James!”
“Anak, makinig ka sa Daddy ha?” umupo si Daddy Mak at pinisil niya ang palad ko.
Naglakad si Daddy Ced palayo sa akin. Pinili nitong tumalikod. Gumagalaw ang kaniyang balikat kaya alam kong humahagulgol siya.
“Daddy, ano ho! Bakit ba ang hirap ninyong magsabi ng totoo! Nasaan si Jino!” pasigaw na iyon. Naghihisterikal na ako.
“Wala na si Jino anak.”
Tumigil ang pag-ikot ng aking mundo. Napakahirap sa akin ang huminga. Parang may kung ilang toneladang bato ang dumagan sa aking dibdib.
Hindi!
Mali ang narinig ko. Hindi magagawa ni Jino na iwan at isuko ako.
“Dad, hatid ninyo ako sa kuwarto niya kung nasa hospital siya, kung nakauwi na siya, gusto kong puntahan siya. Hindi ho ako naniniwala sa sinasabi ninyo.”
“Anak wala na nga si Jino.”
“Paanong wala Dad! Narinig ko siya! Naramdaman ko ho siya. Buhay si Jino!” sigaw ko habang humahagulgol ako. “Buhay si Jino Dad! Buhay na buhay si Jino!” pinilit kong bumangon. Nagwawala na ako. Gusto kong punatahan siya sa bahay nila. Kung walang maghahatid sa akin ay kaya kong pumunta mag-isa.
Nagtutulong-tulong sila para pakalmahin ako. Wala akong pakialam sa paligid ko. Wala na nga akong ibang maramdaman pa kundi ang hindi ko maipaliwanag na siphayo at lungkot. Bakit gano’n? Bakit ako pinahihirapan ng ganito?
Hanggang sa may itinusok sa akin para kumalma. Dahan-dahang bumalik sa normal na tibok ang aking puso.
Inaantok ako.
Hanggang sa parang nawala lahat sa isip ko ang dahilan ng matinding pagwawala ko.
Kawalan.
Mahabang pagtulog.
Pagkamulat na pagkamulat ko pa lamang ay kaagad nang bumaybay ang luha sa aking pisngi. Tanggap ko na na wala na si Lexi sa akin. Nakapagpaalam siya sa akin. Ngunit si Jino? Basta na lang siya nawala sa akin pagkagising ko? Basta na lang akong iniwan na walang kahit anong pasabi samantalang buo ang tiwala kong kinaya niyang lumaban para sa akin. Tulad ng ginawa kong pakikipaglaban. Walang magawa ang mga mahal ko sa buhay kundi ang pagmasdan ako sa pauli-ulit kong paghagulgol. Marami silang mga sinasabi ngunit walang kalulugaran iyon sa isip at puso ko. Nasasaktan ako kaya paano ko iintindihin ang kanilang sinasabi. Nawalan na ako ng gana pang mabuhay kaya paano ko tatanggapin ang kanilang payo na kailangan kong magpalakas. Kinuha na ni Jino ang lahat, isinama niya ang lahat na meron ako kaya anong ikinaganda ng pagpanaw niya katulad ng sinasabi nila ng paulit-ulit sa akin?
Ngunit sa tulad kong nagugulat pa lamang sa mga naririnig ko. Madalas akong magising sa gabi. Ayaw kong maniwala na patay na si Jino. Maaring inilalayo lang nila sa akin. Kailangan kong malaman ang totoo. Kailangan kong magpalakas. Hahanapin ko siya. Pupuntahan ko siya sa kanila. Iyon ang gagamitin kong lakas para mas mapabilis ang aking paggaling. Kailangan kong makalabas sa hospital at alamin kung ano nga ba ang totoo.
Ilang araw pa ang matuling dumaan. Umaasa akong isang araw ay bibisitahin ako ni Jino. Na sosorpresahin niya ako sa biglaan niyang pagdating taglay ang nakakahumaling niyang ngiti. Maamoy ko ang kaniyang pabango, maglalapat ang aming katawan at muli ko siyang mahahagkan ngunit nabigo ako. May bahagi pa din sa aking puso na nagsasabing buhay siya kahit alam na ng aking isip na iniwan na niya ako.
“Anak, mainit pa ang kaso ng pagbaril sa inyo ni Jino. Gusto naming mas madali sa’yo ang paglimot sa masalimuot na bahagi ng buhay mo kaya nakapagdesisyon na kaming sasama ka kina Tito Love at Tito Dave sa pagbalik nila sa Canada. Citizen ka doon at hindi pa naman expired ang passport mo kaya mabilis na lang sa’yo ang pag-alis. Hindi ka pa dito ligtas hangga’t hindi pa siguradong nahuhuli ang mga bumaril sa inyo. Tatapusin namin ang kasong ito sa tulong ng mga kaibigan mong sina Jello at Miggy at iba pang mga brod ninyo sa fraternity na nakakakilala sa mga bumaril sa inyo. Kailangan mong maipagpatuloy ang buhay mo anak. Hindi dapat dito na lang matapos ang lahat.” pakiusap sa akin ni Daddy Ced.
“Sige, Dad. Papayag akong umalis pero gusto ko hong makita si Jino. Nararamdaman ko hong buhay siya. Kaya please, samahan ninyo ako sa bahay nila, sa school kahit saan na puwede ko siyang makita.” pamimilit ko.
“Para sa ikatatahimik mo, sige. Sasamahan ka namin. Ngunit anak, sana matanggap mong wala na siya. Ngunit kung gusto mong isipin at manatili sa isip mo at puso na buhay pa ang mga kaibigan mo, kung sa tingin mo nakakatulong iyon para gumaan ang pakiramdam mo, sige lang. Alam kong nasa state of shock ka kaya para sa’yo, buhay pa ang mga kaibigan mo.” sagot ni Daddy Ced.
Malungkot siyang nakatingin sa malayo habang sinasabi niya sa akin iyon.
Una naming pinuntahan ang bahay nina Jino. Hindi na bumaba si Daddy Mak at sinabing hihintayin na lang niya ako sa labas.
Nang nagdo-door bell ako ay parang nakikita ko si Jino. Yung kaniyang ngiti at kaguwapuhan. Parang nadidinig ko ang kaniyang malulutong na tawa at malambing ngunit buong-buo na boses. Uminit ang paligid ng aking mga mata. Namimiss ko na siya. Sobrang miss na miss ko na siya.
Si Tito James ang nagbukas ng gate.
Ngumiti siya nang makita niya ako. Nagulat ako sa ginawa niyang pagyakap ng mahigpit sa akin. Unang pagkakataong yakapin niya ako.
“Tito, gusto ko ho sanang makausap si Jino. Kahit sandali lang ho.” Pabulong iyon.
Hinawakan ni Tito James ang balikat ko.
“Hindi ko alam kung kailangan kong magalit sa’yo. Kung kailangan kong sisihin ka sa nangyari sa inyo ng anak ko. Pero sa nalaman kong isinangga mo ang katawan mo para hindi sana tamaan si Jino ay pinahanga mo ako Romel. Sinikap mong panindigan ang ipinangako mo sa akin. Kaya lang, likas talagang palaban at malakas ang loob ni Jino. Nakaligtas sana siya kung hindi na siya lumaban pa. Nagkamali kasi siya ng akala na wala ng bala pa ang baril ng mga kalaban ninyo at pinili niyang ipaghiganti ka sa pagkabaril nila sa’yo ngunit siya na ang tinamaan ng bala.” Huminga siya ng malalim.
“Sige, pumasok ka. Kung gusto mong halughugin ang bahay, gawin mo. Pero anak, wala na si Jino.” Huminga siya ng malalim. Kinagat niya ang kaniyang labi kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha. “Iniwan na niya tayo. Masakit man tanggapin ngunit kailangan mo nang ipagpatuloy ang buhay mo ng wala siya. Kailangan na nating magmove-on.”
“Tito, hindi ho totoo ‘yan. Itinatago lang ho ninyo sa akin.”
“Sige, kung makakatulong sa’yo ang paghalughog sa buong bahay para tanggaping wala na siya, gawin mo. Sasamahan kita.” garalgal ang boses ni Tito James.
Lumabas ng bahay si Tito Xian at kuya Jethro. Malungkot ang kanilang mga mukha na tumingin sa akin.
“Kumusta ka na? Salamat naman sa Diyos at nagkamalay ka na. Ilang buwan ka ding nagka-coma. Ngunit malungkot nga lang kasi paggising mo, wala na ang mga kaibigan mo. Si Lexi, nauna na siya sa atin. Si Jino, iniwan ka na din ng taong pinakamamahal mo. Ngunit Buboy, sana maniwala kang pana-panahon lang ang lahat. Dumadating talaga sa tamang panahon ang lahat kaya kahit masakit, tanggapin mo ng bukal sa loob mo na ganoon talaga ang buhay. May mga kailangan tayog isakripisyo para mas magiging maayos din ang lahat.”
Paulit-ulit na naririnig ko iyon sa kanilang lahat. Pero Pucha naman! Hindi pa ako handang tanggapin iyon. Buhay pa si Jino!
“Jinoooooo! Nandito na ako brad! Magpakita ka sa akin! Jinooooo!” sigaw ko. Nagmamadali akong pumasok sa bahay nila. Kung nagmumukha akong sira ulo ng araw na iyon, wala akong pakialam. Sa kusina, sa sala, likod bahay hanggang umikot ako at muling pumasok sa loob. Kahit nagmumukhang wala akong respeto kina Tito James at Tito Xian, ang mahalaga sa akin ay mahanap ko si Jino. Umakyat ako sa taas. Binuksan ang lahat ng kuwarto. Kahit nga mga locker ay sinilip ko.
“Jino, brad kooooooo! Nasaan ka!!!!” sigaw ko habang nagbubukas ng kanilang mga kuwarto hanggang sa natumbok ko din ang kuwarto niya.
Tumambad sa akin ang naka-frame na picture naming dalawa. Ang mga inipon niyang wrapper ng kinainan namin, mga pinagpapasahan naming mga sulat. Lahat ng mga alaala naming dalawa. Maluha-luha kong hinawakan ang box ng chocolate na ibinigay ko bilang peace offering sa kaniya noong elementary pa kami, ang friendship bracelet naming tatlo nina Lexi. Umupo ako sa kaniyang kama. Niyakap ko ang nakaframe na picture naming dalawa. Muli ko iyon tinitigan. Buhay na buhay ang kaniyang ngiti doon. Hinaplos ko ang mukha niya kasabay ng pagbagsak ng luha ko. Napakabigat ng aking nararamdaman.
“Jinooooo! Please, magpakita ka sa akin. Kung totoong patay ka, dalawin mo ako kahit sa panaginip ko. Gusto kong magparamdam ka. Gusto kong sabihin lahat sa’yo ang mga di ko pa nasasabi. Huwag yung paraang ganito! Jinoooo!” sigaw ko. Humahagulgol na ako.
Bumukas ang pintuan ng kuwarto ni Jino.
Umaasa akong siya ang pumasok.
Gusto kong magtiwala na siya ang dumating.
Ngunit nabigo ako. Pumasok silang lahat na nakatira sa bahay na iyon maliban kay Jino. Kasama nila si Daddy Mak.
“Tara na anak. Kailangan mo nang magpahinga. Kailangan na nating umuwi.” Pakiusap ni Daddy.
Tumayo ako.
Gusto kong iwan ang yakap kong litrato namin ni Jino ngunit hindi ko magawa.
“Sige, Romel. Dalhin mo na ‘yan. Kung makagagaan sa pakiramdam mo na isipin na nandito lang anak namin ay gawin mo. Sana manatili sa alaala mo ang masasaya ninyong pinagsamahan.” Niyakap ako ni Tito Xian ganoon din si Tito James hanggang sa inihatid nila ako sa aming sasakyan.
Bago ako sumakay ay tumingala muna ako sa kuwarto ni Jino. Sana magpakita siya sa akin. Kahit kumaway man lang o kaya hawiin niya ang kurtina tulad ng ginagawa niya sa tuwing binabato ko ang bintana ng kaniyang kuwarto. Ngunit hanggang nakasakay ako at kumaway sa kaniyang mga magulang ay nabigo ako. Lalong parang bumigat ang pakiramdam ko.
Tinignan ko ang pambisig kong orasan. Mag-aalas diyes palang ng umaga.
“Dad, idiretso ho ninyo sa school. Baka nasa school lang si Jino.”
“Anak, anong nangyayari sa’yo? Hindi ka pa ba napapagod? Bakit mo pa pinahihirapan ang sarili mo?”
“Dad, please? Gusto kong lang makasiguro. Ayaw kong kung kailan nasa Canada na ako ay nanghihinayang ako na hindi ko sinubukang hanapin siya.”
“Sige, pupunta tayo sa school ninyo. Siguro nga tama lang din na gawin mo ito para sa ikakatahimik mo at para makapagpaalam ka na din sa mga kaklase mo at kaibigan. Sa makalawa na ang flight ninyo kaya lahat ng hihilingin mo, ibibigay namin ng Daddy Ced mo para wala kang pagsisihan na dapat ginawa mo habang nandito ka pa sa Pilipinas.”
Nang pumasok ako sa aming campus ay kasalukuyang recess. Dumiretso ako sa canteen. Umaasang makita ko si Jino doon. Ngunit napaluha ako at napaupo sa sulok nang makita kong iba na ang mag estudiyanteng nakaupo sa puwesto naming tatlo nina Lexi at Jino. Humihikbi ako. Parang lahat ng mga masasayang alaala namin ay biglang nagsibalikan ngunit paano ako mapapangiti kung alam kong hindi na muli pang mangyayari iyon. Hindi ko na muli pang marinig ang kanilang mga tawa at boses.
Iniwan na nga nila akong mag-isa.
Hanggang sa may tumapik sa aking balikat.
Gulat na gulat ako.
Umaasang si Jino na iyon.
Nang lingunin ko ay nakita ko sina Philip, Jheck, Miggy at Kuya Jello. Madalas din naman nila akong binibisita noon sa Hospital at ngayon na nagkakatagpo-tagpo kami ay kailangan ko na ngang magpaalam sa kanila.
“Salamat sa Diyos at gumaling ka na talaga.” Si Miggy. “God! Sobrang na-trauma ako sa nangyari sa inyo ni Jino. Hanggang ngayon, kapag naiisip ko ang gabing iyon, kinakabahan pa din ako.”
Tumango ako. “Oo salamat nga sa Diyos at pinagaling niya ako pero kinuha naman niya sa akin ang dalawang taong malapit sa akin. Halos buhay ko din ang binawi niya.” garalgal kong tugon.
Nagkatinginan silang apat.
“We’re very sorry for your lost friend.” Niyakap ako ni Jheck. “Alam ko yung sakit na pinagdadaanan mo ngayon. Kung may magagawa sana kami para mapagaan namin ang bigat na nararamdaman mo ngayon.”
“Balita namin, mag-Cacanada ka na daw tol?” si Philip. “Siguro mainam na din ‘yan para makalimot ka sa sakit na pinagdaanan mo dito. Good luck at huwag kang makalimot ha? Mamimiss ka namin tol.” Tinapik ni Philip ang balikat ko. Ramdam ko ang pakikisimpatya niya sa akin.
“Oo, tol.” Sagot ko.
Pinusanan ko ang luha ko sa aking pisngi kasunod ng madamdamin kong paglingon sa kung saan kami masayang kumakain noon.
“Siguro nga kailangan mong gawin ito, kahit sobrang sakit sa iyong iwan ang lahat ng kinasanayan mo. Paano ka makakamove-on kung nandito ka at araw-araw sa iyong ipinapaalala ang lahat. Alam naming ayaw mo mang kalimutan sila ngunit siguro ito ang dapat at tama mo munang gawin bata. Kung nandito sila ngayon, alam kong iyon din ang ipapayo nila sa’yo. Alagaan mo ang buhay mo para sa kanila. Gusto din siguro nilang makita kang maayos at successful kaya sana huwag mo silang bibiguin.” Niyakap ako ni Kuya Jello. “Saka makikipagtulungan pala kami ni Miggy sa kaso. Kilala namin ang mga tumira sa inyo bata at hawak na sila ng mga pulis. Sisiguraduhin namin na kasama mo sa fraternity na mananagot sila sa batas. Nakikipagtulungan din ang pamilya ni Jino at pamilya mo sa mabilis na pagkalutas ng kasong ito at ayaw na naming mag mga kapatid pa tayong masasaktan dahil sa maling kaisipan ng iba pang fraternity tungkol sa kapatiran. Kailangang wakasan ng nangyari sa inyo ang frat war. Ginising ng midya at lahat ng iba pang university and campuses ang nangyari sa inyo ni Jino. Naging national issue yung nangyaring iyon sa inyo at gusto ng lahat na magbayad ang mga maysala. Alam namin na mapapabilis ang pagkakakulong ng bumaril sa inyo.”
“Salamat Kuya. Utang ko sa inyo ni Miggy ang buhay ko. Salamat sa pagdala sa amin ni Jino noon sa Hospital. Paano ho, tutuloy na ako. Kita-kits na lang ho pagkaraan ng ilang taon, siguro.”
“Sige, mag-ingat ka doon.” niyakap ako ni Kuya Jello.
“Balitaan mo kami pagbalik mo dito. Malay mo maging bestman ka namin ni Jheck kapag ikakasal na kami.” Biro ni Philip.
“Kasal agad? Di pa nga tayo graduate ng High School.” Protesta ni Jheck.
“Baka professional ka no’n at hindi mo na kami kilala.” Pabirong banat din ni Miggy.
“Ako makakalimot? Hindi siguro.” Sagot ko.
Pinilit kong ngumiti kahit sa mga sandaling iyon ay parang hinihiwa ang puso ko. Iiwan ko ang buhay ko sa Pilipinas. Ang aking mga kaibigan at alaala ng best friend ko na si Lexi at si Jino na sobrang minahal ko.
Bago ako bumalik sa sasakyan ay dumaan muna ako sa classroom namin. Bakante na ang aming mga inupuan. Muli kong pinagbigyan ang aking mga luha. Kahit sa paraang ganoon ay maibsan ang sakit na dinadala ko. Parang nakikita ko si Lexi na tumatawa at kumakaway sa akin sa kaniyang upuan. Sa katabi nitong upuan ay naroon din si Jino, pasulyap-sulyap na may ngiting nakahuhumaling. Pagkatapos ay kikindatan niya ako. Naupo ako sa upuan ko sandali. Inipon ko ang lahat ng masasayang alaala. Iyon ang mga alaalang dadalhin ko sa Canada.
Nagpaalam na din ako sa mga kaklase ko at mga teachers. Nakikiramay ang lahat sa nangyari.
Dumiretso ako sa puno sa likod ng aming classroom. Marami din kaming alaala ni Jino doon. Pakiramdam ko nga naroon lang siya. Nasa isip ko pa din ang pagluha niya noon dahil nasasaktan siya sa amin ni Lexi. Ngunit hindi ang malungkot na bahaging iyon ng aming buhay ang gusto kong maalala. Gusto kong yung sandaling niyakap ko siya doon. Yung kaniyang mga ngiti. Ang masasaya naming sandali.
Nang nasa daan na kami ni Daddy pauwi ay bumuhos ang ulan. Bigla akong may naalala sa ulan na iyon.
“Dad, huling pakiusap na lang ho. Baka puwede ninyo akong idaan sa Park.”
“Saang park anak?”
“Doon sa park Dad kung saan kami...” Hindi ko kayang sabihin pa ang lahat. Iniiwasan ko kasi ang bahaging iyon at kung aalis ako, kailangan kong ibahin ang alaala ko doon.
“Sige, pero kailangan mong magpayong at baka ka magkasakit.” Bilin ni Daddy.
Dahan-dahan akong bumaba dala ang payong. Sumasabay ang aking mga luha sa patak ng ulan. Biglang sa isang iglap ay bumalik ang mga nangyari nang gabing binaril kami. Iyon ang unang naglaro sa aking isipan kaya naman nabuo ang galit sa aking dibdib sa mga kumitil sa buhay ni Jino. Napakabata pa niya para mamatay. Napakarami pa niyang pangarap. Napaluhod ako. Hinayaang kong mabasa ako sa ulan habang nakaluhod sa kung saan siya noon nabaril. Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi ako pumasok sa fraternity, sana hindi kami nasangkot sa gulo. Sana buhay pa siya hanggang ngayon. Sana kasama ko pa siya. Humagulgol ako.
“Patawarin mo ako brad ko. Ipinahamak ko ang buhay mo. Ako ang dahilan kung bakit nangyari sa’yo iyon. Sana kung nasaan ka man, naririnig mo ako ngayon, nakikita mo kung gaano ako lumalaban kahit iniwan na ninyo ako ni Lexi na mag-isa. Ito ba yung inihahanda ninyo noon sa akin? Yung magiging matatag kahit wala na kayo? Kahit gaano kahirap, kahit pakiramdam ko hindi ko kakayanin brad, gagawin ko ang lahat para magtagumpay, hindi lang para sa akin kundi para sa ating tatlo. Alam kong ang tagumpay ko ay tagumpay din ninyo. Pinalakas ninyo ako para kayanin ang lahat ng ito. Salamat at inihanda ninyo ako sa mga ganitong pagsubok bago ninyo ako iniwan. Ngunit sana isinama na lang ninyo ako. Sana magkakasama pa din tayong tatlo.”
Nanatili muna ako doong nakayuko. Pinilit kong patibayin ang aking dibdib.
Ilang sandali pa ay tumayo na din ako. Inilibot ko ang paningin ko. Tulad ng ginawa ko sa school. Kailangan kong kalimutan ang mga masasamang nangyari sa lugar na ito. Piliting ipunin ang mga magagandang alaala ng lugar na ito at iyon ang babaunin ko sa pag-alis.
Tumingin ako sa malaking puno. Diyan ako noon nagtago at dito siya nakaupo nang magtapat ako ng pag-ibig sa kaniya. Doon sa bahaging iyon ko siya unang hinalikan. Halik na hindi dahil sa hazing. Halik na bugso ng pagmamahal. Napapangiti ako nang tumingin ako sa bench. Para lang ako nasisiraan ng ulo. Lumuluha ngunit nakangiti. Sa bench na ito kasi kami unang nagpaputok. Dito sa lugar na ito kami magdamag na naulanan ngunit nagmahalan. Hanggang sa huling araw na magkasama kami. Naglalambingan habang nagmimiryenda. Madalas noon ang aming mga halikan. Nauwi sa kantahan.
Humugot ako ng malalim na hininga.
“Jino, brad ko, kung nasaan ka man ngayon, samahan mo akong kumanta ha? Kahit sa pangarap lang, gusto ko lang muli kitang maramdaman.” Malakas ko iyong tinuran.
Hinayaan kong bagsakan ako ng tubig ulan. Pumikit ako. Hinintay kong mabuo siya sa aking isipan. Hanggang sa nakita ko siyang nakatayo sa harap ko. Maaliwalas ang nakangiti niyang mukha. Hudyat na iyon na simulan ko na ang pagkanta.
Baby when I look at you
Standing there so pure and true
I don't know what I did to deserve
Nakikita ko siya sa aking isipan. Parang nararamdaman ko ang kaniyang paghaplos sa aking buong katawan, ang kaniyang mga maiinit na halik, ang kaniyang paglalambing at di ko kailanman makalimutang pagsinta.
The way you smile
The way we touch
The way you kiss, it mean so much
I must be the luckiest man
In the whole wide world
Hanggang sa biglang pakiramdam ko tumigil ang ulan.
Tumigil ako sa aking pagkanta.
Ramdam kong may nagpayong sa akin.
Kinutuban ako.
Nangyari na ito noon.
Ginawa na ni Jino sa akin ito.
Nandito siya!
Buhay siya!
Pagmulat ko ay nakita ko si Daddy Mak na may hawak ng payong.
“Tara na, anak. Baka magkasakit ka sa ginagawa mo.”
Pinilit kong ngumiti.
Muli kong inilibot ang aking paningin.
“Paalam Jino. Babaunin ko ang lahat ng masasayang alaala natin dito para lalo kong mapatatag anga king sarili.” Pabulong ko iyong sinabi.
Inakbayan ako ni Daddy at sumabay na ako sa kaniya.
“Dad, bukas bago ang flight ko sa makalawa, puwede bang samahan ninyo ako sa puntod nina Lexi at Jino?”
“Sige ‘nak. Walang problema.” Sagot niya.
“Dad, may mga pictures ba kayo sa kabaong ng mga kaibigan ko? Kahit noong libing lang nila?”
“Maalala ko, may kinunan si Daddy Ced mo e. Mamaya pag-uwi natin tatanungin ko siya anak.” Sagot ni Daddy.
Muli akong napaiyak. Totoo ngang patay na silang dalawa.
Fuck!
Bakit ba kasi gulung-gulo ako ng ganito. Sinasabi ng puso ko na buhay pa si Jino kahit alam na alam na ng isip ko na iniwan na niya ako.
“Ced, gusto daw makita ng anak mo yung mga pictures no’ng libing. Di ba kinunan mo ‘yun?” tanong ni Daddy Ced nang nasa sala na kami at nagpapahinga na ako.
“Oo, sandali at kunin ko lang ang iphone ko sa kuwarto.”
Nang iniabot sa akin ni Daddy ang iphone niya ay nanginginig ang kamay kong tinignan ang screen.
Hindi!
Mali ito!
Pero nahagip na ng paningin ko ang kabaong.
Kaya lang mabilis ko din iyong ibinaba.
“Bakit anak?” tanong ni Daddy Ced nang namumutla ko ipinatong nang pataob sa sofa ang iphone.
“Ayaw kong makita Dad. Pakibura na lang ho please.”
Mabilis na akong pumasok sa aking kuwarto.
Tama.
Aalis ako na dala ang masayang mga alaala nila. Hindi ko na dapat pang makita ang mga litrato nila sa kabaong o kaya ang puntod nila. Lalo lang akong masasaktan. Siguro nga pagkakataon na din ang gumawa ng paraan na mawala sila ng wala akong malay para manatili ang masasayang alaala lang nila sa aking isipan nang nabubuhay pa sila. Doon ako huhugot ng lakas. Kailangan kong isiping nariyan lang sila, hindi ko man sila nakikita o nakakausap, kailangan manatili sila sa isip kong buhay na buhay hanggang sa tuluyan ko nang matanggap na wala na sila at kinuha na sila ng Diyos sa akin.
Nag-open ako ng facebook ko sa ipad. Wala na ang facebook ni Lexi at Jino. Binura na nila iyon kaya para makalimot ako sa sakit at matigil na ang mga condolence messages ng mga kaklase at kakilala namin ay nag-deactivate na din ako ng facebook ko. Wala na akong planong bumalik pa sa social networking. Gusto kong tuluyang makalimot ngunit hindi ang masaya naming mga alaala ng aking mga kaibigan.
Umalis ako sa Pilipinas dala ang pangako nina Daddy na bisitahin nila ako taun-taon o kaya tuwing pasko kasama sina Papa Zanjo at Papa Pat. Umiiyak sina Lolo at Lola nang iwan ko sila. Ngunit para daw sa aking kaligtasan at pagtatagumpay, kailangan nila akong payagang lumayo. Inihatid din ako nina Tito James at Tito Xian. May ibinigay sa akin si Tito James na alaala ko daw kay Jino sa tuwing tinatamaan ako ng lungkot. Sana daw ay makatulong ang mga iyon kapag pakiramdam ko, nag-iisa na lang ko. Dala ko ang mga masasayang alaala nina Jino at Lexi.
Nang nasa Canada na ako ay hindi pala ganoon kadali ang lahat. Sobrang hirap malayo sa mga mahal mo sa buhay. Maraming pagkakataon na lumuluha ako sa aking kama. Nalulungkot sa school at hirap akong maka-concentrate. Parang lagi kasing nakikita ko sina Lexi at Jino. Iniisip ko pa ding sila ang mga kasama ko sa school kahit ibang environment na ang nakikita ko sa paligid.
Ang hirap.
Sobrang hirap at sakit ang aking pingadadaanan araw-araw. Gusto ko nang sumuko. Iyon bang nanaginip akong masayang kasama si Jino. Nagtatawananan kami. Magkayakap at puno ng buhay ang kaniyang mga halakhak. Daman-dama ko ang init ng kaniyang mga halik at higpit ng kaniyang mga yakap ngunit paggising ko ay alam kong hanggang panaginip na lang ang lahat ng iyon. Hindi na maari pang magkatotoo. Hindi ko na muli pa siyang makikita. Kapag ganoon ay binabasa ko ang mga message naming noon sa isa’t isa. Noong mga unang araw na masaya palang kami.
“Boy, you'd do anything for me and it really makes me love you more. Brad, you're the only love I need. Hope we will last forever. Pero kung hindi man, gusto kong manatili ang alaala ko sa’yo kahit ang nakaukit na lang sa bato na pangalan ko ang tanging naiwang alaala ko sa iba. Ang mahalaga sa akin ay maramdaman mo at maalala parin yung tindi ng pagmamahal ko, magkasama man tayo o hindi. I love you, brad ko.”
At sa baba ng note na iyon ay mababasa din ang sagot ko sa kaniyang sinabi.
“Brad, kung hindi lang din naman ikaw ang mamahalin ko hanggang sa pagtanda, mag-isa na lang ako habambuhay. Saka ano ako sa tingin mo? Di kita sasamahan kahit saan ka magpunta? Hindi man ako black belter, astig din naman ‘to ano! Mabuti pang dalawa na ang pangalan nating iukit sa lapida kaysa sa iwan mong ako lang. Wala nang iwanan pa brad ko! Ikaw na kaya ang buhay ko. Kung mawawala ka, para mo na ring binawi ang lahat ng meron ako ngayon? Mahal kita brad kaya wala ka ng kawala!”
Ngunit heto ako ngayon. Mag-isang iniwan nila. Nagpapaalam na pala siya noon sa akin ay hindi ko man lang nahalata. Sa tuwing naalala ko ang lahat, kahit ilang buwan na ang nakakaraan nang nangyari iyon ay uupo ako sa madilim kong kuwarto. Hahayaan kong bumuhos ang aking mga luha para mailabas ko ang bawat lungkot na pakiramdam ko ay hindi naiibsan kahit ilang beses ko na iyong ginawa. Ganoon parin kasi ang sakit ng biglaan niyang pagkawalay sa akin. Ganoon parin katindi ang aking pangungulila sa kaniya.
Dumaan ang ilan pang buwan at taon. Hanggang nagiging madali na lang sa akin ang lahat. Kailangan kong magmove-on at sa tulong ng isang paulit-ulit kong pinapanood na video na nakalakip sa mga ibinigay sa akin ni Tito James nang paalis ako sa Pilipinas ay mas nagiging maayos din ang pakiramdam ko. Ito yung video na kinunan ni Jino noong bago ko siya itanan. Habang naghihintay pala siya noon ng text ko ay naisipan niyang magrecord ng video para sa akin kung sakaling matuloy ang sinabi sa kaniya ng Papa niya na paghihiwalayin niya kaming dalawa.
Ito ang paulit-ulit kong pinapanood na Video.
“Hi Brad! Kasama lang kita kanina pero namimiss na naman kita. Katext lang kita kanina pero bigla ka na lang nawala. Pinagalitan ako ih!” nagkamot siya ng kaniyang ulo. “Kaya lang matindi yung itinitibok nito e.” itinuro niya ang puso niya. “Alam mo, kunsakaling paglalayuin nila tayo nina Papa, okey lang sa akin kasi pangarap kita, inspirasyon kasi kita. Gusto kong gamitin yung sakit na pagkakalayo natin para pag-igihan ang pag-aaral ko nang mabilis akong makatapos at kaya na kitang ipaglaban sa kanila. Sa ngayon, sa kanila kasi ako umaasa kaya wala akong ibang maipagmamalaki kundi yung pagmamahal ko sa’yo. Napakarami kong pangarap para sa atin brad ko. Gusto ko kasi ikaw na, yung kasama kong tumanda habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw at hawak kamay tayong magkaagapay at papasok sa ating bahay dahil sa katandaan. Gusto kong kasama kang tumawa kahit wala na tayong mga ngipin o puti na lahat an gating mga buhok. Iyon ay kung hindi pa tayo mga panot. Pero bago mangyari iyon brad ko, kailangan nating dumaan sa isang sakripisyo. Iyon ang sundin sila sa kanilang gusto para makatapos tayo at may maipagmamalaki na din tayo sa ating mga magulang.
Tandaan mong lagi na hindi sagabal ang ating pagkakalayo para ipagpatuloy nating mahalin ang isa’t isa. Nakaukit ka na kasi dito sa isip ko at saka sa puso ko. Ikaw ang ultimate dream ko brad. Ikaw din ang buhay ko. Kung sakaling isa sa atin ang mawala, kailangan pa din nating ituloy ang buhay. Para sa ating minamahal, sa ating pansariling buhay at sa taong minahal natin at nawalay. Alam kong mahirap ang pagkakalayo nating ito, hindi ko din alam kung ano ang gagawin ko pero ang tanging nagpapalakas sa akin ay ang pangako mong ako lang at pangako ko din sa’yo brad ko, na kahit anong mangyari ay ikaw din lang, ikaw ang una kong minahal, ikaw ang patuloy kong mamahalin at sayo ang huling tibok ng aking puso. Magpakatatag tayo brad ha? Kailangan kasing ipagpatuloy ang buhay kahit gaano kadami ang darating na pagsubok. Wala ka namang hindi kinakaya di ba? Kaya nga idol kita kasi lahat kinakaya mo, kaya nga mahal na mahal kita kasi alam ko ang matinding determinasyon mo, kaya ikaw lang ang gusto kong manatili sa buhay ko kasi kaya mong ipaglaban ang paninindigan mo. Kaya brad ko, magkalayo o magkalapit, magkasama o magkahiwalay, sa’yo lang ako, at ikaw ay akin din lang, dito man sa lupa o kahit sa langit man. Mailalayo nila tayo physically but not emotionally kasi doon lang tayo puwedeng maging iisa. Doon lang nating puwedeng ipanalo ang ating hangaring magmahalan.”
Tumunog ang cellphone niya. Tumigil muna siya.
“Tumatawag ka oh?” ipinakita pa niya ang screen ng cellphone niya.
“Akala ko tinulugan mo na akong walang good night. Bakit gising ka pa?” tanong niya.
Naalala ko nga ang gabing iyon noon bago ko kami magtanan.
“Ano? Huwag mong sabihing…Oh my God!” tumayo siya. Iniwan niya ang bukas na video cam niya. “Nasa labas ka nga. Lumalakas na ang ulan oh. Basam-basa ka na yata e.” Dinig ko na lang iyon. Hanggang nagmamadali siyang lumapit muli sa camera saka niya iyon pinatay.
Iyon ang laman ng video na hindi ko pinagsasawaang panoorin. Kasi buhay na buhay siya sa aking isipan at puso. Sa tuwing pagkatapos ko iyong panoorin ay napapanatag ang kalooban ko. Nakakatulog ako ng mahimbing ngunit kinabukasan ay alam kong alaala na lamang iyon na bibabalik-balikan ko.
Ilang taon pa ang nagdaan.
Sinunod naman nina Daddy at nina Papa ang pangako nilang papasyalan ako ng madalas. Unti-unting naglaho ang sakit. Maswerte ako’t di ako pinababayaan nina Papa Dave at Papa Love. Asikasong-asikaso nila ako. Higit pa sa tunay na anak ang turing nila sa akin. Nawawala ang lungkot ko kapag kasama ko silang lumabas at mamasyal. Sila ang naging bago kong pamilya.
Tinutukan kong maigi ang aking pag-aaral dahil iyon ang gusto nina Lexi at Jino noon. Mataas ang lahat ng aking grades. Umiwas ako sa barkada. Nagkakaroon din naman ng mga nagkakagusto dahil sa hindi naman ako pangit ngunit ewan ko ba, pihikan na ang aking puso. Ayaw na nitong tumibok pa sa iba ngunit umaasa akong darating din yung taong muli kong mamahalin. Yung pagmamahal na katulad ng ibinigay ko noong kabataan palang ako.
Matulin ang paglipas ng panahon.
Nakakatawa na din ako na walang kahit anong sakit na naipon sa aking dibdib. Masaya na sa tahimik na buhay. Lumalabas din naman ako para makipagdate ng puwedeng mahalin, babae man o lalaki na sa maaring bumuhay muli sa dating tibok ngaking puso pero sinumpa na yata ako. Hindi ko maintindihan ang hinahanap ng aking puso. Sa tuwing naaalala ko ang High School life ko, ang buhay namin nina Jino at Lexi, wala na yung sakit kaya napapangiti ako. Kasi noon ko lang naranasan yung magmahal ng sobra. Yun bang, kapag iisipin ko ay napapatulala ako. Ganoon na ba ako magmahal noon sa murang edad? Yun bang nasabi ko ba lahat ang mga katagang kapag ipasabi sa akin ngayon ay nakokornihan na ako. Siguro nga kasi nagmahal ako ng sobra. At kahit bata lang ako noon, ay mas nagiging matapang akong sabihin kung ano ang laman ng puso at isip ko. Na kahit sabihing bata lang ako noon ay daig ko pang magsalita at magmahal ang mga nakatatanda. Oh my! Napakasayang balikan ng alaala ang lahat.
Kapag humaharap ako sa salamin, hindi na si Buboy na payat, at batam-bata ang nakikita ko sa salamin. Paano naman kasi, nagtapos na din ako sa kursong Engineering. Pauwi na muli sa Pilipinas dala ang bagong pag-asa. Marami na sigurong nagbago ngunit taglay ko pa din naman ang damdamin ko nang umalis ako. Naroon pa din sa puso ko si Jino. Kulong pa din ng alaala ko si Lexi. Bahagi na kasi sila ng aking pagkatao at tagumpay.
Dumating ang araw na uwi ko ng Pilipinas. Sinalubong ako nina Daddy Ced, Daddy Mak, Papa Zanjo, Papa Pat, Tito Carl at Tito E-jay. Nagdesisyon akong magpapahinga na muna bago ko dalawin ang puntod ng dalawa kong minahal sa buhay. Handa ko nang harapin ang takot ko. Gusto ko na din silang magpahinga sa isip at puso ko. Kailangan kong makita at tuluyang mapaniwala ang sarili kong wala na sila. Matagal na nila akong iniwan.
Kailangan ko na ng bagong pag-ibig na siyang bubuo din sa aking bagong pagkatao. Hindi ko alam kung kailan darating pero maghihintay ako. Alam kong may itinadhana din talaga sa akin.
Natatawa ako habang pinagmamasdan ko ang pictures namin nina Lexi at Jino nang nagtapos kami ng Elementary hanggang nang araw na ikinasal kami ni Lexi. Ang pagtawa sa nakaraan ay nauwi sa hindi ko namalayang pagluha. Namimiss ko na sila. Miss na miss ko na ngunit wala naman akong magawa kundi yakapin lang ang kanilang mga litrato. Kahit doon ko man lang maibuhos ang pagkasabik ko sa kanila lalong lalo na kay Jino. Si Jino na hanggang ngayon, sa kaniya pa ding ang buong pagmamahal ko.
May kumatok at mabilis kong pinunasan ang luha ko. Tinungo ko ang pintuan at nakita si Daddy Ced. Excited ang mukha. May dala pa siyang ice cream.
“Swimming tayo bukas anak? Please? Pagbigyan mo na ang Daddy” paglalambing niya na parang High School pa lang ako.
“Dad, for God’s sake, I’m 23 years old. Parang teenager lang ako kapag kausapin ninyo since dumating ako. Saka, di ba bukas pupunta ako sa puntod ni Lexi at Jino? Usapan ‘yun. Magdadala ako ng flowers for them. I’m sure matagal na din nila akong hinihintay na dalawin sila sa puntod nila.”
“Okey, ganito na lang, swimming sa umaga then sa hapon, sabay-sabay na din tayong pumunta do’n. Okey lang ba anak? Please? Say Yes!”
“O sige, bakit ako mag-yeyes?”
“Kasi may ipapakilala din ako sa’yo. Malay mo, siya na nga ang muling magpapatibok diyan sa nakahimbing mong puso.”
“Dad, okey na ako sa swimming. Rereto ka pa e. Tanda ko na po para ihanapan. Darating din yung para sa akin. Nakatulog lang ‘yun at puyat kaya di pa ako nami-meet.”
“Okey, sabi mo e. So bukas. Agahan mo ang gising okey?”
“Okey Dad, good night. And sorry, hindi na po kumakain ng ice cream kapag gabi na. Nanaba na ho ako. So, thank you sa pagdala ng ice cream.”
“Ahh okey. Sayang naman nga talaga ang iniingatang ganda ng katawan kung masira dahil lang sa dalawang scoop ng ice cream. Okey na lang na mapahiya ang Daddy at mabale-wala ang effort basta maganda ang katawan.”
“Okey fine! Akin na ‘yan. Night Dad” kinuha ko sa kamay niya ang ice cream.
“Good night anak.” Natatawa niyang paalam.
Kinabukasan.
Natulala ako. Ito kasi yung beach na pinuntahan naming noong bata ako. Dito ko unang nakilala ang batang si Jino. Na-meet niya ang basagulerong batang si Buboy. Si Buboy na nagligtas sa isang batang babaeng si Lexi.
Wow!
Huminga ako ng malalim. Parang bumabalik lahat sa aking alaala.
Lumapit ako kina Papa Pat at Papa Zanjo na gumagawa ng kastilyong buhangin. Malapit na nilang matapos iyon at gusto ko silang asarin.
“Tara Pa, swmming tayo!” hinila ko si Papa Zanjo.
“Wait anak, malapit na naming matapos ng Papa Pat mo ang castle!”
“Tara na!” Hinila ko silang dalawa at swak!
Nadaganan nila ang ginagawa nilang kastilyong buhangin.
Wasak!
Panalo ako!
“Ohhh God! Romel!” singhal ni Papa Pat! Naiinis sa ginawa ko. “Hindi man lang namin nakuhaan ng litrato! Pasaway ka pa din eh!” singhal niya.
“Sorry, namiss ko lang ho kayo Pa. Sige. Buuin niyo na lang muli at iikot-ikot lang ho muna ako sa beach. Malay ninyo makasalubong ko na ang pag-ibig.”
“Okey, sige. Baka nga nasa tabi lang ang magpapatibok sa puso mo.’
“Sige Pa, buuin ninyo tapos pakuha tayo ng litrato kay Tito E-jay.”
“Ewan ko sa’yo! Kung di ka lang naming mahal ng Papa Zanjo mo eh!”
Tinanggal ko ang sando ko habang naglalakad sa beach.
Malaki na talaga ang ipinagbago ng katawan ko. Bawat nakakasalubong ko ay nakatingin sa akin. Ilan ay nahihiya pa pero kapag nakatalikod ako ay saka nila ako lilingunin. Umupo ako at humarap sa beach. Kumuha ako ng bato at ipinukol ko iyon sa gitna. Muling bumalik sa aking alaala si Jino noong nagsuntukan kami. Napapangiti ako. Akalain mong mamahalin ko siya ng gano’n katindi noon samantalang para kaming aso at pusa?
“Blag!”
May tumama sa aking ulo na bola ng volleyball.
Weird!
Iyon ang pinag-awayan namin noon ni Jino nang mga bata pa lang kami. Kasi natamaan niya ako ng bola. Tumayo ako at pinulot ko ang gumugulong na bola. Nang mapulot ko iyon ay may isang bata na siguro nasa edad tatlo o apat na taong gulang ang tumatakbo at gustong makuha ang bola sa akin.
“Is this your ball?” tanong ko sa bata.
Lumuhod ako sa harap niya.
Nakangiti lang ang ito.
Mukhang nahihiya.
“Hindi ko ibibigay hanggang hindi mo sasabihin ang pangalan mo. What is your name cute li’l boy?”
“Sam. Sam ang pangalan niya.”
Natigilan ako sa boses na iyon.
Biglang may kung anong parang bumara sa dibdib ko at nahihirapan akong huminga.
Dahan-dahan akong lumingon.
Nanginginig ako.
Parang panaginip ang lahat.
Huminga ako ng malalim.
Nangangatog ang tuhod ko.
Nanlalamig ang buo kong katawan.
Nangangatal ang aking labi.
“Daddyyyyy!” sigaw ng bata.
Tumakbo ang bata palapit sa tinawag niyang Daddy at kinarga niya ito habang hindi naming maialis ang tingin namin sa isa’t isa.
“Fuck! Daddy? Putcha lang!”
Pasimple kong kinurot ang tagiliran ko.
Gising ako.
Hindi lang ito isang panaginip.
Tumalikod ako.
Kailangan kong huminga ng huminga ng malalim kasi kung hindi ay hihimatayin ako.
Muli ko siyang sinulyapan.
May babaeng lumapit sa kaniya.
“Sam, kay Mommy ka muna ha? May kakausapin lang ang Daddy JINO.”
Gusto kong lumayo.
Gusto kong tumakbo ng tumakbo kasi parang may hindi tamang nangyayari. Kaya lang hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Ni hindi ko kayang bawiin ang titig ko sa kaniya.
“Buboy, puwede bang mag-usap tayo? Please?” pabulong iyon.
Hinawakan niya ang braso ko.
Gusto kong magsalita. Gusto kong tanungin siya kung anong nangyari? Kung totoo siya. Kung buhay nga talaga siya ngunit ,putcha naman oh! Bakit di ko maigalaw ang aking dila! Bakit wala akong maisatinig?
Sinubukan kong maglakad palayo.
Kaya ko na. Ngunit hindi ko na makontrol pa ang aking mga paa. Ang hakbang ay naging mabilis na takbo. Kasabay ng pagbuhos ng luha. Hanggang sa natumba na lang ako sa dalampasigan. Humahagulgol. Pakiramdam ko, pinagkaisahan ako.
Buhay siya.
Buhay na buhay si Jino.
Pinalabas nilang wala na siya. Ta’s ngayon, bigla siyang magpapakita sa akin.
Oh my God!
Anong laro ito?
Bakit may ganito!
Humahagulgol ako. Pinilit kong kumalma. Isiping dapat masaya ako kasi buhay ang lalaking akala ko ay matagal nang patay. Dapat, ngayon naglulundag ako sa tuwa.
Ngunit hindi ko magawa, kasi ilang taon akong nagdusang isiping wala na siya. Na patay na ang lalaking kaisa-isa kong minahal. Tapos biglang magpapakita siya sa akin at may pamilya na!
Anong kalokohan ito!
Anong drama ito!
Hanggang sa nakarinig ako ng tunog ng gitara. May nagigitara sa likod ko. Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko si Miggy. Siya ang nagpapatutog ng gitara at katabi niya si Jino.
Napatitig ako kay Jino na walang pang-itaas na damit at nakangiti sa akin. Lalo siyang naging sobrang guwapo. Sobrang lakas ng kaniyang dating. Gusto kong muling lumayo ngunit tama na! Matanda na ako pra gawin ang pag-iwas. Nagulat lang ako kanina at ngayon, haharapin ko na talaga siya.
Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako,
Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko
Bakit kapag nandito ka sumasaya araw ko
Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo
Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang braso ko. Titig na titig siya sa akin at ako yung hindi makatingin sa kaniya ng diretso.
“Ano ‘to? Tigilan mo nga ‘to. Hindi na tayo mga bata! May anak at asawa ka na, Jino at isa pa, pinaniwala nila akong patay ka na!” singhal ko.
Galit na galit ako!
Ngunit parang wala siyang narinig. Tuloy lang siya sa pagkanta. Niyakap pa nga niya ako ng mahigpit at dama ko ang mainit niyang katawan sa aking katawan. Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Amoy ko na ang kaniyang pabango. Nanghihina na ako sa mabangong niyang hininga.
Bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako
Bakit kapag kausap kita nauutal-utal sayo
Bakit kapag nandito ka nababaliw ako
Nababaliw sa tuwa ang puso ko
<!--[if !supportLineBreakNewLine]-->
<!--[endif]-->
“Hindi naman puwedeng idaan mo na lang sa pagyakap at pagkanta ang lahat Jino. Hindi mo alam kung anong hirap ang pinagdaanan ko. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang lahat kaya please! Tigilan mo nga muna ito!” pinipilit kong tanggalin ang kamay niyang nakayakap sa akin ngunit mas hinigpitan pa niya iyon.
Hanggang sa may sasabihin pa sana ako pero naglapat na ang aming mga labi. Biglang natunaw ang lahat ng galit sa dibdib ko. Parang may kung anong humigop sa lahat ng pagmamatigas ko. Nang ilayo niya ang kaniyang labi sa aking labi ay nanatili na lang akong nakapikit. Daman-dama ko na ang kaniyang kinakanta. Ibinabalik nito an gaming kabataan. Pakiramdam ko, naging ako muli ang batang si Buboy at siya, siya pa din si Jino na akala ko tuluyan nang nawala sa buhay ko.
Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito,
Sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso,
Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay,
Sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako
Hinawakan niya ang pisngi ko. Ngumiti siya sa akin sabay kindat. Itinapat niya ang pisngi niya sa aking pisngi habang yakap niya ako na parang isinasayaw.
“Ikaw naman na please? Kantahin mo naman ang susunod na lyrics? Sige na.” bulong niya sa akin.
Bakit kapag kasama kita ang mundo ko'y nag-iiba
Pagsisimula ko.
Nagpalakpakan na ang lahat. Nagugulat ako dahil pinalibutan na nila kami. Lahat naiiyak sa tuwa.
Bakit kapag kapiling kita ang puso ko'y sumisigla
Bakit kapag nandito ka problema ko'y nabubura
Ikaw ang aking pag-asa at ang tanging ligaya
“I love you brad! I miss you ng sobra, sobra sobra!” pasigaw niyang tinuran. Kasunod iyon ng kaniyang paghalik sana sa aking labi ngunit inilayo ko ang bibig ko sa kaniya.
“Sandali! Sandaling lang!” singhal ko.
Itinulak ko siya.
“May anak ka di ba? Nandito nga yung asawa mo eh!”
“Romel, anak ko si Sam at asawa ko nga pala, si Julie” sabad ni Kuya Jethro.
Natahimik ako.
Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko.
“Yung isyu na patay ka na, na wala ka na! Sinong may pakana sa lahat ng iyon!”
“Siya!” sigaw nilang lahat, ang buong pamilya ko, ang lahat ng kabigan ng pamilya ni Jino, kasama ng mga kaibigan naming sina Jheck na buntis na, si Philip na umbok na din ang tiyan, si Kuya Jello na lalo yatang naging pogi, lahat sila nakaturo kay Tito James!
“Sandali! Magpapaliwanag ako. Bakit ako lang ang idinidiin dito? Sino ba ang nagsabing dadalhin na muna sa Canada si Romel, hindi ba mga daddy niya mismo kasi natatakot sila sa kaligtasan ng kanilang anak dito sa Pilipinas? Sino ang nagdala kay Jino sa probinsiya, di ba nagkaisa at nagtulung-tulong sina Kuya Rhon, Kuya Aris, Kuya Lando at Kuya Terrence? Oh sabihin ninyo sa akin, ako lang ba dapat sisihin e ni isa nga sa inyo nakipagtulungan na paglayuin na muna ang mga bata hanggang handa na silang dalawa at wala nang panganib. Buboy, anak, sorry. Kung kailangan kong patayin muna sa’yo ang anak ko para lang sa ikaliligtas ng buhay ninyong dalawa at ikagaganda ng inyong kinabukasan, gagawin ko. Kasi alam kong para sa inyo din lahat ito. Kung alam mong buhay pa si Jino, aalis ka kaya? Pagbubutihin mo kaya ang pag-aaral mo sa ibang bansa o mas pipiin mong samahan siya at muli kayong tumakas ng tumakas sa amin.” Pagpapaliwanag ni Tito James. Nakikusap ang kaniyang mga mata. Gusto kong magalit pero parang nawala ang lahat.
“Saka anak, ito na oh. Binuo na naming kayong muli. Sana isipin mo yung mas magandang naibunga ng ginawa naming ito para sa inyo. Kasi dati, akala ninyo, alam na ninyo lahat. Na dahil nagmamahalan kayo, puwede na ninyong patakbuhin ang inyong mga buhay. Pero anak, nanganganib kayo sa kapusukan noon. Emosyon ninyo ang lagi ninyong inuuna. Kaya lahat kami, humihingi ng iyong kapatawaran.”
Tumingin ako kay Jino.
“Ikaw, may kinalaman ka din ba dito? Alam mo din ba lahat?” tanong ko sa nakangiti si Jino.
“Puwede bang kiss na lang kita? Please?”
Napangiti ako.
“ATM lang ako? Parang pasukan lang ng card na may halik at magluluwa ng cash ng pagpapatawad?”
“Okey lang ba brad ko?” tanong niya.
“Halika ka dito! Hindi lang halik ang gagawin ko sa’yo!” natatawa kong sagot.
Hinila ko siya.
Walang pagtanggi.
Nagpalakpakan ang lahat.
Mabilis naming tinungo ang kuwarto ko. Kailangan naming mang-usap…. Kailangan malinawan ang lahat. kailangan kong ilabas ang galit!
Okey! Sige na nga! Hindi lang pag-uusap.
Hindi na pala kami mga bata…kailangan na naming magsex!
PLEASE PLEASE PLEASE!
BAGO IWAN ANG BLOG, NEED KO NAMAN ANG COMMENT NINYO.
GUSTO KO LANG DIN NA MALAMAN NA MAY NAGBABASA PA DIN SA ATING MGA STORIES.
No comments:
Post a Comment