Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.

Thursday, April 30, 2015

Sexy in Red

STORY: ANG LALAKI SA BUROL [16]

Dali-dali akong tumakbo sa hagdanan upang tingnan kung ano ang nangyari kay Ricky at kung sino ang nabaril niya. At sa bilis ng aking pagtakbo ay tila hindi lumalapat sa hagdanan ang aking mga paa.

Noong narating ko na ang ground floor, tinumbok ko ang main door na nakabukas at noong nasa bungad na, doon ko nakita si Ricky na nakatayo sa harap ng gate, nakatutok pa rin ang baril sa kanilang dalawa ni James at kambal niya na patuloy na nagsambuno sa harapan ng lawn ng bahay.

“Sino ang binaril mo!” ang sigaw ko kay Ricky.

“Warning shots lang iyon igan! Lalapit pa sana kasi sa akin iyang isa. Mabuti na lang at hinaharang din ng isa.”

Nahimasmasan naman ako. Ang akala ko kasi ay may nabaril na sa kanila. “Si James iyang humarang sa isa! Ayaw niyang maagaw ng kambal niya ang baril na nasa iyo!” sigaw ko uli. At baling sa dalawang kambal na patuloy pa ring nagsambuno, “James! Mag-ingat ka!”

Nahinto sandali si James sa pagharang niya kay John. “Huwag kang lumapit Yak... d’yan ka lang!” sagot naman ni James sa akin.

Ngunit iyon na pala ang hinintay na pagkakataon ni John. Agad siyang nakatakbo palapit kay Ricky na nabigla rin, inagaw ang baril, inilignkis niya ang isa niyang kamay sa katawan ni Ricky atsaka itinutok ang baril sa ulo nito.

“Igannnnnn!!!” ang malakas na tili ni Ricky.

“Huwag kayong magkamaling sundan kami kung ayaw ninyo na may mangyaring masama sa kanya!”

“Huwag mo siyang saktan tol! Huwag mo nang dagdagan pa ang masamang record mo. Matutulungan pa kita. Pangako ko sa iyo, bibigyan kita ng magaling na abugado upang hindi ka makulong.”

STORY: BOOK 1 - Love Me Like I Am [13]

Para akong naalipin sa isang napaka-lakas na kapangyarihan sa mga oras na iyon. Hindi ko akalain na ang napaka-gwapong kagaya niya, napaka-bait, napaka-caring, at taong minamahal ko ay hahalikan ako. Sobrang init ng kanyang mga labi. Sobrang sarap na hindi mo maipaliwanag. Alam ko sa mga oras na iyon, MALI!! Mali ang nangyari at gusto kong itigil yun. Pero ang kontrabida kong puso ay sumisigaw na ituloy ito, idiin, yakapin siya at angkinin sa gabing iyon.
Makalipas ang may higit sampung minutong paghahalikan namin ay nagkaroon na ako ng lakas upang kumawala sa kapangyarihang taglay niya. Bumitiw ako at sabay tulak sa kanya palayo.
KUYA JARED: “Ano?? Alam mo na ang sagot ha?? Alam mo na kung sino ang mahal ko!?!?” ang medyo malakas niyang sabi.
Hindi naman ako nakapagsalita sa nadinig ko at ginawa niya. AKo? Mahal niya? Ano nanaman ang trip ng g*gong ito?
KUYA JARED: “Bakit hindi ka magsalita ngayon ha??” ang sigaw niya sa akin.
AKO: “Yan ba ang pinag-iinit ng ulo mo ha?” ang nasabi ko na lang na nahihiya pa rin.
KUYA JARED: “Oo.. kasi mahal kita Gab.. Mahal na mahal kita..” ang seryoso ngunit medyo malambing niyang pagkakasabi. Aayyyiiee!! Hehehe.
AKO: “Jared, alam mong hindi---“ hindi ko natapos dahil bigla siyang nagsalita.
KUYA JARED: “Isang tanong isang sagot Gab, MAHAL MO BA AKO? Higit sa isang kaibigan?” ang seryoso niyang tanong.
AKO: “Jared please, I don’t want---“ hindi nanaman ako natapos.
KUYA JARED: “Isang sagot lang Gab ang gusto kong madinig. Oo o Hindi. MAHAL MO BA AKO higit pa bilang Best Friend mo? Mahal mo ba ako HIGIT PA SA ISANG KAPATID?” ang biglang pagtaas niya ng boses.
Ngunit imbis na sagutin ang tanong niya ay natahimik ako at biglang pumatak ang luha sa mga mata ko.
KUYA JARED: “Tangina Sagutin mo ako!! Mahal mo ba ako o Hindi?” sabay hawak ng madiin sa mga balikat ko, kasabay ang pagtulo ng kanyang luha.

STORY: Ang Munting Lihim [13]

“T-tanggapin mo na please...” sambit niya uli, kitang-kita ko ang pamumutla na niya.

Noong una, litong-lito ang aking isip kung ano ang gagawin. Syempre, nagalit ako sa kanya ngunit hindi ko rin akalain na magagawa niyang putulin ang kanyagn daliri nang dahil lamang sa ganoon. At noong nakita ko pa ang malakas na pagtagas ng dugo galing sa kanyang sugat, doon na ako nataranta.

“M-mauubusan ako ng dugo tol. Tanggapin mo na please...” ang pag-ulit niya.

At sa matinding takot ko, dali-dali kong kinuha ang singsing na kanyang inabot. At halos kasabay rin sa pagkakuha ko sa singsing, bumagsak siya sa sahig.

Tarantang ipinasok ko ang singsing sa aking bulsa atsaka tumakbo sa binatana, nagsisigaw, ang boses ay tila sa isang taong halos puputok ang baga sa matinding pagsisigaw. “Itay!!! Itaayyyyyyyyyyy! Saklolo! Saklolo pooooooo! Mga kapitbahay! Saklolooooooo!!! Itayyyyyyyyyyy!!!”

Wala pang sampong segundo ay nakita kong tarantang nagtatakbo nang pumasok sa kuwarto ang itay. “Anong nangyari?!” Ang tanong niya noong nakita si Kuya Andrei na nakabulagta sa sahig at dumadaloy ang maraming dugo sa kanyang naputol na daliri.

“E-ewan ko...” ang nanginginig kong sagot. Syempre, hindi ko naman puwedeng sabihin na ako ang dahilan at baka maungkat ang mga nangyari.

“Hala! Pulutin mo iyang natanggal na daliri. Manghingi ka ng ice sa kapitbahay o sa tindahan at ilagay ang daliri sa isang tabo o baso kasama ang ice!” ang sambit ng itay sabay hablot ng kanyang damit, pinunit ito at ang mga pilas ay ginawang tourniquet sa bandang pulso ni Kuya Andrei. “At tumawag ka na rin ng masasakyan natin, dalhin natin ang kuya mo sa ospital!” dugtong niya habang inaayos ang tourniquet.

Hindi ko lubos maisalarawan ang aking naramdaman. Natakot, nanginginig ang kalamanan, nanghihina dahil sa pagkakita ko ng dugo. Ngunit pilit akong tumalima sa iniutos ng itay. Dali-dali kong pinulot ang putol na daliri ni Kuya Andrei at nagmamadaling tumungo sa kusina upang maghanap ng malagyan nito.