“Gab!!!” ang sigaw ko habang habol hininga ako sa pagtakbo.
Patuloy pa rin ako sa pagtakbo sa gitna ng maluwag at malawak na highway, hindi alintana kung mayroong mga iilang sasakyang dumadaan, basta maabutan ko lang ang sasakyan niya.
Nang bumilis ang andar ng kanyang sasakyan ay tinangka kong bilisan ang pagtakbo ko, ngunit bigla akong natapilok na naging sanhi ng pagkaluhod ko.
Wala na akong nagawa kundi humagulgol dahil alam ko na wala ng pag-asang maabutan ko pa siya.
.......................
.......................
.......................
Nasa gitna ako ng pag-iyak ng napansin kong tumigil ang sasakyan niya at nakita kong may bumaba.
“Si Gab!!” ang sigaw ko sa sarili ko.
Nakita kong tumakbo siya palapit sa akin. Pinilit ko naman ang sariling tumayo at salubungin siya. Habang papalapit siya ay napansin ko ang luhang dumadaloy sa kanyang mukha, napansin ko din ang matamis niyang ngiti. Ilang sandali ay yinakap niya ako na ginantihan ko din ng yakap.
Parang wala ng bukas ang pagyayakapan namin, dinig ko din ang paghagulgol niya at ramdam ng balikat ko ang luha na tumutulo galing sa kanyang mga mata.
“Mahal na mahal kita Jared, Sorry sa nagawa ko. Sorry sa pag-iwan ko sa iyo.” ang humahagulgol niyang sabi.
“Ok lang Gab, ok lang mahal ko. Ang importante ay nandito ka na. Mahal na mahal kita.”
Kumalas ako sa pagyayakapan namin at tinitigan ang kanyang mata.
“Napakaganda talaga ng mata ng mahal ko” ang sigaw ko sa isip ko.