Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.

Tuesday, March 17, 2015

STORY: ANG BUHAY SEMINARYO (Part 4) WAKAS

Ang Birthday Ni Jessie

Ika 30th ng marso 2002, ito ang 26th
birthday ni Jessie. Isa itong hindi
makakalimutang pangyayari sa
buhay niya.
Ang usapan ng dalawa ay susunduin
niya si Mat sa seminary, alas 5 pa
lang ng hapon ay handang handa na
syang sunduin si mateo sa
Seminaryo tamang tama
makakarating sya ng 6 or 7 ng gabi
sa seminary, habang abala ang
parents nya sa paghahanda sa bahay
at ang lahat ng kakailanganin sa
nasabing okasyon.
Nakarating si Jess a seminary, pero
hindi na sya pumasok sa loob, sa
bandang gate na lang sya nag-antay
kay mateo, tinawagan nya si Mateo
kong nakaready na sya, at sumagot
naman sya ng OO, kitang kita na
nyang palabas si mateo sa gate ng
Seminaryo na may dalang malaking
paper bag, pagkalapit nya sa kotse na
vios na kulay gray, lumabas agad si
Jes at binuksan ang pintuan at
sinabing,
“pasok kna bhe” sambit ni Jes,
Napatingin ng paside itong si Mateo
at nagtaas pa ng kilay sa narinig nya,
at sinabing
“anu daw” ok bhe papasok na po ako”
hehehehehe”
Napatawa na lang si Mareo na
narinig nya at nasabi nya kay Jes. At
pinaandar na ni jes ang kotse niya
habang nakaplay ang music na
“It might be you” habang tumakbo
ang kotse, nong hawakan ni jes ang
kambyo ay ang kamay ni Mateo ang
hinawakan nya at,
“ay mali” samba ni Jes,

STORY: ANG LALAKI SA BUROL [4]

By: Mikejuha

Pinilit kong pigilan ang aking sariling huwag umiyak. “Sino ba ako sa buhay niya upang umiyak?” tanong ng isip ko. At wala naman talaga kaming relasyon. Iyong nangyari sa amin ay dala lang ng libog. Kasi, sabi nga niya, ok lang daw ang magpaligaya sa sarili kapag walang babae.

Kung kaya tumalikod na lang ako sa kanya at lihim na pinahid ang aking mga luha.

“S-sana maayos ang kalagayan ng inay mo yak...” ang sambit ko na lang, pinilit na hindi mahalata sa aking boses na umiiyak ako. Alam ko kasi na kapag nasa Mindanao na siya, maaaring mahirapan na siyang makabalik. May sinabi kasi siya na kapag nakauwi na siya ng Mindanao, ayaw na niyang magtrabaho pa sa lugar na malayo sa kanila. Sa Mindanao na lang daw siya maghanap ng trabaho, at doon na rin siya mag-aasawa. Pagod na raw siya sa pagtatrabaho ng malayo sa kanyang mga magulang. Pagod na rin siya sa isang long distance na relasyon kagaya ng nangyari sa kanya at girlfriend niyang nasa Mindanao na nagkahiwalay din dahil sa layo niya sa isa’t-isa. At dagdagan pa sa pagkaka-stroke ng inay niya, lalong hindi na niya nanaisin pang makabalik.

“Sana...” ang sagot ni James.

Tahimik. Halos hindi na kasi ako makapagsalita gawa nang parang may bagay na bumara sa aking lalamunan. Nakakabingi ang katahimikan.

Maya-maya, “Ihatid mo ako sa terminal bukas? Alas syete ng umaga ang alis ko.”

“S-sige...” ang mahina kong sagot. Nagdadalwang-isip kasi ako. Parang gustong pumigil ng isip ko ngunit ang udyok ng puso ko ay sumipot kahit mag-aabsent pa ako sa klase.

“G-gusto kong mag-inum ngayon, yak. Gusto mo, samahan mo ako?”

“H-hindi ako umiinum eh... Pagagalitan ako ng inay kapag umiinum ako.”

“Kahit ako na lang. Hayaan mo lang na mag-inum ako.”

GMA LIVE STREAMING

STAR WORLD LIVE STREAMING