Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.

Monday, April 27, 2015

STORY: ANG LALAKI SA BUROL [15]

“May pruweba ka ba sa sinabi mong iyan na ibang tao ito?” Ang tanong uli ng pari.

“Mayroon po...” at inangat ko ang litrato na kuha namin ni James noong panahong umalis siya at naganap ang aksidente.

Nagmuestra ang pari na lumapit ako sa altar upang matingnan niya ang litrato.

Dali-dali akong tumalima. Nagtatakbo akong lumapit sa altar at iniabot sa pari ang mga litrato. Halos marinig mo ang pagbagsak ng karayom sa loob ng simbahang iyon sa tindi ng katahimikan habang tiningnan ng pari ang aming larawan.

“Marlon Ibanez... James Andres... Hmmmm.” ang narinig kong bulong ng pari habang seryosong inusisa niya ang mga litrato. At, “Ok...” Iyon lang. At inabot na niya ang litrato sa akin.

Tinanggap ko ang mga litratong inabot ng pari sa akin. Inirapan ko pa silang dalawa ni Marlon at Sophia na halata sa mga mata ang galit habang sinundan nila ako ng tingin. Buong pagmamalaking tumalikod ako sa kanila at tinumbok ang aking upuan sa tabi ni Ricky. Pakiramdam ko kasi ay panalo na ako. “O... tingnan lang natin kung matutuloy pa ang kasal ninyo.” bulong ko sa sarili.

Ngunit sabay sa aking pag-upo ay ang matindi kong pagkagulat noong sinabi ng pari na, “Wala na bang hahadlang?”

Nagtinginan muli ang mga tao. Ang iba ay sa akin nakatutok ang mga mata.

“Kung wala na... Ituloy na natin ang kasal.”

STORY: BOOK 1 - Love Me Like I Am [12]

ELLA: “........... Ikaw Gab, ikaw ang taong mahal ko.. Sobra..” At tuluyan na siyang umiyak.
Para akong tinamaan ng kidlat sa nadinig ko. Hindi ko alam na nakakasakit na pala ako ng ibang tao. Pero sa aking natuklasan ay may katumbas na katanungan na naglalaro sa isip ko.
ELLA: “Pero tandaan mo ito Gab, tanggap ko na hindi ako ang mahal mo. Tanggap ko din na meron kang ibang mahal.”
AKO: “Ano bang sinasabi mo Ella?”
ELLA: “Gabriel wag ka ng magmaang-maangan, alam ko mahal mo si Jared. Nakikita ko na mahal mo siya. Sa ngiti mo, sa tawa mo kapag magkasama kayo, sa paglalambingan niyo, sa mga mata mo, at sa mga awit na kinakanta ninyo.”
Tila nabilaukan ako sa mga nadinig ko. Para akong malulusaw sa hiya dahil all this time, nararamdaman pala niya ang katotohanan. Higit sa lahat, alam niya na umiibig ako sa kapwa ko lalaki.
ELLA: “Noong una, parang wala lang. Pero habang tumatagal ang pagiging mag-close ninyong dalawa, I see something’s wrong ehh. Nakumpirma ko ang lahat nung papauwi tayo galing sa lupain niyo. Natatandaan mo ba? Nakaupo tayong tatlo ni Jared sa likuran ng kotse samantalang si Ely naman ay nasa harap? Nadinig ko ang usapan ninyo noon ni Jared. Sinabi nga niya na “Mahal Talaga kita.. MAHAL NA MAHAL” at pagkatapos ng discussion niyo, pabiro mo pa ngang sinabi na “Ok sige, wala ng bawian yan ah”. Sa puntong iyon, kahit alam kong bilang isang kaibigan ang ibig mong ipahiwatig sa kanya, parang madudurog na ang puso ko dahil alam ko na mahal mo siya higit sa isang kaibigan at alam ko ganon din siya sa iyo.” Ang sabi niya habang umiiyak.
AKO: “Ella, Best friend lang ang tingin sa akin nun, parang kapatid lang.” ang sabi ko.
ELLA: “Hindi Gab, nakikita ko rin na special ka sa kanya at meron siyang nararamdaman para sa iyo. Naaalala mo pa rin ba nung kotse tayo at sinabi niyang “Si Gab ang mahal ko”, sa puntong iyon naramdaman ko na mahal na mahal ka rin ni Jared. Ramdam ko ang salitang binigkas niya at alam kong hindi Joke iyon.” Sabi niya habang humahagulgol na.

STORY: Ang Munting Lihim [12]

Mistula akong napako sa aking kinatatayuan sa aking nakita habang silang dalawa naman na nagulat din ay nakatingin sa amin ni Noah. At doon ko nakumpirma. Siya ang maganda at seksing babaeng nakita ko sa mall sa lugar ng pinag-aaralan ko. Nakasuot siya ng puting damit ng nurse, at sa kanyang ayos ay lalo pang tumingkad ang kanyang taglay na ganda.

“T-tol!!!” ang sigaw ni kuya Andrei noong nakita niya akong hindi natinag, nakatayo lang sa sa may pintuan na parang nakakita ng multo. “N-nandito ka pala???”


Sa pagkasabi niya noon, bigla ring tumayo ang babae at naupo sa isang silya sa gilid ng kama niya. “S-siya pala si Alvin?” ang sabi niya. “P-parang nakita ko na siya ah!” Todo-ngiti siya na para bang walang kaalam-alam sa tila gunaw na gunaw ko nang mundo.

Si Noah naman ay panay lang din ang ngiti. tila nagpapa-cute. Pareho sila noong babae, todo ngiti, inosenteng-inosente sa pagdurugo ng aking puso. Parang gusto ko tuloy pag-umpugin ang kanilang mga ulo.

Kung sabagay, ako lang din naman talaga ang nakakaalam ng lahat; kami ni kuya Andrei. At sa nangyaring iyon, parang hindi ko na rin alam kung kakampi ko pa ba siya; kung nararamdaman pa rin ba niya ako; kung ang dulot na sakit sa kanyang ginawa sa akin ay naramadaman din niya. Feeling ko ay nag-iisa lang talaga ako sa mundo. Walan gkakampi, walang mapagsabihan sa sakit na dinadala ng aking puso.

“Halika... namiss ko ang bunso ko.” sambit ni kuya Andrei noong nanatiling nakatayo lang ako sa bungad ng pintuan at tulala pa ring nakatingin sa kanya.

Nakadamit siya ng pangpasyente. Nag-iisang pasyente lang siya sa kuwartong iyon na sa linis at ganda ng higaan, masinop na pagkalinis, maganda ang pagkapintura ng kuwarto, at lamig ng air-con nito ay masasabi kong pang-VIP ito. Parang isang kuwarto lamang ng isang five-star hotel, kagaya noong tinuluyan namin ni kuya Andrei sa San Pedro City.