Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.

Monday, May 11, 2015

STORY: Love Me Like I Am (Book 2) 4

Nagtitigan kami, mata sa mata. Unti-unting nagkalapit ang mukha namin, hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya sa mukha ko.

“Wala ito sa plano ko! Wala sa plano kong mahulog muli sa kanya! P-Pero bakit ganito? Hindi ko mapigilan ang magnetismong taglay niya?” ang sabi ko sa sarili ko.
Palapit ng palapit ang mukha namin. Konting-konti na lang at maglalapat na ang aming mga labi..
Magkadikit na ang aming noo kasama ang aming ilong ng bumalik ako sa aking katinuan. Kumalas ako at pagkatapos ay tumakbo paalis.
Sa gabing iyon, hindi ko nagawang makatulog ng mahimbing. Naisip ko ang mga plano ko, wala sa plano ko ang mahulog muli sa kanya. Wala sa plano ko ang mahalin siya ulit. Naisip ko din si Ace, naisip ko na baka dumating ang panahon na mapagtaksilan ko yung tao. Ang taong sobrang nagmamahal sa akin.
“Hindi! Hindi Pupwede ito!” ang sabi ko sa sarili ko.
Kinabukasan..
“Gab, Sasama si Enso ha?”
“Ace!! Alam mong nandoon si Jared! Gusto mo bang magkita sila? Gusto mo bang masabotahe ang mga plano ko?” ang sabi ko.
“Basta! Gusto ko sumama si Enso.”
“Please Kuya Gab? Please?” ang sabi ni Enso
“Hindi pwede!” ang sigaw ko.
“Ace, kasama ko buong araw si Jared ngayon. Hindi pupwede!” ang sabi ko dito.
Tumingin lang si Ace at ilang sandali pa ay..
“Ok sige..”
“Kuya Ace!!” ang sigaw ni Enso.
Ngunit hindi sumagot si Ace at isang tingin lang ang ginawa nito kay Enso.
At ayun na nga, hindi sumama ang makulit na bata, este damulag.
Sa Opisina..

STORY: Ang Munting Lihim [21]

“Itayyyyyyyy!!! Itayyyyyyyy!!! Itayyyyyyyyyyyy!!!” ang pagsisigaw ko habang hinawak-hawakan ko ang kanyang braso at pilit na ikinilos ang katawan niya.

Ngunit hindi na niya ako sinagot pa.

“Duktor! Duktorrrrrrrr!” ang pagsisigaw ko. Halos puputok na ang aking baga at lalamunan sa tindi ng aking pagsisigaw.

Dali-daling pumasok ang mga duktor at pilit nilang ni-revive ang paghinga ng itay. Ilang beses din nila itong binigyan ng electric shock ngunit wala na talagang palatandaan na buhay pa ang itay.

“I’m sorry…” ang sambit ng duktor sabay muestra sa mga nurse na ipalabas na lang ang bangkay ng itay at dalhin ito sa kanilang morgue.

Ang sakit. Sobra. Iyon bang nakikita mo ang iyong magulang na wala nang buhay, hindi ka na naririnig, hindi na nakakagalaw. Mistulang isang bagay na lamang siya na walang saysay. At ang sakit na naramdamn ko ay hindi lang dahil sa pagkawala niya at ng inay kundi nadagdagan pa ito sa iniwang pagbubunyag tungkol sa tunay kong pagkatao. Para bang hayun, nawala na nga sila, nag-iwan pa sa akin ng masakit na katotohanang itinatago nila sa akin sa napakahabang panahon. Parang lumabas na pinaglaruan lang nila ang buhay ko. Parang wala silang pakialam sa aking damdamin. Parang isang aso lang ako na inalagaan, walang pakiramdam at walang pakialam kung saan ang kanyang pinagmulan.

Halos hindi ako maaawat sa pag-iiyak sa harap ng labi ng aking itay, naghalo ang aking naramdaman: lungkot sa kanyang pagkawala at ang sama ng loob.

“Kam… huminahon ka. Lakasan mo ang iyong loob.” sambit ni Noah sabay yakap sa akin at tinapik-tapik pa ang aking likod.