Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.

Saturday, May 16, 2015

Shower Time with Ethon Perez

 Shower time with Ethon Perez. Photograph by Achilles. The hunky security guard shower time photos.

Etherian Calendar Boys 2015

 Etherian Calendar Boys 2015. The candidates of Etherian Calendar Boys 2015.  photograph by BlackAnt Lensman .

Hotness of Sebastian Castro


STORY: ROMEO & JULIUS CHAPTER 1

Bago sumapit ang pasko, namimili ang Mommy ko ng mga pangregalo para sa araw ng pasko. At itong aming Daddy, gumagawa ng Christmas tree. Sasabitan ko naman ng mga laruan at mga candy. May iba’t ibang kulay itong ilaw ng Christmas tree. Ito’y laging nagniningning pagsapit ng gabi. Thank you! Thank you! Ambabait ninyo,thank you!”awit ng magkapatid na Romeo at Romnick sa kanilang pangangarolling sa gabi ng Bisperas ng Pasko.
“Romeo, anglaki ng napamaskuhan natin!” Tuwang-tuwa na wika ni Romnick habang binibilang ang mga barya sa loob ng lata na ginawa nilang tambol.
“Oo nga kuya eh. Ang saya talagang mangarolling kapag bisperas ng pasko. Walang patawad.” Sagot naman ni Romeo habang hawak ang mga tansan na tinuhog ng pabilog sa alambre.
“Uwi na tayo. Sigurado naghahanda na doon sina Mama at Papa para sa Noche Buena.”

Magkapatid sina Romnick at Romeo. Ngunit ang turing nila sa isa’t isa ay matalik na magkaibigan. Napakalapit ng loob nila sa isa’t isa mula pa noong sila’y mga bata pa. Sa kabila ng hindi pantay ang pagmamahal na ibinibigay sa kanila ng kanilang ama. Sapagkat paborito nito ang panganay na si Romnick.

11:58….11:59….12:00….”MERRY CHRISTMAS!!!!” Napakasaya ng pagdiriwang ng pasko. Napakagandang tingnan ang mga parol na nakasabit sa mga kabahayan at sa buong paligid. Napakasayang pagmasdan ang mga Christmas lights na kumukutikutitap pagsapit ng gabi. Nakakaaliw panoorin at pakinggan ang mga batang nangangarolling sa mga bahay-bahay. Napakasayang magsimbang-gabi kasama ang pamilya at mga kaibigan. Napakasarap ng puto bumbong at bibingka na nabibili sa kalye. Damang-dama ang diwa ng pagbibigayan . At higit sa lahat, buhay na buhay ang paggunita sa araw ng kapanganakan ng ating Panginoong Hesukristo.

STORY: SAPAT NA BA ANG KABAYARAN CHAPTER 1

Bata pa lang magkaibigan na sila Josh at celine .Kapwa sila mahirap s buhay,lumaki c josh na ang ama lang ang kinalakhan at ang ina nito ay sumama sa mayamang lalake noong siya ay 2 yrs old p lamang dahil di nito nakayanan ang hirap ng buhay nila

.Piyon sa isang construction site ang kanyang ama.Mula noon di na muli itong nag asawa..

Ngunit sinubok sila ng tadhana,Isang araw naaksidente ang ama ni celine sa construction site na pinagtatrabuhan nito,aksidenteng nahulog ito s ikalawang palapag na building na ginagawa.

Dinala ito ng ospital ngunit wala pang malay, pag hindi pa ito nagigising,ang sabi ng doctor ay kaylangan itong operahan dahil nagkaron ng internal bleeding sa utak nito sanhi ng pgkakabagok ng ulo ng pasyente..at malaking halaga ang kylangan para sa operasy0n.

Lumapit ang ina ni celine sa pinagtatrabuhan ng kanyang ama ngunit di sapat ang halagang ibinigay nito s kanila,wala silang nagawa kundi magdasal.

Awang awa si josh sa kasintahan ngunit wala siya magawa dahil malaking halaga ang kylangan.Hindi naman alam ni celine kung anu ang gagawin,mahal na mahal niya ang kanyang ama at hiling nya na sana ay may mbuting puso ang tumulong sa kanila..

Isang araw nkaupo siya sa isang park at nagiisa,umiiyak sya ng my isang lalake ang lumapit sa kanya,inabutan siya ng panyo,tinan0ng siya kung bkit umiiyak..mukha naman itong disente at mbait kya nagtiwala siya na sabihin ang problema,

sandaling nag isip ang lalake maya-maya nagsalita ito,"kung gusto mo tutulungan kita sa problema mo sa isang k0ndisy0n?"

STORY: Love Me Like I Am (Book 2) 6

BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart
Part 6: "A Day With Jared.."



“Uuumm.. busy ka ba?” ang tanong nito.
“Bakit?” ang tanong ko dito.
“Uumm.. Yayain sana kita lumabas eh. Pwede ka ba?” ang tanong nito.
“Ha???” ang bigla kong nasabi.
At napangiti naman ang mokong sa reaksyon ko.
“Ang sabi ko, Pwede ba tayo lumabas? Yung gumala ba?”
Sa totoo lang, I didn’t expect na iimbitahan niya ako.
“Please? Kahit ngayon lang?” ang sabi niya ulit.
“Hhhmmm.. Ok! Call.”
Kita ko naman na napangiti ang mokong sa sagot ko.
“So.. Sure na ito ha? Hindi ka busy?” ang tanong niya.
“No I’m not. Palagay mo ba papayag ako sa proposal mo kung busy ako?”
Isang matamis na ngiti nanaman ang ginawa niya. Sh*t! kita ko nanaman ang dimples niya.
“Give me 15 minutes, aayusin ko lang itong gamit ko. Then we’re ready to go.” Ang sabi ko.
Makalipas ang 15 minutes ay lumabas na ako at sabay kaming bumaba.
Kung iniisip ninyo na pumayag ako sa alok niya dahil sa nararamdaman ko, well nagkakamali kayo. Sabi ko nga, it’s part of my plan na pa-ibigin siya ng todo-todo at pagkatapos ay iiwan ko. Ang bad right? I Know Right! Bwahahaha!!
Sa labas ng company, akmang dudukutin ko na ang cellphone ko para tawagin ang limusin ay..
“Oooppss!!” ang sabi ni Jared.
“Why?”
“We won’t use your Limo.”
“Edi ano? Yung kotse mo?”
“No.”
“Ano nga?”
“Mamamasahe tayo.”ang sabi niya sabay killer smile.
“Ha!?!?!” ang gulat na gulat kong reaksyon.
Kita ko naman na natawa siya sa reaksyon ko.