Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.

Tuesday, May 12, 2015

STORY: Love Me Like I Am (Book 2) 5

“GAB!!” ang sigaw ng lalaki sa likod.
Nang lingunin ko ito ay bumungad sa akin si Ace, at kita ko ang galit sa mukha niya. Pansin ko din na nasa likuran niya si Enso.
Wala pang tatlong segundo ng tawagin ako ni Ace ay lumapit ito at hinatak ang isa kong kamay palayo kay Jared.
“Umuwi na tayo..” ang matigas na sabi ni Ace.
Ngunit hinatak naman ni Jared ang kamay ko na kanina pa niya hawak-hawak.
“Gab.. Mag-usap tayo please.. kahit sandali lang.” ang nagmamakaawang sabi ni Jared.
Pagkatapos sabihin ni Jared ang mga katagang iyon ay biglang tumingin ng masama si Ace dito.
“Shit!! Baka magkaroon ng gulo dito!! Anong gagawin ko!?!?!” ang sigaw ko sa sarili ko.
…..
Patuloy pa rin ang matulis na titig ni Ace kay Jared na para bang kakainin niya ng buhay ito. Nakakatakot, nakakapangilabot, kailangan mapigilan ko kung ano man ang gulong pupwedeng mangyari.
“Please?” ang pagmamakaawa ni Jared sa akin.
“I SAID LET’S GO HOME!” ang biglang sigaw ni Ace sabay hatak sa akin.
“Ace, bitiwan mo ako!! Nasasaktan ako ano ba!!!” ang sigaw ko dito.
Napakahigpit ng hawak niya sa kamay ko, parang mababali na ito sa sobrang higpit.
“BITIWAN MO NGA AKO SABI EHH!! ANO BA!?!?” Ang malakas na sigaw ko sabay pwersahang kalas ng braso ko sa kamay niya.
Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Ace. Tinitigan ko siya, yung parang tingin niya kanina kay Jared. Alam ko kasing kapag galit na ako, ay wala ng magagawa si Ace kundi sumunod sa gusto ko. Ngunit iba sa pagkakataong ito.
“Umuwi na tayo..” Ang mahinahon ngunit matigas na sabi nito sabay muling hawak sa braso ko.
“Ano ba!!” ang sigaw ko ulit dito.
“Sir mawalang galang na po, pero di mo ba nakikita? Nasasaktan na si Gab. Wag mo siyang pilitin kung ayaw niyang sumama sa iyo.” Ang biglang singit ni Jared.

STORY: Ang Munting Lihim [22]

Dali-dali kaming bumalik sa puntod ng aking mga magulang kung saan naroon si Lola Isyang at nagsimula nang magdasal. “Lola Isyang… pasensya na po sa abala. P-pero may nabanggit po kayo kanina at gusto ko po lamang linawin kung tama nga ang aking narinig.” Ang sambit ko.

Biglang napalingon sa amin si Lola Isyang. “A-ano iyon, Alvin?” ang tanong niya.

“Nasabi niyo po na ‘…tandang-tanda ko pa ang ang matinding saya sa mukha ni Itang noong ibinalita ko sa kanya na isang napakakisig at napakalusog na batang lalaki ang iniluwal niya’. Tama po ba?”

Nag-isip siya ng sandali. “I-iyan ba ang n-nasabi ko?”

“Opo… at alam ko pong Itang ang tawag ng mga tao sa aking inay Pacita” sabay lingon ko kay kuya Andrei na nanlaki rin ang mga mata sa napuna ko. “S-sino po ba ang nagluwal kay kuya Andrei? Ang inay Pacita po ba?” dugtong kong tanong.

Kitang-kita ko ang pagkagulat ni Lola Isyang sa aking tanong. Marahil ay hindi niya inaasahang mapansin ko ang sinabi niyang iyon na maaaring hindi rin niya sinadya. “A… e…” ang paunang naisagot niya na mistulang nag-isip sa sunod na sasabihin. “Ay… ito namang batang ito. I-iyang ang ibig kong bigkasin, hindi Itang. Aurea kasi ang pangalan ng inay ng kuya Andrei mo kaya Iyang ang tawag ko sa kanya. Hindi Itang, Iyang ang ibig kong bigkasin. Nagkamali lang ako.” ang dugtong pa niya.

Parang nadismaya naman ako sa sagot niyang iyon. Parang hindi ako kumbinsido. “Lola… hindi po Iyang ang tawag ng mga tao sa inay ko. Auring po… Wala pa po akong narinig na tumawag sa kanya ng Iyang. Ang inay Pacita lang po ang minsan ay tinatawag nilang Itang.” ang pagsingit naman ni kuya Andrei.

“A, eh… a-ako lang siguro ang tumatawag sa kanya ng Iyang.” ang sagot uli ng matanda.