“GAB!!” ang sigaw ng lalaki sa likod.
Nang lingunin ko ito ay bumungad sa akin si Ace, at kita ko ang galit
sa mukha niya. Pansin ko din na nasa likuran niya si Enso.
Wala pang tatlong segundo ng tawagin ako ni Ace ay lumapit ito at hinatak ang isa kong kamay palayo kay Jared.
“Umuwi na tayo..” ang matigas na sabi ni Ace.
Ngunit hinatak naman ni Jared ang kamay ko na kanina pa niya hawak-hawak.
“Gab.. Mag-usap tayo please.. kahit sandali lang.” ang nagmamakaawang sabi ni Jared.
Pagkatapos sabihin ni Jared ang mga katagang iyon ay biglang tumingin ng masama si Ace dito.
“Shit!! Baka magkaroon ng gulo dito!! Anong gagawin ko!?!?!” ang sigaw ko sa sarili ko.
…..
Patuloy pa rin ang matulis na titig ni Ace kay Jared na para bang
kakainin niya ng buhay ito. Nakakatakot, nakakapangilabot, kailangan
mapigilan ko kung ano man ang gulong pupwedeng mangyari.
“Please?” ang pagmamakaawa ni Jared sa akin.
“I SAID LET’S GO HOME!” ang biglang sigaw ni Ace sabay hatak sa akin.
“Ace, bitiwan mo ako!! Nasasaktan ako ano ba!!!” ang sigaw ko dito.
Napakahigpit ng hawak niya sa kamay ko, parang mababali na ito sa sobrang higpit.
“BITIWAN MO NGA AKO SABI EHH!! ANO BA!?!?” Ang malakas na sigaw ko sabay pwersahang kalas ng braso ko sa kamay niya.
Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Ace. Tinitigan ko siya, yung parang
tingin niya kanina kay Jared. Alam ko kasing kapag galit na ako, ay wala
ng magagawa si Ace kundi sumunod sa gusto ko. Ngunit iba sa
pagkakataong ito.
“Umuwi na tayo..” Ang mahinahon ngunit matigas na sabi nito sabay muling hawak sa braso ko.
“Ano ba!!” ang sigaw ko ulit dito.
“Sir mawalang galang na po, pero di mo ba nakikita? Nasasaktan na si
Gab. Wag mo siyang pilitin kung ayaw niyang sumama sa iyo.” Ang biglang
singit ni Jared.
Muli ay tiningnan ni Ace ng masama si Jared at sabay sabing..
“Ikaw wag kang mangengeelam ha!! Boyfriend ko ito!! Wala kang
karapatan!!” ang sigaw ni Ace dito sabay tulak sa dibdib ni Jared palayo
sa amin.
“Alam ko, pero WALA KANG KARAPATANG SAKTAN SIYA!!” ang sigaw ni Jared kay Ace sabay papasugod dito.
“Jared please umuwi ka na..” ang sabi ko sabay harang ko dito upang pigilan ang pagsugod niya kay Ace.
“Bakit ikaw ha? Hindi mo ba siya sinaktan noon HA!?! HINDI BA GINAGO MO SIYA DATI HA!!??” ang sigaw ni Ace.
“Hindi ko siya sinaktan.. Alam ng diyos na kahit kailan, hindi ko magagawang saktan ang taong pinakamamahal ko. Unlike you!!”
“Ikaw—“ ang hindi natapos na sabi ni Ace kay Jared dahil.
“Ace ano ba tama na!!” ang sigaw ko.
“Hep! Hep! Hep! People drama is over!! Tama na yan!!” ang biglang singit ni Enso na pumagitna sa aming tatlo.
“Kuya Ace awat na, tama na yan umuwi na tayo.” ang sabi ni Enso sabay akbay kay Ace at hatak palayo
“Gab let’s go..” ang mahinahon na sabi ni Ace habang hawak pa din ang kamay ko.
Kahit alam kong nandoon si Ace, nakahawak at nakatingin sa akin ay kay
Jared pa rin ako nakatingin. Kita ko ang pagmamakaawa ng mata niya na
huwag akong umalis. Pero anong magagawa ko di ba?.
Bago naming tuluyang lisanin ang pool area ay liningon ko ulit si Jared, kita ko pa rin na nakatingin siya sa akin.
Ramdam ang tension na namamagitan sa amin ni Ace habang kami’y nasa
sasakyan. Wala ni isang salita ang madidinig sa aming labi. Sa totoo
lang, galit ako sa kanya dahil una, pinapunta niya ang maingay na si
Enso na naging sanhi ng pagkasira ng plano ko kay Jared sa araw na ito.
Pangalawa, susugod siya at aawayin si Jared gayong wala naming
ginagawang masama yung tao sa kanya, ano ba ito? Nagseselos? Pangatlo,
sa dami-dami ng lugar na mag-eeskandalo ay sa may pool area pa ng hotel
ko. Buti na lang at walang guest ng hotel ang nandoon kundi naku!
Pagpasok sa pintuan ng bahay ay hinarap ko agad si Ace.
“Ace mag-usap nga tayo..” ang matigas kong sabi.
Ngunit dire-diretso lang siyang umakyat ng staircase na para bang walang nadinig.
“Ace ano ba!!”
Wala pa rin siyang response.
“ACE ANO BA MAG-USAP TAYO!!” ang sigaw ko sa kanya sabay hatak ng braso
nito ngunit tinabig niya ito at dire-diretso papuntang kwarto.
Bago
pa man siya makarating sa pintuan ng aming kwarto ay nagmadali ako at
hinarangan ko ito upang hindi siya makapasok sa loob.
“Ace mag-usap tayo!” ang matigas kong sabi.
“Umalis ka diyan!!” ang sigaw niya.
“Hindi ako aalis ditto hangga’t hindi mo ako kinakausap.”
“Alis sabi ehh!” ang sigaw niya sabay hawak sa braso ko at hinatak ako palayo sa pintuan.
Bago pa man niya ako mailayo sa pintuan ay hindi ko sinasadyang masampal ng malakas si Ace.
“Ace.. Sorry.. Hindi ko sinasadyan, ikaw naman kasi ehh..”
“Ako pa ngayon ha!?!? Ako pa!!!”
“Eh kasi naman ikaw ehh..”
“Anong ako Gab? Hindi mo ako masisisi kung bakit ako nagkakaganito,
ikaw kaya Makita mong may kahalikang iba ang mahal mo, ang boyfriend mo,
hindi ka ba magagalit ha!?!?”
Para akong naging bato sa nadinig ko. Ibig sabihin, nasaksihan pala ni Ace ang lahat ng nangyari sa pool area.
“Ace, nakita mo naman di ba?? Hinatak niya ako!! Pinwersa niya ako!!”
“Pinwersa ka nga niya.. Nasarapan ka naman!! Bakit? Masmasarap ba yung
halik niya kesa sa halik ko ha?? Ay! Bakit ko pa ba tinatanong yan, eh
kitang-kita naman ng dalawa kong mata ang sagot.”
“Ace..”
“Alam
mo Gab, tanggap ko naman eh. Tanggap ko na hindi ako ang mahal mo, na
Hanggang Ngayon, siya pa rin ang mahal mo, siya pa rin ang laman ng puso
mo. Pero sana naman Gab naisip mo na merong isang taong nagmamahal sa
iyo, na may boyfriend kang masasaktan kapag.. kapag nakita niyang may
kahalikan na iba ang mahal niya. Sana naman Gab naisip mo ako..” ang
sabi ni Ace kasabay ang pagtulo ng luha nito.
“Ace kung alam mo
lang, kapag kasama ko si Jared ikaw ang iniisip ko.. Ikaw ang inaalala
ko.. Iniisip ko na kapag ginawa ko ito, na kapag ginawa ko yung ganyan,
masasaktan ka. Ace ayaw kitang masaktan, lahat ginagawa ko Ace maniwala
ka..”
“Gab, papaano ako maniniwala kung iba ang nakikita ko sa
sinasabi mo? Kanina sa pool nakita ko kayong naghahalikan, kahapon ng
gabi nahuli ko kayo sa cubicle ni Jared na magkalapit ang mukha ninyo at
ang kamay niya nakahawak pa sa mukha mo. Sabihin mo nga Gab, papaano
ako maniniwala??”
Napatigil naman ako sa nadinig ko, ibig sabihin ay
umakyat pala siya kagabi sa office ko para sunduin ako kaya lang nakita
niya kami ni Jared sa ganoong posisyon at binigyan na niya ng malisya
ito.
“U-umakyat ka?? N-nakita mo yung--”
“Oo at nakita ko. Pero bumaba ako agad dahil ayaw kong makita ang paglalaplapan ninyo!” ang pasigaw niyang sabi.
Dahil sa sinabi niya, sa pagkakataong ito hindi na sampal ang nagawa k
okay Ace kundi suntok sa kanyang mukha. Kita ko naman na paparating si
Enso at ang mga kasambahay naming sila Aling Minda, Aling Nelly, Inday,
Kokoy at Totoy. Lumapit ang iba kay Ace upang alalayan ito at ang iba
naman ay sa akin upang awatin ako.
“Ganyan ba ang tingin mo sa akin
Ace ha?? Sa tatlong taon nating magkasama ganyan ang pagkakakilala mo sa
akin?” ang galit na galit na tanong ko dito.
Hindi nakasagot si Ace sa mga nasabi ko. Para siyang naging istatwa sa mga oras na iyon.
“Kuya Gab tama na..” ang sabi ni Enso.
“At ikaw!! Umamin ka nga ha, pinapunta ka ba ng lalaking ito para
bantayan ang kilos ko? Nagpunta ka ba para ibuking ako kay Jared? HA!!!”
ang sigaw ko.
“K-k-kuya Gab.. kasi..”
“SUMAGOT KA!!” ang mas malakas na sigaw ko.
“Oo.. Pinapunta ako ni Kuya Ace para doon kasi—“ hindi niya natapos dahil.
“Now I know..” ang sabi ko at pagkatapos ay tinumbok ko ang pintuan ng kwarto at binuksan ito.
Bago ko pa man maisara ang pinto ay pinigilan ito ni Ace sabay sabing.
“Gab.. I’m Sorry.. I’m just afraid to lose you..” ang sabi ni Ace.
“LUMAYAS KA SA HARAPAN KO!!!” ang bulyaw ko dito sabay bagsak ng pintuan.
Pagkasarado ko ng pintuan ay tuluyan ng bumigay ang sarili ko. Hindi ko
na napigilang humagugol, humagugol sa sobrang sobrang sama ng loob. Sa
totoo lang, pakiramdam ko ay para akong tinraydor, pakiramdam ko para
akong pinagkaisahan, parang hindi nila ako kilala, lalo na si Ace. Para
bang sa tatlong taon naming magkasama ay ganun pala ang tingin niya sa
akin. Nakakainis, nakakagigil sa inis.
Sa gabing iyon, hindi ako nakatulog ng maayos, natapos ang araw na hindi kami nagkakabati ni Ace at ganun din si Enso.
“Bahala kayo sa buhay niyo!” ang sigaw ko sa sarili ko.
....
Kinabukasan..
“Sir, eto na po yung report and analysis na pinapagawa niyo.” Ang sabi ni Jared
“Is this about the meeting yesterday?”
“Yes Sir.”
“Ok.. Go to my secretary, she will give you the instruction. Then, report back to me Friday next week.” ang sabi ko dito.
Kita ko ang pagtataka sa kanya mukha. Ang alam niya kasi ay laging sa
akin siya mag-rereport. Well, sinadya ko na this time ay hindi sa akin
dahil na din sa nangyari kagabi. Ayokong mag-away kami ni Ace nang dahil
sa kanya.
“Sir b-bakit po—“
“I don’t have to explain Mr. Cruz.
Siguro naman ay enough na ang nangyari kagabi para malaman mo kung ang
dahilan.” Ang sabi ko sabay ngiti.
Pagkasabi ko noon ay tahimik
siyang umalis ng kwarto. Alam ko nalungkot siya sa nangyari, pero ito
ang nararapat. Kung sa bagay di ba? Sa umpisa pa lang, eto na talaga ang
plano ko.. Ang pahirapan siya..
“Mabuti na rin ito” ang sabi ko sa isip ko.
Pagkalabas na pagkalabas ni Jared biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko.
“Halu! Ser Erick!” ang sigaw ni Inday.
“I-inday?? A-anong ginagawa mo dito?” ang tanong ko sa kanya.
“The questionnaire is, ikaw! I mean, You! Ser Gab! What are you doing here?” ang tanong ni Inday sa akin.
Pagkasabi niya noon ayy..
“Arrayy!!” ang sabi ni Inday (may kumurot sa kanya.)
“Palpak ka nanaman!! Bobita ka talaga kahit kailan!” ang sabi ng lalaki sa may labas ng pintuan.
“Ehh kasi naman ehh.. You! You! You put me in my place, You put me in
my situation! You put me in troubleness..” ang sabi ni Inday.
Sa totoo lang ay natatawa ako sa pagsasalita ni Inday, ang trying hard kasi eh.
Ilang sandali pa ay pumasok ang lalaking nasa likuran ng pintuan at
laking gulat ko na si Kokoy pala ito. Pagkatapos noon ay mas lalo pa
akong nagulat dahil ang sunod na linuwa ng pinto ay sina Totoy, Aling
Nelly, Aling Minda, at Enso.
“A-a-anong ginagawa—“ hindi ko natapos dahil..
“I” ang sabi ni Kokoy sabay taas ng isang Papel na may nakalagay na “I”
“M” ang sabi ni Inday na ganun din ang ginawa.
“S” si Totoy.
“O” si Aling Minda
“R” si Aling Nelly
“R” si Enso
Pagkatapos ng linya ni Enso ay linuwa naman ng pintuan si Ace. May
hawak-hawak na flower basket. Sa gitna ng flower basket ay merong stick
na naka-tusok dito at sa stick na iyon ay may nakadikit na letter “Y”.
Dahan-dahang lumapit si Ace sa kina-uupuan ko samantalang ako naman ay biglang napatayo.
“Gab, I’m sorry.. I’m so sorry.. Sana mapatawad mo ako.”
“Ace..” ang nasabi ko na lang.
“Gab, I love you.. Yun ang dahilan kung bakit ko nagawa iyon, ayokong
mawala ka sa akin Gab.. Hindi ko kaya.. ” ang sabi niya sabay yakap sa
akin.
At yinakap ko rin siya senyales ng aking pagpapatawad.
“Promise.. I won’t do that again” ang sabi nito.
Sobra akong na-touch sa ginawa niya, at talagang pinapunta pa niya ang
mga kasambahay namin para lang kumbinsihin akong patawarin siya. Sa
totoo lang, mahal ko naman talaga si Ace eh, pero sadyang may
masmatimbang na nasa puso ko. Sa araw ding iyon, bumalik ang dating
samahan namin ni Ace.
Kay Jared naman, dumaan ang mga araw ng hindi
ko siya nakakausap. Minsan ay nagkakasalubong kami ngunit hindi ko siya
pinapansin, hindi ko tinitingnan, parang hindi ko kilala ang nakikita
ko. Samantalang siya naman ay madalas kong nahuhuling nakatingin sa akin
o di kaya ay pinagmamasdan ako. Syempre deadma lang ako, busy-busyhan
ba?
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Isang araw, pauwi na ako
noon at papasok ng elevator. Akmang sasarado na ang elevator ay kita
kong dali-daling pumasok si Jared dito.
“Sh*t! Bakit ba sumabay pa akong mokong na ito? Tsk!” ang sabi ko sa isip ko.
Sa loob ng elevator, tanging kaluskos lang nito ang madidinig, hanggang sa..
“Ehem.” Ang sabi ni Jared.
…..
“Uuumm.. Pauwi ka na?” ang tanong nito.
…..
…..
“Hello! Pauwi ka nab a?” ang muling tanong nito.
“Ha!?! A-Ako ba?” ang maang-maangan kong tanong.
“Ay hindi! Ako! Ako! Pauwi na ba ako?” ang pamimilosopo ng mokong.
“Aba’t g*gu ito ahh!!” ang sabi ko sa isip ko.
“Ay hindi!! Papunta pa lang, papasok pa lang ako! Kita mong Ground
floor yung pinindot ko di ba? Papasok pa lang ako!! Ang aga ko nga para
buaks ehh.” Ang pamimilosopo ko rin.
Natawa naman siya sa pamimilosopo ko. Sh*t! ang cute niya talaga kapag tumatawa, idagdag pa yung dimples niya potek!!
Ilang sandali pa ay biglang tumigil ang elevator. Kasama ang pagkurap-kurap ng ilaw dito.
“What the?!!?” ang bigla kong nasabi sabay tingin sa kanya.
Kita ko naman na natigilan siya sa pagtawa-tawa. Naging seryoso ang mukha niya kasabay nito ang pamumula ng kanyang mukha.
“Anong nangyari?” ang nasabi ko na lang sabay pagpipindot ng switch sa ground floor.
“Sir, I think na-stuck po tayo..” ang sabi ni Jared.
“Ha!?!?” gulat na gulat na sigaw ko.
Bigla namang napangiti si Jared sa nasabi niya at sa naging reaksyon ko.
“Oh.. Tawa tawa ka pa diyan!?!? Kita mong nakulong na nga tayo dito, pangiti-ngiti ka pa.” ang sabi ko sa kanya.
“Bakit masama?”
“Oo masama dahil wala namang nakakatawa.”
“Ehh kung sa natatawa ako ehh. Anong pake mo!?!?” ang pabiro niyang sabi.
“Hoy, Mr Cruz baka nakakalimutan mo, boss mo pa rin ako!”
“Gab or should I say Sir Erick! Office hours is over. And it means na hindi na kita boss sa oras na ito.”
“But still, hindi ka pa rin nakakapag-sign out di ba? Hindi mo pa
nai-swipe yung ID mo sa ground floor.” ang sabi ko sabay taas ng kilay.
“Oo na lang..” ang sabi niya.
Tahimik.. Ilang sandali pa ay bigla niyang pinitik ang tenga ko.
“Arrayy!!” ang sigaw ko dito.
“Hahahaha!!” ang tawa naman niya.
“Ano namang trip mong g*go ka ha!?!” ang sabi ko sa kanya.
“Ang cute-cute mo talaga kapag naiinis” ang sabi niya.
“So kaya mo ako pinepeste ganun?”
“Naman!” ang sabi niya.
“Suman!” ang sabi ko.
“Palaman” ang sabi niya.
Bigla naman akong natigilan gawa ng alam ko na ang kasunod noon ay may
pagka-green. Pauso kasi ito ni Enso noong nag-dinner kami.
“Oh, bakit hindi mo ituloy” ang sabi niya.
“Wala.. Ayoko lang.. Angal?” ang pagtataray ko.
“Hay nako hanggang ngayon pa-demure ka pa din..” ang sabi niya.
“Siyempre..” ang sabi ko.
“Kaya nga Hanggang Ngayon Mahal na Mahal pa din kita eh” ang banat niya sabay ngiti na nakaka-gago.
Napatitig ako sa kanya, ramdam ko ang kilig na bumalot sa buong katawan
ko, para akong hihimatayin sa sobrang kilig. Siyempre naman nuh! Sino
ba namang hindi kikiligin ng todo-todo dun lalo na’t isang napakagwapong
prinsipe ang magsasabi nun di ba? Ay..wait nga.. Sinabi ko bang
“napakagwapong prinsipe?” MALI!! ERASE!
Ilang sandali pa ay
naramdaman ko ang kanang kamay niya sa pisngi ko. Gumapang ito papunta
sa batok ko. Ramdam ko namang binalot ng kaliwa niyang kamay ang likuran
ko.
“Sh*t! Hindi na tama ito ahh.. Gab ano ba?? Bakit ba ayaw mong kumalas?” ang sabi ko sa isip ko.
Unti-unti, papalapit ng papalapit ang aming mukha. Pumikit ako senyales
ng pagpaparaya sa kanyang halik. Pagpikit ko, may isang pangyayari sa
aming dalawa ang aking naalala.
===FLASH BACK===
“Jared..”
“Yes?”
“Papaano kung may magawa ka at magalit ako sa iyo? Anong gagawin mo?”
“Bakit ka naman magagalit sa akin?” ang tanong nito.
“Wala.. Basta halimbawa lang..” ang pangungulit ko.
“Edi hindi ako susuko hangga’t hindi mo ako napapatawad..”
“Ehh papaano kung sobra sobra akong nagalit sa iyo, yun bang abot langit ang galit ko.”
Hinawakan niya ang kamay ko at sinabing..
“Gagawin ko ang lahat, mapatawad mo lang ako..”
“Ganun?”
“Oo.. kahit ikamatay ko pa..”
“Hala ka! Wag ka ngang ganyan!” ang gulat kong sabi.
“I’m serious Gab, walang kwenta ang buhay ko kung wala ka.. At mas
walang kwenta ang buhay ko kapag nagalit at lumayo ka sa akin.. Mas
gugustuhing kong mamatay na lang ako..”
Hindi naman ako nakakibo sa sinabi niya, siyempre touch ako sa sinabi niya.
“Ehh papaano kung ikaw naman ang magalit sa akin?” ang tanong ko dito.
“Hindi-hindi mangyayari yun..” ang sagot niya
“Weh? Talaga?”
“Oo naman.. Kahit patayin mo pa ako Gab, hinding-hindi ako magagalit sa iyo.”
“Bakit naman? Papatayin na nga kita ehh.”
“Kasi Mahal kita, at kahit ano pa man ang gawin mo, patuloy pa rin kitang mamahalin..” ang sabi niya.
At ilang sandali ay naglapat ang aming labi. Sa totoo lang hindi ko na lang pinansin iyon, para kasi siyang tanga ehh..
===KASALUKUYAN===
Konting-konti na lang at maglalapat na ang aming mga labi ng biglang umandar ang elevator.
Kasabay ng pag-andar ng elevator ay pagbalik ng aking katinuan, ang paglayo ko sa kanya.
“Sorry..” ang sabi lang niya.
Hindi ko sinagot ang paumanhin niya. Yumuko na lang ako, nananalangin
na sana ay tuluyan ng makababa ang elevator para hindi na ako matukso pa
sa kanya.
Pagbukas ng elevator ay dali-dali akong naglakad, palabas ng building.
Sa gabing iyon, hindi ko nanaman nagawang makatulog ng maayos. Papaano
ba naman di ba? The more na iwasan ko siya, the more na napapalapit kami
sa isa’t-isa. The more na pahirapan ko siya, the more na nahuhulog muli
ang loob ko sa kanya.
“Nakakainis naman!” ang sigaw ko sa isip ko.
Nasa ganoon akong pag-iisip ng..
“Mahal, bakit gising ka pa?” ang tanong ni Ace.
“Ahh.. Wala, may iniisip lang ako..” ang dahilan ko.
“Ahh. Matulog ka na mahal.” Ang sabi niya sabay yakap sa akin.
Nginitian ko lang siya sa sinabi niya. Ilang sandali ay nakatulog na rin si Ace.
Tinititigan ko ang mahimbing na pagtulog ni Ace, at the same time iniisip ang kalagayan naming tatlo nila Jared.
“Ayaw kong masaktan ka Ace.. Kasi mahal kita eh.. Pero mas mahal ko
siya ehh” ang sabi ko sa isip ko kasabay ang pagtulo ng luha ko.
“Lord, tulungan niyo naman po ako.. Nahihirapan na ako..” at tuluyan na akong umiyak.
…..
Kinabukasan, araw ng pagrereport sa akin ni Jared.
Tok! Tok! Tok!
“Come in!” ang sabi ko.
Tahimik siyang pumasok sa loob ng kwarto ko at linatag sa desk ko isang
folder. Pagbukas ko ng folder, imbis na report niya ang bubungad sa
akin ay isang maliit na papel ang nandoon kasama ang reports niya na may
nakalagay na…
“Sorry if I caused you pain.. Sorry kung
nasaktan ka noon.. Pero ito ang sasabihin ko sa iyo, kahit kailan hindi
kita magagawang saktan. Sa araw-araw na ginawa ng diyos, wala akong
ginawa kundi mahalin ka.. ang paulit-ulit kang mahalin.. I miss you so
much Gab..”
Pagkabasa ko ng note niya ay..
“Uumm bumalik ka na lang bukas. Tapos na ang trabaho mo ngayong araw.” Ang nasabi ko na lang.
“Ok..” ang sabi niya.
Paalis na sana siya ng..
“Uuumm.. busy ka ba?” ang tanong nito.
“Bakit?” ang tanong ko dito.
“Uumm.. Yayain sana kita lumabas eh. Pwede ka ba?” ang tanong nito.
“Ha???” ang bigla kong nasabi.
At napangiti naman ang mokong sa reaksyon ko.
“Ang sabi ko, Pwede ba tayo lumabas? Yung gumala ba?”
Sa totoo lang, I didn’t expect na iimbitahan niya ako.
“Please? Kahit ngayon lang?” ang sabi niya ulit.
“Hhhmmm..”
(itutuloy..)
No comments:
Post a Comment