Part 4: “Gabriel, Jared, Ella, and Ely….. And STEPH!?!?!”
SI POGI (wahehe..): “Hey Gab!!”
Siyempre nagulat naman ako pero ng titigan ko siya ng malapitan, na-recognize ko na si..
AKO: “…..Jared?? wui!! KUYA!!” ang natuwa kong sabi.
KUYA JARED: “Kamusta ka na tol? Tinatawag kita kanina pero di mo naman ako pinapansin.”
AKO: “Ahh yun ba?? Akala ko kasi iba yung sinesenyasan mo nun at tsaka di kasi kita nakilala ehh.. nakilala lang kita ngayon nung makita kita ng malapitan.”
KUYA JARED: “Ngek!! Ehh lagi mo nga akong ka-text ehh.. Tas hindi mo man lang natandaan yung mukha ko..”
AKO: “Iba kasi hair style mo ngayon.. Nung una tayong magkita, di ganoon kahaba ang buhok mo pero naka-spike.. Ngayon, Humaba siya at.. NAKATAAS PA RIN.. Hahahaha!!!”
Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.
Friday, March 27, 2015
STORY: PISO [6]
Sa paglubog niya sa ilog na iyon matapos niyang ihagis ang piso, kita ko pa ang kasiyahan sa kanyang mga mata. Kita ko pa dito ang kasiyahang nag-uumapaw. Alam ko dahil magkasama ulit kami, nagkausap. Ako rin ay masayang masaya sa mga sandaling iyon hindi lang dahil sa magkasama ulit kami kundi dahil sa mga aral na dulot din niya sa akin noong kami ay magkausap. Ngunit may kurot din itong dulot noong di ko siya masumpungan noong ako ay umahon. Masigla ko pa ring dala-dala ang pisong ipagmamalaki ko sanang natagpuan ko na iyon. Ngunit wala siya. Hindi ko na siya makita kahit ano pa ang gawin kong paghahanap. Nalungkot akong bigla. Natakot. Kinabahan. Tila napakahiwaga ng pangyayaring iyon.
Ginising ako ng aking gunita at katotohanan noong marinig ko ang isang katok. Nanaghinip lang pala ako. Hindi ko akalaing isa iyong panaghinip. Ramdam na ramdam ko pa ang kanyang presensya. Ang tamis ng kanyang mga halik sa aki'y nalalasahan ko pa, ang higpit ng mga hawak niya sa aking kamay, ang init ng kanyang mga yakap, bilis ng tibok ng kanyang puso, ang kanyang nakakapanghipnotismong mga titig; ramdam na ramdam ko pang tila isa iyong totoong pangyayari.
Ang kasiyahang nararamdaman ko dito sa puso ko ay nananatili pa rin at nag-uumapaw ngunit ang katotohanang wala na siya sa aking buhay at kailanman ay hindi na muling magbabalik ang siyang gumising sa aking kahibangan.

Subscribe to:
Posts (Atom)