“Bunso.. bunso... gising na. Nandito na tayo. Welcome to San Pedro City!” ang paggising ni kuya Andrei sa akin.
Kinuskos ko ang aking mga mata. Med’yo groggy pa ako dahil sa gamot sa hilo na pinainum niya sa akin. Nahimbing ako nang husto.“ Hinawakan ko ang kamay niya at at tiningnan ang oras sa kanyang relo. Nakita kong mag-aalas onse na ng tanghali.
Tumayo siya at hinila ang aking kamay. “O tayo na para makalabas na tayo.”
Disoriented pa ng kaunti, pilit kong tumayo. At tila walang mapagsidlan ang tuwa na nadarama ko noong nakalabas na kami. Nakita ko ang maraming tao, magulong ngunit tila masaya, may maraming sasakyan din akong nakikita. Napa “Wow!” ako. Noon lang kasi ako nakarating sa isang lugar na may maraming tao, may malalaking mga buildings. Sa litrato ko lang nakikita ang mga ito. “Ang daming tao kuya...” sambit ko.
“Syempre, syudad ito. Ganito ang syudad. Iba ang mundo kaysa bukid na nakasanayan natin.” Sagot niya. “O... Hindi ka ba nagugutom?”
“N-nagugutom po…” ang sagot ko. Noon ko lang naramdaman ang sobrang pagkagutom.
Binuksan niya ang kanyang bag, “Nalimutan ko palang ibigay ito sa iyo kanina sa bus. Paano, nakatulog ka sa biyahe. Hindi na kita inistorbo baka magsuka ka lang.” sabay hugot sa isang supot.
“Ano to?” tiningnan ko siya.