Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.

Thursday, May 7, 2015

STORY: Love Me Like I Am (Book 2) 1

Tumakbo ako, lahat ng lakas ay binuhos ko para abutan ang sasakyan ng mahal ko. Lahat ginawa ko para madinig niya ang tinig ko.

“Gab!!!” ang sigaw ko habang habol hininga ako sa pagtakbo.
Patuloy pa rin ako sa pagtakbo sa gitna ng maluwag at malawak na highway, hindi alintana kung mayroong mga iilang sasakyang dumadaan, basta maabutan ko lang ang sasakyan niya.
Nang bumilis ang andar ng kanyang sasakyan ay tinangka kong bilisan ang pagtakbo ko, ngunit bigla akong natapilok na naging sanhi ng pagkaluhod ko.
Wala na akong nagawa kundi humagulgol dahil alam ko na wala ng pag-asang maabutan ko pa siya.
.......................
Nasa gitna ako ng pag-iyak ng napansin kong tumigil ang sasakyan niya at nakita kong may bumaba.
“Si Gab!!” ang sigaw ko sa sarili ko.
Nakita kong tumakbo siya palapit sa akin. Pinilit ko naman ang sariling tumayo at salubungin siya. Habang papalapit siya ay napansin ko ang luhang dumadaloy sa kanyang mukha, napansin ko din ang matamis niyang ngiti. Ilang sandali ay yinakap niya ako na ginantihan ko din ng yakap.
Parang wala ng bukas ang pagyayakapan namin, dinig ko din ang paghagulgol niya at ramdam ng balikat ko ang luha na tumutulo galing sa kanyang mga mata.
“Mahal na mahal kita Jared, Sorry sa nagawa ko. Sorry sa pag-iwan ko sa iyo.” ang humahagulgol niyang sabi.
“Ok lang Gab, ok lang mahal ko. Ang importante ay nandito ka na. Mahal na mahal kita.”
Kumalas ako sa pagyayakapan namin at tinitigan ang kanyang mata.
“Napakaganda talaga ng mata ng mahal ko” ang sigaw ko sa isip ko.
“Hinding-hindi na kita iiwan Jared.. Hindi na..” ang sabi niya.
“I love you Gab..”
“I love you Jared..”

STORY: Ang Munting Lihim [18]


“H-hi...” ang sagot ko ring halos hindi makapagsalita gawa nang pagkabigla sa hindi inaasahang pagsulpot niya.

Lumapit siya sa pinto ng bahay kung saan ako nakatayo sa harap nito. Nahinto na rin ang pagtatahol ng mga aso at nagsibalikan na sila sa kani-kanilang mga puwesto. Napansin ko ang bitbit niya. Dalawang malalaking bag sa magkabilang kamay at may knapsack na nakasukbit sa kanyang likod.

Nang nasa harap ko na siya, ibinaba niya ang bitbit na mga bag at niyakap niya ako. Sinuklian ko ang kanyang yakap. Ramdam ko sa higpit nito ang kanyang kasabikan. “A-akala ko ba ay hindi ka pinayagan ng daddy mo na umalis? At bakit ang dami mo atang dalang bagahe?” ang tanong ko.

“Eh...” hindi siya nakasagot.

Kumalas ako sa aming yakapan at tiningnan siya. “L-lumayas ka? Nagrebelde ka?”

Tumango siya.

“B-bakit???” Ang tanong kong nabigla sa kanyang dahilan, ipikita ang aking pagkadismaya.

“N-nasaktan ako. Nag-away kami ng daddy ko... Ayaw na niyang magkita pa tayo.” Sambit ni Brix na ang boses ay nag-crack na sanhi ng pigil na pag-iyak. “D-doon na raw ako mag-aaral sa Amerika upang hindi na tayo magkita. A-ayaw kong malayo sa iyo, love.”

Hindi ko alam kung maawa sa kanya o mainis sa aking narinig. “P-paano na iyan? Ginawa mong kumplikado ang sitwasyon natin... Alam mo bang lalo lang tayong mahirapan niyan?”

At doon na siya humagulgol. “Hindi ko kayang hindi kita makita eh...”

STORY: ANG LALAKI SA BUROL [21] LAST PART

“Hah??? P-paanong nangyari???”  ang gulat na sagot ni James.
“M-may nasilip sila sa mga papeles. At doon nila nakitang hindi pala ako ang tunay na tagapagmana ni Sophia.”

“S-sino???”

“I-ikaw kuya…”

“Hah? B-bakit ako?”

“Di ba nang ikinasal kami, nagkunyari akong ikaw. At pangalan mo ang nakalagay sa marriage certificate. Kaya ikaw ang legal na tagapagmana ng lahat na mga ari-arian ni Sophia.”

Mistulang natulala si James sa kanyang narinig.

“Ikaw ang mayaman kuya, hindi ako…”

Tinitigan ni James ang kambal. “Dala-dala mo ba ang mga papeles na nagpapatunay na ako nga ang tagapagmana?” ang tanong niya.

“Opo…” sagot ni John sabay bukas sa kanyang bag at noong nabuksan na, hinugot ang mga envelopes at inabot ang mga ito kay James.

Tinanggap naman ni James ang mga dokumento. Binasa. Pagkatapos, “So… ano ngayon ang plano mo ngayon?”

“Wala… mag apply na lang ako sa iyo ng trabaho.” Sabay bitiw ng hilaw na ngiti.

“O e di kung ganoon, patuloy ka lang sa pagtatrabaho sa restaurant. Bibigyan kita ng appointment letter.”

“Talaga kuya?” ang sambit ni John.

“Oo. At ikaw na rin ang prisidente at CEO ng kumpanya.”