“Hah??? P-paanong nangyari???” ang gulat na sagot ni James.
“M-may nasilip sila sa mga papeles. At doon nila nakitang hindi pala ako ang tunay na tagapagmana ni Sophia.”
“S-sino???”
“I-ikaw kuya…”
“Hah? B-bakit ako?”
“Di
ba nang ikinasal kami, nagkunyari akong ikaw. At pangalan mo ang
nakalagay sa marriage certificate. Kaya ikaw ang legal na tagapagmana ng
lahat na mga ari-arian ni Sophia.”
Mistulang natulala si James sa kanyang narinig.
“Ikaw ang mayaman kuya, hindi ako…”
Tinitigan ni James ang kambal. “Dala-dala mo ba ang mga papeles na nagpapatunay na ako nga ang tagapagmana?” ang tanong niya.
“Opo…” sagot ni John sabay bukas sa kanyang bag at noong nabuksan na, hinugot ang mga envelopes at inabot ang mga ito kay James.
Tinanggap naman ni James ang mga dokumento. Binasa. Pagkatapos, “So… ano ngayon ang plano mo ngayon?”
“Wala… mag apply na lang ako sa iyo ng trabaho.” Sabay bitiw ng hilaw na ngiti.
“O e di kung ganoon, patuloy ka lang sa pagtatrabaho sa restaurant. Bibigyan kita ng appointment letter.”
“Talaga kuya?” ang sambit ni John.
“Oo. At ikaw na rin ang prisidente at CEO ng kumpanya.”
Habang
nag-uusap ang kambal, si Ricky naman ay panay ang biro sa akin. Kinilig
ba sa kalagayan namin ni James na kahit papaano ay talagang
pinanindigan ako ni James. Marami-rami rin kaming napag-usapan.
Inapppoint kasi siya ni John na isa sa mga managers ng restaurant. At
masayang-masaya na rin si Ricky sa kalagayan niya. Imagine, tumaas ang
ranggo niya.
“Pero mas maswerte ka pa rin igan. Kasi may
mabait at guwapo ka ng jowa, magiging first lady ka pa ng MCJ
restaurant!” sabay tawa.
“Woi… sobra ka naman. Walang
interest si James d’yan! Ayaw nga niyang may responsibility pa siya sa
mga bagay-bagay na pag-aari ni Sophia. Mas masaya siya sa pagiging
security guard. Gusto niya ay ang simpleng buhay lamang sa bukid.”
“Oo nga. Sobrang bait talaga ng jowa mo. Sobrang mapagkumbaba. Pinagpala ka talaga igan!”
“Ikaw rin naman eh. Maswerte ka rin. Tingnan mo, manager ka na!”
Napangiti
naman si Ricky. “Oo nga! Hindi ko akalalin. Marami na akong pandatung
sa mga boys ngayon! Sila na ang maghahabol sa byuti ko!” sabay tawa.
“Dahil sa iyo itong lahat nang ito, igan…” ang seryoso rin niyang
dugtong.
“Dahil magaling ka at mabait na kaibigan!”
“Syempre naman! Mas mabait ka kaya…”
“Sige na nagbobolahan na tayo eh!” ang pag cut ko sa usapan.
“Tol…
pupunta tayo sa bayan, magpagawa ako ng letter of appointment para sa
kambal ko upang magiging legal ang lahat nang pagtatrabaho niya sa mga
restaurant chains ko.” Ang sambit sa akin ni James na ngumiti at
kinindatan pa ako. Parang nakakaloko ang ngiti at kindat niyang iyon.
Hindi ko lang alam kung ano ang ibig niyang ipahiwatig.
Nagpunta
kami sa bayan. At nang nakahanap kami ng isang notary public, pumasok
kami. Si James lang ang pumasok sa opisina ng abugado, dala-dala niya
ang mga dokumento. Ngunit pagkatapos ng may isang oras ay pinatawag na
kaming lahat sa loob.
“Pirmahan ninyo ito, ito at ito as
witnesses” ang sabi ng abugado sa amin ni Ricky. At baling kay John,
“Ikaw ba si John?” ang tanong niya.
“Opo…”
“Dito ka naman dapat pumirma.”
Dali-dali
kaming pumirma ni Ricky. At nang matapos na kaming pumirmang lahat,
nagtanong si John. “D-di ba dapat appointment lang? Hindi naman
kailangan ang mga witness at notary sa letter of appointment?”
“Hindi
appointment ito, John. Ito ay certificate of transfer. Nagpapatunay ito
na ikaw na ang may ari ng lahat ng mga properties na na-inherit ng
iyong kambal.” Turo niya kay James.
Napatitig si John sa kuya niya. Iyong titig na nabigla at hindi makapaniwala.
“Ano???” ang tanong ni James sa kambal niya nang napansin ang titig nito at hindi nakapagsalita.
“Hindi mo naman kailangang gawin ito kuya eh…” sagot ni John.
“Hayaan mo na. Gusto kong ang lahat ng mga pangarap mo sa buahy ay makamit mo at matupad.”
At niyakap ni John ang kanyang kambal. Napaiyak siya. “Ngayon ko napatunayang napakabait mo talaga kuya…”
“O
huwag nang magdrama. Ang sagwa! Kapag nakita ka ng itay na umiiyak
sasambunutan ka noon kagaya nang ginawa niya sa akin.” sabay tawa.
Tawanan
na rin kami. Pati ako ay na-antig din ang damdamin. Ni wala man lang
pag-aalangan si James na ibigay ang ganoon kalaking kayamanan sa kanyang
kapatid. Kung ibang tao pa iyon, siguradong hindi na ito pakawalan pa.
Doon ko na rin napagtanto kung bakit ganoon ang ngiti at pagkindat ni
James sa akin bago kami nagpunta ng bayan. Iyon pala ang gagawin niya.
“P-paano
na lang ikaw? Magsi-security guard ka na lang ba habambuhay?” ang
tanong ni John nang nasa loob na kami sa kotse niya at hinatid kami
pauwi sa aking inuupahang kuwarto.
“Tol… hindi porket
security guard lang ay trabaho ay hindi na siya maligaya. Hindi lahat ng
kaligayahan sa buhay ay nakatali sa ganda ng trabaho, o sa dami ng
pera. Minsan nga, ang pera o karangyaan pa ang nagiging dahilan upang
mas lumaki pa ang problema ng tao. Tingan mo ang mga simpleng tao,
masaya na sila sa mga simpleng bagay. Tingnan mo ang mga problema nila,
simple lang din. Iyan ang gusto kong buhay, para sa amin ni Jassim. Sa
burol… masaya na ako. Malamig ang simoy ng hangin, maraming kahoy, may
maliit na ilog. Ito ang gusto kong balik-balikan, ang lugar na ito –
kung saan kami nagsimula ni Jassim.”
“Sabagay… masuwerte ka rin ay Jassim dahil mabait na, matalino pa.”
“Mas maswerte ako kay James. Hindi na ako makakahanap pa ng taong kasing bait niya.” Ang pagsingit ko.
“Oo… mabait ang kuya. At pareho kayong mababait.”
“At bubuhayin ako niyan tol.” Sagot ni James.
Tawanan.
“Para na talaga kayong mag-asawa kuya.” ang biglang paglihis ni John sa issue.
Napatingin sa akin si James. “Actually, mag-asawa naman kami eh. Wala pa lang kasal.” Sagot ni James sabay tawa.
“Oo nga pala no? wala palang same-sex na kasal sa Pinas.”
“Magkaroon din iyan… Pero may alam akong lugar sa Pinas.” ang pagsingit naman ni Ricky.
“Weeh! Di nga!”
“Bakit, gusto mo na talagang makasal?” tanong ni Ricky.
Nilingon ko si James. “Bakit hindi?” ang sagot ko.
“Hahanapin pa natin ang lugar...” Sagot uli ni Ricky sabay tawa.
“Daya naman!”
Bumalik
sina John at Ricky sa siyudad na masayang-masaya. At ako, sobrang
humanga sa ipinakitang kabaitan ni James. Parang hindi na siya nauubusan
ng kabaitan. Parang wala siyang kapaguran sa pagbibigay para sa iba.
“Alam mo Yak… sobrang proud ako sa iyo. Grabeh. Ganyan ka ba talaga kabait?”
“Hindi...
naman. Sadista rin ako minsan. Gaya ngayon..!” sagot niya sabay lock ng
kanyang braso sa aking leeg at hinila ako patungo sa aking kama.”
“Arrgggg! Salbahe!”
“Salbahe pala. Sige i-rape na kita!”
At
nagsambuno na lang kami. At nang mapagod, nakahiga kaming magkatabi sa
kama, parehong nakatihaya, tawanan, habol-habol ang paghinga.
Tahimik.
“I love you…” bulong niya
“I love you too” bulong ko rin.
At iyon, nagyakapan kami, naglapat ang mga labi at natahimik ang buong kuwarto. Hanggang sa nabalot na ito ng aming mga ungol…
Lumipas
muli ang isang linggo. Bumisita na naman sina John at Ricky. At dahil
linggo iyon, araw ng bisita ni James sa akin, naroon kaming lahat.
“Kuya… may magandang balita ako sa iyo.” Ang bungad ni John.
“Ano?”
“Nadalaw ko na ang mga magulang natin at ang saya-saya namin!”
“Talaga tol? Anong sabi nila tungkol sa plano mo?”
“Masaya sila kuya. Hindi nila akalain na nagbago na ako. At nagpasalamat din sila sa iyo kuya.”
“Para saan?”
“Sinabi
ko kasi sa kanila na ikaw ang tunay na may-ari ng mga negosyo, at
ibininigay mo sa akin ang lahat. Tuwang-tuwa sila sa iyo. Di ko tuloy
maiwasan na magselos muli. Palagi na lang ikaw, ikaw, ikaw...” Ang
birong sabi ni John.
“E kasalanan mo. Sinabi mo pa kasi!” ang biro ring sagot ni James.
Tawanan.
“Pero tingnan mo naman, nang dahil sa mga plano mo, maging maganda na ang kanilang buhay…” dugtong ni James.
“At may isang plano pa kaming nabuo kuya.”
“Ano?”
“Dadalhin ko sila sa Baguio upang i-tour. At doon tayo mag-bonding. Isama mo raw si Jassim.”
“Talaga? Good idea!”
“Kaya
nga kuya, di ba? Sa buong buhay nila ay puro kahirapan na lang ang
kanilang natatamasa. Habang buhay pa sila, malakas pa, gusto kong
ipalasap sa kanila kahit papaano, ang buhay na kumportable, ang
maranasang makarating sa ibang lugar, ang mag-relax sa mga bago at
magagandang tanawin, ang maging masaya.”
Mistulang may
tumusok naman sa aking puso sa mga sinabi ni John. Parang inggit ba.
Naisip ko rin kasi ang aking mga magulang na sa tanang buhay ay puro
mabibigat na trabaho na lamang ang inaasikaso at ni hindi man lang
naranasan ang magpunta sa ibang lugar upang magpahinga, mag-enjoy sa
buhay, namnamin ang ganda ng pagkakataon na wala silang iniisip na mga
problema. Pero isiniksik ko na lang sa aking isip na isang araw ay
matupad ko rin ang mga pangarap kong iyan para sa kanila.
“I love it! Kailan tol?” ang sagot ni James.
“Sa sunod na linggo kuya. Kaya maghanda ka na, kayo ni Jassim at pupunta tayo.”
“Ay
ambilis naman. Wala pa akong karilyebo sa duty ko… Nasa bakasyon pa ang
isa naming guwardya. Baka hindi ako papayagan.” Sambit ni James.
“A-ako rin, bago pa lang ako sa work ko. B-baka hindi rin ako papayagan.” Ang pagsingit ko.
“Ako
ang bahala kuya at Jassim. Papayag ang mga amo ninyo kapag ako na ang
kumausap sa kanila. Malakas yata ito!” ang biro ni John
“Weee? Di nga?” ang biro rin na sagot ni James.
“Manalig ka lang kuya. Manalig ka…” sagot uli ni John sabay tawa.
“Ok… pilitin kong magpaalam. Tignan natin…”
“Ngayong naniwala ka na, papayag na iyon. Natupad na ang lahat.”
Tawanan.
Kinabukasan
nga, nagpaalam agad ako sa aking amo kung puwede ba akong mag-absent
nang 5 araw. Nagdalawang isip man, nilakasan ko na lang ang aking loob.
Ang naririnig ko kasing experience sa mga dating baguhan ay mahigpit daw
ang kumpanya namin sa mga absences, lalo na kapag bago. Ngunit dahil
gusto ko talagang makasama si James, nagpaalam pa rin ako. At laking
tuwa ko nang pinayagan ako ng aking amo! Walang tanong-tanong. At parang
masaya pa siya, ang laki kaya ng ngiti. Biniro tuloy ako ng mga
kasamahan sa trabaho na ang lakas ko raw. “Siguro, jowa ka ng may-ari…”
biro ng isa. Ang may-ari kasi ng koprahan ay isang biyuda.
Nang
tinext ko si James, napag-alaman kong pinayagan din daw siya. Nagtaka
nga rin daw si James kasi sobrang higpit daw ng kanyang supervisor
pagdating sa mga leave, lalo na wala siyang reliever. Pero nang
nagpaalam na siya, ambait daw. Pero, hindi na siya nagtanong pa baka raw
biglang magbago ang mood. Kaya tuwang-tuwa talaga kami. Para bang
sinadya ng pagkakataon na matuloy talaga ang aming mga plano.
At
syempre, excited kami. Unang beses ko pa kayang makapunta sa lugar na
iyon. At kasama ko pa ang aking mahal. Para lang kaming magha-honeymoon
doon.
Hindi kami sumabay kina John sa pagpunta sa Baguio. Kasama niya ang kanyang mga magulang at nauna sila ng dalawang araw.
Nang
nakarating kami sa Baguio, sinalubong kami ni John at mga magulang ni
James. Sobrang naappreciate ko talaga ang ganda ng lugar. Malamig ang
simoy ng hangin, maganda ang kapaligiran. At ang aming hotel, five star.
“Bukas ay magsimba tayo sa pang-alas 9 na misa.” Ang sambit ni John.
Tila gusto kong matawa sa narinig. Kasi naman, ang dating barumabdong si John ay siya pa ang nagyaya sa amin na magsimba.
Ngunit doon na talaga ako natawa nang nagbiro na si James. “Magsimba tayo tol? Baka malusaw ka sa loob ng simbahan!”
“Kuya naman… dati, demonyo ako pero ngayon, anghel na ito ha?”
Tawanan.
At
sa araw na iyon sobrang saya namin. Kung saan-saan kami namasyal at
pagkatapos ay kumain sa isang sikat din na kainan sa lugar.
Mag-aalas otso na ng umaga kinabukasan nang gisingin kami ni John. “Kuya… gising na kayo at magbihis na upang magsimba!”
“Oo na! Gigising na kami. OA naman nito, ang aga-aga pa eh. Ang layo pa kaya ng alas 9.” Ang pagmamaktol ni James.
“Malayo-layo ang simbahan ah!” sagot din ni John na nasa labas pa rin ng kuwarto.
“Sige na maliligo lang kami...”
“Papasok ako kuya.”
Binuksan
ko ang pinto at nakita ko si John na nakapostura na, suot ang putting
long sleeves at slacks at dala-dala niya ang dalawang pares na ternong
tuxedo at itim na mga sapatos. “Good morning Jassim!” ang pagbati niya
sa akin.
“Good morning John!”
Pinapasok ko
na lang siya. Hindi na ako nagtanong kung para kanino ang mga dala
niynag iyon. Inisip ko na baka sa kanilang dalawa ni James iyon. Terno
kasi, at kambal pa sila.
“Huwahhh! Kanino iyan?” ang tanong ni James.
“Para sa inyo ni Jassim!”
Napa “Huh!” naman ako. “Bakit kailangan pa namin iyan?”
“Sa
hotel na ito, may promotion sila. Pipili sila ng isang pares mula sa
kanilang mga guests na gay couple at bibigyan nila ng tinatawag nilang
special couple award. Nakita nila kayo sa kanilang camera na nag-check
in, nag-holding hands pa, kung kaya ay kayo ang napili. Advocate kasi sa
LGBT awareness ang German na may-ari ng hotel na ito kung kaya ay may
ganitong promo sila sa lahat ng kanilang hotels worldwide, sa buwan na
ito.”
“G-ganoon ba? Pero bakit kailangang magbihis pa ng ganito?”
“Syempre para pormal! Darating ang bilyonaryong German na may ari nitong hotel at may mga dignitaries pa na mag-aattend din.”
“As in ngayon na talaga kami magbihis? Magsisimba pa tayo, di ba?”
“9:30
ang awarding. Wala nang time. Nakakahiya kung pagkatapos ng misa,
magbihis pa kayo at kayo na lang ang hihintayin. Kaya pagkagaling natin
sa simbahan ay diretso na tayo sa function room.” Ang sabi ni John.
So
wala kaming nagawa kundi ang maligo nang mabilisan at agad isinuot ko
ang para sa akin. Pagkatapos naming makapagbihis, siningitan ni John ng
tig-iisang puting rosas ang aming mga kanang bulsa sa dibdib.
Nanibago
ako sa aking postura. Ngunit nang tiningnan ko si James sa kanyang
ayos, lalo akong nabighani sa kanyang porma. Napakaguwapo niya sa
kanyang suot.
At nang nagharap na kami, hindi na rin niya
napigilan ang sariling kargahin ako sa kanyang mga bisig at
ipinaikot-ikot. Ang guwapo-guwapo ng manyak ng buhay kooooo!!!” halatang
nanggigigil.
Tawa nang tawa lang si John. “Tara na late na tayo!” ang sambit niyang nagmamadaling tinumbok ang pintuan ng kuwarto namin.
Dali-dali
kaming nagtatakbo palabas ng hotel. May service palang inarkila si John
para sa amin. Isang mamahaling puting van. Sumakay kaming tatlo. Nauna
na raw pala ang mga magulang ni James.
Dali-daling
pinaandar ng driver ang van. Wala pang 15 minutos ay nakarating kami sa
mismong simbahan, at ang oras sa aking relo ay 9:05 na. Late kami ng
limang mnutos.
Kaming dalawa ni James ang naunang bumaba
ng van. Inaninag ko muna ang tanawin ng simbahan at ang paligid nito.
Hindi siya kalakihan, ngunit maganda ang pagkagawa at ang architecture
na makikita sa labas.
Nang nasa bungad na kami ng
entrance, nasisilip ko ang puno ang loob ng simbahan. Marami ring
nagsigandahang bulaklak, mga ribbons at palamuti sa loob. May mga taong
nakaupo na at sa harap ng altar ay makikita na naroon na ang pastor at
handa nang magsimula sa kanyang misa.
Nang nagsimula na
kaming maglakad sa center-aisle ng simbahan, nagtinginan ang mga tao sa
amin ni James. Nagtaka man, hindi na ako tumingin. Naisip kong marahil
ay dahil iyon sa aming suot. Kami lang kaya ang may suot na ganoon,
sobrang pormal. Nahihiya man, kinapalan ko na lang ang king mukha at
yumuko na lang, iginiit sa isip na wala namang nakakakilala sa amin
doon.
Ngunit laking gulat ko nang tumugtog naman ang himig ng martsa.
Bigla
akong napalingon sa aming likuran. Ngunit kaming dalawa lang ni James
ang nasa gitna ng aisle na iyon habang tinitingnan ng mga tao. Nasa
gilid na daanan pala dumaan si John.
Lilihis na sana kami
ni James upang bigyang daan ang kung sino man ang ikakasal. Dahil sa
martsa ng aang tugtog. Doon ko naisip na may ikakasal pala siguro kung
kaya ay maraming dekorasyon ang loob ng simbahan. Mas lalo tuloy akong
nahiya sa sarili. Doon pa talaga kami dumaan sac enter-aisle. “Kaya pala
nagsitinginan ang mga tao sa amin.” Sa isip ko lang.
Ngunit minuwestrahan kami ni John na mag stay-put lang sa aming dinadaanan. At itinuro pa ang may kisame sa harap ng altar.
At
nang tiningnan naming kung ano ang itinuro ni John, dahan-dahan namang
lumantad ang isang malaking streamer. At ang nakasulat: “James and
Jassim Nuptial”
“Huh!!!” sa isip ko lang, gulat na gulat at nanlaki ang aking mga mata.
Kitang-kita ko rin ang pamumula ng mukha ni James sa nabasa.
Nang tiningnan naming muli si John, minuwestrahan niya uli kami na ituloy lang ang pagmartsa at turo sa pastor na naghintay.
Tumawa
nang tumawa na lang si James sa kanyang sarili, idinampi pa ang kanyang
palad sa kanyang ulo sa sitwasyong naisahan siya ng kambal. Ngunit game
na game na rin niyang inangat ang kanyang braso upang ako ay
mag-abresyete sa kanya.
Nagpalakpakan ang mga tao sa
nakita sa amin. Ako man ay hindi lubos maisalarawan ang naramdaman.
Nalito na natawa na na-excite... kinilig, tila lumutang sa ulap.
Nang
inikot ko na ang aking paningin sa mga taong nasa loob ng simbahan,
doon ko na napansin na marami palang taga MCJ Restobar ang naroon at may
iilan ding kaibigan namin ni Ricky.
At si Ricky, nasa harap ng altar nakaupo at kumaway-kaway pa sa akin ang ngiti ay abot-tainga.
Wala
na kaming nagawa kundi ang ituloy ang pagmartsa. Nang nasa harap na
kami ng altar, umupo kami sa dalawang upuang nasa harap ng pastor, na
nakareserba pala sa amin.
At maya-maya lang, tumayo si Ricky at kinanta ang –
I thought sometime alone, was what we really needed
You said this time would hurt more than it helps
But I couldn’t see that
I thought it was the end of a beautiful story
And so I left the one I love at home, to be alone, alone...
And I tried and found out this one thing is true
That I’m nothing without you, I know better now
And I’ve had a change of heart.
Refrain:
I’d rather have bad times with you, than good times with someone else
I’d rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself
I’d rather have hard times together than to have it easy apart
I’d rather have the one who holds my heart.
And then I met someone and thought she could replace you
We got along just fine but wasted time because she was not you
We had a lot of fun, though we knew we were faking
Love was not impressed with our connection built on lies, on lies
So I’m here ‘cause I found this one thing is true
That I’m nothing without you, I know better now.
And I’ve had a change of heart.
I’d rather have bad times with you, than good times with someone else
I’d rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself
I’d rather have hard times together than to have it easy apart
I’d rather have the one who holds my heart, who holds my heart.
I can’t blame you if you turned away from me like I’ve done you
I can only prove the things I say with time
Please be mine, please be mine
I’d rather have bad times with you, than good times with someone else
I’d rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself
I’d rather have hard times together than to have it easy apart
I’d rather have the one who holds my heart.
Refrain...
Hindi
ko namalayang tumulo na ang aking luha sa pagkarinig ko sa mga kataga
ng kanta. Sobrang galing kasi ang pagkanta ni Ricky. Iyon bang ang bawat
kataga ng liriko ay tatagos talaga sa iyong puso. At naalala ko ang
unang pagkanta sa akin ni James noon at nang sinabi niya na kahit sa
hirap, mas gusto niyang kasama ako kaysa nasa kumportable siyang
pamumuhay ngunit sa piling naman ng ibang tao. Naisip ko rin ang lahat
nang mga pinagdaanan naming hirap, ang hirap na aking dinanas upang
masagip lamang siya sa mga kamay ni Sophia, at ang pagpupumilit ko na
huwag mawasak ang aming pagmamahalan. At ang pagkakataong iyon ay ang
tila rurok na ng aming tagumpay; ang kumpirmasyon na aking-akin na si
James; na kaming dalawa ay isang-dibdib na lamang at hindi na maaaring
maghihiwalay pa.
Sobrang saya ang aking naramdaman.
Nilingon ko si Ricky habang kumakanta. At mas lalo pang nadagdagan ang
aking saya na naramdaman nang habang patuloy siyang kumakanta, itinuro
naman niya ang pintuan ng simbahan.
Napalingon ako sa
kanyang itinuro. At doon lalong lumakas ang kalampag ng aking dibdib sa
nakita: ang aking itay at inay na tila nagmartsa rin habang papasok sa
simbahan.
At sa puntong iyon, hindi ako nakatiis ang sarili ko. Tumayo ako sinalubong sila at nagsisigaw ng, “Tay!!! Nay!!!”
Humagulgol
ako habang mahigpit kong niyayakap ang aking itay. Mistula akong isang
maliit na bata na naglupasay, walang pakialam sa aking paligid kung may
mga taong nakakakita. Naghihikbi ako at nagpapasalamat at sa kasayahang
sa wakas, natanggap na rin ng itay ang aming pagmamahalan.
“Huwag
ka nang umiyak, anak. Naghihintay ang pastor o... Basta mahal kita anak
at kung ito man ang iyong kagustuhan, wala akong magagawa kundi ang
suportahan ka.” Ang sambit ng itay.
Hanggang sa tumayo na
rin si James at lumapit sa amin. Nagmano siya kay itay. At hindi lang
siya hinayaang magmano, niyakap pa siya ng itay. “Alagaan mo si Jassim,
James...” ang bulong niya kay James na sinagot naman ni James ng, “Opo
tay...” Pagkatapos, nagmano rin siya kay inay.
Pinunasan
ni James ang mga luha sa pisngi ko gamit ang kanyang panyo. “Tara na
Yak... magsimula na tayo...” ang bulong niya sa akin.
Bumalik
kami sa altar at nagsimula ang seremonya. Hanggang sa dumating ang
bahagi kung saan namin sinambit ang salitang “I do” atsaka isinukbit sa
aming mga kamay ang singsing na nagpapatunay na nariyan kami para sa
isa’t-isa – for better or for worse, for richer and for poorer, in
sickness and in health, ‘til death do us part.
At sa puntong iyon, kinanta naman ni Ricky ang kantang paboritong kantahin ni James sa akin –
You're my peace of mind in this crazy world.
You're everything I've tried to find, your love is a pearl.
You're my Mona Lisa, you're my rainbow skies,
And my only prayer is that you realize
You'll always be beautiful in my eyes.
The world will turn, and the seasons will change,
And all the lesson we will learn will be beautiful and strange.
We'll have our fill of tears, our share of sighs.
My only prayer is that you realize
you'll always be beautiful in my eyes.
You will always be beautiful in my eyes.
And the passing years will show
That you will always grow ever more beautiful in my eyes.
When there are lines upon my face from a lifetime of smiles,
When the time comes to embrace for one long last while,
We can laugh about how time really flies.
We won't say goodbye 'cause true love never dies.
You'll Walways be beautiful in my eyes.
You will always be beautiful in my eyes.
And the passing years will show
That you will always grow ever more beautiful in my eyes.
The passing years will show that
You will always grow ever more beautiful in my eyes
Tila
walang humpay naman ang pagpatak ng aking mga luha sa sobrang
kasiyahan. At ang mensahe ng kanta tugmang-tugma para sa aming
pagmamahalan.
Natapos ang kasal at dumeretso kami sa
hotel. Pumunta rin ang mga dating kasamahan naming sa MCJ restobar at
mga kaibigan namin sa school na sadya palang inimbita nina John at
Ricky, libre pamasahe. Doon ko nalaman na ang lahat ay plano plano pala
nilang dalawa. At pati ang pagkumbinsi sa mga magulang ko ay bahagi rin
pala ng kanilang plano.
Sa kainan, ang iingay at ang
kukulit ng mga kaibigan namin. Syempre, kahit papaano, may pinagsamahan
kami, lalo na sa hirap din na naranasan nila sa mga kamay ni Sophia,
hanggang sa dumating ako at nagkaisa kaming lahat na labanan ang
kasamaaan ni Sophia. Kaya sobrang close din naming ni James ang mga
bisita naming iyon.
“Ba’t pala kayo na-late sa pagdating
sa simbahan tay, nay?” ang tanong ni John sa aking mga magulang. Itay at
inay na rin kasi ang tawag niya sa mga magulang ko, dahil kambal naman
daw sila ni John.
“Eh... iyong ibinigay sa mo sa amin na guide, hindi rin pala kabisado ang lugar! Nakikipag-away pa sa taxi driver!”
Tawanan.
“Kuya... heto ang regalo ko sa iyo” ang sambit ni John nang nagbukasan na ng mga regalo.
“Ok.. ano kaya ito, mukhang malaman” ang sarcastic na biro ni James sa kambal. Paano, malaking envelope lang ang kanyang regalo.
“Malaman talaga iyan kuya...”
Pero
ako naman ay naghinala. Naalala ko kasi ang pagbigay niya sa mga
ari-arian niya kay John. Di ko tuloy maiwasan na baka ibinalik ito ni
John sa kanya.
“Ok, tingnan natin.” Sagot ni James sabay bukas sa envelope.
Kitang-kita
ko sa aking mga mata ang pagkagulat ni James na napatingin sa kanyang
kapatid, nakangiti. “Niresbakan mo ako ha?” sambit niya.
Tiningnan
ko ang laman ng mga dokumento. At ang nabasa ko ay isang ownership
certificate ng isang kumpanya “Jessie’s International Trading”.
Napatingin na rin ako kay John. “I-ito iyong kumpanya namin ni James di ba?”
“Oo... binili ko para sa inyo.”
“Huh!”
“Oo... Marami akong pera eh!” sabay kindat kay James.
“K-kailan mo pa ito nabili?”
“Noong nagpunta ako sa inyo at inimbita kayo...”
“Ampota! Kaya pala walang kahirap-hirap ang pagpapaalam namin! Kaya pala biglang bumait ang bisor ko! Alam na ba nila roon?”
Nakangiting tumango lang si John. “Sikreto namin.”
“Tado ka! Naisahan mo kami ah!”
Tawanan.
Ngayon,
nagsama na kami ni James sa aming lugar, sa aming bahay, kasama ang
aking mga magulang. Kung dati ang aming bahay ay isang kubo lamang,
ipinakongkreto na ito ni James, at dalawang palapag na. Kumpleto na rin
sa gamit. Ang itay ko naman ay ang siyang namamahala ngayon sa mga
tauhan namin sa bodega habang ang inay ay nanatiling housewife.
At ako... general manager at president ng aming negosyo.
Maayos na rin ang buhay ng mga magulang ni James sa Mindanao, dahil kay John.
At
si James... bagamat siya ang may-ari ng pinakamalaking exporter ng
kopra at abaka sa aming rehiyon, ay nanatili sa kanyang pagka-security
guard sa dati niyang puwesto – sa bodega, sa may burol. Ang sabi niya
palagi sa akin, “Masaya na ako sa ganitong trabaho. Gusto kong sa
araw-araw ay naaalala mo ako; bumabalik-balik sa isip mo na dahil sa
trabaho kong ito ay nag-krus ang ating mga landas. Ayaw kong kahit
katiting na sandali sa ating pagsasama ay mawaglit sa isip mo... ang
lalaki sa burol.”
Wakas
No comments:
Post a Comment