Kinaumagahan, naluluha at awang-awa si Auntie Marta nang makita ang kalagayan ng kanyang pamangkin. Puro pasa ang mukha, puro galos ang mga braso, at tila hinang-hina dahil sa mga tinamong pasakit sa mga pulis. Halos maglumuhod si Auntie Marta sa mga pulis para pakiusapan na pakawalan na si Julius dahil wala itong kasalanan ngunit walang pumapansin sa kanya. Nang umaga ding iyon ay pormal nang nagsampa kay Julius ng kasong pagpatay ang mga magulang ni Bong na kapwa mga negosyante. Tuliro naman sa kanyang kwarto si Romeo na nag-iisip kung ano ba ang dapat nyang gawin. Gumugulo sa kanyang isip ang tungkol sa alok sa kanya ni Mayor na suportang medical para sa Papa nya. Ngunit kapalit noon ay ang pagkakanulo niya sa kaibigan.
Lumipas ang dalawang linggo, dumating na ang araw ng paglilitis sa korte ng kaso ni Julius. Naroon sa hearing si Auntie Marta at Sarah, ang pamilya ng biktimang si Bong, mga magulang nina Giovanni at Dexter, Mayor Lito, at ang pamilya ni Romeo. Si Romeo ang kinuhang star witness sa krimen kaya't napakaimportante kung ano ang kanyang ipapahayag. Ngunit bago siya, isinalang muna sa hot seat ang ibang involved sa kaso para sagutin ang mga tanong ni Atty. Michael Roy Rico.
Atty.Rico: Kaano-ano mo ang suspect? At ano ang nalalaman mo sa nangyari nung gabing pinatay si Bong?
Sarah: Kaibigan ko po si Julius. Magkaibigan po ang Mama ko at ang Auntie nya. Nung gabi pong iyon,kasama ko po sina Romeo at Julius. Papalabas na po kami ng subdivision dahil ihahatid namin si Romeo sa bahay nila nang bigla na lang pong dumating yung tatlong lalaki; si Giovanni po,si Dexter, at si Bong.Pero hindi ko po sila kilala. Naririnig ko lang po yung mga pangalan nila nung nag-uusap sila. Binabastos po nila ako at gusto nila akong sumama sa kanila. Pero ipinagtanggol po ako nina Romeo at Julius. Pero bago po iyon, nag-away po muna yung tatlo. Ambilis po kasi ng mga pangyayari, tumakbo na lang po kami ni Romeo at naiwan po namin si Julius. Tapos po sabi ni Romeo na magtago na po muna ako dahil babalikan niya si Julius. Takot na takot po ako ng mga oras na iyon. Nung iniwan na po ako ni Romeo, mga ilang minuto lang po biglang may narinig po akong parang sumabog. Binalikan ko po sila. Nakita ko na lang po si Bong na nakahiga sa kalsada at duguan habang sinusubukan pang iligtas ni Romeo. Wala na po nun sina Giovanni at Dexter. At...at si Julius naman po...nakita ko na lang po na patakbo na po siya habang hawak yung sumpak. Hanggang sa dumating na po yung mga pulis.
Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.
Thursday, May 21, 2015
STORY: Love Me Like I Am (Book 2) 9
“Gab.. Hindi lang iyon ehh..”
“Ano??”
Hindi siya agad nakakibo.. Ilang sandali pa ay..
“Kailangan kong pakasalan si Ely..” ang malungkot niyang sabi.
Sa sinabi niyang iyon, sa simpleng salitang iyon, gumuho ang mundo ko. Mula sa masayang pagsasama namin dito sa Paris, biglang nawasak ang pag-asa kong makasama si Jared habang buhay. Parang biglang naglaho ang pangarap ko.
“Gab.. I-I’m sorry..” ang naginginig na sabi niya habang patuloy pa din ang pagtulo ng luha.
Hindi na ako nakakibo. Napansin ko na lang ang pag-iyak ko at unti-unting pagluhod sa kinatatayuan ko. Parang nawasak ang puso ko, hindi ko na napigilang humagulgol. Lumapit sa akin si Jared at yinakap ako at ganun din ang ginawa ko.
Nang mahimasmasan ako..
“Kung ganito lang din pala.. Bakit mo pa ako dinala dito? Bakit mo ako hinayaang mahalin ka ulit ng sobra??” ang mahinahon kong tanong.
“Gab..” ang nasabi na lang niya.
“Bakit mo ako KAILANGAN SAKTAN!?!?” ang sigaw ko.
Kita ko ang pagtameme niya. Kahit ako ay nagulat sa sinabi ko.
“I-I’m sorry..” ang sabi ko.

Subscribe to:
Posts (Atom)