“Gab.. Hindi lang iyon ehh..”
“Ano??”
Hindi siya agad nakakibo.. Ilang sandali pa ay..
“Kailangan kong pakasalan si Ely..” ang malungkot niyang sabi.
Sa sinabi niyang iyon, sa simpleng salitang iyon, gumuho ang mundo ko. Mula sa masayang pagsasama namin dito sa Paris, biglang nawasak ang pag-asa kong makasama si Jared habang buhay. Parang biglang naglaho ang pangarap ko.
“Gab.. I-I’m sorry..” ang naginginig na sabi niya habang patuloy pa din ang pagtulo ng luha.
Hindi na ako nakakibo. Napansin ko na lang ang pag-iyak ko at unti-unting pagluhod sa kinatatayuan ko. Parang nawasak ang puso ko, hindi ko na napigilang humagulgol. Lumapit sa akin si Jared at yinakap ako at ganun din ang ginawa ko.
Nang mahimasmasan ako..
“Kung ganito lang din pala.. Bakit mo pa ako dinala dito? Bakit mo ako hinayaang mahalin ka ulit ng sobra??” ang mahinahon kong tanong.
“Gab..” ang nasabi na lang niya.
“Bakit mo ako KAILANGAN SAKTAN!?!?” ang sigaw ko.
Kita ko ang pagtameme niya. Kahit ako ay nagulat sa sinabi ko.
“I-I’m sorry..” ang sabi ko.
“I understand Gab.. I understand kung magagalit ka sa akin.. Kung mas kamumuhian mo ako ngayon.. Pero maniwala ka, mahal na mahal na mahal kita Gab. Ginawa ko ang bakasyon na ito, dahil gusto kong makasama ka.. Gusto kong maiparamdam sa iyo ang pagmamahal ko.. Bago pa ako makulong sa isang bagay na alam kong hindi ako magiging masaya..” ang sabi niya.
Sa nadinig ko ay tiningnan ko siya at sabay sabi ng..
“Kung hindi ka magiging masaya, bakit mo kailangan gawin ito Jared?? Bakit mo kailangan pahirapan ang sarili mo?? Bakit mo kailangan itali ang sarili mo sa isang taong hindi mo mahal??” ang sabi ko.
Tiningnan niya ako at sabay sabing..
“Gab.. May anak kami.. kailangan ng anak namin ng isang ama..”
Para akong napasakan ng sandamukal na bato sa bibig ko. Oo tama siya, may anak sila. Na-realize ko din na nagpaka-selfish nanaman ako.
“Sigurado ka na ba dyan Jared??” ang tanong ko dito sabay tingin sa kanya.
Hindi siya kumibo. Itinuon din niya ang kanyang mata sa isang sulok ng kwarto.
“Hindi ko alam.. Ang alam ko lang.. Ay kailangan ng bata ng isang ama. Kailangan niya ako Gab…” ang malungkot niyang sabi.
“Yun lang ba Jared?” ang tanong ko dito.
Hindi siya umimik. Muli ay tinuon niya ang mata sa isang sulok ng kwarto.
“Yung lang ba??” ang medyo napalakas kong tanong.
“Meron pa bang ibang dahilan Gab?” ang mahinahon niyang tanong.
Kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot. Ang pagdurusa ng kanyang puso. Sa pagkakataong ito hindi lang siya ang nahihirapan, pati ako.
“I love you Gab..” ang sabi niya sa akin sabay yakap.
“I.. I-I Love you too Jared..” ang sabi ko habang papaumpisa nanaman akong humagulgol.
Hinarap niya ang mukha ko sa mukha niya. Kita ko ang maamo niyang mata, namumula ito gawa ng sobrang pag-iyak at malamang ganun din ako. Sa kabila ng planong pagpapakasal niya kay Ely ay nakikita ko pa rin sa kanyang mga mata ang katotohanang ako lang ang mahal niya.
“Whatever happens, I won’t stop loving you.. Kahit magpakasal pa ako kung kanino diyan, kahit abutin ko na ang lahat ng kamalasan, kahit masira pa ang buhay ko, at kahit mamatay pa ako.. Hindi ako titigil sa pagmamahal ko sa iyo..” Ang sabi niya sabay tulo ng luha.
“Bwisit ka! Wag kang magsalita ng ganyan..” ang pabiro kong sabi.
Medyo natawa siya sa sinabi ko.
“Ayaw mo nun? Meron ng laging nagbabantay sa iyo. Kapag natutulog ka yayakapin kita.. at siyempre hahalikan.” Sabay ngiting nakakaloko.
“Naky Mr. Cruz ha..”
“O sige na hindi na po..” ang sabi niya sabay ngiti.
Tinitigan ko siya at sabay sabing..
“I Love You Jared..”
“I Love you too Gab..” at dahan-dahang naglapat ang aming mga labi.
Kasabay ng paglapat ng aming labi ay ang pag-usbong ng nararamdaman para sa isa’t-isa. Nangyari ang isang bagay na matagal kong iniwasan.. Ramdam ko ang init ng pagmamahal niya sa bawat dampi ng aming balat. Napuno ng mahinang bulong ang buong kwarto.. bulong ng aming pangalan..
Kinabukasan..
Isang halik ang gumising sa akin.
“Good morning mahal ko..” ang sabi niya sabay ngiti.
“Good morning..” ang sabi ko sabay ngiti din.
“Halika.. nagugutom na ako..” ang sabi ko..
“Ehhh!!! Ayoko!!”
“At bakit?”
“Gusto ko ikaw..” sabay ngiting nakaka-gago.
“Putchang ina, tumigil ka!” ang sigaw ko dito.
Natawa naman siya sa reaksyon ko.
“Eto pagkain oh..” tumayo siya at kinuha ang pagkaing nasa may lamesa.
Nakapag-handa na pala si loko. Linagay niya ang Bed tray na may pagkain sa kama.
“Upo..” ang utos nito.
“Ehhh.. Nahihirapan ako..” ang sabi ko.
“Ay suuuss.. naglalambing pa ang Bebe Gab ko.”
“Pakshet! Mahirap nga!!”
Napahalakhak naman siya.
“Sige na tulungan na kita.”
Tinulungan niya ako ngunit bago pa man siya lumayo ay nagnakaw na ng halik si gago.
Ang saya-saya ng umagang iyon. Sobrang sweet niya na parang wala ng bukas. Haayy.. Siguro ay linulubos niya lang ang mga oras na magkasama pa kami.
Napagdesisyunan naming na i-delay ang pag-alis ng Paris. Nag-extend kami ng isang linggo. Ginawa namin ito para ma-solo ang isa’t-isa BILANG KAMI bago siya ikasal.
Pagtapos ng almusal ay nag-umpisa kaming maglakad sa labas.
Muli ay napadpad kami sa isa sa pinaka-sikat na tourist spot doon ay Arc de Triomphe.
“Gab picture tayo..” ang sabi niya.
“May picture na kaya tayo diyan di ba? Last-last week pa?” ang sabi ko dito.
“Ehh.. Iba ngayon ehh..”
“At bakit naman?”
“Kasi..” ang sabi niya sabay ngiting labas ang dimple.
“Kasi?” ang tanong ko dito na ang tono ay parang alam na.
“Kasi.. tayo na! So dapat bagong picture.. At mas may value yung bagong picture na yan.”
Sinakyan ko na lang ang pakulo ni loko.
Naging maganda ang mga sumunod na araw naming doon. Sa totoo nga niyan ay para na kaming mag-asawa na nasa honeymoon eh.
Isang araw, nasa labas kami ng Le Musee De Louvre noon gawa ng katatapos lang naming ikutin ang nasabing museum..
“Gab.. Tara..”
“Saan? Gabi na ahh..”
“Basta..” ang sabi niya.
Hinatak niya ako sa motor na hiniram namin at sumakay. Siya ang nagpapa-andar samantalang ako ay nasa likuran niya at yakap-yakap siya. Kapag tinatamad kami maglakad o di kaya ay napapagod na, nanghihiram kami ng motor sa nagbabantay ng bahay ko doon.
Mahangin, malamig, masarap. Yan ang pakiramdam ko habang naka-angkas sa likuran niya. Ang sarap-sarap.. Yun bang hindi mo na gustong matapos ang tagpong iyon.
Bumaba kami sa isang tulay, sa may Seine River.
“Oh anong gagawin natin dito?”
Ngumit siya at sabay sabing..
“Doon tayo..” turo niya sa may Cruise ship.
Hindi ako nakakibo.. Tila na-eexcite at hindi alam ang gagawin..
“W-what do you mean??” ang tanong ko dito.”
“Doon tayo mag-didinner.” Sabay ngiti.
Hindi ko alam kung ipapakita ko ba sa kanya ang sobrang saya na nadarama ko. Gusto kong magtatatalon sa tuwa. Gusto kong magwala. Isa sa pangarap ko ang mag-dinner sa river na iyon na nasa cruise kasama ang mahal ko.
“Happy??” ang bigla niyang naitanong sabay ngiting nakakaloko again.
“Ano sa palagay mo??” ang sabi ko na medyo mataray.
“Well.. bakit ko pa ba tinatanong, ehh hindi naman maitatago sa ngiti mo ang excitement.”
“Shit!! Ako!?!!? Nakangiti!?!?! Bakit ba hindi ko napansin iyon.” Ang sabi ko sa sarili ko.
Ramdam ko rin ang pag-blush ko. Haayy naman..
Habang nag-didinner..
“Oh.. bakit ang tahimik mo??” ang tanong niya.
“Ahh!! Ehh.. wala naman..” ang sabi ko lang..
Ilang sandali pa ay hindi ko namalayang tinititigan ko siya habang kumakain.
“Baka bigla akong malusaw niyan..” ang banat niya sabay ngiti at tingin sa akin.
“Naku!!! Ayan ohh may muta ka!!” ang sigaw ko sa kaniya.
Naniwala naman si loko at talagang kinalikot ang mata niya.
“Wala na nahulog na..” ang pagsisinungaling ko.
“Wala naman ehh..” giit niya.
“Yaacckk!! May Muta!!” ang pang-aasar ko.
“Sus.. Mahal mo naman..” ang banat niya.
“Mabuti alam mo..” ang pagyayabang ko.
Dahil sa sinabi ko ay ninakawan niya ako ng halik.
“Ayun ohh.. Umi-iscore. Hehe.” Ang sabi ko.
“Hindi rin..”
“Oo rin..”
“Hindi rin.. Araw-araw naman ako nakaka-iscore sa iyo eh.” Sabay kindat.
“Ewan ko sa iyo. Kumain ka na! Ang sarap ng pagkain ohh..” ang lihis ko ng topic.
“Halata nga ehh.. Naubos mo agad..”
“Eh bakit ba??”
“Takaw mo!”
“Eh masarap eh..”
“Mas masarap ako dyan..” ang sabi niya sabay kindat at ngiti na labas ang dimples.
“Whatever..”
“Alam mo yan..” ang sabi niya sabay pigil na tawa.
“Ewan ko sa iyo.. bilisan mo na!!” ang sabi kong medyo naiirita na.
Kinagabihan, sa bahay.. Tahimik ang buong kwarto, walang kaming imik habang nag-eempake ng gamit. Nang matapos nang mag-empake ay dumiretso ako sa banyo at linock ang pinto.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at napansin kong may namumuong luha sa aking mata. Ilang sandali pa ay tumulo ito at kasunod ay ang pag-hagulgol ko.
“Gab.. This is the last day na kasama mo siya.. Bukas.. Babalik na kayo ng Pinas.. Babalik na kayo.. Para harapin ang katotohanang…” at hindi ko na napigilang humagulgol.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko pero ang hirap.. Sumasabog ang kalungkutang nadarama ko.
“S-s-siguro nga.. S-siguro.. H-hindi lang talaga… Hindi kayo para sa isa’t-isa..” ang umiiyak kong sabi.
“K-kailangan mong maging matatag Gabriel.. Kailangan.. H-hindi mo dapat ipakita sa kanya ang pag-iyak mo.. Hindi niya dapat Makita ang pagiging weak mo..” ang sabi ko ulit sa sarili ko.
“Smile Gab.. Smile..” ang sabi ko sabay ngiti at pahid ng luha.
Paglabas ko ng banyo ay bumungad sa akin ang madilim na kwarto. Pagkasarado ko ng pinto ay merong yumakap sa akin.. Napaka-higpit ng kanyang yakap.. Alam ko si Jared ito. Naalala ko tuloy ang ganitong eksena 3 taon na ang nakakaraan.
“I Love you Gab.. Wag ka ng umiyak please..” ang bigla niyang sabi.
“Umiyak?? Hindi naman ako umiiyak ehh..” ang pagsisinungaling ko.
“Gab.. Bago ka pumasok ng banyo, nakita ko ang namumuong luha sa mata mo..” ang sabi niya.
Hindi ako nakaimik. Hinarap niya ang mukha niya sa mukha ko.
“I’m sorry Gab.. Dahil sa akin..”
“Sssshhh!!!! Don’t say that..”
“I Love you Gab.. Hindi na magbabago yun..”
“I Love You Jared.. Too Jared..”
Pagkasabi ko noon ay dahan-dahang naglapat ang aming mga labi. At muli, sa kwartong iyon.. Ipinaramdam namin ang pagmamahal sa isa’t-isa.. Pero sa pagkakataong ito, bumaliktad ang mundo..
Kinabukasan..
Gumising sa akin ang sinag ng araw. TIningnan ko siya at nakita ko ang mahimbing na tulog ng mahal ko. Naka-higa ako noon sa dibdib niya at mula doon ay inangat ko ang ulo ko para halikan ang leeg niya, pagkatapos ay ang tenga papunta sa pisngi at syempre, sa labi. Isang matamis na halik.
Nagising siya..
“Good Morning Mahal ko..” ang bungad ko..
“Good Morning..” ang sabi niya na parang inaantok pa.
“Kamusta tulog mo??”
“Ok lang..”
“Hhhmm.. Ehh bakit ganyan ka magsalita? Parang nahihirapan ka?”
“Ehh..” ang sabi niya na parang nahihiya pa.
“Ehh ano??” ang tanong ko.
“Eh mahapdi pa rin ehh..”
Natawa naman ako sa reaksyon niya. Yinakap ko siya at hinalikan sa labi.
“Hindi naman ako ang may gusto niyan ehh..” ang sabi ko.
“Alam ko.. “ ang sabi niya.
“Ikaw? Hindi ka ba nahihirapan?” ang tanong naman niya.
Tumaas ang kilay ko sa tanong niya at sabay sabing.
“Ikaw ba naman isang linggong ganoon hindi ka ba masasanay?” ang biro ko sabay tawa.
At tumawa rin siya.
"I love you.." ang sabi niya.
"I Love you too.." ang sabi ko sabay halik.
Sa Eroplano, syempre yung private plane ko pa rin..
“Gab..”
“Yes?”
“Sana.. Makabalik tayo dito nuh?”
“Sana..” ang medyo malungkot kong sabi.
“Sana din.. hindi lang dito.. Sana maikot ko ang buong mundo.. Kasama ka..” ang sabi niya sabay hawak ng kamay ko.
Hindi na lang ako kumibo. Kasi malabo na mangyari iyon sa situasyon namin.
Tiningnan ko ang Paris sa bintana habang umaandar palayo ang eroplano. Unti-unti ay nawala ang Paris sa paningin ko.
“Kasabay kaya ng pagkawala ng Paris sa paningin ko ay pagkawala ng mga pangarap ko? Ang kawalang pag-asang makamit pa ito??” ang tanong ko sa isip ko.
“Sana.. Makasama ko si Jared.. Sana.. siya pa rin sa huli..” ang naibulong ko sa sarili ko habang magkahawak pa rin kami ng kamay.
Hapon na ng makauwi kami ng Pinas. Sumakay kami sa sasakyan ni Jared at ihinatid ako pauwi sa amin.
Nang karating sa tapat mismo ng bahay ko..
“Jared. Salamat sa bakasyo ha.” Ang sabi ko.
“Ako ang dapat magpasalamat Gab.. Kasi.. Muli mong binalik ang Gab na mahal ko.. Ang Gab na mamahalin ko hanggang sa huli..” ang sabi niya sabay ngiti.
Ngumiti din ako.
“Tara.. Pasok ka muna.. Dito ka na mag-dinner.” ang aya ko sa kaniya.
Pinarada niya ang sasakyan at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay.
Pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin si Enso.
“Welcome back kuya Gab!!” ang sigaw niya sabay yakap sa akin.
Yinakap ko din siya at pagkatapos ay..
“Loko ka!! Kakontsaba ka pala dito!!” ang sigaw ko sa kanya.
Natawa naman siya sa sinabi ko. Lumitaw din si Aling Minda at ang iba pang mga kasambahay namin.
“Welcome Back anak.” Ang sabi ni Aling Minda.
“Salamat po ALing Minda.. Pasensya na din po nung…”
“Ssshhh!!” wala na yun.. Ok na.. Ngayon alam ko na. Alam ko ng bumalik ang dating Gabriel.” Ang sabi niya sabay ngiti.
Ngumiti lang din ako.
“Si Jared nga po pala.” Ang pakilala ko.
“Magandang Hapon po..” ang sabi ni Jared.
“Uuuuyyyy.. Magaksama sila.. Sweet niyo naman Ser.” Ang pang-aalaska ni Inday sa amin ni Jared.
“Naku Inday! Tumigil ka at baka madinig ka ni Sir Ace!” ang sita ni Kokoy dito.
"Whatever Kokii!! Naiingit ka lang kasi sila Nagbembangan na.. Tayo gusto mo??" ang diretstahang sabi ni Inday.
Nagulat naman ako sa binitiwang salita ni Inday.. Siyempre medyo nahiya ako.
"Psssttt!! Ikaw babae ka!! Sigaw ni Aling minda sabay pingot ng tenga dito."
"Arrraayyy!!"
"Aling Minda Ok lang po.." ang sabi ko sabay ngiti.
TIningnan ko naman si Jared at kita ko ang pamumula ni Gago.
“Ngapala, si Ace po kamusta?” ang pag-divert ko ng topic.
“Ayun.. Galit na galit noong nalamang umalis ka kasama si Jared.” Ang sabi ni Aling Nelly.
“Sige po puntahan ko lang sa taas..” ang sabi ko.
“Kuya nasa Opisina pa siya..” ang sabi ni Enso.
Bigla akong kinabahan sa maaaring mangyari sa amin ni Ace. Iniisip ko tuloy na nasaktan ko nanaman yun tao. Nasa ganoon akong pag-iisip ng biglang..
“Kuya.. Meron kang bisita..” ang sabi ni Enso.
“Sino?”
Hinatak ako ni Enso papuntang living room at bumungad sa akin si Ely kasama ang anak nila ni Jared. Nakaupo siya , tulala at parang malalim ang iniisip.
“Tito Gab!!!” ang tawag sa akin ng bata.
Bigla namang napalingon si Ely sa kinatatayuan ko.
“Gab..” ang sabi ni ELy
Bigla namang tumakbo ang bata papalapit sa akin at yinakap ako. Syempre nagulat ako sa ginawa ng bata. To think na pangalawang beses pa lang naming nagkikita.
“Hi.. Uuumm.. ano ngapala pangalan mo?” ang tanong ko dito.
“Gabriel Earl Cruz po ang buong pangalan ko!” ang proud na proud niyang sabi.
“Gabriel Earl Cruz!?!?! Pinagsamang pangalan naming ni Jared ahh..” ang sabi ko sa sarili ko.
“Alam mo kuya Gab, naikukwento ka sa akin ni Mama.. Ang bait-bait mo daw.. At kapangalan pa kita!” ang sabi niya.
Nginitian ko lang ang bata.. Ewan ko pero napakagaan ng loob ko dito. Siguro yun ay dahil sa anak siya ni Jared pero ewan.. Pansin ko din na kamukha ng bata ang ama nito, lalu na ang mata’t ilong. Nakuha kay Jared.
“Ang cute cute mo naman.. Hehehe..” ang nasabi ko na lang gawa ng hindi ako makapaniwala sa inakto ng bata.
“Papa!!” ang biglang sigaw ng bata ng Makita si Jared. Tumakbo ito at yumakap sa ama.
“Kamusta ka na Anak?? Namiss kita ahh..” ang sabi nito habang hinihimas ang likuran ng bata.
“Ama.. Asawa.. Anak.. Isang pamilya..” ang sabi ko sa isip ko habang tinitingnan ang mag-ama.
“G-Gab..” ang tawag sa akin ni Ely.
Tiningnan ko siya. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
“D-dito ka nakatira??” ang tanong niya bakas sa mukha ang pagkagulat.
“Uumm.. Oo..”
“P-p-papaano nangyari?”
“Noong nawala ako.. Napulot ako ni Ace.. kami ni Enso, dinala niya kami dito.. Sa bahay ng mga Alvarez.. Sa pagtira ko dito, unti-unti kong natuklasan na Lolo ko ang nagmamay-ari ng bahay.”
“N-n-nasaan na si Lolo.. mo??” ang tanong niya.
Tumingin ako sa kisame at sabay sabing..
“Wala na siya..”
“Kailan pa??” ang tanong niya.
“Three years ago.”
Umupo si Ely, bakas sa mukha na malalim ang iniisip nito. Hindi ko na lang pinansin.
“Uuumm.. Ely..”
“Yes??”
“Gusto mo dito ka na mag-dinner? I mean kayo ng anak mo??” ang pag-imbita ko.
“S-sige..”
Nasa ganoon kaming pag-uusap ng..
“Kuya Gab, nandito na si Sir Ace.” Ang sabi ni Totoy sa akin.
“Ok.. This is it..” ang sabi ko sa sarili ko.
Pagpasok ni Ace ay tumingin siya sa akin.
“Ace, nakahanda na ang pagkain..” ang sabi ni Aling Nelly.
“Wala akong gana..” ang sabi niya at pagkatapos ay dire-diretsong umakyat sa taas.
“Kasalanan mo ito Gab..” ang sabi ko sa sarili ko.
“Jared.”
“Yes Gab?” ang sabi niya habang bitbit ang bata. Ang cute nilang tingnan.
“Sabihin mo kay Ella maghanda na siya, magpapadala ako ng sundo para dito na rin siya kumain.”
Kita ko naman ang pag-ngiti ni loko.
“Sure..Uumm.. Gab, labas lang kami ha! Namiss ko kasi itong anak ko ko ehh.”
“S-sige..” ang sabi ko na lang.
Naging maayos ang gabing iyon. For the first time in three years kumpleto kaming apat; Ako, si Jared, si Ella, at si Ely. Pansin ko din na wala ng Galit sa akin si Ella. Naging Masaya ang gabing iyon. Napag-usapan din namin ang nalalapit na Engagement Party ni Jared at Ely, pero ayaw ni Ely ng party dahil ang mga bisita lang naman daw na gusto niya ay mga malalapit na kaibigan. Syempre, hindi ko ipagkakaila na habang napag-uusapan naming ang bagay na iyon ay nasasaktan ako.
Kinagabihan, pag-akyat ko ng kwarto..
“Kamusta ang honeymoon niyo?” ang bungad sa akin ni Ace.
“Ace pwede ba..”
“For sure.. Merong nangyari sa inyo. Sa tatlong linggo ba naman ninyong magkasama ehh..”
“Ace tigilan mo nga ako!!”
“May boyfriend ka tapos nakikipaglandina ka sa iba! Sumama ka pa sa kanya para doon niyo gawin yang kamunduhan niyo.”
“Excuse me Ace.. WALA NA TAYO! Tinapos MO ang REALSYON NATIN nang makipag-usap ka sa demonyong Steph na yun.” ang pasigaw kong sabi sa kanya.
Kita ko naman ang pagkagulat sa mukha niya.. Alam ko nasaktan ko siya sa sinabi ko..
“I-I’m sorry.. Nabigla ako Ace.. Sorry..”
“Lagi ka naman ganyan ehh.. Laging Sorry.. Sorry.. Lagi mo na lang ako sinasaktan Gab..”
“Kailan mo ba ako magagawang mahalin??” ang tanong niya.
“Ikakasal na si Jared Gab.. baka pwedeng ako na ang mahalin mo..” ang sabi niya bakas sa boses ang pag-garalgal nito.
“Ace...”
“Gab.. Love me please..” ang sabi niya sabay hawak sa braso ko.
Hindi na ako nakapag salita..
“Please??”
“Susubukan ko Ace.. Pero hindi ko alaga alam.. Sa tatlong taong magkasama natin.. Wala ehh..”
“Hindi ako susuko Gab. Tandaan mo yan.”
Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Aaminin ko, nahihirapan ako para kay Ace. Hindi ko gusting ako ang nagiging dahilan ng paghihirap niya. Sa gabi ding iyon sa sariling kwarto na niya siya natulog.
Kinabukasan sa opisina..
Pinuntahan ko si Jared sa desk niya.
“Jared..” ang tawag ko dito.
“Yes?”
“Remember you’re my trainee right?”
“Yes Gab?”
“Uuumm.. Once you finish your training, at.. kapag natapos mo na yung last year mo sa college..”
“Ano yun??”
“You’ll be the Marketing Director of AL-UR Inc.” ang sabi ko sa kanya.
Kita ko naman ang pagkagulat at pagka-excite niya.
“Ahh.. Ehh.. Gab.. Sure ka ba dyan? H-hindi ba masyado pang maaga?? I mean, marami pa akong dapat matutunan..”
“I know.. Pero mag-reresign na kasi next year yung Marketing Director, and I see that no one is qualified enough for that position. Ikaw lang ang kayang mag-handle nun.” Ang paliwanag ko.
“Pero Gab..”
“Di ba pangarap mo maghandle ng company?” ang tanong ko dito.
“Yeah.. Pero..”
“This might be your opportunity..”
Hindi siya nakakibo.
“Jared.. Accept every opportunity that comes in your way..” sabay ngiti.
Ngumiti lang din siya at bago ako tumalikod ay..
“Gab..”
“Yes?”
“Thanks..”
“Thanks saan?”
“For believing..”
“I always will..”
“At tsaka na-surpirse ako natandaan mo pa yun ahh..”
“Syempre.. Yun kaya yung nasabi mo sa akin...” ang sabi ko sabay ngiti at alis..
Pagpasok ko ng Office room ko ay..
“Gab.. May Urgent meeting ang Board. Mag-uumpisa na siya within 30 minutes.”
“Bakit daw??”
“Sa loob ng tatlong linggong pagkawala mo, ang dami-daming nangyari sa company..”
“Like??”
“Hindi mo ba nababasa?? Or hindi mo man lang ba na-browse sa net?” ang seryosong tanong niya sa akin.
“Sabihin mo na Ace.. ano ang nagyayari??”
“Two weeks ago ay sunud-sunod na nasunog ang dalawang building na handle ng company natin. Ayon sa report, sinadya daw ipasunog ito ng may-ari..”
“Ako!?!?! That’s STUPID ACE!!! Papaanong mangyayari yun? Ehh wala nga ako dito sa Pinas at ngayon ko lang nalaman yan..”
“Exactly my point.. Dahil din sa report na iyon ay wala tayong nakuha sa insurance. Although Minor lang naman ang dalawang building na iyon pero kahit na, malaking kawalan iyon.” Ang paliwanag niya.
“I know..”
“Meron pa..”
“Ano??”
“Last week.. A Group of tourist Sue your hotel.”
“WHAT!?!? Bakit daw?”
“Food poisoning.. Sa restaurant ng Hotel.”
“It’s Impossible Ace!”
“I know.. I think someone is destroying your name Gab..” ang matigas na sabi ni Ace.
“Papaano mo nasabi??”
“In the first place, bakit mangyayari ang lahat ng ito ng sabay-sabay? Or should I say sunud-sunod..”
“Kung tama ang hinala mo Ace, sino naman ang gustong sumira sa akin??”
“Sino pa ba?? Edi si Steph.. siya lang ang nakikita kong may matinding galit sa iyo..”
“Wala na siyang pera Ace..”
“Hindi tayo nakakasiguro.. Remember, tuso ang babaeng yan.”
Dahil sa sinabi ni Ace, muling umusbong ang galit ko kay Steph. Hindi talaga siya titigil.
“Gab.. Dahil sa nangyari, some of our investors back out.” Ang dagdag pa niya.
Napabuntong hininga na lang ako sa mga nadinig ko. Sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin ko.. Parang nag-caclash lahat sa utak ko ang mga nangyayari.
Maayos na natapos ang meeting. Paglabas ko ng meeting room ay hindi ko inaasahan ang bumungad sa akin sa Company Screen. Slideshow ng picture namin ni Jared na magkasama sa airport papuntang Paris. Nasama din sa slideshow ang picture na pinakalat ni Steph sa School noon tatlong taon na ang nakakaraan kung saan sobrang sweet kami habang naka-upo sa may bay walk.
Para akong naging istatwa sa kinatatayuan ko. Lahat ng tao ay nakatingin sa akin. Alam ko ang naglalaro sa mga makikitid nilang utak.
Agad namang tinawagan ni Ace ang nag-cocontrol ng Company Screen upang patigilin ito. Nakita din ng members ng board ang nasa slideshow at masasama ang tingin nila sa akin.
Dahil sa nangyari, nagmadali ako sa paglalakad patungong elevator papunta sa ground floor. Dire-diretso akong lumabas ng kumpanya gawa ng matutulis na tingin sa akin ng mga tao sa paligid. Sa mga oras na iyon, hiyang-hiya ako sa sarili ko.. Para akong nanliit.. Sa loob ng tatlong taon, ngayon na lang ako ulit nakaramdam ng panliliit sa sarili.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko ng oras na iyon.Nasa ganoon akong paglalakad nang mapansin kong tumutulo na pala ang luha ko. Naisip ko din ang mga bagay-bagay..
“Ano bang nangyayari?? Bakit naman ganito ang araw na ito.. Napakamalas..” ang sabi ko sa sarili ko.
Ilang sandal ay nag-ring ang cellphone ko. Si Ace..
“Yes Hello?” sabay pahid ng luha.
“Nasaan ka ngayon?? M-m-may kailangan kang malaman..”
“Gusto ko munang mapag-isa Ace..” ang sabi ko.
“I-I’m so Sorry Gab.. Sorry..” ang nanginginig niyang sabi.
“Bakit ka nag-sosorry? Anong ibig mong sabihin?”
“Gab… A-a-ako..”
“A-anong ikaw??”
“Ako ang nagpakalat ng picture.. I-I’m sorry Gab..” ang umiiyak niyang sabi.
Parang isang malakas na bomba ang sumabog sa ulo ko ng madinig ko ang mga katagang iyon. Hindi ako nakakibo habang siya ay nagpapaliwanag.
“Nakalimutan ko.. N-n-naiutos ko yun tatlong linggo ang nakaraan. Lasing ako noon Gab ng i-utos kong I-publish sa Company Screen ang mga pictures ninyo ni Jared.. Gab maniwala ka.. H-hindi ko sinasadya.. Wala ako sa sarili… I-I-I’m sorry Gab.. Nagawa ko lang namang i-utos iyong bagay na iyon dahil sa sobrang selos ko.. Pero maniwala ka.. Nakalimutan ko na.. kaya hindi ko na nabawa ang utos.. I’m Sorry..” ang sabi niya habang humahagulgol.
Hindi na ako nakakibo sa natuklasan ko. Gustong kong durugin ng buo si Ace sa sobrang galit na nadarana ko. Pinatay ko ang cellphone at kasabay noon ang matinding pag-iyak ko.
“Bakit!?!? Bakit Ace?? Bakit mo ito nagawa sa akin?? Bakit??” ang umiiyak kong sabi.
“Sa lahat ng tao.. IKAW PA!! DAIG MO PA SI STEPH!!! WALA KANG PINAGKAIBA ACE!!” ang pagsisigaw habang humahagulgol. Wala na akong pakielam kung merong ibang taong makakita sa akin.
“Ang dami-daming pwedeng gumawa noon pero bakit ikaw pa?? Ganoon ba kalaki nag kasalanan ko??” ang sabi ko habang umiiyak.
Wala na ako sa katinuan ng mga oras na iyon. Maghapon akong naka-upo sa gilid ng kalsadsa. Tulala, Balisa.. Wala sa sarili. Nag-umpisa akong maglakad.. Hindi alam ang patutunguhan. Para na akong patay na naglalakad sa kawalan.
“Bakit ganito ang nangyayari sa akin?? Ito na ba ang kabayaran ng mga nagawa ko dati kay Jared at kay Steph??” ang sabi ko sa sarili ko.
Hindi ko din alam kung papaano haharapin si Jared. Ngayong alam na ng lahat sa opisina na merong something sa amin, alam kong magkakaroon ng malaking pagbabago. At si Ace.. Hindi ko din alam kung papaano siya haharapin.
Gayunpaman, malakas ang hinala kong si Steph pa rin ang nagpasunog ng dalawang kumpanya ko at may pakana ng pagsasampa ng kaso sa hotel ko. Hindi ko alam ang gagawin ko pero dapat magbayad siya sa ginawa niya sa kumpanya ko. Naisip ko ulit si Ace.. Pati pala si Ace ay magbibigay ng contribution sa mga bagay na maaaring ika-bagsak ko..
Dinala ako ng aking mga paa sa bar. Uminom ako buong gabi. Hindi ko na din mabilang kung ilang bote ng alak ang nainom ko.
11:00pm ng gabi ng lumabas ako ng bar at muli ay naglakad. Napansin ko din ang sandamakmak na miss calls mula ako Jared, Enso, at Aling Minda. Sa mga oras na iyon, wala akong planong makipag-usap kahit kanino dahil wala akong mukhang ihaharap sa kanila.
Habang naglalakad..
“Gab!” ang tawag sa akin ng isang babae na nasa kotse.
Nang lingunin ko ito ay nakita kong si Ella ang babaeng ito.
Hindi ko siya pinansin at imbis ay nagpatuloy sa paglalakad. Bumaba siya at inalalayan ako.
“Halika na.. I-uuwi na kita.. Kanina ka pa namin hinahanap ehh..”
“Ayoko umuwi!! Wala akong uuwian!!” ang sabi ko. Halata sa boses na lasing.
“Lasing ka ba??”
“Hindi ako Lasing..”
“Sandali lang at tatawagan ko lang si Kuya.”
“Subukan mo lang Ella at hindi mo na ako makakausap kahit kailan.” Ang pananakot ko.
“Tigilan mo ako Gab.. Lasing ka na..”
“Ha!! Sinasabi ko sa iyo.. MAGPAPAKAMATAY AKO!” ang pananakot ko dito.
Ngunit hindi siya nakinig. Nang bunutin niya ang kanyang cellphone ay bigla akong tumakbo sa kalsada para salubungin ang mga sasakyan ngunit nahatak ako ni Ella.
“Sira ka ba Gabriel!?!?! Sasayangin mo yang buhay mo dahil sa problemang yan!!” ang sigaw niya.
“Si Kuya..” ang sabi niya senyales na tumatawag si Jared.
“Sige.. Subukan mong sabihin sa kanila na kasama mo ako.. At talagang magpapakamatay ako..” ang pananakot ko pa ulit.
Tiningnan niya ako.. Bakas sa mukha ang pag-aalala at pagka-awa.
“Hello Kuya..” ang pagsagot niya ng cellphone kasabay ang loud speaker nito.
Dahi lsa nadinig ko ay umarangkada nanaman ang kagaguhan ko, akmang tatakbo na ako ay hinawakan niya ang braso ko. Napaka-higpit na hawak.
“Angel, May balita ka na kay Gab??”
Sasagot na sana siya kaso biglang lumabas ang suka mula sa bibig ko. Nasukahan ko ang damit ko at pati na rin braso ni Ella. Dahil dito ay napasigaw siya.
“Angel!! Ok ka lang ba??” ang tanong ni Jared.
“Oo kuya.. Ok lang ako.. N-nadulas lang..” ang pagsisinungaling niya.
“M-may balita ka na ba kay Gab??”
Tiningnan ko siya at pagkatapos ay tiningnan niya ako.
“Wala kuya.. H-hindi ko alam..”
“Sige.. Hindi muna uuwi ang kuya mo ha?? Hahanapin namin si Gab.. Hindi kami titigil.” Ang sabi ni Jared.
“Sige kuya.. mag-ingat kayo..” ang sabi na lang niya sabay patay ng phone.
“Salamat Ella..” ang sabi ko.
Pagkasabi ko ng salitang iyon ay umikot ang paningin ko at kasabay nito ang pagkawala ng malay ko.
(itutuloy..)
No comments:
Post a Comment