Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.

Thursday, May 21, 2015

STORY: ROMEO & JULIUS CHAPTER 4

Kinaumagahan, naluluha at awang-awa si Auntie Marta nang makita ang kalagayan ng kanyang pamangkin. Puro pasa ang mukha, puro galos ang mga braso, at tila hinang-hina dahil sa mga tinamong pasakit sa mga pulis. Halos maglumuhod si Auntie Marta sa mga pulis para pakiusapan na pakawalan na si Julius dahil wala itong kasalanan ngunit walang pumapansin sa kanya. Nang umaga ding iyon ay pormal nang nagsampa kay Julius ng kasong pagpatay ang mga magulang ni Bong na kapwa mga negosyante. Tuliro naman sa kanyang kwarto si Romeo na nag-iisip kung ano ba ang dapat nyang gawin. Gumugulo sa kanyang isip ang tungkol sa alok sa kanya ni Mayor na suportang medical para sa Papa nya. Ngunit kapalit noon ay ang pagkakanulo niya sa kaibigan.

Lumipas ang dalawang linggo, dumating na ang araw ng paglilitis sa korte ng kaso ni Julius. Naroon sa hearing si Auntie Marta at Sarah, ang pamilya ng biktimang si Bong, mga magulang nina Giovanni at Dexter, Mayor Lito, at ang pamilya ni Romeo. Si Romeo ang kinuhang star witness sa krimen kaya't napakaimportante kung ano ang kanyang ipapahayag. Ngunit bago siya, isinalang muna sa hot seat ang ibang involved sa kaso para sagutin ang mga tanong ni Atty. Michael Roy Rico.

Atty.Rico: Kaano-ano mo ang suspect? At ano ang nalalaman mo sa nangyari nung gabing pinatay si Bong?

Sarah: Kaibigan ko po si Julius. Magkaibigan po ang Mama ko at ang Auntie nya. Nung gabi pong iyon,kasama ko po sina Romeo at Julius. Papalabas na po kami ng subdivision dahil ihahatid namin si Romeo sa bahay nila nang bigla na lang pong dumating yung tatlong lalaki; si Giovanni po,si Dexter, at si Bong.Pero hindi ko po sila kilala. Naririnig ko lang po yung mga pangalan nila nung nag-uusap sila. Binabastos po nila ako at gusto nila akong sumama sa kanila. Pero ipinagtanggol po ako nina Romeo at Julius. Pero bago po iyon, nag-away po muna yung tatlo. Ambilis po kasi ng mga pangyayari, tumakbo na lang po kami ni Romeo at naiwan po namin si Julius. Tapos po sabi ni Romeo na magtago na po muna ako dahil babalikan niya si Julius. Takot na takot po ako ng mga oras na iyon. Nung iniwan na po ako ni Romeo, mga ilang minuto lang po biglang may narinig po akong parang sumabog. Binalikan ko po sila. Nakita ko na lang po si Bong na nakahiga sa kalsada at duguan habang sinusubukan pang iligtas ni Romeo. Wala na po nun sina Giovanni at Dexter. At...at si Julius naman po...nakita ko na lang po na patakbo na po siya habang hawak yung sumpak. Hanggang sa dumating na po yung mga pulis.


Dexter: Inaamin ko po medyo nakainom po kaming tatlo nung gabing iyon. Pauwi na po kami nung masalubong namin sina Romeo at Julius pati yung babaeng kasama nila. Hindi naman po namin binastos yung babae eh, nakikipagkilala lang naman po kami nun dahil mukhang bago lang sya sa lugar namin. Pero si Bong po, nung pilit syang nakikipagkamay dun sa babae, nagalit po si Julius. Pinagsusuntok nya yung kaibigan namin. Si Romeo naman po biglang tumakbo kasama yung babae. Inaawat po namin ni Giovanni si Julius pero bigla na lang po siyang bumunot ng sumpak at bigla na lang binaril si Bong. Kaya tumakbo na po kami kaagad.



Giovanni: Nakainom po kami nung gabing iyon pero hindi naman po kami mga lasing. Aaminin po namin na sa amin po nanggaling yung sumpak. Pagmamay-ari po iyon ni Bong. Kakabili lang po niya nung gabing iyon sa ibang kabarkada nya po yata,hindi ko alam. Nung masalubong po namin sina Julius, masama na po agad yung tingin ni Julius sa amin. May atraso po kasi kami sa kanya dati. Napagkatuwaan po kasi namin yang kaibigan nyang si Romeo dati sa plaza. Pero normal lang naman po iyong mga ganung biruan sa barkada.Barkada po namin kasi iyang si Romeo eh. Pero nakialam po nun si Julius, minasama pala niya yung nangyari. Kaya po nung gabing iyon, kami na po ang unang nag-approach sa kanila. Nakipagkilala po kami sa babaeng kasama nila tapos nakikipag-ayos na po kami kay Julius. Pero sadyang maangas po si Julius eh. Inakbayan lang naman ni Bong yung babaeng kasama nila bigla na lang po yata nandilim yung paningin ni Julius. Pinagsusuntok niya si Bong. Umaawat po kami ni Dexter pero bigla na lang inagaw ni Julius yung sumpak na dala ni Bong at binaril. Dun na po kami agad tumakbo dahil pati po kami akmang babarilin na rin ni Julius. Buti na lang po may nakasalubong kaming nagpapatrolyang mga pulis at nakahingi kami agad ng tulong.



Matapos makuhanan ng statements sina Sarah, Giovanni at Dexter ay nagpatawag muna ng 30minutes recess ang judge bago isalang sa hot seat ang star witness na si Romeo. Tahimik lang na nakayuko si Julius habang pinakikingggan ang mga pahayag kanina.

"Julius, manalig ka lang sa Diyos, lalabas din ang katotohanan. Si Romeo ang pag-asa natin. Alam kong ililigtas ka ng kaibigan mo. Magdasal ka,Julius. Magdasal ka." wika ni Auntie Marta habang hawak-hawak ang magkabilang kamay ni Julius at ang rosaryo.







"Romeo,anak, ayos ka lang ba?" tanong ni Mama Cecille nang mapansing hindi mapakali si Romeo. Halatang tensyonado siya sa mga sandaling iyon.

"O-Opo,Ma. Ayos lang po ako."

"Anak, huwag kang matakot," wika ni Mang Roldan sabay hawak sa balikat ni Romeo. "Nasa sa iyo ang kapalaran ni Julius, at nasa sa iyo rin ang hustisya sa pagkamatay ni Bong,Anak. Huwag kang matakot na sabihin ang totoo. Narito lang kami ng Mama mo para sa iyo."

"Salamat po." tugon ni Romeo. "Saglit lang po, magsi-CR lang po ako."

Lumabas muna ng court room si Romeo para pumunta sa CR nang makasalubong niya si Mayor Lito.

"Oh, Romeo, saan ka pupunta?" tanong ni Mayor.

"M-Mayor, magsi-CR lang po."

"Romeo, ikaw na ang susunod na tatanungin ng attorney at ng judge. Alalahanin mo ang mga sinabi ko sa iyo, Romeo. Nagkaliwanagan na tayong dalawa. Tandaan mo, kailangan na kailangan na ng papa mo ang agarang medikasyon. Tutulungan ko ang papa mo,Romeo. Tulungan mo lang rin ang pamangkin ko. Tumutupad ako sa usapan. Sana ikaw din." wika ni Mayor sabay lakad na muli papunta sa loob ng court room. Nagpatuloy na sa paglalakad si Romeo hanggang marating nya na ang CR. Nagtaka siya nang maratnang may dalawang pulis ang naroon sa labas ng pinto na tila ba may binabantayan. Pumasok siya ng CR at nadatnan niya doon si Julius na nakaharap sa sarili niya sa salamin. Lumingon ito sa kanya at nagtagpo ang kanilang mga mata. Dahan-dahan siyang lumapit kay Julius. Ngumiti ng bahagya si Julius sa kanya.

"Romeo,ikaw pala."

"Julius, anong ginawa nila sayo?" nag-aalalang tanong ni Romeo sa kaibigan nang makita ang mga pasa at galos sa mga braso at kamay nito.

"Wala lang 'to,"sagot ni Julius. "R-Romeo, n-nakita mo ba kung ano ang nangyari noong gabing iyon?"

Natigilan si Romeo sa tanong ng kaibigan. Alam niya ang totoo,pero hindi nya alam kung ano ang isasagot.

"H-Hindi ko nakita,Julius. Sorry....."

Sa sinabing iyon ni Romeo ay tila nawalan na ng pag-asa si Julius. Namuo ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. Binuksan niya ang gripo at binasa ng tubig ang mukha. Dahan-dahang hinaplos ni Romeo ang likod ni Julius at marahang hinagod ito habang si Julius ay patuloy sa paghihilamos ng mukha. Nararamdaman niya na umiiyak si Julius at pilit lang na ikinukubli ang mga luha sa pag-agos ng tubig mula sa gripo.

"J-Julius, patawarin mo 'ko.I'm sorry." yun lang ang huling nasabi ni Romeo saka dali-daling lumabas ng CR.



****************



Atty. Rico: Romeo, ayon sa mga pulis, ikaw lang ang naabutan nila na kasama ni Julius matapos maganap ang pamamaril kay Bong. Naroon ka ng mismong naganap ang insidente, maaari mo bang ilahad ang mga pangyayari?



Romeo: Pauwi na po ako nun, ihahatid po ako nina Sarah at Julius, nang masalubong namin sina Giovanni, Dexter, at Bong. Medyo halata nga po na nakainom sila lalo na po si Bong dahil maingay. Nilapitan po nila kami at nagtanong na kung pwede pong makisabay samin. Mga kaibigan ko po silang tatlo...(sa sinabing iyon ni Romeo ay natulala si Julius)...Nung nilapitan po nila kami, nakipagkilala po sila sa mga kasama ko at nanghingi na rin ng dispensa sa nangyari po dati sa amin sa plaza. Medyo makulit po nun si Bong at pilit na dumidikit kay Sarah. Napikon po yata si Julius kaya sinapak nya po si Bong. Nung nagkagulo na po sila,inilayo ko na po si Sarah. Tapos nung pagbalik ko po para tulungan si Julius, nakita ko pong binubugbog na nilang tatlo si Julius. Aawat na po sana ako nang biglang agawin ni Julius yung sumpak...tapos po...tapos po...(Nakayuko lang si Romeo habang nagsasalaysay samantalang si Julius nama'y natulala at nakatitig lang sa kanya. Naguguluhan si Julius sa mga nangyayari at sa mga maling sinasabi ng kaibigan.Si Auntie Marta nama'y di na napigilan ang mapaiyak. Naroon naman si Mayor Lito na nakangiti at tinatapik-tapik ang balikat ng pamangking si Giovanni.)



Atty. Rico: Tapos ano,Romeo? Ituloy mo, anong ginawa ni Julius dun sa sumpak?



Romeo: (Nilingon ni Romeo ang Mama at Papa niya, pinagmasdan niya ang kalagayan ng Papa niya na naroong sa kanya'y nakamasid habang nakaupo sa wheelchair. Uubo-ubo ito dahil sa komplikasyon sa baga dahil sa halos dalawang taong pag-iinom ng alak sa sobrang depresyong tinamo buhat nang mamatay ang Kuya Romnick niya. Yumuko siyang muli at iniwasang magtagpo ang kanilang mga mata ni Julius) Tapos po...itinutok ni Julius ang sumpak kay Bong at pinaputok ito. Nang bumagsak na po si Bong sa sahig,tumakbo na po sila Dexter at Giovanni. Akmang hahabulin pa po sana sila ni Julius pero bigla na pong dumating ang mga pulis.



Matapos sabihin ang salaysay na iyon ni Romeo ay kusa nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata, gayundin si Julius. Nagdiwang naman ang panig nina Giovanni at Dexter lalo na ang mga magulang ni Bong sa pag-aakalang matatamo na ng kanilang anak ang hustisya sa kanyang pagkamatay.



Dalawang oras matapos ang hearing, nagkaroon na ng desisyon ang husgado.

Atty: Julius Legaspi, was proven guilty...in the crime under Republic Act 3815 Article 248. Murder. — Any person who, not falling within the provisions of Article 246 shall kill another, shall be guilty of murder and shall be punished by reclusion temporal in its maximum period to death; and so honor.



Nang marinig ang hatol na iyon sa kanyang pamangkin, nanikip na lamang bigla ang dibdib ni Auntie Marta. Bigla na lamang siyang natumba sa sahig at nagkagulo ang lahat. Lalong-lalo na si Julius na pilit na kumakawala sa pagkakakapit sa kanya ng dalawang pulis para lapitan ang Auntie niya. Agad-agad na binuhat ng mga paramedics si Auntie Marta para dalhin sa ospital. Ngunit sa byahe pa lamang ay nalagutan na siya ng hininga dahil sa cardiac arrest.



Pansamantala munang ikukulong sa correctional si Julius habang inaayos pa ang kanyang mga papeles para ilipat sa pangangalaga ng DSWD dahil 16 years old pa lamang siya. Nahatulan siya ng 10 taon na pagkakakulong. Ang DSWD muna ang bahala sa kanyang custody hanggang sa siya'y sumapit sa labing-walong taong gulang bago siya ilipat sa Bilibid Prison. Nang maipasok na si Julius sa loob ng kulungan ay halos magwala siya at pilit na kinakalampag ang mga rehas na bakal. Naiparating na sa kanya ang balitang binawian na ang Auntie nya at labis ang sama ng loob na kanyang nararamdaman. Sama ng loob dahil sa pagkakanulo sa kanya ng itinuring niyang kaibigan at kapatid na si Romeo.

"Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin,Romeo! Pagbabayaran mo!!" sigaw niya.



***********

Lumipas ang isang linggong pananatili ni Julius sa kulungan na sana'y dalawang araw lamang dahil sa pagiging bayolente niya, hindi siya nai-surrender ng mga pulis sa DSWD. Nailibing na si Auntie Marta nang di man lang nasilayan ni Julius sa mga huling sandali nito. Si Sarah at ang pamilya ni Romeo ang nag-asikaso sa burol at libing ni Auntie Marta. Nang mailibing na si Auntie Marta ay tinupad na ni Mayor Lito ang pangako kay Romeo. Ipinadala niya si Mang Roldan sa St.Luke's Hospital at na-confine doon para sa mahabang gamutan sa kanyang baga at pagpapakabit ng artificial leg. Si Mama Cecille ang nagbabantay doon sa ospital kung kaya't si Romeo at Sarah na lamang ang magkasama sa kanilang bahay. Pinatuloy na lang muna si Sarah sa bahay nina Romeo dahil wala na siyang makakasama doon kina Julius. Hinintay na lamang ni Sarah na mailibing si Auntie Marta bago siya bumalik muli sa probinsya. Naroon sina Romeo at Sarah sa tarangkahan nang umagang iyon nang mapansin ni Sarah na nakatulala si Romeo.

"R-Romeo? Okay ka lang ba?"

"Ah, oo. May iniisip lang ako."

"Romeo, dalawin naman natin si Julius bukas."

"Sarah, pasensya na. Pero hindi pa ako handang humarap kay Julius sa ngayon. At alam kong hindi pa rin handa si Julius na makita ako."

"Romeo, huwag kang magagalit sa sasabihin ko ah. Alam kong may inililihim ka. Pero hindi ko alam kung ano."

"Ha?"

"Bahala ka na kung ano ang isipin mo sa akin,Romeo. Pero nagpakita sa akin ang kaluluwa ni Ninang Marta kagabi. May sinasabi siya pero hindi ko maintindihan. Pero lagi niyang nababanggit ang pangalan mo. Nagmamakaawa siya,Romeo. Nagmamakaawa siya sayo." Sa sinabing iyon ni Sarah ay natigilan si Romeo.

"M-May 3rd eye ka,Sarah?"

"Oo, mula pa nung bata ako.Madalas na akong makakita ng ibang elemento sa probinsya at kung saan man ako mapunta." tugon ni Sarah. "Hindi kita tinatakot,Romeo. Pero nakikita ko ngayon si Ninang Marta. Tumatangis siya. Nagmamakaawa. Romeo, ano ba ang itinatago mo sa amin? May kinalaman ba ito kay Julius?"

Kinilabutan si Romeo sa sinabi ni Sarah. Napabuntung-hininga siya at nag-isip ng malalim. Hanggang sa hindi na niya napigilan at napaiyak na lang siya bigla dahil sa matinding konsensyang nadarama dahil sa kanyang nagawa.

"Sarah, may ipagtatapat ako sayo."



**************



Nang tanghaling iyon,sa kulungan, nagtaka ang mga pulis sa inaasal ni Julius. Matapos ang rasyon ng pagkain para sa tanghalian, naroon si Julius habang tumutulong sa mga gawain tulad ng paghuhugas ng pinggan. Nagpresinta siya sa warden kung maari ba siyang tumulong sa paghuhugas ng mga nakatambak na hugasin.

"Aba, mukhang maayos ka na totoy ah. Parang nung isang araw lang eh daig mo pa ang mga barakong preso dyan kung magwala." wika ng warden habang pinagmamasdan si Julius na naghuhugas ng mga plato.

"Pagpasensyahan nyo na lang po ako,Sir." tugon ni Julius.

"Oh, tutal naman mukhang mabuti nang lagay mo. Pagkatapos mo dyan,ayusin mo na ang mga gamit mo nang ma-turn-over kana sa DSWD. Delikado ang batang tulad mo dito sa loob." Sa sinabing iyon ng warden ay lihim na napangiti si Julius. Tila may kung ano siyang binabalak na masama.



***************



"Kinakabahan ako,Sarah. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Julius kapag nakita ako," wika ni Sarah habang naroon sila papasok ng gate ng Bilibid Prison nang alas-kwatro ng hapong iyon.

"Huwag kang mag-alala,Romeo. Akong bahala, ako muna ang haharap kay Julius sa loob.Titingnan ko muna ang sitwasyon niya. Kung pakiramdam kong mahinahon naman siya, itetext kita at puntahan mo kami," si Sarah.

"Okay." Agad-agad na pumasok si Sarah sa loob at kinausap ang officer na naroon sa front desk habang si Romeo nama'y naroong nakaupo sa bench sa lobby. Saglit lang nakausap ni Sarah ang Police Officer at agad na nilapitan si Romeo.

"Anong balita?"

"Romeo, nahuli na tayo ng dating. Nai-turn-over na pala si Julius sa DSWD. Naroon daw siya ngayon sa isang all-boys shelter sa Quezon City. Binigay sa akin ng officer yung address."

"Ganun ba? Tara,doon na lang natin siya puntahan!"



****************



"Heto ang magiging kwarto mo,Julius. Sila naman ang mga makakasama mo dito, sina Jobet, Samson, at 'yang si Paul. Halos magkakaedad lang rin naman kayo kaya pihadong magkakasundo naman kayong tatlo. Mga dati 'yang mga barumbado pero mula ng dumating sila dito'y naayos ang kanilang buhay. Tulad mo, mahirap din ang mga pinagdaanan nila sa buhay. Pero sa tulong ng mga pari at ng mga sisters natin dito, naituwid ang mga landas nila. Nawa'y sa tulong namin eh maging mabuti na rin ang kalagayan mo habang narito ka sa amin," wika ni Sister Milleth. "Ayusin mo na dyan sa cabinet ang mga gamit mo. At kayong tatlo, kayo na muna ang bahala djan kay Julius ha."

"Opo, Sister," sagot ng tatlo. Maliit lang ang kwartong iyon. Dalawang double-deck na higaan sa magkabilang dingding at may isang bintana. May study table din na nasa dulong pagitan ng dalawang double-deck na naroon sa tapat ng bintana. May mga libro doon at isang imahen ng Virgin Mary na may nakasukbit sa mga kamay nito na bulaklak ng everlasting.

"Nanggaling ka rin ba sa kulungan?" tanong ni Samson nang makalabas na ng kwarto si Sister Milleth. Hindi siya pinansin ni Julius na abala sa pag-aayos ng kanyang gamit. Hindi niya inilalagay sa cabinet ang gamit nya,bagkus, tila may kung ano lang siyang hinahanap sa loob ng kanyang bag.

"Anong naging kaso mo?" tanong naman ni Jobet na naroong nakaupo sa itaas na higaan sa kaliwang double-deck. "Lahat kami dito mga batang kriminal. Iyang si Samson, nilason nyan yung step-father nya. Si Paul naman, nirape yung nililigawan nyang kapitbahay nila. Ako naman eh nagnakaw ng motorsiklo. Eh ikaw? Anong klaseng kriminal ka?" Sa tanong na iyon ni Paul ay tila nagpanting ang tenga ni Julius. Nilingon niya ang tatlo at isa-isang tinitigan ng masama sa mukha.

"Anong klaseng kriminal ako?...Malalaman nyo mamaya." mahina pero matigas na tugon ni Julius. Ngumisi ito sa kanila na parang ngising nakakaloko.

"M-Mga dre, t-tara na sa baba. Tumulong na muna tayo sa kusina," sabat ni Paul na halatang kinabahan sa hitsura at sa sinabi ni Julius. Bumaba na silang tatlo at naiwan sa kwarto si Julius.

No comments:

Post a Comment