Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta
“Ano ha? Lahat ay ginagawa ko para sa’yo. Para sa inyo ni Lexi. Kahit masakit sa akin tinitiis ko. Ginagawa ko ang sa tingin ko ay tama para sa ikaliligaya ninyo ngunit huwag mo naman akong pagtripan pa ng ganito! Hindi ko alam kung ano ang intensiyon mo pero Boy, hindi ako natutuwa. Kaya siguro tama sina Papa, kailangan na sigurong iwasan na lang din kita. Salamat Boy ha! Salamat sa pagsira mo ng tiwala ko sa’yo.”
Tumalikod na siya. Humakbang na siya palayo sa akin.
Mabilis akong tumayo. Hinila ko ang balikat niya saka ko siya niyakap. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong magsalita o tumanggi. Sa isang iglap ay naglapat ang aming mga labi. Iyon ang gusto kong gawin noon pa. Iyon ang halik na matagal kong pinigilan noong unang araw na pinuntahan ko sa bahay nila. Kalakip dapat ng halik na iyon ang chocolate at red roses na ibibigay ko sa kaniya ngunit kay Lexi napunta.
Pakiramdam ko sa tagal ng panahon ay nabuo niya ako. Nasagot ng halik na iyon ang mga katanungang sinikap kong iwasang sagutin. Walang mali sa kung ano ang nararamdaman ko.
Nang una ay nagulat siya. Ang malakas niyang pagtulak sa aking dibdib ay humina ng humina hanggang sa umakyat ang mga palad niya sa aking balikat, pataas sa aking leeg at sandaling huminto iyon sa aking pisngi. Ang mga palad ko naman ay umakyat mula sa kaniyang baywang, naglakbay sa kaniyang likod hanggang sa tumigil iyon sa kaniyang batok. Pagkasabik ang naramdaman ko. Ilang gabing pinangarap kong maulit muli ang labinlimang minutong halikan namin. Halik niyang siyang tuluyang nagpalaya sa ikinulong kong damdamin. Gusto kong samyuhin ang lahat at walang masayang sa mabango niyang hininga. Gusto kong manatili sa isip ko ang lambot ng kaniyang labi at init ng kaniyang katawang nakalapat sa akin.
“Anong ginagawa mo? Ano ‘to?” pabulong na tanong niya kahit magkalapat palang ang aming mga labi. Hanggang sa tuluyan na niyang inilayo ang mukha ko sa mukha niya.
Hindi pa din niya binibitiwan ang hawak niyang magkabilang pisngi ko. Nakatingin siya sa aking mga mata. Nagsimula akong nakaramdam ng hiya sa biglang ginawa kong iyon. Hindi ko sa kaniya maititig ang aking mga mata. Nandiyang titingin ako sa baba, babalik sa taas, pakanan at pakaliwa.
“Bakit mo ako hinalikan?” tinanggal niya ang kamay niya sa aking pisngi.