The most daring indie film movie of the year. A Jigz F. Recto film.
present Bastusin. Sofia Lee is Bastusin. Starring Ralph Louie, Norris
John, Brad Laurente, Lorraine Lopez and Sofia Lee.
Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.
Tuesday, May 5, 2015
Pinoy Indie Actor - Kenneth Pachero
A indie film actor, bridal shower boy, massage therapist and a photoshoot model Kenneth Pachero.
Hotness photos of Kenneth Pachero. He stars in pinoy indie film movie Pulgada (Inches).
STORY: BOOK 1 - Love Me Like I Am [17] Book 1 WAKAS
Paraiso…
Ito ang masasabi ko sa lugar na kinaroroonan ko ngayon, walang
inaalala, walang problema, walang hirap, walang sakit.. Teka! Patay na
ba ako?? Ang bigla kong natanong sa sarili ko.
Naka-upo ako noon sa gitna ng napaka-gandang lugar na iyon ng may madinig akong mga tao na tumatawag sa akin..
“Anak, miss na miss na kita.. Sana nandito ka, kasama namin ng Papa mo.. Alam ko anak na impossible na ito.. Pero umaasa pa rin ako na buhay ka, at ok ka.. Anak mahal na mahal kita..” ang sabi ng boses na nadidinig ko.
“Si Mama!” ang sigaw ko sa isip ko.
“Gab, sana buhay ka at kapiling ni Kuya.. Gab, hirap na hirap na ang kuya ko. Bakit ba kasi umalis ka? Bakti mo ba kami iniwan? Ako? At si kuya?? Bakit Gab?? Kung alam mo lang Gab, sobra-sobra na ang paghihirap ng Kuya Jared ko..” ang sabi ng isa pang boses na nadinig ko.
“Ella!!” ang sigaw ko ulit sa sarili ko.
“Gab... Gumising ka na.. Kailangan ka ni Enso, kailangan ka ni Lolo, at kailangan kita. Mahal kita Gab, wag mo akong iwan gaya ng pag-iwan sa akin ng magulang at girlfriend ko. Gab, please wake up.” Ang sabi naman ng isa pang boses.
“Ace!!” ang sabi ko ulit sa sarili ko.
Ilang sandali pa ay may lalaking tumatawag sa akin. Nang lingunin ko ang kinaroroonan ng boses ay nakita ko ang taong pinaka-mamahal ko. Si Jared.
JARED: “Gab!!” ang sigaw niya habang tumatakbo papalapit sa akin.
Nang makalapit siya sa akin ay agad-agad niya akong yinakap.
JARED: “Gab, miss na miss na miss na kita.. Wag mo na akong iwan please.. Mahal na mahal kita.. isama mo na ako Gab..” ang sabi niya kasabay ng pagpatak ng luha niya.
AKO: “Jared.. Mahal din kita.. Pero –“ hindi ko natapos dahil..
JARED: “Gab please, take me with you.. magsama na tayo..” ang sabi niya habang umiiyak.
Hindi pa ako nakakasagot ng unti-unting lumayo ang kinatatayuan ko sa kinatatayuan ni Jared. Tumakbo siya ng tumakbo ngunit kahit anong pilit niyang habulin ako ay hindi niya magawa.

STORY: Ang Munting Lihim [17]
“H-ha???”
ang gulat kong sagot sa pagkarining na may matinding karamdaman si
Brix. “S-sigurado ka? Paano mo nalaman? Ang lakas-lakas pa niya noong
nakaraang mga araw ah.”
“Hindi ko nga rin akalain eh! Sino bang mag-aakalang ang isang katulad ni Brix na malakas, athletic, nagji-gym ay magkaroon ng isang karamdaman?”
“A-anong cancer ba ang dumapo sa kanya?”
“Sa kidney.”
“Siguradong cancer ba?”
“Oo... at ayon sa initial findings, kailangang-kailangang tanggalin ang isang kidney niyang natamaan.”
At doon na ako nahinto, napaisip sa mga nangyayari; sinisi ang sarili dahil isa ako mga nakadagdag sa kanyang karamdaman lalo na, nagbago na sana siya ngunit ako pa itong nagtulak sa kanya na bumalik sa bisyong ayaw na niya sanang balikan. May guilt akong naramdaman, may inis sa sarili na dahil lamang sa sama ng loob ko para sa isang tao, nadamay ko pa siya. Lumabas tuloy na napaka-selfish ko, manggagamit. “K-kailan daw ba siya ooperahan? Malala ba ang kalagayan niya?”
“Sa lalong madaling panahon daw Kam... Malala kung sa malala. Pero sa ngayon, ang isang kidney lamang ang nakitaan ng tama kung kaya ay kailangang tanggalin ito upang hindi kumalat sa ibang parte pa ng kanyang katawan ang cancer. Baka sa makalawa na siya ooperahan.”
“N-nasaan siya ngayon Noah?”
“Sa isang ospital ng Maynila. Doon na raw siya ooperahan.”
“Sana... magiging successful ang operasyon niya.”
“Sana... Sana. Kasi ang sabi ng duktor, ang klaseng kanser daw na dumapo sa kanya ay iyong kumakalat, gumagapang.”
“G-ganoon ba? Nakakatakot naman!”

STORY: ANG LALAKI SA BUROL [20]
Awang-awa ako sa pagkakita kay
James. Iyon bang kitang-kita ko sa aking mga mata na nadapa iyong tao ngunit
hindi lumalaban o ni hindi man lang nagsalita. Nakakaawa.
Tahimik lang na tumayo si
James, pinagpag ang puwetan ng kanyang pantalon na nadumihan sa dumikit na lupang
kaaararo pa lamang. Nang nakatayo na, tinumbok ang kinaroroonan ko.
“Ikaw kasi… sabi ko nang huwag
na lang siyang lapitan, nagpumilit ka pa. ”
ang paninisi ko pa.
“Hayaan mo na Yak. Ang
importante, alam na ng itay mo ang tungkol sa atin. At least, ang bigat na
dinadala ng ating kalooban ay nabawas-bawasan. Ngayon, kung hindi man tayo
natanggap ng itay mo, hindi rin natin siya masisisi. Ngunit umaasa pa rin naman
ako na balang araw ay matatanggap din niya tayo.”
“Sabagay…” ang sagot ko na
lang. Hinawakan ko ang kanyang kamay. Lalo lamang akong humanga sa kanyang
paninindigan a tpagpakumbaba para sa aming relasyon. Sa loob-loob ko lang,
nasabi kong napakasuwerte ko pa rin sa kanya.
At iniwan namin ang itay. Tila
mga basang sisiw kami sa aming postura.
Sa hapunan, sabay kaming
kumain. Ramdam ko ang pagkatensiyonado sa aming sitwasyong buo nga kami ngunit
hindi naman nag-uusap. Gusto ko mang magbukas ng usapan, parang napaka-awkward
na nand’yan ang itay na masama ang loob sa amin. Walang kibo rin ang inay. Alam
kong naramdaman niya ang mahirap naming kalagayan.
“B-bukas pala nay, tay…
dadalhin ko si Jassim sa Mindanao . Isang
linggo lang po kami doon at pagkatapos ay babalik na.”
Napatingin ang inay kay itay na
patuloy lang sa kanyang pagsubo ng pagkain, nakayuko, tila walang narinig. At
dahil hindi kumibo ang itay, ang inay na ang sumagot, “S-sige. Isang linggo
lang naman... at parang regalo mo na rin iyan sa iyong sarili na pagkatapos ng pagsisikap
mo sa iyong pag-aaral at makakuha pa ng ganyang mga awards...”
Subscribe to:
Posts (Atom)