Tahimik lang na tumayo si
James, pinagpag ang puwetan ng kanyang pantalon na nadumihan sa dumikit na lupang
kaaararo pa lamang. Nang nakatayo na, tinumbok ang kinaroroonan ko.
“Ikaw kasi… sabi ko nang huwag
na lang siyang lapitan, nagpumilit ka pa. ”
ang paninisi ko pa.
“Hayaan mo na Yak. Ang
importante, alam na ng itay mo ang tungkol sa atin. At least, ang bigat na
dinadala ng ating kalooban ay nabawas-bawasan. Ngayon, kung hindi man tayo
natanggap ng itay mo, hindi rin natin siya masisisi. Ngunit umaasa pa rin naman
ako na balang araw ay matatanggap din niya tayo.”
“Sabagay…” ang sagot ko na
lang. Hinawakan ko ang kanyang kamay. Lalo lamang akong humanga sa kanyang
paninindigan a tpagpakumbaba para sa aming relasyon. Sa loob-loob ko lang,
nasabi kong napakasuwerte ko pa rin sa kanya.
At iniwan namin ang itay. Tila
mga basang sisiw kami sa aming postura.
Sa hapunan, sabay kaming
kumain. Ramdam ko ang pagkatensiyonado sa aming sitwasyong buo nga kami ngunit
hindi naman nag-uusap. Gusto ko mang magbukas ng usapan, parang napaka-awkward
na nand’yan ang itay na masama ang loob sa amin. Walang kibo rin ang inay. Alam
kong naramdaman niya ang mahirap naming kalagayan.
“B-bukas pala nay, tay…
dadalhin ko si Jassim sa Mindanao . Isang
linggo lang po kami doon at pagkatapos ay babalik na.”
Napatingin ang inay kay itay na
patuloy lang sa kanyang pagsubo ng pagkain, nakayuko, tila walang narinig. At
dahil hindi kumibo ang itay, ang inay na ang sumagot, “S-sige. Isang linggo
lang naman... at parang regalo mo na rin iyan sa iyong sarili na pagkatapos ng pagsisikap
mo sa iyong pag-aaral at makakuha pa ng ganyang mga awards...”
Ngunit sumingit ang itay.
“Hindi ako papayag! Kapag umalis ka dito Jassim, huwag ka nang bumalik dahil
hindi na kita tatanggapin!” sabay tayo at walk out palabas ng bahay.
Mistula kaming nasabugan ng
bomba sa aming narining. Walang nakapagsalita sa amin at nagtitigan na lang
kami ng inay.
Ngunit hindi ko rin nakayanan
ang pagtitigan namin. Yumuko na lang ako nang naramdaman ko ang mga luhang
dumaloy sa aking pisngi. May takot na kasi akong nadarama, nagka-phobia na baka
kapag umalis na naman si James, may mangyayari na namang hindi maganda at
magkahiwalay na naman kami. O baka… hindi na siya babalik. O baka, may ibang
tao na namang sisingit sa buhay niya.
Maya-maya, tumayo ang inay at
sinundan ang itay.
Tiningnan ako ni James. Bakas
sa kanyang mga tingin ang ibayong pagkaawa sa aking kalagayan.
“S-sasama ka pa ba?” ang tanong
niya habang pinahid sa kanyang palad ang mga luhang patuloy na dumaloy sa aking
pisngi.
“H-hindi ko alam eh. Natatakot
ako Yak… ayokong magkahiwalay tayo eh.”
Nang nasa kuwarto na kami, nag-ayos
si James sa kanyang mga dalahin. Nakatingin lang ako sa kanya, tulala, nag-iiyak,
hindi alam kung magpack up rin ba o hayaan na lang na umalis siyang mag-isa.
Maya-maya, kumatok ang inay.
Binuksan ko. “O… akala ko ba ay
kasama ka? Ba’t hindi ka pa nag-ayos?” sambit niya.
“N-natatakot ako sa itay nay,
eh…”
“Pwes ako na ang bahala sa
kanya. Sige, magpack up ka na.”
“Talaga po nay?”
“Oo anak. Ako ang bahala.
Habang hindi ka pa nagtatrabaho, magpahinga ka muna. Mag-enjoy…”
“Paano kung magagalit ang
itay?”
“Hayaan mo nang magalit siya.
Iyan ang kanyang reaksyon sa nalaman niya sa inyo. Alam mo naman ang itay mo.
OA. Ako na ang bahala sa kanya.”
“P-paano kung magagalit din
siya sa inyo?”
“E di, sabay tayong lalayas sa
bahay niya. Sasama ako sa inyo” ang sambit ng inay sabay bitiw ng ngiti. “Biro
lang… syempre, mahal ko ang itay mo. Mahal mo rin naman siya, di ba? Hayaan na
lang muna natin siya.”
At doon na ako napayakap sa
inay. “Mahal na mahal ko po kayo inay…”
Niyakap din niya ako. “At mahal
na mahal din kita anak” sagot niya. At baling niya kay James. “Huwag mong
pabayaan itong anak ko James. Ngayon lang makapunta iyan ng malayong lugar.”
“Opo nay… Hindi ko po
pababayaan iyan. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo.” Ang sagot naman ni
James.
“O siya… babalik na ako sa
kuwarto namin ng itay ninyo. Tulog na iyon kung kaya ay nakaalis ako. Basta
maaga lang kayong umalis, bago mag alas 5 ng madaling araw para paggising ng
itay ninyo, wala na kayo.”
At kinabukasan nga maaga kaming
umalis.
Dinaanan muna namin si John sa
ospital. Nag-usap ang kambal at napag-alaman naming pagkatapos ng isang linggo
ang libing ni Sophia.
“Uuwi na muna kami sa atin
tol... tamang-tama pagbalik namin, makikilibing kami.”
“S-sige kuya.”
“Wala ka bang mensahe para sa
ating mga magulang?”
“Sabihin mo kuya na may
sorpresa ako sa kan ila.”
“Hmmm. May pa sorpre-sorpresa
ka na ngayon ha? Ano ba yan? Share naman!”
“Ipapagawa ko ang bahay natin,
magpatayo ako ng branch ng MCJ resto bar sa atin upang sila na ang
magsupervise, patingin-tingin na lang, hindi na mabigat ang trabaho ng itay.”
“B-bakit kuya?” ang tanong ni
John nang napansign tinitigan na lang siya ng kama bal.
“Wala... natuwa lang ako na
heto ngayon, nagbago ka na.”
“Oo nga kuya. Naalala ko pa rin
ang mga ginagawa ko sa iyo at sa pamilya natin. Noong nagsama pa tayo sa Mindanao , palagi na lang akong pasaway. Paano kasi,
naiinggit ako sa iyo kasi palagi na lang ikaw ang pinupuri. Kasi ba naman
sobrang napakasipag mo sa bahay, ikaw ang nagluluto, ikaw ang naglilinis, at
minsan kapag sobrang abala ang inay, ikaw na rin ang naglalaba ng mga damit
nating lahat. Ako naman, sasadyain kong dumihan ang bahay, sisirain ang gripo
kapag alam kong maglalaba ka. At iyong piggy bank mo, habang naghuhulog ka ng
barya, ako naman lihim na bubutasan ko iyon para makuha ko ang pera mo. Tapos
noong mahigit isang buwan na, nagtaka ka kung bakit piso pa rin ang laman. Alam
kong ako ang pinaghihinalaan mo. Pero imbes na awayin mo ako, napakamot ka na lang
sa ulo mo. Tapos ako naman, tawa nang tawa sa sarili.”
Nakita kong napangiti si James.
“Salbahe ka talaga.” biro niya.
“At may isa pang insidenteng
nagluto ka ng sinigang. Noong lumabas ka ng kusina, lihim akong pumasok doon at
ibinuhos ko sa kaldero ang halos buong laman ng asin sa lagayan nito. At noong
kumain na tayo, sabi ng inay, “Pwe! anong klaseng sinigang ito! Ang Ala t!” tapos ako naman
nagreklamo rin. Sabi ko pa, “Kasi naman nagboboluntaryong magluto, di naman
pala marunong!”
“Tapos tumayo ka at bago umalis,
nanghingi kina inay ng pera dahil sa labas ka na lang kakain.” dugtong pa ni
James.
“Oo. Tapos, nang nakalabas na
ako ng bahay, doon na ako nagtatawa. Sabi ko, naisahan ko kayo. Kasi nga nasisi
ka na nga, nakakain pa ako sa labas ng masarap na pagkain.”
“Sabi ko na nga ba eh... pinakialaman
mo ang niluto ko eh! Hindi naman ganoon ang luto ko eh!”
Tawanan.
“Anong ginawa ninyo kuya nang
nakaalis na ako?”
“Wala. Itinapon namin ang
sabaw, tapos nilagyan uli ng kaunting tubig ang kaldero... walang ulam eh.”
Tawanan uli.
Tapos naging seryoso uli ang
mukha ni John. “Pero kahit naiinis ako sa iyo kuya, bilib pa rin ako sa iyo.
Kasi naman, kapag may nang-aaway sa akin sa school, kinakampihan mo pa rin ako.
Kahit alam mong ako ang may kasalanan... at noong isang beses na naaksidente
ako sa motor at muntik nang mamatay, ikaw ang tumawag na sasakyan, kinarga mo
ako sa bisig mo. At sa ospital pa nang muntik akong maubusan ng dugo, ikaw pa
an gnagboluntaryong dugo mo ang isalin sa akin. Ang bait mo pa rin sa akin.”
Hilaw na ngiti ang iginanti ni
James sa mga sinabi ni John. “Syempre naman. Kambal kita.”
“Kaya noong umalis ka, hindi mo
lang alam. Na-miss din kita ng sobra. Kaya... Sinundan kita, hinanap kung
saan-saan. At noong natunton ko na ang lugar mo, nag-imbento akong na stroke
ang inay upang umuwi ka...”
At doon niyakap na ni James ang
kambal niya. “Na-miss din kita tol... sobra. Kaso, kailangan kong umalis upang
hindi ka na magselos sa akin, upang magkaroon ka ng pagkakataong ma-prove sa
mga magulang natin na deserving ka rin nilang mahalin.”
Nagyakapan ang dalawa.
Nakakatuwa. Nakakantig ng damdamin. Kung hindi lang sila kambal, maiisip kong
para silang magsyota sa kan ilang
ayos.
“Kaso palpak pa rin ako kuya
kasi nga... ikaw rin ang hinahanap-hanap ko eh. Hindi ko talaga maiintindihan
ang sarili ko. Nainis ako sa iyo na umalis ka at iniwan kami, ako. Nam iss ko iyong
kahit pasaway ako, ipinadama mo pa rin sa akin na mahal mo ako.” ang sambit ni
John.
“Hindi ko kasi maintindihan
kung ano ba talaga ako sa iyo eh. Kasi parang ako na lang ang sinisisi mo sa
lahat. Kaya sabi ko, baka magbago ka na kapag malayo na ako sa pamilya natin.”
Tahimik.
“Totoo bang ikaw raw ang
nagpakidnap sa amin ni Ricky, sabi ni Sophia?” ang pagsingit ko naman.
Nagulat si John na tumingin sa
akin. “Hindi ah! Hindi pa nga kami magkakilala ni Sophia noon. Hindi nga niya
kilala na ang ikinasal pala sa kanya ay ako. Ang buong akala niya ay si kuya
James pa rin...”
Nagkatinginan kami ni James. Napa iling-iling na lang
siya. “Paano pala ang mga kaso mo ngayon? Hayan nga may mga pulis na
nagbabantay sa iyo.”
“Nagpunta na sa akin ang mga
abugado ni Sophia kuya... at tutulungan daw nila akong makapagpiyansa at
pansamantalang makalaya habang dinidinig pa ang kaso.”
“Ah ok... mabuti naman.”
“O sige tol... tutuloy na
kami...” ang pagpapaalam ni James kay John.
“Kuya… gamitin mo ang kotse mo.
Sa iyo rin iyon.”
“Huwag na tol… gusto kong maranasan muli ang dating
nakagawian kong hirap. At adventure na rin namin ni Jassim ito. Ok lang
maghirap sa pagsakay at pagbiyahe basta kasama ko siya.”
“Kayo na talaga kuya!” ang
sambit naman ni John na napangiti na rin.
Mahaba ang oras ng aming
paglalakbay. Sumakay kami ng bus at pagkatapos ay ferryboat naman. Halos 24
oras ang tagal ng aming paglalakbay. Nakakapagod. Ngunit kapag ganyang kasama
mo ang iyong mahal, kumbaga every second counts. Na-aappreciate mo ang kahit
init, pagod, sakit sa katawan dahil nakasandal ka naman sa mga bisig niya. At
kahit minsan ay hindi mo na naramdamn ang lamig ng aircon dahil sa sobrang init
o kaya ay hindi na gumagana, panay pa rin ang yakap mo sa kanya. Siya naman,
panay ang pagpapaypay sa iyo.
Nakarating kami sa bahay nina
James. Halos walang ipinagkaiba ito sa aming bahay. Maliit, yari sa kawayan, at
halos dumapa na ito sa lupa sobrang pagkaluma.
“Nay! Narito na po ako!” ang
sigaw ni James nang nasa bungad na kami ng bahay nila.
Lumabas ang isang babaeng
siguro ay mas matanda ng sampong taon kaysa aking inay. “Anakkkkkkkkkkk!” ang
sigaw kaagad niya sa pagkakita niya kay James at nagmamadaling bumaba sa
hagdanan atsaka niyakap niya si James.
Nagkayakapan ang mag-ina.
Nakita kong nagpahid ng kanyang luha ang kanyang inay.
“Sabik na sabik na po ako sa
inyo inay!”
“Sabik na rin kami ng itay mo sa
iyo! Ang tagal mong nawala? Bakit hindi Kaman lang nagparamdam sa amin anak?”
“Mahabang kuwento nay… ngunit
mamaya, sasabihin ko sa inyo ng Itay.” Sagot ni James. At baling sa akin, “Nay…
ipakilala ko pala si Jassim.”
“Kumusta Jassim!” ang sagot ng
inay ni James.
Sasagot na sana ako ng “Mabuti
naman po” nang sumingit ba naman si James ng, “Kasintahan kop o siya nay.”
Mistulang hinataw ang aking ulo
sa aking narinig, hindi makapaniwalang babanggitin talaga ni James ang salitang
“kasintahan”.
Ngunit mas natulala ang kanyang
inay. Pansin kong nanlaki ang kanyang mga mata, tila wala sa tamang pag-iisio
na tiningnan ako. “A-ano uli anak???”
“Si Jassim po, kasintahan ko.”
“Ah… hehe” ang paunang nasambit
ng kanyang inay, tila hindi nito alam kung ano ang sunod na sasabihin. “S-sige,
Jassim, mmabuti at napadalaw ka sa aming mahirap na kalagayan.” An gtuluyang
nasabi niya.
“Magmano ka muna kay inay Yak…
Mabait iyang inay ko.”
“Mano po nay…”
“Kaawaan ka ng Diyos, anak.”
Ang sagot naman ng kanyang inay matapos akong magmano.
“Summa cum laude iyan nay…”
“Talaga? Kagaya mo rin pala,
matalino.” Sagot naman ng inay niya.
“S-summa cum laude po rin ba si
James?”
“Oo… palaging nangunguna iyan
sa klase.”
Napatingin ako kay James.
“Waahh! Di mo sinabi!”
“Maliit lang naman na
eskuwelahan, hindi nga unibersidad. Hindi kagaya nang sa iyo na state
university pa talaga. Halos lahat nga kaming graduate ay summa cum laude eh.
May magna cum laude sana kami kaso nang graduation na, doon lang nalaman ng
eskuwelahan na hindi na pala ito pumapasok ng tatlong buwan.” Biro niya sabay
tawa.
“Wee! Di nga???”
“Huwag kang maniwala d’yan
Jassim. Ganyan talaga ang batang iyan, mapagkumbaba…”
“Totoo po…”
“Tara na sa taas…” ang
pagsingit ng ina ni Jassim.
Umakyat kami sa hagdanan at
pumasok na sa bahay.
“Ay pagpasensyahan mo na Jassim
ha? Mahirap lang kami...”
“Ok lang po. Kasi, kami…
mahirap lang din po.”
“Nasaan pala ang itay ‘nay?”
“Hayun sa trabaho. Alam mo
namang walang permanenteng trabaho iyon. Ngunit ngayon, hayun sa kabilang
barangay, may ipinatayong building kasi doon, nakapagtrabaho bilang isang
labor. Kahit papaano...”
“G-ganoon ba?”
“Oo… naaawa na nga ako d’yan sa
itay mo dahil may edad na, may rayuma ngunit sige pa rin. Wala kaming kakainin
kapag hindi siya nagtatrabaho.”
“Hayaan po ninyo inay. Malapit
nang matapos ang kahirapan ninyo.”
“Hay naku James, sana nga… kailan
pa kaya.”
“Basta nay… malapit na. At,
hindi ninyo akalain. May sorpersa si kambal sa inyo.”
“Si John? Nasaan ang kambal mo?
Nagkita ba kayo?” ang gulat na tanong ng kanyang inay.
“Opo nay… at magugulat ka sa
kanyang pagbabago…”
“Huh! Pagbabago ba anak?
Magbabago pa kaya iyon?”
“Opo nay. Maniwala po kayo. May
milagrong nangyari... “ sambit ni James sabay bitiw ng nakakalokong ngiti.
“Sana nga anak…”
Nasa loob na kami ng kuwarto ni
James nang narinig kong dumating ang kanyang itay. Nasa bungad na kami ng pinto
ng kuwarto niya nang narinig namin ang pag-uusap nila ng inay niya. Una na pala
itong sinalubong ng inay ni James sa may pintuan mismo ng bahay.
“Damian! Dumating na ang anak nating si James!!!”
“Talaga! Nasaan?”
“Nasa kuwarto niya! Kasama niya
ang kanyang katipan!”
Bigla ko namang naramdaman ang
malakas na kalampag ng aking dibdib sa narinig. Syempre, nagka-phobia na ako sa
nangyari – sa aking itay.
“Ganoon ba? E… magandang babae
naman ang napili ng anak natin? Mag-aasawa na ba raw siya?” ang tila excited din
na sagot ng itay ni James.
“Eh…” ang narinig ko namang
sagot ng inay ni James. Parang nabusalan sa narinig na tanong, tila nagsisisi
kung bakit pa niya binanggit ang salitang kasama ni James ang kanyang
“katipan”.
“Saan na ba ang dyaskeng iyan
at sabik na sabik na akong makita ang anak nating iyan at nang makaliskisan ang
ipinagmamalaking katipan?!” at narinig
ko ang mga yapak papalapit sa kuwarto ni James.
Agad ring sinalubong ni James
ang kanyang itay. Nakadamit pangtrabaho ito, lumang-luma ang suot na t-shirt na
promotional lamang ng isang brand ng inumin at marumi pa, pati na ang suot na
pantalong pekeng maong. At pati ang katawan niya ay halos nababalot pa sa
alikabok.
“Tayyyyy! Na-miss ko po kayo!”
ang sambit kaagad ni James nang nagyakapan na ang mag-ama.
“Mabaho ako ngunit ok lang iyan
anak. Sanay ka naman sa amoy ko.” Sambit ng kanyang itay.
Natawa si James. “Syempre
naman. Pareho naman tayong ganyan dati rito kapag nagtatrabaho tayo.”
Excited na excited ang dalawa
sa tagpong iyon. Halatang sabik na sabik sila sa isa’t-isa.
“May pasalubong pala ako sa iyo
tay…”
“Ano?”
“Marami. May damit, pagkain,
relo, wala ka yatang relo eh.”
“Talaga! Ay salamat naman.
Hindi ko na nga nagamit ang relo ko dahil nasira na, di na puwedeng ayusin.”
Nasa ganoon sila kasayang
pagyayakapan nang mabaling ang tingin ng kayang ama sa akin. Kumalas siya sa
pagkayakap kay James at nagtanong. “Nasaan pala ang iyong katipan???” na tila
naguluhan sa naalalang sinabi ng inay ni James na kasama ni James ang kanyang
katipan ngunit wala naman siyang nakitang babae kundi ako lang ang naroon.
“I-ipakilala ko pala sa iyo ‘tay
si Jassim. Siya ang aking katipan.”
Kitang-kita sa mukha ng kanyang
itay ang ibayong pagkagulat. “huh!”
“Opo tay…”
“L-lalaki???”
Tumango si James.
Tiningnan muli ako ng itay ni
James, tila hindi makapaniwala.
“M-mano po i-itay…” ang sambit
ko sabay hawak sa kamy ng kanyang itay upang ako ay magmano.
Hinayaan lang naman niya ako.
At nagmano na ako. Ngunit ramdam kong mabigat ang kanyang kalooban sa aking
pagmano.
Agad na bumalik na sa kanilang
kuwarto ang kanyang itay. Ni hindi man lang nagtanogn kay James kung ano ang
nangyari kung bakit hindi nagparamdam si James ng ilang taon. Kaya wala na
kaming nagawa kundi ang pumasok sa kuwarto ni James.
Ramdam kong mabigat pa rin ang
kalooban ng kanyang itay sa pagtanggap sa akin. “Yak… p-parang nahiya naman ako
rito. P-parang gusto ko nang umuwi.” Ang nasabi k okay James.
“Bakit?”
“P-parang hindi naman kasi ako
tanggap ng itay mo.”
“Ganoon? Give up ka na agad?
Kay Sophia, hindi mo ako binitiwan kahit ipinapatay ka ngunit ngayon, agad agad
kang gi-give up?”
“H-hindi naman sa ganoon. Mas
masakit kasi ang kapamilya kapag sila na ang aayaw sa iyo. Kung ibang tao
puwede. Ngunit kapag sila… masakit.”
“Kung ganoon i-give up na rin
kita dahil ayaw ng iyong itay sa akin?”
Natahimik ako. Tama naman siya.
Hindi niya ako binitiwan kahit itinulak pa siya ng itay sakahan at natumba,
kahit ipinagtabuyan pa niya kami. Mabuti nga ang sa akin, kahit papaano, may diplomasya
pa rin ang itay niya.
“Kakausapin ko pa ang itay Yak.
Maintindihan din niya tayo. Hindi lang niya akalain na hindi pala babae ang
mahal ko. Intindihin din natin ang side niya. Kagaya ng itay mo?”
Bago maghapunan, ipinasyal ako
ni James sa kanilang lungsod. Bumili na rin kami ng mga pagkain, ulam na
lulutuin. At nang makarating kami sa bahay, kami ang naghanda sa aming hapunan.
Nasa harap na kami ng
hapag-kainan nang tila dahil sa sobrang tahimik ay hindi sila magkakilalang
nagkasabay na kumain. Walang imik, walang nagsasalita. Lalo pa akong
nakunsyensya. Imagine ang tagal na nawala sa kanila si James ngunit nang naroon
na sana, nasira ang kasabikan nila nang dahil sa pagsama ko sa kanya.
Maya-maya, “E… ano ba ang
nangyari sa iyo James? Bakit bigla kang nawala?” ang pagbasag ng inay ni James
sa katahimikang namagitan.
“Mahaba pong kuwento inay…”
“E, di simulan mo na para
matapos.” Ang pagbibiro ng kanyang inay sabay tingin sa akin.
Binitiwan ko ang isang tipid na
ngiti. Ngunit nang tingnan ko ang mukha ng itay ni James, nanatiling seryoso ito.
Ikinuwento pa rin ni James ang
mga nangyari, maliban sa pagpakasal ng kambal niya kay Sophia.
“P-paano kayo nagkita ni John?”
“Eh…” and nasambit lang ni
James. “S-sa lugar din pala na iyon n-nagtatrabaho si John eh.” Ang palusot ni
James. Alam kong sinadya niyang huwag sabihin ang totoo – na si John ang
nakasal kay Sophia, upang huwag masira ang napag-usapan nila ni John na
sorpresa sa kanyang mga magulang.
“Si John? Nagtatrabaho na?” ang
tanong ng inay ni James.
“O-opo…”
“Hmmm. Talagang nagbabago na
ang kambal mo? Pero bakit wala man lang paramdam sa amin? Mabuti pa ang
na-amnesia, narito na. Samantalang siya, tila nagka-amnesia pa rin ata.”
“Huwag na po kayong magtampo
inay… baka sa sunod na linggo, darating siya at… siguradong magugulat kayo sa malaking
sorpesa niya para sa inyo.”
Natapos ang aming hapunan na
hindi nagsalita ang itay ni James hanggang sa iniwan nila kami sa kusina. Sobra
akong nalungkot. Habang nagligpit kami sa aming kainan, hindi na rin ako
nagsalita. Parang gusto kong umiyak. Alam ko, nalungkot din si James para sa
akin.
Nasa loob na kami sa kuwarto ni
James nang masilip namin ang kanyang ama na nakaupo sa harap ng kanilang bahay.
Sa gilid niya ay may isang maliit na lagayan ng inumin. Nag-inum siyang mag-isa.
“Puntahan ko ang itay Yak… kausapin ko.” Ang sambit ni James.
At maya-maya lang ay nasilip ko
sa binatana na nagtabi na ang mag-ama na naupo sa kawayang bangko. Nakaharap
sila pareho sa bukid.
“Tay… nag-iinum na naman po
kayo. Palagi po ba kayong nag-iinum? Baka m-makakasama po iyan sa inyo.” Ang narinig
kong sambit ni James.
Hindi ko narinig na sumagot ang
itay ni James. Tinungga lang niya ang inumin sa baso na nasa kamay niya.
Pagkatapos, kinuha ni James ang
walang lamang baso na nasa kamay pa ng kanyang itay.
Ibinigay naman ng kanyang itay
ang baso. Nilagyan ito ng inumin ni James mula sa lagayan. “O sige… sabayan na
lang kita.” Sambit ni James sabay tungga rin sa baso at pagkatapos ay nilagyan
uli ito ng laman at iniabot naman sa kanyang itay.
Tahimik silang nagtatagay.
Nanatili lang akong nakatayo sa may bintana at pinagmasdan sila.
Malapit na nilang maubos ang
laman ng kalahating galon na inumin nang nagsalita si James. “P-pasensya na po kayo
tay kung… nabigla ko kayo sa pagpakilala ko kay Jassim sa inyo.”
Hindi pa rin umimik ang kanyang
itay.
“M-malaki po ang utang na loob
ko kay Jassim, ‘tay. Kung hindi dahil sa kanya, baka tuluyan na akong nawala sa
inyo. Noong nagka-amnesia ako, wala nang balak pa si Sophia na tulungan ako na manumablik
pa ang aking ala-ala. Ang totoo, ayaw niyang magamot ako. Inangkin niya ang
aking pagkatao. At dahil mayaman, pati ang aking mga legal na mga papeles ay
pinalitan din niya. Ngunit ipinaglaban ako ni Jassim. Lumaban siya kahit
napakayaman ni Sophia. Hindi niya ako pinabayaan. Hindi siya bumitiw kahit
gaano katindi ang mga pahirap sa kanya ni Sophia. Kahit alam niyang nanganganib
ang buhay niya, kahit alam niyang ipinapapaslang siya nang dahil sa akin, pilit
pa rin niya akong binawi kay Sophia. Dinala niya ako sa aking dating
pinagtatrabahuan at dooon nagsimulang manumbalik ang aking alaala. Hanggang sa
tuluyan niya akong nabawi. Kung hindi dahil sa kanya ay malamang na nasa kamay
pa rin ako ni Sophia at hindi pa rin nanumbalik ang aking alaala.”
Nilingon siya ng kanyang ama.
“Mahal mo ba talaga siya? Hindi ka kaya nabigla lang?”
“Hindi po tay… dati nang
nagmahalan kami ni Jassim. Kahit noong hindi pa ako nagkaamnesia ay mahal ko na
po siya”
“Gaano mo ba siya kamahal?”
“Mahal na mahal po. Hindi ko po
siya ipagpalit kahit kaningong babae o tao sa mundo. At alam kong mahal din ako
ni Jassim tay. Hindi niya gagawin ang ganoon katinding sakripisyo para sa akin kung
hinid niya ako mahal.” At nakita ko na lang na ipinahid ni James ang kanyang
pamay sa kanyang pisngi. Alam ko, umiiyak siya.
Napaiyak na rin ako. Sobrang
touched ako sa sinabi niya. Naalala ko rin kasi ang lahat na hirap na dinanas
ko sa kamay ni Sophia. May mga panahon na gusto ko nang gumive up ngunit dahil
sa pagmamahal ko kay James kung kaya ay pilit ko pa rin siyang ipinaglaban.
“S-sana tay ay matanggap po
ninyo siya. Mahal na mahal ko po si Jassim tay…”
At nakita ko na lang na hinablot
ng kanyang itay ang buhok ni James at, “Ang sagwa! Ang laki-laki mo na,
nag-iiyak ka pa!” Hindi ko alam kung biro iyon o talagang galit.
Tiningnan ni James ang kanyang
ama. Kahit nakatagilid lang siya, pansin ko sa kanyang mukha ang pagkagulat.
“O sya… tanggap ko na. Huwag
kang magdrama, ang sagwang tingnan.” Dugtong ng kanyang itay sabay bitiw ng
ngiti para kay James.
At doon na niyakap ni James ang
ama. “S-salamat tay!!!”
Nagyakapan ang mag-ama.
Nasa ganoon sila kasayang
pagyayakapan nang nilingon ni James ang bintana kung saan ako nakatingin sa
kanila. Nginitian ako ni James.
Lumingon na rin ang itay ni
James sa akin at nang nakita niya akong nakatingin sa kanila, ngumiti siya at
kumaway. “Halika rito Jassim. Sabayan mo kami.”
Kaya dali-dali akong bumaba,
tuwang-tuwa sa aking nasaksihan. At nang nasa baba na ako. Tumabi ako kay
James. Niyakap ako ni James sa harap ng kanyang itay at hinalikan sa pisngi.
Sobrang saya ko sa pagkakataong
iyon. Imagine, sa harap ng itay ng aking katipan ay niyayakap niya ako,
hinahalik-halikan.
“O… sandali at kukuha lang ako
ng maiinum pa natin.” Sambit ng itay niya.
At pumasok uli siya ng bahay.
At nang lumabas ay dala-dala na ang isang galon na inumin. At hindi lang iyon
ang dala niya, hawak-hawak din niya sa bisig ang inay ni James.
“Ano ba, matutulog na ako!” ang
narinig kong pagmamaktol ng inay ni James. At nang nakita niya kami ni James na
naroon, bigla siyang natahimik.
“Mag-celebrate tayo…” ang
sambit ng itay ni James.
“Nang alin?”
“Hetong dalawa!” sabay turo sa
amin.
Tila nalito ang ina ni James,
“Akala ko ba ay hindi mo sila tanggap?”
“Eh… ano bang magagawa ko?
Nag-iiyak itong anak natin eh. Ang sagwang tingnan ng pota!”
Tumawa lang si James.
“Hindi iiyak iyan kung hindi
malalim ang naramdaman. Hindi basta-bastang umiiyak iyang si James. Kahit noon
pa, hindi ko nakitang umiyak iyang anak natin.”
“Kaya nga… hindi ko matiis
tingnan itong tarantadong ito na ganyang nang-iiyak. Ambigat sa kalooban ko.
Hindi ko kaya. Ang sagwa!” sabay tawa nang malakas.
Tawanan kaming lahat.
“Salamat po tay, nay…”
Inakbayan ng itay niya si
James. “Basta… ituloy mo lang ang kabaitan mo anak. Kahit ano man ang gagawin
mong disisyon sa buhay, hindi malayong magtagumpay ka kapag nasa panig mo ang
kabutihan.”
“Salamat po ‘tay…”
“At ikaw naman Jassim, mahalin
mo itong si James… mahal na mahal namin ito.”
Napangiti naman si James at
nilingon ako.
“Opo itay. Mas lalo ko po
siyang mamahalin ngayon na tanggap po ninyo an gaming relasyon.”
At iyon, nag-inuman kami,
kuwentuhan. Iyon na siguro ang isa sa pinakamasayang pagkakataon sa aking
buhay.
Kinabukasan, nagbukas ng bank
account si James para sa kanyang mga magulang. Dahil marami-rami rin ang pera
niyang dala galing sa inipon niya sa lihim na kuwarto ng kanyang bahay,
idiniposito niya ang malaki-laki ring halaga. Masayang-masaya ang mga magulang
ni James.
Lumipas ang isang linggo at natapos
rin ang aming dalaw. Bago kami lumisan, pinaalalahanan pa kami ng mga magulang
ni James na palaging magpakabait, huwag makalimot sa taas.
Dumaan muna kami kay John.
Naki-libing kami kay Sophia.
Pagkatapos ng libing, nag-usap
ang kambal sa mga plano nila para sa kanilang mga magulang. Napag-alaman din
namin na nakapagpiyansa si John.
Bumalik kami ni John sa bukid.
Si James, sa bodega sa burol. Napagdisisyonan niyang bumalik sa pagka-security
guard. Natanggap naman siya ng may-ari ng bodega. Nagkataon din kasing
nagresign ang guwardiyang naka-assign doon dahil malayo raw sa kanyang pamilya.
Nag-apply rin ako ng trabaho sa
mismong mother company na nagmamay-ari sa mismong bodegang binabantayan ni
James. At natanggap naman ako bilang isang staff. Bagamat nasa lungsod ang
puwesto ko, nadadalaw ko si James kapag nasa field ako at nagsasagawa ng
inspection sa mga bodega ng kumpanya. At kapag may time si James, dinadalaw
niya ako sa aking inuupahang kuwarto sa lungsod. Mas mabuti na rin ang ganon
dahil sa bahay, pinalayas na ako ng aking itay. Hindi ko na lang din siya
pinatulan. Ang sabi ng inay, intindihin ko na lang daw muna ang itay. Iyan din ang
payo sa akin ni James. Hayaan ko lang daw muna ang itay. Intindihin sa kanyang
naramdaman.
Ganoon ang aming setup ni
James. Sa inuupahang kuwarto sa lungsod ako umuuwi samantalang siya, sa burol.
Isang araw, biglang napadayo si
John, kasama si Ricky. Malungkot ang mukha ni John. Halatang may dinadalang
sama ng loob. “Kuya... m-may problema ako.”
“H-ha??? Ano???”
“Sabi ng mga abugado ni Sophia,
hindi raw pala ako ang legal na tagapagmana sa mga ari-arian...”
No comments:
Post a Comment