Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.

Monday, March 23, 2015

STORY: BOOK 1 - Love Me Like I Am [1]

BOOK 1: Faces Of Heart

“Ang tao daw ay nilikha ng diyos bilang isang mabuting nilalang. Siyempre bilang tao, nakakagawa tayo ng mga pagkakamali sa buhay natin. Paano kung nakagawa tayo ng pagkakamali sa ibang tao dahil sila rin naman ay sinaktan tayo? Tama bang gumanti? kung hindi ka man gumanti, makakaya ba ng puso mo na kimkimin lahat-lahat ng galit?

Paano kung ang puso mo ay punung puno ng hinanakit at galit sa ibang tao? Makakaya mo pa bang umunawa? magbigay? MAGPATAWAD?
Makakaya mo pa bang magmahal, kung ang puso mo ay hindi nakaranas ng pagmamahal ng iba?”

----------------------------------------------

Part 1: “New Year.. A New HOPE??”

Ako si Gabriel, Gab for short. Lumaki ako ng walang kaibigan at walang nakakaintindi. Well, meron naman akong mga matitinong nakakausap pero di ko pa rin sila maituring na kaibigan dahil sa takot nila na kapag nakisama sila sa akin eh pati sila ay i-reject na rin ng mga bad kong kaklase. Mahal ako ng pamilya ko at mahal ko rin sila. Pero syempre bilang tao, iba pa rin yung may mga kaibigan kang nakakasalamuha, nakakatawanan, nakakakwentuhan, at may nasasabihan ng problema. Lumaki akong nilalait at pinagkakaisahan sa classroom namin. Ang tawag nga nila sa akin ay “Clown” kasi nga ako yung pinagtatawanan, pwede nila akong kutsya-kutsyain kung trip nila, lait-laitin kung gusto nila, at ipahiya kung gusto nila. Oo mahirap pero wala akong magagwa eh ganito na ang naging takbo ng buhay ko at kailangan ko na lang tanggapin lahat yun.

STORY: Ang Munting Lihim [3]

At pinag-aralan ko talaga ang kantang sinabi niya; ang ”Old Photograpphs”. Kahit hindi ko alam ang tunay na kahulugan nito, pinilit ko ang sariling matutong kantahin ito at gitarahin.

At natuto rin naman ako. Nagtaka nga lang ang aking itay kung bakit bigla akong nagkainteres sa paggitara bagamat masaya niyang ipinapahiram sa akin ang kanyang gitara na lagi ring hinihiram ni kuya Andrei noong nasa amin pa siya nakatira. Tinuruan din ako ng aking itay kung paano ang tamang pagtipa.

Ilang buwan din akong parang baliw na kumakanta habang tinitingnan ang aming mga litrato ni kuya Andrei. At sa bawat pagkanta ko, isiniksik ko sa isip na habang kumakanta ako, ang kuya Anderi ko na nasa malayong lugar ay kumakanta rin siya sa parehong kanta; tinitingnan ang aming litrato, kagaya nang ginagawa ko.

Lumipas ang dalawang linggo simula noong nakaalis si kuya Andrei nakatanggap ako ng sulat. Sobrang excited ako noong buksan ko na ito at binasa, “Dear tol… miss na miss ka na ni kuya. Mahirap ang kalagayan namin dito pero ok lang, kakayanin ko. Marami akong ikukuwento sana kaso sa sunod na sulat na lang. Nagmamadali ako eh. Mag-ingat ka palagi d’yan. Magpakabait. Ingatan mo ang ating mga alaala ha? Lagi mong tandaan, mahal na mahal ka ni kuya…”

Napangiti ako sa sinabi niyang alaala. Syempre, iningatan ko iyon. Lalo na ang aming “munting lihim”.

Ngunit iyon lang ang natatanging sulat niya. Maiksi pati. Parang hindi ako masaya sa kapiranggot na sulat niya. Nakulangan ako. At ang masaklap pa ay simula noon, wala na akong sulat na natanggap pa galing sa kanya. Kahit nakailang sulat ako sa kanya, wala itong sagot. Kumbaga, feeling ko, nalimutan na niya ako at wala siyang effort na kumontak sa akin. Wala akong alam kung ano na ang nangyari sa kanya. Nagtatanong ang aking isip; nag-alala. Pakiramdam ko ay hindi ko na siya naramdaman pa…

Kaya sa ginawa niya, ito rin ang nagpabilis ng aking pagtanggap sa sarili na maaaring hindi na kami magkita pa; na nalimutan na niya ako; na mayroon na siyang ibang pinapahalagahan. Hindi ko tuloy maiwasan ang magtanong kung ganyan ba talaga kapag malaki na, madali na lang palang makalimot. O sadyang may tao lang na ganyan, parang hindi nila ramdam ang sakit na naramdaman ng isang iniwanan. O sadyang nasa akin din ang mali; masyado kong dinibdib ang lahat nang mga alaala namin.

STORY: PISO [3]

Simula noong nawala si Zaldy, hindi ko na alam kung may dereksyon pa ba ang buhay na tinatahak ko ngayon. Siya kasi ang nagsilbing ilaw ko sa madilim na tahakin ng buhay. Siya ang nagturo sa akin na lumaban sa mga pagsubok na ibinibigay sa akin ng tadhana. Siya ang naging paa ko sa pagsuong sa buhay at naging lakas ko kung madapa man ako. Siya ang naging mata ko sa madilim na panahon na bumabalot sa akin.

Para akong napilayan at hindi na makalakad. Para akong nabulag at hindi na makita ang kagandahan ng buhay noong nawala siya. Nawalan ako ng goal, ng direksyon at pag-asa sa buhay. Lagi na lang akong tulala, tuliro at di alam ang gagawin.

Buti na lang ay may kaibigan pa rin akong matatawag. Andyan si Jay na hindi man naging paa, naging saklay naman siya upang tulungan akong lumakad. Hindi man siya naging mata ko upang makita ang kagandahan ng buhay, naging ilaw naman siya sa madilim kong daraanan. Siya rin ang parating andyan kapag may kailangan ako. Kapag katulad nitong malungkot ako't naaalala ko si Zaldy, pinapatawa niya ako; pinapagaan ang loob. Siya ang naging sandalan ko sa panahong wala akong makapitan at gulong gulo ang isip ko.

“Okay ka lang ba?”tanong sa akin ni Jay sabay tapik ng aking balikat.

STORY: ANG LALAKI SA BUROL [8]

“G-ganoon ba?” ang sagot niya sa aking sinabing magresign na ako. Pansin ko ang biglang paglungkot ng kanyang mukha. “Iiwan mo na pala ako?”

Mistula namang hinataw ng isang matigas na bagay ang aking ulo sa kanyang naging reaksyon. Hindi ko kasi akalain na may epekto iyon sa kanya. “eh... h-hindi naman sa iiwan po Sir. P-pupunta pa rin naman ako sa MCJ Restaurant at doon ako kakain paminsan-minsan.” Ang nasabi ko n alang bagamat ang plano ko ay hindi na talaga magpapakita pa roon pagkatapos ng lahat. Ayokong makita pa ni Sophia. Ayoko rin siyang makita.

“Alam mo, Jassim... sasabihin ko sa iyo ang totoo. Nahirapan ako sa aking kalagayan. Ewan kung alam mo ang kwento ko. Alam kong alam ng maraming empleyado ng MCJ Restaurant ang kwento ko at marahil ay naikwento na rin ito sa iyo ni Ricky. Hindi ko na maalala pa ang aking nakaraan. Noong sinabi mong may nawala kang kuya at kamukhang-kamukha ko siya, natuwa ako. Alam mo ba? Kasi para bang may tanogn kaagad sa aking isip na ‘Wow... baka ako nga iyon. Baka ako nga ang kuya mo” At simula noon, palagi na kitang hinahanap. Parang nasasabik ako na makita ka. Nasasabik sa posibilidad na kapatid nga kita. Di ba kinanta ko kanina ang ‘Beautiful In My Eyes’? Dahil iyan ang sinabi mong kinanta ng kuya mo bago ka niya iniwan. Parang gusto ko lang kantahin iyon sa iyo. Nangarap ba na baka ako nga talaga ang kuya mo.”

Para akong nabusalan sa narinig. Ramdam ko sa aking katauhan ang gumapang na matinding awa sa kanya.

“Ang hirap ng kalagaya ko Jassim... kung alam mo lang. Oo, may pangalan ako, may trabaho, may mga dokumentong magpapatunay na ako nga si Marlon Ibanez. Ngunit alam ko ring itong katauhang ito ay hindi ang tunay kong pagkatao. GAwa-gawa lamang ito ni Sophia upang, sabi niya, ay habang hindi pa nanumbalik ang aking alaala, may pamilya ako; may nagmamahal. Ngunit parang nasasakal na ako. Kapag nag-iisa lang ako, nababalot ang aking isip sa maraming katanungan. Sino ba talaga ako? Sino ang tunay kong pamilya? Ano ang tunay kong pangalan? Nasaan ang mga taong nagmamahal sa akin? Kaya noong nakita mo ako, tuwang-tuwa akong baka ako nga ang kuya mo. Parang gusto ko nang ipagsigawan sa iyo na ako nga ang kuya mo. At iyan ang dahilan kung bakit...” hindi na niya itinuloy ang sasabihin. Para siyang nag-aalangan.

STORY: DUSTIN PROMISE CHAPTER 4

"GINO"

Second sem started, medyo napaaga ako
sa school. 9 pa ang class ko pero 8 pa
lang nung makarating ako sa campus.
Normally kasi exact lang yung pagdating
ko so I decided to take a walk around
our 10 hectare campus. Siguro mga 30
minutes later, napagod na ako so
pumunta na ako sa building where my
first class is to be held.
"Gino!" boses ni Dustin yun ah.
Lumingon ako, tama nga, si Dustin yung
tumawag sakin.
"Bakit ang aga mo?" tanong sakin ni
Dustin
"Ah wala napa aga lang. Ikaw?"
"May meeting kami for the school
activities this sem eh, plus opening pa
ng sem so required yung presence
namin.. kanina ka pa ba?"
Level rep nga pala namin si Dustin, hindi
ko pa naman siya vinote last election.
haha shhh!
"Ah ganun ba? Hindi naman.." sagot ko
sakanya
"Tara na, our class starts in 15 minutes.
ay. by the way, sabay ka samin lunch
mamaya ah? with my barkada"
Yung totoo parang ayoko, kasi hindi ko
alam yung ugali ng iba kahit na kablock
ko pa sila. Pero nakakahiya naman
tumanggi kaya ngumiti nalang ako.
Since then, sakanila na ako laging
sumsasabay tuwing lunch. They've
made me feel welcome and part of their
family. Mas naging close din ako kila
Jess, Tim, Mark at sa iba pa. Medyo lagi
na rin akong nagssmile and kinakausap
ko na yung mga blockmates namin
regarding school stuff na walang halong
inis, galit, or pagkahiya.