"GINO"
Second sem started, medyo napaaga ako
sa school. 9 pa ang class ko pero 8 pa
lang nung makarating ako sa campus.
Normally kasi exact lang yung pagdating
ko so I decided to take a walk around
our 10 hectare campus. Siguro mga 30
minutes later, napagod na ako so
pumunta na ako sa building where my
first class is to be held.
"Gino!" boses ni Dustin yun ah.
Lumingon ako, tama nga, si Dustin yung
tumawag sakin.
"Bakit ang aga mo?" tanong sakin ni
Dustin
"Ah wala napa aga lang. Ikaw?"
"May meeting kami for the school
activities this sem eh, plus opening pa
ng sem so required yung presence
namin.. kanina ka pa ba?"
Level rep nga pala namin si Dustin, hindi
ko pa naman siya vinote last election.
haha shhh!
"Ah ganun ba? Hindi naman.." sagot ko
sakanya
"Tara na, our class starts in 15 minutes.
ay. by the way, sabay ka samin lunch
mamaya ah? with my barkada"
Yung totoo parang ayoko, kasi hindi ko
alam yung ugali ng iba kahit na kablock
ko pa sila. Pero nakakahiya naman
tumanggi kaya ngumiti nalang ako.
Since then, sakanila na ako laging
sumsasabay tuwing lunch. They've
made me feel welcome and part of their
family. Mas naging close din ako kila
Jess, Tim, Mark at sa iba pa. Medyo lagi
na rin akong nagssmile and kinakausap
ko na yung mga blockmates namin
regarding school stuff na walang halong
inis, galit, or pagkahiya.
May mga naririnig na nga ako minsan eh
"ano nangyari kay Gino? nag iba ata ihip
ng hangin" "Shit! Gino is so hot" Natawa
lang ako pero siyempre kunwari hindi ko
rinig. Hindi ko ugali lumandi, ayoko
muna.
Mas naging close din kami ni Dustin.
Minsan after school niyayaya ko siya
lumabas just to hang out, libre ko nung
una then babawi siya. Siya naman yung
manlilibre next time. Nagkwentuhan
lang kami about school, yung mga
professors, nilalait niya pero parang joke
lang.
Natawa naman ako dun kaya nilait ko rin
yung iba. Napagusapan namin kung sino
yung mga magaganda sa classroom at
nasabi rin niya yung mga kinaiinisang
niyang officers sa council kasi daw
mayabang, bossy and cocky. May mga
times na nagiging partners kami sa
research or project so dun namin yung
ginawa sa bahay ko, nagoovernight si
Dustin samin.
Minsan naman, sa house nila. Napadalas
din yun pagpunta ko either sa house
niya or siya naman sa house ko just to
hang out specially pag weekends and
kakatapos lang ng exam, wala
masyadaong ginagawa. Dahil dun,
nakilala na ako ng parents ni Dustin kaya
hindi na ako nahihiya sakanila. Once
naman, nagabot sila ng parents ko,
pinakilala ko siya, pati nga mga aso
namin kilala na si Dustin. Basta
everytime we can, magkasama kami ng
barkada niya, or just the both of us.
Until one day, nagising ako. Narealize ko
na parang nahuhulog na ang loob ko kay
Dustin. Not as friends nor best friends
pero I think I'm falling for him. Siya
yung reason kung bakit ako nagsmile
ulit, kung bakit ako nagkaroon ulit ng
mga kaibigan, kung bakit nawala yung
galit ko sa mundo. Masaya ako pag
kasama ko si Dustin, pakiramdam ko
secured ako and may nagmamahal sakin.
But is it possible for one guy to fall in
love with another guy? NO. hindi
pwede. Siguro attracted lang ako or
confused or baka kasi matagal ko ring
hinanap yung feeling na affection from
others.
Mga around February nung maging super
busy si Dustin because of election.
Umalis siya sa council instead, he's
running for Batch President of our
college. So ayun, madalas wala siya
tuwing lunch. Altho kaclose ko na yung
barkada, iba pa rin pag wala si Dustin but
then I think it's better siguro na hindi
kami muna masyadong magusap dahil sa
confused feelings ko. One time before
matapos ang school.
"Gino pwede ka ba mamaya? Tara s-
bucks tayo, my treat" pag aya sakin ni
Dustin
Gusto ko sana pero I think its better
kung maging distant muna ako sakanya.
"Ahh. Next time nalang, uwi ako agad
eh."
"Ayy ganun ba? sayang naman, sige next
time ah?"
May mga times na nagtetext siya sakin
"Gino, what's up?" "Hey, okay ka lang?"
hindi ako nagrereply pero natutuwa ako
sa mga text niya. The day after,
inapproach niya ako sa room.
"Gino, okay ka lang? hindi ka nagrereply
sa mga texts ko.."
"Yung mga text ba? hindi ko na kasi
masyadong pinapansin yung phone ko
lately kaya laging late ko na nababasa
texts mo" pagsisinungaling ko.
"Ahh sige Dustin, andito na yung sundo
ko. Bye!" nagpilit ako ng ngiti at umalis
na.
One day after school pagkadating ko sa
bahay, "Sir Gino, hinihintay po kayo ng
parents niyo sa room nila" pagsalubong
sakin ni Manang Koring
Nagtaka ako, bakit? anong meron? "Sige
po, salamat" sagot ko sakanya.
Dumeretso ako sa kwarto nila at
pagpasok ko, nakatingin sila sakin.
Seryoso ang mga mukha nila at parang
kinakabahan ako sa mga susunod na
mangyayari.
"Gino, take a seat" sabi sakin ni Papa.
Sinunod ko naman yun, umupo ako sa
third couch kaharap sila.
"Your mom and I have something to tell
you. I know this is gonna be hard but
we have to let you know" sabi ni Papa.
Nakita ko naman si Mama medyo
naluluha.
"Gino, we are not your"
"I know." Hindi ko na tinapos yung
sasabihin nila sakin, alam ko na at ayaw
ko nang marinig.
"What?" mahinang tanong sakin ni
Mama.
"I'm not your son, I'm adopted. right?
I've known it for almost a year now.
But it's okay. tanggap ko naman eh,
hindi niyo naman ako pinabayaan" Totoo
yung mga sinabi ko, kahit na masakit,
tanggap ko. Ayoko lang na paulit ulit
ipamukha sakin na ampon lang ako.
Besides, I consider myself lucky to have
them as my foster parents. Kahit super
busy na sila ngayon, they were always
there for me nung bata pa ako to make
me say I had an awesome childhood.
Tumayo ako, heading for the door para
tapusin na yung conversation namin
nung nagsalita si Papa.
"It's not just that.. your real parents
want you back."
I feel betrayed. "WHAT? and pumayag
naman kayo?" pasigaw kong tanong
sakanila habang nagsisimula ng pumatak
ang mga luha ko.
"Gino, we've been really busy that we
can no longer spend some time with
you" sabi ni Mama
"Ano ba tingin niyo sakin? Gamit lang na
pag ayaw niyo na basta basta niyo
nalang ipamimigay?!" tumakbo ako
papunta sa pinto
"Gino.." hindi ko sila pinakinggan.
Lumabas ako and smashed the door.
Nakita ko yung ibang maids nakatingin
sakin, tumakbo lang ako papunta sa
room ko, nag lock, dumapa sa kama at
binuhos lahat ng luha.
Every February nalang ba ganito?
Masasaktan ako ng sobra sobra.
Pakiramdam ko galit talaga sakin ang
mundo, tuwing liligaya ako, humahanap
ito ng paraan para masira ang kasiyahan
ko. Parang gusto nila ako laging
nakikitang umiiyak, nagluluksa. Parang
gusto nila ako magalit sa lahat. Ayoko
na. ang hirap, ang sakit. Ngayong
tanggap ko ang posisyon ko sa
pamilyang ito, gusto pa nilang tong
baguhin.
Ipapamigay nalang ako basta basta tapos
biglang gusto akong bawiin? Ayoko.
Masaya na ako dito kahit lagi silang wala.
Hindi nila ako pinabayaan. Dito na lang
ako.. kung pwede lang.
Muli, nakatulog ako kakaiyak.
Pagkagising ko, 12:30 na pala. 3 missed
calls and 4 text messages. Lahat galing
kay Dustin. "Gino where are you?"
"Huy. asan ka na?"
"Today yung Elections, pasok na bilis!!"
"Di ka ba talaga papasok? Aren't you
gonna vote for me? frown emoticon" Confident ako
kayang manalo ni Dustin even without
my vote, buo na ang pangalan niya sa
batch namin so kung sino man ang mag
run against him, walang chance. As
much as I want to, hindi ako nagreply
nor nag call back.
Kinabukasan, right on time lang ang
pagdating ko sa room pero wala pa yung
prof namin. Maingay at magulo sa
classroom, lahat binabati si Dustin sa
pagkapanalo niya as batch president for
next school year with a landslide result.
Hindi na niya ako napansin siguro kasi
ang daming nakakumpol sakanya.
Mamaya ko nalang siya babatiin, pag
kaming dalawa nalang. Dumating na
yung prof at nagsimula na ang klase.
After nung last class, medyo naiwan ako
sa classroom kakakopya ng notes, hindi
kasi ako nakikinig. Hindi ko mapigilang
hindi maisip ang mga nangyayari sa
buhay ko. Sa pamilya ko at.. yung
attraction ko kay Dustin. Pagkatingin ko
sa likod, kami nalang pala ni Dustin ang
naiwan sa classroom, at nakatingin lang
siya sakin. Tinapos ko na yung
kinokopya ko nang maramdaman kong
tumyo siya. 'hindi ka sana galit sakin
Dustin please' naisip ko. Umupo siya sa
tabi ko nung saktong sinarado ko yung
notebook ko.
"May problema ba Gino? Galit ka ba
sakin?" tanong sakin ni Dustin
Natuwa ako na kinausap niya ako, na
mali yung naisip ko kanina.
"Huh? Hindi ah. Sorry pala kahapon. and
Congrats for winning the election" bati
ko sakanya
"bakit parang iniiwasan mo ako?"
Napatingin ako sakanya "Hindi kita
iniiwasan Dustin. Kailangan ko na umalis,
andiyan na yung sundo ko."
Tumayo ako at lalabas na sana nung
pinigilan niya ako.
"Oh tignan mo, iniiwasan mo nanaman
ako. Ano bang problema mo Gino? Alam
mo namang nandito lang ako handang
makinig."
Hindi ako nakasagot.
"parang hindi ka naman lalaki eh.
Sabihin mo, may kasalanan ba ako
sayo?"
Medyo nainsulto ako, hindi pa rin ako
sumagot, anong sasabihin ko?
"Gino please tell me!"pasigaw niya sakin
"MAHAL KITA DUSTIN!"
Nagulat ako sa nasigaw ko. Buti nalang
wala ng ibang tao. Hindi ko alam kung
bakit ko yun nasabi. Nakakahiya. Hindi
ko siya matignan derecho sa kanyang
mga mata sa hiya. Nagsimula ng lumabo
ang mga paningin ko, naiiyak nanaman
ako. Halatang nagulat din si Dustin sa
mga sinabi ko. Nakatingin lang siya sakin
na medyo najaw drop. Dahan dahan
akong umatras at tumakbo palabas,
papalayo, papunta sa aking sundo. Ano
ba 'tong nagawa ko. baka mawala pa
sakin si Dustin. Ang tanga tanga ko
talaga. Nadagdagan pa problema ko.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment