“Wala ito sa plano ko! Wala sa plano kong mahulog muli sa kanya! P-Pero
bakit ganito? Hindi ko mapigilan ang magnetismong taglay niya?” ang
sabi ko sa sarili ko.
Palapit ng palapit ang mukha namin. Konting-konti na lang at maglalapat na ang aming mga labi..
Magkadikit na ang aming noo kasama ang aming ilong ng bumalik ako sa aking katinuan. Kumalas ako at pagkatapos ay tumakbo paalis.
Sa gabing iyon, hindi ko nagawang makatulog ng mahimbing. Naisip ko ang mga plano ko, wala sa plano ko ang mahulog muli sa kanya. Wala sa plano ko ang mahalin siya ulit. Naisip ko din si Ace, naisip ko na baka dumating ang panahon na mapagtaksilan ko yung tao. Ang taong sobrang nagmamahal sa akin.
“Hindi! Hindi Pupwede ito!” ang sabi ko sa sarili ko.
Kinabukasan..
“Gab, Sasama si Enso ha?”
“Ace!! Alam mong nandoon si Jared! Gusto mo bang magkita sila? Gusto mo bang masabotahe ang mga plano ko?” ang sabi ko.
“Basta! Gusto ko sumama si Enso.”
“Please Kuya Gab? Please?” ang sabi ni Enso
“Hindi pwede!” ang sigaw ko.
“Ace, kasama ko buong araw si Jared ngayon. Hindi pupwede!” ang sabi ko dito.
Tumingin lang si Ace at ilang sandali pa ay..
“Ok sige..”
“Kuya Ace!!” ang sigaw ni Enso.
Ngunit hindi sumagot si Ace at isang tingin lang ang ginawa nito kay Enso.
At ayun na nga, hindi sumama ang makulit na bata, este damulag.
Sa Opisina..
“Sir, eto na po yung pinapagawa niyo sa akin.” Ang sabi ni Jared.
“Sige mamaya ko titingnan.” Ang sabi ko sabay kuha at lagay sa desk.
“Uuummm.. Sir, yung kagabi po..”
“Ayokong pag-usapan yung kagabi please”.
“Ok.. Gusto ko lang mag-sorry..”
“Don’t mention it.. ayoko maalala.. Anyway, sumama ka ngapala sa akin.”
“Ha?” ang gulat nito.
“You heard it right! Sasama ka sa mga meetings and appointments ko.”
“Pero di ba dapat nandito lang ako sa opisina?”
“Remember Mr. Cruz, hindi ka empleyado dito, you’re my trainee. At gusto ko makita mo ng actual ang mga ginagawa ko. Ang mga meetings na dinadaluhan ko ang such.”
“Ok..” ang sabi lang nito.
At sumunod naman ang mokong sa akin. Pansin ko ang mga ngiti sa labi niya. Siyempre ba naman, makakasama niya ako, sino ba namang hindi mangingiti nun di ba? Well, kasama ito sa naisip kong plano kagabi.. ang pa-ibigin at paasahin siya ng todo-todo at sa huli, IIWAN KO! Hahaha! Ang mean ko di ba? Well I don’t care! Ganyan din naman ang ginawa niya noon sa akin eh.
Pagkababa namin ay dumating ang limusin na maghahatid sa akin sa mga appointment na pupuntahan ko sa araw na iyon. Pagbukas ng Limusin ay bumungad sa akin si..
“Hi Kuya Gab!!” ang sigaw ni Enso.
Hindi ko inaasahan ang nakita ko. Bakit nandito ang batang ito? At talagang Gab pa ang tawag niya sa akin ha!
“Hi Kuya Jared!! Na-miss kita!!” ang sigaw nito sabay takbo at yakap kay Jared.
“Na-miss din kita!! Ang laki-laki mo na ahh!! Hhhmm.. kaya ka pala nawala sa ampunan ehh, kinuha ka pala nitong kuya Gab mo.” Ang sabi ni Jared.
Hindi na ako nakapag-salita. Sira ang plano ko! Wala na ako magawa kaya sinakyan ko na lang ang situasyon.
“Aba!! Napasarap ang yakap ng malantod na batang ito ahh, ayaw ng kumalas Ohh. HOY! Tama na ang pananantsing mo diyan!” ang sigaw ko kay Enso gawa ng nakayakap pa rin siya kay Jared.
“Kuya Gab, hindi ako nananantsing! Echoserang Frog ito!!! Sadyang na-miss ko lang ang kuya Jared ko nuh. At wag ka ng Mag-SELOS PA DYAN!! Wag kang mag-alala kuya, iyong-iyo itong si kuya Jared.” Ang sabi niya sabay hatak kay Jared at tulak papunta sa akin.
Dahil sa malakas na pagkaka-tulak ni Enso kay Jared papunta sa akin ay muntik ko ng ikabagsak ito. Mabilis akong nayakap ni Jared na naging Sanhi ng pagkapigil ng bagsak ko.
Ang braso niya ay naka-pulupot sa likuran ko. Magkadikit ang aming katawan. Ang aming mga mata’y muling nagtagpo sa mga oras na iyon. Parang tumigil ang takbo ng oras, parang ayaw ko ng matapos ang sandaling iyon.
“Aaaayyyiiiieeehhh!!!! Sheeeettt!! Umaapaw pa rin ang chemistry and physics ninyong dalawa oh!! Hanggang ngayon nandyan pa rin ang spark!! Teka lang ha? Lalayo lang ako at baka langgamin ako sa sobrang ka-sweetan niyo ehh..” ang sigaw ni Enso na para bang wala kami sa tapat ng kumpanya ko.
Bigla naman akong kumalas sa posisyon namin ni Jared. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang malisyosong tingin ng mga tao sa paligid.
“Shit! Daming nakakita! Tsk!” ang sabi ko sa sarili ko.
“Oh Kuya Gab! Bakit ka kumalas? Ang ganda kaya ng pose ninyo dun! Parang sinasalo ka ni Kuya Jared sa posisyon niyo eh. Ayyyiieehh!! Sinasalo sa pagkahulog ng puso mo sa kanya! Wahahahahaa!! Yeessss!! Catch me I’m in love ang drama mo teh! Bwhahaha!!” ang kilig na kilig na pagwawala ng bata.
“Hoy Punyeta kang bata ka!!! Manahimik ka ha!! Kung wala kang kahihiyan, BIGYAN MO AKO NG KAHIHIYAN! NASA HARAPAN TAYO NG KUMPANYA KO AT KUNG ANU-ANONG PINAGSISISIGAW MO DIYAN!” ang matigas at pigil na pigil kong sabi dito.
“Ay suuooosss, Charusshh!! kuya Gab, nasobrahan ka na sa kilig, namumula ka na oh!! Hehehehe.” Ang tawa pa nito.
“Shit! Ako namumula? Hindi pwede ito!” ang sigaw ko sa sarili ko.
Pansin ko naman na natawa si Jared sa sinabi ni Enso kaya tiningnan ko ng masama ang mokong at nanahimik ito. Sa pagtitig ko sa kanya, pansin ko ang pamumula ng mukha nito. Shit! Ibig sabihin parehas kaming namumula? Parehas kaming kinikilig? Putek talaga!
“Nako! Pumasok na tayo sa sasakyan! At ikaw bata ka lagot ka sa akin mamaya!” ang banta ko dito.
“Oo pumasok na tayo sa sasakyan at dumeretso na kayong dalawa sa motel! Chaaarr! Wahahaha!!” ang halakhak pa nito.
Dahil sa sinabi niya ay binatukan ko ito na naging sanhi ng pagkasubsob niya sa loob ng upuan ng sasakyan.
Pigil tawa naman si Jared sa mga pinagsasasabi ni Enso, samantalang ako ay abot langit ang pagka-bwisit dito.
Sa sasakyan..
“Ngapala, Hoy Bata ka! Sino nagsabing pumunta ka dito ha?
“Yung asawa mo!!” ang diretsong sabi nito.
Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Napatingin ako kay Jared at kita ko ang pagkagulat sa mukha niya.
“Hoy! Wala akong asawa!” ang sigaw ko dito.
“Joke lang!! Hehe. Si Kuya Ace ang nagpapunta sa akin dito. Sabi niya bantayan daw kita eh.”
“Bantayan? Hindi na ako bata para bantayan!” ang bulyaw ko sa kanya.
“Just ask him Kuya Gab not me.. Pinasama lang ako ng asaw--“ hindi niya natapos dahil kinurot ko siya sa tagiliran.
“ng pinsan mo..” ang bawi nito
Dahil sa mga pinagsasasabi ni Enso ay pansin ko ang blankong expression sa mukha ni Jared. Kahit ganoon ay kabisado ko mokong, alam kong malalim ang iniisip niya, alam kong naguguluhan siya sa mga nadinig niya.
“Shit! Sira na talaga ang plano ko!” ang sabi ko sa sarili ko.
Kasama ko buong araw si Jared at Enso. Kapag may meeting ay iniiwan namin si Enso sa sasakyan, at kami ni Jared ang umaattend. Kita ko na habang nag me-meeting ay nagsusulat si Jared, Inutusan ko kasi siya na gawan niya ng analysis at report ang mga mapag-uusapan sa meeting na dadaluhan ko sa araw na iyon. Ayos di ba? Hehehe.
Dinner time at my hotel. Pinareserba ko ang isang kwarto ng restaurant ng hotel para sa aming tatlo lang.
“Hoy lamunero kang bata ka! Hinay-hinay lang sa pag-nguya at baka mabilaukan ka niyan.” Ang puna ko kay Enso.
“Ang sarap kaya!! At hindi na ako bata kuya Gab!”
“Aaayyy!! Oo nga pala, hindi ka na bata dahil makakita ka lang ng wafu’t cute ay kumakalembang ka na!”
Kita ko naman ang pagtawa ni Jared sa natuklasan niya kay Enso.
“Naman! Suman! Palaman ang ttoooott ni batman!” ang sabi ni Enso
At binatukan ko nanaman ang bata.
“Aaarrraayyy naman kuya Gab!!” sabi ni Enso.
“Ang bata-bata mo pa kung anu-ano na sinasabi mo! Hindi ka na nahiya sa bisita natin!” tukoy ko kay Jared.
Kita ko naman ang lalong paghalakhak pa ni Jared.
“Keriboomboombells lang yan Kuya Gab, tsaka si Kuya Jared lang naman yan ehh..” ang sabi ni Enso.
“Oo nga.. Ako lang naman ito.. At tsaka wala namang masama sa sinabi niya eh, pare-parehas naman tayong meron nun eh” ang sabi nito sabay ngiti na nakakaloko. Shit! Kita ko nanaman ang dimples ng mokong!
Hindi na ako kumibo dahil alam kong pagkakaisahan ako ng dalawang ito.
“Bakit Gab? Nakatikim ka na ba nun?” ang diretsahang tanong ni Jared.
“Bwhahahahahaha!!” ang malakas na halakhak ni Enso kasabay ng pagbatok ko dito.
Pagkatapos kong batukan ang lokong bata ay tinuon ng mata ko si Jared. Tiningnan ito ng seryoso’t matulis at sinagot ng..
“Mr. Cruz that question is very PERSONAL” ang reply ko dito.
“Yung totoo Gab..” ang giit nito.
“For your information Mr. Cruz, virgin na virgin pa ako! Ewan ko lang SA IYO!” ang sabi ko dito.
“Aaminin ko, may experience na ako.. Sa babae.. ang dami na nga ehh.” Ang diretsong sabi ni Jared.
“Sus! Alam ko na yan. Ikaw pa!! Babaero ka ehh. Two timer pa nga di ba?” ang sabi ko dito.
“Paano mo naman nasabing babaero ako? At papaano mo nasabing two timer ako?” Ang seryoso niyang tanong.
“Jared, wag na tayong maglokohan.. Alam mo kung ANO ANG SINASABI KO!”
“Uulitin ko, kung ano man ang nakita mo noon Gab, hindi ko gusto iyon. Hindi ko ginustong halikan ako.”
“Oohhh Come On!!” ang sigaw ko.
“Hep! Hep! Lovebirds! Wag nga kayo mag-away!” ang sabat ni Enso.
“Lovebirds!?!? Eeeewwww! Nakakakilabot ha!” ang bigla kong sigaw.
Pagkasabi ko noon ay kita ko ang pagkapikon sa mukha ni Jared.
“Mag-CR lang ako.. Excuse me..” ang sabi ni Jared sabay alis.
“Hala ka Kuya Gab!!”
“Ano!?!?” ang sigaw ko dito.
“Inaway mo si Kuya Jared.”
“Nako! Hindi ko siya inaway, pinamukha ko lang sa kanya ang Gawain niya.”
“Sure ka bang ganun siya? Sinaktan mo ang damdamin nung tao kuya.”
“I don’t care! Sinaktan niya din naman ako noon.”
“Alam mo kuya Gab, ikaw lang ang nag-iisip niyan eh. Don’t you see? Nag-tyatyaga si kuya Jared para sa iyo. He wants to prove na mahal na mahal ka niya.”
“Shut up Enso! SHUT UP!! Wala kang alam kaya wag kang magsalita ng ganyan! At isa pa, meron na akong bago. Si Ace.”
“Ang tanong ko naman sa iyo kuya Gab, mahal mo ba si Ace?”
Para akong naging bato sa tanong na iyon. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ako nakasagot. Alam ng puso’t isip ko na hanggang ngayon si Jared pa rin ang mahal ko.
“Mahal mo ba si Kuya Ace?” ang tanong ulit nito.
“Uuuurrrggghhh!!! Manahimik ka nga!! Mahal ko si Ace ok?? At itikom mo yang bunganga mo!” ang sigaw ko dito.
“Ok.. Pero eto lang ang tandaan mo kuya Gab. Hindi mo malilinlang ang puso. Lalabas at lalabas ang katotohanan kung sino ang totoong mahal nito.” Ang sabi niya sabay kindat.
“Whatever!”
“Anyway kuya Gab, ikaw talaga ang haba ng hair mo.”
“At bakit mo naman nasabi yan Ha?”
“Tingnan mo ha, yung mga straight guys nagiging UNSTRAIGHT, dahil sa iyo! Hahaha! Una si Kuya Jared, tapos si Kuya Ace. Mga nahuhumaling sa kagandahan mo.” Ang sabi ng bata.
“Ganon!”
“Oo kaya”
At napaisip naman ako.
“Hhhmm.. Oo nga nuh, ano bang meron sa akin?”
“Ang ganda mo kasi! Lakas pa ng Charisma and Charm! Chaarr!”
“Baliw!”
Nang makabalik si Jared ay tuloy kami sa pagkain, tanging tunog lang ng kutsara’t tinidor ang madidinig sa buong kwarto.
Kinagabihan, habang hinihintay si Ace para sunduin ako pauwi ay napagpasyahan namin ni Jared na tumambay sa may pool area ng hotel. Si Enso naman ay hinayaan kong ikutin ang buong hotel para siguradong hindi maka-gambala sa kung ano mang pag-uusapan namin ni Jared.
Tahimik kaming naka-upo sa may gilid ng pool. Ilang sandali pa ay binasag niya ang katahimikan.
“Kamusta ka na?” ang tanong niya.
“Huh?”
“Sabi ko, for the past 3 years na hindi ka nagparamdam, kamusta ka na?”
Napabuntong hininga ako sa tanong niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
“Akala namin kasama ka sa mga namatay noong sumabog ang kumpanya niyo. Saan ka napunta? Anong nangyari sa iyo? Bakit ka nagbago Gab?”
“Jared.. I’m not Gab.. Patay na si Gab.. Namatay siya sa building na iyon..” ang sabi ko.
“Gab can you please stop this nonsense ok? Hindi ako tanga, hindi kami tanga. Ayan nga oh si Enso ang patunay na ikaw si Gab.”
“I’m not talking about my body here, I’m talking about my inner self. Physically I’m alive, but my old self is dead.”
“Oo nga ehh.. Ibang-iba ka na.. Hindi na ikaw ang taong minahal ko..”
“And it’s because of you.”
“Me!?!?! Wala akong kasalanan Gab!!”
“Wala?? Wala ba kamo Jared?? Ikaw ang pinaka-malaking rason kung bakit ako nagkaganito!! Ikaw ang dahilan kung bakit ako naging ganito!! Kung hindi dahil sa kalandian ninyo ni Ely, hindi ako magiging ganito!!” ang sigaw ko sa kanya.
“Don’t jump into conclusion Gab, wala kaming relasyon ni Ely!!”
“Oh PLEEEAASSEE!!!” ang sigaw ko ulit.
“Kahit tanungin mo pa si Ella Gab. Hindi naging kami ni Ely, NEVER!” ang sabi niya.
“Talaga? Eh bakit ko kayo nakitang naghahalikan ha??”
“Gab I already told you..”
“FOR THE SECOND TIME!! FOR THE SECOND TIME I SAW YOU KISSING THAT SLUT!” ang bulyaw ko sa kanya kasabay ang tayo ko sa pagkaka-upo namin..
Kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha, hindi siya nakakibo sa nadinig niya.
“The day na sana ay babalik ako, doon ko kayo nakitang naghahalikan sa tapat mismo ng bahay ko. Ano naalala mo na ha?” ang sigaw ko ulit.
“Gab.. That’s a goodbye kiss. Aalis na siya papuntang US nun.” Ang sabi niya sabay tayo din sa inuupuan niya.
“At hinalikan mo naman ganun? Aaawww.. ang sweet naman!!” ang sarcastic kong sabi.
“Nang araw na iyon, humingi siya ng tawad sa akin Gab. Nagsisisi siya sa mga nagawa niya sa ating dalawa. Maniwala ka, it’s a friendly kiss, a goodbye kiss.”
“So gusto mong paniwalaan ko yan ganun?? Hindi na ako maniniwala sa kasinungalingan mo! Pagod na pagod na akong makinig pa sa iyo!”
“Gab maniwala ka..”
“Ngayon alam ko na kung bakit ka umiiyak nung time na hinalikan ka niya. It’s because aalis na siya at mamimiss niyo ang isa’t-isa. Aaaww.. How sweet! Hindi na ako magtataka kung may nangyari na sa inyo.”
Tumingin lang siya, isang matulis na tingin. Kita ko ang luhang namumuo sa mata niya.
“When I kissed her, I was thinking of you. When I touch her, I was thinking of you. When I had sex with her, I WAS STILL THINKING OF YOU! Lahat ng ginagawa ko sa kanya, ikaw ang iniisip ko. Iniisip ko na ikaw ang ginagawan ko nun at hindi siya.” Ang sabi niya kasabay ang pagtulo ng luha nito.
Sa totoo lang, na-touch ako sa sinabi niya. Sa oras na ito, gusto ko ng bumigay. Gusto ko ng sabihin at iparamdam sa kanya na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya. Pero hindi pupwede ehh. At hindi na pwede dahil merong masasaktan.. Si Ace..
“Gab.. Hanggang ngayon, mahal pa rin kita. Ikaw lang ang laman ng puso ko, ikaw lang ang taong minahal ko ng ganito, at alam ko na kahit tayo’y magkahiwalay, IKAW AT IKAW LANG ANG MAMAHALIN KO..” ang lumuluha niyang sabi sabay yakap sa akin ng mahigpit.
Wala na akong magawa kundi umiyak na din, mahal ko siya ngunit gaya ng sabi ko, hindi na pwede dahil may masasaktan. Nagpumilit akong kumalas sa bisig niya ngunit.. Bigla niya akong halikan.
Isang madiin at matinding halik ang binigay niya. Habang patuloy siya sa paghalik sa labi ko ay pinipilit kong kumalas mula dito, lahat ng paraan ginawa ko upang makakalas ngunit sadyang masmalakas siya sa akin. Ang kanan niyang kamay ay nakayakap sa akin samantalang ang kaliwa naman ay nakadiin sa ulo ko para masiguro niya na hindi talaga ako makakalas.
Malambot, mainit, at masarap ang kanyang labi. Wala na akong nagawa kundi magpaubaya, ang makisakay at makisabay sa kanyang halik. Sa totoo lang, namiss ko ito. Namiss ko ang mga panahon na kami pa, masaya, walang problema, walang pakielam sa mundo.
May higit sampung minuto din ang tinagal ng aming paghahalikan ng magkaroon ako ng sapat na lakas para itulak siya palayo ngunit sa pagtulak ko sa kanya ay naging sanhi ito ng pagka-hulog ko sa swimming pool.
Tulala at wala sa sarili, nakalutang ako sa 10ft. area ng swimming pool. Aktong gagalaw na sana ako ay biglang may lumusong. Si Jared! Hahawakan na sana niya ang kamay ko upang sagipin ako, ngunit tinabig ko ito at lumangoy ako mag-isa.
Nang maka-ahon na kami parehas..
“Gab.. P-paanong?? D-Di ba hindi ka marunong lumangoy?” ang gulat na tanong nito.
“Mahaba ang tatlong taon Jared, maraming pwedeng mangyari at maraming pwedeng matutunan. Lastly, I’m Erick not Gab.” Ang sabi ko lang sabay talikod at alis.
Ngunit hinawakan niya ang kamay ko at..
“Gab.. I love you.. Bumalik ka na Please?” ang sabi niya na parang naiiyak nanaman.
Hindi ako nagsalita, tinitigan ko lang ang maamo niyang mukha, ang napakaganda niyang mata. Bibigay na sana ako at sasabihin kong mahal ko din siya ng..
“GAB!!” ang sigaw ng lalaki sa likod.
Nang lingunin ko ito ay bumungad sa akin si Ace, at kita ko ang galit sa mukha niya. Pansin ko din na nasa likuran niya si Enso.
Wala pang tatlong segundo ng tawagin ako ni Ace ay lumapit ito at hinatak ang isa kong kamay palayo kay Jared.
“Umuwi na tayo..” ang matigas na sabi ni Ace.
Ngunit hinatak naman ni Jared ang kamay ko na kanina pa niya hawak-hawak.
“Gab.. Mag-usap tayo please.. kahit sandali lang.” ang nagmamakaawang sabi ni Jared.
Pagkatapos sabihin ni Jared ang mga katagang iyon ay biglang tumingin ng masama si Ace dito.
“Shit!! Baka magkaroon ng gulo dito!! Anong gagawin ko!?!?!” ang sigaw ko sa sarili ko.
(itutuloy..)

No comments:
Post a Comment