“May pruweba ka ba sa sinabi mong iyan na ibang tao ito?” Ang tanong uli ng pari.
“Mayroon po...” at inangat ko ang litrato na kuha namin ni James noong panahong umalis siya at naganap ang aksidente.
Nagmuestra ang pari na lumapit ako sa altar upang matingnan niya ang litrato.
Dali-dali akong tumalima. Nagtatakbo akong lumapit sa altar at iniabot sa pari ang mga litrato. Halos marinig mo ang pagbagsak ng karayom sa loob ng simbahang iyon sa tindi ng katahimikan habang tiningnan ng pari ang aming larawan.
“Marlon Ibanez... James Andres... Hmmmm.” ang narinig kong bulong ng pari habang seryosong inusisa niya ang mga litrato. At, “Ok...” Iyon lang. At inabot na niya ang litrato sa akin.
Tinanggap ko ang mga litratong inabot ng pari sa akin. Inirapan ko pa silang dalawa ni Marlon at Sophia na halata sa mga mata ang galit habang sinundan nila ako ng tingin. Buong pagmamalaking tumalikod ako sa kanila at tinumbok ang aking upuan sa tabi ni Ricky. Pakiramdam ko kasi ay panalo na ako. “O... tingnan lang natin kung matutuloy pa ang kasal ninyo.” bulong ko sa sarili.
Ngunit sabay sa aking pag-upo ay ang matindi kong pagkagulat noong sinabi ng pari na, “Wala na bang hahadlang?”
Nagtinginan muli ang mga tao. Ang iba ay sa akin nakatutok ang mga mata.
“Kung wala na... Ituloy na natin ang kasal.”
At sa pagkabigla at galit, bigla akong napatayo at sumigaw. “Hindi niyo po sila maaaring ikasal padre! Hindi nga po siya si Marlon Ibanez!”
At doon na ako lalo pang nasaktan noong si Marlon pa mismo ang sumagot sa akin. “Tarantado ka pala eh! Sino ba ang nagsabi sa iyo na Marlon Ibanez ang pangalan ko? Marlon ka nang Marlon d’yan, ulol!” At baling sa altar boy na naghawak ng mga papeles, “Akin na nga ang papeles... ipakita ko sa baliw na taong iyan kung ano ang pangalang nakasulat diyan!”
Lumapit sa akin ang nasabing sakristan at ipinakita ang mga dokumento sa kasal. Tiningnan ko ito. Bigla akong nanlumo sa aking nakita. “James Andres” ang nakasulat na pangalan niya sa papeles na iyon!
“O ano? Di hindi ka makapagsalita? Dada ka nang dada d’yan! James Andres ang pangalan ko gago! Nanumbalik na ang alaala ko at alam ko na ang lahat! At huwag mong guluhin ang buhay ko bakla! Hindi kita type!”
At ang sunod kong narinig ay ang tawanan ng mga tao sa loob ng simbahan.
“Umalis ka rito kung ayaw mong makaladkad ng mga body guards!” ang sigaw naman ni Sophia. “Hindi ka imbitado rito!”
Sa matinding hiya ay mabilis akong tumakbo palabas ng simbahan. Mistulang hindi lumapat sa lupa ang aking mga paa sa bilis ng aking pagtakbo.
“Igan! Igan!!!” ang narinig kong sigaw ni Ricky.
Ngunit hindi ko ito pinansin. Patuloy lang ako sa pagtakbo. Habang nasa ganoon akong pagtatakbo at tuluyan nang nakalayo, may narinig akong dalawa o tatlong putok, mistulang galing sa isang baril.
Ngunit hindi ko na pinansin ang mga ito, inisip na baka pinaglalaruan lang ako ng aking isip. Ni paglingon sa simbahan kung saan ako nanggaling ay hindi ko na ginawa sa sobrang hiya at pagkadismaya.
Habang nagtatakbo ako, narinig kong tumawag na naman si Ricky. “Igan! Igannnnnn!”
Ngunit pati siya ay hindi ko rin sinagot. Patuloy lang ako sa aking pagtakbo. Hanggang nakita ang isang tricycle at pinara ko ito. “Sa boarding house po...”
Nakarating ako ng boarding house na puno ng galit at pagkalito. Pumasok ako sa banyo at doon, naupo sa cubicle ng CR at parang isang taong namatayan ng mahal sa buhay na nag-iiyak.
“Ben!” ang sigaw ko sa kasamang boarder noong narinig ko ang boses niya sa labas ng banyo.
“Ano iyon Jass?”
“Kapag may naghanap sa akin, pakisabing wala ako ha? Hindi kamo umuwi sa boarding house.” ang pakisuyo ko.
“Okay...” sagot naman ni Ben.
May 30 minuto siguro ako sa CR bago pumasok sa aking kuwarto. Nagmumukmok ako, tuliro ang isip at hindi alam ang gagawin. Pakiwari ko ay pinagsukluban ako ng langit at lupa sa aking kalagayan, pinagtaksilan ng tadhana. Feeling ko ay nadapa na nga ako, tinapakan pa, dinuraan, at pagkatapos ay pinagtatawanan.
At hindi ko rin mapigilan ang sariling hindi magalit kay James. Sobrang sakit ng ginawa niya.
Ngunit sa kabilang bahagi ng aking isip ay may malaking katanungan din bumabagabag. Kung bumalik na nga ang kanyang alaala, bakit ganoon siya kung magsalita sa akin? Parang wala kaming pinagsamahan. Parang hindi niya ako minahal. Kasi kung tunay na ngang nanumbalik ang kanyang pag-iisip at narealize niyang hindi niya pala ako mahal, kahit papaano, hindi naman niya siguro ako hayaang msaktan o laitin sa harap pa ng maraming tao. Kahit papaano, may natitira pa ring awa sana sa kanyang puso para sa akin. Atsaka hindi ganoon ang ugali ni James. Hindi siya iyong klaseng naninigaw, nananakit, nangungutya. Halos na nga lang ay ipagtabuyan akong parang isang hayop. Parang may kakaiba talaga. Hindi ko matanggap.
Hindi ko pa rin talaga alam ang aking gagawin. Sobrang nasaktan sa nangyari at nalito kung ano ba talaga ang dahilan ng biglang pag-iba ng ugali ni James. Buong araw akong nagmukmok, nag-iiyak
Hanggang sa sumapit ang gabi at may biglang pumasok sa aking isip. “Puntahan ko ang bahay ni Marlon!” ang nabuong plano ko. Hindi ko alam kung bakit ko rin naisipan iyon. Parang gusto ko lang makita si James at kausapin siya kung talaga bang wala na siyang pagmamahal sa akin. Gusto kong linawin ang maraming bagay na bumabagabag sa aking isip.
Dali-dali akong lumabas ng boarding house at pinuntahan ang bahay ni Marlon. Mag-aalas onse na iyon ng gabi. Sumakay ako ng tricycle at noong nasa harap na ako ng kanyang bahay, pinindot ko ang door bell.
Walang sumagot.
Nakailang doorbell din ako ngunit wala pa ring sumagot. At naisip ko na lang na marahil ay wala nga siya roon gawa ng kakakasal pa lamang nila ni Sophia at marahil ay may party pa sila o di kaya ay nag-honeymoon na.
Wala na akong nagawa. Sa pamamagitan ng pader na yari sa yero at semento ay nasilip ko pa ang looban ng compound. Pinagmasdan ko na lang ito. Marangya, maganda ang pagkagawa ng bahay, may landscaped na garden, puti ang kalakhan ng pintura ng bahay na may kulay brown na side colors na match naman sa kulay ng kanyang bubong na yari sa ceramics at kulay clay. At sa gilid ng pader ay may nagsisitayugang Indian tree na animoy mga christmas tree ang porma.
Babalik na lang sana ako sa boarding house noong parang may nag-udyok sa akin na pasukin pa ang bahay niya. Ewan, hindi ko rin maintindihan ang sarili.
Nilingon ko ang paligid kung may mga tao ba at noong nakitang tahimik, inakyat ko ang gate. Dahil kumbinasyon ito ng parang rehas at semento, madali kong naakyat kahit ang taas nito ay halos nasa pitong talampakan.
Noong nasa loob na ako, tinumbok ko naman ang pinto. Naka-lock. Inikot ko ang paligid ng bahay at noong naaninag ko ang isang sanga ng mangga na halos dumikit na sa barandilya ng terrace, dali-dali ko itong inakyat.
Hanggang sa naabot ko ang terrace. Medyo madilim ang paligid. Ngunit dahil bilog ang buwan, nakakatulong ang liwanag nito sa pag-aninag ko sa paligid.
Agad kong tinumbok ang sliding door papasok sa loob ng bahay. Ngunit sarado rin ito. Ang isang bintanang nakabukas ang tinumbok ko at doon ako nakapasok.
Madilim ang loob ng bahay. Patay lahat ang ilaw. Kinapa ko sa dingding ang switch.
Noong nagliwanag na at lumantad sa aking mga mata ang kapaligiran, napabuntong-hininga na lang ako.
“Wala pa ring nagbabago ang loob ng bahay. Ang mini-bar kung saan kami unang nag-inum ay ganoon pa rin ang porma. Ang pintura, ang kurtina, ang mga ilaw sa dingding. Napakaganda ng kanyang bahay.” Bulong ko sa sarili.
Nasa ganoon akong paghanga sa ganda ng looban ng kanyang bahay noong may narinig ako.
Nahinto ako sandali at pinakinggan ang tinig at kung saan ito nanggaling, o kung guni-guni ko lamang ito. Naalala ko na iyon din ang tinig na narinig ko noong napunta ako sa bahay na iyon. Parang sa isang tao na naipit ba o pinigilan ang boses.
At totoo ngang tinig ito. Parang gusto ko ring matakot gawa nang baka kasi multo ito. May narinig na kasi akong ganoong kuwento ng mga multo. Nagpaparinig din daw ang mga ito sa tao.
“Sino iyan???” ang sigaw ko.
Tila sumasagot din ang tinig. At lumakas pa ito nang bahagya.
Bigla ko na lang naramdaman ang mabilis na pagkabog ng aking dibdib. Parang may kakaiba akong naramdaman na hindi ko mawari. Parang biglang tumaas ang aking adrenalin. Parang may naghihintay na excitement na hindi ko mawari.
At naalimpungatan ko na lang ang aking sariling naghahagilap ng pinto o lugar sa loob ng bahay na maaaring pinagmulan ng tinig.
Ngunit wala akong pinto na nakita. May dalawa pang pinto ng kuwarto sa bandang dulo pa ngunit malayong-malayo na ang mga iyon sa pinagmulan ng tinig.
Kung anu-ano na lang na mga bagay ang aking nagalaw noong aksidenteng nahawakan at nahugot sa kanyang kinalalagayan ang isang parang tropeong hugis plato na nakadikit sa dingding ng shelf na lagayan ng mga trophies at decorative na mga bagay.
At sa pagkahugot na pagkahugot ko noon ay bigla rin akong nagulat. Dahan-dahang umikot ang shelf!
Sobrang namangha ako sa aking nakita. At lalo na noong huminto na ang pag-ikot nito at lumantad ang lagusan patungo sa loonb ng isaang lihim na kuwarto.
Sa paglantad ng lihim na lagusang iyon ay lumakas din ang tinig na aking narinig. Nagtatakbo akong pumasok. Ibang-iba talaga ang aking pakiramdam. Iyong feeling na may gusto kang malaman at tila pinagbigyan ka ng pagkakataon.
At doon sa isang gilid, nakita ko ang isang lalaking nakadapa, ang dalawang kamay ay nakatali, may busal ang bibig at ang kanyang paa ay itinali sa isang poste sa isang sulok. At kamukha siya ni James!
“Yakkkkkkkkk!” ang sigaw ko sa pagkakakita ko sa kanya.
Sa kanyang posisyong nakadapa, sobrang hirap ng kanyang kalagayan. Upang matingnan niya ako ay kailangan pa niyang iangat ang kanyang ulo.
Dali-dali kong tinanggal ang busal sa kanyang bibig.
“S-salamat Yak!” sambit niyang habol-habol ang paghinga. “Mabuti at dumating ka.”
“Ano ba ang nangyari sa iyo? Bakit narito ka? At sino iyong taong nagpakasal kay Sophia?” ang sunod-sunod kong tanong.
“Kambal ko siya, si John. Siya ang dahilan kung bakit ako lumayo sa aming bayan sa Mindanao. Hindi ko matiis ang ugali niya. At noong pinagbabantaan pa niyang patayin ang aming ina kapag hindi ako umalis, doon na ako nagdesisyon na lumayo. Iba ang takbo ng isip ng kapatid ko, Yak. Hindi iyan natatakot na pumatay. Marami nang napatay iyan sa aming lugar at maraming taong natatakot sa kanya. Kaya isa rin iyan sa dahilan kung bakit hindi na ako nag-aatubili pang lumisan.”
“G-ganoon ba?” ang sagot ko habang patuloy na tinanggal ko ang mga nakatali sa kanyang kamay at paa.
“Oo.”
“Bakit ba siya ganyan? Akala ko pa naman ay ikaw iyon.”
“Matindi ang selos ng kambal ko sa akin. At sa tindi ng selos niya, lahat nang nasa akin ay tangka niyang kunin, ang lahat ng galaw ko, kahit pananamit, pag-ayos sa sarili, sa buhok, ay gusto niyang kopyahin, gayahin.
“May tama pala sa utak iyang kambal mo kung ganoon.”
“Matindi ang insecurity niya, to the point na naging obsession na niya ang agawin ang lahat sa akin o kaya ay sirain ang kaligayahan ko.”
Inayos niya ang kanyang sarili at tumayo, inunat ang katawan. “Ansakit ng katawan ko... halos hindi na ako pakakainin at papuntahin ng CR...”
Hindi na ako nakakibo. Natulala na lang kasi akong pinagmasdan siya. Sobrang tuwa ko na nakita siya roon, buhay na buhay at nalamang hindi pala siya iyong nagpakasal kay Sophia.
Noong napansin niya akong nakatitig na lang sa kanya. Nilapitan niya ako. Niyakap. “Ikaw palagi ang iniisip ko na sana ay pumunta ka rito. Pinilit kong isipin nang isipin ka, nag-concentrate ako na maisip mong pumunta rito.”
“Waaahh! Mental telepathy!” sambit ko. “Kasi ikaw rin ang naisip ko at parang may nag-udyok sa akin na pasukin ang bahay. Inakyat ko nga ang pader, ang puno ng mangga, at ang bintana. Kasi parang may bumulong sa aking isip na pasukin ko ang bahay mo. At nandito ka nga!”
“Wala kasi akong ibang magawa kundi ang mag-isip nang mag-isip, nagabakasakali na makarating sa isip mo ang iniisip ko...” ang seryoso niyang sabi, ang mga mata ay nakatitig sa mukha ko. “May nabasa kasi ako tungkol sa mental telepathy. Kapag lagi mong iniisip ang mahal mo sa buhay o kaya ay nag-iisip ka tungkol sa kanya, makakarating ang mensahe mo. Maiisip ka rin niya. Bigla na lang siyang papasok sa utak mo.”
“Ganyan nga Yak. Lagi kitang naiisip. Lalo na nitong nakaraang mga araw. Para akong kinakabahan...”
Hinawakan niya ang aking mga kamay at hinalikan ang mga iyon. “Ikaw ang hero ko Yak... Salamat sa pagligtas mo sa buhay ko.”
“Wala iyon...”
Pinagmasdan niya ang mukha ko. Tinitigan ko rin siya.
Tahimik.
“N-nanumbalik na ba ang ala-ala mo?” ang pagbasag ko sa katahimikan.
“Oo... nagsimula ito noong nakabalik na tayo galing sa pagbisita sa bayan ninyo. Noong nakita ko ang dati kong tinatrabahuhang bodega sa burol. Parang doon nagsimula ang lahat. May mga nagpa-flash na ala-ala ko sa burol, sa lugar, sa iyo. Ngunit sa gabing nakarating din ako rito sa bahay ko ay siya namang pagsulpot ni John. Naghintay lang pala siya ng pagkakataon. Matagal na pala niya akong sinubaybayan. PInag-aralan ang mga Gawain ko, ang mga taong nakakasalamuha ko... At noong gabing iyon ay ang panahon na hinintay niyang agawin ang katauhan ko. Nasa loob ng bahay si John, hinintay ang pagdating ko. At sa pagpasok na pagpasok ko ng bahay, agad niyang hinataw ang ulo ko ng isang bote ng gin. Bumagsak ako. Tinalian. Siguro ay nakatulong din ang paghataw niya ng bote sa ulo ko upang mas bumilis pa ang panunumbalik ng aking ala-ala...” Hinaplos niya ang kanyang ulong natamaan. At “Shit ang sakit pa rin!” sambit niya.
“Gamutin natin.” sambit ko.
“Huwag na, huwag na. Ok lang ito.”
“S-sigurado ka?”
“Oo.”
“P-paano ka pala nakakain, nakakapag CR, naliligo?”
“Kinakalagan naman ako ngunit habang kumakain ako, nakabantay siya sa akin, nakatutok ang kanyang baril. At may kasama siya... malaking tao. Madalian lang ang pagkain ko, madalian din ang pagsi-CR at paliligo. At kapag tapos na, itatali muli ako ng kasama niya.”
“Kawawa ka naman...”
“Ikaw, ok ka lang ba?”
“O-ok lang naman ako. Bakit mo naitanong?”
“May narinig kasi akong kuwentuhan nila ng kasama nila. Narinig ko ang pangalan mo. At may narinig akong ‘kulungan’. Parang may balak sila sa iyo. Nakulong ka ba?”
“Oo... ngunit pinakawalan din ako ng preso sa loob. A-ano iyong balak nila sa akin?”
“Hindi ko lang alam. Noong napansin nilang nakinig ako sa usapan nila, lumabas sila at ipinagpatuloy ang kanilang pag-uusap sa labas ng kuwarto. Alam ko, may balak din silang patayin ako, upang tuluyan nang angkinin ng aking kambal ang aking pagkatao.”
Tahimik. Napaisip ako sa sinabi ng preso sa loob ng kulungan na alaga daw ako ng isang “chief”. Pilit kong ipanagtagpi-tagpi ang mga pangyayari. “I-iyong preso ba ay malaki ang katawan na parang wrestler? Balbon? Malaking tao at may balbas?”
“Oo siya...”
“Kung ganoon, siya rin iyong preso na tumulong sa akin na palabasin ako. Pero bakit niya ginawa ang pagtulong sa akin?”
“Hindi ko alam...”
“A-ang kambal mo kaya ang nagpakulong sa akin?”
“Maaari yak. Maaari...”
“A-ano kaya ang balak nila sa akin? Sa atin?”
“Hindi ko pa masagot. Pero malalaman din natin iyan. Basta mag-ingat lang tayo.”
Natahimik ako. Nag-isip. Hindi ko namalayang nakatitig na pala siya sa akin.
“Alam mo yak... naalala ko na ang lahat.”
“T-talaga?” ang masaya kong sagot. “A-ano ang naalala mo tungkol sa akin?”
“Marami... ang ilog sa baba ng burol kung saan tayo naliligo at kung saan nagsimula ang lahat, ang bahay kubo sa likod ng bodega kung saan tayo... alam mo na. Ang itinanim kong puno ng talisay sa likod ng bodega.”
“Ano pa?”
“A-ang pagpapakuha natin ng litrato bago kita iniwan, ang inihandog kong kantang ‘Beautiful In My Eyes para sa iyo’, at ang... tissue kung saan ay may isinulat ka at isiniksik iyon sa aking bulsa.”
“Ano ang isinulat ko sa tissue?”
“Ah... iyon na ang hindi ko pa naalala.”
“Yak naman eh!”
“Parang isinulat mo na... May muta ako sa mata ko?”
“Waaahhh! Hindi iyan ah!”
“Ano nga ba? Hmm... ‘Mag-ingat sa mandurukot?”
“Yak naman eh...” ang kunyari ko pang pagdadabog. Iyong naglalambing. “Ano nga???”
Hindi siya sumagot. Bagkus, dahan-dahang hinawakan ng kanyang mga kamay ang aking magkabilang pisngi at hinaplos ito. “I love you yak...” sambit niya. At walang pasabing idinampi niya ang mga labi niya sa mga labi ko.
Ni hindi ko na magawang sumagot pa. Syempre, sabik na sabik na kaya ako sa kanya. Kaya wala na akong nagawa kundi ang gantihan ng mas mainit pang halik ang kanyang mga halik. Naghalikan kami na parang kaming dalawa lamang ang nagmamay-ari sa mundo. Naghalikan kami na tila iilang segundo na lang ang taning bago magugunaw ang daigdig.
Nasa ganoon kainit ang aming pagroromansahan noong biglang may, “Ang sarap namang tingnan ng mga tinamaan ng lintekkkk!”
Bigla kaming nahinto sa aming ginagawa at napatingin sa pintuan ng kuwarto.
Ang kambal ni James. At nakita ko na lang na hinugot niya ang kanyang baril galing sa kanyang beywang. At may silencer na nakakabit sa dulo nito!
At ang isa pang napansin ko sa kanya, pareho ng damit ni James ang damit na suot niya. Puting semi-fit na v-neck t-shirt, faded na straight-cut na maong. At pati ang sapatos, paresho rin ang kulay at style ng Adidas. Naisip ko na lang na sinadya niya iyon base sa nakita ninyang suot ni James noong nahuli niya ito at ikinulong sa kuwartong iyon.
Pareho kaming nagulat at hindi magawang gumalaw sa sobrang pagkabigla. Para kaming mga estatwa sa aming pormang parehong hubo’t-hubad, ako ay nakatihaya na ang dalawang paa ay nakataas at nakatukod sa balikat ni James na nakadagan naman sa akin, ang kanyang tigas na tigas na pagkalalaki ay nakapasok pa sa butas ng aking likuran.
Tinangka ni James na gumalaw upang hugutin ang kanyang pagkalalaki sa aking lagusan. Ngunit isang sigaw ang binitiwan ni John, “Huwag kang gumalaw kung ayaw mong pasabugin ko ang mga bungo ninyo! Ituloy ninyooooooooo!” ang utos ng kanyang kambal. “At sarapan ninyo dahil kapag hindi ako nasarapan, tigok kayong dalawa! At huwag ninyong ibahin ang posisyon ninyo. Iyan lang posisyon na iyan hanggang sa labasan kayong mga tinamaan kayo ng lintek!”
Kaya wala na kaming nagawa kundi ang ipagpatuloy ang aming pagtatalik sa harap ng kanyang kambal. May takot man akong nadarama nakipaglaplapan ako kay James habang patuloy ang pag-ulos niya sa aking likuran.
“Grabe! ang sarap palang tingnan ni utol na nakikipagtalik sa kapwa lalaki! Nakakalibog! Tangina! Parang gusto ko tuloy magjakol.” sambit uli ng kanyang kamabal.
Ngunit patuloy lang kami sa aming ginagawa. Bagamat matindi ang takot ko, pilit na iwinaglit ko sa isip na may nakatignin sa amin, at may nakatutok pang baril.
At napansin kong tinagalan din ni James ang pagpapalabas. Hindi ko lang alam kung sinadya niya iyon o dahil iyon sa panunuod ng kanyang kambal sa aming ginawa. At nag-torrid kissing pa talaga kami. Iyon bang pati mga labi ko ay halos lunukin niya nang buo, ngatngatin at kainin. At pati leeg ko ay sinipsip din niya, ginawan pati ako ng kissmark sa dibdib. Lahat nang iyon ay ginawa niya habang patuloy siya sa kanyang pag-ulos sa aking pang-upo.
Syempre, sarap na sarap ako. Kahit alam ng aking utak na may nagmasid, hindi ko magawang hindi umungol.
“Tangina ang sarap tingnannnn!!!” sigaw uli ng kambal ni James.
Noong nilingon ko siya nakabukas na pala ang zipper niya at kitang-kita ko ang tigas na tigas niyang pagkalalaki na nakahawi lang sa fly ng kanyang maong at nakababang garter ng puti niyang brief.
Nilalaro niya ang kanyang sarili!
Ngunit doon na ako nagulat noong habang hawak-hawak sa isa niyang kamay ang baril, tumayo siya, hinayaang nakausli ang kanyang pagkalalaki sa nakabukas na zipper at nakahawing puting brief. Lumapit siya sa amin at huminto sa harap mismo ni James, sobrang lapit na ang dulo ng kanyang naghuhumindig na pagkalalaki ay paminsan-minsang sumagi sa mukha at bibig ni James.
Ewan ko, para rin akong nalibugan sa nakitang ginawa ng kanyang kambal. Ang sarap kasing tingnan rin niya sa ganoong porma. Kahit naka-t-shirt, bakat ang ganda ng hubog ng kanyang katawan at walang kataba-taba ang tiyan at beywang dagdagan pa sa malaking kargadang tirik na tirik. At lalo na sa tila panunukso niya kay James sa kanyang pagkalalaki. Doon ako sobrang nalibugan.
“Tol... sa tinagal-tagal na panahon, hinahangaan kita, sobra. Napakalaki ng aking respeto sa iyo. Napakataas ng aking pagtingala. Naiinsecure nga ako sa iyo eh! Dahil lahat na yata ng kagalingang isinaboy ng langit ay napunta sa iyo. Ni kalingkingan nga ay wala ako kumpara sa iyo eh. Lahat ng mga papuri ng ating mga magulang, ng mga tao, ng mga kakilala at kaibigan natin ay puro na lang sa iyo. Kahit na magkapareho nga ang ating mukha, alam nila kung sino ka sa ating dalawa. Ako ay parang walang silbe na lang. Naiinggit ako sa iyo, sobra. Pero...” napahinto siya at dumura pa sa sahig “...ngayong nakita kita sa kalagayan mong iyan, na isang bakla lang pala ang kapalit, naawa naman ako sa iyo. Masasabi kong mas tumaas bigla ang pagtingin ko sa aking sarili. Kaya kung iyan pala ang kaligayahan mo tol... isang lalaki, sige, tsupain mo na rin ang burat ko para mas tataas pa ang kumpiyansa ko sa aking sarili.” sambit niya habang nakatutok ang dulo ng baril sa ulo ni James.
Doon ako kinabahan sa maaring mangyari. Iyon bang talagang ipinahiya pa niya ang kanyang kambal, niyurakan ang pagkatao. Maaring hindi ko rin siguro siya masisisi sa tindi ng galit niya kay James.
Noong una ay ayaw ibuka ni James ang kanyang bibig. Ngunit noong hinablot na ni John ang buhok niya at puwersahang idiniin ang ulo nito sa kanyang pagkalalaki at sabay diin pa ng dulo ng baril sa kanyang bungo. “Tol naman... kung ayaw mong pumanaw ng maaga...” sabay kasa sa kanyang baril, pahiwatig na babarilin na niya talaga ito kapag hindi pa isubo ang ari ng kamabal, doon na bumigay si James.
Kaya wala nang nagawa pa si James kundi ang isubo ang pagkalalaki ng kapatid. At noong tuluyang nakapasok na ang kahabaan ng pagkalalaki ni John sa bibig ni James kumanyod-kanyod na si John. “Shitttt! Sarap! Ngayon ko lang natikman ang bibig mo ‘tol. Ang sarap din pala. Mas masarap kang tsumupa kaysa kay Sophia! Ba’t ba ngayon ko lang naisipan itong gawin sa iyo?” sabay bitiw ng malakas na tawa.
Wala mang nagawa, pilit na nilaro-laro na lang ni James ang nasa kanyang bibig habang tila walang humapay ang pag-ulos din niya sa aking butas.
“Ang sarappp talaga! Shittttt!” ang pag-iingay pa rin ni John.
Patuloy lang si James sa pag-ulos sa akin habang nilalaro sa kanyang bibig ang ari ng kambal. At ewan ko rin ba, sa nakita kong ginawa ni James sa kanya, mas lalo pa akong nag-iinit. May narinig na akong kaso ng magkapatid na nagyayarian, lalaki sa babae, lalaki sa lalaki man. Mayroon ding mag-tito/tita, mag-ama o mag-ina. Incest ba ang tawag doon? Ang iba ay rape na matatawag lalo na kung ang minolestya ay nasa 15 o pababa lang ang edad. Ngunit iba ang eksenang nasaksihan ng aking mga mata. Kambal na puwersahang pinapalaro ang ari niya sa kanyang kakambal. Syempre, rape na rin na matatawag iyon. Kung sa akin ipinasubo niya ang kanyang ari ay maintindihan ko dahil ibang tao naman. Ngunit sa aking nasaksihan, kakaiba.
At natatakot man, di ko maideny na ginanahan ako sa aming ginawa. Iyon bang hindi siya normal na nangyayari dahil magkapatid ngunit nangyari, at kasali pa ako. At hindi lang iyon, sa harap pa ng isang tunay na baril na handang iputok...
Hanggang sa naramdaman kong binilisan na ni James ang pag-ulos niya sa akin habang kitang-kita ko naman ang pagbilis rin ng pagdidiin ni John ng kanyang pagkalalaki sa bibig ni James.
“Ahhhhh!” ang malakas na ungol ni James noong nilabasan na siya sa loob ng aking butas habang halos kasabay noon ay ang paghugot naman ni John ng kanyang pagkalalaki sa bibig ni James. At sa pagkakataong iyon, pumulandit ang kanyang katas sa mukha ni James.
“Hahahahaha!” ang narinig kong halakhak ni John noong nakitang napuno ng tamod ang mukha ng kambal. Mabilis din siyang lumayo sa amin. Marahil ay natakot na agawin sa kanya ang baril. “Maghalikan kayo hanggang sa labasan iyang boyfriend mo!” dugtong ni John.
Wala na namang nagawa si James kundi ang tumalima. Hinalikan ko na rin siya habang nilalaro ko ang aking ari.
“Sipsipin mo ang tamod kong nagkalat sa mukha niya!” ang utos naman sa akin.
At dahil sa akin na naman itinutok ang baril, wala na rin akong nagawa kundi ang tumalima. Sinipsip ko ang tamod ng kambal niya na nagkalat sa mukha ni James.
“Lunukin mo lahat!!!” sigaw uli ni John.
Sinunod ko uli ang utos niya. Mapakla, malansa... ngunit pilit kong nilunok ang lahat.
“At ikaw tol... tsupain mo ang ari ng boyfriend mo hanggang asa labasan siya! Daliii!”
Wala na namang nagawa si James. Yumuko siya sa aking harapan at sinuso ang aking pagkalalaki. Hanggang sa naramdamn ko na lang na labasan na ako. “Ahhhh! Ahhhhhh!” ang ungol ko pa.
“Nilabasan na ang boyfriend mo ‘tol. Ang galing mo talagang sumuso. Lunukin mo ang tamod ng boyfriend mo!” utos na naman ni John.
At iyon ang ginawa ni James. Hinimod niya ang kabuuan ng aking ari at nilunok ang lahat ng aking tamod.
Noong pareho na kaming natapos, inutusan ni John si James na magdamit. “Siya lang ang magdamit. Ikaw na bakla ka, manatili kang nakahubad! Malay mo, ako naman ang titira sa iyo.” sambit niya habang isinara na rin ang kanyang zipper at inayos ang sarili.
Nagdamit si James. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng kambal niya.
Noong nakapagbihis na si James, “Hayan... sino ang mag-aakalang magkaiba ang katauhan natin, di ba ‘tol? clone na clone talaga! Putragis. Kaya pati si Sophia ay naloko ko rin.” ang sambit ni John sabay bitiw ng malakas na tawa.
Totoo naman din talaga. Ako man ay namangha. Parehong, pareho talaga sila, maliban na lang sa kanilang mga ugali.
“Umupo kayo sa sahig!” utos uli ni John.
Umupo kami sa sahig, isinandal namin ang aming likod sa dingding.
“Nakakabilib ka ‘tol. gaawin mo talaga ang lahat para sa boyfriend mo no? Love mo talaga ang baklang iyan! Mabuti pa siya. Love mo. Samantalang ako na kapatid mo ay hindi!!! Tanginaaaaaaaaaa!!!” ang bulyaw niya.
“Tol... mahal naman kita eh.” Ang tila nagmamakaawang boses ni James.
“Hindi! Kahit kailan hindi ko maramdaman! Hindi ninyo ako mahal! Palaging ikaw na lang ang bida, ikaw palagi ang magaling! Ikaw palagi ang hinahanap ng mga magulang natin! Ikaw palagi ang hinahangaan nila! Bilib sila sa iyo! Wala akong silbe! Para sa kanila, ang lahat ng kabaitan ay nasa iyo samantalang ang lahat ng kademonyohan ay nasa akin! Palaging hindi nila ako pinapaniwalaan. Sinungaling ako!!!”
“Hindi totoo iyan tol!”
“Tingnan mo! Tingnan mo??? Hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ko? Pati ba ngayon ayaw mo pa ring maniwala sa akin??? Sinungaling pa rin ako kahit kailan!!!”
“Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Mahal kita. Mahal ka ng mga magulang natin!”
“Hindi totoo iyan! Palagi ninyo akong pinagkaisahan! Palagi ninyo akong inaapi!”
“Tol... maniwala ka. Mahal ka ng mga magulang natin at mahal din kita. Maniwala ka sa sinasabi ko.”
“Sinungaling! Noong bata pa ako kapag nakakakuha ka ng honors... habang nasa stage ka at nagsasabit ng medalya sa leeg mo ang mga magulang natin, nasaan ako? Nasa isang sulok lang nanunood sa inyo habang masayang-masaya kayong nagpapakuha ng larawan? Sa mga gawain sa bahay at assignment sa eskuwelahan, kapag ikaw ang gumagawa ay pinupuri nila samantalang kapag ako ay hindi! At isang beses... sinabi ko sa itay na samahan ako sa niyogan kasi gusto kong kumain ng buko. Alam mo ba kung ano ang sabi niya? Masama raw ang pakiramdam niya. Dali-dali akong pumunta sa palengke at bumili sa paborito niyang kare-kare at bumili rin ako ng cake. Alam mo ba kung saan ko kinuha ang pambili ko noon? Sa inipon ko galing sa pagtitipid ko sa aking baon para bumili ng bagong sapatos. Ngunit binawasan ko para lang makabili ng pagkaing paborito niya. Ngunit noong nakabalik na ako ng bahay. Wala si itay. At nalaman ko na lang mula kay inay na ipinasyal ka raw niya at bibilhan ng sapatos dahil natutuwa siyang may parangal ka sa eskuwelahan! Alam mo ba kung gaano kasakit para sa akin iyon??? Alam mo ba?!!! Iyon palagi ang eksenang pumapasok sa aking isip! Hindi ninyo ako mahal!!!” at humaghulgol na siya.
Hindi ako nakapagsalita sa narinig. Ako man ay nahabag sa kanyang kalagayan.
“Tol... hindi ko alam ang kuwento na iyan. Ngunit may isang beses na hinanap ka namin ng itay upang isama sa aming pamamasyal. Ngunit hindi ka namin nahagilap. Maaaring iyon pala ang dahilan, dahil nasa palengke ka...”
“Sinungaling! Ayoko nang maniwala pa sa iyo! Ang dapat sa iyo ay mamatay na para wala na akong kaagaw sa pagmamahal nila! Nang dahil sa iyo ay nasira ang aking buhay! Nasira ang aking mga pangarap!” Sabay tutok ng baril niya sa amin.
“Tol... makinig ka. Pagbaliktarin mo man ang mundo, kapatid mo pa rin ako. Malaki na tayo. Bigyan mo ako ng pagkakataong maipakita kung gaano kita kamahal.”
“Huli na ang lahat! Dahil papatayin na kitaaaaaa! Tangina niyoooooo!!!” at lalo pa niya itong itinutok sa amin. At dahil sa takot ko, pumuwesto talaga ako sa likod ni James. Parang ayoko pang mamatay. Natakot ako.
Nasa ganoon katensiyonado ang sitwasyon namin noong may bigla ba namang sumingit at umeksena, “Ah, excuse me! Hinahanap ko po ang aking kaibigan. Nandito po ba si...” pormang parang wala lang; parang nagtanong lang sa isang tindera ng sigarilyo sa entrada ng sinehan.
Si Ricky. At walang kamuwang-muwang sa napakadelikadong sitwasyon sa loob ng kuwartong iyon. At pumasok pa talaga siya at napakaarteng naglakad na para bang naka-suot ng napakataas na high heeled shoes at gown sa gitna ng bulubatuhing daan, ang kamay ay baklang-baklang iwinawagayway pa sa ere.
Napahinto kaming lahat s abilis ng kanyang pagpasok. Parang gusto kong matawa sa kanyang napaka-inosenteng porma.
Lalong nanlaki naman ang mga mata ni John sa pagkarinig sa boses ni Ricky na nasa kanyang likuran. At agad itong tumalikod at itinutok ang kanyang baril kay Ricky. “Gusto mo ikaw na ang uunahin kong patayin? Bakla ka!” ang bulyaw ni John sa kanya.
Kitang-kita ko rin ang biglang paglaki ng bibig at mga mata ni Ricky sa pagkagulat, ang mga kamay ay itinakip sa kanyang mga mata habang napaatras ito sa pagkakita ng baril. At... “K-blaggg!” Natumba siyang nakatihaya. “S-sir Marlon huwag po! Huwag po!!!” ang ng pagmamakaawa niya.
At sa pagkakataong iyon kumuha ng tyempo si James. Dali-dali niyang sinugod si John at pilit na inagaw ang baril.
Nag-agawan sila sa harap mismo ni Ricky na hindi maka-galaw-galaw dahil sa matindi pa ring takot at pagkabigla.
“Tulungan mo si James Ricky!!!” ang naisigaw ko na lang gawa nang natakot din akong lumapit baka lalo pa akong makadagdag sa gulo kung hindi man ay matamaan pa ng bala kapag naiputok ito.
“S-sino ba sa kanila si James igan???!” ang tanong naman ni Ricky sa sobrang pagkalito.
“E... iyang umagaw sa baril!” sagot ko rin.
At dali-daling lumabas ng kuwarto si Ricky. Ang akala ko ay tatawag ng pulis. Ngunit agad ring bumalik ito at dala-dala – sa lahat ng bagay pa – ay ang isang walis tingting. At ito ang ipinagpapalo niya sa dalawang nag-aagawan ng baril na para lang namalo ng mga daga at pusa na nagtatakbuhan sa kanyang harapan.
Hindi pinansin ng dalawa ang mga palo ni Ricky. Syempre, baril ang pinag-agawan. At marahil ay dahil sa pagkalito na rin niya, silang dalawa ang pinagpapalo ni Ricky. “Um! Um! Um!”
“Ricky! Si James ang natamaan mo!!!”
“Sino ba kasi sa kanila si James?!!!” ang sagot uli ni Ricky.
Ngunit ako man ay nalito na rin kung sino talaga sa kanila si James. Patuloy pa rin sila sa pagsasambuno. Hanggang sa nalaglag ang baril sa harap mismo ni Ricky.
“Sunggaban mo ang baril Ricky!!!” ang sigaw ko.
At agad-agad namang sinunggaban ni Ricky ang baril na nasa may paanan lang niya. Nanginginig na hinawakan niya iyon, halatang hindi marunong humawak, inaayos-ayos pa ang kanyang kamay at mga daliri kung saan ipuwesto. At noong sa tingin niya ay tama na ang paghawak niya, itinutok na ito sa kanilang dalawang kambal na bigla ring nahinto sa kanilang pagsasambuno at parehong hinarap si Ricky. “Huwag kayong lumapit! Pagbabarilin ko kayo!” sigaw ni Ricky.
“Ibigay mo sa akin ang baril Ricky! Ako si James!” ang sigaw ng isa.
“Huwag kang maniwala sa kanya Ricky! Ako ang tunay na James!”
“Sige, lumapit pa kayo at babarilin ko na talaga kayo!” sambit ni Ricky noong napansing unti-unting lumapit ang dalawa sa kanya. At baling sa akin, “Igan... sino si James sa kanila!!!”
“Ako nga si James!” sigaw uli ng isa.
“Ako si James Ricky! Maniwala ka sa akin!”
“O siya ito na lang... sino sa inyo ang nagpakasal kay Sophia?”
“I-ikinasal na si Sophia?” ang tanong ng isa.
“One point sa iyo!” ang sagot ni Ricky sa nagtanong. “Dahil nagtanong ka, ibig sabihin hindi ikaw ang ikinasal at wala ka sa simbahan.”
“Ngayon, heto naman ang pangalawang tanong. Sino sa inyo ang nakaalam na isinumbong ako kay Sophia ng mga babaeng crew sa restaurant dahil sa CR nila ako gumagamit?”
“Ako alam ko!” sagot ng isa.
“One point sa hindi sumagot. Dahil sa tanang buhay ko sa restaurant, sa CR ng mga babae ako palaging gumagamit. At wala ni isa sa kanila ang nagreklamo. At heto... sino ang nagpabaril kay Sophia sa simbahan?”
“Walang iba kundi ito!” turo naman ng isa sa kanyang kambal.
“One point uli para sa hindi sumagot. Kasi bakit ka sumagot kung hindi naman ikaw ang naroon sa simbahan? Si James ay wala sa simbahan.”
“Sandali, Ricky... binaril si Sophia?” ang pagsingit ko.
“Oo... at ang isang hudas na narito ay ikaw igan... ikaw ang pinagbentangan kasi nakapagbitiw ka raw ng salita na papatayin mo si Sophia!”
“Salbaheeee!!!” sigaw ko.
“Sino ang sinabihan mo niyan sa kanilang dalawa igan?”
“Kung sino man sa kanila ang impostor na James.”
“Pareho tayo ng iniisip igan. Kung gusto mo pagbabarilin ko na silang dalawa e.”
“Huwag!” sigaw ng dalawa.
“Madamay si James igan. Please...”
Nasa ganoon kaming pagkalito noong may sumagi sa aking isip. “Ricky sabihin mo sa kanilang maghubad! Walang tattoo si James!” sigaw ko.
“Maghubad kayo ng damit!” ang sigaw ni Ricky.
Maghubad na sana sila sa kanilang t-shirt noong biglang sumigaw muli si Ricky. “Unahin ang pantalon pati ang brief!”
“Ricky! Sa katawan makikita na ang tattoo! Hindi sa harapan nila!” ang pagsingit ko.
“Huwag kang makialam igan! Ako ang may hawak ng baril, at paminsan-minsan lang nangyayari ito.” Ang sagot naman ni Ricky. “Hubad na daliiiii! Gusto kong makita!”
Parang gusto kong matawa sa ginawa ni Ricky. Sabagay, baka may ibang plano rin siya sa sarili ko lang.
Wala nang nagawa ang dalawa. Hinubad nila ang kanilang mga pantalon at noong lumantad sa aking mga mata ang kanilang brief, grabe, napahanga pa rin ako, hindi lang sa ganda ng mga umbok ng kanilang puwet kundi pati ba naman sa brief na kulay puti ay magkahawig din. Kung kaya, ako man ay nalito pa rin.
At noong tuluyan na nilang hinubad ang kanilang mga bried, kitang-kita ko naman sa porma ni Ricky ang saya. Tila kiniliti sa matinding kilig. “Sige ihagis sa malayo ang mga pantalon at brief ninyo!” bulalas niya.
Hinagis ng dalawa ang mga pantalon nila sa sahig.
“Ngayon hubarin ang t-shirt at itapon din sa malayo daliiiiii!”
Hinubad ng dalawa ang kanilang mga t-shirt at itinapon din sa malayo. Doon ko na na-identify kung sino sa kanila si James. Nakita ko ang tattoo ng isa sa kanyang likod.
Dahil nasa likod nila ako at sila ay nakaharap kay Ricky na nakaharap naman sa akin, iminuwestra ko kay Ricky kung sino si James.
Ngunit tila hindi na ako napansin ni Ricky. Ang kanyang mga mata ay nakatutok sa harapan ng dalawang lalaki at ang dalawang kamay niya ay itinakip sa kanyang bibig habang nagtatalon na parang sinaniban, nagsisigaw ng “Ang laki-laki! Ang mamacho nilaaaa!”
At doon na tangkang dumugin siya ng dalawa upang agawin ang baril.
Tarantang tumakbo si Ricky palabas ng kuwarto na tila nalimutang nasa kanya ang baril. “Saklolooooo! Sakloloooo! Kapitbahay! Rape! Rape!!! Sakloloooo!!!” ang sigaw ni Ricky habang nagtatakbo patungo sa hagdanan.
Dali-dali kong dinampot ang aking mga damit at mabilis na isinuot ang mga iyon. Eksaktong nakapagdamit na ako at hahabulin na sana sila ay siya namang pagkarinig ko sa tila putok ng isang baril na naka-silencer. “Tsug! Tsug!”
At ang sunod kong narinig ang isang nakakabinging tili ni Ricky. “Igannnnnnnnn!!!”
ITUTULOY....
No comments:
Post a Comment