“T-tanggapin mo na please...” sambit niya uli, kitang-kita ko ang pamumutla na niya.
Noong una, litong-lito ang aking isip kung ano ang gagawin. Syempre, nagalit ako sa kanya ngunit hindi ko rin akalain na magagawa niyang putulin ang kanyagn daliri nang dahil lamang sa ganoon. At noong nakita ko pa ang malakas na pagtagas ng dugo galing sa kanyang sugat, doon na ako nataranta.
“M-mauubusan ako ng dugo tol. Tanggapin mo na please...” ang pag-ulit niya.
At sa matinding takot ko, dali-dali kong kinuha ang singsing na kanyang inabot. At halos kasabay rin sa pagkakuha ko sa singsing, bumagsak siya sa sahig.
Tarantang ipinasok ko ang singsing sa aking bulsa atsaka tumakbo sa binatana, nagsisigaw, ang boses ay tila sa isang taong halos puputok ang baga sa matinding pagsisigaw. “Itay!!! Itaayyyyyyyyyyy! Saklolo! Saklolo pooooooo! Mga kapitbahay! Saklolooooooo!!! Itayyyyyyyyyyy!!!”
Wala pang sampong segundo ay nakita kong tarantang nagtatakbo nang pumasok sa kuwarto ang itay. “Anong nangyari?!” Ang tanong niya noong nakita si Kuya Andrei na nakabulagta sa sahig at dumadaloy ang maraming dugo sa kanyang naputol na daliri.
“E-ewan ko...” ang nanginginig kong sagot. Syempre, hindi ko naman puwedeng sabihin na ako ang dahilan at baka maungkat ang mga nangyari.
“Hala! Pulutin mo iyang natanggal na daliri. Manghingi ka ng ice sa kapitbahay o sa tindahan at ilagay ang daliri sa isang tabo o baso kasama ang ice!” ang sambit ng itay sabay hablot ng kanyang damit, pinunit ito at ang mga pilas ay ginawang tourniquet sa bandang pulso ni Kuya Andrei. “At tumawag ka na rin ng masasakyan natin, dalhin natin ang kuya mo sa ospital!” dugtong niya habang inaayos ang tourniquet.
Hindi ko lubos maisalarawan ang aking naramdaman. Natakot, nanginginig ang kalamanan, nanghihina dahil sa pagkakita ko ng dugo. Ngunit pilit akong tumalima sa iniutos ng itay. Dali-dali kong pinulot ang putol na daliri ni Kuya Andrei at nagmamadaling tumungo sa kusina upang maghanap ng malagyan nito.
Nailagay ko na ang naputol na daliri ni Kuya Andrei sa isang tabo noong siya namang pagpasok ng inay. “Inay... lalagyan daw po ito ng ice!” ang bigla kong pag-abot ng tabo sa kanya at nagtatakbo na akong lumabas ng bahay nang walang pasabi, hindi na hinintay ang isasagot ng nabigla ko ring ina.
“Saan ka pupunta!” ang narinig kong sigaw niya.
“Maghanap po ng masasakyan, dadalhin daw po sa ospital si kuya Andrei!
Maswerte naman at nakahanap ako ng libreng sasakyan; isang jeep ito ng kapitbahay na ang driver ay may kinuha lang sa bahay nila. Inalalayan ng itay si kuya Andrei upang maisakay sa jeep at noong nakasakay na kami, pinaharurot na ito ng driver.
Pinagitnaan namin ng itay si kuya Andrei na pinaupo sa passengers’ seat. At dahil nanghihina siya, niyakap siya ng itay upang hindi malaglag sa kanyang inuupuan. Ako naman ang humahawak sa kanyang kamy na naputulan ngdaliri, itinaas ko ito upang ang dugo ay hindi lalabas sa sugat habang ang inay at hawak-hawak niya ang tabo na naglalaman ng ice at putol na daliri ni Kuya Andrei. May kasama rin naman kaming tatlo pang kapitbahay na tumulong. Nakaupo sila sa kabilang upuan sa passengers’ seat kaharap namin. Walang imik kaming lahat habang mabilis na pumaharurot ang jeep. HIndi ko alam kung ano ang mga nasa isip nila ngunit ako, naghihina dahil sa sobrang takot at nerbiyos.
Iyon na ang huli kong natandaan. Nag-collapse na rin pala ako. Hindi ko na nakayanan pa ang takot sa pagkakita sa daliri ni Kuya Andrei na nakalagay sa tabo, hawak-hawak ng inay, at sa kalagayan ni kuya Andrei na na hinang-hina, may dugong pang dumadaloy sa kanyang kamay na aking hinawakan.
Noong nanumbalik ang aking malay, nasa ospital na ako, nakahiga sa isang kama.
“Kumusta ka na?” ang narinig kong boses.
Nilingon ko ang pinanggalingan noon. Si kuya Andrei. Magkatabi lang pala ang aming kama sa ospital na iyon.
Saglit ko lang siyang tiningnan. Ibinaling ko ang mga mata sa nakalambiting plastic bags sa lagayang movable na tubo sa gilid ng kama niya. Magkatabing nakalaylay ang dextrose at ang isang plastic bag na may lamang pulang liquid. Alam ko, dugo iyon. At alam ko rin na ang mga liquid na iyon ay nakakunekta sa katawan niya sa pamamagitan ng injection na nakatusok sa ugat sa kanyang kamay.
Bigla na naman akong kinilabutan noong nakita ko ang dugo. Takot kasi ako sa dugo; takot pa sa injection. Kapag nakakakita nga lang ako ng duktor na may hawak-hawak na injection, pakiwari ko ay maduduwal na ako. Kaya noong bata pa ako at dadayo ang mga taga health center sa aming eskuwelahan upang tuturukan ang mga estudyante ng anti-rabbis, anti-tetanus, anti-polio o kung anu-ano pang mga anti, ako ang palaging nangunguna sa pagtakbo palabas ng klase.
Agad kong ibinaling ang aking paningin sa kanyang mukha. Noong tiningnan ko siya, pansin ko ang kanyang pamumutla at panghihina. Binitiwan niya ang isang ngiti. “O-ok ka na?” ang tanong niya muli.
Binitiwan ko ang isa ring ngiti para sa kanya. Ngunit noong biglang pumasok sa aking isip ang eksena ng pakikipaghalikan niya sa kanyang babae, agad ko ring binura ang ngiting iyon sa aking mukha. Nilingon ko ang mga nakaupong tao sa kabilang gilid ng kuwarto. Naroon ang aking inay, ang aking itay at ang tatlong mga lalaking kapitbahay na tumulong sa pagkarga kay kuya Andrei na siya na rin daw tumulong sa pagkarga sa akin sa loob ng ospital. “A-anong nangyari nay?” ang tanong ko.
“Bigla kang nawalan ng malay sa loob ng jeep.”
“Ganoon po ba?”
“Oo. Nanginginig ka, namumutla, at iyon na, bumagsak ka na. Mabuti na lang at naagapan ka ng tatlo nating kapitbahay” turo niya sa tatlong lalaking katabi nila.”
“Natakot kasi ako sa dugo inay... at iyong daliri na natanggal.” ang sagot ko.
“Hayyyy naku Alvin. Hindi ka talaga puwedeng maging duktor o nurse.” sambit ng inay.
Na siya ko namang lalo ko pang ikinaiinis. Narinig ko na naman kasi ang salitang nurse, na siyang kahalikan ni kuya Andrei. “Ayoko naman talagang maging nurse eh! Pangit kaya ang trabahong iyan! Lahat din ng nurse ay pangit eh!”
Na siya namang pagpasok ng nurse at narinig ang aking sinabi, “Hindi naman lahat. Hetong kaharap mo, maganda na, mabait pa.” sabay tawa at hawak sa aking braso para sa blood pressure.
Tawanan.
“Ikaw lang yata ang maganda at mabait miss. Iyang iba d’yan puro na pangit.” sabay irap kay kuya Andre na ngumiti ng hilaw.
Pagkatapos sa akin ay kay kuya Andrei naman nagtungo ang nurse. Kinunan niya si kuya ng ng blood pressure, body rempreature at mga detalye sa kalagayan niya.
“Mag-ingat ka d’yan miss. Killer iyan ng mga nurse.” Sambit ko sa nurse. At talagang inaalaska ko siya.
Napatingin naman sa akin si kuya Andrei samantalang humagalpak sa tawa ang mga magulang ko at ang tatlong kapitbahay.
“Ay talaga? Ganyan din ang type kong lalaki, iyong may killer instinct.”
“Huwag ka... kaya iyan naputulan ng daliri eh. Masyadong malikot.”
Tawanan pa rin sila samantalang si kuya Andrei ay nagtimpi lang. Alam niyang galit ako, at may laman ang biro kong iyon.
Noon gnakalabas na ang nurse ay ikinuwento naman ng inay at itay ang mga nangyari habang nawalan ako ng malay-tao. Nalaman ko na muntik nang maubusan ng dugo si kuya Andrei gawa ng hindi pa siya lubusang gumaling sa mga sugat niya na natamo sa engkuwentro ng mga rebelde, dagdagan pa sa dugo na nawala na naman sa pagkaputol ng kanyang daliri. Napag-alamamn ko rin na tinesting ang dugo ni inay, pati ako habang wala pang malay, pati ang aming tatlong kapitbahay kung puwede silang mag-donate ng dugo para kay kuya Andrei. Ngunit ang dugo lang ni itay ang nag-match kung kaya ay si itay ang donor ng dugo para sa kanya.
Napag-alaman ko rin na naidugtong na ang daliring naputol ni kuya Andrei. Inoperahan daw siya kaagad sa pagdating pa lamang namin sa ospital habang buhay pa ang mga tissues sa kanyang sugat at sa naputol na daliri.
Nilingon ko si kuya Andrei, pilit na inangat niya at ipinakita sa akin ang naidugtong nang daliri sa kanyang kamay at nginitian pa ako.
Ngunit hindi ko pinansin ang ngiti niya. Doon ko pa rin ibinaling ang aking mga mata sa kinaroroonan ng itay at inay. “Ok na yata ako nay eh...” sambit ko sabay balikwas sa higaan at tumayo.
“Ah... oo nga. Ang sabi ng duktor kanina na kapag nagkamalay ka na ay puwede ka nang mag-check out dito kung gusto mo.” wika ng inay.
Tuluyan na akong tumayo.
“O, Andrei... gising na si bunso at nakakapagsalita ka na rin. Siguro naman ay mabigyan mo na kami ng linaw kung bakit naputol iyang daliri mo!” at baling sa akin, “Alvin, ano ba talaga ang nangyari?” tanogn ng itay.
Mistula akong binatukan sa narinig natanong ni itay. Napatingin ako kay kuya Andrei. Syempre, alangan namang sabihin ko na dahil nagalit ako na may kahalikan siyang babae kung kaya pinutol niya ang daliri niya noong hindi ko siya pinatawad.
“Eh... ano po nay...” ang pagsingit ni kuya Andrei. “Nagbibiruan lang kami ni bunso tungkol sa patalim na dala ko. E, nadulas ako at nadiin ang patalim sa aking daliri. Kaya iyon na.”
Hindi na ako umimik. Tiningnan ko na lang ang itay at inay kung ano ang kanilang magiging reaksyon. Ngunit sa loob-loob ko lang, hindi ko napigilan ang magmaktol, “Magaling talagang magsinungaling!”
“Kapitan ng sundalo? Nadulas? Naputol ang sariling daliri?” ang sarkastikong tanong ng itay. Ganoon naman kasi sila kapag nagbibiruan ni kuya Andrei. Parang magbarkada lang.
“E, ganoon po talaga ang aksidente tay. Hindi natin malalaman.”
“Kaya ka pala nabaril ng kalaban. Tatanga-tanga ka!”
Tawanan. Napatawa na rin ng hilaw si kuya Andrei. Parang gusto ko pa ngang isingit ang biro ko sa kanya noon na boy scout lang siya; na hindi siya qualified maging sundalo, lalo na sa ranggong kapitan. Ngunit dahil sa inis ko pa rin sa kanya kung kaya ay tahimik na lang ako.
“O sya... dahil maayos na itong si Alvin, babalik na muna kami sa bukid Andrei. May naiwan kaming mga nakatiwangwang na trabaho.”
“Oo Anderei. Alas tres pa naman ng hapon, babalikan namin ng itay ninyo ang palayan. Nabitin ang aming pag-aani, baka may magnakaw sa mga naani na naming palay. Iligpit muna namin iyon atsaka babalik ang itay mo o di kaya ako ha? Kung hindi mamaya, bukas.”
“S-sige po nay... tay.” ang sagot ni kuya Andrei. “Salamat po sa pagdala ninyo sa akin.”
“Walang ano man. Mag-ingat ka na sa susunod.”
“Opo inay...”
“At ikaw Alvin, alagaan mo ang kuya mo. Bantayan mo ha?”
“Opo nay!”
Noong kami na lang ang naiwan, “H-alika tol... hug mo si kuya.”
“Hug mong sarili mo!” ang pabalang kong sagot.
“Akala ko ba ay napatawad mo na ako?”
“Napilitan lang ako no! May nalalaman ka pang paputol-putol ng daliri...”
“Ano pa ba ang gusto mong gawin ko? Gusto mo tanggalin ko uli itong naidugtong nang daliri? Sige ka...”
“Arrrrrrggghhh!” ang sigaw ko na. “Bakit ka ba ganyan? Gusto mong kapag namatay ka ako naman ang mapagbintangan?”
“Bakit ba hindi mo ako maintindihan?”
“Paano kita maintindihan? Wala kang sinasabi! Lahat ng mga nakakasakit na bagay ay ginawa mo nang patago! Hindi ba maskit iyon? Hindi ba?!!! Sabi mo mahal mo ako ngunit ganoon ang ginawa mo? Fu** you!”
“Halika... lapit ka sa kuya. Mag-usap tayo”
“Ewan ko sa iyo!”
“Sige na please...”
“Bakit ba! Puwede ka namang magsalita kahit nakahiga ka d’yan ah! Hindi naman ako bingi!”
“O sige, ako na lang ang lalapit sa iyo..” sabay tangkang pagbalikwas sa kama. At syempre, kinakailangan pa rin niyang nakahiga dahil patuloy pa rin ng pagpasok ng intravenous na liquid at dugo sa kanyang katawan. Kung kaya napasigaw siya ng, “Arrggghh!”
Kaya wala na akong nagawa kundi ang lumapit. Ngunit binulyawan ko siya. “Bakit ka ba ganyan!!!” sabay hablot ko sa buhok niya sa sobrang pagkainis at gigil na gigil na inumpog ko ito sa unan niya. Kung hindi lang ako galit sa tagpong iyon, siguro ay natawa na ako sa aking inasta. Imagine, sinambunutan ko pa talaga ang pasyenteng hindi pa nakarecover sa opersyon, at nanghihina pa. At feeling ang sarap talaga niyang sakalain, lalo na hindi pa siya nakakagalaw ng maayos. Pakiwari ko ay puwede kong gawin sa kanya ang lahat.
Hindi naman siya nagalit. Napangiwi ang mukha na tila ba nagpapacute lang, umaarteng nasaktan. “Papatayin mo na yata ako eh.
“Talaga! Kung hindi lang alam ng inay at itay na ako ang nagbabantay sa iyo rito, tatabunan ko na ng unan iyang pagmumukha mo para hindi ka na makahinga.
Natawa siya.
“Hindi ako nagbibiro.”
“Ok... sorry.”
“O nandito na ako sa tabi mo, happy ka na? Magsalita ka na! Tagal!”
Nahinto siya., tinitigan ako at seryosong seryoso na ang mukha. Hindi ko alam kung ano ang laman ng kanyang isip.
Wala akong pakialam.
Maya-maya, nagsaltia siya, “Mahal kita tol... pasensya na, hindi ko sinabi sa iyo.”
At doon na lumabas ang emosyong aking tinitimpi na mistulang isang bulkang sasabog. “Mahal mo ako tapos nakikipaghalikan ka sa isang nurse? Sino ba siya? Bakit may singsing siya na katulad nang sa akin? Ang sabi mo, ako lang at ikaw ang may singsing na ganoon, bakit mayroon siya??? Sinungaling ka!”
“Naintindihan kita tol. Alam ko, nasaktan kita. Kung kaya ginawa na ang lahat upang mapatawad mo ako, upang malaman mo na naghirap din ang aking kalooban.”
“Naghirap ang kalooban. Ganyan ba ang naghirap ang kalooban? Nakikipaglandian? Pinaglaruan mo ako! Sinira mo ang buhay ko! Pinaglaruan mo ang pagkatao ko! Simula noong ginawa mo sa akin iyon, hinahanap-hanap na kita! Ikaw lang ang nagturo sa akin ng mga bagay na iyon. Ikaw ang nagturo sa akin kung paano kita mahalin. Ikaw ang nagturo sa akin na umasa. Tinimpi ko ang lahat. Tinatago-tago ko sa iyo at sa lahat ng mga tao! Iningatan ko ang lihim na pinaggagawa mo sa akin. Ngunit iba ang isinukli mo!” At doon na ako humagulgol.
“Makinig ka kasi sa paliwanag ko tol, please...” sambit niya habang pilit na inabot ng isa niyang kamay ang aking pisngi.
“Ano pa bang paliwanag ang dapat kong marinig?! Kitang-kita ko ang lahat! May iba kang mahal!”
“Kaya nga makinig ka eh... please?”
Tahimik.
Nagsalita siya. “Una... may aaminin ako. Noong bata pa tayo at pinagawa ko sa iyo ang bagay na iyon? Sa iyo ko unang naranasan iyon. Sa iyo ko rin unang naranasan ang halik. Totoo yan. Kaya kahit kailan, kahit ano ang mangyari, mananatili ka sa aking isip. At walang ni ano mang bagay na maaring makabura nito. Unang natikman ko ang mga bagay na iyan... sa iyo. Kaya kung ikaw, hinahanap-hanap mo ako, ganoon din ako tol; hinahanap-hanap ko rin ang mga nangyaring iyon sa atin...” nahinto siya nang sandali. “A-alam ko... mali. Mali ang lahat na iyon na pinapagawa ko sa iyo simula noong bata ka pa. P-patawarin mo ako sa napakalaking pagkakasala ko. Noong panahon na iyon, hindi ko pa naramdaman ang epekto noon sa iyo at sa akin dahil para sa akin, isang bahagi lamang ito ng aking kabataan, ng ating kabataan, ng ating kamusmusan. Ngunit noong nagkita tayong muli, naramdaman ko na. Alam kong naghahanap ka rin, alam kong m-minahal mo na ako. At doon na ako nagsimulang makaramdam ng guilt. Naawa ako sa iyo, lalo na noong hinabol mo ako sa bus at kahit tama lang ang pamasahe mo ay sinundan mo ako, hindi mo na naisip kung makakabalik ka pa ba, kung makakakain ka pa sa kapiranggot na perang natira. Kahit nga ang pagkamahiluhin mo ay nilabanan mo, mahabol mo lang ako. At doon ako tinablan ng awa sa iyo. At simula sa naramdaman kong awa sa iyo, sumibol din ang kakaibang damdamin. Palagi nang sumisingit sa isip ko ang larawan ng mukha mo, lalo na iyong huling eksena ng paglayo natin sa terminal kung saan ay umiiyak ka. At doon ko naramdamang... mahal na rin kita, hindi bilang bunsu-bunsuan, kundi bilang isang kasintahan... Totoo iyan. walang halong biro. Ngunit narealize kong mali pa rin. At ang puno’t-dulo ng lahat ay ginawa kong kamalian sa iyo. Kaya sa puntong iyan ay patawarin mo ako... At tungkol sa nakita mo sa ospital na may kahalikan ako, humihingi rin ako ng patawad. Inaamin ko, mali rin ang ginawa kongiyon. Kung kaya, humuhingi ako ng patawad. At sana ay maintindhian mo. Di ba, wala naman talagang perpektong tao sa mundo? Lahat ay nagkakamali; lahat ay nagkakasala. Unfair naman kung sasabihin mong kung ikaw ang nasa kalagayan ko ay hindi mo magagawa ang isang pagkakamali; Hindi mo kasi naranasan ang maging ako; ang maging nasa katayuan ko, ang dumanas sa hirap na pinagdaanan ko. Kagaya mo, hindi rin kita maaaring sisihin sa mga desisiyon mo sa buhay; dahil ikaw lamang ang nakaranas sa mga pinagdaanan mo; ikaw lamang ang nakakaalam sa tindi ng sakit na naidulot nito sa buhay mo. Ang tanging magagawa ko lamang para sa iyo ay ang intindihin ka, unawain, susuportahan. Kaya sana ay unawain mo rin ako, intindihin. Nagkasala man ako, heto, humihingi ako ng patawad.”
Hindi pa rin ako umimik. Tahimik lang akong nakinig sa kanyang mga sinasabi.
“Noong nagsimula kong maramdaman ang kakaibang damdaming ito sa iyo, matindi ang tama nito sa aking isip. Naguluhan ako sa aking sarili. Kasi, Lalaki ako, ngunit iba ang naramdaman ko. Alam kong mali dahil imbes na ako ang magturo sa iyo sa tamang landas, hindi ko rin nakayanang labanan ang tawag ng aking damdamin. Patuloy kitang ginalaw, at tinuruan pa ng kung anu-ano. Labag ito sa aking konsyensya. Ngunit mas malakas ang hatak ng pagmamahal ko sa iyo. Ito ay sa kabila ng aking pangarap na magkaroon ng pamilya, asawa, anak na siya ko ring pangarap para sa iyo. Hindi ko talaga alam ang aking gagawin tol. Ngunit hinayaan ko lang ang aking sariling pagbigyan ka at ang aking damdamin para sa iyo, iniisip na daratng din ang araw na magsawa ka sa akin, at kaya ko nang labanan ang sariling naramdaman.”
Tahimik.
“Dumating si Ella. Isa siyang sundalong nurse. Alam ko, may pagtingin siya sa akin ngunit hindi ko siya pinagtuunan ng pansin. Isang araw habang nagpapatrol kami sa isang bundok nitong nakaraang tatlong buwan lang, inambush ang aming grupo. Napatay ang lahat ng kasamahan namin, maliban sa aming dalawa. Upang hindi kami mahanap ng mga rebeldeng humabol sa amin, nagtago kami sa isang kuweba. Doon kami nagtagal, may isang linggo. Dahil may kuta pala ang mga rebelde sa paligid at hindi namin alam ang daan pabalik sa aming kampo. Sa ilang araw naming pananatili sa loob ng kuwebang iyon, m-may...” hindi niya naipagpatuloy pa ang kanyang sasabihin. Tiningnan niya ako at nakita ko ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.
“A-ano???” ang tanong ko. May kakaibang naramdaman kasi ako sa paghinto niyang iyon. May kaba, may pag-aatubili. May takot na baka hindi ko magustuhan ang sunod niyang sasabihin. Ngunit gusto ko ring makumpirma na sana ay mali ang nasa sip ko.
“...may nangyari sa amin.”
At doon na ako napahagulgol muli. Hindi ko na nakontrol pa ang aking sarili. Parang gusto kong sumigaw, gustong magwala, gusto kong saktan ang aking sarili.
“Noong nakaraang dalawang linggo, na ambush uli kami. Ewan. Siguro malas lang talaga ako. At sa pagkakataong iyon, natamaan ako sa katawan. Si Ella ang sumagip sa buhay ko. Siya ang nakabaril sa rebeldeng tumira sa akin. Kung hindi niya napuruhan ang bumaril sa akin, malamang na patay na ako ngayon. Noong natamaan na ako, si Ella pa rin ang nagdala sa akin sa kaligtasan. Nagtago muli kami sa isang lungga. Nilagyan niya ng bendahe ang aking mga sugat upang kahit papano ay hindi ako maubusan ng dugo. Ngunit dumaloy nang dumaloy pa rin ito. Kung kaya ay napilitan siyang kargahin ako habang kami ay tumatakas. Imagine, babae siya, at kinarga niya ako para lamang mailigatas ang buhay ko. Hindi niya ako iniwan. Ang sabi niya ay either sabay kaming mamamatay o sabay kaming makaligatas na buhay... Hanggang sa nakita kami ng kapwa namin sundalo at iyon na... nadala na ako sa ospital kung saan mo ako dinalaw.”
Hindi ko lubos maisalarawan ang tunay kong naramdaman sa pagkakataong iyon. Naawa sa sarili, may matinding selos, hindi alam kung kanino ako magagalit. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
“Wala kaming commitments tol. Hindi ko siya pinangakuhan ng kung ano bagamat binigyan ko siya ng singsing. Ang sabi ko sa kanya, na isang tao lang ang may nagmamay-ari ng singsing na kagaya niyan maliban sa akin, ang utol ko. Ang utol ko ang pinakasentro ng buhay ko, ang first love ko, ang inspirasyon ko, ang dahilan kung bakit masaya ako sa buhay... at kung bakit ko bibigyan ng singsing na katulad noon si Ella ay dahil gusto kong kahit hindi man kami magkatuluyan, may alaala siya sa akin, na magpaalala rin sa kanya sa iyo. Tinanong niya ako kung bakit; kung ano ba raw ang mayroon sa ating dalawa. Sinagot ko rin siya na wala. Ganyan ko lang kamahal ang utol ko. At lahat ng malalaking desisyon ko sa buhay ay dapat sumang-ayon siya, dahil kung hindi, hindi ko gagawin ang isang bagay. At sabi niyang ang swerte mo raw. At noong umalis ka sa ospital at hinabol ka niya, umiiyak siya noong nakabalik na sa kuwarto ko. Hindi niya sinabing galit ka pero alam ko, naramdaman ko, na nasaktan siya. Gusto niya kasing maging malapit ang kalooban mo sa kanya, na kaibiganin ka, na mas makilala pa niya. Mabait si Ella tol...” Naphinto muli siya. “Nitong nakaraang linggo, sinabi niya sa akin na... b-buntis sya, magtatatlong buwan. Nagbunga ang nangyari sa amin sa kuweba.”
Mistulang tuluyan nang gumuho ang aking mundo sa aking narinig. At lalo pa akong umiyak, humagulgol.
“P-patawarin mo ang kuya tol...”
Hindi ko siya sinagot. Umiyak na lang ako nang umiyak.
“Mahal kita...”
Hindi pa rin ako umimik. Ibinuhos ko ang lahat ng aking saloobin sa aking pag-iya. Natahimik na lang siya. Marahil ay binigyan na lang niya ako ng pagkakataong maipalabas ang lahat ng aking sama ng loob.
Maya-maya, tila nahimasmasan din ako. Tumayo, naghanap ng tissue at pinahid ang naghalong luha at sipon sa aking ilong, mga mata at pisngi. Naisip ko na wala naman akong magawa talaga kundi ang tanggapin ang lahat. Nangyari na iyon at ano pa ba ang puwede kong gawin. “Ganyan naman siguro talaga kapag nasa ganitong klaseng kalagayan. Mahirap ang umibig sa isang lalaki.” Sa isip ko lang.
Bumalik ako sa kinauupuan ko, sa gilid niya at lakas-loob na binitiwan ang masakit na tanong na, “K-kailan mo balak na pakasalan siya?”
Na kalmante rin niyang sinagot ng, “Wala... wala akong ipinangako.”
“Mahal mo ba siya?”
Hindi siya sumagot. Parang lalo pa akong nasaktan kasi, may kakaibang kutob ako na mahal niya ang babae. At ang nasambit ko na lang ay, “Pakasalan mo siya. Kung desisyon ko lang ang hinihintay mo... gusto kong pakasalan mo siya. Hindi kita hahadlangan.” at hindi ko na naman napigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Sobrang sakit kaya ng mga binitiwan kong mga salita. Bagamat parang normal ko lang itong nasabi, parang mga sibat ang mga kataga nito na tumama sa aking puso.
“Ayoko. Kung magpakasal man ako sa kanya, iyon ay dahil sinabi mo nang maluwag sa iyong kalooban. Hindi ganyan na umiiyak ka. Huwag kang mag-alala, hindi ako magpapakasal sa kanya.”
“Sinabi mo ba iyan dahil naawa ka sa akin? O sinabi mo iyan dahil iyan talaga ang gusto mo?”
“Iyan ang gusto ko. Hindi ako magpapakasal sa kanya.”
Tahimik. Pinagmasdan niya ang aking reaksyon. Kahit papaano, may naramdaman kasi akong tuwa sa kanyang sinabi.
Maya-maya, “Halika... hug na sa kuya. Na-miss kita. Sobra.”
At doon... dahan-dahan ko siyang niyakap. At pagkatapos, tinukod ko ang dalawang kamay ko sa kama sa magkabilang gilid niya at idinampi ko ang aking mga labi sa mga labi niya. Naghalikan kami habang patuloy na umaagos ang mga luha sa aking mga mata. Alam ko, may kaagaw na ako sa pagmamahal niya.
Sa buong linggo kong pag-uwi sa probinsya, wala akong ginawa kundi ang alagaan si kuya Andrei. Bagamat may kinimkim pa rin akong sama ng loob sa kanya, pilit ko siyang inintindi. Tama naman kasi ang sinabi niya. Hindi ko siya masisisi sa mga pangyayari sa kanyang buhay dahil kailan man, hindi ko naranasang maging siya, hindi ko naranasan ang hirap na pinagdaanan niya, nila ni Ella. At ang nararapat kong gawin na lang ay ang intindihin siya.
Pagkatapos ng isang linggo, bumalik na naman ako sa syudad kung saan ako nag-aaral. At dahil may tatlong linggo pang natira si kuya Andrei sa kanyang bakasyon, sumama siya sa akin sa siyudad. Hindi niya ako pinauwi ng boarding house. Nagrent kami ng isang villa.
Sa unang dalawang linggo ng aming pagsama sa isang villa ay para talaga kaming mag-asawa. Inaalagaan ko siya, ako ang nagluluto para sa aming pagkain, ako ang naglalaba sa aming mga damit. Sobrang saya ko sa aming estado. Para bang “Wow! Ganito ba talaga ang mag-asawa? Sa hirap at ginhawa ay nagsasama?”
At naramdaman ko, masayang-masaya rin si kuya.
Syempre, hindi nawawala sa eksena si Noah na palaging dumadalaw sa amin kasama si Brix na hindi nahihiyang magparamdam kahit nandyan si kuya, at walang kupas pa rin ang panunuyo. Pero nag-lie low muna ako sa kanya kasi, syempre, nand’yan ang kuya kong mahal.
Si Noah naman ay todo pa-charming kay kuya pero natatawa na lang ako. Hindi naman kasi niya alam na taken na si kuya: sa isang nurse, at pansamantala, sa akin.
“Talaga bang nanligaw ang mokong na iyon sa iyo? Panay ang porma eh. Hindi na nahiya na nand’yan ako sa harap nagpi-flirt sa iyo!” sambit ni kuya patungkol kay Brix.
“Ah, si Brix, pinsan ni Noah. Anak mayaman iyon kuya...”
“Kahit pa anak siya ng presidente, wala akong pakialam. Babarilin ko siya kapag may ginawang hindi maganda sa iyo.”
“OA mo! Iyon iyong nagbigay sa amin ng pamasahe upang marating naming ni Noah ang Mindanao no!”
“Kahit sino pa siya, ayaw kong magpaligaw ka sa kanya, o ni kanino mang lalaki.”
“Bakit ikaw...?” hindi ko na lang itinuloy ang aking sasabihin. Ayaw ko kasing mabahiran ng pag-aargumento ang iilang araw na magkasama kami.
Ganyan kami kasaya ni kuya Andrei sa unang dalawang linggo ng aming pagsasama sa villa. At ang kanyang kalagayan ay mabilis ding bumuti. Pati ang kanyang daliring naputol na naidugtong na ay naigagalaw na rin na halos normal na.
Ngunit noong patapos na ang huling lingo niya, doon ko na naramdaman na minsan ay para siyang tulala, malungkot at tila napakalalim ng iniisip. Tinanong ko siya kung ano ang kanyang problema ngunit wala naman daw.
At doon na sumagi sa aking isip na marahil ang dahilan ng kanyang kalungkutan ay si Ella. Alam ko, mahal niya ito at inisip siguro niyang hadlang lamang ako sa pangarap niya; sa pagpapakasal niya sa kanya, lalo na buntis siya at kung hindi sa akin ay matutupad na ang kanyang sinasabing pangarap na magkaroon ng pamilya.
Sobrang lungkot ko. Hindi ko maiwasan ang hindi mag-isip, minsan ay nakatulala rin ako sa school. Minsan ay mapaiyak na lang. “Palapit na ang muling pag-alis niya ngunit heto na naman. Masasaktan na naman ako. Ganito na lang ba palagi? Ganito na lang ba ang buhay ko? Palaging nilalayuan, palaging natatakot kung babalik pa siya, palaging nangangamba kung may iba ba siya?” sa isip ko lang.
At nabuo sa aking isip ang isang desisyon.
Madaling araw sa takdang araw ng pag-alis niya, gumawa ako ng sulat habang natutulog pa siya.
“Dear kuya Andrei. Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa mga magagandang alaalang ibinigay mo sa akin. Alam mo, kahit may galit ako sa iyo dahil sa mga ginawa at itinuturo mo sa akin noong bata pa ako, aaminin ko, wala akong pinagsisihan. Kahit bigyan pa ako ng pagkakatong ibalik ang nakaraan, gusto ko pa ring ikaw ang maging kuya ko at papayag pa rin akong gawin mo pa rin sa akin ang ginawa mo. Di ba sabi mo, wala naman talagang perpektong tao sa mundo. Naniwala ako. Ang lahat ng mga nangyari sa ating nakaraan ay bahagi na ng ating ngayon, ng aking pagiging ako. Marahil kung iba ang kuya ko o iba ang pagtrato ng kuya ko sa akin sa nakaraan, alam ko, may mga mali pa rin doon dahil hindi nga perpekto ang tao. Maaaring isa siyang kuya na nambubugbog sa akin, isang kuya na walang pakialam sa akin, isang kuya na hindi ko maramdaman. At dahil ikaw ang naging kuya ko, sobrang proud ako. Napakaswerte ko na naging kuya kita. Inaaalagaan mo ako, minahal, hindi mo ako pinabayaan. Ang mga bagay na iyan ang tumatak sa aking isip. Kahit sa aking pagtanda, iyang mga magagandang bagay na iyan any palagi kong maaalala sa iyo.
Ngayon, malaki na ako. Sabi mo noong unang pag-alis mo patungo ng Maynila, na ang pag-alis mong iyon ay dahil kailangan mong matuto, hanapin ang mga bagay na makapagbibigay sa iyo ng magandang opotunidad, kaalaman, at pagkakataon sa buhay. At ang dahilan kung bakit hindi pa ako puwedeng umalis sa atin ay dahil katulad pa lang ako sa isang inakay na dapat ay nasa isang pugad lamang, inaalagaan, pinapakain ng mga magulang na ibon kasi… hindi ko pa kayang lumipad at kulang pa ang aking kaalaman sa paglipad sa malalayong lugar. Ngunit kapag lumaki na ako, wala na rin akong choice kundi ang lumisan sa aking pugad, lumipad, lumaya...”
Pareho na tayong malaki, kuya. Mas malawak na ang aking kaalaman. Kaya ko nang tumayong mag-isa, at humarap sa mga hamon sa buhay. Hindi na ako isang inakay na katulad ng sinabi mo. Marunong na akong gumamit sa aking mga pakpak upang maabot ang lugar na gustong kong marating. At... gusto ko na ring lumaya. At ikaw rin, dapat ay makalaya na. Kaya gusto kong pakasalan mo si Ella. Huwag kang mag-alala, maluwag sa aking kalooban ang sinabi kong ito. Aaminin kong masakit, sobrang sakit dahil mahal kita; ikaw ang pinakaunang taong nagpatibok ng aking puso. Ngunit ayaw ko ring maging hadlang sa iyong pangarap at kaligayahan. Ganyan naman talaga kapag tunay mong mahal ang isang tao, nakahandang magpraya... Katulad mo, nagparaya ka sa akin. Lahat ng sakripisyo ay ginawa mo, maipakita lang sa akin kung gaano mo ako kamahal. At ito ang dahilan kung bakit sumagi sa isip ko ang desisyong ito; ayaw ko nang magdusa ka nang dahil lamang sa akin. Sapat na sa akin ang maramdamang mahal mo rin ako, Masaya na ako na nalaman galing sa bibig mo mismo na mahal mo ako. At tama ka... isang araw kapag may pamilya ka na at mga anak, baka magkaroon na rin ako ng sarili kong pamilya at mga anak. Sana ay darating ang araw na iyon. Ngunit pipilitin ko kuya, para sa iyo; para sa sinabi mong pangarap para sa akin.
Kalakip pala rito kuya ang singsing na ibinigay mo sa akin. Isoli ko na sa iyo. Huwag mong isipin na masama ang loob ko sa pagsauli ko niyan. Ang gusto ko lamang ay walang kahati sa puso ang magiging kabiyak mo. Kayong dalawa na lang ang may ganyang klaseng singsing sa mundo. Ang tanging ala-ala ko na lamang sa iyo ay ang ating mga lumang litrato. Iyon iyong una mong pag-alis na pitong taong gulang pa lamang ako at ikaw ay 15. Ang paborito ko ay iyong nakakandong ako sa iyo habang niyayakap mo. At least, sa litratong iyon, masasabi kong aking-akin ka lang. Ngayon ko lang napagtanto kung bakit “Old Photographs” ang kantang gusto mong theme song natin; dahil ang litrato, sa paglipas ng panahon ay hindi nagbabago, hindi sumusunod sa agos ng panahon, nanatiling salamin ng nakaraan. Doon, akin ka lang. Doon, malaya kitang mahalin... At huwag kang mag-alala, manatiling iingatan ko an gating munting lihim...
Kapag may plano na kayo kuya, i text mo lang sa akin ang petsa ng inyong kasal. Gusto kong ako ang magiging best man mo. Promise, pipilitin kong huwag umiyak...
Ang iyong mahal na bunso, -Alvin-
PS. Sa paborito nating fm station, nagpadala ako ng request ng theme song natin. Marahil ay nasa bus ka na at nagbibiyahe kapag ipinatugtog iyon. Alas 11 ng umaga kasi ang alis mo di ba?”
Noong natapos na ako sa aking sulat, pinagpag ko ang papel at pinahid. Napatakan kasi ito ng aking mga luha. Pagkatapos, tinupi ko na ito at lihim na isinilid sa bulsa ng kanyang knapsack
Alas 10 ng umaga, nasa terminal na kami. Sa pagkakataong iyon, pilit kong nilakasan ang aking loob at nilabanan ang sarili na huwag umiyak, na huwag magpakitang nalungkot ako. Tila doble ang sakit na aking naramdaman. Masakit na nga ang paglisan niya, mas masakit pa yata ang pagkukunwari.
“Bye bunso...” ang sambit ni kuya Andrei noong papasok na siya sa umaandar nang bus.
“Bye kuya, mag-ingat ka palagi ah!”
“Oo. At ikaw rin. I love you!” sabay smack sa aking bibig, hindi alintana ang mga taong nakapaligid.
“I love you too, kuya”
At noong papasok na siya sa loob, “Kuya! May note ako sa knapsack mo!” sigaw ko. Ibinaba niya ang kanyang knapsack atsaka kinapa ang bulsa nito, at tuluyan nang pumasok.
Eksaktong alas 11 noon gumalis na ang bus. Imbes na dumeretso ako sa boarding house, doon ako pumunta sa plaza. Naupo ako sa bangko sa lilim ng malaking puno ng talisay, nakaharap sa dagat.
Binuksan ko ang fm sa aking cp, at eksaktong, “Let’s hear a message from a certain Alvin Palizo and here it goes, “To my kuya Andrei, salamat sa pagdating ng isang kuya Andrei sa buhay ko. Saan ka man ipadpad ng panahon, hindi ko malilimutan ang mga masasayang alaalang ibinigay mo. Patuloy kitang mamahalin kuya. Ikaw ang lang ang nag-iisang kuya ko, ang nag-iisang mahal ko. I wish you luck, kuya. I wish you love. I wiss you happiness... your Bunso, -Alvin-
“Wow sweet naman ng magkuya!" sambit ng DJ ng FM station. "And here’s your song Alvin for your kuya Andrei –"
Hinugot ko ang aking wallet at binuklat, tinitigan ang paborito kong litrato kung saan nakakandong ako kay kuya Andrei habang yakap-yakap niya ako. Pareho kaming nakangiti, larawan ng isang pagkakataon sa aking buhay kung saan tila pag-aari ko ang mundo.
At habang tumugtog ang kanta, patuloy ko itong tinititigan, pilit na binalikan sa isip ang nakaraan.
Yesterday I felt the wind blowing 'round my shoulder
Feel like I'm getting older
Still I can't forget your face
Separated by a million miles of ocean
My heart still feels emotion
Even in this lonely place
Old photographs and places I remember
Just like a dying ember
That's burned into my soul
Even though we walk the diamond-studded highways
It's the country lanes and byways
That makes us long for home
Lately I just find my mind has turned to dreamin'
Making plans and scheming
How I'm gonna get back home
But deep down inside I know it's really hopeless
This road I'm on is endless
We climb our mountains all alone
Old photographs and places I remember
Just like a dying ember
That's burned into my soul
Even though we walk the diamond-studded highways
It's the country lanes and byways
That makes us long for home
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment