Dali-dali akong tumakbo sa hagdanan upang tingnan kung ano ang nangyari kay Ricky at kung sino ang nabaril niya. At sa bilis ng aking pagtakbo ay tila hindi lumalapat sa hagdanan ang aking mga paa.
Noong narating ko na ang ground floor, tinumbok ko ang main door na nakabukas at noong nasa bungad na, doon ko nakita si Ricky na nakatayo sa harap ng gate, nakatutok pa rin ang baril sa kanilang dalawa ni James at kambal niya na patuloy na nagsambuno sa harapan ng lawn ng bahay.
“Sino ang binaril mo!” ang sigaw ko kay Ricky.
“Warning shots lang iyon igan! Lalapit pa sana kasi sa akin iyang isa. Mabuti na lang at hinaharang din ng isa.”
Nahimasmasan naman ako. Ang akala ko kasi ay may nabaril na sa kanila. “Si James iyang humarang sa isa! Ayaw niyang maagaw ng kambal niya ang baril na nasa iyo!” sigaw ko uli. At baling sa dalawang kambal na patuloy pa ring nagsambuno, “James! Mag-ingat ka!”
Nahinto sandali si James sa pagharang niya kay John. “Huwag kang lumapit Yak... d’yan ka lang!” sagot naman ni James sa akin.
Ngunit iyon na pala ang hinintay na pagkakataon ni John. Agad siyang nakatakbo palapit kay Ricky na nabigla rin, inagaw ang baril, inilignkis niya ang isa niyang kamay sa katawan ni Ricky atsaka itinutok ang baril sa ulo nito.
“Igannnnnn!!!” ang malakas na tili ni Ricky.
“Huwag kayong magkamaling sundan kami kung ayaw ninyo na may mangyaring masama sa kanya!”
“Huwag mo siyang saktan tol! Huwag mo nang dagdagan pa ang masamang record mo. Matutulungan pa kita. Pangako ko sa iyo, bibigyan kita ng magaling na abugado upang hindi ka makulong.”
“Hindi na kailangan! At kung ikaw lang din ang magsasabi niya, hindi ako maniniwala! Ayoko nang maniwala pa! Simula’t sapul, hindi ko maramdaman na itinuring o akong kapatid! Alam ko, lokohan lang iyang sinabi mo. Kaya hayaan mo ako! Huwag mo akong sundan! Nagkaintindihan ba tayo?!” ang matapang na sigaw ni John habang yakap-yakap pa rin si Ricky.
“Tama!” Dugtong din ni Ricky. “Hayaan ninyo kaming magsama at bumuo ng pamilya. Hayaan ninyong abutin namin ang aming mga pangrap na hindi kami hihingi ng tulong sa inyo! Kaya huwag na ninyo kaming guluhin at gambalain!”
“Pakkkk!” ang narinig kong ingay nang tumama ang dulo ng baril na hawak-hawak ni John sa batok ni Ricky.
“Arekop!” ang sigaw naman ni Ricky sabay lingon niya kay John. “Bakit mo ba ako binatukan niyang baril? Sumusobra ka na ah!”
“Ang ingay-ingay mo!”
“Paanong hindi ako mag-iingay, yakap-yakap mo ako at ang sabi mo pa ay magsama na tayo!”
“Magsama pala ha? Pwes... Um!!!” Itinulak niya si Ricky dahilan upang matumba ito sa damuhan.
“Arekop! Bakit ba?! Pagkatapos mong makatsansing???”
“Daming satsat! Hubad!” utos pa ni John. At “Huwag kayong magtangkang lumapit kung ayaw ninyong mabarail!” lingon niya sa amin habang itinutok ang baril sa aming dalawa ni James. At baling uli kay Ricky, “Hubaadddd!”
“Wow! Deretsahan!” sambit ni Ricky.
“Sabi nang wala nang dada! Hubaaddd na!!!”
“T-talaga? Dito?”
“Oo!”
“Now na???”
“Dalian mo, tangina! Pasasabugin ko na iyang bungo mo eh!”
“Atat na atat ka na talaga ha? H-hindi ako masyadong handa eh...”
“Tangina maghubad ka ba o hindi!!!” sabay paputok ng baril, pinuntirya ang halaman sa gilid ni Ricky.
“Opo! Opo! Maghubad na po!” ang takot din na sigaw ni Ricky. “Grabeh naman to! Atat na atat!”
“Oo atat na atat na akong barilin ka. Dalian moooo!!!”
Noong nahubad na ni Ricky ang lahat ng kanyang damit, pati na rin ang brief, “D-dito ba talaga tayo mag-sex? Kahit sa harap nila?” turo niya sa amin ni James. “Ibaba mo na ang baril mo. Di na kailangang takutin mo pa ako dahil gusto ko rin ng sex!”
“Pakkk!” “Umm! Gago! Damit mo lang ang kailangan ko, hindi sex! Paano ako iiskapo nitong postura kong nakahubad? At sa iyo na iyang brief mo. Bakit mo ba hinubad iyan, hindi naman ako interesado d’yan!”
Pakiwari ko ay gusto kong humalakhak sa sobrang pagka assuming ni Ricky. At dali-daling isinuot ni John ang mga damit ni Ricky. At habang abala siya sa pagsuot ng t-shirt, doon na siya sinugod ni James upang agawin ang baril.
Nagpambuno muli sila. Sa pagkakataong iyon, naagaw rin ni James ang baril.
Ngunit mabilis ding naka eskapo si John. At bago pa ito nakalayo, nagbitiw ito ng pagbabanta. “Tandaan mo, hindi ako titigil hanggang hindi ko nasisira ang buhay mo!” at naglaho siya sa dilim.
At pati kami ni James ay nabigla sa bilis ng pangyayari. Napatingin na lang kami kay Ricky.
“Ba’t kayo nakatingin sa akin?”
“Sex talaga ha?” ang sagot ko na natawa pa.
“E, ano naman ang iisipin ko? Nakahubad siya, pinahubad niya ako. di ba sex ang maiisip mo?”
“Oo na... tama ka, kaya isuot mo na iyan brief mo na hindi isinuot ni John.” ang pagsingit naman ni James.
“Tsura niya! Pero ayoko ngang magdamit. Gusto ko maghubad ka na rin para pareho tayong tatlong nakahubad. Hayan si James o, nakahubad din. Ayyyiiiii! sarap tingnan.”
Hindi naming maiwasang hindi matawa sa kabulastugan ni Ricky.
Bumalik kaming tatlo sa loob ng bahay ni James. Nagsuot na ng damit si James at si Ricky, ang damit naman na iniwan ni John ang kanyang isinuot. “In fairness... may remembrance ako sa haliparot.” sambit ni Ricky noong naisuot na niya ang damit ni John. “Ay sorry... kambal mo pala iyon.” sabay takip sa bibig niya noong napansin ang sinabi niyang haliparot at nakatingin si James.
Ngingiti-ngiti lang si James.
Sa loobng bahay ay napag-usapan namin ang tunay na nangyari sa simbahan sa kasal nina Sophia at Marlon, na si John pala sa tunay na katauhan. Noon lang din nalaman iyon ni James. “Tsk! Tsk!” napailing-iling na lang si James. “Ang kambal ko talaga, kung anu-ano na lang na kabulastugan ang kayang gawin, masira lang ang buhay ko.” sambit ni James.
“Kung ikaw iyon, pakakasalan mo ba si Sophia?” ang tanong ko.
“Bakit ko siya pakakasalan? Nakatali na ang puso ko sa isang tao d’yan...” sabay kurot sa aking pisngi.
Syempre, kilig to the max ang lola ninyo. At kinilig din syempre si Ricky.
Sa pag-uusap naming iyon ay napag-alaman namin na noong nakaalis na ako ng simbahan, may taong bumaril pala kay Sophia. “Biglaan igan! Bigla na lang sumulpot sa harap pintuan ng simbahan at nakita ko pang naglakad siya patungo sa center isle na parang wala lang nangyari. At doon na binanatan si Sophia!” ang pagkuwento ni Ricky.
“Mabuti at si Sophia lang ang natamaan!”
“Palagay ko ay si Sophia lang talaga ang target eh.”
“Kaya pala may narinig akong mga putok noong nagtatakbo akong umalis sa simbahan!” sambit ko.
“Oo... at tatlong bala ang tumama sa katawan niya. Pero buhay pa rin igan! Iba talaga kapag masamang damo! At ang masaklap pa niyan ay iyong impostor na Marlon, ikaw ang pinagbintangan na nagpabaril kay Sophia. Isinisigaw pa niya na ikaw raw ang may pakana ng lahat dahil nagbitiw ka raw ng salitang papatayin mo siya!”
“Totoo bang pinagbantaan mo si Sophia?” tanong ni James sa akin.
“Diyos ko naman, Yak. Kaya ko bang pumatay o mag-utos na pumatay ng tao? Manok nga na kinakatay ni ayaw kong makita dahil naaawa ako, tao pa kaya? Dahil lang iyon sa matindi kong galit sa kanya. At wala akong balak na gawin iyon sa kanya!”
“Di ba may tinawagan kang Preso?” ang tanong naman ni Ricky sa akin.
“Wala iyon! Nakisuyo lang ako sa kanya na takutin lang si Sophia upang tumino na sana ang babaeng iyon. Pero never kong iniutos na ipapatay siya! Hindi ko magagawa ang pagpapatay ng tao yak...”
“Naniwala ako sa iyo...” sagot ni James.
“S-salamat.”
“Eh paano kung tinuluyan niya?” ang dugtong ni Ricky.
Bigla naman akong natigilan. May posibilidad naman din kasing mangyari ang sinabi ni Ricky. “Ah basta wala akong sinabing patayin niya si Sophia. At hindi iyon kayang pumatay ng tao dahil nasa loob pa ng bilangguan iyon!” ang pangangatuwiran ko na lang.
“Dalawin natin si Sophia Yak... i-explain natin sa kanya ang lahat.” Mungkahi ni James.
Hindi ako sumagot. Galit na galit pa kasi ako sa kanya dahil sa pagpapakulong niya sa akin at sa mga ginawa niyang pagpapasakit sa akin.
“Bakit?” ang tanong ni James noong hindi ako sumagot.
“P-pwede bang kayo na lang?” sambit ko.
“Dapat ay sumama ka Yak... para wala siyang masabi sa iyo, na wala kang itinatago.”
“Tama. At baka isipin pa nagtatago ka dahil guilty ka. O di kaya ay dahil nabuntis ka!” ang pagsingit ni Ricky.
“Gusto mong mabatukan uli ng baril?”
Agad naming ini-report ang lahat sa pulis. Kahit madaling araw iyon, pinunthan pa rin namin ang pinakamalapit na presinto. Nagpa-blotter kami at nanghingi ako ng report upang maipakita ko sa aming school. Test kasi namin at ang report na iyon ang aking ginawang rason upang mabigyan ako ng special exam. Ganoon din ang ginawa ni Ricky.
Noong mag alas otso na ng umaga, sa school naman kami nagpunta upang magpaalam ng special test. Sinamahan kami ni James.
Pinagbigyan naman kami ng school.
Pagakatapos sa school dumeretso na kami ng ospital. Naabutan namin si Sophia na nakahiga sa kama ng kanyang private room; may dextrose na nakakabit sa kanyang kamay, naka-damit pasyente. Napag-alaman naming hindi natamaan ang mga vital organs niya sa katawan kung kaya ay malayo siya sa kapahamakan.
“Sinuwerte pa talaga ang demonya!” bulong ni Ricky.
“Ligtas ka na raw sabi ng duktor.” ang sambit naman ni James kay Sophia.
Bakas sa mukha ni Sophia ang tuwa sa pagkakita niya kay James. “Saan ka ba nanggaling honey? Pagkatapos mo raw akong maihatid dito sa ospital ay umalis ka raw kaagad. At bakit kasama mo na ang mga hunghang na iyan?”
Nagkatinginan kami ni Ricky. “Hunghang ka raw!” ang palihim na pagbulong ni Ricky sa akin.
“Eh...” ang naisagot lang ni James na lumingon sa akin. Alam ko, nahirapan siya kung paano simulan ang pagpapaliwanag.
At hindi pa nasimulan ni James ang pagsasalita ay nakita na ako ni Sophia, “Bakit nandito ka? Di ba ikaw ang nagpabaril sa akin? Di ba siya honey? Di ba sabi mong siya ang may pakana ng lahat? Siya ang sabi mong nag-utos na barilin ako?” ang pilit na pagsigaw ni Sophia sa kabila ng kanyang mga tama.
“H-hindi siya honey.”
“Eh... Sino? Bakit ang sabi mo ay siya?”
“Nagkamali ako.”
“Sino nga?”
“Ang kambal ko.”
Na siya namang ikinagulat ni Sophia. “May kambal ka?”
“May kambal ka???” ang mahina at lihim naman na paggagad ni Ricky kay Sophia. Iyon bang naartehan at gigil na gigil.
“Oo... at sobrang galit nun sa akin.”
“No-no-no-no-no! Hindi ako naniniwala. Kung may kambal ka nga, hindi ang kambal mo ang nagpabaril sa akin. Iyan! Iyang sampid at mang-aagaw mong kasama ang nagpabaril sa akin upang ma-solo ka niya at maagaw ka niya sa akin!” ang pilit na pagsisigaw na ni Sophia.
“Hindi, Sophia. Nagkamali ka.” Ang mahinahong sabi ni James sabay lapit sa gilid ng kama ni Sophia at hinawakan ang kamay ng huli.
“At Sophia na lang ngayon ang tawag mo sa akin? Na-brainwash ka na talaga sa kanya!!!” turo sa akin at humagulgol na bagamat hinawakang mahigpit ang kamay ni James at niyakap ang braso nito. “Hindi mo na ako mahal. Sabi mo pa nga sa akin ay mag honeymoon pa tayo at bigyan kita ng maraming anak.”
“Ang sarap takpan ng unan ang bunganga nito! Ansarapsakalin!” bulong ni Ricky. “Sarap talagang patayin igan, pigilan mo ako!”
“Yakapin mo ako please...” dugtong pa ni Sophia kay James.
“Lukaret! Talipandas! Haliparot!” bulong uli ni Ricky.
Tumingin sa amin si James at nag-aalangang tumalima sa pagyakap kay Sophia.
Tahimik.
“Hindi nga si Jassim ang nagpapatay sa iyo Sophia.”
“Ayoko ngang maniwala! Siya ang salarin! Gusto niyang ipapatay ako!”
“At ikaw... di ba ikaw ang nagpapakidnap sa amin! Masama ka! At ikaw din ang nagpabilango kay Jassim at naglagay ng lason sa pagkain at pagbintangan siya upang makulong!” ang pagsingit naman ni Ricky.
“Sinungaling! Hindi totoo yan!”
“Bakit nasa iyo ang bracelet ni Jassim na nawala noong kinidnap kami!”
“Bracelet? anong bracelet ang pinagsasabi mo?”
“Iyong gold bracelet na nasa loob ng isang envelope sa drawer ng iyong opisina!”
Tiningnan niya si James. “Di ba ikaw ang nagbigay niyon sa akin honey?”
Nahinto si James. “W-wala akong natandaang ibinigay sa iyong bracelet...”
“Sinungaling ka talaga Sophia! Sinungaling ka!”
“Shut up! Bat ba kumakampi ka na ngayon sa mang-aagaw na iyan bakla! Sa akin ka nagsiserbisyo ah! Ako ang nagpapasuweldo sa iyo!” ang sigaw ni Sophia kay Ricky.
“Bakit? Amalayer? Amalayer???”
“Amalayer? Ano yan? Gusto mo sampalin kita? Di kita maintindihan!”
“Oh my God kuya! Shesalayer!” sabay baling kay James. At baling uli kay Sophia, “Yer a freakinlayer Miss! Amalayer! Amalayer? Answer me! Amalayer!” At talagang nag-emote si Ricky, ginaya ang isang insidente sa LRT na inapload sa internet.
“Ano bang pinagsasabi mo d’yan! Bakla. Nababaliw ka na ba?”
At bigla ring huminto si Ricky na parang wala lang nangyari. “Ay sorry, akala ko ikaw iyong guwardiya sa may Santolan LRT Station. Kasing hugis kasi ang katawan mo sa kanya.”
“Niloloko mo ba ako?”
“Hindi.” ang casual na sagot ni Ricky. “Ang ibig kong sabihin, matagal na akong pro J-J. Never akong naging pro J-S. Ewwwww!”
“Anong pro J-J? Anong pro J-S?”
“James-Jassim, James-Sophia. At Jassim-James ako.”
“Bukas na bukas, huwag ka nang pumasok sa restaurant dahil tanggal ka na!”
“Owww? Tingnan ko lang kung papayag ang union! Baka mawalan ka ng trabahante at mapasara pa ang restaurant mo. May kasunduan yata tayo.”
“Lumayas nga kayong dalawa dito! Dalhin mo iyang kaibigan mong mang-aagaw!”
“At itong kaibigan ko pa ngayon ang mang-aagaw? Baligtad talaga ang utak mo! Amalayer ka!”
“Wala akong paki! Alis na!”
“So ikaw ang nagpakidnap sa amin ano? At ikaw rin ang nagpalagay ng lason sa kusina dahilan upang mabilanggo ni Jassim ano? Anooooo?!!!”
“Tama na! tama na!” ang sigaw ni James.
“Lumayas kayo ditooo!!!” ang sigaw din ni Sophia. Kahit nasa ganoon siyang kalagayan, matapang pa rin ito. Palaban pa rin. Ayaw patatalo. “Ayaw ninyong umalis ha...” at may pinindot na siya.
Biglang pumasok ang nurse. “A-ano po iyon ma’am?” ang tanong ng nurse.
“Nasaan ba ang ang mga pulis na nagbabantay sa akin?”
“N-nag break lang po sila Ma’am...”
“Nagbreak?!!! Nandito ang killer ko, hayan...” turo sa akin, “Iyan ang mastermind sa pagpapabaril sa akin! Tapos nagbreak sila? Paano kung barilin ako uli niyan? Di namatay ako dahil sa pagbi-break nila! Ang tatanga naman!!!”
Nanlaki ang mga mata namin sa sinabi ni Sophia. Syempre, natakot ako. Hinid ko kasi akalaing may guwardiya pa talaga siyang pulis.
Tatalikod na sana ako at aalis upang hindi maabutan ng mga pulis na sinabi ngunit hinablot ni Ricky ang aking braso. “Hindi tayo puwedeng umalis. Baka isipin ni Sophia na tayo talaga ang may pakana ng lahat.”
Nalito ako sa pagkakataong iyon. Ngunit dahil naroon naman si James at Ricky kung kaya ay nagdesisyon na lang akong huwag umalis.
At hindi nga nagtagal ay pumasok ang dalawang pulis. “Ayan! Hulihin ninyo!” Ang sambit ni Sophia.
Walang pasabing hinarap ako ng dalawang pulis; pinosasan agad.
“Hindi po ako Sir! Wala po akong kasalanan!” ang pagmamakaawa ko.
“Huwag kayong maniwala sa kanya! Siya ang nag-utos sa gunman na nahuli ninyo na barilin ako. Siya ang utak sa pagpapatay sa akin!”
Tumayo si James at nilapitan ang dalawang pulis. “Hindi po siya ang nagpabaril kay Sophia, chief. Alam ko po kung sino.” Ang paliwanag ni James.
“Sa prisinteo na lang po kayo magpaliwanag bossing.” ang sagot naman ng mga pulis sabay kaladkad sa akin palabas ng kuwarto.
“Yak... paano na ito???” lingon ko kay James at halos nasa labas na ng pinto.
“Huwag kang mag-alala. Sasamahan kita.” sagot ni James na sumunod sa amin.
“Sasama na rin ako.” dugtong ni Ricky.
“Honey! Saan ka pupunta???!” sigaw ni Sophia.
Ngunit hindi siya pinansin ni James. Si Ricky ang lumingon sa kanya sabay sigaw ng pangungutya. “Amalayer!”
Nang dumating kami sa prisinto, kinunan na naman ako ng finger prints atsaka isinulat sa kanilang logbook ang pangalan ko. “May record ka na pala dito. Food poisoning ang dati mong kasalanan?” ang sambit ng pulis na in-charge sa record. “Paano ka nakalabas dito?” dugtong niya.
Nagulat naman ako sa tanong niyang iyon. Syempre, alangan namang sabihin kong may butas sa loob ng bilangguan nila. Kaya, “E... m-may nagpalabas sa akin eh. Wala naman daw akong kaso.” ang palusot ko na lang.
Tumango-tango ang pulis.
“Chief... p-puwede magpapyansa na lang para sa kanya?”
Tiningnan siya ng pulis na parang nabigla, sabay sabing, “O... kayo pala iyan bossing! Bata mo ba ito?”
“Yes Chief. Bata ko to... Pwede bang magpiyansa rito?”
“Puwedeng-puwede! Kayo pa!” ang sagot naman ng pulis. “Pero bukas naman ang korte ngayon, sa korte kayo magpiyansa para legal ang lahat.”
At iyon... pinuntahan naming ang korte at nakapagpiyansa kami. At nakauwi ako.
At dahil sa nangyari, sa bahay ni James na kami tumira pansamantala. Natakot kasi si James na balikan kami ni John at baka mapaano pa kami. Kaya dapat ay palagi siyang kasama naming ni Ricky. At pinaplano rin naming kung paano lusutan ang kaso ko.
Sa linggo na iyon doon kami ni Ricky umuuwi sa bahay ni James.
Masaya kung sa masaya kasi, parang isang tunay na pamilya talaga kami. Salitan kaming gumagawa sa gawaing bahay ni Ricky ngunit dahil hindi na ako nagtarabaho sa restaurant ni Sophia, kadalasan ako ang naghahanda ng pagkain namin, naglalaba, naglilinis ng bahay. Mistulang isang tunay na mag-asawang maituturing ang aming set-up ni James. Sa gabi nagsisiping kami, naghaharutan, naglalambingan at bago matulog, syempre, hindi nawawala ang sex.
At masayang-masaya ako. Doon ko napagtantong mahal na mahal ko siya, at ganoon din siya sa akin. Feeling ko ay wala na akong mahihiling pa sa buhay. Parang kami ni James ang nagpakasal at nagha-honeymoon. Parang gusto ko na lang tuloy na huwag nang maresolba pa ang kaso ko kung iyon pala ang dahilan upang magsama kami ni James.
Normal ang routine namin, pumapasok si James sa restaurant samantalang ako at si Ricky ay nag-aaral. May work nga lang din si Ricky sa restaurant at habang naroon sila ni James, ako naman ang taong-bahay.
Sa buong linggong iyon ay hindi ko na alam pa ang pangyayari sa restaurant.
“Igan! igan! May balita ako sa iyo!” ang sambit sa akin ni Ricky na kagagaling pa sa restaurant.
“Ano?”
“May World War 3 sa restaurant kanina!”
“B-bakit?”
“Nakalabas na kasi si Sophia at bumisita siya sa restaurant. At nag-away sila ni James!”
“Bakit sila nag-away?”
“Ito kasing si Sophia, nagalit. Kasi, hindi man lang daw siya binisita ni James sa ospital. At iginiit din niyang mag-asawa nga sila ni James dahil kasal na sila. Ngunit itinaggi naman ito ni James dahil nga ang kambal niya ang pinakasalan ni Sophia at hindi siya. Ayaw namang maniwala nitong si Sophia. Galit na galit. Bakit pa raw siya pinakasalan kung ganoon lang ang ipakita niya sa kanya. Hayun... sigaw nang sigaw ang demonya!”
“G-ganoon ba?”
“Oo! Ang tindi talaga ng babaeng iyon. Kalalabas lang ng ospital at parang wala lang nangyari! Parang may sumanib talagang masamang espiritu sa katauhan!”
“Paano na ngayon iyan? Nagsasama sila sa work tapos ganyang nang-aaway sila?”
“Aalis na raw si James igan...”
“H-ha? P-paano na si James?”
“Iyan nga ang mahirap eh. Pinangbantaan si Sir James na kapag aalis siya at iiwanan si Sophia, tatanggalin sa kanya ang lahat – trabaho, itong bahay, kotse. Kawawa ang prince charming mo.”
Mistula akong binagsakan ng langit. Kapag nagkataon kasi, kawawa naman si James. Saan siya titira, saan siya maghahanap ng trabaho, saan siya kukuha ng gastusin para sa pang-araw-araw na pangangailangan. Syempre, ano ba ang maitutulong ko...
Maya-maya ay dumating si James, malungkot na malungkot ang mukha. Ni hindi magawa ang pagpalit ng damit at maghubad ng sapatos. Deretso agad sa sofa at umupo na tila napakalim ng iniisp.
“A-anong nangyari Yak? N-nagkasagutan daw kayo ni Sophia?”
“Oo... at baka aalis na lang ako sa restaurant, Yak. Hindi ko na masikmura pa si Sophia...”
“A-ano ang gagawin mo kung wala ka nang trabaho?”
“Magsimula muli. Tamang-tama, uuwi muna ako sa Mindanao upang bisitahin ko ang aking mga magulang. At pagkatapos, hahanapin ko na ang aking kapalaran.”
Bigla akong nalungkot sa kanyang sinabi. Kasi... sigurado kapag nangyari iyon, magkalayo na naman kami. At baka may mangyari uli sa kanya o di kaya ay may ibang ititibok ang kanyang puso, tuluyang malimutan ako at hindi na makakabalik pa. “W-wala ka bang planong magkita pa tayong muli k-kung sakalign aalis ka? M-magsama?”
Tiningnan niya ako. Hinawakan niya ang aking kamay. “Syempre may plano ako para sa atin. Bahagi ka ng buhay ko. Ikaw ang tinitibok ng puso ko. Nagka-amnesia man ako, bumaligtad man ang aking alaala, naging bahagi ka sa dalawang mundo kong iyon. Ikaw ang hinahanap-hanap ng aking puso. Kahit magka-amnesia man akong muli, kahit saang ala-ala man bumaligtad ang aking utak, naroon ka pa rin. Ikaw ang hinahanap-hanap ng aking puso. Paano pa kita malilimutan niyan? Kaya, hindi kita hahayaang malayo sa akin.”
“Paano kung hindi ka na babalik?”
“Hindi mangyayari iyan yak. At kapag nangyari man iyan, ipangako mo sa akin na hahanapin mo pa rin ako.”
At doon na tuluyang pumatak ang aking mga luha. Ang hirap kaya ng mga pinagdaanan ko sa pagka amnesia niya.
“Maipangako mo ba yak?
At wala na akong nagawa kundi ang tumango. Ganyan naman talaga siguro kapag umibig ka. Masakit, mahirap, mabigat sa kalooban, ngunit dahil mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo kahit sa harap pa ng kamatayan.
Niyakap niya ako. Mahigpit. Lihim kong pinahid ang aking mga luha.
“Hindi ko kasi alam sa ngayon yak kung ano ang gagawin ko. Kapag nanatili ako kay Sophia, hindi naman papaya iyon na hindi ako titira sa kanya. Kaya mo bang makitang nagsisiping kami?”
“I-ikaw? Kaya mo ba?”
“Kung comfort ang pag-uusapan, maaari. Ngunit hindi ko kayang tingnan kang nasasaktan. Alam ko ang tindi ng pinagdaanan mo sa kamay ni Sophia. Ayokong magdusa ka pa.”
“M-maghihiwalay na naman tayo?”
“B-babalik ako sa Burol. Mag-aaply akong muli bilang isang security guard. Tamang-tama, gagraduate ka na rin... Pero hintayin ko munang matapos ang kaso mo, at ang graduation mo. Pilitin ko muna ang sariling pakisamahan si Sophia.”
Bigla ko ring naalala ang graduation. Parang mas lalo pa akong nalungkot. Kasi, magsimula na naman ako sa isang bagong yugto ng aking buhay at... hindi ko alam kung ano ang magiging kinabukasan ko at kung saan ako ilipad ng panahon. “Nalulungkot ako yak...” ang nasmbit ko na lang sabay sa paghigpit ko ng yakap sa kanya.
Hinigpitan din niya ang yakap niya sa akin. “Hayaan mo yak... malampasan din natin ang lahat ng ito.”
“N-natatakot kasi akong baka bukas, makalawa, mawala ka na naman sa piling ko. At ako... magsimula na naman ng panibagong yugto pagkatapos ng aking graduation. Sana kung saan man ako mapadpad, naroon ka rin. Ayokong mahilwalay pa sa iyo eh.”
“Huwag kang mag-alala. Dahil kahit saan ka man mapadpad, siguradong ipagtagpo pa rin tayo ng ating mga puso.”
“Atsaka ang kaso ko yak... habambuhay raw na pagkabilanggo ang maaaring ipataw kapag napatunayang ako ang nag-utos sa pagpatay. Natatakot din ako. Kapag nangyari iyan, paano na lang tayo?”
“Huwag kang matakot. Magaling ang nakuha kong abugado. Atsaka wala kang kasalanan, hindi ka dapat na matakot.”
“Makapangyarihan si Sophia...”
“Nasa panig tayo ng katotohanan. Tandaan mo iyan. Mahirap talunin ang katotohanan.”
Dumating ang araw ng takdang paglilitis sa kaso ko. Naroon sa korte ang lahat na involved. Si Sophia, ang mga abugado namin, si James na sa tabi ko umupo, si Ricky, mga supporters namin, at ang mga testigo.
Tinawag ang unang testigo nina Sophia, ang mismong taong bumaril sa kanya. Hindi ko pa nakita ang taong nasabi gawa ng nakakulong na raw ito. Ang pagkakalam ko, ang abugado namin ang nakikipag-usap sa kanya.
Ngunit laking gulat ko noong umupo na ito sa witness stand. Siya ang presong tumulong sa akin na siya ko ring tinawagan upang takutin si Sophia!
Bigla akong nakaramdam ng takot. Ramdam ko ang malakas ng kabog ng aking dibdib.
“Dito sa korteng ito, masasabi mo bang nandito ang taong siyang nag-utos sa iyo upang barilin si Sophia Soriano?”
At lalo pang lumakas ang kabog ng aking dibdib nang sumagot siya ng, “Opo, your honor...”
At noong tinanong pa siya ng huwes ng “Puwede mo bang ituro sa amin kung sino sa narito ang nag-utos sa iyong barilin si Sophia Soriano?”
Pakiramdam ko ay nagdilim ang aking paningin noong itinuro na niya ang nasabing tao. “Siya po your honor...”
Ako ang kanyang itinuro.
“Hindiiiiiiiiiiii!!!”
itutuloy...
No comments:
Post a Comment