Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.

Thursday, April 30, 2015

STORY: BOOK 1 - Love Me Like I Am [13]

Para akong naalipin sa isang napaka-lakas na kapangyarihan sa mga oras na iyon. Hindi ko akalain na ang napaka-gwapong kagaya niya, napaka-bait, napaka-caring, at taong minamahal ko ay hahalikan ako. Sobrang init ng kanyang mga labi. Sobrang sarap na hindi mo maipaliwanag. Alam ko sa mga oras na iyon, MALI!! Mali ang nangyari at gusto kong itigil yun. Pero ang kontrabida kong puso ay sumisigaw na ituloy ito, idiin, yakapin siya at angkinin sa gabing iyon.
Makalipas ang may higit sampung minutong paghahalikan namin ay nagkaroon na ako ng lakas upang kumawala sa kapangyarihang taglay niya. Bumitiw ako at sabay tulak sa kanya palayo.
KUYA JARED: “Ano?? Alam mo na ang sagot ha?? Alam mo na kung sino ang mahal ko!?!?” ang medyo malakas niyang sabi.
Hindi naman ako nakapagsalita sa nadinig ko at ginawa niya. AKo? Mahal niya? Ano nanaman ang trip ng g*gong ito?
KUYA JARED: “Bakit hindi ka magsalita ngayon ha??” ang sigaw niya sa akin.
AKO: “Yan ba ang pinag-iinit ng ulo mo ha?” ang nasabi ko na lang na nahihiya pa rin.
KUYA JARED: “Oo.. kasi mahal kita Gab.. Mahal na mahal kita..” ang seryoso ngunit medyo malambing niyang pagkakasabi. Aayyyiiee!! Hehehe.
AKO: “Jared, alam mong hindi---“ hindi ko natapos dahil bigla siyang nagsalita.
KUYA JARED: “Isang tanong isang sagot Gab, MAHAL MO BA AKO? Higit sa isang kaibigan?” ang seryoso niyang tanong.
AKO: “Jared please, I don’t want---“ hindi nanaman ako natapos.
KUYA JARED: “Isang sagot lang Gab ang gusto kong madinig. Oo o Hindi. MAHAL MO BA AKO higit pa bilang Best Friend mo? Mahal mo ba ako HIGIT PA SA ISANG KAPATID?” ang biglang pagtaas niya ng boses.
Ngunit imbis na sagutin ang tanong niya ay natahimik ako at biglang pumatak ang luha sa mga mata ko.
KUYA JARED: “Tangina Sagutin mo ako!! Mahal mo ba ako o Hindi?” sabay hawak ng madiin sa mga balikat ko, kasabay ang pagtulo ng kanyang luha.

AKO: “The Hell you Care!!! Wala na rin namang mangyayari kung sabihin ko kung mahal kita o hindi ehh. Lalaki ka.. at lalaki din ako Jared.. Please lang, wag mong sirain ang pagkakaibigan natin. Ikaw ang pinakamahalagang bagay na nangyari sa buhay ko. Ayokong ang lintik na pagmamahal na yan ang sisira nun.”
Nang akmang aalis na ako ay bigla naman niyang hinawakan ang braso ko at..
KUYA JARED: “Isang sagot lang Gab, Mahal mo ba ako?? Oo o Hindi..”
Awang-awa na ako sa itsura niyang iyon. Gusto kong sabihin na mahal na mahal ko siya higit pa sa buhay ko. Pero alam kong walang kahahantungan ang lahat, dahil sa mata ng tao at mata ng lahat; MALI ANG PAG-IIBIGAN NAMIN.
Ngunit dahil mas matimbang ang pagmamahal ko sa kanya kesa sa takot at pangamba ko,
AKO: “Oo Jared, MAHAL NA MAHAL KITA. Sobra!! Mahal na Mahal kita Jared, ikaw ang unang nagpatibok ng puso ko… Ikaw ang unang taong minahal ko ng ganito.” Ang nanginginig at humahagulgol kong sabi.
Kitang-kita ko naman ang pagbabago ng kanyang mukha, mula sa galit ay napawi ito at naging maamo.
At pagkatapos noon ay muli niya akong hinalikan. Mas mainit at mas nag-aalab. Ramdam kong ang halik niyang iyon ay punung-puno ng pagmamahal.
Grabe ang araw na iyon, ang araw an iyon ay araw ng pagkakapanalo namin sa contest. Iyon din yung araw na pinagtapat niya sa akin ang pagmamahal niya, at sinagot ko ang pagmamahal niyang iyon ng isang matamis na OO.
Ano pa ba ang nangyari after that? Edi KAMI NA!! Hehehe. Although nandito pa rin ang takot sa maaaring mangyari sa amin; ang magiging reaction ng mga tao, kaibigan, at syempre pamilya. Pero sa mga sandaling iyon, nawala ang pangamba ko at wala na akong pakielam kung ano pa ang maaring mangyari at isipin ng iba.
Dumaan ang araw, linggo, at buwan. Malapit na ang Graduation namin. At teka lang ha!! Para sa mga taong iniisip kung may nangyari na sa amin, EXCUSE ME!! VIRGIN PA RIN AKO NUH!! As in total VIRGIN!! Pwera lang yung labi.. Hehehe. Wala pang nangyayari sa amin beyond hugs and kiss. Kahit madalas pa kami magkatabi matulog, WALA!! PROMISE!! Lumubog man ako ngayon. Hehe.
Anyway, isang linggo na lang bago ang Graduation namin noon ay nagpunta kami ni Jared sa Bay Walk para tumambay at panuorin ang paglubog ng araw.
KUYA JARED: “Napakaganda dito nuh tol?”
AKO: “Oo Nga ehh.. Sobrang payapa ng dagat.. at ang araw ay napakaganda..”
Tumingin ako sa kanya at nakita ko siya na nakatitig sa akin. At sinabi niyang..
KUYA JARED: “Pero masmagandang pagmasdan ang mukha mo.”
AKO: “Naku! Nanloko nanaman.. Topak ka talaga..” sabay batok sa kanya.
KUYA JARED: “Hahaha!!”
AKO: “Baliw”
KUYA JARED: “Di rin..”
AKO: “Oo rin..”
KUYA JARED: “Si Gab Mahal ko!!”
AKO: “Ano yun ulit?” ang pagmamaang-maangan kong tanong sa kanya.
KUYA JARED: “Wala.. sabi ko ang cute mo..”
AKO: “Alam ko.. hehe..”
KUYA JARED: “Ang mahal kong si Gab!!” ang pasigaw niyang sabi kahit may tao na naka-istambay pa doon.
AKO: “Alam ko!!!” ang banat ko na natatawa.
At singbilis ng kidlat ay hinalikan niya ako sa labi. Waahh!! Grabe kinikilig ako!! Nyahaha..
AKO: “Ikaw ha.. Nakakailan ka na ngayon..” ang sabi ko sa kanya.
KUYA JARED: “Bakit? Anong masama? Eh mahal naman talaga kita.” Sabay ngiti na nakaka-gago.
AKO: “Naku! Jared Earl Cruz, Wag mo akong sasanayin ng ganito.. Baka mabaliw na ako at… at.. (sabay tingin sa kanya..) baka hanap-hanapin ko..” ang umiiling kong sabi at biglang tingin sa dagat.
At linapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
KUYA JARED: “Edi masanay ka.. Wala naman akong balak na itigil ito ehh..” sabay ngiti na nakaka-akit at nakakagago.
AKO: “Naku!! Mamaya niyan magising na lang ako, meron ka na palang iba.”
KUYA JARED: “Hindi mangyayari yun..”
AKO: “Anong hindi? Eh paano kung dumating ang araw na mag-aasawa ka na??” ang seryoso kong tanong..
Imbis na sagutin ang tanong ko ay tinitigan niya ako ng matagal. Siguro mahigit isang minuto ang titig niyang iyon ng..
KUYA JARED: “Tol tandaan mo na kahit anong mangyari, nandito ka sa puso ko. Kung dumating man ang panahon na mag-aasawa ako, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita at hinding-hindi magbabago iyon.”
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko sa mga sinabi niyang iyon. Oo sobrang saya ko pero at the same time, may lungkot at takot din akong nararamdaman. Paano nga kaya kung dumating ang oras na iyon? Ang oras na dapat siyang ikasal? Ewan ko.. Bahala na si Batman.. Pero iniisip ko pa lang na mangyayari yun, sobrang sakit na..
AKO: “Hindi magbabago? Paano yun? Eh may asawa ka na nga tapos mahal mo pa rin ako?” ang pagkontra ko sa sinabi niya.
KUYA JARED: “Basta Gab.. Yun ang alam ko. Kahit anong mangyari, mahal na mahal kita... And it will never change dahil nakaukit ka na dito sa puso ko.”
Napaluha ako sa mga binitwan niyang salita. Yinakap ko siya ng sobrang higpit. Hindi alintana sa amin kung meron mang makakita na nagyayakapan kami dahil mahal ko yung tao at wala akong pakielam sa iisipin nila.
Maya-maya napag-usapan naman namin ni Kuya ang tungkol sa college.
KUYA JARED: “Hhmm.. Tol, saan ka ba mag-aaral?”
AKO: “Sa ************”
KUYA JARED: “Teka nga!! Mahal dun ahh.. Nakapasa ka ba?”
AKO: “I’ve received a letter from the school, at nakapasa ako.. Bakit? Hindi mo pa ba natatanggap yung letter mo dun?”
KUYA JARED: “Natanggap ko na.”
AKO: “Oh.. ano yung resulta?”
KUYA JARED: “Passed..”
AKO: “Oh.. Yun naman pala ehh..”
KUYA JARED: “Tol, sobrang mahal dun.. Alam mo naman na hindi kakayanin ng nanay ko ang tuition doon. Eto ngang pag-aaral ko ngayon ehh.. Gapang na.. Paano pa kaya sa iskwelahan na yun..”
AKO: “Jared, tutulungan ka namin..”
KUYA JARED: “Huh?”
AKO: “Oo.. Kakausapin ko si Papa at Mama na pag-aralin ka sa school na papasukan ko..”
KUYA JARED: “Gab, Wag mong gawin yan.. nakakahiya sa mga magulang mo.. Sobra-sobra na ang naitulong nila sa akin at sa nanay ko.. Ok na ako na maka-graduate ng High School..”
AKO: “Ehh paano na ang college mo?”
KUYA JARED: “Mag-iipon muna ako bago ako mag-college.. Hindi talaga kaya ng nanay ehh..”
AKO: “Eh Teka!! Di ba nakapasa ka naman sa lahat ng pinag-examan mo? I-take mo yun kuya.. Sayang..”
KUYA JARED: “Wala nga kaming pera..”
AKO: “Kaya ka nga namin tutulungan ehh..”
KUYA JARED: “Tol Please lang.. ayokong humingi pa ng pera mula sa inyo.. Nakakahiya na.. Gusto ko sa amin ng nanay manggaling ang ipang-aaral ko..”
Kinulit ko siya ng kinulit tungkol doon ngunit sadyang mapilit si Kuya.. Ayaw niyang tanggapin ang tulong mula sa amin. Well, may naisip akong paraan.. Hehe..
-------------------
Kinabukasan, Lunes noon and since completing of requirements na lang naman ang week na iyon ay free na ang time namin. Pero tama nga ata ang kasabihang “Expect the unexpected”. Dahil isang malaking pasabog ang bumungad sa amin ni Kuya Jared pagpasok namin ng campus.
AKO: “Kuya, bakit parang lahat ng tao na nakakasalubong natin ay nakatingin sa atin. At yung iba pa sa kanila masama ang tingin sa akin.
KUYA JARED: “Di ka pa ba nasanay? Ang gwapo ata ng kasama mo..” ang pagbibiro niya.
AKO: “Pero bakit may halong irap pa?? Ano yun?? Tapos yung iba pa sa kanila parang kakainin ako ng buhay kung tumingin ehh..”
Hindi pa nakakasagot si Jared ng..
ELLA: “Gab!! Jared!! Buti nakita ko kayo agad!! Halika may ipapakita ako sa inyo!!”
Dali-dali naman kaming sumunod ni Jared. Ewan ko pero kinakabahan ako sa nararamdaman ko. Hindi naman kasi kami hahatakin ni Ella kung hindi importante ehh. Dinala kami ni Ella sa may Bulletin Board at laking gulat ko sa nakita ko; Picture namin ni Jared na kinuhanan kahapon kasi ang lugar ay dun sa may Bay walk at ang masaklap pa ay picture na ang sweet-sweet namin; Magkayakap, magka-akbay, holding hands, at ang pinaka-matindi ay ang “Steal kiss” sa akin ni Jared ay nakuhanan din. Nakita ko rin na merong nag-vandalize ng dingding ng school at ang mga nakasulat ay “Gab is a bitch”, “The Slutty Gab Reveals”, “The Ewwyyy Relationship” at kung anu-ano pa mang masasakit na salita ang nandoon.
Hindi ako nakakibo o nakapagsalita sa nakita ko. Kitang-kita ko naman na ang mga studyanteng umuusisa doon ay nakatingin sa amin ni Kuya at ang sama ng tingin nila sa akin.
KUYA JARED: “Sino ba ang gumawa nito??”
ELLA: “Hindi ko alam!!”
KUYA JARED: “Alam na ba ni Ely ito?”
ELLA: “Oo at nung makita nya ay nagulat din siya at nagtatatakbo palayo.”
KUYA JARED: “Sino ba kasi ang may gawa nito?? At bakit parang sa mga naka-sulat dito ay si Gab pa ang pinupuntirya??”
AKO: “Isa lang naman ang may kayang gumawa sa akin nito ehh.. At isa lang din naman ang bitter at hindi makakatanggap ng sa amin ni Jared..”
ELLA: “Sino??”
Hindi pa ako nakakasagot ng biglang..
STEPH: “Wow!! Here comes the Slut!! The MOST DISGUSTING, and EEWWWYY being I had encountered in my entire life!!” ang patama niya sa akin.
MGA ALIPORES NI STEPH: “EEEEEEEWWWWWWW!!!!!!!!!!”
Ngunit may dumating.. Ang tagapag-tanggol namin..
ELY: “Ano bang gusto mo Steph??” ang mataray niyang sabi.
STEPH: “Oh!! Bakit?? Wala naman akong ginagawang masama ahh.. Yang malanding bakla na yan ang may ginagawang masama, may ginagawang kalandian, may ginagawang kapok-pokan!!” ang dire-diretso niyang sabi.
ELY: “Hoy Bruha ka!! Manahimik ka ahh!! Wag na wag na wag na wag mong pagsasalitaan si Gab ng ganyan!! Ano bang problema mo ha?? At bakit mo ginawa ito sa kanila??”
STPEH: “Aba!! Wala akong ginagawang masama, At hindi ako ang nag-post nitong mga ito noh!! Ewan ko ba kung sino ang may gawa niyan!! At bakit ha?? Hindi ba haliparot yang bakla na yan ha?? “ ang pagduro niya sa akin.
ELY: “Talagang hindi ka titigil ha!!” at maya-maya ay kinuha niya ang isang picture na pinost nila doon at nginudngod sa mukha ni Steph!!”
STEPH: “Hay*p ka!!” ang sigaw nito
Ngunit bago pa man makaganti si Steph ay kinuha ni Ely ang basurahan na malapit lang doon at inihagis kay Steph at sa mga Alipores nito.
STEPH: “Tang*na mo talagang babae ka!!!” At hinablot niya ang buhok ni Ely ngunit nanlaban si Ely.
At biglang nakigulo na din ang mga alipores ni Steph para pagtulungan si Ely, pero ng papalpit na sila ay lumapit si Jared at sumunod ang ibang mga studyanteng fans ni Kuya Jared! Hahahaha!!! Ano ang nangyari?? Gulo!! Rambulan!! Riot!! At ayun ang nangyari. Kami ni Ella ay pilit na pinapatigil ang mga studyante
Maya-maya sa kalagitnaan gulo, habang pumapagitna kami ni Ella para pigilan ang mga studyante ay nakita kong binato ni Steph ang isang bato at tumama ito sa ulo ko. Sa pagkakataon iyon ay bumagsak ako at umikot ang paningin ko, naramdaman ko na lang na may kumarga sa akin at ng lingunin ko ito ay si Kuya Jared ang taong iyon, yun na rin ang huli kong natandaan.
“Gab.. Gab.. Gab.. Ano nararamdaman mo??” ang tawag at tanong sa akin ng isang lalaki.
Pagdilat ng mata ko ay kaagad kong nakita ang mukha ng taong mahal ko.
KUYA JARED: “Ok ka lang ba Gab?? May masakit ba sa iyo??”
AKO: “M-medyo masakit lang ang ulo ko.. Teka!! A-ano ng nangyari??”
ELLA: “Pagka-bagsak mo ay binuhat ka ni Jared at kasabay noon ang pagdating ng Discipline Officer, Guards at Guidance Counselor. Si Jared ay dumiretso dito sa clinic samantalang ako naman ay sinamahan si Ely sa office. Habang nandoon ay diniin si Ely nila Steph at ng mga alipores nito. Buti na lang ang mga supporters ni Jared ay nandoon at sinabi na si Steph nga ang nag-umpisa ng gulo at nagvandalize pa sa Bulletin Board ng school at school walls.”
AKO: “Ano pa nangyari Ella??”
ELY: “Dahil nga nagkakagulo na, ang grupo ni Steph ay todo deny and since wala namang matibay na ebidensya na si Steph nga ang may kagagawan ng lahat..”
AKO: “Ano Ella?? Anong nangyari??”
ELLA: “H-h-h-hindi pasasamahin sa graduation at m-m-matatanggalan ng award si Ely and Steph kasama na yung mga taong nakigulo.”
AKO: “So Kuya kasama ka doon?? M-m-mawawala yung awards and scholarship mo??”
KUYA JARED: “Oo tol..” ang malungkot niyang sabi.
AKO: “Si Ely nasaan?”
ELLA: “Hindi ko alam ehh pagkatapos ng pag-uusap kanina ay nagpaalam na sa akin at umuwi..”
Sa oras na iyon ay hindi ko na kinaya ang galit na nagsusumigaw sa dibdib ko. Gustong-gusto ko ng sugurin si Steph at awayin siya. Gusto kong ipamukha sa kanya ang lahat-lahat ng kasalanan na nagawa niya kay Ely, kay Ella, kay Jared, at sa Akin. Sa oras na ito, hindi matanggap ng puso ko ang hataw na si Ely at Jared ay mawawalan ng award at hindi pa daw pasasamahin sa graduation. Kailangan ko ng tumayo para sa mga kaibigan ko, kailangan ko na ding ipagtanggol ang sarili ko. Kailangan ko ng lumaban.
At ayun na nga, tumayo ako sa pagkaka-higa.
KUYA JARED: “Gab.. Mamaya ka na tumayo..”
AKO: “Hindi kuya.. Kaya ko na.. At m-m-may pupuntahan lang ako..” at dire-diretso ako lumabas ng clinic.
Napansin ko din na merong gasa na nakadikit sa ulo ko senyales na merong sugat ito. Hindi ko na lang ito pinansin at tumakbo ako palayo at hinanap si Steph.
Habang naglalakad ako ay nag-flash back isa-isa sa isip ko ang mga eksenang nangyari sa amin. Ang mga bagay na ginawa niya sa akin.
=====FLASH BACK=====
Habang nagrereport ako sa harap ng klase.
STEPH: “That’s what you called a report?? Because for me it’s a TRASH a BIG TRASH!!!”
At nagtawanan ang mga kaklase ko na alipores niya.
=====FLASH BACK=====
STEPH: “Gab, Kinuha ko itong drinks para sa iyo..”
AKO: “Salamat Steph..”
At tinapon niya ang Juice sa mukha ko..
STEPH: “Hahahaha!! Kinuha ko yan para ibuhos sa iyo!!! Ahahahaha!!!” At sabay siyang umalis palayo..
At iniwan niya akong umiiyak na nakatayo.
=====FLASH BACK=====
Pinilit ng grupo nila Steph na ako ang magpresent sa isang program sa school. Sinabi lang nila na meron lang daw akong babasahin sa harap na maiksi lang. Ngunit ng mag-uumpisa na ako magsalita ay bumagsak ang mga design sa likod ng stage at nagulat ako na merong lata ng pintura na nandoon at tumapon sa akin.
STEPH: “All Bow down to the GREAT CLOWN!!” ang sigaw niya.
Nagtawanan naman ang lahat ng mga tao.
Tumakbo ako sa backstage at doon umiyak. Ngunit wala pang 1 minuto ay..
STEPH: “Pinagpawisan ka ba??” ang sabi niya sabay bato sa akin ng maduming basahan.
STEPH (ulit): “Sorry ha.. Hindi naman kasi namin kasalanan yung nangyari ehh.. Yung pintura na yun kasi gagamitin yun sa susunod na mag-ppresent at ayun nga biglang tumapon naman sa iyo.. Tsk! Tsk tsk! Kawawa ka naman..” ang sabi niya na parang inosente sa nangyari.
STEPH (ulit): “At pasensya na din ha? Kasi isang basahan lang ang kaya kong ibigay sa iyo bilang sorry ko.. Kasi yan lang ang level mo.. isang maruming basahan.. Ahahahaahaha!!!” sabay tawa ng demonyo at umalis.
=====FLASH BACK=====
Naalala ko rin ang eksena noon sa clubhouse nila Ely kung saan pinagtulungan nila ako. Eto yung araw na nakilala ko si Kuya Jared..
STEPH: “Hhhmm.. Since you’re here na rin naman, Why don’t you get me some food and drinks?”
AKO: “uuhhh.. Ok” ang sagot kong tatanga-tanga.
Nang kinuha ko siya ng juice at pagkain ay sinadya nyang banggain ako at tabigin ang mga hawak ko para bumuhos sa akin lahat yun.
STEPH: “OH MY GOD!! Ano ba yan!! Ang tanga-tanga mo talaga!! Buti sana kung sa iyo lang lahat yan tumapon eh pati ako natapunan eh!! Tanga-tanga mo talagang bobo ka!! Don’t you know that my blouse and my jewelries are more expensive THAN YOUR LIFE?? Bobo!! Wag kang magkalat ng Ka-bobohan mo dito!!” Sabay sampal at sabunot sa akin.
Hindi pa siya nakuntento at ang iba pa niyang mga kaibigan ehh kinuha ang mga inumin nila at binuhos lahat sa akin.
=====FLASH BACK=====
Naalala ko rin yung pag-ambush at pambubugbog sa niya sa akin kasama ng mga alagad niya dahil sa inaagaw ko raw si Kuya Jared sa kanya.
AKO: “Ano ang gagawin niyo sa akin??? Steph!! Itigil mo na ito!! Maawa ka!! Wala akong ginawang MASAMA!!” ang pagmamakaawa ko..
Ngunit sumagot siya ng..
STEPH: “MAGDUSA KA!!!”
At isang malakas na halakhak na parang demonyo ang nadinig ko kay Steph.
=====FLASH BACK=====
At kanina.. ang pagpapahiya na ginawa niya sa akin..
STEPH: “Wow!! Here comes the Slut!! The MOST DISGUSTING, and EEWWWYY being I had encountered in my entire life!!” ang patama niya sa akin.
MGA ALIPORES NI STEPH: “EEEEEEEWWWWWWW!!!!!!!!!!”
---
STEPH: “Oh!! Bakit?? Wala naman akong ginagawang masama ahh.. Yang malanding bakla na yan ang may ginagawang masama, may ginagawang kalandian, may ginagawang kapok-pokan!!” ang dire-diretso niyang sabi.
=====PRESENT TIME=====
Hindi ko napigilang lumuha at humagulgol. Ngayon nagising na ako sa katotohanan na sobra-sobra na ang mga ginawa nilang pang-aalipusta sa akin. Sobra-sobra ng pagpapahirap ang ginawa nila sa akin. Para akong isang laruan na pinagtatawanan nila at pinag-kakaisahan.
“Tao ako!! Hindi ako Laruan!!” ang sigaw ko sa isip ko.
Maya-maya nakita ko siya na naglalakad kasama ang ilan sa mga alipores niya. Hindi ko alam pero ang lakas ng loob ko, pinunasan ko ang luha ko, tumayo at naglakad palapit sa kanila. Habang naglalakad ako ay nabuo ang isang plano sa isip ko at ang planong ito ang alam kong tanging solusyon para maging tama ang mali para ma-abswelto ang walang kasalanan na si Ely at Kuya Jared.
“Camera pala ang labanan ha.. Picture pala ha.. Pwes mas matinding ebidensya ang gagawin ko..” ang galit na sabi ko sa sarili ko.
Nagdala ako ng Camcorder ng araw na iyon, kasi alam ko na mag-rerecord ng video si Ely ng kung anu-anong trip niya. Kaya ngayon naisipan kong gamitin ito laban kay Steph. Bago ko pa man lapitan si Steph ay siniguro kong handa na ang lahat, ang dala kong Camcorder ay nasa loob ng bag ko at slightly naka-bukas ang zipper ng bag. Dahil nga nakabukas ang zipper ay nakatapat ang lens nito sa kung sino man ang kausap ko.
Bago ako lumapit ay pinindot ko ang start button at ng makalapit na ako kay Steph ay..
AKO: “Steph!!” ang seryoso kong sabi.
STEPH: “Ohh!! Anong ginagawa mo dito?? Bakit?? Lalaban ka na ha??” ang sabi niya sabay pandidilat ng mata.
AKO: “Pwede ba tayo mag-usap?? Yung tayo lang dalawa??”
ALIPORES 1: “Bakit ayaw mong iparinig sa amin?? Tungkol ba yan sa mga pinost namin ha??”
ALIPORES 2: “Oo nga!!”
Sa isip ko ay natuwa ako dahil doon pa lang ay huli na sila agad.
STEPH: “Sssshhh!!! Sige na.. Mauna na kayo, I’ll deal with this one.. Kaya ko ito.. Alam ko namang Makita lang ako nito ay kikilabutan na siya ehh..” ang pagyayabang niya.
At umalis nga ang mga kasama niya. Ako at si Steph lang ang natira sa lugar na iyon. Sa oras na ito, medyo kinakabahan pa rin ako pero mas nanaig ang tapang ko na dapat harapin ko na siya.
AKO: “Steph umamin ka nga.. Ikaw ba ang nagpost ng pictures namin sa Bulletin Board?? Ikaw din ba ang nag-vandalize ng dingding ng school??” ang sunod-sunod kong tanong.
STEPH: “Gusto mong malaman ang totoo?? Oo ako nga.. Oh ano naman ngayon?? May angal ka ha??” ang mataray niyang sabi.
AKO: “Bakit mo ba ginawa iyon ha??”
STEPH: “Simple lang Gab.. I want Jared!! That’s it!! And I don’t care kung mawalan ako ng awards or hindi ako isama sa marching ng graduation, basta ang importante ay mapasa-akin si Jared oh ano? Angal ka ha??”
AKO: “Yun lang ba Steph?? Kaya mo ba ginawa yan dahil kay Jared ha?? Kaya mong matiis na merong mga taong natanggalan ng awards para lang makuha ang gusto mo?? Kaya mong maatim na merong taong matatanggalan ng scholarship dahil sa iyo?? Kaya mong masikmura na merong taong hindi nasama sa marching dahil sa pinaggagawa niyo??” ang dire-diretso kong sabi.
STEPH: “OO!! Kaya ko!! At kayang kong gawin ang lahat Makuha lang ang gusto ko!! Defeat is not in my vocabulary Gab, at hindi ko yun matatanggap lalong lalo na sa isang kagaya mo na Clown!!” ang sigaw niya.
At pagkatapos noon ay pasimple kong pinindot ang stop button.
“Success!!” ang sabi ko sa isip ko.. Sapat na ang ebidensyang nakahanan ko. Pero di pa tapos ang lahat..
AKO: “Clown?? Hindi ako laruan Steph.. All my life ginawa niyo akong katawa-tawa, pinahiya at pinagkaisahan sa harap ng maraming tao.. Pero di na ako papayag ngayon na apak-apakan niyo lang ang pagkatao ko..”
STEPH: “WOW!! So ano?? Lalaban ka na ha?? Ha!!” at kasabay noon ang pandidilat at panlilisik ng mata niya sa akin.
AKO: “Wag mo akong pilitin Steph..” ang sagot ko lang.
STEPH: “Ahh Ganoon!! Sige!! LUMABAN KA!! WAG MONG PIGILIN YANG SARILI MO!!” ang sigaw niya kasabay ng pagtulak niya sa akin na ikinabagsak ko sahig.
Ngunit malakas na ang loob ko ngayon, tumayo ako at..
AKO: “Noon pa man, Hindi ko alam kung bakit galit na galit ka sa akin..”
STEPH: “Hindi mo alam??? Hindi mo alam kasi TANGA KA!! KASI BOBO KA!! KASI INUTIL KA!!” ang dirediretso niyang sigaw sa akin at hawak ng madiin sa panga ko.
Ngunit tinabig ko ng malakas ang kamay niya at sinabi ko..
AKO: “Hindi ako tanga Steph, hindi rin ako bobo, at hindi rin ako inutil..”
STEPH: “So Ayan!! Linalabas mo na ang sungay mo!! Wow!! Ano?? Kaya mo na ako ha?? Alam ko naman dati pa ehh na naiingit ka sa akin!! Kasi lahat ng attention ng tao nasa akin, lahat ng tao nahuhumaling sa akin, eh sa iyo?? Wala!! You’re just Clown, you’re no one.. And YOU’LL DIE LIKE THAT!!”
STEPH (ulit): “At isa pa, sa sobrang desperado mo ay linandi mo si Jared, hindi mo ba alam na nakikisakay lang siya sa kalandian mo ha? Dyan sa kapok-pokan mo? Ako ang totoong gusto niya, ako ang mahal niya, inutusan ko lang siya para landiin at saktan ka!! Tignan mo, ni hindi ka nga niya maipagtanggol kanina di ba? Hindi nga niya mapanindigan ang relasyon niyo! Kailangan mo pang isang Elyana para lang merong magtanggol sa isang kagaya mo. Nako! If I know! Enjoy na enjoy ka sa pambababoy na ginagawa sa iyo ni Jared!” ang dire-diretso niyang sabi.
Sa puntong iyon ay hindi ko na kinaya ang mga sinabi niya. Sobra na talaga, kaya bigla kong naihampas ang librong hawak ko ng oras na iyon na kasing kapal ng isang Encyclopedia, at ito’y tumama sa pagmumukha ni Steph. Naihampas ko iyon sa kanan niyang mukha at pagkatapos noon ay sa kaliwa naman niyang mukha tumama ang libro at nabitiwan ko ito. Hindi agad nakakilos si Steph sa ginawa ko gawa ng makapal at malaking libro ang tumama sa kanya. Hinablot ko ang buhok niya at inuntog ko siya sa pader. Pagkatapos noon ay mabilis na sinipa ni Steph ang isang binti ko at dahil doon ay nabitiwan ko siya. Nang gaganti ng sampal si Steph ay nahawakan ko ito at imbis ay sinampal ko siya ng tatlong beses na magkakasunod. Sa ikatlong sampal ko ay lumagapak siya sa semento.
AKO: “Para yan sa lahat-lahat ng ginawa mong kasalanan sa amin!!” ang sigaw ko sa kanya habang tumutulo ang luha ko.
At pagkatapos noon ay pinulot ko ang librong inihampas ko sa kanya at umalis. Iniwan ko siyang naka-upo doon, tulala at namumula ang magkabilang mukha.
Habang naglalakad ako ay swerte ko naman at nakita ko si Kuya Jared at Ella.
ELLA: “Gab! San ka ba galing?”
AKO: “May tinuruan lang ng leksyon.. Tara, pumunta tayo sa office at may ipapakita ako sa kanila.”
KUYA JARED: “Gab, san ka nga galing??”
Habang papunta kami sa Office ay kinwento ko sa kanila ang nangyari.
KUYA JARED: “Ginawa mo iyon tol??”
AKO: “Oo.. Kuya, hindi ko na masikmura yung ginawa niya, hindi ko na kaya na pati ikaw, at si Ely ay dinamay niya. Alam ko na-dedepress si Ely ngayon.”
KUYA JARED: “Gab, dapat hindi mo na pinatulan pa iyon!!”
AKO: “Ella.. Pwede pakibigay ito doon sa office, susunod kami ni Jared..”
ELLA: “Ok..” sabay kuha nung camcorder at umalis.
AKO: “Jared.. Mahal mo ba ako??”
KUYA JARED: “Ano ba namang tanong iyan Gab?? Oo mahal kita..”
AKO: “Kung mahal mo ako, bakit pinagtatanggol mo pa yung Steph na iyon ha?? Alam mo, sa inaakto mo ngayon parang gustong mainwala ng utak ko sa sinabi ni Steph na hindi ako ang mahal mo kundi siya, dahil hindi mo ako magawang ipagtanggol. At sa nakikita ko, mas kinakampihan mo pa siya kesa sa akin!” sabay patak ng luha.
KUYA JARED: “Gab, sinasabi ko lang, don’t stoop down to her level. Hindi mo dapat siya pinatulan, alam mo nagmukha ka lang mababa sa ginawa mo. Pina-mukha mo lang sa lahat na tama sila na tama ang pinost nila sa bulletin at sa mga dingding ng school na.. na..”
AKO: “Na Ano?? Na desperado ako??? Na malandi ako?? Na Bitch ako!! Na Slut ako!! Na ginagamit lang kita para makaalis sa ‘Clown’ image ko ganun?? Yan ba ang tingin mo sa akin Jared ha??”
At bigla naman niya akong yinakap. Out of nowhere ay biglang may tumugtog na kanta..


Backstreet Boys - What Makes You Different (Makes You Beautiful) download

found at bomb-mp3 search engine




"You don't run with the crowd
You go your own way
You don't play after dark
You light up my day
Got your own kind of style
That sets you apart
Baby, that's why you captured my heart

I know sometimes you feel like you don't fit in
And this world doesn't know what you have within
When I look at you, I see something rare
A rose that can grow anywhere (grow anywhere)
And there's no one I know that can compare

What makes you different, (alright) makes you beautiful (alright)
What's there inside you, (alright) shines through to me
In your eyes I see, all the love I'll ever need
You're all I need, oh girl
What makes you different, makes you beautiful to me

Hey, yeah yeah yeah
You got something so real
You touched me so deep (touched me so deep)
You see material things
Don't matter to me
So come as you are
You've got nothing to prove
You've won me with all that you do
And I wanna take this chance to say to you

What makes you different, (alright, yeah yeah) makes you beautiful (alright)
What's there inside you, (alright) shines through to me
In your eyes I see, all the love I'll ever need
You're all I need, oh girl
What makes you different, makes you beautiful

You don't know (you don't know) how you touched my life (touched my life)
Oh in so many ways (so many ways) I just can't describe
You taught me what love is supposed to be
It's all the little things that make you beautiful to me (so beautiful)
Oh yeah, yeah

What makes you,
What makes you different, (what makes) makes you beautiful (to me)
What's there inside you, (there shines) shines through to me
In your eyes I see, all the love I'll ever need
You're all I need, oh girl
What makes you different, makes you beautiful to me

Everything you do is beautiful (so beautiful)
Love you give shines right through me (shines right through to me)
Everything you do is beautiful (ooh, ooh ooh ooh oh)
Oh, you're beautiful to me (to me).."

KUYA JARED: “Hindi Gab.. Hindi ganun. Hindi ka ganun alam ko yun.. Ang sinasabi ko lang sana hinayaan mo na siya.. Gab, mahal na mahal kita alam mo yan. Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko..”
AKO: “Alam ko naman yun ehh..” kasabay nun ang paghagulgol ko.
KUYA JARED: “I Love you Gab..”
AKO: “I Love you Jared..”
At kasabay noon ang isang mabilis na smack lang. Smack lang kasi merong mga ibang taong nakatingin at nakakapansin pero wala na akong pakielam, kahit pa picturan o videohan pa nila kami ay wala na akong pakielam.
Pagkatapos ng smack ay nagpalakpakan ang mga tao.
TAO 1: “Ayyyiiieehh!! Ang sweet naman!!”
TAO 2: “Cheeessyyyyy!!!!”
TAO 3: “Parang eksena lang sa pelikula ahh..”
TAO 4: “Ang sarap naman niyan!! Tol, I love you na din!!” sabi ng isang lalaki sa kaibigan niyang lalaki din.
Tawa na lang kami ni Kuya sa mga reaksyon ng mga tao. Hinarap din namin ang mga kaklase namin at natuwa naman ako dahil sinuportahan nila kami.
Sa pagkakita ng mga nakakataas sa school ng video ay napawalang sala si Jared and Ely. Ibinalik sa kanila ang dapat sa kanila. At kay Steph? Ayun nagwawala na sinasabi na sinaktan ko daw siya at kung anu-ano pa daw, pero wala ng naniniwala sa kanya. Nawalan ng award si Steph, hindi rin siya pinasama sa marching kasama ang mga alipores na kasabwat dito. Aaminin ko, naawa ako sa kanila pero anong magagwa ko di ba? Kailangan nilang pagbayaran ang mga kasalanan nila.
Sa parte naman ni Ely..
AKO: “Ely ok ka lang??”
ELY: “Ok lang ako Bebe Gab ano ka ba?? Sadyang nadepress lang ako sa.. alam mo na yung sa academics.”
ELLA: “Yun ba talaga?? Oh si Jared??”
ELY: “Ano ka ba Ella?? Happy ako sa kanila ni Bebe Gab nuh..” ang sabi niya.
Ewan ko kung bakit pero parang hindi ako na-convince doon.
Nagdaan ang ilang araw at Graduation na namin. Maniwala man kayo at sa hindi, Si Ella ang naging Valedictorian namin at si Ely naman ang Salutatorian. Galing nuh? Hehehe. Si kuya naman ay humakot ng awards sa Activities, services, at kung anu-ano pa man. Ako? Loyalty award.. Hehe.. At First Honorable Mention. Hehehe.. Galing namin nuh? Wahahahaha!!
Naging Masaya ang araw na iyon.. At mas naging Masaya iyon dahil nga, well.. Hindi ko na makikita ang Kontrabida sa buhay ko.. Goodbye Steph.. Haha.. Sa ngayon..
Yes.. You heard it right.. Sa ngayon lang yan.. kasi, nadinig ko na ang papasukan niyang school ay ang school na papasukan namin ni Ella at Ely. Naku!! Sana lang lubayan niya na ako!!
Pagkatapos ng Graduation ay nagkaroon ng party sa aming bahay. Nandoon si Ely, Ella, Jared, at mga family na rin nila. Nandoon ang Parents ni Ely na close sa family ko.. At nandoon ang Father ni Ella at Mama ni Kuya Jared.
Sa kalagitnaan ng party..
ANGELO: “Pare kamusta?” ang tawag niya sa Papa ko..
LUIS MONTENEGRO (Papa ko): “Angelo?”
ANGELO: “Tol ako nga.. Luis ako ito, si Angelo..”
LUIS MONTENEGRO: “TOl!!!” sabay yakap sa kanya..
LUIS MONTENEGRO (ulit): “Ang tagal-tagal na kita pinapahanap..”
ANGELO: “Ako pinapahanap? Bakit mo ako pinapahanap?”
LUIS MONTENEGRO: “Kasi..”
ELLA: “Magkakilala po kayo ng Papa ko?” ang tanong niya sa Papa ko.
LUIS MONTENEGRO: “P-Papa mo?? Siya!?!?!” ang nagulat na tanong ni Papa..
ANGELO: “Di mo ba natatandaan si Angel? Siya yung bunso ko..”
LUIS MONTENEGRO: “Angel??? Oo nga pero..” sabay tingin sa kinauupuan ni Kuya Jared na nakatingin din sa kinatatayuan namin.
AKO: “Ella, Daddy mo siya right?? At magkakilala sila ni Papa?”
ELLA: “Oo nga ehh.. Hindi ko alam na magkakilala pala sila..”
LUIS MONTENEGRO: “Angelo, M-may dapat.. Este!! May ipapakilala ako sa iyo.. JARED!!” sabay tawag ni Papa kay Kuya..
Nakita ko naman na nanlaki ang mata ng kaibigan ni Papa na daddy ni Ella.
KUYA JARED: “A-a-ano po iyon?” ang sabi ni kuya na bakat ang pagtataka sa mukha.
LUIS MONTENEGRO: “Jared anak (anak ang tawag niya kay kuya.. hehe..), k-kilala mo ba sya?” sabay turo sa kaibigan niya na “Angelo” daw ang pangalan.
Kitang-kita ko naman ang pagkagulat sa mukha ni Kuya. Kasabay nito, nakita ko rin na may pagkakahawig ang mukha ni Sir Angelo kay Kuya Jared particularly ang mata ilong, at hugis ng mukha.. Angelo? Wait lang.. Parang natatandaan ko ang pangalan na iyon ahh..
KUYA JARED: “T-t-tay?” ang nanginginig na sabi ni Kuya
Nakita ko ang namumuong luha sa mata ni Kuya nun..
ANGELO CRUZ: “Jared?? A-a-anak?” may namumuo na ring luha sa mata niya.
KUYA JARED: “Tay!!” sabay yakap niya sa ama nito.
Nakakaiyak ang eksenang iyon. Siyam na taon.. Siyam na taong nagkahiwalay si Kuya at ang kanyang ama. At ngayon, makalipas ang Siyam na taon ay muli silang nagkita.
ANGELO CRUZ: “Ang tagal-tagal kitang hinanap anak.. Hinanap ko kayo ng nanay mo.. Maniwala ka anak, pinagsisihan ko ang nagawa ko dati, ang pag-iwan ko sa inyo ng nanay mo..”
KUYA JARED: “Wala na yun Tay.. tapos na.. Ang mahalaga ay magkasama na tayo ngayon..”
ELLA: “K-Kuya??” ang nanginginig na tawag niya kay Kuya Jared.
KUYA JARED: “A-Angel? Angel!!” Sabay yakap dito..
ELLA: “Kuya.. All this time, magkasama na pala tayo.. Ang tagal-tagal ko kayong hinanap ni nanay.”
Naiyak ako sa mga oras na iyon, imagine!! Si Kuya Jared na Best Friend ko, at si Angela/Angel na close friend ko rin, MAGKAPATID!! All this time magkasama sila without knowing na magkapatid sila.
ELY: “Grabe!!! I’m Crying na.. huhuhuhuhu!! Bebe Gab, what a wonderful reunion!” ang mangiyak-ngiyak na sabi nito.
AKO: “Oo nga ehh..” sabay punas ng luha.
ELY: “Hay naku!! Masisira ang make-up ko..” sabay punas ng luha at kuha sa make-up nya para mag-retouch. Nyahahaa!!
ELLA: “Baliw ka talaga Ely..” sabay tawa..
ELY: “Naku!! Sige na.. magyakapan na kayo dyan.. GORABELLS NA!!! At ako ay mag reretouch.. ayoko na umiyak pa.”
Tawa naman ang lahat.
Maya-maya lumapit ang isang babae. At ang babaeng ito ay ang nanay ni Kuya Jared.
JADE MARTINEZ CRUZ (mama ni Jared): “Angelo..”
ANGELO CRUZ: “Jade!” sabay yakap dito.
ANGELO CRUZ: “Jade, patawarin mo ako sa mga nagawa ko.. Sa pag-iwan ko sa inyo ni Jared.”
JADE MARTINEZ CRUZ: “Tapos na yun.. wag mo ng isipin yun.. ang mahalaga ay magkakasama na tayo..”
Naging madrama din ang tagpong iyon. Kahit nga kami ehh nadala na sa eksena. Si Papa ay nakaakbay kay Mama at hinalikan ang ulo nito. Si Ely naman ay nakakapit sa braso ni Kuya Jared, si Ella naman ay medyo nakayakap na sa akin.. Hehehe.. At kami naman ni Kuya na magkatabi ay pasimpleng magkahawak ng kamay, pero binitiwan ko din kasi baka may makakita nuh..
Maya-maya..
ELLA: “Mama..”
JADE MARTINEZ CRUZ: “Angel..” sabay yakap dito..
Hay Grabe naman ang araw na ito!! Graduation day, then eto.. nasa bahay namin ang reunion naman nila.. Hayy.. what a beautiful day..
Maya-maya nang matapos ang kainan, kwentuhan at tawanan. Inaya ni Mama na dito na sa amin matulog sina Ely, Ella, Jared, at ang mga parents nito.
11:00pm noon at tulog na ang lahat, nasa kwarto ako noon kakagaling ng banyo dahil naligo ako, ng biglang may tumakip sa bibig ko. Pilit kong tinanggal ang kamay niya sa bibig ko ngunit sadyang malaks siya kaysa sa akin. Maya-maya naramdaman kong yinakap niya ang katawan ko at sinabing..
“Mahal na mahal kita..”
Sa pagkakataong iyon, alam ko na si Jared iyon.
AKO: “Mahal na mahal din kita” sabay haplos sa braso nito na naka-yakap sa akin.
Bigla nya akong hinarap sa kanya at kasabay noon ay pagtukod niya ng katawan ko sa pader, habang ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa balikat ko. Kitang-kita ko ang maamo niyang mukha. Ang napakagandang mata, ang napaka-kinis na balat, at ang mapupula niyang labi..
KUYA JARED: “Mahal na mahal kita Gab.. At gusto kong patunayan ito sa iyo..” at kasabay noon ay siniil niya ako ng halik. Halik na napaka-init at punong-puno ng pagmamahal.
Hindi ako pumalag sa halik niyang iyon, kahit sa gusto niyang mangyari. Sa oras na iyon, hinayaan kong gawin ang gusto niyang gawin sa akin. Sa oras ding iyon ako unang nagpaubaya sa kanya.. Sa pagnanais niya na ipadama ang kanyang pagmamahal.. Ngunit sa kalagitnaan ng aming ginagawa, tumigil siya at tiningnan ako. Nakahiga ako sa kama samantalang siya naman ay nasa itaas at nakatukod ang dalawa niyang kamay sa braso ko.
KUYA JARED: “......” tinitigan niya lang ako.
AKO: “........” nakatingin ako sa kanyang mga mata.
Maya-maya ay bigla siyang tumawa ng malakas.
KUYA JARED: “Matulog na tayo.” Sabay tanggal sa dalawa niyang kamay na nakatukod sa akin at humiga siya sa tabi ko.
AKO: “Ehh?????? Ha!!?!?! Anu daw??” ang nasabi ko gawa ng pagtataka.
KUYA JARED: “Tol, (sabay hawak sa pisngi ko) alam ko, hindi ka pa handa na gawin natin ito. Kaya ako na ang magsasabi na itigil natin ito hangga’t wala pa tayo sa pinakamasarap na parte. Hahaahaha!!” ang malakas niyang tawa.
AKO: “Ang gulo mo naman. Sabi mo gusto mo sa akin patunayan at ipadama? Eto nga ako oh.. hindi ako pumalag..” ang sabi ko na pigil na pigil sa pagtawa.
KUYA JARED: “In your eyes, I see na ayaw mo pa. Na hindi ka pa handa. At ayaw kong gawin mo iyon dahil lang pinagbibigyan mo ako, dahil mahal mo ako. Gusto ko gagawin mo iyon dahil gusto mo at handang-handa ka nang ialay ang sarili mo sa akin.” Ang pagpapaliwanag niya.
AKO: “Hhhmmm.. Gaano kahanda ba gusto mo?” ang pagtatanong ko sa kanya na may halong lambing.
KUYA JARED: “One thousand percent sure!!” ang malakas niyang sabi.
AKO: “Baliw!!”
KUYA JARED: “Hahaha!!”
At iyon na nga.. Ang sandaling dapat pagkawala ng aking pagka-virgin ay napunta sa biruan, harutan at tawanan na lang. Ok lang din, tama naman kasi siya; hindi pa ako handa.
KUYA JARED: “Tol, mahal na mahal kita..” ang sabi niya habang hinahaplos ang mukha ko.
AKO: “Mahal na mahal din kita..”
At muli ay inilapat niya ang labi niya sa labi ko. Syempre, Natapos ang gabing iyon na wala nanamang nangyari. Hehehe. Pasensya naman sa mga nagbabasa at na-eexcite dyan noh!! Conservative ako at hindi pa ako handa sa ganito!!
Around 6:00am na ng magising ako at nakita ko na wala sa higaan si Kuya. Nagpalit ako ng damit at lumabas. Pagkalabas ko, nagpunta ako sa terrace at nalanghap ko ang malamig na simoy ng hangin. Inikot ko ang mga mata ko at nakita ko si Kuya Jared at Ely na nasa ibaba, nag-uusap sila.
Nang pilit kong pinapakinggan ang pinag-uusapan nila, nadinig ko ang isang salita na mula kay Jared.
KUYA JARED: “Ely, Mahal din kita.. P--“ at mukhang di nya natapos ang sasabihin niya dahil..
Nang madinig iyon ni Ely ay bigla niyang hinalikan si Kuya. Sa halik na iyon, hindi pumalag si Kuya na para bang gustong-gusto niya ang ginagawa nila.
(itutuloy)

No comments:

Post a Comment