Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.

Thursday, March 5, 2015

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 18

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta

                Tumingin siya sa akin. Bigla na lang siyang yumakap sa akin at sa balikat ko na siya humagulgol. Hindi na namin kailangan pang magsalita. Sapat na ang pag-uusap ng tibok ng aming puso. Alam kong sa pagkakalapat ng aming mga dibdib ay kailangan na naming tapusin ang aming mga paghihirap.
                Nag-vibrate ang hawak kong iphone. Habang yakap ko siya ay di ko napigilang basahin ang message.
                Si Lexi ang nag-text.
                “We need to talk. Meet me tonight. Marami tayong pag-uusapan. It’s time for you to know the truth, ngayong kaya ko pang sabihin sa’yo ang lahat.”
                Kinabahan ako.
                Ngunit mas mahalaga sa akin si Jino. Mas gusto kong ayusin ang gusot naming dalawa dahil sa totoo lang dito ako mas apekatdo. Hindi na ako nakakatulog ng maayos sa gabi at unti-unti na naman akong nawawalan ng inspirasyon na naman sa aking pag-aaral.
                “Hindi mo naman kailangan ipakita sa aming okey ka na kahit hindi. Hindi natin dapat tinitiis ang ating mga sarili dahil lang sa ayaw mong masaktan si Lexi.” Bulong ko.
                “Totoo bang mahal mo ako?” tanong niya sa akin.
Hinawakan niya ang kamay ko.
Nagkatitigan kami.
“Oo, mahal kita. Mahal na mahal kita.” Pinisil ko ang kamay niya. “Natatakot lang akong aminin ito noon kasi ayaw kong maging kagaya ng mga nagpalaki sa akin pero hindi ko na kasi kayang pigilan pa e. Lalo lang akong nasasaktan kapag ginawa ko ‘yun.”
“Alam mo ba kung alin ang masakit ngayon? Yung tanggihan ka kahit mahal na mahal kita. Hindi pa kasi ito yung tamang panahon para sa ating dalawa. Ngunit kung naniniwala kang darating din yung panahon para sa atin, sana gawin mo muna ang hinihiling ko sa’yo. Isipin mo na lang na ito ay para sa ating tatlo. Hayaan mo na lang muna ako. Kakayanin ko ang lahat Boy.” Pakiusap niya sa akin. Wala parin baling bago. Iyon pa din ang kaniyang sinasabi.
“Ano ba kasing totoo?” deperadong tanong ko.
“Hindi kasi dapat sa akin manggagaling kung ano ang totoo. Wala ako sa posisyon para sabihin ang lahat sa’yo. Pero ito ang alam kong tama munang gawin natin, Boy. Kung mahal mo ako at totoong minahal mo din naman ang pinsan ko, kailangan muna nating magkalayo.”
“Sa tingin mo ba kaya kong ibaling ang pagmamahal ko kay Lexi dahil lang sa gusto mo akong ipamigay sa kaniya? Awa ng-awa na ako sa’yo.”

                “Hindi ako ang dapat kinakawawaan dito Boy. Lahat tayo ay kailangan munang magtiis.”
Tumayo siya.
Tumalikod na sa akin.
                “Brad, sa totoo lang, hindi ko alam kung kailangan kong magalit sa’yo. Nararamdaman ko namang mahal mo ako e, pero bakit ipinagtutulakan mo ako? Ngayong ipinaglalaban kita ay saka mo naman ako isinusuko? Putcha naman oh! Ano to, ha!”
                “Boy, hindi ibig sabihin na kapag isinuko natin ang isang bagay ay hindi na iyon mahalaga pa sa atin. May pagkakataon lang na kailangan nating magparaya dahil alam nating mas kailangan sila ng iba. Iyon ang gusto kong itanim mo sa isipan mo. Sige na. Mauna ako sa’yo.”
                “Hindi ka ba natatakot na maibaling ko muli kay Lexi ang pagmamahal ko?”
                Tumigil siya.
Lumingon.
                “May tiwala ako sa’yo at sa pagmamahal mo. Iyon lang ang kinakapitan ko sa tuwing nalulungkot o namamayani ang takot.”
                Gano’n lang. Iniwan na niya akong parang wala lang.
                Pumulot ako ng isang bato. Ipinukol ko iyon ng buong lakas. Pinagsisipa ko ang ibang mga bato pa doon para maibsan yung galit ng pagkabigo dahil hindi ko kayang makuha ang gusto ko na kung tutuusin naman ay abot kamay ko lang.
                Pinagmasdan ko ang paglayo ni Jino sa akin. Bakit ba ang hirap mong pakiusapan? Ano ba talaga ang dahilan at kaya mo na ako ngayong tiisin ng ganito? Tanong ko na lang ang mga iyon sa aking sarili dahil kung kakausapin ko siya ay pabalik-balik lang naman kami sa kung ano ang desisyon niya.
             
Nagreply ako sa text ni Lexi.

                Palabas na ako ng campus at pauwi na nang matanggap ko ang sagot ni Lexi sa text ko kaninang umaga. Hindi ko na muna binasa pa dahil natuon ang tingin ko kay Jino na noon ay pasakay na din sa sasakyan nila. Hanggang ganito na lang ba kaming dalawa? Panakaw na sulya? Kung titingin ang isa sa amin ay mabilis na babawiin ang tingin ng isa. Hanggang kailan kami magpapakiramdaman? Hanggang kailan namin titiisin ang aming mga sarili?
                Paalis na dapat kami ng sundo ko ngunit pinahinto ko na muna an gaming sasakyan para paunahin ang sinakyan ni Jino. Gusto ko siyang makita sa kaniyang pagdaan. Gusto kong mukha niya ang maiwan sa aking isipan bago ako uuwi sa bahay. Nang nagtapat ang sasakyan nila sa sasakyan namin ay kumawaya siya sa akin. Kahit kaway lang iyon ay nagawa niyang pagaanin ang pakiramdam ko lalo na nang lumingon pa siya at ngitian ako. Kahit paano ay binuo pa din niya ang araw ko.
             
Pagdating ko sa bahay ay nagpaalam ako kay Daddy Ced dahil wala pa naman sa bahay si Daddy Mak. Pinayagan naman niya ako nang sinabi kong may dinner kami kasama si Lexi.
                “Nanliligaw ka ba sa kaniya anak?” nagbibirong tanong nito.
                “Dad, dinner lang ‘to kasama ng isang kaibigang babae. Nanliligaw naman agad ang tanong.”
                Ayaw ko nang bigyan pa ng pag-asa si Daddy na ang anak nila ay hindi magiging katulad nila. Kung sana ay kaya ko pang turuan ang puso ko ngayon. Kung ganoon lang sana kadali iwaglit…
                “Si Jino?”
                “What about Jino, Dad?”
                “Bakit parang may kagulat-gulat nang nabanggit ko ang pangalan ni Jino?” puna ni Daddy.
Patay! Amoy na kaya ako ni Daddy?
                “O hayan at namumula ka na.”
                “What about Jino nga? Kung ano ang napapansin ninyo eh!” halatang pikon na ako.
                “I am just asking anak kung kasama ba ninyo si Jino kasi nga sabi mo simpleng dinner lang with friends kaya ko natanong if he’s with you at okey na kayong lahat.”
                “Okey na kami ni Jino Dad pero kami lang ni Lexi ang magkikita. May pag-uusapan lang daw kami.”
“Ahh okey. I am glad na buo na kayong tatlo.”
“Paano Dad, baka naghihintay na siya ngayon. Pahatid na muna po ako sa driver then papasundo na lang ako pagkatapos?”
                “Sure anak. Ingat ka ka okey? Huwag na din masyadong magpagabi.”

                Napaaga yata ang dating ko sa usapan naming dinner ni Lexi. Inilapag ko ang dala kong bouquet of red roses  sa isang upuan sa labas ng restaurant. Inayos ko ang suot kong white long sleeves at ang medyo tumaas na laylayan ng pantalon ko. Sumilip ako sa loob. Wala pa nga siya. Mas okey na yung ako ang maghintay kaysa sa siya na babae. Minabuti kong pumasok na lamang sa restaurant. Mukhang mamahalin nga talaga ito. Bihira pa ang mga  naroong kumakain. May live band na at love song ang kasalukuyang kinakanta.
Nakaramdam ako ng pagkaasiwa. Hindi pa yata ako nababagay sa mga ganitong lugar. Napakabata ko kumpara sa iba pang kumakain doon at lahat halos ay may mga partner. Kinabahan tuloy ako. Naninibago dahil ngayon lang ako makikipagdate. Iyon ay kung date na nga ito. Nanlamig ang aking mga daliri. Huminga ako ng malalim para maibsan ang nerbiyos na unti-unting nagpangatog sa tuhod ko.
                “Good Evening. Romel Santiago ba sir?” tanong ng isang waiter.
                “Opo” maikli kong sagot.
                “Follow me, sir. You already have your reservation with us.”
                Sumunod ako sa kaniya.
Doon kami sa kung saan tago at may kalayuan sa iba pang kumakain. Naisip kong baka nga nauna na si Lexi at di ko lang nga nakita sa labas kanina.
                Mas may kalayuan ang stage kung saan may kumakanta ang tinutungo naming mga table. Pinili talaga ni Lexi kung saan kami makakapag-usap ng maayos.
                “Sir, dito na ho yung table ninyo.”
                “Thank…” natigilan ako.
Hindi sa bakanteng mesa ako pinauupo. May nakatalikod na lalaking naghihintay sa table na dinaanan ko lang kanina. Hinila ng waiter ang bakanateng upuan sa kung saan may naghihintay.
Nagkatinginan kami ng lalaking akala ko ay isang customer lang din na naghihintay ng kaniyang date. Lumakas ang tibok ng aking puso. Hindi siya ang inaasahan kong naroon. Hindi ako makapaniwala na siya ang makaka-date ko.
                Siya man ay mukhang nagulat din.
Tumayo pa nga siya at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ako.
                “I was expecting Lexi and not you!” naibulalas ni Jino.
                “Ako din, akala ko si Lexi ang maaabutan ko dito.”
                Dahan-dahan kaming muling umupo. Inilapag ko ang bouquet ng rose sa harap ko na dapat at ibibigay ko kay Lexi. Ibinigay sa akin ng nangingiting waiter ang menu. Wala sa sariling tinanggap ko iyon.
                “Puwedeng iwan mo muna kami?” si Jino. Nakatingin siya sa waiter.
Halatang ninenerbiyos din siya dahil nanginginig pa ang mga daliri nitong humawak sa baso sa harap niya.
                “Yes sir. Tawagin na lang ho ninyo ako mamaya kung mag-oorder na kayo.”
                Katahimikan.
                 “Nagtext siya sa akin at sinabi niyang mag-dinner kaming dalawa lang. Nagtataka pa nga ako kung bakit dahil magkapitbahay lang naman kami. Pero wala siya sa kanila nang daanan ko sana siya so I presumed na nandito na siya. I’m sorry Boy. Hindi ko alam ‘to.” Pagpapaliwanag niya.
“Iyon din ang text niya sa akin, kailangan daw naming mag-usap dito.” Napayuko ako. Nanginginig ang kamay ko. Ninenerbiyos dahil napakaguwapo din ni Jino sa gabing iyon.
                “She set us up.”
                “No, I did not set you up.” Mahina man ang pagkakasabi no’n ay alam kong kay Lexi galing iyon. “Gusto ko lang na linawin natin ang tungkol sa ating tatlo. Gusto kong magkaliwanagan tayo sa kung ano nga ba ang totoo.”
                Tumayo kami ni Jino.
Para maibsan ang tensiyon sa pagitan naming tatlo ay kinuha ko ang bouquet of roses at iniabot ko kay Lexi.
                “Thank you Boy pero alam kong hindi mo sa akin dapat ibinibigay ito.”
                Nahiwagaan ako sa sagot niya.
Tumingin siya kay Jino.
Iniabot niya ang bulaklak na ibinigay ko sa kaniya kay Jino.
Nagkatinginan muli kami ni Jino.
Kinabahan ako.
                “Naniniwala akong ibibigay talaga ito ni Romel sa’yo. Huwag na nating bilugin ang ulo ng isa’t isa. Huwag na tayong maglokohan.” Seryosong tinuran ni Lexi.
Tumulo ang kaniyang luha.
Dahan dahan siyang umupo habang pinupunasan niya ang kaniyang luha.
Umupo na din ako. Napayuko. Sapol kasi sa akin yung sinabi niya at nakaramdam ako ng awa. Si Jino ang lumapit sa kaniya at hinaplos niya ang likod ng pinsan.
“Huwag mo akong aalahanin Jino. Kaya ko pa. Saka na kung talagang mahinang-mahina na ako. Umupo ka at mag-usap tayong tatlo, hindi lang dahil sa ipagtatapat ko kundi para simulan na din natin ang pagpapakatotoo.”
Sinunod ni Jino ang sinabi ni Lexi.
Huminga ng malalim si Lexi at pinakalma na niya muna ang sarili bago niya tinawag ang waiter.
“Mag-order na muna tayo bago tayo mag-usap.”
Nang naibigay na namin ang order namin ay saka kami nagkatinginang tatlo. Ako yung parang nahihiya kay Lexi lalo pa’t ramdam kong alam na niya ang lahat sa amin ni Jino at lumalabas na na ang totoong ginagamit ko siya para paselosin si Jino.
“Boy, minahal mo ba talaga ako?” iyon ang unang tanong niya sa akin.
“Oo Lex. Minahal din naman kita.” Sagot ko.
“Minahal mo din ako. Ibig bang sabihin hindi mo na ako mahal ngayon dahil may mahal ka ng iba?” paglilinaw niya.
Tumingin ako kay Jino. Mabilis ang ginawa niyang pagsulyap sa akin bago siya tuluyang yumuko.
Hindi ko alam kung paano ko iyon aaminin sa kaniya na hindi siya masasaktan. Nakikita ko kasing parang mahina na ang kaniyang katawan. Pumayat na din siya at namumutla pa.
“Bakit hindi ka makasagot?”
“Kasi...”
“Don’t worry Boy ako na lang din ang sasagot para sa’yo. I just hope na wala sa inyo ang kokontra sa maikling kuwento ko.” Pinilit niyang ngumiti sa amin.
Ako ang unang napayuko. Hindi ko kayang salubungin ang kaniyang mga tingin.
 “Hapon ng Sabado noon nang sinundan ko si Jino sa park dahil sabi sa akin ni Tito James na magkikita daw sila ni Miggy.” Pagsisimula niya. “Halos nagkasabay lang tayo ng dating no’n Boy kaya lang dahil siguro hindi babae ang hinahanap mo kaya hindi mo ako napansin. Sinundan kita hanggang doon sa isang puno at dulong bahagi ng Park. Lalapitan ko sana kayo sa may bench ngunit mukhang seryoso ang pinag-uusapan ninyo kaya minabuti kong magmasid at makinig na muna sa pinag-uusapan ninyo.”
“Nando’n ka? Nakita mo yung…” natigilan ako.
Tumingin ako kay Jino. Hinawakan niya ang kaniyang noo at itinago ang mukha na parang nahihiya sa nangyari nang araw na iyon.
“Oo Boy, narinig ko ang usapan ninyo, nakita ko ang paghalik mo kay Jino.” Huminga siya ng malalim. Uminom siya ng tubig bago nagpatuloy. “Hindi ko noon napigilan ang aking sarili na mapaluha, hindi dahil nasasaktan ako at si Jino ang mahal mo kundi dahil sa masaya akong masaksihan na minahal mo na din ang pinsan kong matagal nang nagmamahal sa’yo. Hindi ko na hinintay na matapos pa ang pag-uusap ninyo dahil alam kong mauuwi din sa pagmamahalan ang lahat.”
“I’m sorry Lex. Hindi mo na dapat nasaksihan pa ‘yun.” Si Jino.
“Ano ka ba? Okey lang ‘yun. Noon pa man, kahit mga bata pa tayo, ramdam ko nang may kakaiba sa inyong dalawa. Ang pagkakaiba nga lang, mas maagang tinanggap ni Jino ang sarili niya kaya sa sa’yo Boy ngunit yung mga titig at sulyap mo kay Jino, iba kaysa sa mga tingin mo sa akin. Kaya nga, nang niligawan mo ako, alam kong hindi naman talaga ako ang mahal mo ngunit kasalanan bang mangarap din na baka ako nga talaga ang mahal mo? Mali ba kung binigyan ko ng pag-asa ang sarili ko na mahalin din ng kababata kong lihim ko ding minahal? Kaya lang mas iniisip ko kung saan tayo mas sasaya. Yung tatlo tayo at hindi lang iisa o dadalawa. Dapat lahat tayo. Sabi sa akin ni Mama, mas nararamdaman daw natin ang halaga ng isang bagay kung wala na ito sa atin. Sinadya kong paglayuin kayong dalawa. Sinadya kong mailayo ka muna sa amin Boy dahil sa dalawang kadahilanan. Una, nagbabakasakali lang ako na kung gagawin kong pigilan si Jino na kulitin o lapitan ka ay maisip mong siya ang mahal mo at hindi ako. Magigising ka sa kung ano ang totoo. Malalaman mo ang kaniyang kahalagahan. Pangalawa ay ang binubulong ng bahagi ng isip ko na paano kung ako nga talaga ang mahal mo? Kahit anong laban ang gawin ko, hindi ako puwedeng manatili sa buhay mo Boy. Maiiwan at maiiwan kita. Masasaktan at ayaw kong masayang ang panahon mong magmahal at umasa sa akin. Gusto kong bago ako pumanaw ay malakas ka nang tanggapin ang lahat. Hindi ka masyadong masasaktan dahil masasanay ka nang wala ako.”
“Anong ibig mong sabihin? Tama ang hinala kong may sakit ka, hindi ba? Iyon ba ang pinupunto mo ngayon Lex?” diretsuhang tanong ko.
Ngumiti lang siya.
“Hayaan mo muna akong magsalita. Bibigyan ko kayo ng sapat na panahon para magtanong o kaya ako din mismo ang magsasabi ng kung ano nga ba talaga ang pilit pinoprotektahan ni Jino sa akin. Puwede ko na bang ituloy muna ang sasabihin ko?” tanong niya.
Tumango ako.
Uminom ng tubig si Jino. Huminga siya ng malalim at nanatiling nakayuko.
 “Pagkatapos ng nasaksihan ko sa Park, akala ko maayos na ang lahat sa inyo kaso ginulat ako sa pagbibigay mo sa akin ng mga gifts. Hindi ko alam kung tama ang hinala ko kaya gusto kong tanungin muna kita Jino, ginagawa mo na naman ba ito para pasayahin ako? Sinabihan mo si Buboy para ligawan at mahalin niya ako dahil gusto mo magiging masaya ako sa nalalabing araw ng aking buhay?”  
                “I’m sorry Lex pero alam mong iyon lang ang tanging iniisip ko para may dahilan kang muling lumaban. Para magiging makabuluhan at masaya ang mga nalalabi pang mga araw.”
                “Lumaban? Jino alam mong matagal na akong lumalaban. Kaya lang nakakapagod din lalo pa’t ito nga talaga ang plano ng Diyos sa akin. Hindi lang naman si Romel ang dahilan para lalaban ako e, ikaw, si Mama, sina Tito, si Kuta Jetro. Jino, hindi man tayo totoong magpinsan dahil pamangkin ako ng partner ng Papa James mong si Tito Xian ngunit higit pa sa isang kadugo ang turing mo sa akin. Doon palang pinasaya mo na ako at hindi mo obligasyon na ibigay sa akin ang mga bagay na dapat ay para sa’yo.” Humihikbi na siya. Huminga siya ng malalim para pakalmahin muli niya ang kaniyang sarili. Muli siyang uminom ng tubig.
“Sinakyan ko ang drama ninyo.” Pagpapatuloy niya. “Baka sakaling kung papaselosin kita Jino ay matututunan mong ipaglaban ang kasiyahan mo. Pinatulan ko ang mga ginagawa ni Buboy kahit para sa akin isa pa din iyong paglalaro sa damdamin ko. Kahit masakit dahil alam kong ginagamit lang din niya ako para saktan ka ngunit pinili kong magpakatanga kasi gusto kong isipin na sa paraang ganoon ay maintindihan mong hindi isang laruan lang si Romel na kapag gusto ko at dahil alam mong mas kailangan ko ay ibibigay mo sa akin. Ngunit Jino, hindi mo baa lam na lalo akong nasasaktan na makita at maramdamang ako ang dahilan ng paghihirap ng kalooban ninyong dalawa. Nagmumukha akong kontrabida sa isang teleserye eh. Ako yung pumipigil sa happy ending ninyo. Gusto ko sanang makipagsabayan kaya lang araw-araw akong nasasaktan dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit hindi kayo mabuo-buo. Hindi ko naman kailangang maging masaya kung alam kong pinahihirapan ko ang kalooban ninyong dalawa. Ang totoong kasiyahan sa akin ay ang makita ko kayong buo. Iyon ang hindi niyo naibibigay sa akin hangga’t lalo ninyong ginagawang kumplikado ang simple lang sanang pagmamahal.” Pinahiran niya ng tissue ang gilid ng kaniyang mga mata para hindi na aagos ang luha sa kaniyang pisngi. “Wala na akong sapat na panahon pa para makipaglaro sa inyo. Kung gano’n katigas ang inyong mga puso, yung kaya ninyong tiisin ang inyong mga sarili dahil iniisip niyo ang kasiyahan ko, hindi ako ganoon, Boy, Jino. Magkakaibigan tayo e. Hindi ako magiging masaya kapag may natatapakan akong ibang tao. Sino pa ba ang uunawa sa inyo, kundi ako?”
Nanatiling nakayuko kami ni Jino. Ramdam na ramdam kasi naming yung pinaghuhugutan ni Lexi. Hindi halos naming maiharap ang mukha namin sa kaniya.
                Hinawakan ni Lexi ang kamay ni Jino at isinunod niya ang kamay ko. Pinagtagpo niya mga kamay namin sa gitna ng ng mesa. Isa-isa niyang inipit ang mga daliri namin. Pagkatapos ay ipinatong niya ang kaniyang kamay.
Umiiyak na tumingin siya sa amin.
                “Ito yung matagal ko nang gustong gawin. Ang buuin kayong dalawa. Mas panatag ang loob ko na kapag hindi ko na kayang makipagsabayan pa sa paglalakad at tawanan ninyo, hindi ko na kayo masabayang magmiryenda o kaya pumasok sa paaralan, hindi ko na marinig ang mga mga kuwento at asaran natin at hindi ko na kayo makikita pa ay maiwan man lang sa isip ko ang inyong masayang pagkabuo. Gusto kong may maaalala akong masaya sa inyong dalawa kaya ganito na lang katindi ang hangarin kong mabuo na kayo habang naririnig at nakikita ko pa kayo.”
                Huminga siya ng malalim. Tinitigan niya ako.
                “Boy, tama ka sa hinala mo. May karamdaman akong wala nang lunas. I have Acute Lymphoblastic Leukemia. Pagkaraan ng maraming taon na pakikipaglaban, ito na yung totoong ako.” Itinaas niya ang nanginginig niyang kamay  hanggang hinawakan niya ang kaniyang buhok. Nakatingin siya sa akin. Pinilit niyang ngumiti ngunit mas nanaig ang pamumula ng kaniyang mga mata. Dahan-dahan niyang hinila ang kaniyang buhok. Kasabay ng pagtanggal niya doon ay ang pagbaybay ng kaniyang luha. Humihikbi siyang nakatingin sa akin. Kinagat niya ang kaniyang labi.
                “Ito yung totoong ako Boy. Alam ni Jino na hindi na magtatagal pa ang buhay ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako lalaban ngunit napapagod na ako at nang katawan ko. Bumibilis na ang pagbaksak at pinilit ko na lang pumunta dito ngayon para mas magiging magaan para sa’yo sa pag-amin ko sa lahat ng ito kaysa aminin ito habang nakaratay ako sa hospital.”
                Nasapo ko ang aking ulo. Nakakalbo na ang kaibigan ko. Kahit gusto kong magsalita ay wala akong naisasatinig. Kahit anong pigil ko sa aking mga luha ay kusa na itong bumagsak sa aking pisngi. Awang-awa ako sa nakita kong kalagayan ni Lexi. Tumayo ako. Nanginginig ang mga kamay kong yumakap sa kaniya mula sa kaniyang likod. Hinalikan ko siya sa pisngi at hinayaan kong mamalagi sa ganoon. Nakalapat lang ang pisngi ko sa pisngi niya. Nagsama ang aming mga luha.
                “This is not yet a goodbye Boy. But soon i’ll be leaving you both. My camcer is malignant at wala nang nagagawa pa ang gamot o ng chemo para gumaling ako. Pero sana man lang bago dumating ang araw na iiwan ko kayo ay makita kong nagpapakatotoo na kayong dalawa sa nararamdaman ninyo. Iyon lang ang sa sa mga wish ko at siguro naman hindi mahirap sa inyong gawin iyon dahil alam ko na nagmamahalan naman kayong dalawa at  puwede ba ha! Utang na loob, tigilan ninyo akong gamitin dahil hindi naman ako kontrabida.” Hinawakan niya ang kamay ni Jino. “Pinsan, lahat binigay mo na sa akin pero hindi dapat ipinamimigay ang taong mahal mo at nagmamahal sa’yo. Mali ‘yun kasi hindi lang sarili mo ang sinasaktan mo kundi yung taong nagmamahal sa’yo at yung taong gusto mong mahalin niya. Please?”
                Tumayo si Jino. Itinabi niya ang pisngi niya kay Lexi. Lumuluha kaming tatlo. Habang magkakayakap.
                Noon ko lang napansin ang kinakanta ng live band.


And I never thought I'd feel this way
And as far as I'm concerned
I'm glad I got the chance to say
That I do believe, I love you

Hindi ko lang alam kung sinadyang iyon ang kakantahin nila pero akmang-akma iyon sa nararamdam naming tatlo. Nagpasidhi iyon sa emosyon ko. Lalong bumuhos ang aming mga luha.
“May we request Miss Lexi Santos to continue this song para sa mga kaibigan niyang sina Romel at Jino” iyon ang sinabi ng lead vocalist.
“Tinawag ka nila. Kakanta ka talaga para sa amin?” tanong ko.
“Oo naman. Habang kaya ko pa. Baka nga hindi ko na kayang kumanta pa sa mga susunod na araw. Isa kaya ito sa wish ko. Ang kumanta sa harap ng madaming tao para sa dalawang lalaking naging bahagi ng aking buhay.” Pinasaya niya ang kaniyang boses.
Dahan-dahan niyang ibinalik ang kaniyang wig at inayos iyon.
“Maganda na ba uli ako?” naluluha ngunit nakangiting tanong niya.
Pinunasan ko ang huling bumaybay na luha sa kaniyang pisngi at ang pawis sa kaniyang kilay. Nagulat ako nang makita ko ang daliri kong may mga buhok. Sumama ang buhok ng kilay niya kaya alam kong pati na pala iyon ay nagtatanggalan na din. Mabilis kong ipinunas na lang iyon sa tissue na hindi sa kaniya sinasabi.
                “Join me please? Isa pa, nanghihina ako. Nahihirapan na ako doon umakyat.” Pakiusap niya.
                Lumapit ang isang nurse sa amin para siguro tulungan si Lexi.
                “Kami na ang bahala sa kaniyang umalalay.” Si Jino.
                Umatras ang nurse ni Lexi.
                Humawak siya sa baywang naming dalawa ni Jino habang naglalakad kami papunta sa stage. Nagsimulang magpalakpakan ang mga tao nang hinawakan na niya ang mikropono at nanatili kaming nakatayo ni Jino hindi kalayuan sa kanya.
                Nagsimula na siyang kumanta habang nakatingin sa amin. Ramdam na ramdam ko ang kaniyang pamamaalam sa lyrics.
And if I should ever go away
Well, then close your eyes and try
Naglakad siya palapit sa amin. Tumayo siya sa gitna namain at pilit siyang ngumiti habang kami ni Jino ay pinipigilang mapaluha.
To feel the way we do today
And then if you can remember
                Ibinaba niya ang mic at mabilis na bumulong sa amin. “Sabayan ninyo ako kahit sa chorus lang.”
Keep smiling, keep shining
Knowing you can always count on me, for sure
That's what friends are for
Sabay-sabay naming kinanta iyon habang magkaakbay kaming tatlo. Napakabigat sa pakiramdam. Nagtayuan ang ilang nakikinig sa amin. Napapaluha silang pumalakpak
For good times and bad times
I'll be on your side forever more
That's what friends are for
                Hinila ako ni Lexi at inakbayan ko siya pabalik sa gitna para alalayan. Naiwan si Jino doon.
Well, you came in loving me
And now there's so much more I seeNapalunok ako. Napakahirap ngumiti kasi alam kong ang mga katagang iyon ang gusto talaga niyang sabihin din sa akin.
And so by the way
I thank you (Pinisil niya ang palad ko.)
                Itinaas ko ang kamay niya. Hinalikan ko iyon. “Lex, ako ang dapat magpasalamat sa’yo.” Sagot ko. Wala akong pakialam kung katangahang sagutin ang lyrics ng kanta.
Oh and then for the times when we're apart
Lumingon siya kay Jino. Nakuha naman ni Jino ang ibig sabihin no’n kaya lumapit siya sa amin. Pumagitna siya sa amin ni Lexi at siya na ang sunod na kinantahan ni Lexi.
Well, then close your eyes and know
The words are coming from my heart
And then if you can remember
Nakita kong kumilos ang kamay ni Jino para sana akbayan ako ngunit nagbago ang isip at muling ibinaba iyon. Nagkatinginan kami at nagkangitian. Ako na ang kusang umakbay sa kanya habang kinakanta na namin ang chorus ng kanta.
Keep smiling and keep shining
Knowing you can always count on me, for sure
That's what friends are for
In good times and bad times
I'll be on your side forever more
                Naramdaman ko ang pagkapit ni Lexi. Huminto siya sa pagkanta. Kami man ay natigilan. Sinenyasan ni Jino ang nurse niya para lumapit sa amin. Mabilis ding umalalay sa amin ang vocalist ng banda at siya na ang nagpatuloy sa aming kinakanta. Naglalakad na kami pabalik sa aming table nang huminto si Lexi.
                “Masama ang pakiramdam ko. I can’t stay here longer guys pero gusto kong ituloy ninyo ang dinner na kayo lang.”
                “No Lex, sasamahan ka namin pabalik sa hospital.”
                “Boy, please. Gusto kong makita kayong bumalik na muna sa table bago ako aalis. Gusto kong makita na nabuo ko na kayo. Huwag ninyo akong aalahanin. Nandito ang private nurse ko. Nagpilit lang talaga ako na puntahan kayo dito kahit medyo kanina pa ako bumibigay. Para sa inyo talaga ang dinner na ito. Huwag naman ninyong sayangin ang effort ko. Sayang naman kung basta na lang tayo aalis na hindi kayo nakakapagsolong dalawa.”
                “Paano naman kami makakapag-enjoy kung alam naming masama na naman ang pakiramdam mo.” Si Jino.
                “Ilang taon na akong ganito, pinsan. Alam mo naman ‘yun. Nasaksihan mo ang lahat lahat ng hirap na pinagdaanan ko. Dapat nga sanay ka na. Isa pa, alam mong ayaw kong nakikita ninyong nahihirapan ako. Kaya please, do this for me. Kahit ngayon lang. Dito lang ako babawi sa lahat ng mga sakripisyo mo para lang mapasaya mo ako mula nang mga bata pa tayo.”
“Okey but please assure me that you are okey.”
Ngumiti siya. Umiling. “You know that I am not pero this is what I want. Di ba gusto mo akong maging masaya, then do this.”
Tumitig sa akin si Jino, nagtatanong ang tingin niya sa akin kung pagbibigyan namin ang hiling ni Lexi sa amin.
Tumango ako.
Niyakap ko muna si Lexi.
“Sorry sa lahat ng mga nagawa ko, sa lahat ng pananakit ko sa’yo. Hindi ko alam kung paano ko mabubura ang nakaraan nang mga panahong nasaktan kita pero gusto kong malaman mo Lex na mahal kita bilang matalik kong kaibigan at araw-araw kong pagsisihan ang lahat.”
“Wala kang kasalanan sa akin Boy. Wala kang dapat ihingi sa akin ng tawad.” Sinapo niya ang ulo niya. Huminga ng malalim. Inalalayan siya ng nurse niya para mapaupo.
“Sige na. Just go.” Pakiusap niya sa amin. Pumipikit-pikit pa siya at halatang hilong-hilo.
Inakabayan ko na si Jino papunta sa table namin kanina. Bago kami umupo ay nilingon namin si Lexi. Kumaway siya sa amin.
Nang nakaupo na kami ay saka siya ngumiti at tumalikod sa amin. Inalalayan siya ng nurse niyang tumayo saka pinaupo sa isang wheel chair. Humugot ako ng malalim na hininga. Parang napakabilis ng pangyayari. Naintindihan ko na ang lahat lahat at kailangan kong sanayin ang sarili kong tanggapin ang mga iyon kahit pa labag sa aking kalooban.

“I’m sorry Boy. Just give a minute.” Tumayo si Jino na umiiyak.
Mabilis niyang tinungo ang CR.
Kinuha ko ang baso ng tubig at sinaid ko din ang laman no’n. Sinapo ko ang ulo ko. Hindi pa din nawawala sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Lexi sa akin, ang kaniyang sakit, ang kaniyang hitsura nang tinanggal niya ang wig niya at ang pagmamahal niya sa amin ni Jino na ngayon ko lang napatunayan.
Tumayo ako.
Sinundan ko si Jino sa CR.
Pagbukas ng pintuan ay may isa pa palang pinto na kailangan buksan bago ang talagang comfort room. Maluwang ang CR. Hindi pumasok si Jino sa cubicle. Nasa harap lang siya ng isang malaking salamin. Tinitignan niya ang kaniyang sarili na noon ay wala paring tigil sa pagluha.
Tumabi ako sa kaniya.
“May magagawa ba ako para matigil ka na sa kaiiyak?” garalgal kong tanong.
Nagtagpo ang aming mga mata sa salamin.
Huminga siya ng malalim.
Nginitian niya ako kahit alam kong hirap niyang gawin iyon dahil sa nararamdaman niyang kalungkutan.
“Dapat kasi nasanay na ako e. Kaso higit pa sa kapatid ang turingan namin. Sabay kaming ipinanganak, nagkaisip at lumaki at ngayon palala ng palala ang kaniyang kalagayan at tuluyang nawala yung pag-asa naming dalawa na gagaling pa siya.” humihikbi na siya.
Dahan-dahan kong hinawakan ang kaniyang kamay na katabi lang ng kamay kong nakahawak sa gilid ng sink. Mabilis siyang humarap sa akin at sa isang iglap ay nagyakapan kami ng mahigpit. Ngunit sandali lang iyon dahil nang naramdaman naming may bumukas sa unang pintuan ng CR ay mabilis ko siyang hinila papasok sa isang cubicle.

Tahimik man kaming dalawa sa loob ng cubicle na iyon pero sana sapat na sa kaniya ang mahigpit kong yakap para maramdaman niyang kahit anong mangyari ay hindi ko siya iiwan. Kahit anong lungkot at pagsubok ang darating sa amin ay naroon lang ako para sa kaniya. Kailangan namin ang isa’t isa para kayanin ang lahat.
Pinunasan ko ang luha niya gamit ang aking mga daliri. Hinawakan ko ang pisngi niya habang siya ay nakayakap sa aking baywang. Wala man kaming sinasabi sa isa’t isa ngunit ang aming mga mata ay nag-uusap. Ang aming mga haplos ay higit pa sa kung anong ang aming sasabihin. Dahan-dahan akong pumikit. Ganoon din siya. tumaas ang kaniyang kamay hanggang sa aking batok. Hinila ko ang kaniyang mukha palapit sa akin. Nangangatog ang tuhod ko, nangingig ang kaniyang kamay sa aking batok.
Kapwa kami ninerbiyos.
Hanggang sa naramdaman kong muli ang pagkakalapat ng malambot niyang labi sa aking labi. Muli na naman naming pagsasaluhan ang isang halik. Halik na hindi sahil sa initiation, halik na hindi dahil may kasalanan ako at binigla ko siya, halik na pinaghandaan naming dalawa. Punum-puno ng emosyon. Ang halik na iyon ang parang pumukaw sa lahat nang lungkot na aming nararamdaman. Dinala kami sa ibang dimensiyon. Ramdam na ramdam ko ang banayad niyang pagsipsip sa lower lip ko at ako naman sa upper lip niya.
Matagal.
Banayad.
Puno ng pagmamahal.
MAGICAL!

Nang naramdaman namin ang paglabas ng pumasok sa CR kanina ay saka lang kami tumigil sa aming halikan. Kung ilang minuto iyon, hindi namin alam pero binago ng halik na iyon ang aming pakiramdam. Hawak-kamay kaming lumabas sa cubicle. Nasa harap na kami ng salamin ngunit di parin namin naiaalis ang tingin namin sa isa’t isa. Muli ko siyang hinila at hinalikan sa labi.
“I love you brad.” Pabulong habang magkalapat ang aming mga labi.
Inilayo niya ang labi niya sa labi ko.
Tinitigan niya ako sa aking mga mata. Hinaplos niya ang pisngi ko saka niya sinuklay ang buhok ko. Ngumiti sa akin.
Kinindatan niya ako. “I love you more, brad.”
Muli niya akong hinalikan.
Nauwi sa mahigpit na yakapan.

Paglabas namin sa CR ay masaya na muli kami. Hindi dahil nakalimutan namin si Lexi kundi gusto lang namin gawin ang hiling niya sa amin. At inaamin ko, kakaibang saya ang nararamdaman ko nang gabing iyon.
Nagdinner kami. Unang pagkakataong hindi ako naasiwa sa mga titig niya. kung tuusin nga mas malagkit pa yata ang mga titig ko sa kaniya. Ang titig na iyon ay mauuwi sa ngitian at simpleng pasipa-sipa sa ilalim ng table. Madalas pa ngang nagtatagpo ang mga kamay namin sa silong ng mesa.
Medyo nakaramdam ako ng hiya sa mga naroong lalaki at babaeng nagde-date ngunit itinuon ko na lang ang tingin at isip ko kay Jino. Sa paraang ganoon ay mawawala sa isip ko na pinagtitinginan nila kami, marahil ang ilan ay pinagtatawanan kami ngunit ito na ako. Wala akong pakialam sa sasabihin nila, ang mahalaga sa akin sa mga sandaling iyon ay buo ako at ramdam kong walang masama sa aming ginagawa. Tanggap man kami o kinukutya, problema na nila iyon.
Inuubos na namin ang dessert namin nang tumunog ang cellphone niya.
“Si Papa James.” Bulong niya. Halatang ninenerbiyos.
“Sagutin mo na lang. Okey lang ako.”
Pagkatapos nilang mag-usap ay malungkot siyang tumingin sa akin.
“Nasa labas daw sila ni Kuya. Sinusundo na nila ako. Mula nang pumasok kasi ako sa fraternity my curfew na ako kina Papa.”
“Galit ba sila sa akin?” tanong ko.
“Not exactly galit. Ayaw lang nilang nakikitang magkasama tayo dahil natatakot sila na mapapahamak ako.” Huminga siya ng malalim. Ayaw kong matapos ang gabing ito e pero baka papasok sila dito at makita nilang ikaw ang kasama ko.” Nakita kong naiipit siya sa sitwasyon. Ano nga ba naman ang magagawa namin e, wala pa kami sa hustong edad. Teenager lang kaming umaasa sa aming pamilya.
“Okey lang. Sige na. Tatawag na din ako sa bahay para magpasundo.” Sagot ko.
Nakakalungkot kasi sa totoo lang gusto ko pa siyang makasama, kulang ang magdamag o kaya ang buong araw. Kung puwede lang sanang hindi na kami magkakalayo pa.

Binunot ko na din ang iphone ko at nagtext kay Daddy para magpasundo.
Lumapit ang waiter.
“Sir, may kailangan pa ba kayo?” tanong niya.
“Okey na po kami. Magkano...”
“No sir, bayad na po lahat.” Sagot ng waiter. “Baka puwedeng pirmahan na lang ho ito?”
“Sure.” Sagot ni Jino.
Pagkatapos mapirmahan ni Jino ang hawak ng waiter ay tumayo na siya.
“I have to go.” Pabulong iyon ngunit mabigat ang dating sa akin. Putcha! Nakakabitin lang eh!
Huminga ako ng malalim.
Tumango ako. Pilit akong ngumiti.
Umalis na din ang waiter ngunit si Jino ay nanatiling nakatayo pa din doon.
“Sige na.” Kumindat ako pagkasabi ko no’n.
Tumalikod siya.
Nakailang hakbang palang ay muli niya akong nilingon. Kinagat niya ang kaniyang labi. Tumingin sa paligid. Muli niyang ibinalik ang kaniyang tingin sa akin.
Kinindatan ko siya at kumaway para magpaalam.
Mabilis siyang humakbang palapit at pagtayo ko para sana salubungin siya ay nayakap na niya ako ng mahigpit.
“I love you Boy. Kahit alam kong magkikita tayo bukas sa school pero ngayon palang namimiss na agad kita.” Bulong niya.
“I love you too.” Namumula kong sagot.
Nakatingin kasi sa amin ang ibang naroon. Nahihiya ako kaya pumikit na lang.
Tinapik ko ang balikat niya.
Lumuwang ang yakap niya at pagtalikod niya ay hindi na siya lumingon pa. Diretso niyang tinungo ang pintuan ng restaurant.
Ilang minuto din ako naghintay bago dumating ang sundo ko. Hindi naman ako nabagot dahil nakakapalitan ko ng text si Jino. Napapangiti ako sa mga banat niya. Yung pakiramdam na nagmamadali akong basahin ang bawat text niya at mapapangiti ako. Paulit-ulit na binabasa ang mga iyon. Kinikilig na parang ewan lang. Iba yung pakiramdam e. Hindi ko man mabigyan ng tamang terminology pero tanging puso lang ang nakakaintindi.
Pagdating ko sa bahay ay nagpalit na agad ako ng pantulog. Boxer short lang ako at sando. Ayaw ko kasi ng mahaba. Masaya kong ibinagsak ang katawan ko sa kama. Sumasabog kasi ang dibdib ko sa saya ngunit natitigilan din ako kapag naiisip ko si Lexi. Naawa ako sa kaibigan namin. Mahirap balansehin ang saya at lungkot.
Huminga ako ng malalim. Kaya lang, sa tuwing katext ko si Jino ay nawawala yung lungkot sa kaiisip kay Lexi.
“Gising pa ba ang mahal kong brad?” tanong niya sa text.
“Oo naman. Di pa naman ako nag-gudnyt sa’yo ah! Ikaw nga itong matagal na hindi na nagreply eh. ‘Kala ko tinulugan mo na ako...I miss you na po.”
“I miss you too. Ano na ang ginagawa mo niyan?” tanong niya.
“Eto, katext at iniisip ka. Ikaw?”
“Nasa gate. Iniisip din kita.”
“Gate? Sa gate ninyo? Bakit hindi ka pumasok sa kuwarto mo at magpahinga na?”
“Hindi ako makapasok kasi sarado e. Unless pagbubuksan mo ako?”
Tumayo ako.
Kinabahan sa sinabi niya.
Umaasang hindi ako nagkamali sa hinala ko.
Hinawi ko ang kurtinanamin. Sumilip ako sa may gate namin.
Putcha! May tao nga do’n.
Nanginginig ang daliri kong tinawagan ang number niya.
“Ikaw ba yung nasa gate namin?” agad kong tanong pagkasagot niya.
“Nakita mo na pala ako? Nakakahiya naman pero puwede lumabas ka saglit?” tanong niya.
“Putcha! Oo naman!” sagot ko habang nagmamadali na akong lumabas ng kuwarto ko.
Sabay ang lakas ng tibok ng aking puso sa mabilis kong paghinga. Nangangatog ang tuhod ko kasabay ng panginginig ng aking mga kamay. Halos liparin ko na ang hagdanan namin makarating lang sa gate.
Pagbukas ko ng gate ay nakita ko siyang hindi pa bumababa sa bisikleta niya. Nang makita niya ako ay basta na lang siyang bumaba at hinayaang bumagsak ang bisikleta. Mabilis kaming nagyakapan. Nakapantulog na siya at naramdaman ko ang basa niyang katawan sa pawis.
“Anong ginagawa mo dito?” nakangiting tanong ko habang yakap ko siya.
“Tumakas ako sa bahay. Akala nila matutulog na ako. Hindi ako mapakali e, kaya sinakyan ko ang bisikleta ko at agad na kitang pinuntahan. Brad! Namiss kita agad! Wala akong pakialam kung pagalitan nila ako bukas basta ang mahalaga sa akin ngayon maibsan yung sumasabog na nararamdaman ko!” humihingal pa siya at tagaktak pa din ang pawis.
Hindi niya alam kung paano niya ako pinasaya sa ginawa niyang iyon.
Hinubad ko ang sando ko at iyon ang ginamit ko para punasan ang pawis niya sa mukha. Muli kaming nagyakapan at panay ang halik ko sa kaniyang labi.
“I love you brad! Putcha naman pero mahal na mahal kita at sobrang saya kong nandito ka ngayon.” Natatawang sambit ko.
“Mahal na mahal din kita. Gusto ko lang kasing mayakap ka ng mahigpit at mahalikan bago matulog kaya kahit nakakapagod magbisikleta papunta dito sa inyo ay ginawa ko. Kaso brad, kailangan kong bumalik sa bahay e.” Bulong niya habang magkalapat pa halos ang aming mga labi.
“Brad, hindi ko maipaliwanag yung sayang nararamdaman ko! Putcha! Fuck! Sobrang uhhhh! Basta sumasabog eh!” banat ko.
Hinalikan niya ako sa labi.
Mas matagal.
Mas mapusok.
Ginising niya muli ang kanina pang nagwawala sa akin kahit nang nasa comfort room pa kami ng restaurant.
“Sige na. Okey na ako. Kailangan ko nang umuwi.” Pagpapalaam niya habang hawak niya ang mukha ko.
Ngunit ramdam ko din ang nakatutok na iyon sa gitna ng hita ko dahil sa suot niyang manipis na pajama.
Bumitiw sa akin at tumalikod ngunit hindi ko binitiwan ang isang braso niya.
“Hindi. Hindi ka muna uuwi. Dito ka muna.”
“Bakit?”
“Ayaw ko nga. Dito ka lang please!” pabulong habang muli kong hinila para yakapin.
“Baka kasi makita nina Papa na wala ako sa higaan ko.”
“’Yaan mo sila.” Sagot ko.
“Patay tayo diyan, pagagalitan ako ng mga ‘yun e.”
“E, di sige, ganyan ka naman lagi e.” Pagmamaktol ko. Binitiwan ko na siya.
Siya naman ang hindi mapakali.
“Sige na nga. Sandali lang ha?”
“Oo, sandali lang. Doon muna tayo sa kuwarto ko. Nandito ka na eh.”
“Anong gagawin natin?” tanong niya.
“Hindi ko alam. Basta! Akala mo ba pakakawalan kita ng gano’n na lang?”
Hinwakan ko ang kamay niya. Hinila ko siya papasok sa gate namin. Wala na akong naramdamang pagtanggi pa.
Alam kong alam niya ang binabalak ko. Iyon din siguro ang binabalak niya sa akin.
Ninenerbiyos man kaming dalawa ngunit sumasabog ako. Ayaw kong sumabog na namang mag-isa. Pagkakataon na para pagsaluhan namin ang aming pagmamahalan kahit pareho kaming nangangapa kung paano nga ba namin iyon gagawin.

No comments:

Post a Comment