Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.

Thursday, March 5, 2015

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 21

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta

“Brad ano ba. Uyyy! Nasa gate sina Papa kasama ang Daddy mo.” bulong lang iyon ngunit iyon ang nagpagising sa dugo ko.
Nawala ang antok ko.
Bumalikwas ako.
Hinawakan ko ang braso niya.
Akay ko siyang lumapit sa bintana.
“Putcha! Papunta na sila sa bahay. Siguradong si Lola ang nagsabi sa kanila na nandito tayo.”
“Anong gagawin natin?” tanong ni Jino.
Halatang natatakot siya sa Papa niya.
“Tara na.”
“Saan?” tanong niya.
“Do you still trust me?” tanong ko.
“Yes. Lagi naman akong may tiwala sa’yo. Kaya lang nandiyan na sila. Kailangan na naman ba nating tumakas? Saan na naman tayo pupunta?”
“Bahala na. Basta kailangan na nating umalis dito.”
Hindi na siya sumagot pa. Mabilis niyang pinagpupulot ang mga cellphone namin saka ko hinawakan ang kamay niya at binuksan ang pintuan. Abut-abot ang bilis ng kaba sa dibdib ko ng mga sandaling iyon at ang nanlalamig na palad ni Jino ang siyang sumisimbolo na siya man din ay kinakabahan sa aming ginagawang muling pagtakas.
                Nang nasisiguro kong hindi pa sila nakapasok sa bahay ay mabilis kaming bumaba sa hagdanan papunta sa kusina. Doon kami sa likod bahay dadaan. May lagusan doon papunta sa kalsada at may isa ding daan papunta sa masukal na gubat. Wala pa sa plano ko ang pumunta ng bayan. Magtatago na muna kami sa gubat hanggang masiguro kong hindi na nila kami masusundan. Lakad-takbo ang ginawa namin ni Jino habang magkahawak-kamay. Sa masukal na kagubatan kami sumuot. Walang kasiguraduhang pagtatago. Kung hanggang kailan kami doon, iyon ang hindi ko alam. Ang tanging nasa isip ko noon ay makalayo kami ni Jino sa mga mga magulang naming gusto kaming paghiwalayin.
                “Magpahinga muna tayo?” humihingal na sinabi ni Jino. “Saka nasasaktan ako sa hawak mo sa braso ko kasi yung mismong relo ko ang hinahawakan mo.”
                “Sorry.” Sagot ko.
Tagaktak na ng pawis ang kaniyang buong mukha, leeg at katawan. Ako man ay hinihingal na din. Umupo kami sa silong ng isang malaking puno. Hinila ko at niyakap para sa dibdib ko siya sumandal. Sumisilip ang sinag ng araw sa amin. Hapon na at ilang oras na lang ay lalamunin na ng dilim ang liwanag.
                “Hanggang kailan tayo magiging ganito?” tanong niya. Tumingin siya sa akin.
                Hinawakan ko ang kamay niya. Pinisil-pisil ko iyon. Hanggang kailan nga ba kami magtatago lalo na’t walang-wala din kaming dalang pera.
                “Nahihirapan ka na ba?” balik tanong ko.
Iniiwasan kong sagutin ang tanong niya.

                “Hindi naman. Sumama nga ako sa’yo dahil nagtitiwala ako sa’yo. Sumusunod lang muna ako kung hanggang saan ang kaya mo. Gusto kong lang marinig kung ano ang plano mo sa ating dalawa.” Huminga siya ng malalim. Tumitig siya sa akin na para bang may gusto siyang ipaliwanag sa akin. “Hindi kaya makabubuting sundin na lang natin muna ang kagustuhan nila para sa atin kaysa nahihirapan tayo ng ganito?”
                “E, di inamin mo din na nahihirapan ka na. Puwede bang konting tiis pa? Gusto ko lang malaman nila na ipinaglalaban kita. Walang problema ang mga magulang ko sa kung anong meron tayo brad. Mga magulang mo ang talagang tumututol sa atin at hindi ko alam kung bakit.”
                “Alam ko kung bakit gano’n si Papa sa atin brad ko. Paulit-ulit kasi niyang sinasabi sa akin kung bakit ganoon na lang siya kahigpit pagdating sa pag-aaral ko.”
                “Bakit? Kasi akala niya magiging masamang impluwensiya ako sa’yo?”
                “Hindi lang ‘yun brad.” Pununasan niya ang pawis ko sa noo gamit ang kaniyang palad. “Walang natapos si Papa.” Pagpapatuloy niya. “Dahil walang natapos, nahirapan siyang makahanap ng trabaho noon. Nang maliit pa lang kami, lahat ng pagkakakitaan, pinasok niya. Minaliit siya ng Mama ko, nauuwi sa halos araw-araw na pag-aaway dahil wala siyang matinong trabaho at pagkakakitahan na pambuhay sa amin. Nagkahiwalay sila Mama at Papa dahil kailangan niyang mangibang bansa para lang mabuhay niya kami. Ayaw niyang maranasan ko ang hirap na iyon dahil hindi ako nakatapos. Sabi niya, wala daw ibang tutulong sa akin kundi ang sarili ko lang. Edukasyon ko lang daw ang pinakamahalagang kayamanan na ipamamana nila sa akin kasi dala-dala ko daw iyon kahit saan ako magpunta. Kaya nga gano’n na lang siya kahigpit sa akin. Ganoon na lang siya kadeterminadong ilayo ako sa’yo kasi daw nakikita niyang ikaw ang tuluyang sisira sa akin.” Hinaplos-haplos niya ang balikat ko.
                “Alam mong hindi ko gagawin iyon, brad. Wala ka man lang bang ginawa para ipagtanggol ako?”
                “Brad, kahit anong paliwanag ang sabihin ko, hindi siya makikinig kasi sarado ang isip ni Papa mula nang dinala nila ako sa hospital dahil sa hazing. Doon nag-ugat ang lahat e. Yung naiyak siyang makita na halos malumpo ako sa palo ng ibang tao samantalang ni ayaw niyang madapuan at makagat ako ng lamok. Galit na galit siya noon sa fraternity at dahil ikaw lang ang kilala niyang member o dahilan ng pagpasok ko doon, sa’yo nabubunton yung galit niya. Sumama ako sa’yo kasi mahal kita bukod sa may tiwala akong walang mangyayari sa ating masama ngunit brad. Itong ginagawa nating ito, alam ko may hangganan din. Kaya ko sa’yo tinatanong kung hanggang kailan tayo magtatago sa kanila.”
                “Hanggang matanggap na nila tayo. Hanggang malaman nilang hindi solusyon ang paglayuin tayo para lang makatapos ng pag-aaral. Alam nating dalawa na iniigihan natin ang pag-aaral dahil nandiyan ka lang at nandito ako para sa’yo. Inspirasyon natin ang isa’t isa eh.”
                Huminga siya ng malalim. Niyakap niya ako. Hinalikan ko ang noo niya.
                “Okey ka na ba? Puwede  na nating ituloy ang paglalakad?” tanong ko.
                “Kanina pa tayo naglalakad. Kabisado mo ba ang gubat na’to?”
                “Hindi, pero kailangan muna nating ituloy ang paglalakad dahil baka nasundan nila tayo. Mas mahihirapan kasi silang hanapin tayo kung hindi tayo napepermi sa iisang lugar.”
                “Paano tayo? Dito tayo sa gubat magpapalipas ng gabi? Saan tayo kukuha ng pagkain natin?”
                “Mamaya, pupunta tayo sa bayan. Doon tayo maghanap ng makakainan at matutuluyan.”
                “May pera pa ba tayo?” tanong niya. Halatang wala na siyang tiwala pa sa akin.
                Huminga ako ng malalim.
Alam kong alam niya ang sagot no’n. Ako ang may plano nito kaya ako ang gagawa ng paraan.
                “Tara na. Kailangan nating makalayo pa para siguradong hindi nila tayo masundan.” Yakag ko sa kaniya.
                Nakita kong nagsimula na siyang mabahala ngunit mas nababahala ako na isiping ilalayo siya sa akin.
                “Wala ka na bang nararamdaman? Hindi ka na ba nilalagnat?” tanong ko.
                “Maayos na ang pakiramdam ko.” sagot niya.
Hinawakan niya ang kamay ko.

                Ipinagpatuloy namin ang paglalakad. Kinukuwentuhan ko siya. Binibiro-biro. Tinatago-taguan para malibang. Madalas ko din siyang kinakarga sa likod. Kaya lang mas mabigat siya sa akin kaya ako ang madalas niyang kargahin habang nagtatawanan kaming dalawa. Tinanggal na namin an gaming mga t-shirt. Napapalunok siya sa tuwing tinititigan niya ang katawan ko. Hidni niya alam kanina pa ako nagpipigil na gahasain siya sa gitna ng gubat. Kung wala lang sana kaming pinagtataguan, kanina pa natapos ang binabalak namin sa isa’t isa. Kaya hanggang sa halikan lang kami at yakapan. Kuntento na muna kami doon.
Hanggang sa narating namin ang falls. Kaya lang ilang sandali na lang ay lulubog na din ang araw.
                “Gusto mong maligo muna?” tanong ko.
                “Hindi kaya ako magkakasakit lang uli kung magbabad na naman ako sa tubig? Sa lahat ng ayaw ko kasing mangyari e, yung magiging pabigat ako muli sa’yo. Brad, ayaw kong nahihirapan ka sa akin. Kasangga mo ako dito. Hindi dahil ikaw ang nakaisip nito ay magiging pasanin mo ako. Uupo na lang tayo sa batong iyon at pagmasdan ang pagbagsak ng tubig.”
Nauna akong naglakad patungo sa matarik na bato. Nang nakaakyat na ako at tulungan ko siyang sumampa ay may iniabot siya sa akin.
“Wild orchid? Saan mo nakuha ‘yan?” natatawa ngunit may kilig na tanong ko.
“Do’n oh!” inginuso niya ang punong may sumabit na orchid.
Tinanggap ko na muna iyon bago ko siya tinulungang sumampa. Nang nakaupo na kami ay tumabi siya sa akin. Inakbayan ko siya. Kahit hindi namin tanaw ang paglubog ng araw ay nakakadagdag ang ginintuang kulay ng sinag nito para lalong tumingkad sa paningin namin ang paligid. Tinignan ko ang ibinigay niyang orchids sa akin. Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak doon at inakbayan niya ako. Dahan-dahan kong ipinatong ang ulo ko sa kaniyang balikat hanggang sa naramdaman ko ang kaniyang labi sa aking pisngi.
“Hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwalang mamahalin mo ako. Parang panaginip pa din ang lahat sa akin brad. Nasanay kasi akong naghahabol lagi ako sa’yo. Yung hirap na hirap akong makakuha kahit kaunting pagtingin lang mula sa’yo. Ngayon, heto ka at ipinaglalaban ako.” masaya niyang paglalambing.
“Noon pa man, brad naramdaman ko nang mahal kita. Hindi ko man lubos na inaamin sa aking sarili ngunit iyon ang ibinubulong ng puso ko ngunit pilit kong nilalabanan kasi ayaw ko noon ng kumplikadong relasyon. Ayaw kong matulad sa mga magulang ko, ngunit heto ako, masayang ipinaglalaban ka at para ako nasisiraan ng ulo kung naiisip kong mawawala ka sa akin. Kaya ganito ko na lang gustong ipaglaban ka, isang oras palang brad na di kita nakikita, sobrang miss na miss na kita, yun pang ilayo ka sa akin.”
Hinawakan niya ang pisngi ko. iniharap niya iyon sa mukha niya at sinalubong niyang muli ang kaniyang labi. Napapikit ako dahil sa muling pagkakataon ay muli kong natikman ang matamis niyang halik. Hindi ako magsasawa sa kaniyang labi. Iyon ang nagbibigay ng lakas sa akin kahit hapung-hapo na ako. Iyon ang parang nagpapatatag sa akin.
“I love you brad.” Bulong niya.
“I love you more.”

Ilang sandali pa ay dumilim na ang paligid. Kailangan naming lumabas sa gubat ngunit nagdesisyon akong hindi namin susundan ang daan palabas. Mahirap nang makasalubong namin sina Daddy na alam kong naghahanap pa din sa amin. Inalalayan niya akong bumaba sa malaking bato dahil siya ang unang nakababa. Habang tinatalunton namin ang masukal na gubat ay nakaramdam na ako ng gutom at pagka-uhaw. Alam kong ganoon din siya ngunit hindi lang siya sa akin nagsasabi. Malapit lang ang bahay nina Tito E-jay sa falls ngunit paano kung sila din ay nasabihan nina Daddy. Lalo lang nila kaming masusukol. Wala kaming kapera-pera ni Jino. Saan kaya kami kukuha ng aming hapunan o kahit tubig lang na maiinom?
“Nauuhaw ka na ba?” tanong ko.
“May maiinom ba tayo?”
Hindi na ako sumagot. Sana pala hindi na ako nagtatanong pa dahil wala din naman akong maibigay.
“Kung tinatanong mo ako kung gutom ako, oo kanina pa pero may makakain ba tayo? Ni hindi ko na alam kung saan tayo pupunta brad dahil madilim na ang paligid. Dito ba tayo sa gubat matutulog?” tanong niya. Halatang may diin na iyon.
Pinang-hihinaan na ba siya ng loob?
Hindi ko alam.
“Tara, hanapin natin yung daan papunta sa bayan.”
“Bayan? Bakit sa bayan? Hindi ba mas mainam kung kina Lola mo na lang tayo pupunta? Alam ko brad, nagugutom ka na din at nauuhaw. Sa lahat ng ayaw ko ay yung nakikita kong nahihirapan ka dahil lang sa pride o paninindigan mong ilayo ako.”
“Sandali, sumusuko ka na ba?” tanong ko.
“Hindi kita isinusuko. Sige. Susunod ako sa kung ano ang gusto mo. Wala kang maririnig mula sa akin. Hindi ako magrereklamo, lalong hindi ko kokontrahin ang gusto mo dahil nga tiwala akong alam mo kung hanggang kailan lang ito. Tandaan mong sa lahat ng ayaw ko ay ang makita kang nagugutom o kaya nahihirapan. Kahit alam kong mali ito, umaasa akong matutunan mong  harapin at tanggapin na this is really a mistake.”
“Putcha naman brad! Sinabi mong wala akong maririnig sa’yo at hindi ka magrereklamo pero sasabihin mo sa aking mistake ito? Tingin mo sa ginagawa natin ngayon, mistake lang?”
“Look, I do appreciate all of these pero wala akong nakikitang magandang ibubunga ne’to kundi ang pahirapan natin ang ating mga sarili at mga magulang nating nag-aalala sa ating kalagayan.” Hinawakan niya ang braso ko. Nakikiusap ang kaniyang mukha.
“Bakit ka pa sumama kung ‘yan na ang sinasabi mo sa akin ngayon? Oo, idea ko ito pero nagugutom ka lang at nauuhaw pero lumalabas na pinagsisisihan mo na ang pagsama sa akin.”
“Brad, hindi dahil nagugutom ako at nauuhaw ay pinagsisihan ko na ang pagsama sa’yo. I love you brad kaya ako sumusunod at nagtitiwala sa mga desisyon mo. Kasi tiwala ako na kaya mong isipin kung ano ang mali sa ginagawa natin. We’re not ready for this. Ni hindi mo man lang ako isinasama sa kung ano ang plano mo. Kung ano yung mga hakbang mo why you decided to do this. Sunud lang ako ng sunod kasi alam kong may mga series of plans ka. Now, tell me. Ano yung plano mo para matulungan kita to work it out.”
Yumuko ako. Huminga ng malalim.
“Tara na. Kailangan natin makarating sa bayan para makakain ka na.”
“Kanina pa tayo lakad ng lakad ah. Kanina pa din ako sunud ng sunod. Nakakapagod na Boy. Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung ano talaga ang plano mo. Kung ano ang susunod nating mga gagawin. Kung ano ang magandang ibubunga ng mga ginagawa nating ito. Please, isama mo ako sa pagplano kasi kanina pa ako nangangapa kung saan ba patutungo itong ginagawa natin. So, what’s next? Tell me your plan.”
“Wala.” Maikli kong sinabi.
“Wala?”
“Oo, wala akong plano. Bahala na.”
“Paano tayo kakain ngayong wala tayong pera? Saan tayo magpapalipas ng gabi? “ sunud-sunod niyang tanong na lalong ikina-aburido ko.
                “Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ay kailangan nating pumunta sa bayan at saka na natin problemahin ang kakainin at tutulugan do’n okey?” singhal ko.
                “Huwag mo akong sigawan Boy. Nagtatanong lang ako.”
                “Puwes ayusin mo ang mga tanong mo!” binilisan ko ang paglalakad palayo.
                “Hindi ka makasagot kaya ka iiwas. Just please be mature enough to address my concern please!” singhal din niya.
                “Bahala ka na nga! Sinabi nang huwag munang makulit e.”
“Tumakas tayo na hindi tayo handa. Ni damit nga wala tayo. Kahit pera sana na pambili ng pagkain. Anong kalalabasan natin sa ganito? Mamumulubi?”
                “Nang-aaway ka ba talaga?”
                “Hindi, I am trying to help you to sort this out. Gusto kong sa’yo mismo manggagaling yung solusyon ng problema natin.”
                “Ano ba kasi talaga ang gusto mo?”
                “Brad, hindi ang gusto ko e, kundi kung ano yung dapat nating gawin. Yung tamang desisyon natin.”
                “Gusto mo bang bumalik na sa mga magulang mo kasi nahihirapan ka na at nagugutom?”
                Hinawakan niya ang kamay ko.
                “Gusto mo din ba?” tanong niya. Nakikiusap ang kaniyang mga mata.
                “Putcha naman Jino, ikaw ‘tong tinatanong ko eh. Kasi kung gusto mong bumalik sa kanila, ibig lang sabihin niyan, isinusuko mo na ako.”
                “Bakit ba kasi pagsuko ang iniisip mo kung bumalik tayo sa mga magulang natin? Hindi gano’n ‘yun Boy. Inihahanda nila tayo para mapabuti nila ang mga buhay natin. Can’t you get the point?”
                “O sige na. Nakuha ko na ang punto mo. Halika. ‘Yan ang gusto mo di ba? Sige pagbibigyan kita.” Hinawakan ko ang kamay niya. Hinila ko siya patungo sa direksiyon ng bahay nina Lola.
Sapat na ang liwanag ng buwan para makita namin ang aming tinataluntong daan. Isa pa, hindi pa ganoon kalalim ang gabi. Katatapos lang ng takip-silim.
                Nang malapit na kami sa bahay nina Lola at nakita kong naroon pa ang sasakyan nina Daddy ay nagtago muna kami sa mataas na bakod para makapag-usap.
                “Anong ibig sabihin ne’to?” tanong niya.
                “Di ba gusto mo nang bumalik sa inyo? Hayan, you are free to go.”
                “Bakit ako lang? Paano ka?”
                “Uuwi ako sa bahay kung kailan ko gusto. Sige na, hindi sila umaalis diyan kasi alam nilang nandito lang tayo sa paligid. Ayaw kong lumalabas na pinipilit kita. Tama ka nga naman, mahihirapan ka lang sa akin at dahil mas pinipili mong sumama sa mga magulang mo, pagbibigyan kita.” tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa aking braso.
                “Ayaw ko. Kung babalik ako kina Papa gusto kong babalik ka din kina Daddy mo.”
                “Di ba sabi ko, babalik ako kung kailan ko gusto? Sige na. Bumalik ka na kina Papa mo nang makakain ka na din at makainom. Para tapos na ang paghihirap mo sa pagsama sa akin.”
                “Paano ka?”
                “Kaya ko ang sarili ko. Sige na. Mauna na ako. Huwag kang mag-alala. Magkikita pa tayo. Gusto mong sumama sa kanila, sige pagbibigyan kita ngunit tandaan mong kapag ginawa mo ‘yan ibig sabihin ay hindi pala kasintatag ng paninindigan ko ang pagmamahal mo sa akin.”
                “Boy, huwag mo naman lalong pahirapan ang sitwasyon natin oh. Please? Tayo yung magkasangga dito eh. Tayo yung dapat nagtutulungan hindi yung nag-iiwanan. Laban nating dalawa ‘to e.” pagsusumamo niya.
                “Laban nating dalawa? Hindi brad e, laban ko na lang ‘to. Mabuti na din na bumalik ka sa kanila para may magsabing kaya ako nagrerebelde ng ganito sa kanila kasi hindi nila ako naiintindihan. Noong iniwasan kong mahalin kita, ako ang masama kasi daw sinasaktan kita, ngayong ipinaglalaban ko yung pagmamahal ko, mali pa din ako kasi masama akong impluwensiya. Sa tingin mo ba hindi masakit sa loob kong marinig sa mga magulang mo mismo na hinihusgahan ako na hindi naman nila talaga ako kilala? Ang masama, hindi ako kayang maipagtanggol ng mga taong inaasahan kong magtatanggol sa akin. Yung mga taong alam kong nakakikilala kung sino talaga ako. Paano nga ako maniniwalang kaya mo akong mapanindigan kung sa mismong magulang mo ay hindi mo malinis ang pagkatao ko. Kung hindi mo sila kayang paniwalaing hindi ako katulad ng iniisip nila. Pati mga magulang ko, mukhang ang tingin nila sa akin ay basagulero pa din. Hindi man nila sinasabi iyon ngunit yung pagpayag nilang ilayo ka sa akin ay nangangahulugan lang na masama ako sa paningin nila. Ikaw naman yung laging mabuti hindi ba at ako yung laging masama. Kaya hayaan mo na ako. Kaya ko ‘to.”
                Umatras ako.
Gusto kong layuan na lang din siya. Gusto kong hindi na siya mahirapan pa sa naisip kong pagrerebelde. Sa ngayon, kailangan kong panindigan ito. Baka ito ang magtutulak sa mga magulang ko na ilaban naman nila yung gusto kong mangyari sa mga magulang ni Jino. Ito lang ang alam kong paraan para mapansin nila ako at nang gusto kong mangyari.
                “Sasama parin ako sa’yo Boy.” Pinilit niya akong hawakan ngunit umiwas ako. Sa tuwing lumalapit siya ay lumalayo ako.
“Huwag na. Kung labag din lang sa loob mo ito, huwag ka nang sumama pa. Ayaw kong nakikita kang nahihirapan kasi sumusunod ka lang sa akin na walang kaplano-plano. Pasensiya na kung ito lang ang kaya kong paraan para patunayang mahal kita. Sige na. Pumunta ka na doon nang makakain ka na at ako na, bahala na muna ako sa sarili ko.”
“Huwag naman Brad. Please. Sige. Kahit walang plano, kahit saan tayo pupunta wala akong magiging reklamo. Huwag lang yung ganitong magkalayo tayong may tampuhan.”
“Buo na ang desisyon ko. Babalik ka sa kanila at ilalaban ko ang gusto kong ako lang. Bahala ka nang magsabi sa kanila ang dahilan kung bakit ako ngayon nagkakaganito.”
Mabilis akong naglakad palayo. Bahala na. Ang mahalaga ay lumayo na muna ako.
Ngunit hinabol niya ako.
Pinipigilan.
Niyakap niya ako ng mahigpit.
Humahagulgol.
“Boy, ayaw ko. Please… sasama na ako sa’yo. Huwag ka lang magalit sa akin. Saka sa alam mo ba matatahimik ako kung alam kong nahihirapan ka?”
Huminga ako ng malalim.
Nakita kong may lumabas sa gate.
Nagsindi iyon ng sigarilyo.
Sa lakas ng ilaw sa gate ay namukhaan ko kung sino iyon.
Tama, si Tito James nga.
“Halika dito. Sasamahan kitang bumalik sa kanila.”
“Talaga? Hindi ka na aalis?”
Tumango ako.
Hinarap ko siya.
Hinawakan ko ang pisngi at pinunasan ko ang kaniyang luha. Hinalikan ko ang labi niya saka ko ginagap ang kamay niya.
“Shhhhhh! Huwag ka ng umiyak, okey? Sige na, tahan na, brad ko.” bulong ko.
Nauna akong naglakad papunta sa kinatatayuan ng Papa niya.
Huminto siya.
“Si Papa. Baka anong gagawin ni Papa sa atin.”
Ako man ay kinakabahan ngunit kailangan kong gawin ito,
“Huwag kang matakot. Alam ko kung gaano tayo kamahal ng mga magulang natin. Sanay na ako sa mga ganito. Sa una, magagalit sila ngunit laging ang maiiwan pagkatapos ng kanilang galit ay ang pagmamahal nila sa atin. Tara na.” bulong ko.
Ang kaninang humitong paa niya ay muling humakbang.
Halos magiba na ang dibdib ko sa lakas ng kaba.
Ilang dipa na lang ang layo namin kay Tito James at nang tuluyan na kaming lumabas sa halamanan na siyang tinaguan namin ay saka kami nakilala ng Papa niya.
“Anak ng… Jino? Romel? Saan kayo nanggaling? Ano ‘tong ginagawa ninyo? Alam ba ninyo kung gaano kami nag-aalala sa inyo.” Garalgal ang boses ni Tito James.
“Sige na, lumapit ka sa kaniya. Yakapin mo siya para maibsan yung galit niya sa’yo.” Bulong ko sa napapaatras na si Jino.
Sumunod siya sa akin. Bumitaw siya sa kamay ko at mabilis niyang nilapitan ang Papa niya. NIyakap niya ito ng mahigpit. Napaluha ako nang makita kong yumakap din si Tito James kay Jino.
“Romel, mag-usap tayo kasama ng mga magulang mo sa ginawa ninyong ito. Hindi ito nakakatuwa at hindi ko gusto ang…”
Tumalikod ako.
Hindi na ako nakinig pa sa mga sasabihin sa akin ng Papa ni Jino lalo pa’t nakita kong may galit sa timbre ng boses niya. Mabilis ang mga paa kong naglakad palayo doon. Iyon lang naman ang gusto kong mangyari. Ang ibalik ang anak nila sa kanila. Kung hindi kaya ni Jino na samahan ako sa ipinaglalaban ko, ako kaya ko pa at hanggang kaya ko pa ay gagawin ko ang naisip ko. Naniniwala akong sa pagkakataong ito, maipaabot nina Jino at nina Daddy ang gusto kong mangyari.
“Boy! Saan ka pupunta! Huwag mo akong iwan, Boy!” sigaw ni Jino.
Hindi na ako lumingon pa. Mabilis kong tinungo ang masukal na gubat. Sa dulo no’n ay ang highway papunta sa bayan. Kapag nasa bayan na ako ay saka na lang ako iisip ng susunod kong hakbang. Lakad-takbo ang ginawa ko. Masakit na mag-isa na lang akong tumatakas ngayon ngunit nakagagaan din ng loob na isiping hindi na mahihirapan si Jino. Makakain na siya, makakainom at makakatulog ng mahimbing.
Nang nasa highway na ako ay nag-abang na ako ng masasakyang traysikel.  Hindi nagtagal ay nakapara din ang ako. Inapuhap ko ang bulsa ko.
Fuck!
Wala nga pala sa akin ang iphone ko. Dalawampung piso lang ang nasa bulsa ko. Paano kaya ako nito makakain? Halos pamasahe ko lang ang dala kong pera. Kung nasa sa akin lang sana ang iphone ko ay naisip kong isanla muna iyon para may pera ako. Ibinulsa pala ni Jino kanina iyon at wala na sa isip kong kunin sa kaniya bago kami nagkahiwalay.
Malas talaga oh! Pero nandito na ‘to. Panindigan ko na lang.
Pagdating ko sa bayan ay tuyun-tuyo na ang lalamunan ko at tumutunog na ang sikmura ko sa gutom. Walang-wala ako. Yung iphone ko lang kasi ang inaasahan ko. Paano na kaya ‘to ngayon?
Umupo ako sa park na hindi kalayuan ng paradahan ng traysikel. Napapalunok ako sa tuwing natatanaw ko ang mga kainan na hindi kalayuan do’n. Kahit lang sana tubig na mainom. Pagod na pagod din ako sa halos maghapong biyahe, lakad at takbong ginawa namin ni Jino kanina. Sana nakakain na si Jino. Sana maayos na siya ngayon.
Abala ang mga tao sa paligid. Lahat ay nagmamadaling makauwi sa pamilya nila. May mga kabataang nakasuot pa ng kanilang uniform. Masaya silang sumasakay ng traysikel at jeep. Nagpapaalam sa isa’t isa. Sa hindi kalayuan sa akin ay ang babae at lalaking kumakain ng fishball sa bangketa. Halatang may relasyon. Naalala ko si Jino. Noong nakaraang araw, ganyan din lang kami. Masayang kumakain ng fishball at naka-uniform. Tumingin ako sa hindi kalayuang fastfood. May dalawang lalaking kaedad namin ni Jino. Kumakain sila ng burger at French fries. Masayang-masaya silang nagkukuwentuhan. Ganyan lang kami kaninang umaga. Nagsusubuan ng French fries at burger sa traysikel. Namimiss ko na siya. Higit isang oras lang kaming nagkalayo ngunit sobrang miss na miss ko na. Biglang tumulo ang luha ko. Kung sana hindi ko iniwan si Jino kanina, sana magkasama kami ngayon dito. Bakit ko ba kasi siya iniwan? God! Ano itong ginagawa ko? Kaya kong tiisin ang gutom at pagkauhaw ngunit hindi yung isiping wala siya sa tabi ko at di maayos ang pagkakahiwalay namin.
Tinignan ko ang inupuan kong sementadong pahabang upuan. Minabuti kong humiga na muna doon. Mukhang pati ang buwan kanina ay nagtampo na sa akin. Wala na din akong makitang bituin. Lumakas ang hampas ng hangin. Nakaramdaman ako ng pagkaginaw. Dahan-dahang naglakbay ang luha sa aking pisngi. Huminga ako ng malalim. Kaya ko ‘to. Kakayanin ko muna ito basta ang mahalaha ay maayos na si Jino. Sana naipaliliwanag niya ng mahusay ang gusto kong mangyari. Inapuhap ko ang sikmura ko. Gutom na gutom na talaga ako. inisip ko na lang ang masasarap na pagkaing inihahain nina Daddy sa akin sa tuwing galing ako sa school. Namimiss ko na din sina Daddy. Nakaramdam ako ng guilt na pinahhirapan ko sila ng ganito. Kaya lang hindi ako dapat patalo sa aking emosyon. Hindi ko dapat iniisip sila ng ganito dahil matatalo lang akong sa sinimulan kong pakikipagmatigasan.
Pumikit na lang ako. Sana antukin na lang ako para saglit kong makalimutan ang gutom at pagod. Para kahit paano ay maibsan yung pangungulila ko kay Jino. Pangungulila ko kina Daddy. Kahit sandaling pagkaidlip lang. Ngunit mailap ang antok. Mukha ni Jino ang aking nakikita. Pakiusap nina Daddy ang aking naririnig.
Hanggang sa may naulinigan akong pagkulog at pagkidlat. Uulan pa yata. Hindi ko na lang muna binuksan ang aking mga mata. Huwag naman san uulan muna ngayon. Kahit ngayong gabi lang. Sunud-sunod ng gabi nang umuulan. Hindi ba puwedeng pagbigyan man lang ako kahit sa gabing ito lang?
Lumakas ang kulog at kidlat kasama ng hangin. Sinusungitan talaga ako ng panahon.
Hanggang sa may isang patak ang tumama sa aking noo. Nasundan pa ng ilang patak sa aking pisngi at tuluyan ng dumami ang patak ng ulan.
Kapag dumating talaga ang kamalasan e kailangan magkasabay-sabay.
Ngunit biglang natigil ang pag-ulan sa bahaging ulo ko. Dama ko na lang ang ulan sa bahaging paa ko.
Naramdaman kong parang may tao sa tabi ko.
Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata.
Si Jino.
May dala siyang payong at pagkain. Nakangiti siya sa akin.
Bumangon ako. Tumingin sa paligid. Natatakot na baka kasama na niya ang mga magulang ko.
“Huwag kang mag-alala. Ako lang ‘to brad!”
“Bakit ka narito? Anong ginagawa mo dito?” nag-aalala kong tanong ngunit napapaluha sa sobrang saya.
“Hindi ko kaya eh.”
“Hindi kaya ang alin?”
“Yung ganito? Yung malayo ka sa akin. Kaya nang iniwan mo ako, ginamit ko yung nalalaman ko sa taekwondo kay Daddy para mabitiwan niya ako. Tinakasan ko din muli siya. Hindi nga lang ako nakasunod sa’yo ngunit alam kong dito ang punta mo. Sandali akong nagpaikot-ikot sa gubat dahil naligaw ako hanggang sa narating ko ang main road papunta dito sa bayan.”
“Saan ka kumuha ng pera mo at pinambili mo ng pagkain at diyan sa payong na ‘yan.”
“Kailangan kong magpahatid sa traysikel driver ng bukas pang pawnshop. Isinanla ko na muna ang cellphone ko para may pamasahe ako at may magamit tayong pera. Binili ko yung payong diyan lang oh nang maramdaman kong uulan na.”
Tumayo ako.
Niyakap ko siya ng mahigpit. Sabay kaming napapaluha sa saya.
“Hindi mo na sana ako sinundan pa. Sana sumama ka na kina Papa mo, brad.”
“Naninindigan ka para sa akin Boy, ayaw kong pabayaan na lang kita. Okey na sa akin na walang kaplano-plano ang ginagawa nating ito. Wala na akong pakialam pa kung walang magandang ibunga ng ginagawa natin basta ang mahalaga sa akin ay ikaw brad ko. Yung panatag ang loob kong ligtas ka, hindi nahihirapan at manatili ka sa buhay ko. Iyon ang pinakamahalaga sa akin ngayon. Kung isipin ng iba na katangahan ang ginagawa ko, na kahit matalino ay nagpapakabobo dahil sa pagmamahal ko sa’yo, wala na akong pakialam pa basta masaya akong sa kahit anong pagsubok na pagdadaanan natin ay kasama kita. Mali na kung mali sa iba ang ginawa kong pagpatol sa mga hindi napag-isipang mga desisyon mo ngunit may tatama pa ba doon sa kagustuhan kong maging masaya kasama ng taong tanging bumubuo sa akin?”
Hinawakan ko ang pisngi niya. Tinitigan ko siya sa mata. Hinalikan ko siya sa labi habang hawak niya ang payong at pagkain. Doon sa gitna ng ulan, sa ilalim ng isang payong na kung saan ay maraming nagtatakbuhan para sumilong ay naroon lang kami, nakatayo, naghahalikan. Ipinapadama ang pagmamahal namin sa isa’t isa. Pinatutunayang, kaya naming ipaglaban ang aming pagmamahalan kahit pa dumadaan kami ng hirap.
“Nagugutom na ako.” bulong niya habang magkalapat pa ang aming mga labi.
“Hindi ka pa ba kumakain?”
“Bakit ako kakain na hindi kita kasabay. Baka puwedeng pagsaluhan na muna natin ang dala ko kasi mas nakakabusog yata ito kaysa sa ginagawa nating halikan ng halikan. Unahin muna natin punuin ang ating sikmura.”
Nagtawanan kami.
                Hinawakan ko ang dala niyang pagkain. Umakbay ako sa kaniya. Tumuloy kami at bumalik sa isang fastfood kung saan niya binili ang dala niyang pagkain. Doon namin pinagsaluhan ang binili niya.
                “E, di wala ka ng cellphone niyan?” nakokonsensiya kong tanong.
                “May iphone ka pa din naman e. Iniisip ko din kasi kanina, kung wala kang pera at wala ka ding cellphone, paano ka? Paano ka nang magdamag? Kaya kahit alam kong mas doble na ang galit ni Papa sa akin ngayon ay mas pinili ko paring tumakas sa kanila kaysa sisisihin ko ang sarili kong pinabayaan kita. Ayaw kong nasa bahay lang samantalang hindi ko alam kung ano na ang nagyayari sa’yo. Kung inuuna mong isipin ang ang kapakanan ko, ganoon din naman ako sa’yo brad ko. Kaya sana huwag ka nang magdesisyon na ikaw lang, isama mo naman ako Boy. Kasangga mo ako dito. Oo, maaring hindi tayo magkapareho ng opinyon at times pero di ba, para din lang sa kabutihan nating dalawa ang dapat nating isaalang-alang. Kapag nagtatalo tayo, hindi ibig sabihin no’n magkaaway na tayo. Nagtatalo tayo kasi we do care each other at pinagtatalunan natin kung paano natin masosolusyunan ang pinasok nating problema. Mas natatakot ako sa ginawa mong basta ka na lang nagdesisyon para sa akin na hindi mo na binigyan ng halaga yung nararamdaman ko. Kasi kung wala ka nang pakialam pa sa kung ano ang iisipin ko, sasabihin ko at nararamdaman ko, para sa akin, ibig sabihin no’n you stop caring about my being. Ayaw kong mangyari ‘yun Boy. Kaya please. Just promise me na hindi mo na muli akong iiwan ng gano’n lang.”
                “I’m sorry brad ko. Hayaan mo, hinding-hindi na muli pang mangyayari ‘yun. Pangako. Hinding-hindi ko na gagawin pa ‘yun sa’yo.”

                Pagkatapos naming kumain ay nagyaya na siya para maghanap kami ng matutulugang mumurahing motel. Kokontra sana ako dahil sayang ang pera ngunit saan naman kami magpapalipas ng gabi? Ayaw ko nang maulit pang makita siyang matulog sa park sa gitna ng malakas na ulan. Yung hindi niya alam kung paano siya pupuwesto para makatulog. Yung hindi na kakayanin ng init ng katawan ko na painitin ang ginaw na nararamdaman niya. Ayaw ko nang muli pa siyang magkasakit.
                Pagkapasok namin sa mumurahing motel ay sabay kaming naligo. Siya ang naghubad sa aking damit at ako din sa kaniya. Gamit ang libreng sabon at shampoo ng hotel ay sinabon niya ang buong katawan ko. Bawat dantay ng kaniyang nanginginig na palad sa aking katawan ay nagbibigay ng hindi ko maipaliwanag na sensasyon lalo pa’t magkalapat ang mainit at hubad naming katawan na binabanlawan ng maligamgam na tubig galing sa faucet. Bawat sulok ng kaniyang katawan ay pinagmamasdan ko, ang kaniyang makinis at maputing kabuuan, ang nangungusap niyang mata, may katangusang ilong at mapupulang labi. Ganoon din ang pagtitig niya sa hubad kong katawan. Ginagalugad ng kaniyang kamay ang bawat sulok ng aking kahubdan. Nag-uumigting ang aming mga alaga, tanda ng hindi na namin kayang gapiing init ng aming katawan. Hindi na mapipigilan pa ang sumasabog naming pagsinta. Nagsimula ang lahat ang pagsubo niya sa akin. Napasandal ako at ninanamnam ang bawat paglabas basok ng akin sa kaniyang bibig. Ilang sandali pa ay ako din ang gumawa sa kaniya ng ginagawa niya sa akin. Ungol at halinghing ang ingay na pumupuno sa banyo. Napapasabunot siya sa akin kapag dumidiin ang aking pagsubo. Napapamura sa sarap. Hanggang sa tumayo ako. Nilagyan ko ng shampoo ang kamay ko at ganoon din siya. Habang magkalapat ang aming mga labi at katawan ay nagtrabaho ang aming mga palad sa alaga ng isa’t isa. Bumili ng bumilis ang pagtaas baba ng aming mga palad kasabay ng aming ungol at pagbigat ng aming hininga. Sabay ang napakalakas na ungol naming may halong pagmumura. Tumingkayad ang aming mga paa. Dumiin ang ang aming halikan. Bumilis ng bumilis ang tibok ang aming mga puso at sabay naming abot ang langit sa pagputok. Bumulwak ang kaluwalhatian. Isang sarap na di nalalapatan ng naaakmang salita dahil sa sobrang kaibahan nito.

Nang nakahiga na kami ay pinagmamasdan ko ang payapa niyang pagtulog. Hindi man siguro siya magrereklamo pa sa mga susunod na araw na magkasama kaming nahihirapan ay alam kong hindi niya dapat pinagdadaananang mga ito. Hindi ko siya dapat pinahihirapan ng ganito. Ayaw kong masira ko ang pangarap niya. Hindi ko kakayaning ako ang makakasira sa pag-aaral niya. Kailangan kong harapin ang problema. Kung si Tito James ang may problema sa akin, siya ang dapat kong harapin. Gagawin ko ito para sa kaniya. Kung kailan, hindi ko alam ngunit sana makapag-ipon muna ako ng lakas ng loob na gawin iyon.
Binuksan ko ang iphone ko. Kailangan kong i-text si kuya Jello. Magtatanong ako sa kaniya sa kung ano ang dapat kong gawin. Napakaraming text ang pumasok. Lahat sila nag-aalala. Si Papa Zanjo at Papa Pat, si Tito Carl at Tito E-jay, pati na din sina Papa Love at Papa Dave sa Canada. Ngunit mas marami kina Daddy. Ni isa do’n ay wala pa akong binabasa. Hinanap ko ang number ni Kuya Jello nang biglang tumunog ang iphone ko.
Number ni Lexi.
Tumatawag si Lexi.
Kinabahan ako.
Nag-iisip ako kung kailangan ko siyang sagutin.
“Hello”
“Oh my! Thank God binuksan mo din ang cellphone mo!”
“Kumusta ka, kumusta ang pakiramdam mo?” tanong ko.
“Gano’n parin. Ako ang dapat magtanong. Kumusta ang pagtatanan? Hindi ako mamamatay sa sakit best friend, mamatay ako sa nerbiyos sa inyo. Please, ayusin na ninyo ito. Ayaw kong mamatay na lang na nawawala pa kayo. Please best do this favor for me. Iuuwi nila ako sa bahay sa Sabado best. Ramdam kong huling birthday ko na ito and I really wanted to make it sure na nando’n kayo ni Jino.” Hinihingal siya. Halatang nahihirapan magsalita ngunit pinipilit niyang magpakatatag. “Hindi ako mapakali best. Natatakot ako sa kung ano na ang nangyayari sa inyo. Till now, I can’t sleep kasi kayo yung inaalala ko. Umuwi na kayo please?” Humigingal na naman kaya tumigil sandali.
“Kailangan ko kayo best. Alam ninyong isa kayo sa hinuhugutan ko ng lakas. Gusto ba ninyong mamatay na lang ako na di ko man lang kayo nakakasama sa mga huling sandali ng aking buhay?”
“Hindi. Siyempre hindi kami papayag ni Jino.” Nalulungkot kong sagot.
“Oh hindi naman pala eh. So please, tama na ‘to. I miss you both. Mahal na mahal ko kayo. Sana tapusin na ninyo ito please? Kung natatakot kayo, ako ang kakausap kay Tito James. Kahit hindi kayo magsabi sa akin, alam ko ang dahilan ng paglalayas ninyo. Let me fix this best. Hindi yung ganyang kung saan-saan kayo nagtatago. Harapin ninyo ang problema best. Hindi nakakatulong yung ganyang pilit ninyong tinatakasan ang lahat. Hindi kasi ako mapakali e. Iniisip ko kayong dalawa.” Humihikbi na siya at ayaw kong nakakadagdag pa sa pakiramdam niya ang ginawa namin ni Jino.
“Sige best. Huwag ka lang umiyak please. Ayaw kong naririnig kang ganyan” sagot ko. Dama ko kasi yung paghihirap ng kalooban ni lexi.
Yumuko ako.
Hinalikan ko ang labi ni Jino.
Sinuklay ko ang buhok niya. Tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. “Para sa’yo at dahil nahihirapan na din akong nakikita si Jino sa kalagayan namin ngayon, uuwi na kami. Uuwi na kami para samahan ka sa birthday mo.” umiiyak ako habang sinasabi ko ‘yun.
“Sige ha. Pakitext sa akin kung nasaan kayo ngayon. Maghintay lang kayo diyan. Ipapasundo ko kayo best. Salamat, maraming salamat dahil hindi mo na naman ako binigo.
Habang nagtetext ako ay gumalaw ang natutulog na si Jino. Inilagay ko ang ulo niya sa dibdib ko.
Minulat niya ang kaniyang mga mata.
Tumingin siya sa akin.
Muli kong hinalikan ang labi niya.
“Maghanda ka na brad ko. Uuwi na tayo. Tapusin na natin ito. Pasensiya ka na kung nasama ka sa padalos-dalos kong desisyon. Sorry kung pati ikaw nahirapan.”
“Ano?” hindi makapaniwalang tanong niya.
“Uuwi na tayo brad ko.”
“Promise brad ko? Uuwi na talaga tayo?”
Tumango ako at pinunasan ko nag luha sa aking pisngi.
Yumakap siya sa akin at pinaghahalikan ako sa buong mukha tanda ng pasasalamat sa mabilis kong pagkagising sa katotohanan.

Ilang sandali pa, narinig namin ang katok sa aming pintuan. Sinilip ko at nang masigurong sila na nga ay dahan-dahan kong binuksan ang pintuan.
Yumuko ako. Naghihintay na pagalitan ako nina Daddy ngunit hindi nila iyon ginawa. Wala silang sinabing kahit ano. Mahigpit nila akong niyakap at naramdaman ko ang pagpatak ng luha ni Daddy Ced sa leeg ko.
“Tara na anak, uuwi na tayo. Iuuwi ka na namin.” Pabulong iyon.
Nakita ko din ang pagyakap ni Tito Xian kay Jino ngunit sa akin nakatingin ang galit na galit na si Tito James.  Nang bumitaw sa akin si Daddy ay hinarap ako ni Tito James.
“Pareng Mak at Pareng Ced, pasensiya na uli ha, baka puwedeng kausapin ko ang anak ninyo sa harap ninyo?”
"P're, kung may problema ka sa anak namin, kami ang dapat kakausap sa kaniya. Kami ang may karapatang dumisiplina sa kaniya at hindi namin magagawa iyon sa harap ng ibang tao. Pasensiya na P're pero hindi kasi magandang tignan na ikaw ang nagsasabi sa anak namin ng dapat kami ang nagsasabi sa kaniya." matapang na sagot ni Daddy Ced.
Natigilan si Tito James.
“Pa, tama na po. Sana once and for all, makinig naman din kayo sa sasabihin ko, sa kung ano ang sasabihin naming dalawa ni Buboy.” palabang tinuran ni Jino.
“Hindi pa tayo tapos Jino. Pag-uwi natin sa bahay, magkaliwanagan tayo!” singhal ni Tito James.
 “Tito, mga bata lang kami sa tingin ninyo ngunit may isip na kami at higit sa lahat, may pakiramdam din ho kami. Nasasaktan din naman kami sa gusto ninyong mangyari. Kaya kung gusto ninyong maayos kaming sasama sa inyo at hindi na mauulit pa ito, matuto naman ho sana kayong makinig din naman sa amin ni Jino.” Hinila ko si Jino. Hinawakan ko ang kamay niya at buong tapang akong humarap sa Papa niya. Ito na yung pagkakataong hinihintay ko, ang ipaglaban ng harap-harapan ang taong mahal na mahal ko.

No comments:

Post a Comment