Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.

Sunday, March 1, 2015

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 14

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta

 Nang dumaan ako sa harap ng mga Tau Gamma ay malakas ang kaba sa dibdib ko pero hindi ako nagpahalata. Sa akin kasi nakatingin ang tropa ko. Naniniwala akong di nila ako pababayaan.

“Opppss putaaaa!” gulat na singhal ko.

Tinisod ako ng isa sa mga nakaupo.

Nawalan ako ng balanse at sumubsob sa katabing mesa.

Ang nakakainis ay nagtawanan pa sila.

Tumayo ang tumisod sa akin at mabilis niya akong kinuwelyuhan.

“Ano ha! May angal! Lalaban ka?”

Dahil sa naipong galit sa dibdib ko sa pagpapahiya nila sa akin ay mabilis ko siyang binigwasan ng suntok sa panga.

Pumasok iyon.

Nabitiwan niya ako.

Nagsitayuan na sila at iyon na din ang hudyat sa tropa kong lumaban nang napansin nilang sinimulan na nga nila ang riot. Nakita kong mabilis na lumabas sa CR ang lalaking may hawak na balisong kanina. Sa akin ang diretso niya.

Nagulat ako sa bilis ng pangyayari. Ang kanina ay masayang inuman namin at kuwentuhan ngayon ay nauwi na sa rambulan. Bangayan at suntukan na ang tanging nakikita ko sa aking paligid. Bago tuluyang nakalapit sa akin ng kaninang may hawak ng balisong ay pinulot ko ang isang upuan at  ubod ng lakas kong ipinukol iyon sa kanya. Tumama iyon sa balikat niya, nabitiwan nito ang balisong at halos mapaupo siya sa lakas ng pagkakatama niya.

Hindi siya nagpatinag. Mabilis siyang humakbang para gantihan ako ngunit bago pa man niya ako nalapitan ay hinarap na siya ni Kuya Jello.

“Bata atras na! Kaya na namin ‘to!” sigaw ni Kuya Jello sa akin.


Malinaw na malinaw ang dinig ko doon kahit nagkakagulo at nagsisigawan na ang mga customer na nasa paligid namin. Iyon lang naman ang tanging magawa nila, ang humingi ng tulong na pigilan ang kaguluhang nasa harap nila ngunit sino ang maglalakas loob na pigilan ang dalawang grupong nagsasagupa. Ni hindi mo nga nila alam kung sino ang una nilang aawatin.

“Umatras ka na Romel! Sige na!”

Ngunit wala akong balak umatras.

Wala akong balak na iwan sila.

Nagsuntukan ang dalawa sa harap ko. Kapwa sila maliksi at wala ni halos pumapasok na suntok nila sa isa’t isa.

“Umalis ka na! Ano ba bata!” sigaw pa din ni Kuya Jello.

Kinuha ng kalaban ni Kuya Jello ang pagkalingap niyang iyon para pumasok ang malakas nitong sipa.  Iyon ang dahilan kaya napasubsob sa gilid si Kuya. Kitang-kita kong pinulot ng lalaki ang upuang ipinukol ko sa kaniya kanina saka niya ubod lakas na ihagis kay Kuya Jello.

Suwerteng nakailag si Kuya ngunit hindi nito nagawang bumangon.

Nagpambuno muli silang dalawa at nasa sinakyan ng lalaki si Kuya sabay ng sunud-sunod nitong pagsuntok. Duguan na ang ilong at labi ni Kuya Jello.

Hanggang sa nahagip ng tingin ko ang pagpulot ng kalaban ang nabitiwan niyang balisong. Hindi na ako nagsayang ng panahon. Kinuha ko ang bote ng beer sa isang mesa. Tumakbo ako palapit sa kanila, kasunod ng ubod ng lakas kong paghampas iyon sa ulo ng kalaban. Nabasag ang bote ng beer. Dumugo ang ulo nito at bago niya naundayan ng saksak si Kuya Jello ay nahilo na ito sa lakas ng pagkahampas ko sa kaniya.

Nang tangkain nitong bumangon at muling niyang saksakin sana si Kuya ay saka ko siya sinipa ng ubod ng lakas. Hindi pa ako nakuntento at hinila ko ang isang upuan saka ko hinampas iyon sa mismong mukha nito.

Bumulagta.

Ngunit hindi lang iyon ang kalaban, may isang sumuntok sa tagiliran ko at nasundan pa ito ng isa pa sa sikmura ko. Nanigas iyon. Sumisinghap ako ng hangin para makahinga at nang sipain pa sana ako nito ay saka naman sumingit si Kuya Jello. Nagpakawala si kuya ng isang malakas na suntok sa panga nito at sinundan ng isa pa sa mata.

Napaatras ang kalaban sa lakas niyon.

Hanggang sa nagulantang ako nang naglabas na ito ng isang maliit na baril. Dahil sa akin siya malapit ay ako ang hinila niya saka tinutukan sa sintido.

“Ano ha! Kakasa ka pa! Basag ang bungo nito gago!”  singhal nito.

Siya yung tumisod sa akin kanina at ngayon siya na din ang may hawak ng buhay ko. Noon lang ako natutukan ng totoong baril. Pakiramdam ko tumigil ang ikot ng aking mundo, tanging malakas na kaba ang parang naririnig ko. Kaunting pagkakamali lang ni Kuya Jello sa ikikilos niya ay alam kong sasabog ang bungo ko.

Sandaling natigilan si Kuya.

 Ako man ay nawala sa sarili dahil hawak na ng kalaban ang buhay ko. Ngunit alam kong nag-iisip ng paraan si Kuya Jello para mailigtas ako, kaya lang paano?

“Huwag kang kikilos! Huwag kang gumawa ng hindi ko magugustuhan dahil sisiguraduhin kong kakalat ang utak nito!” babala ng lalaki kay Kuya Jello. Noon ay nakita kong nagsimulang nagiging malikot ang mga mata at kamay ni Kuya. Ramdam kong hindi din nananakot lang ang lalaki na may hawak na baril. Sumikip ang braso niya sa aking leeg. Nakapahirap kong huminga.

Kisap-matang pinulot ni Kuya Jello ang basag na beer na ginamit ko kanina.

“Bangggg!!!!

“Kasunod ng ginawang iyon ni Kuya Jello ang pag-alingawngaw ng malakas na tunog ng baril. Nanginginig ang buo kong katawan lalo na nang makita kong pumatak ang dugo sa aking balikat hanggang sa pakiramdam ko naliligo na ako ng dugo.

Dumilim ang paningin ko dahil sa gulat at takot.

Ngunit wala akong naramdaman. Malakas ang kutob kong hindi sa hawak niyang baril na nakatutok sa akin ang pumutok.

Naibsan ang takot ko nang nabitiwan ng lalaki ang hawak niyang baril na nakatutok sa akin at siya na ang sumunod na bumulagta.

Dahil sa wala pa din ako sa aking sarili ay mabilis si Kuya Jello na hinila ako palayo doon. Nagawa kong lumingon habang hila-hila ako ni Kuya Jello para tumakas.

Si Master.

Siya ang bumaril sa ulo ng kalaban. Naroon pa kasi siyang nakahawak ng baril.

Nanginginig na ako sa takot. Ang rambulan, ang barilan at duguan kong damit at pagkabulagta ng patay na katawan sa tabi ko ang halu-halong nagpanginig sa akin.

Bago ang lahat ng iyon sa paningin ko. Isang hindi ko inaasahang tumambad sa akin.

“Tara na, bata! Bilis! Parating na ang mga pulis. Mga brod tara na. Kailangan na nating tumakas.” sigaw ni kuya Jello sa iba pa naming mga kasamahan dahilan para bumalik ako sa katinuan.

Mabilis kaming nagsitakbuhan.

Sumakay kami sa kaniya-kaniya naming sasakyan habang nagkakagulo pa ang mga tao sa paligid. Nahagip ng tingin ko si Master na sumesenyas na mauna na kami. Sumunod siya sa amin.

Mabilis ang pagpapatakbo ni Kuya Jello. Tahimik ang dalawa naming kasamahan na nasa likod ng sasakyan. Tumingin ako sa salamin para makita ko sila at katulad ni Kuya Jello, may pasa at dugo din sila sa mukha.

Napaisip ako. Ganito ba ang mga madalas nangyayari? Huminga ako ng malalim. Shock pa din ako sa mga nasaksihan ko kanina. Sa mga pelikula ko lang kasi dati iyon napapanood at ngayong kitang-kita ko ang lahat ay parang napakahirap sa akin ang huminga. Sobrang takot na takot pa din ako kahit alam kong nakalayo na kami sa pinagyarihan ng kaguluhan.

“Bata, idaan ka muna namin at didiretso kami kina Master. Kailangan naming mapag-usapan ang susunod naming hakbang pagkatapos na may nabaril siyang Tau Gamma. Panigurado kasing reresbak ang mga iyon.” Si Kuya Jello.

“Isama mo na ako kuya. Gusto kong makatulong.” Sinikap kong maging kalmado.

“Labas ka muna dito kid. Okey na yung ginawa mong nakipagsapakan. Pa-member ka muna bago ka tuluyang mangialam sa mga ganitong usapan. Isa pa, di pa puwedeng maisali ka sa mga ganitong frat wars. Masyado ka pang bata” Sagot ni Kuya Dexter na nasa likod. Dexter nga ba? Di ko lang sigurado.

“Tama si Dexter, Romel. Kami na muna ang bahala dito. Hindi rambulan ang dahilan ng pagkabuo natin. Ipinaglalaban lang natin kung may inaahrabyado sa ating tropa. Sila kasi ang nagsimula ng gulo, tinapos lang natin. Ngayon, gusto kong magpahinga ka muna. Okey ka lang ba? Hindi ka ban a-shock o wala ka bang tinamong sugat?”

“Wala kuya, kayo nga itong may mga pasa at sugat sa mukha e.”

“Ayos lang ‘yan bata. Basta ligtas tayong lahat.”

“Paano na yung tinamaan kuya. Wala bang nasaktan sa tropa natin?” tanong ko.

“Huwag mo nang isipin ‘yun. Kami na ang bahala.”

Katahimikan. Lahat ay parang napapaisip sa kaguluhan kanina.



“ Tulungan ka naming ayusin ang pag-aaral mo, ayusin natin ang status mo sa High School Department para makakahalili ko sa pagkilatis ng mga neophyte ng grupo ngunit bago ‘yan, kailangan kang maiayos muna. Iyon ang dahilan kaya ka namin na-recruit. Si Master ang dapat magsabi nito sa’yo kanina kaso inunahan tayo ng gulo.” Pamamasag ni Kuya Jello sa nagharing katahimikan.

“So, anong gagawin ko? Uuwi ng bahay, matutulog? Kayo? Saan kayo?”

“Bata unang rule, bago mo ibuhos ang lahat ng oras mo sa kapatiran natin, dapat maging formal member ka muna. Iyon na muna ang pagtuunan natin ng pansin pagkatapos ka naming mabuild-up. Wala ka pang access sa mga ganitong meeting kaya umuwi ka na muna at magpahinga.”

Huminga ako ng malalim.

Napailing na lang ako.

“What?” tanong ni Kuya Jello nang mapansin niya ang pag-iling ko.

“Wala kuya.” Sagot ko.

“Masyado kang atat. Wait till you become.”



Pagdating namin sa tapat ng aming bahay ay inilahad ni Kuya Jello ang kamay niya. Tinanggap ko iyon.

“Salamat sa pagligtas ng buhay ko kanina bata. Nasaksak na sana ako kung wala ka. You did a great job.”

“Wala yun kuya, kayo nga yung talagang nagligtas sa akin. Guilty lang ako kasi kung hindi ako dumaan sa harap nila, panigurado walang gulong nangyari.”

“Ano ka ba! Hindi gano’n ‘yun. Dumaan ka o hindi sa table nila kanina, dati nang alam namin na naghahanap sila ng gulo. Nagkataong ikaw ang ginamit nila para pagsimulan ng rambulan. Ibinigay lang naming ang gusto nila. Dati na ang frat war na ito between members of Tau Gamma and Alpha Kappa.” Napailing siya saka humugot ng malalim na hininga. “Dex, paabot nang backpack ko diyan sa likod mo.”

Binuksan niya ang backpack at naglabas ng isang t-shirt.

“Magka-size naman tayo ano, hubarin mo yang duguang damit mo at ipalit mo ito. Hindi puwedeng makita ka sa bahay ninyo na ganyan ang ayos mo. Dinaanan ka namin kanina na maayos at gusto kong ibalik ka namin sa bahay ninyo na maayos din. Sige na. Magpalit ka na muna bago ka bumaba.”

“Salamat kuya.”

Pagkapalit ko ay saka na ako bumaba.

 Kinawayan ko na muna sila at hinintay na makaalis bago ako pumasok ng bahay.



Wala pa din sina Daddy sa bahay. Kahit kabado pa din ako sa nangyari ay buo na ang loob ko. Hindi ko iiwan ang tropa. Paghandaan ko ang initiation. Ngayon pang alam ko na na tama lang ang sinalihan kong tropa. Walang iwanan kahit sa gitna ng laban. Gusto ko yung mga ganitong samahan.

Walang gaanong kadramahan.

Aksiyon kung aksiyon.



Lunes nang nakita ko si Lexi na pumasok. Kahit paano ay nawala yung pangamba ko kung ano ang nagyari sa kaniya. One week din kasi siyang lumiban kaya may mga panahong nagtataka ako kung ano ang nangyari sa kaniya. Tulad ng nakagawian ko, ako ang umiwas sa kanila. Walang sawa pa ding nag-abang sa pintuan ng classroom ko sina Jino at Miggy ngunit nang sandaling iyon ay kasama na nila si Lexi.

“Sinasayang ninyo ang oras ninyo. Kahit pa araw-arawin ninyo akong abangan dito, hindi ako sasama sa inyo. Ayaw ko na! Wala na kayong aasahang sasama pa ako sa inyo kaya please lang, kung alam ninyo ang ibig sabihin ng “Tama na”, baka puwedeng tigilan na ninyo ako!” singhal ko sa kanila.

 Naiirita na kasi akong sa tuwing lumalabas ako sa classroom namin ay nando’n sila para yayaing magmiryenda. Ngayon, isinama pa nila si Lexi para siguro mas malakas ang magiging hila nila sa akin, ngunit wala na eh. Wala na akong maramdaman pa.

“Kahit saglit lang, Boy. Kahit ngayon lang, please?”pakiusap ni Lexi.

“Get lost guys. Tama na okey? Kaya ko ang sarili ko. Sarili ninyo ang isipin ninyo at huwag ako dahil sasabihin ko sa inyo, wala na kayong maaasahan pa sa akin. Wala naman kayong dapat kasing ipag-alala e.”

“Hindi ba kami dapat mag-alala? Boy, nasangkot ka na ng gulo noong Friday, paanong di kami mag-alala sa’yo?” si Jino.

“Putcha pati iyon alam mo?”

“Nasa hospital ang nabaril ng grupo ninyo Boy at dahil tikom ang labi ng kabilang grupo, hindi ibig sabihin na hindi sila naghahanap ng pagkakataong makaganti.”

“Saan mo ba napupulot ang mga balitang iyan at parang napakarami mo naman yatang alam.”

“Sasabihin ko kung kanino ako kumukuha ng aking impormasyon kung sasama ka sa amin sa canteen.”

“Hindi! Hindi ninyo ako makukuha sa mga ganyan.” Sagot ko.

“Boy, mapapasama ka lang. Walang magandang maidudulot sa’yo ang pagsali mo sa frat. Makinig ka naman sa amin. Please?” Pakiusap ng Lexi.

“Bibig mo Lexi, pwede ba? Kung marinig ka ng mga teachers natin, lalong masisira ang buhay ko, at sino ang sumira? Hindi ang pagsama ko kina Kuya Jello kundi sa bibig ninyo, sa inyo na naman.”

“Parang alam ko na kasi dati ang mangyayari eh, mapapasok ka sa mga ganitong rambulan, matutung iinom, maninigarilyo, tatambay sa kung saan-saan kahit may pasok tayo, cutting classes, babagsak ka sa mga subjects natin at tuluyang mawalan ng direksiyon ang buhay mo.” Mahinang tinuran ni Lexi.

“Wow, ang galing ah! Ako nga hindi ko alam kung anong kinabukasan ang naghihintay sa akin, tapos ikaw na lubog-litaw sa buhay ko ay alam mo na ang puwedeng mangyari sa akin?”

“Maraming kasing mga naging ganun ang buhay Boy dahil sa pagsali diyan sa mga ganyan. May mga iba, hindi pinalad malagpasan ang initiation at hazing. Iyon ang kinatatakutan naming mangyari din sa’yo. Paano kung mapatay ka nila sa hazing. Isipin mo naman sana kaming mga nagpapahalaga sa’yo.” Paliwanag ni Jino.

“Buhay ko ‘to. Gagawin ko ang gusto ko. Huwag kayong makakasiguro na mapapasama ako sa pagsali ko sa ganito. Wala kayong alam e. Sige, patutunayan ko sa inyong nagkamali kayo ng iniisip. Lahat naman kasi ng sarili kong desisyon, pinangungunahan ninyong papalpak. Iisa lang naman ang pinanggagalingan nito e. Wala kasi kayong tiwala sa akin dahil mahina ito ko.” tinuro ko ang utak ko.

“Bakit ba lagi mong sinasabi sa amin ‘yan.”

“Dahil iyon ang gusto ninyong palabasin. Hindi man ninyo sinasabi ng diretsuhan pero iyon ang alam kong gusto ninyong tumbukin. Para sabihin ko sa inyo, buhay ko ‘to at labas na kayo sa mga gusto kong gawin.  Sige na. Wala na na kayong mapapala pa sa akin. Kaya sana huling beses na ang pangungulit ninyong ito sa akin. Hinding-hindi ako sasama sa inyo kahit kailan!” singhal ko bago ako tumalikod sa kanila.



Naabutan ko na sina Kuya Jello sa canteen sa labas at nagmimiryenda. Halata pa din ang mga pasa sa mukha ngunit kahit paano ay maayos na silang tignan.

“Mainit tayo ngayon sa mga kalaban. Kung ikakanta ng mga kalaban si Master na siya ang bumaril sa isang kasamahan nila sa mga puklis ay paniguradong malalaglag tayong lahat ngunit ang sigurado ay gaganti at gaganti ang mga iyon sa atin kaya kailangan nating mag-ingat. Lalo na ikaw bata, nakilala ka nila ng husto at alam kong isa ka sa mga magiging puntirya nila. Kailangan mong mag-ingat. Sa ngayon ay hindi ka muna namin isasama sa mga lakad sa labas. School bahay ka lang. Diretso uwi. Saka huwag ka dito sa daan mag-abang. Sa loob ka lang ng school maghintay sa service mo.”

Kahit papaano ay tumindig ang balahibo ko sa takot.

“Paano kung aabangan nila ako kuya?”

“Nandito kami lagi sa harap ng campus. Salitan kami tuwing vacant namin para magmanman sa mga tatambay dito na may kakaibang ikinikilos. Kailangan natin ngayon ang doble pag-iingat. Kaya huwag kang matakot. Sundin mo lang ang bilin ko. Sa loob ka ng campus sasakay at bababa, okey?

“Sige po.” Sagot ko. Hindi nga lang nawawala yung lakas ng kabog sa aking dibib.

“May isa pa pala bata, kailangan nating ayusin yung pagtakbo mo sa SBO bilang Vice President o President para mas may hawak tayo sa High School Department.”

“Ho?”

Nagulat ako sa tinurang iyon ni Kuya Jello. Vice President o President? Prince Charming nga lang ang nasubukan kong posisyon noon, umaayaw pa ako, tapos ngayon President o kaya Vice President pa kaya ng buong High School Department?

“Nagbibiro ka ba kuya?” paglilinaw ko.

“Bakit, mukha ba akong nagbibiro? Romel, wala ka bang bagsak mula First Year ka?”

Seryoso nga!

“Wala kuya.” Maikling sagot ko.

“Good. Saka nakausap na namin ang Advicer mo, mabuti nagkataong isa sa mga master natin at sinabi niyang bukas sa first section ka muli ililipat. Wala ka daw namang bagsak noong  second year ka at isa pa, varsity ka ng buong campus kaya siya nagtataka kung bakit ka lumipat sa second section. Nakausap na din niya ang Principal at sinabihang siyang kailangan ka ngang ibalik sa First Section.”

“Kailangan ba ‘yun? Okey na ako sa second section eh. Baka puwedeng doon na lang ako?” hirit ko. Kanina pa kasi ako sunud lang ng sunod e.

“Hindi puwede. Kailangan pa rin nating sumunod sa regulation ng school. Kinukuha ang mga SBO Officers sa mga nasa first section at dapat walang gradong bagsak.”

Napailing ako.

Wala talaga akong balak mamuno lalo na yung buong campus ngunit mukhang wala na akong choice pa. Nandito na’to at kailangan ko nang panindigan. Ang isang mahirap pa sa akin ay ang muling makasama sa iisang classroom sina Jino at Lexi. Kung ako lang sana ang masusunod. Nakakabanas naman!

Kinabukasan nga ay doon na nga ako inilipat sa room ng first section. Alam kong ikinagulat iyon nina Lexi, Jino, Miggy, Philip at Jheck ngunit wala ni isa sa kanila ang lumapit para magtanong. Siguro kasi lalapit palang sila ay umiiwas na ako. Sa harap ako umupo malapit sa pintuan. Mas madaling pumasok at lumabas na hindi ko na kailangan pang madalas makita ang limang magkakaibigan.



Dumating ang araw na pangampanya para sa Student Body Organization. Hindi ako ang nagpasok sa pangalan ko sa mga candidate kundi ang grupo. Vice President ang position ko dahil may isang 4th year kaming katropa na mas deserving pa kaysa sa akin. Nakasanayan na kasi na laging 4th year ang mga tumatakbong SBO President. Ako ang ginawa nilang Vice President na alam kong siyang ipinagtataka nina Jino at Lexi. Ngayon, ko sa kanila patutunayan na hindi ako pumasok sa fraternity para mapasama ang buhay ko. Gusto kong ipamukha sa kanila na kaya kong magbago kahit wala sila.

Sa totoo lang ay nasaktan kasi ako sa baba ng tingin nila sa akin. Lalo pa itong pagpasok ko ng fraternity na para bang nakasisiguro na silang mapapariwara lang ako. Madalas sila ang nagiging dahilan kung bakit gusto kong umangat. Di ba dapat wala na akong pakialam pa sa kanila. Kung totoo sanang wala lang sila sa akin ngunit ano itong ginagawa kong parang patuloy ko pa ding pinatutunayan ang sarili ko sa kanila. Gustung-gusto ko paring ipamukha sa kanila na aangat ako kahit iniwan nila ako.

Nang ipakilala na ng SBO Advicer ang mga SBO Officer Candidates ay nagulat akong si Jino ang makakalaban ko sa puwestong Vice President. Alam kong sila man din ay nagulat na tatapatan ko ang bihasa na sa pamumuno. Gamay na kasi ni Jino ang pagiging student leader mula noong Elementary kami at sino ba ako para itapat sa kaniya? Ni hindi ko din alam kung tama ako sa ginagawa ko ngunit ang tropa ko ang laging nagpapalakas ng loob ko. Sila ang nagsasabing kaya kong makipagsabayan. Dadaanin lang naman daw sa karisma at connection ang lahat. May karisma na ako sa mga mag-aaral at matindi pa din ang connection ng frat members namin sa mga mag-aaral. Ngunit hindi dapat maliitin ang kakayahan ni Jino. Kilala siya sa buong campus. Dati na siyang SBO Officer mula noong first year kami.

Magaling mangampanya si Jino sa mga classroom. Naririnig ko ang palakpakan ng mga katulad naming istudiyante kapag ganoong kasalukuyan lalo na kapag natatapos siyang magsalita. Mula noon pa ay expert na siya sa pagsasalita sa harap samantalang ako ay nanginginig pa ang tuhod at napapabulol. Sobrang lakas lang talaga kasi ng kaba sa aking dibdib ngunit lagi akong tinutulungan ng brod kong tumatakbo bilang President. Pati ang aking speech ay sila din ang gumawa na mahusay ko din namang kinabisado. Kaunting pagpapakilig sa mga babae at bakla at astig na pakikisama sa mga lalaki samahan pa ng maayos na sasabihin sa harap ay tiwala silang maipapanalo ko ang laban ko sa kabilang partido.

Dumating ang araw ng botohan.

Nagulat ako dahil halos hindi nagkakalayo ang boto ni Jino sa boto ko. Nahihiya man akong tapatan siya ngunit kung iyon lang ang paraan para patunayang kaya ko din naman siyang pantayan ay pikit-mata kong gagawin. Mga boto na lang na manggagaling sa 4th year ang hinihintay naming ngunit lamang na siya sa aking ng 47 votes.

Okey na ako doon kasi kahit talo basta hindi ako nahirapang halos tapatan siya. Nang binibilang na nila ng boto ng 4th year na may ilang sections din at sunod-sunod na pangalan niya ang sinasabi ng nagbibilang ng boto ay minabuti kong umuwi na lang at magpahinga. Alam kong panalo na siya at alas-siyete na din kasi. Natatakot akong baka may nag-aabang na sa akin sa labas. Naghihintay na din ang driver na siyang pinakiusapan nina Daddy na siyang maghatid at magsundo sa akin sa tuwing nasa trabaho sila.

“Hindi mo na ba hihintayin matapos ang bilangan?” tanong ni Ian sa akin. Ang tumakbong President namin.

“Hindi na. Pagod na din saka lalong lumalayo ang lamang sa akin ni Jino. Ayaw kong makita nilang nandito ako at talunan. Isa pa, nandiyan na yung sundo ko.  Bukas na lang magkita-kita brod. Congratulations na din, panalo ka na niyan. Importante naman sa grupo makuha natin ang pinakamataas na posisyon sa SBO para mas may kapit tayo na maisagawa yung ibang mga Outreach Program at pasimpleng pang-enganyo ng neophyte, di ba?”

“Tama ka brod. Pinapasabi pala ni Master na next month na yung initiation mo?” bulong sa akin ni Ian.

“Next month? Saan daw?” tanong ko.

“Doon sa farm nina Master. May tatlo kang neophyte na makakasabay.”

Bigla akong kinabahan. Mula kasi nang narinig ko ang tungkol sa initiation at hazing ay natakot na ako. Kung sana huwag na lang akong dadaan ng ganoon pero kailangan daw iyon para mas mapatunayan kung hanggang saan ang kaya kong isakripisyo para sa kapatiran. Nasusukat doon na kahit anong hirap na pagdadaanan ay hindi mo ilalaglag ang grupong iyong kinabibilangan. Kahit sino ay kailangang dumaan sa ganoon.

“Sige para matapos na din at magiging totoong kasapi na din ako. Paano maiwan na kita, brod?”  Pamamaalam ko kay Ian.

“Sige ingat brod. Bukas na lang.”



Kinabukasan ay sinadya ko talang pumasok ng late dahil alam kong tatawagin sa harap ang mga nanalo sa nakaraang election. May Induction Party  naman pero kinaugalian na kasi ng school namin ipaalam sa lahat ng estudiyante at ipakilala ang mga nanalo after flag ceremony. At bilang talunan, ayaw ko ng kinakantiyawan ng mga kaklase ko. Sino ba naman kasing gago at sira ulo ang ang tatapat kay Jino? Ako lang yata kasi yung sira-ulong iyon. Oo alam kong may hila ang kapatiran namin ngunit yung talunin ko si Jino, malabo  yata ‘yun. Pinagbigyan ko lang naman ang tropa kahit alam kong tagilid na talaga ako.

Tahimik akong umupo sa harap na noon ay nagkakagulo pa habang hinihintay namin ang aming teacher sa first subject. Sadya yatang inaabangan ni Jino ang pagdating ko kaya siya lang ang tanging nakapansin sa pagpasok ko at tahimik kong pag-upo. Tatayo na sana ako para iiwas ngunit sadyang sinadya nitong harangan ang dadaanan ko. Amoy ko ang kaniyang pabango nang halos mag-umpugan ang aming dibdib sa bigla kong pagtayo at sa kaniyang pagharang sa akin ng kaniyang katawan.

Napalunok ako.

“Hindi mo naman kailangang iwasan ako sa tuwing nilalapitan kita. Saka wala akong balak magtagal na kausapin ka.” Pabulong.

“Bakit ba kasi?” Tanong ko.

Halatang iritado.

Napansin na din ng mga kaklase ko ang pagdating ko dahil kay Jino.

“Yeeyyy! Congrats Romel! Pa-burger ka naman!” sigaw ni Jheck.

Kasunod iyon ng masigabong palakpakan ng mga kaklase ko at si Jino.

Napakamot ako ng ulo.

“Huwag kayong ganyan. Pinagtritripan na naman ninyo ako mga ungas!” pabiro kong sagot.

“Congratulation Romel. SBO Vice President ha! Very good! Proud ako sa laki ng ipinagbago mo.” Masayang bungad ng Advicer namin at noon ako naniniwalang di nga ako pinagtritripan lang ng mga kaklase ko.

“Congratulations brad!” si Jino. “Pinabibilib mo na ako lalo. Sana di ginagawa ito ng tropa mo to exploit you and your new position.”

“Ha? May ganun na namang banat?” napakunot ang  noo ko sa sinabi niya.

“Hindi natin alam pero, I’ll see to it na hindi ka mapapasama. Gagawin ko ang lahat Boy masiguro ko lang na hindi ka mapapariwara. Sige Congratulations.” Nanatiling nakalahad ang kamay niya na hindi ko tinatanggap. Tinapik ko na lang iyon para ibaba na niya. “Balik na ako sa upuan ko.” pamamaalam niya.

Bago ako umupo ay hinanap ko kung nasaan si Lexi ngunit wala siya sa upuan niya. Napapadalas na talaga ang pagliban niya sa klase at iyon ang isa ding gumugulo sa akin.

******

Madalas ko pa ding mapansin na hindi sinasadyang makita ang mga titig sa akin ni Lexi at Jino. Mga panakaw na sulyap nila. Ilang beses nilang tinangkang lapitan ako kapag wala ang teacher namin ngunit bago sila makalapit at makausap ay tumatayo na ako at lumalabas ng classroom. Kahit pa tawagin nila ako ay hindi ako sa kanila lumilingon. Dumistansiya na sa akin si Philip dahil siguro alam na niyang may ipagmamalaki na akong grupo at siyang reresbak sa kaniya kung kakantihin pa niya ako. Mas naging open na ang relasyon nila ni Jheck. Nakikita kong madalas pa ngang sila lang dalawa ang magkasamang lumabas para magmiryenda.

Ganoon na ganoon ang nangyari sa mga sumunod na araw, wala akong kinakausap sa kanila. Papasok ako sa school para tutukan ang pag-aaral. Sinipagan ko ang pagrereview dahil alam kong wala na akong ibang aasahan kundi ang sarili ko. Nakatulong ang mga tips at old notes ng mga kasamahan kong nasa college na ngayon at nanguna sa kanilang mga klase noong nasa High School palang sila.



Lalong pinag-igihan ko ang pag-aaral. Iniksian ko ang paglalaro at panonood at dinagdagan ko ang pagbabasa. Nakatulong din sa akin ang mga tip ng tropa ko kung saan madalas kumuha ng quiz o kaya tanong ang mga teachers ko. Napag-aralan na kasi nila noon iyon at naipasa-pasa na sa mga katulad kong neophyte ang mga techniques ng mga teachers namin.



May long quiz kami noon sa Chemistry nang masayang ibinalita sa amin na may dalawa sa klase na naka-perfect sa klase.

“Yung isa, well, given na na talagang nakaka-perfect siya ng madalas in our previous quizzes and examinations pero yung isa ang sadyang hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala, kasi isa din siya sa mga students ko last year. Madalas din siyang nakakasagot sa mga recitations natin few days ago. Class, I want you to emulate Romel Santiago. He is doing great these past few days and now, just like Jino, he got a perfect score in our long quiz. Give him a round of applause.”

Palakpakan ang lahat.

Napayuko ako.

 Sa totoo lang namumula talaga ako sa hiya dahil hindi din naman ako sanay na pinapalakpakan. Sa tulong ng mga katropa ko at sa panghuhusga na din sa akin nina Jino at Lexi ay ito ang kinalabasan. Sinadya kong magpursigi sa aking pag-aaral dahil napapagod na ako sa liit ng tingin nila sa akin. Nasimulan ko na ito  at wala na akong balak pang itigil.

Pagkatapos ng klase ng araw na iyon ay binalak nina Jino at Lexi na lapitan ako para siguro i-congratulate pero mas mabilis ang ginawa kong paglabas ng classroom. Tignan natin ngayon kung sino ang nagkakamali ng akala.



Kahit sa Trigonometry namin ay hindi ako nagpahuli sa klase. Lima ang solving problems na inilagay ng teacher namin sa pisara at kung sino ang maunang makakapunta sa harap at masolve ang kahit isa sa mga question ay mabibigyan ng additional 5 points sa aming First Grading Examination. Nagdadalawang isip ako. Kulang lang ako ng tiwala sa sarili kong kaya kong sagutin ang nasa harap.

Tumayo na si Jino, Jheck, Lexi, Philip at Miggy para subukang sagutin ang mga iyon. Magkakasama na naman sila kahit pagsagot lang sa problem solving.

Sa upuan ko na lang din ako tahimik na nagcompute. Nang matapos ko ay nakita kong iba ang sagot ni Lexi sa sagot ko. Binilog ko ang papel na pinagsulatan ko. Siguro nga mali ako. Dahil hindi pa natatapos si Philip ay yung sinagutan naman niya problem ang sinubukan ko. Hanggang sa tapos na siya pero ako ay tahimik pa din na tinatapos ang sino-solve ko. Nagdi-discuss na ang teacher namin sa first solving problem na sinagutan ni Jino. Nang matapos ang teacher namin at sinabing tama ang sagot ni Jino ay kinumpara ko ang sagot ko sa tinapos ni Philip. Magkaiba din kami ng sagot.

Mali yata ang pagkakaalaala ko sa formula na ginamit ko o ang pagkakaintindi ko sa problem doon sa nabasa ko sa notes ko kagabi. Mabuti na lang pala hindi ako naglakas ng loob na sagutin ang Number 2 at Number 4 questions kundi baka napahiya pa ako. Binilog-bilog ko na lang ang papel na pinagsulatan ko ng sagot ko.

“Who among you could give me the correct answer of number 2 and number 4 class?” tanong ng teacher namin.

Nagtaas ng kamay si Jino at si Miggy ngunit hindi sila tinawag ng teacher namin dahil nga tapos na nga sila at kapwa nakakuha ng tamang sagot.

Tumingin sa akin ang teacher namin.

Hindi ako nagbaba ng tingin at ipinakita kong interesado akong subukang sagutin.

“Would you like to try Romel?” tanong ng teacher namin.

Huminga ako ng malalim.

May narinig pa akong mga kung anu-anong mga bulungan kaya nagpadagdag sa akin iyon ng kagustuhang ipakita sa mga kaklase ko na hindi ako ganoon kabobo. May sinabi din si Philip na, “Hindi ko nga nasagot siya pa kaya?”

Oo tamad akong mag-aral noon ngunit binabago ko na ngayon. Patutunayan ko sa lahat na bukod sa gusto ko at para na ding malaman ng mga dating kaibigan na may laman din naman ang utak ko at kaya ko din naman silang sabayan kung gugustuhin ko.

Tahimik kong kinuha ang chalk.

Bulungan pa din sila. May tumatawa pa ng mahina.

Tumingin sa akin ang teacher.

Huminga ako ng malalim.

“Ma’am, puwede ko bang sagutin yung dalawa? Kung hindi ko ho makuha ang unang problem baka maswertehan ko yung pangalawa.”

“In English Romel? Say it in English.”

Putcha naman oh! Hina ko pa naman sa English na ‘yan. Diyan talaga ako sobrang mahina.

Napakamot ako.

Nagtawanan ang mga kaklase ko.

“Gustong tsumamba yata.” Bulong ng babae sa katabi niyang babae nasa likod ko.

Nilingon ko sila saka ko kinindatan. Kinilig lang sila. Papansin lang kasi ang mga ito.

“Can I solve both problems”…kamot sa ulo… “hmmnnn yun na yun ma’am.” Namumula kong palusot.

“Okey Romel. I am giving you enough time to solve both problems.”

Nanginginig pa ako dahil sa totoo lang dumidipende lang talaga ako sa mga old notes ng mga ka-brod ko. Hindi ko lang kasi mailabas ang notebook na iyon at kopyahin dahil mahirap nang mahuli ng teacher na meron ako no’n. Iniba lang ng teacher namin yung equation pero madali lang naman kunin ang sine function kasi iyon at iyon lang din ang problem na napag-aralan ko kagabi.

Wala pa din bilib ang ilan sa mga kaklase ko. Nagtawanan pa nga sila nang sandali akong nawala sa aking computation, binura ang kalahati ng naisulat ko at napakamot sa aking ilong. Tinuloy ko ang pagcompute kahit kinakabahan.

Nilingon ko si Jino nang malapit ko nang masagot ang Problem Number 4 at nakita kong nanlalaki ang kaniyang mga mata na parang hindi makapaniwala sa nakikita niyang computation ko. Nagsaludo siya sa akin at hindi maitago sa mga mata niya ang paghanga sa akin. Noon ay nakakasiguro na akong tama ang ginagawa ko.

Nang matapos ay nagpunas ako ng aking pawis saka ako umarte sa mga kaklase kong sobrang nahirapan ako.

“Okey class, let’s see if Romel got the correct answer.” Siya man din ay napapangiti na parang walang katiwa-tiwala sa akin.

Hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong nasabihan din siya siguro noong nahuli ako ng teacher namin sa Algebra na nagkokodigo ako. Nakakabit na kasi sa pangalan ko sa minsang pagkahuli ko noon sa pangongodigo kaya di ko sila masisisi kung sa akin sila madalas nakabantay tuwing may examination kami.

Nang suriin ng teacher namin ang sagot ko at kinumpara niya sa hawak niyang notes ay nanlaki ang kaniyang mga mata. Hindi pa siya nakuntento at nilapitan pa niya iyon saka niya pinag-aralan yung computation ko.

“Wow! This is unbelievable class! Romel got the correct answer of the Problem Number 2 and Problem Number 4. Bravo!”

Oh hayan. Natahimik sila. Hindi pa din yata makapaniwala.

Alam kong nakatingin sa akin ang mga kaklase ko. Nanatiling sa harap lang ako nakatingin. Kahit hindi ko tinitignan sina Jino at Lexi, alam kong bumabalik na sa kanila ang sinasabi nila sa akin. Sino ngayon ang napapariwara?



Dumaang ang sinasabi ni Ian na next month sa akin noong araw ng bilangan ng boto.

Sabado iyon.

Initiation, hazing at ritual na para sa formal na pagsapi ko sa sa Alpha Kappa Roh sa farm nina Master.

Si Kuya Jello ang sumundo sa akin at siya din ang kasama kong dumating sa farm na iyon.

“Kabado ba?” tanong ni Kuya Jello sa akin nang mapansin niyang panay ang paghinga ko ng malalim.

Parang nakikita ko na kasi kung paano ako hatawin ng paddle, sipain, duraan, pahirapn o kaya ay suntukin. Wala pa man ay parang ramdam na ramdam ko na yung sakit. Kinakabahan ako. Sobrang natatakot sa maaring mangyari sa akin.

“Kakayanin ko kaya kuya?” tanong ko.

“Subok ka na namin bata kaya malamang hindi ka na gaano pahihirapan. Maliban na lang doon sa dalawang pang neophyte. Isang first year college at isang third year high school. Sila malamang yung makakaranas nang kadalasang pinakamahirap na initiation. Sila kasi yung nagpresinta para sumali kaya siguradong doon babawi ang grupo sa kanila. Para na din magkaalaman kung kaya nila at desidido talaga silang maging isa sa atin.”

Lumuwang ang pagkakahinga ko.

“Sana nga kuya. Kahit kasi papa’no takot pa din ako. Salamat.”

“Okey lang ‘yun. Kilala ka na namin kaya huwag kang masyadong kabahan. Sige na. Doon ka na sa loob. Samahan mo yung dalawang neophyte at mamaya palalabasin namin kayo mula do’n sa kuwarto para simulan na ang initiation at ritual sa sala. Kaya mo ‘yan bata. Ikaw na lang ang hinihintay kasi kanina pa sa loob yung dalawa.”

“Sige kuya. Asahan ko ha, huwag ninyo akong pahirapan mamaya.” Paninigurado ko.

Tumango lang si Kuya  Jello.

Nangangatog ang tuhod kong pumasok sa kuwarto. Naabutan ko ang dalawa doon. Nakahubad na sila ng pang itaas. Hindi pa sila nakapiring. Nang isara ko ang kuwarto at humarap sa kanila ay nagulat ako.

Hindi ako makapaniwala.

“Putcha! Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.

“Di ba sabi ko sa’yo? Sisiguraduhin kong hindi ka mapapasama? Kaya sasamahan kita kahit gaano pa kadelikado ang gusto mong gawin sa buhay mo. If it’s all I ever do, Boy. I would give my all to you!”

“Nahihibang ka na ba Jino? Ano ‘to ha? Alam mo bang ginagawa mo?”

“Alam ko, katulad din ng ginagawa mo. Ngayon palang, sasabihin ko na sa’yo kung sakaling iuukit na nila ang pangalan ko sa bato, alam kong alam ng lahat na ginawa ko lang ang alam kong tama para sa ating dalawa at alam kong hanggang huli ay patutunayan ko sa’yo kung gaano ko ipinaglalaban ang pagmamahal ko sa’yo bilang kasangga mo. Hidni kita bibitiwan Boy. Hindi kita isusuko.”

Kinabahan ako.

Sobrang lakas ng kaba ko hindi para sa akin kundi sa kung ano ang mangyari kay Jino.

No comments:

Post a Comment