Dumating na rin kami sa bahay sa wakas.
AgaD kami tumuloy sa kusina para maupo sa upuan ng lamesa. Kasalukuyan
namang nagsasalita si trixie habang kumukuha ng malamig na tubig sa ref.
habang inoobserbahan ko ang mga kilos ni trixie at nag-aantay ng mga
sasabihin nya.
Alam mo babe naawa ako kay rj. Well, sabihin na
nating nagulat ako ng pinagtapat niya na kayo nga noong una. I mean I
cant imagine you guys have something .ang galing nyo magtago hindi ko
akalain na dalawang ex ko pa ang nagkatuluyan. Funny, kasi iniwan nyo
ko both para kayo naman ang maglokohan? Joke” ang salaysay ni trixie
habang hinahaluan ng biro ang mga sinasabi.
Alammo bang
palihim kang sinusubaybayan ni ryan araw-araw. Mula ng huli niyong
pagkikita umaali-aligid lamang siya ng di mo napapansin. Isang linggo
bago ang nakatakdang pag-alis ni ryan papuntang state, nagsubmit daw
siya ng imidiate resignation. Yun kasi ang gusto ng parents nya na isama
siya sa states para siya ang maghandle ng business nila doon.
Those remaining days niya bago tumulak , halos itinoon niya ang
pagmamatiyag sayo. Ang you know what he said? alam nyang hindi ka
lumalabas ng bahay at alam nyang umiiyak kalage ng mga panahong
pagkatapos ninyong maghiwalay. I really dont understand kung bakit
pinahihirapan pa ninyo ang mgasarili nyo.i mean he could have done
something better than being stalker right?
Bat di ka nalang
niya nilapitan para icomfort kaniya. And he told me “that was the best
thing to do para hindi na madagdagan pa ang mga paghihirap mo. He will
never be far from you, he promised his self that he’ll make sure na
walang mananakit sayo. Na walang sinu man ang maaaring umagaw ng
atension mo.
And you know what? I was actually scared the
moment he said na he’ll give his life para lang maprotektahan ka.
Imagine? I was thinking that time that this guys sent from up above as
your angel.
Not everyone has to earn that kind of care. Kung
ibang tao lang ang nagkukwento sa akin, I could tell, im fallin to him.
^^ I don’t know, di ko sya nakitang ganyan ng kami pa. ni hindi ko nga
naramdaman ang gan yang pagmamahal noong boyfriend ko siya.
Almost a week ka din nyang sinusubaybayan. Lucky for you, noong
naaksdente ka nandoon siya sinundan ka nya. He was wondrin at that time
kung saan kapupunta. Yun daw kasi ang kauna-unahang paglabas mo ng
bahay. And while he was at your back on your way to mcdo, napangiti mo
nga daw siya, till now favorite pa rin talga ang spaghetti ng mcdo.
He was there, nag cr siya sa mcdo after he parked his car. Sinundan ka
niya ulet pag-uwi mo.he knows what happened to you. Naliligo ka nga ng
sarili mong dugo dahil sa pagkakahampas ng ulo mo sa bakal saf front
seat ng jeep. Binuhat ka niya at isinakay sa kotse nya, sabi nya hindi
nya alam ang gagawin nya at that time habang isinusugod ka sa ospital.
He always keep on tellin, please god. Please wag mong kukunin ang tamtam
ko. Not now. Buti nalang at sobrang lapit lang ng ospital at agad kang
inasikaso para dalhin sa icu.
He filed a case against the
driver sa private vehicle na yun I don’t know what happend sa case na
yun kasi di na naman niya nakwento, well actually lahat ng gastos ng
ospital siya na ang sumagot at hindi talga ako .
di ba i told
you that time na ako na ang nagbayad noon? The moment na sinundan ko si
rj pagkalabas ng kwarto, he was cryin so hard. He keep on askin “why?
Sa dinami-dami pwedeng kalimutan bakit siya pa?”
I feel for
him. I understand and I know how he felt that time. Doon ko nakitan
bumuhos ang luha niya. And that very moment niya pinagtapat ang lahat.
It was so hard for him na magpakilala bilang RAD JURICH , not to
mention para hindi ka na mahirapan na alalahanin pa.but inside he was
like begging for you to remembered him. But that was too impossible for
you to remembered him as he barely understood your situation.
You gotten comatose for aweek and he was the only one on your side
every night. Sya ang lageng nagvovolunteer na maiiwan sa hospital. Even
if his not fellin well, he never leaves you.
He canceled his
flight reservation at pina-una nalang ang parents nya. Nakipagtalo pa
nga siya sa papa nya dahil wala naman na mangyayari sa kanya dito sa
pinas.
Inaanatay siya ng business nila sa states. He begged and
asked to exetend his stay here in the phil for a couple of week kasi nga
may aayusin siya.
Pinagbigyan siyang isang buwan para ayusin
nga yun sinasabi niya. Alam mo kung anu yung sinasabi niya aayusin? It
was you. Gusto nyang alagaan ka habang wala kapang malay.
He’s
an extra ordinary man. On your second day, habang nasa coma kapa that
was your 11 monthsary. Naikwento nya sa akin. May dala siyang take out
ng spaghetti at mcfloat from mcdo and a letter attached sa may styro
ng spagetti. I was there. I witnessed the moment he kissed your forehead
and tellin how much he loves you and misses you. Magpagaling kana daw
kasi andito na ang favorite mong food. While he was singing a phrase
“TAMTA-RAMTAMTAM… and fallin his tears to his cheeks continued to sang
the piece LOVE KO’TO”
it was very touching scenario from a
guy like him. If only I could have recorded those moment siguro
marerelaized mo kung gaano ka niya kamahal.”pagkukwento ni trixie
habang tumutulo ang luha nito.
“Nasa sayo ang letter actually,
napansin mo ba sa drawer mo? doon ko kasi nilagay yun. Nalulungkot ako
sa mga nangyayari.and im sure na sobrang nahihirapan ka.same with ryan.
Everynight nakakausap ko siya. He keep on calling me para magkweto ako
sa mga nangyayari sayo. Naguguilty nga ako kasi hindi ko nababaggit
sakanay si andrea. Mas makabubuti kasi sa kanya na hindi nya malaman
about kay andrea. Tama na siguro ang pahirap na nararanasan nya.”dagdag
pa nito.
“and if im not mistaken bukas pang 12 monthsrry nyo
na.meaning 1 year na kayo.sayang nakasabay pa sa pag alis nya ang
anniversary nyo. What will you do Erick?” tanung ni trixie sa akin.
Wala akong maisagot kay trixie ng mga pahong iyon. Hindi ko alam ang
gagawin ko. Ang tanging nagawa ko lamang ng mga panahong iyon at titigan
siya habang nagsasalaysay at nagiisip ng gagawin. Saan ba ako dadalhin
ng lahat ng ito. bukas anniversary pala naming. At kahit na hindi ko pa
siya nakakausap tuloy tuloy parin ang pagmamahal niya sa akin.
Tumayo ako ng pagkaka-upo ko sa silya para pumunta sa kwarto kung saan
nakatago ang sulat na sinasabi ni trixie.pagbukas ko ng drawer nakita ko
ang singsing na pinagawa ko noong june. kinuha ko ito kasabay ng sulat
na sinasabi ni trixie.
Maya maya pa pumasok si trixie ng kwarto. Dala dala ang basa na may laman na malamig na tubig.
“basahin mo na. anu ba nakalagay jan sa letter nay an.” Pag-uutos ni trixie na bakas namukha ang excitement nito.
Binuksan ko ang sobre para basahin ang nilalaman ng sulat. Nakasulat sa
harap ng sobre and word na TAMTAM KO! LOVE KO ‘TO ^^ . sabay naming
binasa ni trixie ang sulat.
MY TAMTAM ERICK ^^
Dated july 11
Hello tamtam ^^ , sa oras na binasa mo na itong sulat ko na ito alam
kong wala na ako sa pinas. Wag mong isipin na iniwan kita at nilayuan.
Ang toto hinding hindi ko magagawa na kalimutan kita. Nanjan lang ako sa
paligid mo minamatsagan ka at binabantayan , ayo ko kasi mawala ka sa
akin at ayoko ring may mangyari sayo namasama.
Habang
sinusulat ko itong monthsary message ko sayo, kasalukuyan kitang
pinagmamasdan.nandito ako sa tabi mo, at magdamag kong tinititigan ang
mga ngiti mo sa labi habang natutulog ka ng mahimbing. Hindi ko
makayanan na iiwan ka kahit isang minuto lang.
Ito ang unang
gabi mo sa ospital.kina-usap kosi lord kanina na sana okay ka lang at
wag ka niya pababayaan. Alam mo ba habang kargakarga kita noong isang
araw, kinausap ko din si lord na kunin nya na lahat sa akin wag lang ang
tamtam ko. Hindi ko kasi makakaya na mawala ang tamtam ko.
Kahit minsan hindi ako nawalay sayo. diba napaliwanag ko na sayo dati na
may heart mark tayo? kapag maligaw ako naku Makita ko lang ang mcdo
alam ko na kung saan ako pupunta ^^ hahanapin at hahanapin kita saan
Kaman magpunta.
Oo nga pala, naalala mo ba yung sulat na
binigay ko sayo na wag mong bubuksan haggat hindi umaabot ang 1 year
anniversary natin. Malapit na pala yun isang buwan nalang. Pag nagising
ka at nabasa mo na ito hawak mong sulat ngayun , buksan mo na iyon para
mabasa mo kung anu ang nakalagay doon.
Sana tandaan mo na
mahal na mahal kita. Ikaw lang ang pinakamamahal ko at nagiisang tamtam
sa buhay ko. Kung sakali mang dumating ang araw na magkahiwalay tayo, at
kung talagang gusto mo ako makasama handa ko iiwan ang lahat para
ipaglaban ka.
Mahal na mahal kita Tam
Tamtam ryan love ka niya. Mwah
Namumuo sagilid ng mata ang luha na kanina pa gusto pumatak . maya maya
pay tumulo ang mga ito. Nagmamadali akong hanapin ang sulat na nasa
lalagyan ng mga letters. Hinalungkat ko ang lagayan ng damit ko. Nakita
ko din sa wakas ang sulat na ilang buwan nang nakakaraan sa pagkatago
nito.anu kaya ang laman ng sulat na ito. matagal ko ng gusto itong
buksan.
“Yan naba yung sulat sulat na tinutukoy niya? Grabe ha
anu naman kaya laman nyan? Tagal na yan eh November pa yan di ba? Hmmm”
pag –usisa ni trixie.
Agad kong binuksan ang sulat.
“wil you mary me? And be my tamtam forever?” ito lamang ang naksulat sa kapirasong stationary.
Bumuhos ang luha ko sa nabasa ko.
“oh my god! That was sweet. I never expect na yun ang laman ng sulat
na yan. Almost a year mong tinago yan. It only showed and proved how
much he put his trust to you. I mean kung ako yun, agad kong bubuksan
yang letter na yan pagkatanggap without his consent. But look at you,
now mo lang binuksan yan and you kept your promised not to read it
unless its time to read it. Hindi siya magiging effective at mawawalan
ng sense kung hindi mo sinunod ang instruction nya. Its a kind of
promise between two people. Nakakaiyak sobra.” Sabi ni trixie
“trix, you have his number right? Can I borrow your phone. Ill try to
call him.” Sabi ko kay trixie habang nanginiginig ang bose ko, and
hoping it will work coz the last time na tinawagan ko siya out of
coverage siya.
“yah may number ako niya kasi lage ko siya
kausap sa fone. But can you just please pick up your phone first.kanina
pa yan ring ng ring di mo ba naririnig?”sabay turo ng nguso ni trixie sa
phone ko. Kanina pa pala nagriring ang phone ko. Baka si ryan itong
tumatawag? Agad kong kinuha ang phone ko para sagutin ang call.
“hello sinu to?” bungad ko sa kabilang linya.
“hi, Erick! Si andrea to. Nakitawag lang ako. Kakarating ko lang ng
bahay. Thanks pala sa treat. Hope everything is okay. Para kasing may
malaking problema kang pinagdadaanan. “ sabi ng tinig sakabilang linya
“yeah, okay naman lahat.dont worry hehe” pagtatakip sa mga emosyon ko ng mga panahong iyon.
“i miss you. And you know what? Ayo ko ng itago ang nararamdaman ko
sayo. Mahal na kita. I don’t wanna loose you. Sana maulit muli ang mga
masasaya nating araw. Hope to see you soon hehe. O siya nangangamusta
lang ako, atleast nasabi ko na ang nararamdaman ko sayo. Mwah”
Muli ko nanaman naramdaman ang pakiramdam ng umiikot ang mundo. Sa mga narining ko. Talagang sinusubok akong ng tadhana.
Umiigting ang pagkakaipit ko sa dalawang nag-uumpugang bato. Ito na ang
tamang panahon. Sa hinaba-haba ng panahon na nakatago ang proposal ni
ryan bakit ngayun pa nasabay sa araw na pagtatapat ng nararamdaman ni
andrea.
“babe kausap ko na si rj sa kabilang line.” Ang pagtawag ng atensiyon nito sa akin.
“sino nga pala ang kausap mo sa fone?” pag-uusisa pa nito sa akin
“ah-e walayun si cerge lang” pagsisinungaling ko.
“hi!tamtam?” sabi ko sa kabilang linya na alam kong kanina pa nakikinig.
“hi tamtam. Buti naman at magaling kana at naalala mo na ako. Hindi ka na ba galit sa akin?” tanung ni ryan
“sorry!” sagot ko sakanya
“sorry san?sorry dahil hindi mo na ako mahal?ganun?okay lang yun alam
ko naman yun. Baka may mahal ka ng iba siguro” ramdam ko ang panginginig
ng boses ni ryan habang sinasabi niya iyon.
“sorry kasi ang
sama sama ko.sorry kasi ako tong nanakit sayo. Sorry kasi am bobo bobo
ko. Sorry kasi ang tanga tanga ko.sorry kung minahal kita higit pa
sasarili ko kaya ko nagawa ang magselos.sorry kung bakit humantong sa
ganito ang lahat” sabi ko sakanya.
“patawarin mo ako. Luluhod
ako saharap mo kung kinakailangan. Ako naman ngayun ang handang
iparamdam na mahal kita. Ako naman ngayun ang handang ipaglaban ka.
Naalala mo ba yung sinabi ko noon?nasusundin ko kung saan ako Masaya?
Ikaw ang kasiyahan ko.ikaw lang ang nakakagawa ng dahilan kung bakit mo
ako napapangiti.”dagdag ko pa.
“you’ve said enough tam. Thank
you akala ko aalis nalang ako ng hindi na tayo magkakayos. Maraming
salamat.dininig din ni god lahat ng mga panalangin ko.” Tugon naman ni
rj.
“hanggang ganun nalang ba yun? Di ba gusto mo akong
makasama habang buhay. Di ba gusto mo akong maging asawa mo at magsasama
ng mahabang panahon?kala ko ba kaya mo akong ipaglaban?kala ko ba kaya
mo akong bigyan ng masayang buhay at magsasama tayo?anu yun puro lang ba
iyon kasinungalingan? Pagyayabang lang ba iyon oh puro kasinungalingan
din? Pagalit kong sabi sa kanya.
“tam aalis na ako bukas. Hindi
ko na pwede I move ang date ng flight ko. Nag aantay na sila sa states.
Galit na nga sila sa akin dahil matigas daw ulo ko. Puro nalang daw
kalokohan ginagawa ko dito sa pinas. And to think na napilit ko sila na
imove ang date ng flight ko ng nakaraan, binalaan ako na if hindi
matuloy ang flight ko ngayun for sure uuwi ang parents ko para lang
isama ako ng sapilitan at ipapadampot ako ng mga tauhan nila for
sure.see the picture?”pagsasalaysay nito.
So balewala din pala
ang lahat ng ginagawa ko na ito. Balewala din pala na tinawagan kita.
Nakakainis. Kung alam ko lang na ganito sana tuluyan nalang ako
nagka-amnesia.sana di nakita nalala para di na ako nasasaktan. Sana
nakalimutan nalang kita ng tuluyan. Umasa ako sayo. Inasahan ko yung
sulat mo na pinatago mo sa akin.”
Binaba ko na ang tawag ko sa
kabilang linya. Hindi ko na napigilang umiyak ng mga oras na iyon.
Yinakap ako ni trixie na noon ay nakikinig lang ng mga pinag-uuspan
namin. Sa paraang iyon lamang ako madadamayan ni trixie. Alam naming
parehas na wala na kami magagawa sa desisyon ni ryan.
Siguro
sumuko na ng tuluyan si ryan dahil sa mga ngyari sa amin. Siguro tuluyan
ng naglaho ang lahat ng mga pangarap niya sa amin. Nawala na rin siguro
ang saysay ng lahat ng mga pangako niya noong una. Masyado lang siguro
ako nag ambisyon ng isang perpektong relasyon. Sabagay libre nga lang
naman talaga ang mangarap. Masakit lalo na kung umasa sa mga pangarap na
akala mo madali lang makamit dahil abot kamay mo na naman ang lahat ng
iyon.
Hindi ko naman talga hawak ang isipan ng tao. May kanya
kanya tayong desisyon sa buhay. Alam ko naman yun. Anytime kayang
magbago ang isip ng tao. Pero mahal ko talaga siya. Ganito pala ang
pakiramdam ng iniiwan ng tuluyan. Yung pakiramdam ng harapharapan ka
iniignore. Yung feeling na gusto mong ipagsiksikan ang sarili mo. yung
feeling na gagawin mo ang lahat para lang makasama siya.
Paano
kaya kung puntahan ko siya sa baguio? Paano kaya kung abangan kosiya sa
airport bukas? Kaso hindi ko natanung kung anung oras ba flight nya.
Hays paano kaya kung magpakamatay nalang ako? Total wala na naman silbi
kung hindi ko rin siya makakasama. Para narin akong nasa impyerno sa
pangungulila sa kanya kung laam kong nasa ibang lugar lang siya.
Maghahatinggabi na. hindi ko na naming namalayan ang oras. Sa dami ng
nagyari ngayong araw parang gusto ko ng I fast forward kung merun lang
ako kapangyariahan ginawa ko na. ganitong ganito din ang sinabi ni ryan
noon. Tao nga lang naman talaga tayo. Patibayan nalang siguro ang
labanan ng buhay sa pag-ibig . kung sino tatagal at kung sinu ang
bibigay. Yung mga mahihina sila yung lageng nasasaktan,at yung mga
malalakas ang loob sila yung lageng nagpapaiyak at nanakit.
Ilang oras din ang lumipas, namalayan ko nalang na nakatulog na pala si
trixie sa kama ko.marahil sa sobrang pagod kaya hindi na natiis na
pumikit. kasalukuyan naman akong lumabas para duon na magpahinga sa
sala.doon na muna ako magpapalipas ng oras at gabi. Medyo nakaramdam
narin ako ng pagod.
“tam?” tamtam? Tam ako to. Buksan mo ang pinto!”
Sobrang lakas ng kaba sa dibdib ng narinig ko ang pamilyar na boses na
iyon. Laking gulat ko at animoy lumukso ang puso ko sa tuwa na
naramdaman ko. Sa sobrang excite ko napatalon ako sa sofa na
kinahihigaan ko. Agad kong binuksan ang pintuan para makita at
mapatunayan na totoo bang si ryan nga ang tumatawag sa akin at hindi
guni guni lamang.
Napayakap ako ng mahigpit sa kanya ng Makita
kong si ryan nga. Halos ayaw ko na itong bitawan sa pagkakayap sa
sobrang pagka-miss ko sa kanya. Mangiyak ngiyak ako ng mga oras na yun
at nanginginig pa ang mga bisig ko sa sobrang emosyon na nararamdaman
ko.
Napakihirap paniwalan na narirto siya ngayon at kayakap
ko.samantalang kanina lamang at kakasabi niya na nasa baguio siya at
aalis na siya bukas. Pero kung anu paman ang dahilan hindi naimportante
iyon. Ang mahalaga nandito siya ngayun. Natahimik kaming dalawa at halos
ayaw na naming pakawalan pa ang isat isa.
“tamtam ko..” sambit
ko. Yun lamang ang nasabi ko ng mga panahong iyon. Ayoko na magsalita
pa ng kung anu.sapat na ang tawagin ko siya ng ganun. Alam kong sa
tuwing tinatawag ko siya ng tamtam ay ramdam niya kung gaano ko siya
kamahal.
“tam..” sagot niya. Ganoon din siguro ang iniisip niya
ng mga panahong iyon. Nagkakaunawaan kami kahit na pangalan lamang ang
sinasambit naming.
Kinalas naman ni ryan ang pagkakayakap ko
sakanya ng mga oras na iyon at dinakma naman niya ang magkabilaang
pisngi ko habang nilalapit niya ang mukha sa akin at idinikit ang noo
niya sa noo ko. Habang tinitiigan niya ako sa mga mata ko na noon ay
maluha-luha sa labis na tuwa na nararadaman.
“will you marry me
and be my tamtam forever?” ang tanung niya na halos mautal pa sa
pagkakasabi sanhi ng kagalakan na nararamdaman.
“wuy!sabi ko na
nga ba nandito ka eh. Ikaw yung naring ko na boses kanina” nagulat kami
sa narinig naming boses.boses iyon ni trixie agad naman kaming kumalas
sa ginagawa namin ng mga panahong iyon.
“hay naku babe,panira talaga ng moment .okay na andun na kami eh. “tugon ko naman sa kanya.
“hay naku may nakalimutan ka, ito gamitin mo at ibigay mo sa kanya para
mas romantic. At gusto ko makita kung paano ka magpropose”sabay abot sa
akin ng maliit na box, yung pinagawa kong kwentas noon na dapat
iregalo ko kay ryan.
“talino mo tlga babe di ko nalala to ah! Hehe thanks” sabay kindat ko sa kanya.
Kinuhako ang ang singsing at ipinasok ko ito sa kwentas.
“tam , accept this necklace as symbol of our love. ang singsing ay
ako, at ikaw kapag nagsama ang dalawa mabuboo ang LOVE . ang kwentas
naman para pag-ugnayin ang sarili natin sa pagmamahalan.”isinuot ko ang
kwentas sa leeg ni ryan pagkasabi ko ng mga salitang iyon.
“I now pronounce the best couple ever “ ang pabibiro na sabi ni trixie
“O wala bang kiss jan?” pahabol nito.
Hinalikan ko si ryan sa pisngi. Kasabay naman nito ang paghalik niya sa
mga labi ko. Alintana sa babaeng nakatayo sa harap namin. Sa bagay
unti-unti narin naman kasi akong nasanay kay trixie.
Wakas.
No comments:
Post a Comment