Inilatag ko saisang gilid ang ibinigay niyang regalo. Nilapitan ko si
James at niyakap siya.“Yak!!! Yak!!!” ang pagsisigaw ko. At baling sa
mga pulis na nakatutok pa rinang mga baril sa amin, “Tulungan po ninyo
siya! May tama po siya. Hindi po siyamasamang tao! Napagkamalan po
lamang ninyo siya! Ang kambal po niya angcriminal!!!”
“J-Jassim…”pilit na nagsalita si James. “H-hindi ako si J-James. A-ako si J-Johnn…”
Gulat
na gulatnaman ako sa narinig at biglang napa-atras, binitiwan siya sa
aking pagkayakap.Hindi ako makapgsalita sa sobrang pagkagulat. Sa isip
ko ay may tuwa na hindipala si James ang nabaril ngunit may
pag-agam-agam din kung bakit hindi sumipotsi James. Tiningnan ko na lang
si John na nakahandusay sa stage.
“H-huwag mongbuksan
ang regalo… B-bomba iyan. S-si S-ophia ang n-nagpadala niyan. S-si
Jamesay ikinulong niya s-sa bahay niya…” At nawalan na siya ng malay.
“Mamangpulis!!! May bomba raw ang regalo na iyan!!!” sigaw ko sabay turo sa regalongaking inilagay sa isang gilid ng stage.
Agad
pinaalisng mga pulis ang mga tao at tumakbo na rin ako palayo. Nakita
kong ang ibangmga pulis ay binitbit si John palabas ng building at noong
dumating angambulansya, agad din siyang isinakay at itinakbo sa
ospital, kasama ang ibangmga pulis.
Nagkagulo anglugar na pinagdausan ng graduation. Narinig ko sa mga pulis na may tinawagansilang bomb disposal units.
Hinanap
ko angaking inay at mabuti naman at ligtas siya, nagkasama na pala sila
ni Ricky. Maymga nakita kasi akong ibang taong nadaganan nang
magtakbuhan ang mga tao.Sinabi ko sa aking inay na hintayin na lamang
niya ako sa boarding house atpupuntahan pa namin si James na ikinulong
ni Sophia. Kilala na kasi ng inay siJames. At ipinaliwanag ko sa kanya
ang lahat.
Agad kongnilapitan ang isang pulis. “Sir… ang
tunay na James po ay hinostage daw niSophia… Puntahan po natin baka
patayin po siya ngayong nalamang hindi natuloyang pagpapatay niya sa
akin.” Ang sambit ko sa kanya.
Nagulat siyasa aking
sinabi. Ngunit dali-dali ring kinausap ang kanyang mga kasamahanatsaka
binalikan ako at isninama sa police patrol. Kahit naka-toga pa
ako,nakalambitin pa sa aking leeg ang mga medalya at sa aking dibdib ay
naka-pin paang mga bulaklak, wala akong pakialam.
Isang
grupo ngmga pulis ang ini-assign upang samahan ako sa bahay ni Sophia,
dalawang patrol.Tinumbok namin ang rota patungo sa bahay ni Sophia.
“Sasama akoigan!” ang paghabol ni Ricky na nagsisigaw sa likod nang patakbo na sanangpatrol car.
Huminto namanang sasakyan at pinasakay siya.
Dahil
walangsearch warrant ang mga pulis, ako ang pinapasok nila sa loob ng
bahay upangalamin kung tama ba ang sinabi ni John habang sila ay nagtago
lamang sa isanggilid upang huwag mapansin.
Hindi pa
manako nakapasok sa loob ng bahay ay nagsisigaw na ako. “Sophia!
Pakawalan mo siJames! Alam kong nasa iyo si James!!! Sophiaaaaa!!!”
Ngunit, putokng baril ang sumagot sa akin.
Tarantangtumakbo ako pabalik sa gate.
“Oo… nanditonga si James! At kapag pumasok ka dito, pati ikaw ay papatayin ko!” ang sigawrin ni Sophia.
At
doon napumuwesto ang mga pulis. “Sophia… mga pulis ito. Palabasin mo si
James Andresupang matapos ang lahat nang matiwasay!” ang pagsigaw ng
lider ng mga pulisgamit ang dala-dala nilang megaphone.
“Kayo angsumugod dito sa bahay ko kung kaya ay kayo ang umalis!” sabay paputok.
Natamaan
angisang pulis sa pagpapaputok ni Sophia kung kaya ay tumawag na sila
ngreinforcements. Napansin kasi ng mga pulis na marami ang nagpapautok
at hindilang si Sophia ang nasa loob.
“Sophia,Sumuko ka na lang upang walang karahansang mangyayari!”
“Hindi!!!” atnagpaputok na naman.
At
doon nanagsimulang paikutan ng mga pulis ang bahay. Nagpaputok na rin
ang mga pulis.At noong dumating pa ang mga reinforcements nila, lalong
umigting pa angpalitan ng mga bala.
Hanggang sanakita kong
dahan-dahang nakapasok ang mga pulis sa loob ng bahay. Hindi nakami
sumunod ni Ricky dahil hindi kami pinayagan ng mga pulis at nakakatakot
paang putukan ng mga bala. At sa puntong iyon, hindi na namin alam ni
Ricky angnangyari sa loob.
Maya-mayalang, nahinto rin ang
putukan. At isa-isang inilabas ng mga pulis ang tatlongtauhan ni Sophia
na puro may mga tama. Maya-maya lang din, inilabas din siSophia na may
tama rin sa katawan. Lahat sila ay isinakay sa ambulansya.
Pigil-hiningaakong naghintay kung may susunod pang lalabas.
Ngunit lumabasna lang ang lahat ng mga kapulisan, walang James na kasama nila.
“Sir… alamnamin kung saan nila itinago si James!” ang pagsingit ni Ricky.
“Saan?” angsagot naman ng pulis.
Hinawakan niRicky ang aking kamay at dali-dali kaming pumasok sa bahay. Sumunod ang mgapulis.
At
tinumbok naminang pintuan sa lihim na kuwarto at nang mabuksan ito,
tumambad sa amingpaningin si James na hubo’t-hubat, nakatali ang mga paa
at kamay at puno nglatay ang katawan.
“Yak!Yakkkkk!”
ang sigaw ko habang nilapitan siya atsaka pnagtulungan naming
kalagan.“Anong ginawa nila sa iyo? Paanong napunta ka rito? Hindi ka
tuloy nakadalo sagraduation ko eh!” ang sunod-sunod kong tanong.
Hindi niyasinagot ang mga tanong ko. Bagkus, “Mamaya na lang kita sagutin, Yak…”
“O
sige…sasama muna kayo sa prisinto upang makuha ang mga statements ninyo
kung paanoka na-hostage Mr. James Andres.” Ang pagsingit ng isang
pulis.
“Ok, po…” atbaling sa akin, “Sama muna tayo sa kanila Yak…”
“O
siya… kayo na lang ang sumama. Uuwi muna ako at maygagawin pa ha?” ang
pagsingit naman ni Ricky. At baling sa akin,“Congratulation uli igan…
sobrang proud talaga ako sa iyo.” At “Mawah!” angpaghalik pa niya sa
aking pisngi.
Napunta kami niJames sa prisinto at doon na
sinabi ni James ang lahat. May kukunin lang dawsana siya sa bahay niya
na dating kanya ngunit nahuli siya ni John at mgatauhan ni Sophia. Si
John na pala ang nakatira roon at nang itinali na siya,sinabi ni Sophia
ang lahat, na yaman din lang na ayaw ni James sa kanya, kungkaya ay si
John na ang kanyang mahal. Tutal naman daw, sila rin ang ikinasal.Ngunit
dahil sa galit pa rin ni Sophia kay James, kung kaya naisipan
nilangregaluhan ako ng bomba sa aking graduation at kapag namatay ako,
si James ang tutumbukinnilang siyang may pakana ng lahat.
Iyon ang sinabini James sa mga pulis.
“Ano namansana ang kukunin mo roon?” ang tanong ko noong nasa labas na kami ng prisintoat naghintay ng tricycle.
“M-may peraakong itinago sa lihim na kuwarto.”
“Huh! P-parasaan mo naman gagamitin iyong pera sana? Bakit mo pa kukunin?”
“Di
ba sabi kosa iyo noon na kapag naggarduate ka, pakakainin natin ang
lahat ng mgaka-boardmates mo, ang landlady mo. At g-gusto ko ring
i-treat kita. Dadalhin saBoracay. Iyon sana ang regalo ko sa iyo…”
Sobrangtouched
naman ako sa narinig. Hinawakan ko na lang ng mahigpit ang kanyangkamay
at tiningnan siya. Nasa labas kasi kami ng prisinto, nahiya akong
yakapinat halikan siya. “Hindi naman importante sa aking iyan Yak eh.
Ikaw angmahalaga na naroon ka sa aking graduation.” Ang sambit ko na
lang.
“Hindi maaariYak… puntahan pa rin natin ang dating
bahay ko. Pera ko iyon. Pinaghirapan koiyon sa pagtatrabaho ko kay
Sophia. Hindi ko iyon ninakaw. May karapatan ako saperang iyon.”
“I-ikaw angbahala Yak…”
At doon ngakami nagpunta. Sa dating bahay ni James.
Ngunit
sapagdating namin doon ay hinarang kami ng mga pulis dahil isa raw
itong crimescene at hindi dapat makapasok ang sinuman maliban na lamang
sa tunay na may-aring bahay.
“A-ako namanang may-ari ng bahay na ito ah!” ang sambit ni James sa pulis.
“Kung may-aripo kayo, nasaan ang susi ninyo?”
At doon nahindi nakasagot agad si James, napakamot sa kanyang ulo.
“Hayaan mo nalang kasi Yak… Ok lang ako ano ka ba?”
Wala na siyangnagawa kundi ang samahan akong umuwi sa boarding house.
Medyomalungkot
na masaya ang aking graduation. Masaya dahil sa mga honors na natamoko
at dahil ligtas si James ngunit malungkot din dahil hindi siya
nakarating saactual na graduation at bagamat nakuha ko ang top honors at
mga medalya, walanamang selebrasyon gawa ng wala kaming pera.
“Kakain nalang tayo sa isang turo-turo Yak… kasama ang inay.” Ang sambit ko.
“Puwede. Atdoon kakantahan na lang kita.” Ang sagot din niya.
Nasa
harap nakami ng dormitory noong napansin ko ang mga mesang at upuang
nakabalot ng mgatable cloth. Tapos, sa isang gilid ay naroon ang mga
lagayan ng mga pagkain nanakatakip pa. Naroon din ang mga tauhan ng
catering services. Mistulang mayespesyal na okasyon kagaya ng kasal at
tila may mga bisitang malalaking tao.
“Siguro,celebration
ng isang kasamahan ko sa boarding house. Dumating kasi ang papaniya
galing sa abroad at malamang na siya ang nagpakain.” Sa isip ko
lang.Napabuntong-hininga na lang ako, nakaramdam ng inggit. Parang gusto
ko na ngalang sanang maki-kain kami roon. Pero syempre, wala namang
nang-imbita sa amin.
“P-pasensya kana Yak… nahihiya ako sa
iyo. Kung sana ay may pera lang ako, natupad ko sanaang pangako ko…”
sambit ni James noong nakita niya ang mga handa. Siguronapansin niya sa
aking kilos na may inggit akong nadarama.
“Ano ka ba.Masaya ako na kasama ka. Ikaw lang ang kailangan ko sa graduation ko, kasamaang aking mga magulang.”
Binitiwan niyaang isang ngiting hilaw.
“Sige…
pasokmuna ako sa kuwarto ha, magbihis lang ako. Nakakahiya namang
nakatuga pa rinako kahit sa pagkain natin sa turo-turo. Atsaka ang inay
rin isama natin.Naghintay sa akin iyon.”
“Ok Yak… ditolang ako sa labas.”
Papasok nasana ako sa kuwarto ko nang bigla ba namang sumulpot si Ricky. “Huli kaaa!”
“Ay! Ginulatmo naman ako eh!” ang galit ko pang sigaw kay Ricky. Hindi ko kasi akalain angbiglang pagharan niya sa akin.
“Saan kapupunta?”
“Magbihis.Tara kakain tayo sa d’yan sa turo-turo. Isama natin ang inay.”
“Ateeee!Magbihis pa raw siya, o! Kakain raw tayo sa labas teeeee!” ang sigaw ni Ricky.
“Woi!
Ano kaba! Eskandalosa ka. Ikaw lang ang inimbita ko. Nakakahiya kung
pati si ate ayisama natin. Wala akong pera.” Sagot k okay Ricky. Ate
kasi ang tawag namin saaming land lady.
“Teeeee! Waladaw siyang pera. Kami na lang ang kakain sa labas!”
“Woi
Ricky ha.Ayoko ng ganyan. Naiinis ako.” Ang seryoso ko nang sabi.
“Graduation ko panaman tapos ganyan ka…” at parang batang iiyak na sana.
Paano, feelingnakakaawa na nga ako at hayun, kinukutya pa niya.
Nakonsyensya tuloy ako dahil nakapagbitiwako ng salita na kapag
gagaraduate ako, pakakainin ko ang lahat ng mga kaboardmates ko kasama
si ate ngunit hayun, nagtatago na lang. Iyon din kasi angpangako ni
James sa akin na pakainin namin ang mga kaibigan ko.
Ngunit
bago paman pumatak ang aking mga luha ay niyakap na ako ni Ricky sabay
sabing“Surprise!!!” atsaka nakita ko na lang na nagsilabasan ang aking
mga kaboardmates na may dalang balloons, ang iba ay mga mga regalo, at
may streamer pana may nakasulat na, “Congratulations Jassim! We are very
proud of you!”
Nanlaki angaking mga mata. “Huh! Ginulat niyo naman ako!” ang sambit ko.
“Ganyan kanamin kamahal igan!”
“S-salamat.Speechless talaga ako. Sobrang nagulat.”
“Syempre,surprise ano ka ba!” sagot naman ni Ricky.
“N-nahiya langako sa inyo kasi… wala tayong salo-salo.”
“Anong wala!Hayan sa labas naghintay oh!”
Tawanan,palakpakan ang lahat.
“H-ha??? Parasa akin din iyan?”
Tumango siRicky.
At
ang luhangbabagsak na sana sa pagbibiro ni Ricky dahil sa inis ay
tuluyan nang bumagsakdahil sa sobrang tuwa. Hindi na ako nakapagsalita.
“Pakana
naminglahat, kasama si Ate. Syempre, malaki ang pasasalamat niya sa mga
naitulong mosa boarding house niya. Hindi lang dahil sa kabaitan mo
kundi pati na rin sapag-organize sa mga assignments, ang paglilinis, ang
pagpasimuno ng kunganu-anong kasayahan at ikabubuti ng samahan at
bonding ng mga boarders.”
“Tama angsinabi ni Ricky, Jassim. Kaya pati ang husband ko, hayan, full-support sa amingsorpresa para sa iyo. ”
“At may isapang kasali sa pakana na ito…” dugtong ni Ricky.
“Sino?”
“Hayun, iyongtaong nasa labas?” sabay turo sa bintana.
“S-sinod’yan?” ang tanong ko. Naroon na kasi ang mga staff ng catering service.
“Hayun o…iyong kasama mo patungo rito.”
Napangitinaman ako. “H-ha? Paanong naging kasama iyan?” turo ko kay James na nakaupo saisang gilid.
“Matagal
nanaming plano ito. Kaya lang noong nangyari nga sa kanila ni Sophia,
akala niyahininto namin. Ngunit sabi naman ng husband ko, go. At sa
tulong na rin niRicky, na siyang naghandle ng lahat, kaya heto..” ang
pagsingit naman ng amingland lady.
“O sya… sakana ang drama, kain na tayo bago pa man pumunta si Jassim sa turo-turo.”
Tawanan.
“Hindi na langmuna ako magbihis?”
“Para ano pa?kahit araw-araw mo pang isuot ang toga mo, may karapatan ka. Summa cum laude banaman”
Tawanan uli.
At
iyon. Patiang aking inay ay tuwang-tuwa. Masaya kaming lahat at may
programa pa sila. Atisa sa mga programa ay ang pagkanta na naman ni
James ng “Beautiful In My Eyes”at “I’d Rather” Kinilig naman ang aming
mga kasamang boarders. At noonghinalikan pa ako ni James sa harap nila,
Kahit mga lalaki, babae, kinilig.
Sobrangtouched ako sa
ginawa ni James na iyon. Doon ipinakita talaga niya na hinidniya
ikinahihiya ang aming relasyon. Pinanindigan niya ang lahat kahit
panakatingin sa amin ang aking inay.
Tiningnan koang aking
inay kung ano ang reaksyon niya sa nakitang halikan namin ni
James.Ngunit kagaya ng aking mga kasamahan sa boarding house, nakangiti
rin siya atpumalakpak pa na tila proud din sa ginawa ni James na
paghalik sa akin sa harapng mga tao.
Mangiyak-ngiyakako sa
sobrang tuwa. Hindi lang dahil sa sobrang pagka sweet sa akin ni
Jamesat sa nakitang pagtanggap ng aking inay sa amin ni James kundi
dahil naramdamanko ring marami rin palang nagmahal sa akin.
“Kasali kapala rito?” ang tanong ko kay James.
“Oo…
kasinahiya ako kasi wala akong naiambag. Ako sana ang taya sa lahat.
Pero promisenaman, babawi ako sa kanila ni Ate at Ricky. Kapag nagkapera
ako, isama natinsila sa Boracay.”
“Kahit wala naiyon Yak… masayang-masaya na ako sa sorpresa ninyo sa akin. Sobrang saya kotalaga”
Kaya iyon…Sobrang saya namin sa naganap na surprise party nila sa akin.
Kinabukasan,nagmungkahi
si James na dalawin namin ang kapatid niyang si John sa ospital.Kahit
naman kasi ganoon ang kambal niya, mahal ito ni James. Sumang-ayon
namanako. Naalala ko pa ang pagkabaril sa kanya na kahit malagutan na
siya nghininga, siya rin ang nag-alerto sa akin na huwag kong bubuksan
ang regalodahil bomba iyon. Siguro, ay hindi talaga siya likas na
masama. Naging ganoonlang siya dahil sa naramdaman niyang selos kay
James.
“Kumusta angpagkiramdam mo tol?” ang tanong ni James habang nasa isang gilid lang ako atnakinig sa kuwentuhan ng mag-utol.
“Heto…
o-oklang. Hindi pa rin ako napuruhan” sagot ni John sabay bitiw ng
pilit na ngiti.“S-salamat naman tol na dinalaw mo ako. Ambait mo talaga.
Kahit ilang beses nakitang pinahirapan, ginigitpit, tinatakot,
binablackmail, heto... ambait mo parin sa akin.”
“Syempre.Kapatid
kita. At hindi lang basta kapatid, kambal pa. Noong nasa sinapupunan
patayo ng ating ina, nagsi-share tayo sa lahat ng bagay. Lumabas tayo sa
mundongparehong buhay. Ibig sabihin, nagbigayan tayo. At ako, bilang
kuya mo… dapatlang na ako ang magbibigay.”
Kitang-kita koang pangingilid ng luha ni John. “P-patawad k-kuya.” Ang sambit niya kasabay sapagpatak ng kanyang mga luha.
Dali-dalisiyang
niyakap ni James. “Matagal na kitang pinatawad tol… At lalo na
ngayon,tinawag mo na akong kuya. Matagal ko nang pinangarap na tawagin
mo akong kuya.”
“N-noon pa mangusto na kitang tawaging kuya eh. Kaso, ewan… nagalit na kasi ako sa iyo.”
“Puwes
huwagka nang magalit kasi… wala ka namang ikakagalit sa akin eh. Lahat
ng nasa akinay mayroon ka rin. At kung wala ka, bibigyan kita. Wala kang
dapat ika-insecuresa akin. Pareho tayong guwapo” dugtong na biro ni
James.
Napangiti narin si John. “Simula ngayon, kuya na
ang itatawag ko sa iyo. Pagod na rin akosa ganitong buhay. Gusto kong
magbago na… k-kuya.”
“At tutulungankitang magbago. Kami ni Jassim, tulungan ka naming.” Sambit ni James habangtiningnan ako.
“Salamat…”
Tumayo ako atlumapit na rin kay John. “S-salamat pala sa pag-alerto mo sa akin tungkol sabomba…”
“Wala
iyon…Ang totoo, ayaw ko sanang umakyat sa stage dahil nga doon. Ngunit
napilitanlang ako dahil nahinto ang graduation pansamantala sa
paghihintay nila sa akin.At dagdagan pa na nakita ko ang pagkaway mo
akin at ang paglingon ng mga tao saakin. At noong naibigay ko sa iyo ang
regalo, sasabihn ko na sanang huwaggalawin iyon noong binaril naman ako
ng mga pulis. Kaya hayun…”
“At bakit monaman naisipang suwayin si Sophia?”
“Naamoy
kongginamit lang niya ako. Alam kong kapag pumutok ang bomba at may
mangyari kayJassim, ako ang ididiin niya upang makulong ako at wala nang
hadlang pa sapag-angkin niya sa iyo kuya. Ikaw pa rin ang mahal niya.
At ikaw pa rin anggusto niyang maangkin. Ginamit lang niya ako at
sinakyan ko lang din siya.”
“Hanggang kailantalaga, hindi maaawat si Sophia…” Ang sambit ni James.
“Pero…
patayna siya kuya. Ipinaalam ito sa akin ng mga pulis. Ako kasi ang
alam nilangikinasal sa kanya at ang tumayong asawa niya. At dahil wala
na siyang mgamagulang, hayun, ako na ang nagdesisyon sa pagsasaayos ng
kanyang burol.”
“H-ha???” anggulat na sagot din ni James.
“Opo…napuruhan siya sa dibdib, tumagos ang bala sa puso niya.”
Iyon
ang tagposa ospital kung saan naroon si John. Masaya ang kambal dahil
nagkapatawaran,masaya si James dahil nagsisi na si John.
Maya-maya langay nagpaalam na kami. Balak kasing dalawin ni James ang burol ni Sophia.
“Kuya…” angsambit ni John nang paalis na kami at nasa may pintuan na.
“Bakit?” sagotni James.
“Kunin
mo sanurse ang susi ng bahay mo. Ibalik ko na ito sa iyo… Alam kong may
pera kangitinago sa lihim na kuwarto. Kunin mo iyon, kuya. Pera mo
iyon. Pinaghirapanmo. At ang bahay na iyan ay alam kong nakapangalan sa
iyo iyon. Sinabi sa akinni Sophia.”
“Salamat tol…”
“At oo nga palakuya… may sasabihin pa ako sa iyo.
“A-ano iyon?”
“Hindi totoongna stroke ang ating ina. Gawa-gawa ko lang iyon upang umuwi ka, upang guluhinka.”
Sa
pagkarinigni James, bigla rin siyang bumalik sa gilid ng kama ni John.
“At ang pagkawalang break ng bus… sanhi ng pagkamatay ng mg apasahero,
ikaw rin ba ang maykagagawan nito?”
“Hindi pokuya… Aksidente lang ang lahat.”
Tilanahimasmasan
naman si James sa narinig. Nagpasalamat kay John, at tuluyan nakaming
umalis. At least, nalinawan din kami sa lahat ng aming mga katanungan.
Una
namingpinuntahan ang funeral parlor kung saan naroon ang lamay sa mga
labi ni Sophia.Nakidalamhati kami. Nakita naming doon ang mga crews ng
MCJ resto bar, at ibangmga dating nakasama ko sa trabaho sa branch nila
doon.
May dalawangoras kami roon. Pagkatapos, pumunta
kami sa dating bahay ni James na ibinaliksa kanya ni John. Pinapasok na
siya ng mga pulis na nakabantay gawa nangnaipakita na niya ang susi na
nagpapatunay na siya nga ang may-ari.
Agad kamingpumasok
sa lihim na kuwarto. Binuksan niya ang isan glihim din na drawer atnoong
nabuksan, kitang-kita ko na halos mapuno ito ng pera. May tig-iisang
liboat may tiglilimang daan. Kumuha siya ng bag at pinuno ito ng pera.
“Sapat na itopara sa ating lakad at pangangailangan, Yak.” Sambit niya.
“H-hindi ka batitira dito Yak?”
“Respeto
sapagkamatay ni Sophia, huwag na lang muna… Uuwi tayo ng probinsya,
kasama anginay at pagkatapos, pupunta tayo ng Mindanao, kahit limang
araw tayo roon.”
At iyon angginawa namin. Sobrang saya ko
sa sandaling iyon. Noong pauwi na kami saprobinsya, kasama namin ang
inay sa biyahe ng bus at syempre, kaming dalawa niJames ang nagtabi,
naka-akbay ako sa kanya, nakalingkis naman ang kanyang kamaysa aking
beywang.
Dedma lang angaking inay.
Pagdating saterminal, namili naman ng mga karne at isda is James. “Bakit ang dami namanniyan?” ang tanong ng inay.
“Syempre nay,salo-salo natin. Hindi kaya nakadalo ang itay sa graduation.” Sagot naman niJames.
Iyon
angnangyari. Pagdating naming sa bahay, agad na inayos ni James ang mga
lutuan, atsiya mismo ang nagluto. Syempre, tumulong ako at ang inay. At
nang dumating naang itay, tuwang-tuwa naman ito sa inihanda naming para
sa kanya.
“Tay… ito angmga medals ko, at ang aking certificate. Para po sa inyo ang lahat nang iyan.”Sambit ko.
Niyakap ako ngaking itay at hinalikan sa pisngi. “Salamat anak. Proud kami ng inay mo sa iyo”
“Mano poitay…” ang pagsingit naman ni James.
Hinayaan namanng itay na magmano si James sa kanya. Hindi pa kasi alam ng itay na nanumbalikna ang alaala ni James.
Sa
totoo lang,may takot ako sa eksenang kapag nalaman ni itay na
nanumbalik na ang alaala niJames at patuloy pa rin siyang dumidikit sa
akin. Hindi ko alam kungmatatanggap ng itay na lalaki ang mahal ko.
Sobrang conservative kasi siya. Hindiiyan pala-kibo hindi palaging
nagagalit ngunit kapag nagalit naman, sinturonlang ang katapat sa
kasalanan mong nagawa. Ibang-iba siya kay inay na maunawain,madaling
makaintindi sa sitwasyon. Ngunit ang itay, hindi ko alam kung paanoniya
tanggapin na lalaki ang minahal ng kanyang binata…
Iyon angkinatatakutan ko. Iyan ang isang bagay na hinid ko alam kung ipaalam ko pa sakanya.
“Tay, mamayamag-inuman po tayo.” Ang sambit ni James.
“Oo ba anak…”ang masayang sagot naman ng itay kay James.
At nag-inumankami. Tila isang buong pamilya kaming nagcelebrate sa aking pagtapos ng kurso.Kuwentuhan, tawanan, kantahan.
Maingat
namanang itay na huwag magtanong o ni magsalita tungkol sa background
ni James. Alamkong sa isip niya, hinid pa lubusang ganap na magaling ang
pagka-amnesia niJames.
At nakisakaynaman si James. Nakisakay na rin ako habang ang inay at tila walang pakialam.
Hanggang saramdam kong nalasing na si James at ang itay. Ako man ay lasing na rin.
Yayayain
ko nalang sanang matulog na kami ni James sa kuwarto nang nagsalita
siya kay itay,“Alam niyo po, tay… nanumbalik na ang aking alaala.”
Napatitigsandali
ang itay ko sa kanya at pagkatapos ay sa akin. Bakas sa kanyang
mukhaang pagkabigla. Siguro sa loob ng isip niya ay nagtatanong siya
kung bakit noonlang niya nalaman, kung bakit wala man lang nagsabi sa
kanya upang hindi nasiya mahirapang magkunwari. “Eh… di mas mabuti
pala!” ang sagot na lang niya.
“At tay… maysasabihin ako sa inyo.”
“A-ano iyon,James?”
“M-mahal namahal ko po si Jassim.”
Sa
pagkarinigko ay tila may malakas na bombang sumabog sa aking harapan.
Bigla kong nadaramaang malakas na kalampag sa aking dibdib. Parang gusto
kong busalan ang bibig niJames.
“Eh… salamatsa pagiging tapat na kaibigan mo sa kanya.” Sagot ng itay.
“M-mas
mahigitpa po sa kaibigan tay… M-mahal ko po si Jassim bilang isang
kasintahan.N-nagmahalan po kami… Handa ko pong gagawin ang lahat para sa
kanya.”
Natigilannaman ang aking itay. Napatitig kay
James at pagkatapos, sa akin, ang mukha ayseryosong-seryoso. Tila nawala
bigla ang kanyang kalasingan. Pati ang akinginay ay tila binatukan din
at napatitig sa akin.
Yumuko na langako sa pagkabigla. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang isasagot.
“Totoo ba ito?Jassim?” ang tanong ng itay na tumaas ang tono ng boses.
Tumango ako.
At doon natumayo ang aking itay, walang pasabing tumalikod at pumasok sa bahay, bakas sakanyang mukha ang pagkainis.
Sumunod
natumayo ang inay at sumunod kay itay. Naiwan kami ni James na biglang
natahimik.Alam ko, galit ang itay. At siguro, kung hindi ko lang
celebration para saaking graduation iyon at nagkataong wala si James,
baka nasinturon na naman ako.
Naramdamankong hinawakan ni
James ang aking kamay. Napaiyak naman ako. Hindi ko alam kungsa ano ang
dahilan ng aking pag-iyak; kung iyon ba ay dahil sa ipinamalasniyang
tapang na sabihin iyon sa aking itay o dahil sa pagkaawa ko sa
akingsarili.
“T-tara na sakuwarto Yak…” ang sambit ni James.
“S-sinabi mopa kasi.” Ang paninisi ko pa.
“Mas maigi angganoon Yak para alam ng lahat na nagmahalan tayo. Wala tayong dapat na itago.Mahirap ang mabuhay na magkunwari.”
“E paano iyan.Di ba mas mahirap kapag magulang na ang nagagalit?”
“Natural
namagalit ang mga magulang kapag hindi natupad ang gusto nila sa mga
anak nilaYak. Normal iyan. Ngunit mga magulang sila at sa bandang huli,
maiintindihandin niya ang lahat. Kasi… may sarili kang buhay.”
Hindi akoumimik.
“At
least…alam na niya. At ang sunod nating hintayin ay ang pagtanggap niya
sa atin. Atalam ko, hindi ka rin niya matiis Yak. Nag-iisang anak ka
lang. At summa cumlaude pa kaya.” Ang biro pa niya.
Napangiti nalang ako. Sobrang confident niya kasi. Nakakaencourage. Nakakagaan ng loob.
Tumayo
ako atsabay na pumasok kami sa aking kuwarto. “B-bukas ay aalis tayo
patungongMindanao ha? Ipakilala naman kita sa aking mga magulang sa
Mindanao.” Angsambit niya.
Kinabukasan,maaga kaming
nagising. Agad na naghanda si James ng aming almusal. Tumulong dinako.
Habang abala kami sa aming ginagawa, noong nilingon ko ang isang
sulok,naroon pala ang inay at pinagmasdan niya kami.
Lumapit ang aminginay. Tumulong na rin sa amin. Tila nakakabingi ang katahimikang namagitan saaming tatlo.
Maya-maya,nagsalita ang inay, “P-pagpasensyahan na ninyo ang itay ninyo…”
Bigla namangmay tuwa akong naramdaman. Napatingin ako kay inay, binitiwan ang isang matipidna ngiti.
“Alam mo namanang ugali ng itay mo. Hayaan mo na lang muna siya. May dahilan kung bakit siyanasaktan at nabigla.”
“S-salamat posa pag-intindi inay…” sambit ko at niyakap ko na lang ang inay.
“Anak
kita.Ano man ang mangyari, ano man ang desisyon mo sa buhay,
mananatiling anak kita.Kaya kahit mahirap, pipilitin ko ang aking
sariling tanggapin pa rin kita dahilpagbali-baliktarin man ang mundo,
hindi magbabago ang katotohanang nanggalingka sa dugo at laman namin ng
itay mo. At may sarili kang disposisyon ka, maysariling buhay, may
sariling pag-iisip, may sariling damdamin. Naintindihankita anak… At
ikaw lang ang nag-iisang anak namin. Kung mawala ka, sino na langang
mag-aalaga sa amin sa pagtanda naming?” sabay haplos sa kaing buhok.
“Diba, aalagaan mo kami? Iangat mo kami sa hirap?”
Doon na akohumagulgol sa pag-iyak, hinigpitan pa ang pagyakap ko sa kanya. “Opo nay…Pangako kop o iyan sa inyo ng itay.”
At
habang nasaganoon kaming pag-iiyak, minuestrahan niya si James na
lumapit sa amin. Atniyakap na rin niya ito. Kaming tatlo ang nagyakapan.
“S-salamatnang marami nay…” ang sambit niy James.
Ang sarap ngaking pakiramdam. Sa isip ko, ang itay na lang ang kulang.
“N-nasaan baang itay nay?” ang tanong ni James.
“Maagangnagpunta sa bukid…”
Nang mataposang aming paghahanda ng pagkain, kumain muna kaming tatlo ni James at inay.
“Nay,
dadalhinko si Jassim sa Mindanao. Aalis sana kami mamaya. Isang linggo
kami roon.Dalawin ko ang aking mga magulang... Matagal na hindi ko na
sila nakita.”
Tiningnan akong inay. “M-magpaalam muna kayo sa itay ninyo.”
“Opo…” ang sagotni James.
Nana mataposang aming agahan. Nagbalot ang inay ng pagkain. “Maghahatid muna ako ng pagkainsa itay ninyo…”
“Nay… kami napo ni Jassim. Magpaalam na rin po kami sa kanya na aalis kami maya-maya.”
“Yak… papayagkaya ang itay?” ang tanong ko habang naglalakad kami patungo sa bukid.
“Siguro
naman.Nasa tamang edad ka na, tapos na sa pag-aaral, at natamo mo pa
ang pinakamataasna karangalan. Bakit niya ikaw tutulan sa bakasyon mong
ito? You deserve this…”sambit ni James.
Nakarating nakami
sa lugar na sinasaka ng itay. Nakita namin kaagad siya. Nag-aararo.
Noongnasa harap na namin siya, “Tay, kain po muna kayo...” Ang sambit ni
James. Ako nalang po muna ang ang magpatuloy niyang pag-aaararo.
Ngunit
patuloypa rin ang itay sa pag-araro, hindi pinansin si James. Noong
bumalik uli siya,“Tay… narito na po ang pagkain ninyo…”
Hindi pa rinumimik ang itay.
“Tay…
ipaalamko pong dadalhin si Jassim sa Mindanao, sa bayan po namin.
Matagal na ponghindi ko nakikita ang mga magulang ko eh.” Sambit ni
James, nilapitan na talagaang itay at sinabayan habang nag-aararo.
Ngunit
hindipa rin umimik ang itay. Nilapitan siya ni James at hinawakan ang
araro, “Tay…ako na lang po muna ang mag-araro. Kain na po muna kayo…”
At doon na akonagulat sa aking nakita. itinulak ni itay si James.
Natumba siJames, napaupo sa lupang bagong araro pa lamang. Tiningnan lang niya ang itay.
“Kung
gustoninyong lumayas, layas! Dalhin mo ang anak ko! At kahit hindi na
kayo babalikdito, wala akong pakialam! Layas na kung ayaw ninyong mataga
ko kayong dalawa!Layasssss!” ang sigaw ng itay.
No comments:
Post a Comment