“Guys iwanan ko muna kayo dito huh. Dalhin ko lang tong stufftoy sa kwarto ko. Hehe” sabi ko sa kanila.
Binuhat ko na ang bear papunta sa kwatro ko. Bakas sa mukha ko ang
labis na kalungkutan at pangungulila kay ryan. Tinanggal ang bear sa
pagkakabalit nito. Yinakap ko ito.
Kinakausap ko nanaman ang sarili ko sa isipan ko.
“TAMMY BEAR..hmmm nasan na kaya ang taong pinanggalingan mo. Nakakainis
siya ha, pinahihiripan nya ako. Alam mo bang umiiyak ngayon si daddy?
Hmp.pag nakita natin yun awayin mo ha para s aakin. Ahayst.. tapos
iiwan nya natayo ng tuluyan.aalis na siya papuntang ibang bansa. Alam mo
ba kung nasaan siya ngayon? Alam mo ba kung anug balita sa kanya
ngayon?nakakasar siya ha. Sa tingin mo ba nakalimutan na ako ng daddy
mo? Sa tingin mo ba talagang hindi nya na ako ako mahal?paano na ako?
Paano ka na? Im sure malulungkot ka. Kahit malaki ka na Tammy bear im
sure mamimiss mo din ang dad mo kagaya ng pag ka miss ko.”
Katahimikan ang bumabalot sa loob ng kwarto na siya namang ikina-igting
ng labis na kalungkutan. Pilit kong pinipigilan ang pagpata kng luha ko
ng mga panahong iyon. Maya-maya pay naisipan kong lumabas ng bahay para
makalanghap naman ako ng sariwang hangin. Nakaramdam din ako ng gutom ng
mga sandaling iyon, naisipan ko na pumunta sa Mcdo. Namimiss ko na ang
spagget at mcfloat.
“ah guys pwede ko ba kayo maiwan saglit
dito sa bahay? Bibili lang ako ng yosi at pupunta saglit sa mcdo. Hehe
nagugutom na kasi ako at gusto ko kumain ng spaghetti. Take out ko
nalang kayo mamaya pag-uwi ko. Di naman ako magtatagal eh. At dahil nga
masipag kayo name what you want guys anu gusto nyo?”
“uhm… chicken pre gusto ko heavy meal eh ^ dalawa sa akin ha” tugon ni Jorge
“namoka ang takaw mo talga. Ang mahal kaya noon. Pwede bang fries nalang sayo pre!loko lang heheh”pagbibiro ko nito
“sa akin same lang ng sayo spaghetti din “sabi naman ni trixie
O siya sige alis na ako ha. Bantayan nyo bahay ko at wag nyo ibebenta
mga gamit ko dito kung di lagot kayo sa akin. Pag yan may magkulang
tatanggalan ko kayo ng mata isa-isa. Haha “ pagbibiro ko ulit sa kanila
“ulol!haha anu naman ang mabebenta dito eh feeling ko nga hindi na ito
tatangapin sa junkshop eh. Hoy bilisan mo.lumakad kana. Mukang gumanda
ang araw mo ha? Nagsex kayo ng BEAR nuh? Bwahahaha” pakli ulit ni Jorge.
“baliw! Haha babe pakibantayan tong ungas na to ha.baka saktan nya si
TAMMY bear s loob ng kwarto. Hmp baka rape-pin nya yung bata naku
malibog kaya yan. Haha” sabi ko habang papalabas na ko ng bahay at
sinusuot na ang tsinelas.
Dumaan ako ng tindahan sa kanto
malapit sa amin para bumili ng yosi. Naglakad ng konti para sumakay ng
tricycle palabas ng gate. Sumakay ng jeep papuntang zapote at bumama sa
kalapit na mcdo ilang milya ang layo mula sa gate ng subdivision.
Agad ko ng pinabalot ang lahat ng pagkain na binili ko sa Mdo. Tumawid
ako para sumakay pabalik sa bahay. Sa front seat ako ng jeep umupo.
Kinarga ko ang mga dala kong order pasalubong para kina jorge at trixie.
Umandar na ang sasakyan. Habang sa mga oras na yun
tinititigan ko ang ang smiley sailalim ng letter M n tatak ng mcdo.
Bigla akong napangiti. Naririnig ko ang boses ni ryan habang kinakanta
niya ang linya ng mcdo na “TAMTA-RAMTAMTAM LOVE KO ‘TO”
biglang dumilim ang paligid at animoy umiikot ang paningin ko. Nagawa ko
pang tumingila habang inoobserbahan ang ngyayari sa mga oras na yon,
bagaman wala na ako masyadong maaninagan alam kong may nangyari na
kakaiba. Nakita ko na lamang na nagkakagulo ang nasa paligid ko.malabo
ang paningin at wala akong marinig. sobrang bigat ng ng ulo ko at
pakiramdam ko. tuluyang nagsarado ang mga talukap ng mata ko.naririnig
ko ang boses ng isang lalake na binibigkas ang TAMTA.. tam.. tam..
guni-guni ko lang ba iyon? hindi ko na maibuka ang nga mata ko para
usisihin kung sinu iyon.
Dahandahan kong binuksan ang talukap
ng mga mata ko. Ang tahimik ng paligid. Nakakabingi na katahimikan.
Hindi ko maigalaw ng maa-yos ang mga kamay ko. Ang paa ko.ang buo kong
katawan. Anu itong nakatusok sa kamay ko? Bakit may dextrose ako? Agg
paligid?isang maliit na silid. Tama bang naiisp ko? Nasa hospital ako?
Ang sakit ng ulo? Dahan dahan kong inangat ang kaliwa kong kamay para
hawakan ang ulo ko na, ang sakit kumikirot. Ang kapal ng benda na
nakabalot sa ulo ko. Ano ba ang ngyari? Bakit ako nandito? Wala akong
ma-alala.napansin ko ng may mga tao sa paligid ko.
Nakikilala
ko ang mga taong naka-upo sa tapat ko. Si trixie iyon. At Jorge
magkayakap na natutulog. Nakapatong sa kanila ang isang jaket pangontra
ng lamig sa loob ng silid na iyon. At sino naman itong katabi nila.isang
lalake. Matipuno.matangkad.kaibigan ba nila ito? Parang pamilyar sa
akin. Nakakapagtataka nakita ko naba itong taong ito.
“gi-gising kana pala.kamusta pakiramdam mo?” biglang bulalas nito pagkakita sa akin na noon ay nakasubsub ang mukha sa palad .
namamagaga ang mga mata nito. Halatang wala pang tulog. Bakit ang sarap
ng ngiti niya habang kinakamusta ako.sumasakit nanaman ang ulo ko. Sino
ba itong taong ito bakit nya ako nginitian. Pilit kong inaalala pero
wala akong mapiga sa isip ko.
“babe gising kana pala. Kamusta
na ang pakiramdam mo?thanks god. Pinag-alala mo ko ng sobra.” Sabi ni
trixie nanoon ay maluha luha siya sa pagkakasabi ng mga katagang iyon.
“ba-bakit anung nagyari? At bakit ako nandito?”tanung ko sa kanya.
“pare wala ka bang maalala? Halos mag iisang linggo kana dito” tugon
naman ni Jorge namay pagtataka ako sa mga sinasabi niya?umiling-iling
ako at pilit nai nalala ang lahat.
"Anu ba ang ngyari.ang huling naalalako ay galing akong mcdo."
“babe buti nalang kasama mo noon si RJ ng naaksidente kayo.sabi kasi ni
rj nagkita daw kayo sa gate ng subdivision. Ang kwento nya sinamahan ka
daw niya papuntang mcdo, e d ba nga nung araw na un sabi mo nagugutom
ka at itatake out mo kami ng food namin. Nalala mo ba noong dumalaw kami
ni Jorge sa bahay nyo?”salaysay ni trixie.
“sumakay daw kayo
pauwi ng jip. Sa harapan kadaw pumwesto. At nasa loob naman ng jeep si
rj. Sobrang bilis daw ng pagpapatakbo ng sasakyan ng driver, tapos maya
maya ay bumangga kayo sa isapang pribadong sasakyan. Nag-overtake kasi
yung isang sasakyan sa kabilang linya. Ayun , ikaw ang napuruhan ng mga
time nayun. Agad ka daw itinakbo ni ryan dito sa Molino Doctors. buti
nalang sobrang lapit nito sa lugar na pinagyarihan, kundi naubusan ka ng
dugo sa pagkakabagok mo noon. Hay naku pagkakataon nga naman, swerte mo
at naisipan ni rj na pumunta dito. Ang pinagtataka ko paano niya
nalaman kung saan ka natira. Ang sabi nya gusto niyang kumstahin yung
ipinabibigay ng closefriend nya na syota mo about dun sa bear. E db nasa
state na daw yung girlfriend mo kaya tinawagan nya nalang na
naaksidente ka. Nagaalala daw yung babaeng yun sayo.weird nuh?”dagdag pa
ni trixie.
Si-sino si rj? Tanung ko saka nila.
Nagtinginan ang tatlo ng mga oras nay un, na para bang may gusting sabihin.
“at sino yung girlfriend ko?wala akong malala” dagdag ko pa
“ah- ako si rad jurich pare, rj for short” biglang sambit ng lalakeng katabi nila trixie at Jorge.
“ba-ba..” nauutal na banggit ni trixie ng mga panahong iyo habang
nilingon ng lalake na nag-ngangalang rj at tinitigan na animoy may nais
ipahiwatig.
“nakausap ko na ang doctor mo noong nakaraang
araw, sabi niya sa sobrang pagkakabagok ng ulo mo , nagkaroon ng konting
pag alog sa brain mo. May tendency daw na magkaroon ka ng amsesia.
Pero babalik din daw ito mga ilang buwan.wag mo nalang daw pilitin muna
na alalahanin ang lahat.babalik din ng kusa ang mga yun. At sa tulong
daw ng mga pamilya at kaibigan mo ay mas mapapadali ang pagaling
mo.masusing test ang ginawa sayo ,nag-aalala din kasi ang doctor baka
nagkaroon ka ng blood cloth sa utak mo. Thanks god t wala naman.
External hemorage lang ng ulo ang natamo mo sanhin ng pagkakabagok
mo”salaysay ng nag-ngangalang rj sa akin.
Nakapagtatakang
kangina lamang ang aliwalas ng mukha nito, biglang nagbago ang templa
ng mukha niya at pansin kong namumuo-muo ang luha nito sagilid ng mata
habang nagsasalaysay.
“u-umiiyak ka ba pare”tanong ko sa kanya.
“hi-hindi kulang lang siguro ako satulog.sobrang antok kohehe” agarang tugon nito sa tanung ko.
“wala pa kasing tulog si rj ilang araw na, sya kasi lage nagbabanta y sayo dito. Ambait nya dre” ang sabi naman ni Jorge.
“Labas muna ako mga tol,trix labas lang ako ha. Papahangin lang at
magyoyosi ako sa labas.” Sabay lumakad papalapit sa pinto ang lalaking
iyon.
Naguguluhan parin ako sa mga nagyayari. Nagtataka ako
kung sino yung girlfriend ko. Bakit wala akong ma-alala na girlfriend.
At sino naman itong rj na ito. Bakit kami magkasama ng panahon na
naaksidente kami.kaduda-duda ang mga sinabi ng taong iyon.
Sumunod na lumabas si Jorge at naiwan si trixie. Pinagbalat ako ng
prutas ni trixie habang ako naman kasalukuyang nakasandal sa unan.gusto
kong pagtagpi-tagpiin ang mga ngyayari.
“babe ang weird, bakit
si rj lang ang hindi mo ma-alala? Bakit kami na-alala mo.” Oh ito kainin
mo to para naman magkaroon ka ng lakas.ilang araw ka din kasi walang
kain.”kasalukuyang papalapit sa akin si trixie ng mga oras na yun habang
sinusubuan ako ng kapirasong prutas na binalatan niya.
Maya-maya pay dumating si Jorge may dalang pagkain. Salitan naman sila
ni trixie.siya naman ang umalis ngayon.ang paalam nito hahanapin niya
lang si rj.
Medyo natagalan bago bumalik ang dalawa. Halos
umabot ng dalawang oras bago sila nakabalik. Kinausap lang daw nila yung
doctor at bukas ma-aari na akong umuwi ng bahay.
Ilang linggo
din ang lumipas mula ng umuwi ako ng bahay. Halos dito na sa bahay
namalagi si trixie at Jorge sa pag-aalaga sa akin. Sila na ang gumawa ng
lahat ng mga gawaing bahay, hindi nila ako pinabayaan at iniwan.
Isang araw, dumalaw ang iba naming kamag-aral para kamustahin
ako.nabalitaan kasi nila ang ngyari sa akin. nakakatuwa namang isipin na
marami palang nagmamahal sa akin. Wala na akong nagawa kundi siyempre
patuluyin ang mga iyon.
nasa tabi ko ng mga oras na iyon si
cerge,napakwento si cerge kung anu na bang ngyayari sa school. Napansin
kong ilang araw na din hindi nagpapakita si rj. busy ata sa trabaho
yun.ang weird kasi ng mga ngyari. Napansin ko ng araw na nagising ako
bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala pero bakit nitong mga
nakaraang araw hindi ko nakikita ang presensiya niya.
Nakaratay
parin ako sa silid ko kahit ilang araw na ang nagdaan.mahina parin
ako.sanhi siguro ng wala akong masyadong nakakain mula ng may nakaturok
sa akin na dextrose, at dala na malamang sa pagkakabagok ng ulo ko
noong aksidente,naapektuhan malamang ang buong sistema ko.namimiss ko na
ang lumabas.at magpahangin.
Nagdaan pa ang ilang araw at
bumuti-buti na rin ang pakiramdam ko. Bumalik na ako ng school . ang
dami kong namiss na mga subjects. Sabagay excuse naman ako dahil nga
naaksidente ako. Kailangan ko lang habulin ang mga subjects ko at
magself review sa mga namissed kong topics.saka ako kukuha ng exams ko.
Balik na sa normal ang buhay ko. Kasama ko sila cerge at Jorge lage sa
tambayan namin. BATIBOT ang tawag sa isang malaking puno na
napapalibutan ng sementong upuan. Pabilog ang hugis nito kaya malamang
batibot ang tawag dito. Presko ang hangin at kami lang ang lage
tumatambay dito.
Napansin ko na may isang babae na nahulog ang binder nito nadala dala. Agad akong tumayo para tulungan ito.
“ah eh miss ako na kukuha” habang nakaupo at tinitipon ko ang mga pirasong papel na nalaglag sa pagkakainsert nito sa binder.
“Sa-salamat.” Aniya.
Ang lambing ng boses nya. Ang totoo nyan sinadya ko talga na lapitan
iyon para magpakilala. Ang haba ng buhok at ang tangos ng ilong. Bagay
na bagay sa kanya ang uniform na pambabae, nakaminiskirt
atnaka-high-hills pa.sino bang hindi mapapa-wow sa mga legs nito. ang
ngiti niya parang isang anghel. Ambango ng amoy ng buhok nito habang
nalalanghap ko dala ng hangin na humahampas sa mga pisngi ko.
“hi-hi. A-ako pala si erick” pakilala ko.
“ye-yeah, iknow.sino ba naman ang di nakakailala sayo. Eh halos lahat
ng babae sa campus kiala ka. And im sure, maraming magagalit sa akin
dahil kina-usap moko. Anyways thanks ^^ nga pala.” Agad na tumalikod
ang babae palayo sa akin.
“really? ganun ako kasikat?, whats your name nga pala?” pahabol na tanung ko nito.
“im andrea. Sige ha malalate na ako sa next subject ko.thank sulet.” Nagmamadaling sagot nito.
“hi, andrea ^^” sabay habol ko sa kanya, habang naglalakad siya,
patalikod naman ako naglalakad na kaharap niya sabay kininditan ko.
Nagpapacute kumbaga. Nakaka-inlove talaga ang isang to.
”so can I have your number? You know para matxt naman kita!” ang tanung ko nito sa kanya
“yeah?”su-sure?” ang sagot nito.
“hehe tanung bayun?parang napipilitan ka lang ata. Heh,ang cute mo
ha”sabi ko sa kanya habang ngi-ni-ngitian ko ng pamatay ko ng ngiti.
“ha ha ha funny! You know what malalate na ako. Will you please stop
me. Maraming naghahabol sa iyo kaya doon ka nalang mag aksaya ng
panahon mo wag sa akin.” Pagtataray nito.
“hmmm sungit mo naman, yan nawawala pag ka cute mo.penge naman ako ng number mo oh.” Pangungulit ko nito.
“fine. 0906-4571-085 yan number ko. And please wag mo na akong sundan. Pinagtitingan tayo ng mga tao .nakakahiya.” aniya
“chillax! Hayaan mo sila inggit lang mga yan. Okay miss ganda ingat .
tawagan kita mamaya ha” sabi ko sa kanya habang pinapakita ko ang sign
ng pagtawag ng papalayo na siya.
“got it dude” pagmamalaki ko sa kina Jorge at cerge na noon at nakamasid lamang sa amin.
“lupet mo pare, wala ka paring pinagbago. Bolero ka parin hahaha” pang-aasar ni Jorge.
“hanga na ako sa-iyo. Alam mo bang miss-sungit ang tawag sa kanya ng
campus. Naku mailap kasi yan sa mga boys dito sa campus. Balita ko nga
nililigawan siya kiko ngayon. Haha ewan ko lang kung tumagal yung
pangliligaw niya baka sumuko na rin xa." singit naman ni cerge.
“si kiko? Yung varsity player ng basketball team ng school natin? “
haha naku walang panama sa kagwapuhan ni pareng Erick yan. Ito pa eh mas
malupit pasa leyon to. Kita mo nga kung mambola daig pang dribbler
hahaha “ pang-aasar nanaman ni jorge
“haha ungas. Tigilan mo
ko. Igaya mo naman ako sayo na malibog.atleast ako hindi.dinadaan kosa
love” sabay hawi ng imahinasyon ko sa harap dala ng kaulitan.
“Love? Ikaw mai-inlove? Baliw parang di naman uso sayo yun” sagot nanaman ni Jorge
“Oh basta. Move on pare. Haha insecure ka bwisit.panira ka ng moment.” Tugon ko ulit sa mga huling sinabi ni Jorge.
Araw-araw kong inabangan si andrea sa BATIBOT. Mula noon nabawasan na
ang pagkasungit niya, nakita ko ulit ang mga matatamis niyang ngiti sa
akin. “am i fallin to andrea?” tanung ko sa sarili ko. Nasanay na ako
na nakikita ko ito. Sarap nyang habul habulin. Yung pagkasungit nya sa
akin lalo akong na-iinlove sa kanya.kakaiba siya sa mga babae na
nakilala ko. Yung ibang babae easy to get. Ito, parang amazona ang ugali
. palibhasa alam nyang nagkakandarapa din ang mga lalake sa kanya kaya
malamang ganyan siya umasta.
“hey guys, since kumpleto tayo
ngayun, andito si trixie, an dito si cerge at Jorge at si binibining
sungit ^^ treat ko kayo ng mcdo sa south mall. Ayos bay un?”
pag-iimbeta kosa kanila.”
“pare ang tagal ko ng gustong marinig
sayo yan. Atleast naisipan mo rin. Tamang tama gutom na ako. Haha 5
chicken ang order ko ka at walong extra rice” biglang bulalas ni Jorge
habang ngumingisi.
“puta ka dre, anung klaseng tyan meron
ka?may mga condo units ba yang tyan mo?baka naman pinalagyan mo ng
balon-balonan ang leeg mo?check ko nga pre haha” ang tugon ko naman
Agad na kaming lumabas ng gate ng perpetual , tumawid kami para sumakay
ng bus na aircon papuntang southmall. As usual ang ingay namin sa loob
ng bus. Naiirita na nga ang mga katabi namin dahil sa kadaldalan ni
trixie.kilala nyo naman si trixie kung magsalit. Ubod ng kulit, panay
ang ngisi at panay ang yakap kay Jorge.
Nakarating rin kami sa south mall sa wakas. Dahil nasa ground floor kami, kailangan pa naming pumanhik sa itaas.
Umoder na rin kami ng pagkain .syempre ang walang humpay na asaran
namin. Sa mga pagkakataong iyon gusto kong samantalahin na magpropose
kay andrea para maging girlfriend ko. Hindi naman kasi ako marunong
manligaw.pero siguro naman sa araw araw na pag-aabang ko sa kanya at
pangungulit yun na yung Ligaw phase. Effort din kaya ang tawag doon.
‘Guys! Guys! Guys! May sasabihin ako” pagtawag ko sa atensiyon ng mga kasamahan ko.
Habang yung dalawang babae naman nagkukulitan at kung ano ano ang
pinag-uusapan, malamang girlstalk yun at panlalait sa mga boys.
“oh my gad, trix favorite ko yan, pakinggan mo. Yang portion nay an
“PAP-PARAP-PAP-PA LOVE KO’TO” narinig ko ang kapirasong linya na
sinabayan ni andrea.habang mistulang hindi narinig ang pagtawag ko sa
kanila
‘TAM? TAMTAM? “ banggit ko sa mga katagang iyon.
“TAMTAM? Sino yun pare?” ang tanong ni cerge na katabi ko noon habang
nakatulala ako ng mga panahong iyo. Agad akong tumayo at umalis. Tumakbo
ako palabas ng mall.
“ey pare, anung nagyayari,san kapupunta?”ang pahabol na tanung ni Jorge ng mga panahong iyon.
“tamtam! Tamtam! Tam…. “ paulit ulit kong binabanggit ang salitang iyon
. unti unit nang nagiging malinaw sa akin ang lahat, unti unti ng
nagbabalik ang nawala kong alala.
Namumuo ang mga luha ko sa
gilid na mata ko. Hinanap ko bigla si ryan sa tabi ko. Hinahanap siya ng
panigin ko.asan na si ryan. Ilang araw din syang hindi nagpakita sa
akin mula ng nagising ako sa ospital. Pero bakit sya nagpakilala na
siyasi Rad Jurich? Eh Ryan Jay naman ang pangalan niya. Ang daming
katanungan ang lumabas saisip ko.
Napahinto ako sagilid ng
south mall sa DOOR 6 sa bandang likod ng south mall kung saan makikita
ang parking area.sinundan pala ako ni trixie ng mga panahong iyon.
Naiwan naman ang iba sa mcdo marami rin kasi kaming na-order nun.
“babe are you okay?” tanung ni trixie habang nakahawak siya sa balikat ko."
“Nalalako na ang lahat. Malinaw nasa akin ang lahat.” Ang sabi k o kay trixie.
“na-alala monasi RJ. na-alala mo na ba siyab abe? Ang tamtam mo?” bigla
akong nabingi sa narinig ko at nagtaka habang nililingon ko sya.
“alam mo?” tanung ko sa kanya.
“oo babe alam ko ang lahat. Hindi ko sinabi sayo hanggat hindi pa bumabalik ang mga nawawala mong memorya”sagot nito
“pe-pero bakit?”pagtataka ko
“yun kasi ang paki-usap sa akin ni RJ” pakli ni trixie.
“asan siya?”ang tanung ko naman
“nasa baguio siya ngayun, nasa bahay ng tita niya. May inaasikaso lang
siyang papapeles. Hindi ko lang alam kung magtatagal pasiya rito sa
manila. Baka pagkagaling doon dumerecho na siya ng airport kasi flight
nya na bukas papuntang states.”salaysay nito.
ang weird, bakit
ngayun pa nagbalik ang ala-ala mo kung kelan malapit na siya
umalis.pinaglalaruan ba kayo ng tadhana nyo?oh nagkataon lang? dagdag pa
nito
“akalako ba nata-alis na siya?”pagtatanung ko.
“naku mahabang kwento babe. Sa bahay ko nalang ikukuwenta tara na, mauna
na tayong umuwi tawagan ko lang si Jorge na sila na muna bahala kay
andrea” suhestiyon nito sa akin.
Pagkatapos tawagan ni trixie
sila Jorge agad na kaming tumulak pabalik sa bahay. Nagpa-alam ito na
may family problem ako kaya nagmamadali kami umalis at sinamahan ako ni
trixie.
Unting unti nagbalik ang lahat ng bagay sa isipan ko.ang mga naudolot kong katanungan noong araw na bago ako naaksidente.
Labis kong pinagtataka kung bakit nagsinungaling si rj noong araw na nagising ako base sa pagkakakwento ni trixie noon.
Sapagkakaalala ko, wala akong kasabay noon papuntang mcdo. At lalong
hindi ko siya nakita ng mga oras na iyon. Nakapagtataka na siya ang
nagdala sa akin sa hospital.pero ang gumugulo sa isip ko noong bago ako
mawalan ng malay narinig ko ang katagan “tamtam! Tamtam tamtam” boses
iyon ni ryan bago tuluyan nawala ang ulirat ko.
Paanong
napunta siya roon samantalang ilang araw na kaming hindi nagkikita.
Paanong sya ang nagdala sa akin sa hospital.ang weird. Ni hindi ko
manlang namalayan noon na nandoon siya. Gusto kong maresolba lahat ng
katanungan ko.
ngayun ko lang lubusan naintidihan kung bakit
nagging masya siya ng nagising ako mula sa mahabang pagkakatulog. At
kung bakit biglang nagbago ang expression ng mukha niya noong hindi ko
siya maalala.
Nagbalik ang mga katanungan at maging ang mga
emosyon. Pinaghalong lungkot, pagtataka at pananabik ang nararamdam ko
para kay ryan lungkot dahil narinig ko sa mgalabi ni trixie na paalis na
ito bukas papuntang state.pagtataka kung bakit hindi natuloy ang
pag-alis niya, at kung bakit siya nagpanggap na ibang tao, at kung
papano siya napunta sa pinagyarihan ng aksidente. Pananabik dahil ilang
lingggo na kaming hindi nagkakausap ng masinsinan bilang tamtam. Maaring
nagkausap kami ng saglit pero hindi bilang tamtam kundi bilang ibang
tao.
Ang isa pang ikinaka-bahala ko kung anu na ang mangyayari
sa amin ni andrea. Nahulog nadin ang loob ko sa kanya. Araw pa man din
ng pagtatapat ko sa kanya kaso na-unsiyami lang dahil sa pangyayari. Ayo
ko namang paglaruan ang nararamdaman ko gayung alam ko din na mahal din
ako ni andrea.ramdam ko nitong mga nakaraang araw na nahulog na din
siya ng tuluyan sa akin.
Naiipit ako sa sitwasyon ng nakaraan
at ng hinaharap. Sinu bang mas matimbang sa dalwa. Sino ba ang mas
pipiliin ko. Ang nakaraan ko na alam ko at ramdam ko ang sobrang
pagmamahal niya sa akin. Oh ang babae na ako naman ang siyang gumagawa
ng lahat para lang mapalapit ang loob nito.
Alam kong ako ang
dahilan kung bakit napalapit ang loob ni andrea sa akin. Alam kong
effort ko ang dahilan kung bakit tuluyan siyang napamahal sa akin. Kung
hindi ba sa pagkakataong wala ako na-alala magagawa ko kayang paibigan
siya at magagawa ko bang ipagpalit si ryan.
Magagawa ko bang
itanggi sa sariliko ang labis sa pananabik ko kay ryan. Matatakpan ba ng
pagkagusto ko kay andrea ang lahat ng mga nagyari sa amin ni ryan?
Paano nalang si ryan? Anu bang naghihintay sa akin? Ano ba ang dapt kong
gagawin? Nasa harap ko na ang dalawang kasagutan. Isang babae na alam
kong walang maibibgay na malisya sa mundo na ginagalawan namin. Oh ang
lalake na habang buhay naming dadalhin ang pagtatago ng mga nararamdaman
namin at pagmamahalan.
Ito na ang pinakamahirap na disisyon na
dumating sa buhay ko. Ito ba talaga ang tadhana ko. Mababaliw na ako sa
mga nagyayari . hindi ko pa nga naa-yos ang problema namin ni ryan
nadagdagan pa ng mas malala pa.
Nilalayo ako ng tadhana sa
taong pinakamamahal ko.samantalang binibigyan naman ako ng kapalit na
pag-aaralan ko pa kung anu ba ang magigng takbo ng relasyon namin.
Pagulo ng pagulo ang lahat ng bagay.sana hindi nalang nagbalik ang
alala ko. Oh sana hindi nalang ako naaksidente di sana wala ako
inaa-lala ngayon. Paano ko gagawin ang isang desisyon na hindi
makakasakit ng ibang tao. Na hindi ako makaka-sagasa ng damdamin ng
ibang tao. Kahit sino sakanila ang piliin ko alam ko ako ang lalabas na
mali.ako ang lalabas na kontrabida.shit. hirap na hirap ako sa sitwasyon
ko.
No comments:
Post a Comment