Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.

Sunday, May 17, 2015

STORY: SAPAT NA BA ANG KABAYARAN CHAPTER 2

Ilan beses tinangka ni celine na kausapin upang magpaliwanag ky josh kapag my pagkakataon na wala ang asawa,ngunit kapag akma na sya ay lalapit,agad itong lumalayo sa kanya..

Sinadya ni celine na puntahan... na lamang ito sa bahay. Nang makita siya ng ama ni josh ay agad syang pinapasok.

"andun sya sa kusina umiinom na naman'puntahan mo na lang."

"salamat po"

pagkakita pa lang nito sa kanya ay agad na nagsalita. "anung ginagawa mo dito!"

"let me explain..

" pagak itong tumawa,"explain? For what?! I don't need your explanation! My asawa ka na at hindi ka na dapat pumunta dito!" "kaya ka pala nakipag break sa akin dahil pinagpalit mo ko sa mayaman! Dahil ba sa mahirap lang ako? Dahil ba hindi ko kayang ibigay sau ang kayang ibigay sau ng asawa mo ngaun! Akala ko pa naman iba ka,napakataas ng tingin ko sayo pero ngayon..pweh!! Basura ka na lang sa paningin ko!"

"josh patawarin mo ko hindi ko gustong saktan ka" umiiyak na sabi ni celine..

"umalis ka na kung ayaw mong ipagtabuyan pa kita palabas!."

yumakap si celine dito ngunit itinulak lamang sya.

"kahit kaylan hinding hindi ko mapapatawad ang ginawa mo sa kin! Niloko mo lang ako at pinaasa! Akala ko ikaw na ang babaeng makakasama ko habang buhay pero kagaya ka rin pala ni mama iiwan din pala ako!" "umalis ka na!"


"josh,im really sorry,mahal na mahal kita kaylangan ko lang gawin yun para kay itay"

ngunit hindi na siya nito pinakinggan,.lumakad na itong susuray-suray papasok ng kwarto..

umalis na lamang si celine alam niyang hindi na ito makikinig sa kanya.



Samantala,binuhos ni josh ang galit sa pamamagitan ng pagsuntok sa pader ng kwarto,galit n galit ito habang umiiyak,hindi nya matanggap n ang babaeng pinangarap nya mula pa pagkabata ay bigla na lamang siyang iiwan at sumama sa ibang lalake na mayaman..hindi tuloy nya maiwasan na di maalala ang nakaraan..



Parehas sila ni celine na nagtapos sa kursong Business Administration sa iisang school..working student sila,

c celine ay sa fastfood chain bilang part time service crew at siya ay sa isang bar bilang waiter,.

Kapag kinakapos si celine sa budget o pangtuition siya ang tumutulong dito..

pangarap nila na kapag nakaipon na sila ay magpapakasal na sila at magtatayo sila ng negosyo. napakarami pa nilang mga pangarap,gusto niyang magkaroon ng isang masaya at buong pamilya katulad ng pamilya ni celine n kahit mahirap ay masaya at buo ito..samantalang siya kahit kylan ay hindi nakaramdam ng pagmamahal ng isang ina,sa picture lamang niya ito nakita,kaya ganun na lamang ang galit nya ky celine,dobleng sakit ngaun ang nararamdaman niya ngaun dahil sa pagkaalala sa kanyang ina,malaki ang hinanakit niya dito mula pa pagkabata,bakit sila nito nagawang iwan ng kanyang ama.

Hindi kinaya ni josh ang sakit na araw-araw niyang nakikita ang dating nobya at araw araw din siyang nasasaktan kapag nakikita niya na kasama nito ang asawa,at ang ideya na si celine na ngaun ang bagong may ari ng GFS,makalipas ang isang linggo,nagfile sya ng resignation,mula no0n nawalan na rin sya ng ganang magtrabaho,walang araw na hindi siya umiinom,natuto na din syang bumarkada na hindi nito n0on nagawa dahil ky celine lang umikot ang buong mundo niya.



Napansin naman ni enrique ang pagiging matamlay ng asawa mula ng bumalik sila ng maynila,ayaw niya itong nakikitang malungkot at lahat ibibigay niya dito mapasaya lamang ito,ganun pa man hindi ito nagpabaya sa kanya lagi nitong pinapaalala ang kanyang gam0t at pinagluluto ng masasarap na pagkain,ramdam niya ang pagmamalasakit nito sa kanya ngunit alam niya na may mahal itong iba.
Nilapitan nito ang asawa na nasa garden,nakatayo ito at nakatingin sa bulaklak na rose na hawak,

."Oh, bka naman malusaw yang hawak mo?" biro nito.

"ikaw pala enrique" mabilis na pinahid ang luhang pumatak sa pisngi. Napansin naman ito ng asawa.

"celine,bkit ka umiiyak? My problema ba?"

"wala ito,wag mo kong pansinin,ok lng ako.

anung ok? Makakasama yan sa ipinagbubuntis mo!"

humarap si celine sa kanya."bakit napakabuti mo pa rin sa kin kahit alam mong my iba akong mahal?"

"dahil mahal kita! Mula ng makita kita sa park na umiiyak naramdaman ko na ito sau,hindi ako humihingi ng anumang kapalit,ang tanging hiling ko lang sau ay makasama ka hanggang sa huling sandali ng aking buhay..alam ko hindi na ko magtatagal,"

"wag ka nga magsalita ng ganyan!!"

"alam mo mula ng mamatay sa isang aksidente 10yrs ago ang mag ina ko,ngaun lang uli ako nagmahal ng ganito." niyakap ni celine ang asawa

May naging kabarkada si josh na mayaman at mahilig gumimik,.isang gabi nagkatuwaan sila na lumipat ng ibang bar,halatang mga lasing na ito dahil sa lakad na pasuray-suray.

"brod,kaya mo pa bang magdrive lasing ka na! " tanong ni josh.

"ako pah! Hahahaha expert toh brod pag dating sa pagdidrive! "

"don't panic bro!...yakang yaka niya yan! Sabat ng isa na nasa likuran..

Nagkatawanan ang lahat.. Apat silang sakay ng kotse at nsa unahan sya katabi ng driver,ung dalawa ay nasa likuran nila.. Nasa daan na sila at mabilis ang takbo ng kotse kaya hindi napansin ng driver ang truck na paparating,huli na upang umiwas,.."BLAG!!"Isang malagim na aksidente ang naganap ng gabing yun,.

Patay ang driver ng truck at ang pahinante nito,sa kotse naman ay dalawa ang patay at dalawa ang isinugod sa ospital at agaw buhay. Ang driver dahil hindi pala ito nakasuot ng seatbelt ...ay agad na namatay,at ang isa na nasa likuran ng kotse ay patay rin.

Swerte namang nakaligtas si josh sa tiyak na kapahamakan ngunit malaki ang naging damage nito,bugbog ang katawan nito at sa ngaun ay hindi pa ito makalakad ngunit sinabi naman ng doctor na my pag asa pa itong makalakad,kylangan lamang syang dumaan sa therapy. Ngunit ang pinakamalaking pinsala na kanyang natamo ay ang kanyang mga mata,my mga bubog ng salamin ng harapan ng kotse ang pumasok sa kanyang mga mata na naging sanhi ng kanyang pagkabulag.



Tuluyang naging madilim ang mundo ni josh,sabi ng doctor na my pag asa pa syang makakita ngunit kylangan niyang sumailalim sa isang eye transplant! Kylangan lamang nito ng eye donor at malaking halaga din ang kylangan sa operasy0n.

"kalokohan!" singhal nito noon sa kanyang doctor.

"sinong tanga ang papayag na mawalan ng mata ha! Kahit ang presong bibitayin baka hindi rin pumayag na mawalan ng mata! At wala akong ganung kalaking halaga!" dagdag pa nito.

"wag ka mawalan ng pag asa, my diyos na makapangyarihan sa lahat" sabi ng doctor bago nagpaalam na umalis.

Lumabas na ng ospital si josh, sa bahay na lamang ito nagpagaling, unti unti muli itong nakalakad kasabay nito ang tuluyang pag babago ni josh, naging mainitin ang ulo,nawalan na sya ng gana sa buhay, sinisisi niya si celine sa ngyari sa kanya,hindi sana sya magkakaganito kung di sya nito iniwan!

Isang gabi kinausap siya ng kanyang ama.

‎"anak, kung anuman ang nangyari sau, andito lang ako at di kita pababayaan. wag mong tuluyang sirain ang buhay mo dahil lamang sa isang babae."ù

" Pa, bulag na ko! Anu pang silbi ko sa mundo! Lumaki akong walang nakagisnang ina, pati ang pinakamamahal kong babae nawala na rin sa kin."

"nawalan din ako anak! Pero hindi ako nagkaganyan! Hindi ko sinira ang buhay ko, hindi ako nagpadaig sa lungkot at pangungulila sa mama mo, nagpakatatag ako at sinikap na buhayin at itaguyod kang mag isa! Wag kang padala sa emosyon mo, my awa ang diyos.." tinapik siya ng ama sa balikat bago umalis.

Natauhan si josh sa sinabi ng ama, ngaun lamang ito nagsalita ng ganun sa kanya patungkol sa ina. Mabait at masipag ang kanyang ama walang bisyo di tulad ng ibang ama, ito na rin ang tumayong ina sa kanya, hindi ito palabarkada at lahat ng gawaing bahay ay alam nito.

Matanda na rin pala ito ngaun ko lang naisip dahil puro si celine na lang ang laman ng kanyang isip. Bigla tuloy siyang nahiya sa nagawa nya sa kanyang sarili, hindi na dapat akong maging pabigat dito. Nakaya niyang mabuhay akong mag isa ng wala si mama..kakayanin ko rin tanggapin na wala na si celine sa buhay ko

Dalawang buwan ng nakaratay si enrique sa ospital sa sakit na luekemia at anumang oras ay maari na itong bawian ng buhay..

"celine, mahal na mahal kita..wag mong pababayaan ang sarili mo lalo na ang nasa sinapupunan mo..."

"bakit ka ba nagsasalita ng ganyan! Magkakasama pa tayo ng matagal,.!" umiiyak na sabi ni celine..

"gusto kong bago ko mawala ay masabi ko lahat ng gusto kong sabihin sau"

"pls.wag ka naman ganyan..minahal na rin kita sa maikling panahon ng pagsasama natin, ngaun ko lamang ito nasabi sau."

ngumiti ito sa kanya. "alam ko, ramdam ko naman pro alam ko rin na mahal mo pa rin sya hanggang ngaun,..celine.." naghìhingalo

"wag ka na muna magsalita, magpahinga ka jan, labas muna ko?" aakma siyang tatayo ngunit pinigilan sya nito..

"celine' dito ka lang sa tabi ko, pls? " at umupo muli ang asawa..maya-maya bigla na naman itong nagsalita.."ah

‎"anu yun?" " kapag nawala na ko,...balikan mo si josh.. You deserves to be happy...kylangan mong mabuo ang pamilya mo... I love you so much celine..." iyun lang at nalagutan na ito ng hininga....

Enrique!!!!!! Isang malakas na palahaw ang ...pinakawalan nito

Dalawang araw matapos mailibing si enrique, binasa ng abogado nito ang last will and testament..at tulad nga ng inaasahan' si celine ang naging taga pag mana ng lahat ng ari-arian nito, totoong nagdadalamhati siya sa pagkamatay nito. Hindi niya alam kung san magsisimula, magulo pa ang kanyang isip.. Kahit panu namiss niya ito..pero tama si enrique, hanggang ngaun mahal na mahal pa rin nya si josh, ngunit hindi pa ito ang tamang panahon upang muling magkrus ang landas nila.. Nagluluksa pa siya sa pagkamatay ng asawa, isang napakabuting kaibigan

Hanggang ngaun ay naging malulungkutin pa rin si josh, ngunit hindi na ito kagaya dati na mainit lagi ang ulo, naging tahimik naman ito at laging my malalim na iniisip

" OH, GOD..HELP ME PLEASE..AND IM SORRY KUNG NAWALAN AKO NG KAKAYANAN NA MANIWALA SA INYO. IKAW NA PO ANG BAHALA SA AKIN AT KAY PAPA.. PINAPATAWAD KO NA PO SI CELINE KUNG NASAN MAN SYA NGAUN..SANA MASAYA NA SIYA NGAUN.. MARAMING SALAMAT PO SA IKALAWANG PAGKAKATAON NA NABUHAY AKO.." lihim nitong dasal..

Kahit pano ay nasanay na siya sa madilim, nakabisado na rin nya ang pasikot-sikot sa maliit nilang bahay..hindi katulad dati na nadadapa pa sya at laging nakaantabay ang kanyang ama.. Kaya ng makabisado na nito ang pamamahay ay bumalik na ang kanyang ama sa trabaho, nag iiwan na lamang ito ng pagkain para sa kanya

Isang hapon bago dumating ang kanyang ama mula sa trabaho ay isang di inaasahang bisita ang dumating.. Paka-kapa niyang tinungo ang pinto gamit ang kanyang tungkod..

Pag bukas niya ng pinto.." sino yan? " agad niyang tan0ng..

isang babae ang sumagot .

No comments:

Post a Comment