Hindi na
sumagot ang pulis. Agad niyang kinuha ang kanyang walkie-talkie at may
tinawagan habang nagtatakbo siya patungo sa direksyon ni John.
At iyon din sa
puntong iyon ko narinig ang ingay ng isang pagsabog. “BOOOOOOMMMMMMMM!!!”
“Diyos ko
po!!! Totoo ang sinabi niya! Totoo ang sinabi niyaaaa!!!” Sigaw ng utak ko.
Kitang-kita ko
ang pagkagulat rin ng mga tao na tiningnan ang direksyon ng kahabaan ng highway
kung saan nanggaling ang malakas na tunog.
At doon na ako
nag-iiyak. Dali-dali akong tumakbo, binaybay ang highway na dinaanan ng bus na
sinakyan ni James. “Yak! Yakkkkk!” ang pagsisigaw ko habang nagtatakbo. Wala
akong pakialam sa mga tao na nakatingin sa akin at nagtaka kung bakit.
Ngunit marahil
ay na-connect din ng ibang tao ang narinig nilang pagsabog at ang pagtatakbo ko
sa lugar na pinangngalingan ng ingay. May akong sumigaw ng “Diyos ko!!!”
Mistulang
hindi lumapat ang aking mga paa lupa sa bilis ng aking pagtakbo. Alam kong sa
20 minutos ng takbo ng bus, kung dumeretso nga ito at hindi nag-ikot o
umistambay, nasa 30 kilometro na ang layo nito mula sa terminal. Ngunit sa ingay
ng pagsabog, parang napakalapit lang. Parang wala pang isang kilometro ang
layo.
At hindi nga
ako nagkamali. Hindi pa naka 500 metro ang aking pagtakbo, nakita ko na ang
isang gilid ng highway na may maraming mga taong nag-usisa, may makapal at maitim
na usok ang at patuloy pa itong nag-aapoy.
“Diyos ko
pooooo! Yakkkkk!” ang lalo ko pang pagsisigaw at binilisan pa ang pagtakbo.
Nagtaka rin ako dahil parang isang warehouse naman iyong nasunog. Ngunit naisip
ko na doon sumubsob ang bus nang sumabog ito kung kaya nadamay ang nasabing
warehouse. Hindi ko kasi makita ang bus gawa ng maraming taong nakapaligid sa
lugar.
Tatawid na
lang ako sa highway upang lapitan ang nasabing nasunog na warehouse noong sa
mismong harap ko ba naman ay pumara ang isang jeep. At laking gulat ko pa noong
bumaba ang isang lalaki sabay tanong sa akin ng, “Saan ka pupunta?”
“Yak???” Ang
sigaw kong gulat na gulat at naglulundag. “Akala ko ba ay sumabog ang bus mo?”
ang tanong ko sabay yakap sa kanya.
“Huh!” ang
gulat din na expression na nakita ko sa kanyang mukha. “P-paanong sumabog?”
sagot din niya at yumakap na rin sa akin, hinaplos-haplos ang aking buhok.
“Nakita ko
kasi ang kambal mo at sinabi niyang may inilagay daw siyang bag ng bomba sa bus
mo at sasabog daw iyon sa oras na alas 8:20.”
“Ganoon ba?
Hindi niya magagawa iyon. Tinakot ka lang noon. Pumapatay iyon ng ibang tao
ngunit hindi ako kayang patayin noon.”
“E, ano iyang
sumabog diyan?” sabay turo sa umuusok pang building.
“Malay ko ba
d’yan. Bakit ako ang tinanong mo? Warehouse ata iyan ng LPG. Baka may nag leak
na tangke at may nagtapon ng sigarilyo...”
Mistula naman
akong natameme. “Eh, ikaw? B-bakit ka bumalik?” ang tanong ko na lang uli.
“Hindi kita
matiis eh.” sabay bitiw ng isang ngiting mistulang nahihiya.
At syempre,
napangiti rin ako. Sobrang saya ko kaya. Kinurot ko na lang ang kanyang tagiliran.
“Ikaw ha?”
“Nagkaroon ng
flat tire ang bus at noong inayos ito, napag-isip-isip ko na huwag na lang
tumuloy, hintayin ko na lang muna ang araw ng iyong graduation. Gusto kong nasa
piling mo ako sa mga sandaling ito bago ang graduation mo upang ipakita sa iyo
ang aking suporta. Summa cum laude yata ang Manyak ng buhay ko. Syempre proud
na proud ako. At isang lingo na lang naman iyon, di ba? Pagkatapos ng
graduation mo saka pa lang ako uuwi, isasama kita sa aming probinsya.”
“Talaga Yak?!
Yeeeeheyyy!” ang sagot kong tila matate na sa sobrang saya. Ngunit natigilan
din ako. “P-paano pala ang inay mo? Di ba na stroke siya?”
“Hindi totoo
iyan. Sa pagbalik ng aking alaala, agad akong sumulat sa amin, isinulat ko doon
ang number ko at ang number mo. At kanina lang din sa pagsakay ko sa bus, may
text akong natanggap dito sa cp mo na dala-dala ko. Ang inay, at ipinarating
niya sa akin ang mensahe na huwag akong mag-alala dahil nasa mabuti naman daw
siyang kalagayan. Hindi raw totoong na-storke siya. Hinala ko ay gawa-gawa
lamang ni John ang balitang na stroke siya upang guluhin ang buhay ko.”
“G-ganoon ba?”
“Oo...”
Kaya iyon...
umuwi kami sa boarding house na sobrang saya ko.
Sa isang
linggong pagsasama namin sa boarding house, sobrang pagtitipid ang ginawa
namin. Wala na kasi siyang trabaho, walang pera. Ang pera na nasa amin lang ay
ang perang ipinahiram ni Ricky. Syempre, lahat ng bagay sa araw-araw na
pangangailangan ay binibili. Lalo na ang pamasahe at pagkain. At dahil wala
siyang kahit anong bagay sa katawan na dala simula noong itinakwil na niya si
Sophia, ang t-shirt at brief na suot-suot niya ay akin. May isang pantalon binigay si Ricky sa kanya at may ka-boardmates
din akong naawa, nagbigay ng t-shirts. Pati nga ang landlady ko, nagbigay din
ng isang pantalon, sa asawa niya raw iyon ngunit masikip na.
“Nakakahiya
Yak... yang mga brief ko ay kupas na, pati garter ay sira-sira na rin.” Ang
sambit ko dahil brief ko nga ang gamit niya.
“Ok lang iyan.
Basta brief mo ang suot ko, mas masarap.”
“Nahihiya nga
ako...”
“Hmpt!
Nahihiya pa ito. O sige, kung nahihiya ka, brief na lang ni Ricky ang isusuot
ko. O di kaya ay brief ng iba mong ka-boardmates. Pansin ko pa naman ang
kakaibang titig noong dalawang... bading ata ang mga iyon eh.”
“Si Von at Sam
iyon.”
“Bakla ba ang
mga iyon?”
“Hmmm... oo.
Hindi lang halata.”
“O sige brief
na lang nila ang hihiramin ko.”
“Waaahhh!”
“Nahihiya ka
di ba?”
“Gusto mo
naman ang mga brief nila?”
“Hindi...
gusto ko ang brief mo. Nakakataas ng libido pati.”
“Ewww. Manyak
ka talaga.”
“Dati naman,
di ba?” sabay bulong ng, “Dahil sa iyo...”
Ngunit kung
gaano naman kahirap ang aming kalagayan, lalo naman kaming naging close sa
isa’t-isa. Sa isang linggo na iyon, palagi kaming nagsasama. Sa gabi na nagtabi
kami sa pagtulog, sa pagpasok ko sa eskuwela na hindi lang niya ako hinahatid
kundi hinihintay pa sa library, hanggang sa pagbalik na naman namin sa boarding
house, hindi kami naghihiwalay. Dahil diyan, mas lalo ko pa siyang nakilala,
mas lalo ko pang naramdaman ang kanyang pagmamahal.
Naglalakad na lang
din kami patungo sa school ko at pag-uwi, kasama siya na bodyguard ko. Minsan
naman, sa pagkain, isang ulam lang ang bibilhin namin at sa kanin na lang namin
babawiin.
“Yak... naaawa
na ako sa iyo. Ikaw na dating manager, may sariling kotse, masasarap na pagkain
ang kinakain, heto ngayon, kumakain na lang sa isang turo-turong kainan.”
“Hush! Naging
manager lang ako nang dahil kay Sophia. Kinalimutan ko na ang buhay na iyon.
Ang alam kong buhay ay mahirap, iyong security guard lang, kumakain ng kung
anu-ano, basta magkaroon lang ng laman ang tiyan.”
Dalawang araw
bago ang aking graduation. As usual, hinihintay niya ako sa library ng
eskuwelahan habang ako naman ay na rehearsal. Kilala ko kasi ang nagbabantay sa
library kaya kinausap ko siyang doon na lang muna maghihintay si James sa akin
habang ako ay nasa activity namin. Simula noong naging bodyguard ko siya, ang
routine naming ay ihahatid niya ako sa school at sa library siya magtatambay.
Sa lunch time at break ko naman ay pupuntahan ko siya upang sabay kaming kumain
sa canteen. Pagkatapos uli ng break ko, babalik na naman ako sa klase
samantalang siya ay nasa library lang. Alam na ng maraming estudyante ang kuwento
niya... ang kuwento namin, bagamat hindi naman kami lantarang umaamin sa aming
relasyon. Pero feeling ko alam rin ng mga tao iyon. Ang tsimis pa... Sa
tsismis, ang isang bagay na hindi pa nangyari, kumalat na sa paligid na nangyari
na ito. E di lalo pa sa aming dalawa. Paulit-ulit na nangyari na sa amin ang
bagay na iyon, kung ano man iyon.
“Yak... 20
pesos na lang ang pera natin. Pagkasyahin na lang natin itong pang-lunch natin
ha?” ang sambit ko noong natapos na ang aking rehearsal sa umaga at naupo na
kaming dalawa sa isang mesa sa student center. Naroon na rin kasi ang canteen.
“Huwag na Yak.
Ikaw na lang ang kumain. Nakakain na ako, kanina lang. Sige...” at tumayo siya
at may hinugot sa kanyang bulsa, “May 10 pesos ako rito, idagdag mo” sabay abot
niya sa akin sa perang nahugot niya sa bulsa. Naalala ko may pinabili pala ako
sa kanya at sukli marahil iyon.
“Huh??? Paano
kang kumain? At bakit nauna ka nang kumain?” ang gulat kong tanong habang
tinanggap ang iniabot niyang pera.
“D-dumaan si Ricky
at inalok akong kumain. Hindi na siya nakapaghintay sa iyo kasi may trabaho pa
siya sa restaurant. Nagmamadali eh. Kaya sinamahan ko na lang siya.”
“Ah... g-ganoon
ba.”
“Oo. At
tamang-tama, para wala ka nang kahati sa 30 pesos na pagkain. Alam kong gutom
na gutom ka gawa nang wala tayong snack kanina...” sabay patawa sa anyo ng
kanyang mukha.
At iyon. Tumalikod
na ako at tinumbok ang canteen. Bumili ako ng isang siopao. Tamang-tama lang
kasi ang pera. Kumuha na lang ako ng dalawang basong tubig mula sa water
dispenser at dinala ko sa mesa namin para habang kumakain ako, may maiinum naman
siya, kahit tubig lang.
Habang
kumakain na ako nagkasya na lang din siya sa painum-inum ng tubig. Gusto ko
sana siyang inggitin sa siopao ko dahil paborito din kasi niya ito. Ngunit
hindi ko na lang itinuloy. Paano, gutom na gutom kaya ako. Baka mainggit pa
siya at mabawasan ang siopao ko. Kinumusta ko na lang si Ricky, ang restaurant,
at ang boss niyang si Sophia. Ok lang naman daw. Kaya matiwasay ang aking pag-iisip.
Sa sarili ko lang, “Siguro, natanggap na ni Sophia ang lahat”
Alas 6 ng
hapon nang dumalaw si Ricky sa boarding house namin. Tamang-tama rin ang
pagdating niya dahil sa oras na iyon, hinid naming alam kung saan
magdedelihensiya ng hapunan.
“Kumusta na
kayo rito Igan? Na-miss ko na kayo ah!” sambit ni Ricky.
“O-ok lang
naman Ricky. Heto... gipit sobra. Manghiram na naman sana kami ng pera sa iyo
eh. Wala na kaming panghapunan” sambit ko sabay bitiw ng hilaw na ngiti. Iyong
ngiting patibayan ng sikmura.
“Ay oo... kaya
ako dumalaw dito dahil alam ko, need ninyo ng datung! May 500 pesos ako, ito
lang muna ha? Ito lang ang dala ko, pero bukas, magkaka-cash advance ako, bibigyan
uli kita.” Sagot naman ni Ricky.
“N-nakakahiya
na sa iyo Ricky.” Ang pagsingit naman ni James.
“Hay naku
James, huwag kang ganyan. Hindi mababayaran ng hiya ang ginawa ko sa inyo. May ibang
kapalit ang lahat nang ito at hindi hiya iyon.”
“Ha? Ano?”
“Puri! Puri ng
kambal mong si John. Ibigay mo siya sa akin, pagtiyagaan ko siya at bayad na
ang lahat.”
Tawanan.
“Salamat pala
sa pagdalaw mo kanina kay James at panlibre mo sa kanya sa lunch ha?
Tamang-tama kasi 30 na lang ang pera namin. Pinagkasya ko na lang sa isang
siopao na lunch ko.” Ang pagsingit ko.
At doon na ako
nagtaka sa mga reaksyon nila. Imbes na sagutin ako ni Ricky, biglang napawi ang
ngiti nito sa kanyang mukha at seryoso ang mukhang nilingon si James, ang
tingin niya ay maybahid pagkalito samantalang si James naman ay mistulang nahiya
at yumuko, hindi makatingin-tingin kay Ricky. “James ha... hindi tayo nagkita
kanina at lalong hindi kita pinakain. Nagsinungaling ka!” and bulalas ni Ricky.
“H-hindi kayo
nagkita kaninang lunch time? Hindi mo siya nilibre ng lunch?” ang gulat na
gulat kong tanong.
“Hindi igan!
At lalong hindi ko siya nilibre ng lunch!”
Sa pagkarinig
ko sa sinabi ni Ricky, pakiramdam ko ay nalusaw ang puso ko sa sobrang pagkaawa
kay James. Agad ko siyang niyakap. Napaluha ako. “Yak... hindi mo sinabi?” At
hinaplos-haplos ko ang kanyang buhok. “I’m sorry Yak... I’m sorry talaga. Kaya
pala para kang nanghihina at namutla. Konti lang kaya ang kinain mo sa agahan
tapos wala ka pa palang pananghalian?”
Hindi siya
kumibo.
Nang tingnan
ko ang kanyang mukha, nakapikit ang kanyang mga mata na tila nahiyang tumingin
sa akin. Ngunit kitang-kita ko naman ang mga butil ng luha na nagsimulang magsigulungan
sa kanyang pisngi.
“I love
you...” ang sambit niya.
“I love you
too...” at hinigpitan ko pa ang aking pagyakap sa kanya, hinalikan ang basa
niyang pisngi.
“Sorry...”
dugtong niya.
“Oh Yak... ako
ang dapat mag-sorry. Hindi ko alam.”
“O sya, ihinto
na ang dramang iyan!” ang pagsingit ni Ricky na pabirong inirapan kami. “Ito
naman kung makaiyak, parang hindi kumain ng isang buwan ang jowa. Hmpt! Nagugutom
nga iyan pero hindi pa mamamatay iyan! O, heto ang panyo.” sabay abot din ng
kanyang panyo at noong tinanggap ko na ito, “Ipahid na iyan sa mga luha ninyo. Punyeta
kayo. Nakakainggit na kayo ha! Dapat hanapan niyo na rin ako ng jowa!”
Natawa na lang
kami ni James. At pinahid ko ang mga luha niya at pinahid rin niya ang mga luha
ko, gamit ang panyo ni Ricky.
“Dalian ninyo
at kakain tayo d’yan sa karenderia sa labas. Nagutom ako sa mga drama ninyo!
Huh!”
At iyon... kumain
kami sa karenderia sa labas, taya ni Ricky.
Nakakatuwa. Doon
ko naramdamang mahal talaga ako ni James. Ganyan talaga siguro kapag ang
magkasintahan o ang magpartner ay mahirap lamang at kapos sa pera. D’yan mo
makikita kung gaano ka-wagas ang kanilang pag-iibigan. Kapag maraming pera
kasi, parang natatabunan na lang ng karangyaan at kasaganaan ang pagmamahalan.
Parang artificial na lang ito. Kasi, nakafocus sila sa kasaganahan ng buhay, sa
pag-eenjoy sa pera, sa pagbibili ng mga bagay na kadalasan ay nababawasan kung
hindi man ay nawawalan ng kahulugan at kahalagahan. Kagaya na lang ng mga mayayamang
magkasintahan o mag-asawa na nagpupunta sa kahit saang bahagi ng mundo para
lamang mag-enjoy, kumain ng masasarap na pagkain, sumasakay sa kung anu-anong
sasakyan, nagreregaluhan ng mga ginto, diamante, o mamahaling sasakyan, mga
gadgets na mamahalin. Parang para sa kanila, ang pag-ibig ay tungkol sa mga
bagay na sophisticated, mamahalin, mga lugar na exotic. Ngunit kung ganyang
wala kayong pera at namamasyal lamang sa seafront, nag-aakbayan o kaya ay
nagho-holding hands, kahit ang pagmamasid lamang sa dagat o sa paglubog ng araw...
ang lahat ay nagkaroon ng malalim na katuturan at kahulugan, ng malalim na kasiyahan.
Kahit ang isang ligaw na bulaklak na pinitas niya lamang sa gilid ng kalsada at
ibinigay sa iyo, nagkakaroon ito ng sentimental value at nakapagbibigay ng
isang napakasarap na pakiramdam dahil alam mong ang isang maliit na bagay na
iyon ay galing sa kanyang puso. Para sa akin, walang kahit anong karangyaan o
kasaganaan ang hihigit pa sa kaligayahang nariyan sa piling mo ang iyong mahal,
naramdaman ang kanyang pagsisikap, ang kanyang pagsasakripisyo at ang kanyang
buong suporta, maipakita lamang sa iyo kung gaano ka niya kamahal.
Parang
mangiyak-ngiyak ako sa karanasan naming iyon ni James. At lalo na noong
pinatugtog pa niya ang videoke sa mismong karenderiyang iyon at nagsalita bago
siya kumanta, hindi ko na napigilan ang sariling hindi mapaluha muli.
“I’d like to
dedicate this song to my one and only love. Tandaan mo palagi na kahit nasa
mahirap na kalagayan tayo ngayon, mas gugustuhin ko pa ring kasama ka, karamay
ka. Kasi, sa ganitong panahon, I’d rather have the one who holds my heart...”
sabay kindat sa akin –
I
thought sometime alone, was what we really needed
You
said this time would hurt more than it helps
But
I couldn’t see that
I
thought it was the end of a beautiful story
And
so I left the one I love at home, to be alone, alone...
And
I tried and found out this one thing is true
That
I’m nothing without you, I know better now
And
I’ve had a change of heart.
Refrain:
I’d
rather have bad times with you, than good times with someone else
I’d
rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself
I’d
rather have hard times together than to have it easy apart
I’d
rather have the one who holds my heart.
And
then I met someone and thought she could replace you
We
got along just fine but wasted time because she was not you
We
had a lot of fun, though we knew we were faking
Love
was not impressed with our connection built on lies, on lies
So
I’m here ‘cause I found this one thing is true
That
I’m nothing without you, I know better now.
And
I’ve had a change of heart.
I’d
rather have bad times with you, than good times with someone else
I’d
rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself
I’d
rather have hard times together than to have it easy apart
I’d
rather have the one who holds my heart, who holds my heart.
I
can’t blame you if you turned away from me like I’ve done you
I
can only prove the things I say with time
Please
be mine, please be mine
I’d
rather have bad times with you, than good times with someone else
I’d
rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself
I’d
rather have hard times together than to have it easy apart
I’d
rather have the one who holds my heart.
Refrain...
Habang
kumakanta si James, panay naman ang pagsisiko sa akin ni Ricky na sobrang
kinilig.
Sa gabing
iyon, hindi na ako nakatulog. Bagamat mag-aalas dose na iyon ng hating gabi at
nahimbing na si James sa aking tabi, hindi pa rin ako dalawin ng antok. Naghalo
ang laman ng isip ko; ang kalagayan naming dalawa, kung paano namin ma-overcome
ang aming naranasang hirap, ang awa ko kay James na walang trabaho,
nagsasakripisyo para sa akin, at ang galitni Sophia na alam kong hindi siya lulubayan.
Tumagilid ako
paharap kay James. Nakatihaya lang siya, at sa gitna ng madilim-dilim na
kuwartong ang munting sinag ay nanggaling lamang sa maliit na bombilya ng
lampshade, naaninag ko pa rin ang kabuuan ng kanyang katawan. Naka-puting brief
lang siya, brief ko iyon na hiniram niya. Simula kasi nang bawiin ni Sophia ang
lahat sa kanya, hiraman na lang kami ng brief. Nakakatawa, nakakakilig din.
Ngunit syempre, nakakaawa. Para bang ganyan na kami ka desperado sa buhay.
Itinukod ko
ang aking siko sa kama at ang kamay sa aking ulo upang mas lalo ko pang
mapagmasdang maigi ang mukha niya.
Nakatihaya,
nakadantay ang isa niyang braso sa kanyang noo, nakapikit ang mga mata,
halatang himbing na himbing sa kanyang pagtulog. Inikot ko ang aking paningin
sa kabuuan ng kanyang mukha, inukit sa aking isip ang mga maliliit na detalye
nito. At habang nasa ganoon akong pagtitig at paghanga sa kanyang angking
kakisigan, hindi ko napigilan ang sariling hindi mapaluha. Matinding awa kasi
ang aking naramdaman. Ang isang taong nasa tuktok na sana ng karangyaan at
tagumpay sa buhay ay hayan, nakikihati ng tulugan sa isang estudyanteng nagtiis
sa mumurahing dormitoryo, nakiki-hati sa pagkaing halos kulang pa sa isang tao
ang budget, sinusuot ang mga damit ng bigay lamang ng mga taong naaawa. Ang
taong tinitingala ko dahil sa kanyang tagumpay at kapangyarihan ay hayan, sa
tabi ko, nabubuhay na lamang dahil sa awa. Hindi ko rin mapigilan ang sariling
hindi manumbalik ang mga nakaraan; ang isang security guard na siyang unang
nagturo at nagpalasap sa akin ng maraming karanasan sa buhay, ang taong
natutunan kong mahalin ngunit iniwan ako, nagkaamnesia, dumanas ng kasaganaan.
At noong nag-krus muli an gaming landas, pilit ko siyang binawi sa babaeng
umangkin na sana ng kanyang puso at pagkatao. At hayan sa tabi ko, pinili ako, bumalik
sa akin at dinamayan ako sa hirap. Alam kong madali lang sana para sa kanya ang
buhay. Kung umuwi lang muna siya sa kanila, alam kong hindi kasing hirap ang
maranasan niya sa kanila. At lalo na kung pinili lang sana niya si Sophia,
kahit magkunwari lang, kahit pansamantala lamang hanggang malampasan naming pareho
ang dagok at hirap. Ngunit pinili pa rin niyang sumama sa akin at itakwil ang
lahat ng karangyaan at kasaganaan upang maipakita lamang sa akin na ako ang
pinili niya, na ako ang mahal niya.
Binitiwan ko
na lang ang isang malalim na buntong hininga. “I love you Yak...” ang bulong
ko. Patuloy ko pa rin siyang tinitigan. Para sa akin, kahit titigan ko man
habambuhay ang ganoon ka-inosenteng mukha niya, hindi ako magsasawa.
“Arrggggghhh!”
ang narinig kong pigil na boses niya noong biglang iminulat niya ang kanyang mga mata. “Ba’t ka ba
nakatitig sa akin Yak? Matulog ka na ah!!!” ang mistulang bata niyang
pagmamaktol, pigil ang boses noong naaninag na nakatitig ako sa kanya sabay hinila
sa kumot at itinakip iyon sa kanyang mukha.”
“Hindi ako
nakatulog Yak...”
“Bakit?”
“Ewan...”
“Titig nang
titig ka kasi sa mukha ko! Paano ka makatulog niyan, nakamulat ang mga mata mo.
Sa panaginip mo na lang ako titigan. Doon tayo magtitigan.”
“Lalo nang
hindi ako makatulog niyan.”
“Bakit?”
“Magtitigan
lang tayo pala tayo doon eh.”
At tumagilid
siya sa akin, tinanggal ang kumot na nakatakip sa kanyang mukha at, “Hug na
lang kita...” sabay lingkis sa kanyang kamay sa aking katawan. “Ano bang gusto
ng manyak ng buhay ko?
“Gusto ko ng kiss...”
ang paglalambing ko naman.
At iyon... idiniin
niya ang kanyang mga labi sa bibig ko. Hinalikan niya ako. Naghalikan kami.
“Gusto mo,
kantahan pa kita?”
Tumango ako.
At kumanta
siya, pabulong –
I
thought sometime alone, was what we really needed
You
said this time would hurt more than it helps
But
I couldn’t see that
I
thought it was the end of a beautiful story
And
so I left the one I love at home, to be alone, alone...
And
I tried and found out this one thing is true
That
I’m nothing without you, I know better now
And
I’ve had a change of heart.
Refrain:
I’d
rather have bad times with you, than good times with someone else
I’d
rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself
I’d
rather have hard times together than to have it easy apart
I’d
rather have the one who holds my heart.
And
then I met someone and thought she could replace you
We
got along just fine but wasted time because she was not you
We
had a lot of fun, though we knew we were faking
Love
was not impressed with our connection built on lies, on lies
So
I’m here ‘cause I found this one thing is true
That
I’m nothing without you, I know better now.
And
I’ve had a change of heart.
I’d
rather have bad times with you, than good times with someone else
I’d
rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself
I’d
rather have hard times together than to have it easy apart
I’d
rather have the one who holds my heart.
Nakakaiyak na
nakaka-touched ang kanta niya. Ngunit hinayaan ko siyang ituloy ito. Hinigpitan
ko na lang ang pagyakap sa kanya.
Nakatulog
akong may luha ang aking mga mata.
Araw bago ang
graduation, nagpapahangin kami sa sea front at nakaharap sa namumulang langit
habang ang namumulang araw ay unti-unting lumulubog sa dagat. “Yak... bukas ay
ga-graduate na ako. Anong regalo mo sa akin?” ang tanong ko.
“Ano ba ang
gusto mo? Alam mo naman, wala akong pera ngayon.”
“Ito naman
o... pera ba kaagad kapag regalo ang pag-uusapan?”
“Sabagay...
So, ano ang gusto mong regalo?”
“Wala. Ang
gusto ko lang ay palagi kang kasama. Iyan lang ang hiling kong regalo”
Inilingkis
niya ang kanyang kamay sa aking beywang. “Mahal na mahal kita yak... hindi ko
kayang mawalay ka sa akin. At alam kong mahal na mahal mo rin ako. Pinanindigan
mo ang pagmamahal mo sa kabila ng bagsik, yaman, at kapangyarihan ni Sophia.
Binawi mo ako sa kanya.” Natahimik siya sandali. “Oo, sabihin nating
maituturing na isang kabaliwan ang magmahal ng kapwa lalaki. Maraming taong
pinagtatawanan ako, kinukutya, ang iba ay nandidiri dahil sa pag-ibig ko sa
iyo. Kasama na doon sina Sophia, ang kambal kong si John, at ibang mga
kasamahan at opisyal ng MCJ restaurant. Ngunit ako man ay hindi alam kung
bakit. Ngunit ganyan naman talaga di ba? Hindi lahat ng bagay sa mundo ay may
agarang sagot sa katanungan ng tao. Hindi lahat ng pangyayari sa mundo ay maipaliwanag
ang syensya. At minsan, ang pag-ibig ay kusang nararamdaman nang hindi naaayon
sa kagustuhan at expectations ng tao. Pero ano man ang dahilan, wala akong pakialam.
Kung sa mata ng tao ay isang pagkakamali ang ibigin ka, iibigin pa rin kita
kahit ako na lang ang natitirang nag-iisang pagkakamali sa mundo. Kaya...”
tiningnan niya ako, “...huwag kang mag-alala, hindi kita iiwan. Promise ko sa
iyo iyan.” At hinawakan niya ang aking kamay. “I love you...” dugtong niya.
“I love you
too, Yak...”
Tahimik.
“Alam mo Yak
may mga species ng hayop na nagpa-practice ng same sex relationship, base sa
nadiskubre ng mga biologists at scientists.” Ang bigla niyang pagsingit sa
topic.
“Talaga? At
bakit naman pumasok sa isip mo iyan?” ang sagot ko rin.
“Wala lang...
iyan lang naman ang hadlang natin sa ganitong relsyon, di ba? At ang nabasa
kong mga hayop na may iilang nagpa-practice din ng same-sex relationship or
same sex na mating ay ang mga dolphins, penguins, swans at ibang species ng ibon,
monkey... at marami pang iba.”
“P-paano mo
naman nasabi iyan?”
“Nabasa ko. Sa
kahihintay ko sa iyo sa library, nagresearch ako sa mga ganyan.”
“May proof ka
ba?”
“Oo. Mga
literatures, clippings, at journals na naka-archive. May nabasa ako tungkol sa
pinguins na magpartner. Ang akala nila ay babae ang kapartner ng lalaking
penguin ngunit sa kanilang pagsusuri, pareho palang mga lalaki. At ang exciting
part ay may inadopt silang isang inakay na penguin ding inabandona. Hindi nga
raw makapaniwala ang mga researchers na ang homosexuality ay pina-practice din
pala sa mga penguins.”
“Ganoon?”
“Oo. At may nabasa
rin ako tungkol sa mga dolphins. Group sex naman ang sa kanila, puro mga lalaking
juvenile dolphins. Para raw itong isang form of socialization sa kanila, parang
magbarkada, isang coming of age na ritwal.” Nahinto siya sandali. “Kung
sabagay, may mga countries din na ang pakikipagtalik sa kapwa lalaki ay isang
ritwal, ‘coming of age’ rin. At ang ibang form nito ay ang tinatawag na
pederasty kung saan isang kumon na practice sa mga Romano at Griyegong
sundalo.”
“Andami mong
alam...”
“Syempre,
nandito na tayo kaya alamin na lahat.” sabay tawa.
“At ano naman
iyang pederasty?”
“Sa panahon ng
mga Greyego, ang isang sundalo ay mayroong hinahandle na isang batang
apprentice. Bawat isa sa kanila. Kasama sa kuwarto, kasama tumultulong sa
master niya sa mga gawain. At itong apprentice na ito, maliban sa
pagti-training niya ay ang ginagamit ding parausan sa sundalong humahaak sa
kanya. Karamihan dito ay nagkakaroon ng emotional attachment. Ngunit hanggang
doon lang iyon. At pagdating naman sa eksaktong edad ng mga batang ito kung
saan ay full-pledge na silang sundalo, sila naman ang pipili ng batang
apprentice na hahawakan nila.”
“Wow. Galing! Impressed
ako!”
Ngumiti siya.
“Boyfriend ata ito ng isang summa cum laude!”
Tawanan.
“Balik tayo sa
isa pang hayop na nabasa ko, ang swan. Itong klaseng swan na ito ay monogamous,
lifetime ang partnership kapag nakahanap na ng kapareha. Dalawang swans ang
napansin ng mga researchers, puro lalaki ang nagpartner! Dahil sa namangha ang
mga biologists, ito ang pinag-aralan nila kung kagaya ng heterosexual
partnership ay tatagal rin ba ang samahan nila. Kasi, hindi sila maaaring
magkaanak eh. Ngunit namangha rin sila noong paglampas ng 2 taon, ang isang
lalaking swan ay nakipagsiping na sa isang babaeng swan! At naging partner niya
rin ang babaeng swan. Ngunit alam mo kung ano ang nangyari sa partner niyang
lalaki? Hindi pa rin sila naghiwalay. At noong nangitlog na ang babaeng swan,
silang tatlo ang nagtulungan sa paghatch ng mga itlog. Tanggap naman ng babaeng
swan na may lalaking kapareha ang lalaki niya. Ang ending, tatlo silang
nag-alaga sa mga baby swans.”
“Ay ang cute
ng kuwento!” Ngunit natahimik din ako sandal, napaisip. “Ikaw kaya Yak... alin
kaya tayo? Sa penguins, sa dolphins, sa swan, o sa tinatawag na pederasty?
Seryoso lang.”
Nahinto rin
siya, hindi siguro inaasahang itatanong ko ang ganoon. “Syempre, sa penguin...
Mag adopt tayo ng baby.”
“Puwede ring
sa swan, di ba?” ang sagot ko.
Bigla siyang
napatingin sa akin, hinawakan ang aking baba. “Bakit tayo pupunta sa swan kung
puwede naman sa penguin?”
“Natatakot
kasi ako Yak eh... Baka isang araw, magsawa ka sa relasyon natin. Baka isang klase
ng pederasty lang pala ang lahat sa atin. B-baka isang araw, magtatanong ka na
sa sarili kung ano na lang kaya kapag may asawa ka, may pamilya, may mga anak...”
“Di ba puwede
rin naman akong magtanong sa iyo ng ganyan? Kung ikaw ang tatanungin ko, hindi
ka rin kaya magsasawa sa akin? Hindi kaya darating ang punto sa buhay mo na
magtatanong ka sa iyong sarili kung ano ang mararamdaman kapag may pamilya ka,
may anak...” nahinto siya sandali. “Bata ka pa, marami pang darating sa buhay
mo. Di katulad ko na mature na ang pag-iisip, naranasan na ang magkaroon ng
babae sa buhay bagamat sa kabila nito ikaw pa rin ang hinahanap-hanap ko.”
“M-mahal kita
eh. Mahal na mahal. Kaya natatakot ako.”
“Mahal din naman
kita Yak eh. Mahal na mahal na mahal...”
Tahimik.
“So...?” ang
pagbasag niya sa katahimikan.
“Anong ‘so...’?”
ang sagot ko rin.
“Penguin na?”
Tawanan.
Inilingkis ko na lang ang aking braso sa kanyang beywang. Iyon bang feeling na
ninamnam ang sarap na ang mahal mo ay nasa tabi mo lang at kampante kang mahal
ka niya at matatag ang inyong pagmamahalan.
“Mabuti pa ang
mga hayop, kahit may same-sex relationship, walang nanghuhusga sa kanila,
walang mga kapwa na nakikialam sa nararamdaman ginagawa nila. Di katulad ng sa
tao, kung anu-ano na lang ang iniimbentong rules upang pahirapan ang buhay ng
ibang taong hindi kumu-conform sa standard nila.”
Na pabalang ko
pa ring sinagot. “Aba eh, malay din natin. Naintindihan ba natin kapag ang
isang ibon ay nagsisigaw ng ‘twitt! Twit! Twit!’ Baka nagtsi-tismisan din yan
sila, sabi, ‘bakla pala yang si twitty! Kala ko straight na ibon yan!
Nagpapantasya pa naman akong sa kanya ako magkaroon ng maraming itlog!’ Di ba?”
ang pabalang kong sagot. Seryoso kasi siya masyado sa kanyang pananalita.
Natawa na man
siya. “Oo, pero granting na nagtsitsismisan ang mga ibon o mga unggoy, ang tao
ba ay hinuhusgahan silang mga hayup?”
“Eh...”
“May narinig
ka bang pari na nagsesermon na ang parehong lalaking unggoy na nagsi-sex ay mga
immoral?”
“Eh... hindi
naman kasi unggoy iyong pari eh. Baka mukhang unggoy lang siya pero tao siya,
Yak! Kaya siya naging pari.”
Natawa uli
siya. “Ang talino mo talaga no?”
“Hindi rin.
Hindi ko alam kung ano ang tinutumbok mo eh. May suspense ata...”
“Alam mo, ang
cute ng jokes mo. Kung kaya love kita eh. Matalino na, cute pa.”
“Ok... thank
you. Matagal ko nang alam na cute ako. But need kong malaman kung ano ang
tinutumbok mo sa iyong mga pananalita, Mr. James Andres.”
“Na ang
moralidad ay isang imbensyon lamang ng tao, isang estado lamang ito ng
pag-iisip. Morality is just a set of rules invented by people who believe that
apart from our physical existence, there is a moral value attached to life.
Kapareha lang iyan sa isang tatay na gumawa ng rules sa kanyang anak, na pinagbawalang
magbabad sa internet, pinagbawalang manigarilyo, pinagbawalang umuwi ng bahay nang
lampas sa alas 10 ng gabi...”
Namangha naman
ako sa narinig. Malalim kasi. Pero biro pa rin ang sagot ko. “Wow pare... ang
lalim. Lasing ka na ata o naka-bato? Alam mo pa ba ang pinagsasabi mo?”
Na sinagot
naman din niya ng biro. “Alam ko pre. Hukayin mo lang pre para maintindihan
mo.” Sabay tawa. Tapos naging seryoso. “Di nga, naniwala ka ba diyan?”
“Hmmm. Di ba
that’s what makes us different from other living creatures?”
“Of course we
are different. Our intelligence is far superior compared with that of any other
creatures. Pero iyan lang naman eh. Ang problema lang ng tao ay naglalagay siya
ng maraming restrictions sa buhay. I still believe pa rin naman in moral
dimension of things. Kasi kapag wala iyan, there would have been no basis for
rules. At kapag walang rules, magulo ang mundo. Kagaya ng pagpatay, pagnanakaw,
pananakit... those are immoral. But that’s only because may mga taong
naaagrabyado, nasasaktan, natatapakan. Pero when it comes to same-sex love or
relationship na wala namang ibang taong nasasaktan, I don’t think it has a
moral dimension. It should be considered as amoral, neither moral nor immoral.
Kagaya rin iyan sa naramdaman mong gutom. Kapag kumain ka kasama ang mga bakla,
immoral ba iyan? At kung kasama mo naman ang mga pari, moral ba iyan? Hindi
naman eh. Sex and hunger are both human drives. There is nothing wrong if we
satisfy these drives dahil bahagi ito ng buhay. These are common attributes of both
humans and animals. Pero bakit ang sex lamang ang binigyan nila ng moral
dimension, ang pagkagutom ay hindi?”
“Meron din
naman eh. Kung ang pagkain na kinain mo ay galing sa nakaw, that is immoral.”
“Exactly.
Dahil may inagrabyado ka; may sinaktan ka, may natapakan ka. Pero paano naman
kapag ang nakatalik mong kapwa lalaki ay kusang sumang-ayon sa inyong
pagtatalik at wala rin naman siyang commitment o pananagutan sa iba. Bakit
immoral pa rin iyan? Ano ba ang pagkakaiba ng gutom sa libog?”
“Kasi...
homosexuality nga is a sin.”
“Says who?”
“Lipunan,
tao...”
“Which proves
na ang tao rin ang siyang nag-imbento nitong mga rules na ito. Tingnan mo. Ang
adultery ay isang pagkakasala o imoralidad. Pero ano ba ang basehan ng
adultery?”
“Kasal. Kapag
ikinasal ka at nakikipagtalik o nakikipagrelasyon ka sa iba, immoral iyan.”
“Sino ba ang
nag-imbento ng kasal?”
“Eh... tao.”
“See?”
tiningnan akong may bahid na pagmamalaking najustify niya ang kanyang punto.
“Ok... nakuha
ko ang punto mo. So ano ngayon?”
“Na sana ang
lipunan ay matanggap ang ganitong relasyon natin.”
“Sana nga. Pero
hindi eh. Anong maggawa natin?”
“Iyon lang...”
Tahimik.
“P-para sa
akin Yak, wala naman akong pakialam kung tanggap ng lipunan o hindi eh. Basta
nagmahalan tayo, iyan lang ang importante para sa akin.” Ang pagbasag ko sa
katahimikan.
Tiningnan niya
ako, tinitigan. At pagkatapos ay siniil ng halik ang aking mga labi.
Naghalikan
kami, walang pakialam kung may mga taong nakakakita sa aming ginagawa.
“Bukas pala...
ikaw dapat ang maglagay ng aking leadership medal ha? Sasabihin ko sa inay na
sa honors ang sa kanila at ang leadership medals ay ikaw. Gusto kong umakyat ka
sa stage.”
“Oo...
sigurado.”
At iyon,
tumuloy kami sa isang malapit na karenderia at doon naghapunan. Pagkatapos, naglakad
kaming umuwi sa aming boarding house, deretsong natulog, ang aking isip ay
inihanda sa isang malaking okasyon ng aking buhay. Excited sa pagtanggap ko ng
honors at medals, excited sa pag-akyat sa entablado kasama ang aking mga mahal
na mga magulang at syempre, ang nag-iisang Yak sa buhay ko. Iyon ang mga bagay
na sumiksik sa aking isip bago ako nakatulog.
Subalit
kinabukasan, laking takot ko noong nagisnang wala si James sa aking tabi.
Bumalikwas ako sa higaan at hinanap siya sa halos lahat ng sulok ng boarding
house – sa kubeta, sa kusina, sa receving room, sa harap at likod ng building.
Tinanong ko rin ang mga kasamahan ko ngunit wala siya.
Maya-maya,
dumating na ang aking inay. Siya lang mag-isa. Hindi raw kasi maiwanan ng itay
ang mga alaga niyang manok, baboy at iba pang mga hayop. At marami din daw
gawaing bukid na hindi maiwanan. Kung kaya ay ang inay ko na lang ang dumating.
Matindi na ang
aking pagkatensiyonado dahil wala man lang bahid na clue kung nasaan si James.
Ni mensahe o pasabi ay wala.
Hanggang sa
kailangan na talaga naming umalis sng Inay patungo sa graduation venue.
Mali-late na kasi kami. Sobrang pag-alala ko kay James habang sumakay kami ng
tricycle, bagamat sa isip ko ay umaasa pa rin akong hahabol siya.
Ngunit
nagsimula na lang ang ceremony, hindi pa rin sumipot si James. Tinawag na ang
mga pangalan ng graduates, at tumuntong na ako ng stage upang kunin ang aking
diploma at certificate ng aking natanggap na honors, ngunit wala pa ring James na
sumipot. Nagbakasakali pa rin akong nasa audience lang siya at hindi nakalapit
sa amin.
Noong tinawag
na ang leadership award at nasa stage na ako, nakatayong hawak-hawak ang aking
medalya, naghintay akong aakyat si James. Hindi kasi umakyat ang aking inay
gawa nang sinabihan ko siyang si James ang magsusukbit ng aking medalya.
Ngunit may 30
segundos na akong nakatayo ngungit walang umakyat. Inikot ng aking paningin ang
audience kung naroon ba si James. At laking tuwa ko nang nakita ko siya sa
isang gilid, hawak-hawak ang isang box na nakabalot sa gift wrapper at may
ribbon na pula. “M-may regalo siya!” sigaw ng utak ko.
Kinawayan ko
siya ng kinawayan, minuwestrahan na umakyat siya sa stage. At iyon, umakyat siya.
Noong nasa
taas na siya, ibinigay niya sa akin ang box at kinuha ang aking medalya upang
isukbit ito sa aking leeg. Subalit bago pa niya naisukbit ang medalya, biglang,
may nagtatakbuhang pulis naman sa harap ng stage, itinutok nila ang kanilang
mga baril sa amin.
“Itaas ang mga
kamay!” sigaw ng kanilang leader.
Nagkagulo ang
mga tao Nagsitakbuhan.
Sa aking
pagkalito, hinawakan ko ang kamay ni James at akmang tatakbo na sana upang
magtago. Hinid ko kasi alam kung kami ba talaga ang pakay ng mga pulis.
Ngunit ang
sunod kong narinig ay ang tatlong putok na ng baril. “Bang! Bang! Bang!” sabay
sa pagbagsak ni James sa sahig mismo ng stage.
Kitang-kita ko
ang pagdaloy ng maraming dugo. Nataranta ako. Sumigaw. “Yakkkkkkkkkkkkkkk!!!”
No comments:
Post a Comment