Level Representative,
Block President
and school scholar. First year palang
ako, pero sa dami ng academic projects
and co curricular activities ko, daig ko pa
daw yung stress na nararanasan ng mga
higher years. By the way I'm Dustin. 16
years old, freshman college taking up a
pre law course sa isang kilalang law
school dito sa Pilipinas. 5"6' in height,
130 puonds, medyo light yung skin color
ko and since I prefer office stuff as my
co curricular, hindi ako athletic, although
naglalaro din ng sports paminsan
minsan, hindi well developed ang
muscles ko unlike those athletes but
honestly, I didn't care. Basta hindi ako
tabachoy, hindi rin payatot, okay na
sakin yung katawan ko.
It didn't take a long time para maging
bonded and close kami ng blockmates
ko. Dahil na rin siguro sa common
interest and goal in life namin, which is
to become future lawyers, and despite
the differences in our attitude and life
background, naging mas close and
bonded ang block namin. Marami akong
friends sakanila.
Paano ba naman kasi, first day of school
pa lang ang dami ko ng dinaldal and
siguro yung fact na lagi ko silang
tinutulungan pag nahihirapan sila, but
not to the point na magdedepend sila
sakin. I think that's primarily the reason
they elected me as their block president
and motivated me to run for student
council. Hindi naman sa nagyayabang,
pero nasa dugo na rin ng family ko yung
'leadership skills'. Politician yung iba
kong relatives, lawyer ang dad ko and
student body president din ako back in
high school.
Yung block namin is the usual classroom
type. May mga maiingay, dota boys,
slightly maaarte girls, grade conscious
people pero one thing na meron samin
is this super tahimik guy. He's name is
Gino. Mayaman, maputi, medyo
matangkad, maganda ang katawan,
gwapo rin gaya ko, basta masasabing
medyong artistahin kaso lang sobrang
tahimik. Akala ko noon sa una lang yan
tahimik kasi nahihiya lang or nangingilala
pa. Pero as days and months pass,
walang nagbago.
Tahimik pa rin, laging nakaupo sa harap,
walang kausap. In fact, wala siyang
friend sa block naming and I doubt if
may friend din siya sa campus kasi right
after class, siya lagi yung nauunang
lumabas and dumederetso sa sundo
niya. May mga times na tinry ko siya
kausapin, kasi sa block, siya nalang
talaga yung hindi ako comfortable
kausap, so tinanong ko siya "bakit ang
tahimik mo?" "saan ka nag high school?"
"taga saan ka?" and sobrang direct lang
ng answers niya "ewan ko" "School of
Saint Anthony" and "diyan. malapit
lang". Feeling ko napahiya ako nun, and
yun ang pinaka ayoko sa lahat, ang
mapahiya. Buti nalang dumating na yung
prof kaya umalis nalang ako and bumalik
sa upuan ko.
Once nagkaroon kami ng project sa isang
major. We were grouped into 5. Tapos
yung groupmates ko were 2 of my
closest friends; sila Jess and Tim.
Kagroup ko din si Benj and... si Gino.
Maaga binigay yung project details pero
yung submission mga one month pa.
Kaya as usual, cram nalang ang plano
namin. Mga one week before ng
deadline, tinanong ko sila. "uy, anong
plano natin sa project?" hindi sila
nakasagot then tumingin ako kay Gino.
Sa totoo lang, nagulat ako kasi nagsalita
siya. "Mag research nalang kayo about
crime cases dito sa Philippines, send
niyo sa mail ko. ako na bahala" Medyo
parang unfair kaya tinanong ko kung
okay lang ba yun sakanya. Tumango lang
siya. So yun na nga ang naging plano.
Kaming apat sa research then siya na
bahala sa ibang parts and format and
printing. Tinanong ko naman kasi siya
kung may pwede pa akong gawin pero
sabi niya wala na daw.
Dumating yung submission day. Before
pumasok samin yung prof nakita ko yung
project namin na gawa ni Gino sa table
niya. Pero since wala siya, tiningnan ko
and yung reaction ko lang is "wow. very
impressive" pero nagtaka ako kasi wala
dun yung research ko. So dinouble
check ko yun page per page, wala talaga
yung gawa ko.
Maya maya pa may narinig akong
"Uhmm.." sa likod. Tiningnan ko and
saw Gino at my back.
"Bakit wala dito yung research ko?"
tanong ko sakanya.
Hindi siya nakasagot. so nagtanong ako
ulit
"Mali ba yung gawa ko? Bakit di mo
sinabi. sana pinalitan ko nalang."
"Hindi, walang mali. hayaan mo na
andiyan naman pangalan mo eh" sagot
niya sabay kuha sa project 'namin' na
hawak ko.
Sobrang naiinis ako nung sinabi niya yun.
Parang pinagmukha niya lang kaming
walang kwenta at walang alam. Buti
nalang, dumating na yung prof and
umalis na lang ako sa harap niya.
Grabe, hindi ko ugali mainis o magalit sa
isang tao pero this guy is really pushing
me to my limit. Akala ko tahimik lang,
pero suplado at makasarili rin pala. Bakit
ba siya ganyan? Siya na nga yung
nilalapitan ayaw pa niya. Kunga ayaw
niya magkaroon ng kaibigan, edi wag.
Pero sa totoo lang, parang gusto ko
siyang makilala. Feeling ko kasi hindi
naman talaga siya ganyan, kailangan niya
lang talaga ng kaibigan o kaya kausap
pero ang hirap kasi ayaw niya.
Before mag sem break, napagplanuhan
namin na mag outing. Hindi lang basta
outing, triple birthday celebration rin.
Tatlo kasi samin may birthday this sem
break: ako, si Mark and si Lily. And since
bonded talaga ang block, sabay sabay
namin icecelebrate. Isa sa mga
blockmates namin, si Pam, may
resthouse sa Nasugbo Batangas. so para
walang gastos sa accommodation, dun
na lang kami. Besides, likod daw ng rest
house nila is sea shore na so perfect
place! Then yung transpo naman will be
provided by Jack and Tim kasi may van
daw sila ang marunong na sila magdrive.
So ayun, smooth yung plan namin. Yung
bayad lang is contribution sa gas and
kaming tatlong birthday celebrants ang
mostly in charge sa food. bali yun na
yung treat namin.
One day habang finafinalize namin ng
barkada ko sa likod ng classroom yung
plan sa outing..
"isasama ba natin si Gino?" tanong ni
Jess
"wag na" "ewan ko" "kayo bahala" yung
mga replies nila. then tumingin sila
sakin.
"oh bakit kayo sakin nakatingin?" tanong
ko sakanila
"eh ikaw si Mr. President eh. You
decide" sabi ni Jess
"kayo talaga. outing nga ng block diba?
isama na natin" sagot ko sakanila.
"sige nga, ienvite mo nga ngayon." sabi
sakin ni Tim
"haha good luck Dus, sana pansinin ka,
naka earphones pa naman"
natatawang sabi ni Lily.
Tumayo ako, pumunta sa harap kung
saan nakaupo si Gino. Sa totoo lang
kinakabahan ako kasi baka masungitan
lang ako ulit or hindi ako pansinin.
Pagkadating ko sa harap, umupo ako sa
vacant chair katabi sakanya. Nakatingin
siya sa may board nun, pero nung
umupo ako sa tabi niya, tumingin siya
sakin sandali tapos tumingin ulit sa may
board. Ang taray nakakainis!
"Ahh... Gino?" Hindi niya ako narinig,
naka earphones kasi. So mas lumapit
ako ng konti and mas nilakasan ko yung
boses ko.
"Gino" this time tumingin siya sakin,
medyo mataas yung dalawa niyang kilay,
tinanggal yung earphones at sabing:"ano
yun?" na parang naiinis.
"Ahh.. may outing kami sa Batangas,
October 18-20, invited buong block.
Ipopost ko nalang lahat ng details sa fb
group natin. sama ka ah?"
Nagisip pa siya.. "ah sige magpapaalam
ako." sagot niya sabay tingin ulit sa
harap at binalik yung earphones sa
tainga niya.
Then bumalik na ako sa likod ng class
room kung nasan yung barkada ko.
"Oh anong sabi?" tanong ni Tim
"magpapaalam daw siya" sagot ko
"wushu kunwari pa. alam naman nating
hindi rin yan pupunta" sabi ni Jess
"oo nga" dagdag pa ni Lily
"kayo talaga ang sama niyo, wala
namang ginawa sa inyo si Gino ah" sabi
ko sakanila.
"samin wala, pero diba sayo meron?"
"eh ang tagal na nun noh. haha"
Oo nga tama sila, sakin lang may atraso
si Gino pero ako pa rin yung
nagmamabait. Bakit nga ba ako ganun?
hindi ko rin alam.
Natapos na ang first sem at dumating na
rin ang day ng outing namin. Meeting
place namin sa mcdo malapit sa MOA,
12nn para by 1 makaalis na and siguro
mga 4 nandun na kami. Excited ako kasi
first formal outing ng block namin plus
triple birthday celebration. As expected
hindi lahat makakasama. mga 28 lang
yung nag confirm, the others kasi has
plans with family kaya ayun. Mga 1:15
na nung makompleto kaming 28, as
usual, Filipino time. haay. so paalis na
sana kami when we saw Gino get out of
his car.
Naka plain red shirt siya nun, yung fit
sakanya matched with grey shorts and
grey toms tapos naka aviator shares pa
siya na may dalang malaking Nike bag
enough for a 3 day outing. Lahat kami
napatigil, natahimik kasi oo nga ang cool
and hot niya tignan pero hindi namin
ineexpect na sasama siya sa outing
namin. Hindi kasi siya nagconfirm nor
nagsabi na hintayin namin siya. After
siguro ng mga 6 seconds of mixed
emotions, nilapitan ko siya.
Oh Gino sasama ka pala? Buti nalang
nakahabol ka. Paalis na sana kami"
"Medyo traffic kasi sa dinaanan ko and
sorry kung hindi ako nagconfirm" sagot
niya sakin.
"ayos lang yun, tara na!"
Na divide kami sa 2 groups since 2 yung
van and hindi rin naman kasya lahat sa
isa. Yung mga magugulong boys nasa
isang van tapos yung barkada ko and
other blockmates nagsama sa van ni
Tim. Ang gulo sa van, ang daming
kalokohan iba na talaga mga kabataan
ngayon ang dami ng alam. Habang kami
nagkukulitan at nagtatawanan napansin
ko si Gino may sarili pa ring mundo,
naka earphones nakasandal sa may
bintana at nakatingin sa malayo.
Hindi pa lumumubog yung araw ng
makarating kami sa nasugbo pero since
sa may dagat pa yung resthouse nila
Pam, medyo malayo pa daw.. mga
20-30 minute drive siguro. Pagkadating
namin sa bahay nila, lahat kami
namangha. Akala ko mayaman lang sila,
hindi pala. Sobrang yaman nila! 2 storey
yung resthouse nila in a 800 square
meters lot area. Ang ganda ng design
and pagkakagawa. May driveway and
garage, very well maintained ang
pagkaka landscaped sa loob and labas ng
bahay nila.
Sa loob, andun yung sala nila with fire
place, den, guest room, kitchen and the
best part.. dining room. Halos puro
glass windows yung dining nila and
kitang kita yung dagat kasi back part na
yun ng house nila. Labas ng dining is a
balcony that rich people normally call
'lanai' very relaxing yung place na yun
kasi rinig mo yung hampas ng alon, at
ang sarap pa ng simoy nang hangin. Sa
right end ng lanai may 4 step-stairs na
pagbaba mo, buhangin na. then may
fence type na gate sila sa likod,
pagkalampas mo dun, takbo ka lang ng
mga 40 meters nasa sea shore ka na.
Ang ganda, at very relaxing. naeexcite
ako sa darating na araw, specially
birthday ko yung last day.
Wala pa kami masyadong ginawa on the
first night. Puro lang kainan, kwentuhan,
kalokohan. Naging isip bata kami at
naglaro ng mataya taya sa may
dalampasigan. Yung ibang girls hindi
sumali, mostly kaming guys lang ang
nagtatakbuhan. Sa mga guys si Gino lang
ang hindi kasali. Andun siya sa may lanai
nakaupo, naglalaptop at may iniinom na
kape.
"Tara Gino, sali ka!" sigaw ko sakanya.
"Mamaya nalang" sagot niya.
Napagod na din kami at pawisan
naglakad papunta sa bahay.
"bakit kaya ganun si Gino? ayaw
makisama" tanong samin ni Mark
"baka hindi lang talaga sanay sa ibang
tao" sagot ko
"iba pa rin ba tayo sakanya? isang sem
na rin tayong magkakasama ah"
"hindi ko rin alam. tara na."
Pagkapasok namin sa bahay, nakita
namin yung girls nag s-spin the bottle
"Oyoyoy! sali kami!!" sabi ni Ryan,
blockmate din. And it was the biggest
group of spin the bottle. Lahat kasi
kasali kahit si Gino napilit ko. Pero feel
ko nainis siya sakin pero still kasali siya.
Unfortunately, sa dami namin, hindi
natapat sakanya yung bottle.
6 yung rooms ng bahay nila Pam.
Magshshare sa dalawang rooms yung
girls while sa tatlo naman kaming guys.
Yung isa kasi Master's bedroom kaya
hind pwede gamitin. So estimated 5-6
in one room. Kasama ko sa room mga
kabarkada kong lalaki sila Tim, Mark,may
dalawa pa pati si Gino sinama ko na
samin. Altho sa isang kwarto, isang
queen sized bed lang, kaya yung iba sa
floor.
"At dahil birthday namin ni Dustin,
kaming dalawa ang sa kama! HAHAHA"
pangiinggit ni Mark sa iba. So ganun na
nga ang naging plano, dalawa kami ni
Mark sa kama at yung apat sa sahig pero
may kumot at unan din naman sila.
Siguro mga 1am na hindi pa rin ako
makatulog. Pinakiramdaman ko yung
mga kasama ko, mahimbing silang
natutulog. Nakapikit na ako ng may
biglang kumalabit sakin.
"Dustin gising ka pa?" binuksan ko mga
mata ko. Si Gino pala yun. "oh bakit?"
"kasya pa ba isa diyan? hindi kasi ako
sanay sa sahig.."
Medyo natawa ako sa sinabi niya. "Ahh
ganoon ba, oo kasya pa naman dito ka
na"
umusog ako at humiga na doon si Gino,
napag gitnaan nila ako ni Mark.
"salamat" sabi niya. at pareho na kaming
nakatulog.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment