Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.

Friday, March 20, 2015

STORY: DAHIL SA GITARA CHAPTER 1

“ New year na birthday pa, New na
year birthday pa”! ang pabirong
pagkantang bati ni Jed sa kaibigang si
Ralph.
“Happy birthday tol, pa-kiss nga?” biro
ni Jed.
“Ul*l” maiksing ganti ni Ralph.
“Ang malas naman ng birthday mo, na
toan pang new year, ilang taon kana
nga?” sabay ngisi.
“Bakit naman nasabi mong malas eh,
salubong nga sa bagong taon? Swerte
yun” halatang naasar ang boses nito.
“E, kasi itong mga handa na ito, di
naman talaga para sa birthday mo, para
yan sa bagong taon” sabay halak-hak ng
tawa.
“Tado, parehas din yun, pasalamat ka
birthday ko ngayon,at nagkataon na new
year, kundi mananagot ka sa akin, dila
mo lang walang latay” si Ralph habang
naiinis.
“Asan pala regalo ko?” si Ralph ulit.
“Regalo? Sus di na uso yun, ang tanda-
tanda mo na, 13 ka na kaya.” Pang-
aalaska nanaman ni Jed.
“Kung matanda na ako, anu nalang tawag
sa’yo? Lolo?” sabay takbo papalayo.
“Humanda ka ,pag, naabutan kita yari ka
sa akin”.
“Ralph, Jed, anu ba yan? Nakakahiya sa
mga bisita, masitigil na nga kayo.”
pagsaway ng Mommy ni Ralph.
“Eh- kasi Mommy, yang si Jedtot
mabantot, inaasar ako” pagsusumbong
ni Ralph sa ina.

“Nye,nye nye!, Sumbongero”
pagmamaktol naman ni Jed.
“Anu ba, tama na yan, mga binata na
kayong pareho, may mga buhok na nga
kayo sa pototoy ninyo, tapos asal mga
bata parin kayo” ang pagkainis na sa
boses ng Mommy ni Ralph.
“Bleeh, buti nga’! Si Ralph.
Hanggang sa labas ng bahay naghabulan
pa ang dalawa, dahil gustong makaganti
ni Jed sa asaran nilang magkakaibigan.
Si Jed o “John Danielle”, ay solong anak
ng mga Mondragon, mayaman ang
kanilang pamilya, at may kanya-kanyang
negosyo ang mga magulang niya, real
estate ang sa Daddy niya samantalang
restaurant at Saloon & Spa Center
naman ang sa kanyang Mommy.
Gayun pa man, kahit solong anak ito ay
lumaking may takot sa Diyos at mabait
na anak, dahil narin sa paraan ng
pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga
magulang.
Samantalang si Ralph o “Ralph Anthony
Montenegro” ay pangalawa naman sa
tatlong magkakapatid (lahat lalaki) halos
kabalikatran naman ang ugali nito sa kay
Jed, bukod sa papansin ay medyo
spoiled brat kung minsan, at higit sa
lahat sak-sakan ng pagka matampuhin.
Ang mga magulang niya ay nagmamay-
ari ng isang beach resort sa Batangas, at
Golf Club sa Tagay-tay, bukod ditto, nag
mamay-ari din ng boutique ng kanyang
mommy sa mga sikat na mall bansa. Sa
madaling salita ay parehong mayanaman
ang pamilya nila.
Magkatapat lang ang bahay nila Jed at
Ralph sa isang exclusive na Village sa
Laguna. Naging mag best friend ang
kanilang mga Mommy dahil narin halos
pareha ang kanilang mga interests.
December 8 pinanganak si Jed,
samantalang January 1 naman si Ralph,
Kaya sila talaga ang magkakababata.
Sabay silang pumasok noong sa kinder,at
elementary, parang higit pa sa
magkapatid ang turingan nila sa isat-isa.
Sabay silang nagpatuli noong grade 4
sila. Sa lahat ng importanteng
kaganapan sa kanilang buhay ay laging
naoron ang bawat isa.
Hindi maipagkakaila na lumaking na
parehong g’wapo, at may magandang
tindig na namana nila sa kanailang mga
magulang, parehong maputi at halos
magkasing tangkad. Kadalasan ay
napagkakamalan pa silang kambal kapag
namamasyal sila noon.
Bata palang si Jed ay tinuruan na siyang
mag gitara ng Daddy niya, kahit busy
kasi ito sa negosyo ay naglalaan parin ito
ng oras sa kanyang unico hijo, at gitara
ang tanging bonding nila, maganda ang
boses ni Jed, kaya naman lagi itong
kumakanta tuwing may nagaganap na
salu-salo.
Laging natutulog si Ralph sa bahay nila
Jed, madalas kasing wala ang mga
magulang nito, at tanging yaya lang ang
kasama.
Ganun din, naman si Jed, sinan samahan
din ang kaibigan kapag wala din sa bahay
ang mga magulang ni Ralph.
Ganun na ang naging set-up nila
hanggang sa sumapit sila ng first year
High School.
Isang gabi noon habang nasa kwarto sila
ni Jed:
“Tol, may bago na akong gitara, regalo ni
Daddy”. Pag-yayabang ni Jed sa
kaibigan.
“Wow! ang astig naman n’yan, “ pagpuri
naman ni ralph.
“Syempre! kasi magaling na daw ako
mag gitara kaya binilhan na ako ng bago
ni Daddy.” paliwanag ni Jed.
“Mabuti ka pa marunong na mag gitara”
pagtatampo sa boses ni Ralph.
“Oh, ayan ka nanaman, tampo agad,
syempre magkakaroon karin nito, dahil
tutruan din kita mag gitara”
“Talaga tol? “ Bigla naman lumiwanag
nag mukha nito sa narinig.
“Uo, nga kulit!”
“Yehey!” Sabay yakap kay Jed.
“Tama na nga yang ka-dramahan mo,
tulog na tayo tol, antok na ako bukas
nalang kita tuturuan total sadabo wala
tayong pasok, ayos ba?”
“Ayos na ayos, baka hindi ako makatulog
sa sobrang excitement” si Ralph.
Magkatabi lang silang matulog palagi sa
kama, kapag may sleepover, wala naman
sa kanilang malisya, minsan pa nga ay
sabay silang nag ja-jakol, habang
nanonod ng porn movie, ganun palagi
ang kanilang ginagawa. At kung anu-ano
pang kalokohan ng mga nagbibinata,
sabay din silang nanliligaw at kilig- na
kilig naman ang mga classmate nilang
kababaihan at maging ang mga bading.
Alas-5 palang ng umaga nagising si
Ralph, marahil dala parin ng matinding
pagka excite na matuto sa gitara.
Minbuti nalang nitong tunguhin ang sala
nila Jed at doon nagbukas ng TV at
nanuod, hanggnag sa makatulog ulit kaya
naman kahit mataas na ang araw ay
mahimbing parin ang tulog nito.
“Tol, gising may sunooooog!” Ang pag
sisigaw ni Jed para magising ang
kaibigan, ngunit wala parin itong epekto
tulog parin ang loko. Kaya naman
nakaisip ng kapilyuhan itong si
Jed ,kumuha ng takip ng dalawang
kaldero sa kusina at sabay pinatunog
malapit sa tainga ni Ralph.
Dahil sa ginawa ni Jed, nahulog si Ralph
sa sofa kung saan ito natutulog, tawa
naman ng tawa si Jed sa nakita niya sa
reaction ni Ralph, dala ng matinding
pagkagulat....

“Gag* ka,” sabay suntok sa kaibigan,
buti nalang at nailagan ito ni jed.
“Eh, ayaw mo kasing magising, tulog
mantika ka kasi” na naka ngisi parin
dahil sa pagpipigil ng pagtawa sa
kaibigan.
“D’yan kana nga, badtrip ka” sabay tayo
at tinungo ang pintuan.
“Hoy!, binibiro ka lang,” si Jed.
“Gag* ka pala eh, biro lang ba yun
sayo?”
“Sorry na tol, kasi naman ayaw mong
magising, sorry na” sabay hawak sa
kamay ni Ralph, pero mabilis niya itong
inalis at nagmamadaling lumabas ng
bahay.
Humabol pa si Jed hanggang sa harapan
ng bahay nila Ralph , subalit hindi nito
pinapansin ang pagtawag ng kanyang
kaibigan. Kaya umuwi ang pobreng Jed
sa kanilang bahay na malungkot.
Pagsapit ng tanghali di mapakali si
jed,kaya naiispan niyang tawagan si ralph
sa Cefone nito ngunit nakapatay,
sinubukan niyang tumawag sa landline
subalit ang sabi ng katiwala nila Raplh ay
umalis daw ito.
Alam niyang nagsisinungaling lang si
Ralph, kaya laking pagsisisi niya sa
nagawa sa kanyang kaibigan dahil nagalit
ito ng husto sa kanya. Madalas silang
magkatampuhan subalit madali lang din
namana magkakabati, madalas si Jed ang
unang nag i-initiate makipag-ayos, at
nasanay sa ganung set-up si Ralph. Dati
isang tawag lang sa telepono ay
nagkakaayos na sila pero ngayon ay
medyo lumala na.
Kaya naiisapan ni Jed na dalawin ito sa
kanilang bahay at makipag-ayos ng
personal, hindi kasi siya makatulog
hangga’t alam niyang masama ang loob
ng kaibigan niya.
Kaya naman kinagabihan:
“Sir, Ralph nandito po si sir Jed, gusto
daw po kayong kausapin” sigaw ng Yaya
nila Ralph sa kanyang kwarto.
“Naku sir Jed, hindi po sumasagot ang
alaga ko baka tulog, hindi pa nga po yan
lumalabas ng kwarto mula ng dumating
galing sa inyo, nag-aalala na nga po ako
sir, wala pa naman sila maam at Sir
dito.” pagsususmbong ng Yaya nito.
“Ganun ba Yaya Rema, may duplicate po
ba kayo ng susi n’ya? Nag-aalala narin
po kasi ako” si Jed.
“Saglit lang at tawagin ko si Minda, siya
ang nakakaalam kasi noon”
Pagbalik ni Yaya Rema tangan na nito
ang bungkos ng susi. Madali naman
nilang nahanap ang duplicate para sa
kwarto ni Ralph, at sabay nilang tinungo
ang second floor kung saan naroon ang
kwarto nito.
Laking gulat naman ng dalawa ng
pagdating sa kwarto ay hindi na ito naka
lock, at nakasiwang nan g bahagya ang
pinto. Bahagya namang napangiti si Yaya
Rema sa nakita, alam na niya kasi ang
ugali ng alaga niya, kabisado na niya ito,
kaya nag senyas siya kay Jed, bababa na
siya.
Pagpasok ni Jed sa kwarto ng kaibigan
nakadapa ito at nakatabon pa ang ulo sa
unan.
Agad siyang lumapit at umupo sa ibabaw
ng kama.
“Sorry na tol, please kausapin mo na
ako, di ako sanay ng ganito alam mo
yun”
Ngunit di parin kumikibo si Ralph,
nanatili prin nakatalikod.
Kaya naman biglang itong kiniliti ni Jed
sa may tagiliran, kaya napaiktad ito sa
pagkagulat at kiliti.
“Anu ba? Natutlog yung tao” sa pag
iinarteng boses nito.
“Sorry na kasi, okay? Kausapin mo na
ako please?” pagsusumamo ni Jed.
“Pag hindi mo ako kinausap kikilitin kita
ulit” dugtong ulit ni Jed.
At yun na nga ang ginagawa ni Jed, di
naman magkamayaw si Ralph sa pilit na
pag—iaws sa ginagawa ng kaibigan kaya,
gumanti narin siya ng kilitiin hanggang sa
bumagsak silang dalawa sa sahig at
nagkawatanan.
“Para tayong mga sira” si Jed.
“Ikaw lang no” ang sagot ni Ralph
habang habul-habol pa nito ang pag
hinga.
“Hindi rin” si Jed uli.
“Bati na tayo bestfriend ha? Siya nga
pala dinala ko yung gitara, wait lang
kukunin ko sa baba.” At dali-dali itong
tumayo at bumaba.
“Ang daya naman bakit lumang gitara
ang napunta sa akin?” protesta ni Ralph
habang inaabot sa kanya ang lumang
gitara na dala ng kaibigan.
“Ganun talaga tol ako nga, yan din
ginamit ko noong turuan ni Daddy, para
ma –inspire akong pag-iigihan para
madaling matuto, kasi ito nga bibilhan
niya ako ng bago bilang premyo. Kaya
ganyan din gagwin ko sayo, saka kana
magpabili Kay Mommy (Mommy narin
kasi ang tawag ni Jed sa Nanay ni Ralph)
ng bagong gitara pag marunong ka na
okay?”
Ralph: “Ahh basta ang daya talaga.”
Reklamo ulit nito.
Jed:“Anu ba madaya dun fair nga
yun ,diba?
Ralph: “Okay,okay! May magagawa paba
ako?.
Jed: “Good boy” hehe.
Ralph: Parang aso lang ah.
Sabay nagkatawanan.
Jed: Kumain kana ba? Balita ko kasi di ka
lumalaba sng kwarto mo simula pa
kanina?
Ralph: Sige, mamaya nalang nawala narin
gutom ko, excited na kasi akong matuto
ng gitara.
Jed: Ok sige basic muna ituturo ko sayo.
Ito yung song book at may mga cords
d’yan para pag ditto ka lang sa kwarto
mo pwede ka magpraktis.
Raplh: Alright! Lets’s rock in roll.
Madali lang turuan si Ralph dahil sa likas
na matlino ay hilig din nito ang pagkanta,
sa katunayan ay magaling itong kumanta
at madalas mag duet sila ni Jed tuwing
may gatherings sa pamilya.
MORE THAN WORDS- ang unang kanta
na itinuro ni Jed, bukod kasi sa madali
lang, ay halos maggamit mo lahat ng
chords at dadaling i-strum.
Dahil sa gitara mas lalo pang napalapit sa
isat’-isa si Jed at Ralph, kambal tuko na
nga kung ituring ito, kahit sa mga
pananamit nila ay halos magkaparehas
ang porma kapag umaalis.
Tulad nga ng napagkasunduan dahil
magaling na mag gitara si Ralph ay
timupad ito ng Mommy niya at ibinigay
noong sumunod na kaarawan niya.
Sumapit ang ika-16 kaarawan ni Ralph
nasa Fourth Year High School na sila
roon. Doon na unang pinayagan na
uminom ng alak ang mag-kaibigan ng
kani-kanilang magulang.
Kaya naman nag-invite si Ralph ng mga
kaibigan at kaklase sa kanilang bahay
dahil magkakaroon ng malaking
pagdiriwang.
HAPPY BEER DAY TO YOU! HAPPY BEER
DAY TO YOU! Ang pabirong kanta
nanaman ni Jed sa kaibigan.
Jed: Happy beerday bestfriend sabay
abot ng beer sa kaibigan.
Ralph: Samalat tol, bilib ako sayo ha?
Consistent yang pag gawa mo ng
birthday jingle song tuwing birthday
ko.”
Jed: Syemre naman, para sa bestfriend
ko, mahal na mahal ko yan.
Ralph: Tado, lasing kana yata eh, kung
anu-ano na pinagsasabi mo d’yan.
Jed: “Oh, bakit anu bang iniisip mo? Ang
sabi ko mahal kita bilang kapatid ko , at
kaibigan”
Ralp: Ahh liwanagin mo kasi agad, tara
na nga at nakakhiya sa mga classmates
natin, nga pala asan regalo ko?
Jed: “Surpise yun mamaya na, excited
ka masyado.” Sabay ngiti ng nakakaloko.
Bago pa man umabot ng 12 AM ay halos
bagsak na sa kalasingan ang mga bisita
ni Ralph kaya pinatulog nalang ito sa
guest room. Walang humpay na
kantahan at inuman, palibhasa ngayong
lang malayang nakakainom ng alak, di
tulad noong second years at third year
high School sila na puro patago baka
mahuli ng magulang nila....

No comments:

Post a Comment