Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.

Sunday, March 15, 2015

STORY: BOOK 1 - IISA PA LAMANG (Confusion) Chapter 5

Sa plano kong manligaw sa kay Angela, naisip ko parang gagamitin ko lang siya. Kinakapa ko sa puso ko kung may nararamdaman ako sa kanya pero wala. Anong mapapala ko sa panliligaw ko sa kanya? Magiging masaya kaya ako kapag sinagot niya ako? Paglalaruan. Paglalaruan ko lang ba siya? O, siya ba talaga ang paglalaruan ko o ang sarili ko? Bahala na. Para mawala ang nararamdaman ko kay... kanino nga ba? Para matukoy ko kung ano nga ba ang nararamdaman ko. Pero ito ba talaga ang sagot? Para ituwid ang pagkatao ko. Tama ba ang ginagawa ko? Para saan? Ewan ko. Bahala na.

Itinuloy ko na nga ang panliligaw kay Angela nang may pag-aalinlangan. Hay.

Matyaga ko nga siyang sinuyo. Nag-aasam na sagutin ng matamis na "Oo". Nariyang nagiging sweet, nagiging maalaga, mga bagay na magpapakitang mahal ko siya... mapaniwalang mahal ko siya.

"Kumain ka na?" tanong ko sa kanya nang minsang makita ko siyang papasok ng Campus at ako nama'y papalabas para sana mananghalian sa isang toro-toro malapit sa eskwelahan namin kung saan ang kainan din naming magbabarkada.

"Hindi pa. Pupuntahan na nga sana kita sa classroom niyo at hintayin na lang."

"A, ganoon ba, sige tara na." at tumungo na kami ng toro-toro.

Habang kumakain, panay ang subuan namin ng pagkain sa isa't isa. Ewan ko pero hindi ko magawang mag-enjoy sa mga nangyayari. I'm just wearing a fake smile everytime na magkakasama kami just to convince them na totoo ang panliligaw ko.

Ewan ko pero parang I'm wishing someone to be in her place. But who? "I'm wishing someone to be in her place". May gusto ba akong saktan? Pero sino?


Feeling ko sasabog ang ulo ko sa kaiisip kung ano talaga ang problema. Bakit ako nalilito? Nalilito ako saan? Hay. Naawa tuloy ako sa sarili ko. Ang gulo naman ng buhay na 'to, oo!

Mabilis lumipas ang araw at Semestral break na. Kahit pa sa isang linggong bakasyong iyon ay marami pa ring projects at assignments na dapat tapusin. Si Archie, piniling pumunta sa kabilang probinsya kung saan nakatira ang kanyang mommy. Doon na raw niya tatapusin lahat ng projects at assignments niya. Si Renz naman, sa bahay na lang daw siya gagawa ng projects niya para raw may kasama ako. Nasa ibang bansa kasi ang pamilya nito simula noong nasa second year na kami at mga katulong lang nila ang nakakasama niya sa bahay nila kaya naisipan niyang sa bahay na lang gawin lahat ng projects niya.

Nasa kalagitnaan kami ng paggawa ng project isang araw nang maramdaman kong may nakatitig sa akin. Nang iangat ko ang aking ulo upang tingnan sana si Renz, nagulat ako dahil napakalaki ng ngiti niya.

"Bakit?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.

Para naman siyang nagulantang sa pagtatanong kong iyon.

"A-ano?" gulat niyang tanong din.

"May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko ulit, "ngingiti-ngiti ka dyan!"

"Wala." maikli niyang sagot na parang nalungkot bigla ang kanyang mukha. Naguluhan naman ako.

"May nasabi ba ako?"

"Wala naman," sabi niya sabay pakawala ng malalim na buntong hininga. Tiningnan niya ako ng mariin saka nagpatuloy, "naisip ko lang, sana ganito na lang palagi. Ewan ko pero ang saya ko ngayon. Basta masaya ako kapag kasama kita. Ewan ko rin sa sarili ko. Natatawa na lang ako kapag naiisip ko ang mga bagay na iyon. Nalilito ako eh. Ewan ko kung saan ako nalilito. Basta magulo. Parang may gustong kumawala sa puso ko pero hindi ko alam kung ano. Basta ang alam ko, nabuhay ang tao para gawin lahat ng mga bagay na nakakapagpasaya sa sarili at sa kapwa. At masaya ako kapag kasama kita at itatabi ko na lang muna ang mga katanungang gumugulo sa isip ko ngayon."

"Ang tanong, masaya ba ako kapag kasama kita?" biro ko.

"Bakit, hindi ba?" tanong niya na may nakakalokong ngiti sa labi.

"Hindi kaya!" pagtataray ko.

Katahimikan.

Napaisip ako. Masaya ba ako kapag kasama ko siya? Mahal ko ba talaga siya? Siya kaya ang isinisigaw ng puso ko na ayaw tanggaping ng isip ko? Bakla ba ako?Ako? Bakla? Hindi maaari! Alam ko. May nararamdaman si Renz sa akin. Hindi naman ako manhid. Pero ako kaya? Hindi maaari. Hindi pwede. Ayokong maging bakla. Ayokong kutyain ng mga tao. Ayokong itakwil ako ng pamilya ko. Si mama. Si kuya. Ano na lang ang sasabihin nila? Na isa ako malaking kahihiyan sa pamilya?

"Nabuhay ang tao para gawin lahat ng mga bagay na nakakapagpasaya sa sarili at sa kapwa." ang linyang tumatak sa isip ko. Paulit ulit. Ilang saglit pa, napaisip ako. "Nakapagpapasaya sa sarili at sa kapwa". Kung mahal ko nga si Renz at sinunod ko kung ano ang nararamdaman ko. Sasaya ako. Eh ang mga tao sa paligid ko. Sasaya rin ba sila katulad ko?

"Masaya ka nga, pero naisip mo ba kung masaya rin ang mga tao sa paligid mo tulad mo?" naiusal kong pambasag sa katahimikang nabuo sa pagitan namin.

"Hindi ko na problema iyon. Ang akin lang ay ginawa ko kung ano ang makapagpapaligaya sa sarili ko at sa ayaw man nila at sa hindi ay dapat maging masaya sila sa kung ano ang gusto ko. Hindi sila Diyos upang i-judge ako. Tao lang din sila at wala silang karapatang i-judge kung ano ang makapagpapaligaya sa akin. Kung kasalanan sa kanila ang gagawin ko, pati sila ay nagkakasala rin sa panghuhusga nila sa akin." mahabang paliwanag niya.

Sapul! Bakit nga ba ako magpapaapekto sa mga taong nakapaligid sa akin. Sarili kong kaligayahan ang nakataya rito. Why should I risk it? Para i-please ang tao? Are they not being that selfish? Wala ba akong karapatang sumaya? Sila lang ba ang may karapatang sumaya?

"Alam mo Renz," simula ko, "may mga bagay din na bumabagabag sa isip ko ngayon. May mga bagay na isinisigaw ang puso ko na ayaw tanggapin ng isip ko. Nararamdaman ko may minamahal ang puso ko pero ayaw tanggapin ng isip ko kaya siguro nalilito ako. Kasi hindi ko alam kung sino ang minamahal nito. Si Angela, aminado akong hindi ko siya mahal at dahil sa hinuhang pumasok sa isip ko na hindi karapat-dapat ay nagawa ko siyang ligawan. Alam ko I'm being selfish pero may gusto akong patunayan pero hindi ako sigurado kung ano." sa wakas ay naiusal ko. Umaasang matulungan niya ako sa kalituhan sa puso at isip ko.

"Nate, hindi ko rin alam kung saan magsisimula. Ewan ko, basta ang alam ko karapatan mong malaman lahat ng saloobin ko. At ito na siguro ang tamang panahon. Nate, aaminin ko na nasasaktan ako kapag kasama mo si Angela. Tuwing buo ang barkada at nakita kong ang sweet-sweet mo sa kanya, hinihiling ko na sana ako na lang siya. Kahit pa noong nalaman kong nililigawan mo si Melany ay nasaktan ako ng todo. Aaminin ko rin na sumaya ako noong nakapangasawa na si Melany dahil sa isip ko baka pwede na akong gumawa ng paraan to make you fall inlove with me pero hindi naman nangyari iyon. Weeks after, nang makita ko ang pagbabago mo. Ewan ko pero nasaktan ako ng husto. Nagseselos din ako kay Archie minsan kapag kayo lang ang magkasama." nagpakawala siya ng buntong hininga saka nagpatuloy. "Mahal na yata kita, Nate. Hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung kailan. Hindi ko rin alam kung bakit. Basta paggising ko isang umaga ikaw na ang nilalaman ng puso at isip ko. Kung iniisip mo na bakla ako, sige kung iyan ang gusto mong itawag. Sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko pero lumala lang lalo. Naisipan ko rin na manligaw ng babae pero naisip ko rin, para saan? Para saktan ang sarili ko at ang ibang tao? Nalito ako, sa aking sekswalidad. Sa aking pagkatao. Naisip ko rin kung ano ang iisipin ng ibang tao sa akin. Inisip ko kung ano ang sasabihin ng pamilya ko. Feeling ko nga sasabog ang utak ko sa kaiisip ng paraan para mapigilan ko ang nararamdan ko pero wala. Masakit. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. May time na nakapag-unload ako kina Fred at siya ang nagsabi sa akin na dapat gawin ko ang kung anong makapagpapaligaya sa akin. Pinayuhan din nila ako na dapat ipagtapat ko sa iyo ang nararamdaman ko dahil karapatan mo iyon. Maraming beses akong nag-try. Noong birthday mo, noon sana ako magtatapat sa iyo. Pero natakot ako. Natakot ako na baka itaboy mo lang ako. At ngayon nga, Nate, naipagtapat ko na ang nararamdaman ko. Sana lang maging magkaibigan pa rin tayo. Sana walang magbago. Hindi ko hinihiling na mahalin mo rin ako basta hayaan mo lang na mahalin kita." yumuko siya at nagpunas ng luha.

Napaisip ako. Totoo ang mga sinabi niya. Tagos lahat sa kaibuturan ng puso ko. Para saan nga ba ang panliligaw ko kay Angela gayong una pa lang ay alam ko nang hindi ako sasaya sa piling niya? Gano'n ba ako katanga?

Nakakasakit na ako ng tao. Ang malala pa, hindi lang iisa, damay pa ako. Kung itutuloy ko ang panliligaw ko kay Angela, kailanman ay hindi ako sasaya, kahit pa sabihin kong hindi kami magtatagal. Hinding hindi na mabubura pa ang lamat na magagawa ko kung sakaling magkabukingan na.

Sa naisip ko, nabuo ang isang plano. Hindi ko na itutuloy ang panliligaw ko kay Angela. Mali ang ginagawa ko sa kanya. Maling mali.

Ngunit ganoon talaga siguro maglaro ang tadhana.

Sabado iyon noon nang magyaya ang barkada ng isang picnic sa isang beach malapit sa amin. Total naman daw tapos na namin ang lahat ng assignments at projects namin kaya naisipan nilang mag-picnic para raw masulit namin ang semestral break namin. Nakauwi na rin naman si Archie galing sa kabilang probinsya kaya kumpleto ang barkada.

Umaga pa lang ay nakapag-empake na si Renz ng mga dadalhin namin sa picnic. Dahil nga sa kasama ko siya sa bahay ay siya na rin talaga ang nag-empake ng dapat ay dadalhin ko. Pero parang hindi yata nagising ng maaga ang driver nila Renz kaya mga ilang oras din kaming naghintay.

Tanghali na nang makarating kami ni Renz sa napag-usapan naming beach. Noong makarating kami ay sinalubong agad kami ni Fred ng nakakalokong tingin. Naalala ko naman ang pag-o-open up ni Renz sa kanila tungkol sa nararamdaman niya sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin.

Nakapag-rent na sila ng open cottage kung saan kami maglalagi. Nananghalian muna kami kaunti. Nang matapos na namin ang pananghalian, naupo kami sa may buhanginan. Kwentuhan tungkol sa mga mahihirap na assignments at projects, asaran kulitan, hanggan sa mauwi sa kantyawan. Hayang humihirit sila ng kiss, pilit ililingkis ang aking kamay sa balikat niya, hayang itutulak siya sa akin. Nasa tabi ko lang kasi siya sa may kanan ko. Si Renz naman sa kaliwa ko, nang lingunin ko, nginitian lang ako ng pilit. At ewan ko, wala sa sarili kong binalingan ng tingin si Archie nakatungo na parang may malalim na iniisip.

"Di ba Angela may sorpresa ka kay Nate?" biglang singit ni Ghel sa kantyawan.Binigyan ko si Angela ng nagtatanong na tingin, parang namula naman ito at nayuko na lang. Nahiya ba.

Nakaupo akong mag-isa noon sa may dalampasigan nang naramdaman kong may naupo sa tabi ko. Palubog na noon ang araw, katatapos lang naming maligo sa dagat.naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Nang lingunin ko, si Angela.

"Oh, kumusta?" bati ko.

"Ayos lang naman. Ikaw ba?" sagot-tanong niya.

"Ah, Okay lang."

Katahimikan.

Tapos biglang sumingit sa isip ko ang sorpresa niya kaya nagtanong ako.

"Ano pala iyong, uh... sorpresa mo?"

"Ah, iyon ba," ilang patlang din saka siya muling nagsalita. Maya-maya pa ay nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga saka nagpatuloy, "alam mo aaminin ko, nung una akala ko yung curiousity kong makilala ka ay hanggang kaibigan lang. Pero noon ngang makilala na kita ay parang nakulangan ako kahit alam ko naman na sa pag-uusap nating iyon ang simula ng pagkakaibigan natin. At ayun na nga, naging kaibigan kita, pero parang I want you more than just friends. Noong una hinayaan ko lang. Pero noong kalaunan ay parang lalo lang akong nahulog sa iyo. At noong tinanong mo ako kung pwede kang manligaw ay masayang masaya ako. Siguro hindi mo lang nahalata. Nate, mahal kita noon pa. Noong sinabi mong manliligaw ka ay sasagutin na sana kita agad dahil nga mahal kita pero para masiguro kong mahal mo nga ako at mahal din kita ay pinayagan kitang manligaw." mahabang sabi niya.Touched ako. Pero at the same time kinabahan talaga ako. Paano na ang plano ko?

Binalingan ko siya ng tingin. Nagulat na lang ako nang makitang nakatitig siya sa akin. Mas lalo kong ikinagulat ang unti-unting paglapit ng kanyang mukha. Dahan dahan hanggan sa ilang pulgada na lang ang layo ng aming mukha. Tumigl siya saglit, tinatantya siguro niya kung iiwas ako. Hindi ko rin alam dala siguro ng gulat ay hindi ko maiiwas ang aking ulo. Nakatitig pa rin kami sa isa't isa. Maya maya pa ay pumikit siya at naramdaman ko na lang ang kanyang labi na lumapat sa aking bibig.

At ang araw na iyon, officially ay kami na.

Shit! Naunahan niya ako! Ang tanga ko. Hindi ko naisip ang possibility na sasagutin niya ako bago ko pa masabi sa kanya ang lahat. Sa isip ko lang.

Nakalubog na ang kalahati ng araw. Nakaupo pa rin kaming pareho sa may dalampasigan. Nakadantay ang kanyang ulo sa aking balikat at ang kanyang kamay ay nakalingkis sa aking katawan. Ang aking isang kamay naman ay nakalingkis din sa kanyang katawan. Ninanamnam namin pareho ang sarap ng hangin mula sa dagat.

"Bakit hindi ka umiimik?" maya-maya ay naitanong niya. "Hindi ka ba masaya?"

"M-masaya. Hindi lang ako makapaniwala." ang naisagot ko.

Andito na. Kailangan kong panindigan kung ano itong pinasok ko. Sa isip ko, matututunan ko din siyang mahalin. Sana nga.

ITUTULOY...

No comments:

Post a Comment