Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.

Sunday, March 15, 2015

STORY: ANG BUHAY SEMINARYO (Part 2)

Ang Karanasan

May mga haka haka at mga kaisipan
tungkol sa mga seminarista na hindi
maganda, sabi sila sila mismo ay
gumagawa ng kung anu anong bagy
sa loob ng seminaryo, pro kay Mateo,
sa dalwang taon na pamamalage nya
sa loob eh wala naman syang
karanasan tungkol sa kapwa nya
seminarista. Kaya mali ang isip ng
ibang tao na maraming milagro sa
loob ng seminary.
Sa mga panahong ito natuto si Mateo
na gumamit ng Computer, kasi nong
panahong may subject sila sa High
School ay hindi nya ito pinapansin.
Pero sa pagpasok sa seminary ay
kailangan mong matuto na gumamit
ng computer para sa mga paper
works.
Pero kay Mateo, nagging habit na sa
kanya ang gumamit ng computer at
lalo na ang internet. Natutuhan
nyang mag Friendster, may YM at
nagkaroon sya ng Account na
sinasabing Guys4Men na nabangit
ng isa sa mga taong nakilala nya sa
Yahoo Messenger .
Ang Guys4Men ay isang Website na
kung saan dito mo makikita ang mga
ibat ibang klase ng lalaki na
naghahanap din ng kapwa lalaki, na
pwedeng makaniig o makasex lang,
meron din yong naghahanap ng
kausap lang, meron din yong
naghahanap ng makarelasyon pero
iilan lang ang ganun.

Isang araw na pag pasok nya sa
nasabing website, may nakilala
syang isang tao na nagngangalan ng
"jesie78 " sila ay nag palitan ng mga
mensahe, nagtanungan sila kong tga
san sila at edad at kong anu ang
hanap nila sa site na iyon.
Nagbigayan din silang dalawa ng
Cellphone Numbers para text text na
lang daw sila. Sa Pagtetext nila dun
nila nakilala ang isat-isa.
Si jesie ay 6 footer, maputi mestizo at
may mgandang katawan, habang si
Mateo ay 5’5” lang, Moreno at medyo
maganda rin naman naman ang
katawan kahit papano. Sa dalawang
lingo na text at tawagan sa
pamamagitan ng Sun cellular, buti
na lang may unlimited txt and call na
sinasabi nila noon.
Dumating yong time na gusto ng isa
sa kanila na makipagkita, si Jessie
ang nag request na kong maari sna
ay magkita silang dalawa, pero nag-
aalangan ang isa na makpkipagkita,
pag tinitingnan mo si mateo at
parang isang batang walang muwang
sa mundo, lalo na kong pag-ibig ang
usapan, kaya medo takot at
nagdadalawang isip sya ng sumagot
ng oo,
Pero sumagot na Go! si Mateo na
makikipagkita sya kay Jessie, at
usapan nila na araw ng lingo 5pm sa
Goldiluks Sm bacoor, malapit lang si
Jessie sa Sm, habang si Mateo ay
umaabot ng 2 to 3 hours ang travel
nya dahil sa sobrang traffic sa daan
papunta ng Sm bacoor lalo na pag
linggo.
Dumating ang lingo at natapos ang
misa sa simbahan, nagtext agad itong
si Mateo if tuloy daw ba ang
pagkikita nila, sumagot si Jessie at
tuloy na tuloy daw. Ninerbyos si
mateo kung ano ang gagawin nya,
dahil my mga pimples na naman na
tumubo sa kanyang mukha,
“Naku panu yan bka kung anu
masabi mo sa akin, may mga pimples
akong tumubo now sa mukha ko
Jessie”Ang txt ni Mateo kay Jessie,
“Ok lang yan, anu ka ba normal lang
sa tao ang magkapimples” sagot pa ni
Jessie sa txt.
Nakarating si Mateo sa Sm ng 5:30,
at pumunta agad ni mateo sa lugar
kong saan nakita nya agad si Jessie
na naghihintay sa kanya sa harapan
ng Goldilocks. Si Mateo na ang
lumapit kay Jessie at malayo pa lang
alam na ni Mateo na si Jessie yong
nakamaong at nakapolo shirt ng
gray, fit ang katawan, maputi chinito
medyo matangos ang ilong, parang
naiilang sya na lumapit dahil sa
katangiang meron si Jessie.
Pero naglakas ng loob ang mateo at
nilapitan nya ang gwapong mama, at,
Jessie? Tama po ba? Tanong ni
Mateo, “ ako nga Mateo” sabay ngiti
ang bawat isa, na halos gusto nilang
magyakapan ng magkita ang dalawa.
“Kain muna tyo Mateo” sabi ni Jessie,
Dun na rin sila kumain sa malapit na
restaurant, habang sila nag-aantay
ng pagkain na inorder nila,
nagkakahiyaan ang dalawa kong sino
ang unang magsasalita sa kanilang
dalawa. Hindi na makatiis si Mateo
sa kanyang nararamdaman, gusto na
nyang marining kasi ang boses ng
kanyang kasama.
“Anung oras ka pla dumating dito?”
tanong ni Mateo kay Jessie na nag-
aalangan,
“almost 5 na kanina Mateo” , malapit
lang ang bahay naming ditto kasi sa
Sm” sagot ni Jessie na naka ngiti
pang sumagot”
“Ah ganun ba, ako kasi 3pm ako ng
lumabas ako sa Seminary, alam mo
naman ang byahe dito sa atin lalo na
papuntang Manila area, grabeng
traffic” sambit ni Mateo.
Sa hindi nahahalata ni Jessie na
kinakabahan si Mateo sa anumang
mga itatanong nya sa kanya.
“Ilang taon ka ulit Mat?” Mat na lang
tawag ko sayo ha?” Tanong ni Jessie
na parang gusto nyang hilahin ni
Mateo palapit sa kanya.
“22 ako ngaun mag 23 ako sa Feb”
sagot nito.
“Ikaw Jes?, Jes na rin twag ko syo
ha?” Sure Mat,
Basta ikaw kahit anu tawag mo sa
akin, ok lang, 25 na ako Mat, mag 26
naman ako sa 30 nitong buwan na
ito” march 23 ang pagkikita nila na
iyon, meron pitong araw pa bago
mag birthday si Jessie.
Habang abala sila sa pagkain,
pasulyap sulyap ang isat-isa, pero
nagkakahiyaan sila, dahil sa parang
naubusan na sila ng dapat tanungin
pa. habang kumakain si Jessie hindi
talaga maiwasan ni Mateo na tingnan
ang taong kaharap nya, ngunit
biglang tumingin ni Jessie ng
maisubo nya ang pagkain at
napangiti dahil sa puro dinuguan
ang nasa ngipin nya, at doon silang
tumawang dalawa.
Sa sobrang saya ni Jessie, napaluha
na lang sya ng bigla, “o bkit Jes?,
may problema ba? Inom ka tubig”
nagmadaling iniabot ni Mateo ang
baso na may Ice tea, sa pagmamadali
nya, akala nya tubig ang nasa harap
nila.
“Mat im just Happy for what I’ve
seen and felt at this moment, I
missed being happy,kaya napaluha
ako sa saya,
I hope na sana may mapuntahan ang
mga ito” paliwanag ni Jessie kay
Mateo. Ang akala ni Mateo ay
naofend nya si Jessie sa pagtawa
nya.
“Mat may request ako syo?” nagulat
si Mateo sa tanong nito,
“anu yon Jes?” “pwede bang manood
tayo ng Sine?, kasi inaabangan ko
yong Trilogy ng The Lord of the
Rings kasi, kong ok lang syo?” dagdag
pa no Jessie.
“Sige, ako rin kasi abang ko rin yan,
ito na yong part 2 eh, sige tara na
Jes”
Excited si Mateo na manood din kasi
sa totoo lang kong hindi sana sila
magkikita ngayon ni Jessie ay
manonood syang mag isa sa sinehan,
ganun si Mateo pag gusto nya
palabas sa sinehan, pumupuntang
mag-isa para makarelax lang sa
Seminaryo.
Noong nasa loob na sila ng sinehan,
instead of Watching the Movie, itong
si Mateo ay puro tingin sa kamay, at
lips ni Jessie, walang kaalam-alam si
Mateo ng biglang hinawakan ni Jessie
ang kamay nito at sabay pisil sa mga
palad nito. Laking gulat ni Mateo sa
ginawa nyang iyong, napatingin na
lang sya at sinabing
“Baka makita nila, baka kong anung
sabihin nila” sabi ni Mateo.
“Anu ka ba Mat, madilim naman at
wala naman tayong ginagawang
masama, anyone can do this naman.”
Paliwanag ni Jessie.
Kasi sa totoo lang walang karanasan
si Mateo sa ganong bagay, kaya
ganun na lang sya kong mag-isip.
Habang sila ay naka concentrate sa
panonood, at magkahawak ang mga
kamay, ng bigla napasigaw si Mateo
kasama ng ibang mga tao sa loob ng
sinehan dahil sa pagkagulat sa nakita
sa pinapanood.
“Oh bakit Mat?” Natawang
pagtatanung ni Jessie kay Mateo at
lalong hinigpitan ni Jessie sa
pagkawak ng kamay kay Mat, na tila
nagsasabing,
“wag kang matakot, kasama mo ako”
Sabay haplos din nya sa mukha ni
Mateo, batid kasi ni Jessie sa
pagkagulat ni Mateo, nahimasmasan
ni Mateo sa ginawa ni Jessie sa kanya
at napatingin bigla kay Jessie at
tinanong ng,
“Oh bakit mo hinaplos yung mukha
ko? May mga pimples pa naman”
sambit ni Mateo,
“So? Bkit kong may pimples yang
mukha mo, bawal bang hawakan ng
partner mo?” hehehehehe”
“Hindi naman sa ganun Jes, anung
Partner na sinasabi mo?” partner na
ba kita?”
Masyang pagtatanong ni Mateo kay
Jessie,
“Ha? May nasabi ba akong ganun
Mat?” pabirong sagot ni Jessie kay
Mateo.
“Ay ganun ba, baka mali lang
pandinig ko” malungkot na pagbawi
ni Mateo.
Dito naramdaman ni Mateo yong
masaktan, halos maiyak sya sa
naramdaman niya. Binaling ni Mateo
ang kanyang mukha sa kabilang
upuan para hindi mahalata ni Jessie
ang kanyang emosyon, sa totoo lang
nahuhulog na rin ang damdamin ni
Mateo kay Jessie.
Pero hindi hinayaan ni Jessie na
mangyari ang nararamdaman ni
Mateo na umiyak. Inakbayan siya
bigla ni Jes at sinabing,
“Mat?” palambing na sinabi ang
pangalan nya,
“bakit? May problema ba?” sabihin
mo sa akin, pls?,
“wala Jes” sagot ni Mateo.
Ayaw pahalata ni Mateo sa
nararamdaman nya, pero kitang kita
ni Jes ang reaction ng mukha nya na
nalungkot pagkatapos ng nasabi nya
sa kanya tungkol na “wala syang
nasabing “Partner” inakbayan ni Jes
si Mat at sinabing,
“Mat, pls sabihin mo na, sige ka pag
ayaw mo sabihin, luluhod ako ditto
sa harapan mo?”
“Tumigil ka nga Jes, ang sikip sikip
kaya dito sa harapan ko, tapos
luluhod ka pa?” pabiglang sagot ni
Mat sa kanya.
“Pinapatawa lang kita Mat”. Hindi na
nila tinapos ang palabas at lumabas
na sila at inaya ulit ni Jes si Mat sa
isang mamahaling kapehan sa loob
ng Mall,
“Kape tayo Mat,anu gusto mong kape
Mat?” pilit na sinusuyo ni Jes si Mat,
pero hindi naman galit si Mat o
tampo.
Masaya sya sa pinapakita ni Jes sa
kanya, at nandoon na nga sila sa
kapehan na iyo, nagulat na lang si
Mat sa mga presyo ng mga nasabing
kape, actually hindi naman
nagkakape talaga si Mat Dahil sa
sakit na meron sya, pero magkakape
sya ngayon para masabayan lang si
Jes.
“Mat gusto mo try natin yong
Cappucino na kape?” masarap yon”
paglalambing ni Jes. “sige ba” sabay
ngiti ni Mat.
“Jes pagkatapos natin uwi na tayo
ha? Kasi may klase pa ako bukas ng
7:30 am, ok lang ba syo?” sambit ni
Mateo,
“oo naman Mat” sabay ngiti sa kanya,
napansin ni Mateo ang mga ngipin ni
Jes na wel proportion lalo na pag sya
ay ngumingiti.
“Nakakainlove ang ngiti nya” sabi ni
Mateo sa kanyang sarili at panay pa
rin ang titig nito kay Mateo.
Nang matapos na sila sa pagkakape.
Hinatid na ni Jes si Mat sa sakayan
ng bus papunta sa Seminaryo tatlong
bayan ang pagitan ng seminary mula
Sm.
Nang makarating na si Mateo sa
seminaryo sa ayos na ang lahat pra
matulog na, halos hatinggabi na kasi
sya nakarating, ng biglang nagring
ang cellphone nya at nakitang
pangalan ni Jes ang tumatawag, di
nya alam gagawin kong lalabas ba
sya ng room nya o hindi baka kasi
marinig ng roommate nya ang
usapan nilang dalawa.Kaya unti unti
nyang binukasan ang pintuan at
pumunta sa labas ng dormitory.
“Helo Jes,bkit ka napatawag, gabi na,
tulog na tayo” ang sabi ni Mateo kay
Jes.
“Missed kasi kita agad eh, pwede
magtanong syo Mat?”
“Cge ba Jes” sagot ni Mateo.
“ DO YOU LIKE ME MATEO?, OK BA
AKO NA MAGING BF MO?” gulat na
gulat si mateo sa narinig nya,
“Ha? Bkit? Hindi ko alam ah Jes”,
Never been inlove sa totoo lang kasi
eh, hindi ko alam gagawin pag
ganyan, panu nga ba? Anu ba
isasagot ko?”
“Just say Yes or No Mat, then
everything will fallow na, basta let
love guide us” ok ba Mat? Sincere na
pagsabi ni Jes.
“If ever papayag ako Jes, kaya mo
bang dalhin ang sitwasyon? Alam mo
naman kong nasaan ako hindi ba?”
aka ni Mateo.
“Mat no problem yan, kaya natin
yan, 2 heads are better than one ika
nga diba?”
Natahimik na lang si Mateo sa nasabi
nya, “Yes tulog na tayo ok?” usap na
lang tayo bukas ulit”.
“Mat Punta ako jan School nyo
bukas, sundo kita Dinner tayo, ok
lang ba?” tanong ni Jes,
“Hindi ako pwede bukas Jes, Medyo
busy ako dito sa School,” kc kapag
Monday kasi tuloy tuloy ang klase ni
Mateo.
Kaya walang nagawa ni Jes kundi
pumayag na lang na huwag muna
sila magkikita.
“Mat pero punta ka sa Birthday ko
ha? Susunduin kita jan sa seminary”
paglalambing pa ni Jes.
“sige po, no problem” sagot naman ni
Mat. Good night na ha? Tulog ka rin
jan”. natapos ang araw ng may
paghahangad ang dalawa na
magkikita sila sa kaarawan ni Jessie.

Itutuloy...



Ang Seminaryo

Pagpasok ng van na sinakyan nina
Mateo papunta sa Seminaryo, nakita
nya ang napakaraming puno na
parang nagsasabi sa kanya ng
maligayng pagdating syo Mateo.
Masaya at excited sya sa pagpasok sa
loob ng dormitory. Tiningnan nya
ang kanyang pangalan sa loby kong
sang room sya assigned, room 45 sya
tutuloy, kasama nya rin ang isa sa
mga kababayan nya.
Sa unang taon ni Mateo ay ok lahat
ang mga pangyayari sa loob ng
seminaryo, nagkaroon na sya ng
maraming kaibigan, nabawasan na
rin ang kanyang pagiging tahimik,
pagiging mahiyain, pero nandun pa
rin yong pagiging loner nya, lage
syang naglalakad sa Oval pag
dumarating ang 6pm ng hapon, dun,
dun ay maraming naglalakad din na
kasmahan nyang seminarista, may
mga babae din na gustong sumabay
sa kanyang paglalakad na gustong
makipag kilala sa kanya.
Meron isang babae na pangalan ay
Rose, na meron tinatagong pagtingin
kay Mateo, nalaman ito ni Mateo sa
kaibagan din ni Rose na si Bel, kaya
pla lageng nakaupo si Rose sa isang
hagdan na kung saan doon lageng
dumadaan si Mateo. Dumating ang
pagkakataon na nag set-up ang mga
kaibagan ni Mateo at kaibagan ni
Rose ng isang Blind date. Pumayag
naman ako. Doon naranasasan ni
Mateo na makipag date sa unang
pagkakataon, dahil wala pa syang
karanasan sa totoong love at Sex.
Nag-usap silang dalawa at sinabi ni
Rose ang kanyang nararamdaman
kay Mateo. Si Rose ang unang
nagsalita.
“Alam mo Mateo,sa tuwing
magkasama tayo sa class natin hindi
ko maiwasang tumingin syo, kasi ang
cute ng mata mo ang hahaba kasi
pilik mata mo at makapal pa ang
kilay mo, nakakagigil ka Mateo, tapos
nalala mo yong noong nasa tagaytay
tayo, nagswimming kyo ni Rick at nag
hubad ka n damit mo, hay grabe.”
Tingin ba nya kay Mateo eh parang
pagkain n halos naglalaway sa
imagination nya. Di na lang nagsalita
si Mateo sa mga sinasabi ni Rose.
Natapos ang date ng parag wala
lang.Nagdaan ang mga araw, at itong
si Rose ay patuloy sa imahenasyon
nya kay Mateo, meron yong isang
gabi habang naglalakad si Mateo sa
Oval, bigla syang sinalubong ni Rose
ay sabi, Mateo pwde ba tayong mag-
usap?” pls.. kahit saglit lang.”
Napansin ni Mateo na naiiyak ang
babae kaya pumayag na sya sa gusto
ni Rose, Nagtapat si Rose sa
nararamdaman nya kay Mateo.
“Mateo mahal kita, dmo ba ako
kayang mahalin?” natahimik si
Mateo sa narinig nya, nasabi nya sa
sarili nya “ako iniiyakan ng babae?”
Rose anu ba meron sa akin na gusto
mo ako? Tanong ni Mateo kay
Rose,”ewan ko Mateo” ang tingin ni
Rose kay Mateo eh prang ewan.
Sumgaot si Mateo kay Rose at
nagpanggap na lang syang may gf at
engaged na daw sila, at
magpapakasal sila kapag matatapos
na sya sa pag-aaral.
Dahil sa pangyayaring iyon, umiwas
ng umiwas si Mateo sa babaeng iyon,
ngunit sadyang mapaglaro ang
tadhana kay Mateo, lageng
nagtatagpo ng landas ng dalawa,
kumalat na rin kasi ang pag-uusap
nila ni Rose sa buong Seminaryo, at
yon ang dahilan ng pagtutukso sa
kanya ng kanyang kapwa
Seminarista, kong bkit ayaw ko daw
patulan si Rose eh Sexy naman daw
xa, mayaman at iba pa. Ang hindi
alam ng tao ay ayaw naman tlga ni
Mateo sa babae eh. Kapwa nya ang
gusto nya.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment