Marami ang nagbago simula noong lumabas na ako ng ospital. Mas dumami pa ang kaibigan ko na halos lahat na nga ng estudyante sa eskwelahang pinapasukan ko ay kinakaibigan ako. Naisip ko nga, baka naaawa na sila sa kalagayan ko. Mas naging madikit din sina Fred at ng tropa niya sa akin at lalo na sina Renz at Archie na daig pa ang kuya ko sa pagka-protective.
May mga bagay din na nakakapagpabagabag sa akin: ang mga halik at titig na ipinupukol sa akin ni Archie; at ang kakaibang ikinikilos ni Renz na nag-iiwan ng napakalaking question mark sa ibabaw ng ulo ko. May mga bagay na pumapasok sa utak ko na hinuha ko pero hindi ko pinaniniwalaan lahat.
Napakaimposible. At ang isang napakabigat na problema ay ang kakaibang pakiramdam na umuusbong sa puso ko na hindi ko pa mawari kung ano. Pakiramdam ko ay may mali. Dagdagan pa ang pagdating ni papa. May isang parte ng puso ko ang nagdiriwang sa pagdating niya pero hindi ko rin alam kung bakit mas nangingibabaw pa rin ang galit ko sa kanya.
Pakiramdam ko ay may kakaibang nararamdaman si Renz sa akin pero nakukulangan ako. May kung anong isinisigaw ang puso ko na hindi tanggap ng isip ko. At ewan ko din kung bakit hindi ko magawang mailang kay Renz. Ang unang pumasok sa isip ko ay baka may nararamdaman din ako sa kanya. Hindi ko alam. Nalilito ako. Natatakot. Sa isiping mapanghusga ang mga taong nakapaligid sa akin ay namumuo ang takot sa aking puso. Takot na kamuhian, kutyain, ipahiya. Takot na ikahiya, itakwil ng sariling pamilya. Ayokong maging bakla.
Minsan ay nakapagbibitiw ng mga salita si Renz, mga salitang nakakapagpatayo ng balbon ko na naghahatid ng kalituhan sa isip ko.
Naalala ko noong unang araw ng pagpasok kong kagagaling lang sa ospital. Maaga akong nagising kasi nga ang lakas ng hilik ni kuya. Nang nakapaghanda na kami ni Archie ay sinundo kami ni Renz at sabay-sabay na kaming pumasok.
Pagkababa namin ng sasakyan...
"Ako na," si Renz, sabay kuha ng bag ko. "ako na muna ang bahala sa iyo. Ako muna ang yaya mo," dugtong pa niya.
"Kaya ko pa namang buhatin ito eh," sabi ko naman. "ayokong itrato niyo akong baldado Renz. Gusto ko, as long as kaya ko ay dapat gawin ko."
"No," mariing sagot naman niya, "as long as ako ang kasama mo, I won't let you do anything. Kung pwede lang nga ay buhatin kita. Alam ko kalabisan ang ginagawa ko pero ito ang gusto ko. Ayaw kong mawalan ng isang tapat na kaibigan. Hindi ko rin alam. Pero kung nagkataong babae ka lang sana ay niligawan na kita. Napakabait mo Nate. Sa totoo lang ay lahat ng standards na hinahanap ko sa babae ay nasa iyo maliban lang sa maganda."
"Ungas! Batukan kaya kita!"
"Seryoso ako, Nate." sinserong sabi ni Renz. Natahimik ako. Nilingon ko si Archie pero nakayuko lang itong nakasandal sa may pinto ng sasakyan nina Renz. Hinihintay kong barahin niya si Renz pero nanatili lang siyang tahimik.
Kalituhan. Saan nga ba ako nalilito? Sa pagkatao ko o sa nararamdaman ko? Sa isip ko lang.
Napaisip ako. Siguro ay kulang lang ako dahil betlog pa rin ang lovelife ko. Kaya ang ginawa ko, search for MISS karapat dapat sa puso ko.
Mag-iisang buwan na simula noong lumabas ako ng ospital at malapit na ang Intramurals ng aming eskwelahan kaya busy ang lahat sa pag-eensayo. Nakakainis nga eh, kasi hindi ako pinayagang maglaro ng basketball kaya tambay lang ako sa student center malapit sa canteen, sa tambayan namin kapag oras na ng section namin para magpractice, at dahil nga sa hindi ko classmate ang dalawang unggoy ay kadalasang nag-iisa lang ako.
Isang hapon, mag-isa lang akong nakaupo sa isang bench malapit sa classroom namin, nagpa-practice ang mga kaklase ko, biglang lumapit sa akin ang isang babae. Maganda, sexy, perfect maging girlfriend.
"Hi," bati ko.
"Hello, ikaw si Nate?" bati at tanong ng babae. Tumango ako bilang sagot. "Ako nga pala si Angela. Matagal ka nang usap-usapan dito sa school. Sa classroom nga namin eh ikaw lagi ang laman ng usapan. Napakabait mo raw at napakamasiyahin. Marami nga rin sa kanila ay may crush sa iyo kaya lalo akong na-curious makilala ka. At sa wakas nakilala din kita. Hindi mo siguro ako kilala dahil transferee lang ako. Minsan naitanong na kita sa kaibigan ko at na-attract agad ako sa iyo. Alam mo ba napakagwapo mo. Kaya siguro maraming nagkakagusto sa iyo." tuloy-tuloy na sabi niya.
Napatawa ako ng bahagya. "Ako? Gwapo? Joke ba yun?" biro ko naman pero sa totoo lang nahiya ako. Pakiramdam ko nga eh namula ako.
"Totoo yun," sabi niya at sinundan pa ng mahinang hagikhik, "karamihan nga sa mga lalake ay nababading na sa 'yo." dugtong pa niya.
Tumawa ako ng malakas, "Sino naman sila?" naitanong ko.
"Basta marami dyan. Magmasid ka lang," mabilis niyang sagot. "Sige mauna na muna ako. Baka pagalitan na naman ako ni ma'am, naku!" at ayun nga, nagmamadaling umalis.
Simula nga noon ay naging close na kami ni Angela. Halos lahat ng lakad naming magbabarkada, kasama sina Fred, ay kasama siya.
Sa paglipas pa ng araw, naging mas close pa kami ni Angela. 'Yung tipo ba na parang magsyota na. Inuulan nga kami minsan ng tukso galing sa barkada kapag ganoong dumidikit siya sa akin. Nahihiya naman akong itulak siya dahil nga sa babae siya.
Ramdam kong may gusto sa akin si Angela. 'Yong mga tingin niya, 'yong mga sinsabi niya, 'yong mga ginagawa niya, kapansin pansin ang kakaibang pagtrato niya sa akin. Pero hinayaan ko na lang muna.
Tapos na noon ang intramurals at patapos na ang buwan. Nagulat na lang ako isang araw sa isang balita.
"Mga Pateeeeeeeeeeeeeee!" tawag sa amin ng humahangos na si Lito habang papalapit sa amin. Kasalukuyan kaming nakatambay sa dating tambayan naming tatlo na ngayon ay tambayan na naming magbabarkada. "may Big, big, big, big, big, big, bi.... araykop-." ang hindi natuloy na tili niya nang batukan siya ni Fred.
"Ano yang big na sinasabi mo? Titi mo? Naku nakita ko na yan at alam na ng buong Campus kaya hindi mo na kailangang ipagsigawan pa." ayuda ni Fred.
"Hindi yun!" excited namang sagot ni Lito.
Tapos tumili ng napakalakas si Fred. Nakakabasag eardrum! Natigil lang siya nang sabunutan siya ni Ghel.
"Baklitang 'to! Anong meron?" sigaw ni Ghel dito.
"Baka kako may nakitang big monster itong baklitang freak na ito!"
"Patapusin mo kasi muna bago ka tumili ng napakalakas!" si Renz naman na hawak pa rin ang dalawang tainga. "ano ba kasi 'yun?" baling niya kay Lito na napatulala na lang.
Mula sa pagkatulala, bigla naman siyang sumigla ulit at nagsalita, "Si Nate at Angela kasi nasa bulletin board. Number 1 sa listahan ng 'Couple of the Month' para sa buwang ito!"
At ayun na. Para silang nanalo sa pustahan at nagdiwang. Pinalibutan pa nga nila kami at nagsasasayaw pa. Pinaglapit sa isa't isa na halos magyakapan na kami. At ano pa ba. Humirit ba naman ng kiss! Pwede sana kung girlfriend ko na siya. Ang kaso eh hindi naman.
"Girlfriend". Naisip ko, kailangan ko palang magkaroon na ng girlfriend para mapatunayan ko kung ano talaga ako. Kung magbabago ba ang nararamdaman ko. Kung mapapawi ang kalituhan sa pagkatao ko. Kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Sa isiping iyon, nabuo ang isang plano. Liligawan ko si Angela.
Sa kabila ng kasiyahan ng tropa, hindi nakaligtas sa aking mata ang madilim na mukha ni Renz. Naawa tuloy ako sa kanya. Totoo nga kaya ang hinala ko?
Kinahapunan ay magkakasama kaming tatlo nina Renz at Archie na umuwi. Tahimik lang kaming tatlo habang nasa daan. Habang nakatanaw ako sa bintana ng kotse nina Renz ay hinabi-habi ko ang mga pangyayari sa buhay ko.
'Di ko alam kung ano ang pwede kong isipin gayong kasama ko ang dalawang taong nagpapabagabag sa akin. Si Archie, si Renz. Ano nga ba sila sa buhay ko? Bakit sila ganoon sa akin? Hindi ba sila natatakot?
Hanggang sa makarating kami sa bahay. As usual, bababa na naman kami ni Archie at tatambay na naman kami sa kwarto ko hanggang anong oras. Nagsisimula na kasi ang pag-du-duty ni kuya sa mga ospital kaya halos gabi na siya kung umuwi.
Nauna na ako sa kwarto. Nang makapagbihis ay humiga na naman ako sa kama tulad ng palagi kong ginagawa. Ilang saglit pa ay pumasok na si Archie. Pagkatapos i-lock ang pinto ay nagsimula na siyang hubarin ang kanyang damit at pantalon. Nakatingin lang ako sa kanya. Nakakainis ang kanyang hitsura. Tanging brief lang ang kanyang suot. Ang nakakainis ay nalilibugan ako.
Ibinaling ko sa ibang direksyon ang aking mukha. Dahan dahan ay naramdaman ko ang kanyang paglapit. Pumatong siya sa akin tulad ng palagi na niyang ginagawa. Sinimulan niyang halikan ang aking labi. Mapusok, nakakadarang. Masarap sa pakiramdam. Lumaban ako. Ramdam ko ang kahabaan ng kanyang matigas na sandata sa akin. Napayakap ako sa hubad niyang katawan dahil sa kakaibang sensasyon na dulot ng halik niya.
Maya-maya ay nagsimula nang gumalaw ang kanyang balakang. Ramdam kong basa na ang kanyang brief at gayon din ang sa akin.
Hanggang sa di ako nakapagpigil at pumaibabaw ako sa kanya. Isa isa kong hinubad ang aking saplot at gayon din ang kanyang suot. At muli, nangyari ang hindi dapat mangyari.
Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa namin ni Archie. Basta ang alam ko ay masaya ako habang ginagawa namin iyon. Iba ang nararamdaman ko. Pero para saan nga ba itong ginagawa namin? Bakit namin ginagawa ito gayong pareho kaming lalaki? Sino ang bakla sa amin? Hindi maaaring ako. Ayoko.
"Archie," tawag ko sa kanya. Nakapatong ang kanyang ulo sa aking dibdib habang ang mga kamay niya ay nakapulupot sa aking katawan. Katatapos lang naming magpalabas ng init.
Isang ungol lang ang sagot niya.
"Archie, bakla ka ba?" Tanong ko.
Hindi siya nakasagot.
"Archie, bakit natin ito ginagawa? Hindi ito tama. Pareho tayong lalaki. Aaminin kong masaya ako sa ginagawa natin. Hinahanap-hanap ko ang halik mo. Pero itong bagay na ito, para saan ito?"
Pero wala pa rin akong nakuhang sagot mula sa kanya.
Ano nga ba ang nararamdaman ko sa kanya? Tama ba ito? Ano nga ba siya sa akin? Bakit? Archie, bakit?
Oo, kung kami lang dalawa ang nasa kwarto ay hindi siya uuwi hanggang di niya ako nahahalikan at nagagawan ng kahalayan. Bakla na ba ako't nakikipagtalik ako sa kapwa ko lalaki?
Hanggang sa marinig ko ang mahihinang hilik niya. Tiningnan ko ang mukha niya. Para lang siyang anghel sa harapan ko. Napakakinis ng mukha niya. Parang perpektong perpekto. Wala kang makikitang kapintasan sa kanya.
Ang swerte naman ng taong mamahalin ng taong ito. Sa isip ko lang. Hanggang sa nakatulugan ko na ang pag-iisip.
---------------------
Isang araw, nagulat na lang ako sa isang pagtatapat. Pagtatapat na hindi ko inasahan. Pagtatapat na hindi ko man lang napaghandaan.
ITUTULOY...
No comments:
Post a Comment