Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.

Thursday, March 12, 2015

STORY: ANG BUHAY SEMINARYO (Part 1)

Si Mateo

Sa buhay ng isang tao, Marami
tayong mga karanasan na hindi natin
malilimutan, masakit man ito o
Masaya.
Gaya ng kwento na ating mababasa o
maririnig tungkol sa isang tao na
nakaranas ng saya sa gitna ng
kalungkutan na nagbunga ng paghati
at aral sa kanyang buhay.
Sya ay si Mateo, isang Ilocano,
umpisahan natin ang kanyang
kwento noong sya ay nagbibinata.
Noong sya ay pumasok high school sa
pampublikong paaralan,
Alam na nya na sya ay kakaiba sa
lahat ng mga lalaki sa paligid, pati
ang parents niya ay alam din ang
pagkatao ng kanilang anak. Pero
kahit meron ganung ang pagkatao ng
kanilang anak, ay inalagaan at
pinalaki sila ng tama.
Matagal na nag abroad ang ama ni
Mateo para meron silang pag gastos
sa araw araw, mula nagkamulat si
Mateo ay hindi nya nakasama ang
kanyang ama, meron yong taon na
nagkasakit si Mateo at biglang
isinugod sa ospital, at nalaman ng
doctor na meron syang R H D o yong
pag laki ng kanyang puso, mula noon
ay nalaman nila na may sakit si
Mateo sya ay nagpahinga sa pag-
aaral at hindi sya pinagtrabaho o
bawal sa kanya ang mapagod na
syang bilin ng Doktor.

Noong nagbibinata na sya, dun na
nag for good ang kanyang ama dito
sa Pilipinas. Naiilang silang 4 na
magkakapatid sa kanilang ama, sa
tagal ng taon na hindi nila ito
nakasama sa bahay. Kaya malayo
ang pakiramdam nila sa kanya.
Istricto ang kanilang ama, bawal
maglaro sa labas kapag gabi na,
maski lalaki ka man o babae, kahit
yong binata na kapatid ni Mateo ay
ganun din.
Naging aktibo si Mateo sa mga
samahan sa simbahan lalo na sa mga
gawaing ng mga kabataan, dun nya
naranasan kong panu maging
Masaya sa piling ng mga kaibigan na
nasa simbahan din, kahit
pinagbabawalan sya ng kanyang
magulang na pumunta, ay tumatakas
sya, makapunta lang sa Gawain ng
simbahan.
Sa simbahan sya nahasa sa pagkanta,
na hindi nya alam kong tlagang alam
nya o hindi, basta kanta lang sya
kong may kasal, sa choir at iba pa.
Minsan may natanong sa kanya if
gusto nya mag aral sa Seminaryo,
sagot nya eh,
“Bagay ba ako dun?, anu ba meron
dun?” mag-aaral ka dun para maging
mangagawa ka rin ng simbahan, kasi
nakikita ko meron kang potential na
para sa simbahan” sabi ng kasama
nya.
Dumating ang araw na naramdaman
nya na gusto na rin nyang pumasok
sa seminaryo, at nagpaalam sya sa
kanyang mga magulang.
“Nay,Tay gusto ko po sanang mag-
aral ulit,”
Sambit ni mateo sa kanayng mga
magulang ng may respeto, pero nong
narinig nila na sa Seminaryo sya
mag-aaral, hindi pumayag ang
parents nya, pero pinagpilitan ni
Mateo ang gsto nyang mag-aral.
Naayos na ang lahat ng mga papel
pra sa pagpunta nya sa seminary,
naaproban na ng Obispo ang
kanyang pag –aaral sa loob, at
nalaman ng parents nya, wala na
silang magagawa kasi ok na ang
lahat.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment