“Kuya. Kuya gising.”
Kasabay ng pagdilat ng aking mata ay siya ding pag-angat ng aking ulo na nakahilig sa braso ng aking mahal.
“Kuya kain na bumili ako ng pagkain.”
“Wala akong gana Angel.”
“Kuya, kailangan mong kumain, nangangangayat ka na ohh.”
Hindi ako umimik. Tinuon ko ang mata ko sa mahal kong nakaratay ngayon. Kasama kong nakita ang mga makina na nakakabit sa katawan niya para lang mabuhay siya. Para akong paulit-ulit na pinapatay sa tuwing makikita ko siya kalagayanan niyang iyan. Ang hirap-hirap, ang sakit-sakit. Kung pupwede ko lang akuhin ang hirap at sakit na nararanasan niya ngayon ay gagawin ko. Sobra-sobra na kasing paghihirap ng mahal ko eh.
Hindi ko namalayang tumulo na ang luha ko.
“Kuya.” ang sabi ni Ella kasabay ng pagpunas ng luha ko.
“Bakit ganito ang nangyari Angel? Bakit kailangan niyang maghirap ng ganito? Bakit niya kailangang paulit-ulit na masaktan?”
“Ssshhh. Kuya tama na.” sabay yakap sa akin.
“Bakit kailang maging ganito ang lahat? Ang lahat sa amin? Bakit Angel?? Bakit niya kailagang magdusa? Wala naman siyang ibang ninais kundi ang may mag-alaga’t magmahal sa kanya di ba? Bakit ganito kasama ang kapalaran sa kanya?” ang humahagulgol kong sabi.
“Kuya making ka.. ok? Makinig ka.” ang sabi niya kasabay nitong iniharap ang mukha ko sa kanya.
“Kuya sa totoo lang hindi ko alam kung bakit. Pero lahat ng bagay may dahilan. Kuya, magpakatatag ka, para kay Gab.” ang sabi niya na umiiyak na din.
Yinakap niya ako at ganun din siya, pinalabas namin ang pagdadalamhating nararamdaman sa isa’t-isa.
Nasa ganoon kaming pag-iyak ng biglang may pumasok sa pinto. Lumantad sa akin si Enso, Aling Nelly, Aling Minda, Inday, Kokoy, at Totoy. Sinarado ni Totoy ang pinto.
“Kuya Jared, kamusta na si Kuya Gab?” ang malungkot na tanong niya.
“Ganoon pa rin daw Enso.”
“Kailan ba siya magigising kuya? Mag-lilimang buwan na siya diyan ehh.” ang naluluhang sabi ni Enso.
“Gigising din ang kuya Gab mo Enso. Nagpapahinga lang siya, kailangan niya lang magpahinga mula sa...” ang hindi ko natapos na sabi gawa ng nag-crack nanaman ang boses ko.
“Mula saan?” ang tanong ni Enso.
Huminga ako kasabay nito ang pagbulalas ko ng gusto kong sabihin.
“Mula sa mapait na mundo. Kailangan niya lang ng enough time para magpagaling.”
Pagkatapos nito ay yinakap ako ng bata. Ramdam ko ang luha niyang tumutulo sa balikat ko.
“Dapat kasi ako nandyan ehh, dapat ako ang nakaratay dyan hindi si Kuya Gab.” ang humahagulgol niyang sabi.
“Wag mong isipin yan Enso, aksidente ang nangyari ehh.Wala kang kasalanan.” ang sabi ko.
Lumapit si Aling Nelly para himasin ang likod ni Enso at pakalmahin ito.
Ilang sandali pa ay biglang may nag-ring. Nakita kong hinugot ni Inday ang kanyang Cellphone. Si Inday kasi ang sumasagot sa lahat ng tawag sa bahay nila Gab.
“Eto nanaman!” ang sabi niyang may bahid ng pagka-irita. Nagpunas din ng luha si inday, umiiyak din pala siya.
“Bakit sino ba yan?” ang sabi ni Aling Minda.
“Aling Minda, eto yung kinukwento ko sa iyo nung isang araw na tawag ng tawag, hinahanap si Sir Ace at Sir Gab. Hindi ko naman maibigay kay Sir Ace dahil nagkukulong sa kwarto’t ayaw makipag-usap kahit kanino.”
“Sagutin mo Inday, Loud speaker ha.” Ang sabi ni Kokoy.
“Okey Kokiiee!” ang malanding sabi nito.
“Hallerryy Alvarez Residence. Inday on the line how may I help ya?” ang malanding sabi nito kahit nasa ospital kami. Pinindot niya din ang loud speaker.
“Ikaw na namang bobita ka!” ang sigaw ng babaeng nasa kabilang linya.
“Si Steph!” ang sabi ko sa sarili ko.
“Ineng, Ate, Mare, Manang, Mamita, Majordoma, whatevah! Wala kang magagawa teh! Ako talaga ang taga-sagot ng lahat ng tawag sa bahay na itey!” ang sabi ni Inday na nang-iinis pa.
“Dyan ka naman magaling eh, ang sumagot ng tawag dahil boba ka! Wala kang utak! Wala kang pinag-aralan! Hampaslupa!” ang sigaw ni Steph kay Inday.
“Same on you! I mean in you! Ay! Mali! To you! Ahahaha!!” ang paenglish-english pa ni inday kasabay ang paghalakhak nito.
“Hoy ha, bwisit na bwisit na ako sa iyo! Baka gusto mong pasabugin ko yang bunganga mo? Nasaan si Ace? Nasaan si Gabrie?” ang pagpuputak ulit ni Steph.
“I said you, I mean... I told you. Ahahaha!!” sabay halakhak na nang-iinis pa.
“Ayaw tumanggap ni Sir Ace ng kahit kaninong tawag, lalo na sa walang name at fez na kagaya mo.” Dagdag pa ni Inday.
“Hoy muchacha kang hampaslupa ka! Hindi mo kilala ang kausap mo!”
“Talagang hindi ko kilala dahil hindi ka naman nagpapakilala! Siguro pinanganak kang walang pangalan ano? Bruhang ito!”
“Hoy! Eto tandaan mo ha, isaksak mo sa maliit mong utak ang pangalang ito. Stephanie Isis Valencia Aragon, Tonta! Sabihin mo din sa dalawang amo mo na malapit na mapasa-akin ang majority ng AL-UR Inc.” ang mayabang na sabi nito.
“Huwaaaw!! Ang haba naman ng pangalan mo teh! Stephanie Isis Valencia Aragon Tonta! Hahaha!! Tonta ka nga talaga Miss Tonta!” ang sabi ni Inday sabay halakhak.
“AAARRRGGGHHH!!!” ang pagsisigaw nito kasabay nito ang pag-end call niya.
“Ay! Binaba na ni Miss Tonta ang phone!” ang sabi ni Inday.
“Papaanong mapapasakanya ang kumpanya!?!” ang biglang sigaw ni Kokoy, halata sa mukha ang pag-aalala.
“Bago nangyari ang aksidente ni Gab, napag-usapan na namin ni Ace na merong mga members ng board na kasabwat ni Steph. At sa nangyari kay Gab, ginamit na ni Steph ang pagkakataon para makuha ang kumpanya. Sa ngayon, malamang ay nakuha na niya ang loob ng board dahil wala ni-isa kina Gab at Ace ang lumilitaw.” Ang pagpapaliwanag ko.
“Ehh kuya sabihin mo na kaya sa board ang nangyari kay Gab?” ang sabi ni Ella.
Nag-isip ako, kung gagawin ko ito ay magpa-panic ang board members. At kapag nangyari yun, malamang ay makuha na nga ni Steph ang buong kumpanya. Nasa ganoon akong pag-iisip ng biglang nagsalita si Kokoy.
“Nagtataka lang ako Sir Jared, papaanong makukuha ng Steph na yun yung company? Di ba wala na siyang pera?” ang tanong niya.
Umiling ako.
“Remember Bianca? Yung pinsan ni Steph? Ace told me na merong company shares na naipasa ng Lolo ni Gab kay Bianca. Dagdag pa dito, may nawawalang 1 Billion sa account ni Don Raphael. Nawala iyon bago mamatay si Bianca. Nasabi din sa akin ni Ace na merong access si Bianca sa account ni Don Raphael.” ang paliwanag ko sa kanila.
“So Kuya, you’re telling me na nakuha ni Steph ang lahat ng iyon?” sabi ni Angel.
“Yes, She’s the legal Heir, by blood, Aragon si Bianca and so is Steph. Kung buhay ang Daddy ni Steph sa kanya mapupunta iyon but since patay na ang daddy niya. Steph is the rightful heir sa mga properties ni Bianca since unica hija din siya.”
“Anong gagawin natin? Hind pupwedeng mapunta sa bruha na iyon ang kumpanya.” ang sabi ni Kokoy.
“Enso, hindi mo ba talaga namukaan yung bumangga kay Gab?” dagdag pa ni Kokoy.
“Hindi eh. Pero sure akong si Steph yun. Bigla na lang nawala ang hayup na iyon after ng confrontation nila ni Kuya Gab sa Hospital eh. Isa pang napansin ko ay may gasang nakabalot sa mukha nung driver, dagdag pa dito yung scarf na nakapulupot sa leeg niya, parang kay Steph.” ang sabi ni Enso.
“Angel, kamusta ang kaso na isinampa niyo kay Steph?”
Imbis na sumagot ay tingin lang ang ginawa ng kapatid ko. Ilang sandali pa ay huminga ito ng malalim at sinabi ang isang bagay na nagpagulat sa akin.
“Iniurong ko ang kaso.”
“WHAT!?!? Bakit mo ginawa iyon Angel?” ang pagtaas ng boses ko.
“Kuya, tinakot ako ni Steph na kapag tinuloy ko ang kaso, ay sasampahan niya ng kaso si Gab sa pambubugbog sa kanya at sa damage na nagawa ni Gab sa mukha niya.”
“Pero Angel!” ang malakas na tono kong sabi.
“Violence Against Women and Children ang ikakaso ni Steph kay Gab. Kuya, kahit saang anggulo ay makukulong si Gab. Oo nagawa niya yun dahil nalagay sa piligro ang buhay ko at ang buhay ng anak namin. Pero kahit anong gawin natin ay wala tayong lusot kuya. Makukulong at makukulong si Gab.” Ang humahagulgol na sabi ng kapatid ko.
Hindi ako agad nakapag-salita. Nanlumo ako sa aking nadinig. Naisip ko tuloy, kapag nagising si Gab ay malaking posibilidad na makulong siya. Oo buhay nga siya pero nakakulong naman.
Nagkaroon ako ng matinding galit kay Steph. Ang lakas ng loob niya na gawin iyon. Siya na nga ang nagpahamak sa buhay ng kapatid at pamangkin ko, siya pa itong may lakas ng loob na magsampa ng demanda.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, yinakap ko na lang ang kapatid ko.
“Wag ka ng umiyak Angel. Nakakasama sa pamangkin ko yan eh.” Ang sabi ko sa kanya.
“Ikaw naman kasi eh.” ang sabi niya sabay hampas sa braso ko.
Pitong buwan ng buntis ang kapatid ko, kahit ganito ang kalagayan niya ay araw-araw itong nagbabantay kay Gab kasama ko. Nasa ganoon kaming lagay ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Linuwa nito si Papa at si Mama. Umuwi sila galing states kasama sina Tito Luis at Tita Tess nang mabalitaan nila ang nangyari kay Gab. Nag-beso ako sa kanila at pagkatapos ay…
“Jared anak, Pupwede ba kitang makausap?”
“Tungkol saan Pa?”
Hinatak ako ni papa palabas ng kwarto at dinala sa isang sulok. Umupo kami doon, ilang sandali pa ay ini-abot niya sa akin ang isang documento.
Kinuha ko ito at binuksan. Binasa ko ang nakasaad dito at nagulat ako sa aking nabasa.
“You’re giving all your shares sa akin!?!? Pa, Bakit??” ang gulat na gulat kong sabi.
“Jared, inagawa ko ito, dahil kailangan. Anak alam kong ikaw lang ang makakasalba ng kumpanya nila Gab mula kay Steph.” Ang sabi ni Papa.
Part si Papa ng board kaya alam niya ang nangyayari sa kumpanya.
“Pa!”
“Ace told me everything. Gab trusted your ability, and so is Ace. Actually si Ace ang nag-propose nito.”
Nagulat ako sa sinabi ni Papa, I can’t believe that Ace wants me to take the company.
“Pero Pa, di ba dapat si Ace ang lumaban para dito?”
“Wala ng tiwala ang Board kay Ace. Kay Gab lang nakikinig ang board. At sa situasyon ngayon, unti-unti ng nakukuha ni Steph ang loob ng board. But Jared, remember how you save the company from the scandals na pinakalat dati ni Steph? Naalala mo ba kung papaano mo nalinis ang pangalan mo at pangalan ni Gab sa public? Naalala mo ba kung papaano bumilib ang lahat sa isang trainee na kagaya mo? They believe in your capabilities, And I know that they believe in your ability to lead the company like Gab. Or should I say--- Erick.” Sabay kindat at ngiti.
“But I’m just a trainee Pa, I’m just Jared Earl Cruz, I mean, I can’t be like Gab or Erick na ganoon kagaling. I mean, Gab is like a Great Wall. A shinning wall na kung sino man ang bumangga ay natutumba. A powerful tychoon.”
“Anak, isipin mo na lang. Ano ba si Gab noon?”
Sa simpleng salitang iyon, natahimik ako. Tama si Papa. Now I realize, like Gab, kulang ako ng bilib sa sarili ko. May paninindigan, pero kulang sa gawa.
Naisip ko tuloy ang nangyari sa amin dati ni Gab. Kung naging matapang lang ako noon, edi sana hindi nagalit si Gab sa akin at hindi rin siya lumayo. Pero naisip ko din noong isinakatuparan ko ang paninindigan ko, ang paniniwala ko, ay nagbalik ang dating Gabriel. Kasama ang pagmamahal niya sa akin.
“Tama ka Pa..”
“So. Tinatanggap mo na? You will hold a big amount of shares Jared.” Ang pagsisigurado niya.
“Yes, I will! Gagawin ko ito para kay Gab.” ang sabi ko. Buo na ang loob ko.
“Then pirmahan mo na ang documentong yan. Paalala ko lang anak, tuso ang makakalaban mo.”
“I know Pa, but I think I’m ready. Ready to fight for Gab.” ang matigas ko sabi.
Inakbayan ako ni Papa at pagkatapos ay sinabi niyang.
“I’m proud of you son.”
“Thanks Pa.” ang sabi ko kasabay ang pagyakap ko dito.
The moment I accept this battle is the moment that I start to fight for Gab kay Steph. Bahala na kung saan hahantong ang laban na ito, pero sisiguraduhin kong hindi ko bibiguin si Ace, si Mama, si Papa, at si Gab.
Kinagabihan ng araw ring iyon, nagbabantay pa rin kami kay Gab ng bigla kong naitanong ang sila Tito Luis at Tita Tess.
“Pa, Ma, sila Tito and Tita po?” ang tanong ko sa kanila tungkol sa parents ni Gab.
Imbis na sagutin ang tanong ko ay nagkatinginan lang sila.
“Why? What’s wrong? Anong nangyari?” ang sunud-sunod kong tanong.
Yumuko si Papa at tumingin si Mama sa akin, isang buntong hininga ang ginawa niya.
“Anak kasi…”
“Kasi ano Ma?”
“They’ll going to meet their daughter. Gab’s lost twin sister.”
Nanlaki ang mata ko sa aking nadinig. Hindi makapaniwala sa aking nalaman.
“Papaano!?!? I mean, papaano nila na-confirm na siya nga ang kapatid ni Gab??”
“Ako kuya.” ang sabi ni Ella na nanggaling sa labas ng kwarto.
“Sinabi ko na sa kanila ang totoo.” Dagdag pa nito.
“Anong totoo Angel?” ang naguguluhan kong sabi.
Yumuko siya, humugot ng lakas para makapagsalita.
“Kuya kasi… Matagal ko ng alam.” ang nanginginig pa rin niyang sabi.
“Kailan pa ito?” ang mahina kong tanong.
“Pagkagaling niyo ni Gab ng Paris kuya. Kuya, hindi ko masabi sa inyo ni Gab kasi nakiusap siya… Kasi...” ang umiiyak niyang sabi.
“Kasi ano? Angel ano!?!?” ang sigaw ko.
“Jared! Tama na yan!” ang sigaw sa akin ni Mama.
“Kuya kasi, ayaw niyang may ibang makaalam ng dinadala niya, ayaw niyang malaman ng kahit na sino sa atin ang mabigat na dinadala niya!” ang sigaw niya sa akin.
Hindi na ako nagsalita, tumingin ako sa kisame sabay sabing…
“Sino siya Angel? Gusto ko siyang makita’t makausap.” ang sabi ko sabay tingin sa kanya ng diretso.
Hindi agad nakakibo ang kapatid ko, naupo siya at sinabi ang pangalan ng kapatid ng mahal ko. Sa pagbulalas ni Ella ng katotohanan ay siya ding pagkawala ng aking emosyon.
=====PAGLALAHAD NI GAB=====
“Gab ito na... Ito na ang kabayaran ng poot at paghihiganti.” ang sabi niya sa akin.
“Anong ibig mong sabihin kuya?” ang naguguluhan kong tanong.
“Bunso, sana pagkatapos nito ay imulat mo ang iyong mga mata sa katotohanan. Hayaan mong tuluyan ng mapawi ang galit na nasa puso mo. Tama na Gab.” ang mahinahon niyang sabi.
“Kuya hindi kita maintindihan ehh.”
“Sana, sa muling pagdilat ng iyong mata, sa muling pagkita mo ng liwanag ay siya ding pagkamulat mo sa katotohanan. Katotohanang walang patutunguhan ang poot. At... katotohanang matagal mo ng dapat nalaman.”
Hindi pa ako nakakapag-salita ng bigla niya akong yakapin. Ang dami kong gustong itanong, ang dami ko malaman, ngunit hindi na ako makapagsalita.
Ilang sandali pa ay biglang napawi si Kuya sa aking paningin. I saw black, darkness. As in pure darkness. Ramdam ko rin na parang may bendang nakabalot sa mata ko.
Ilang sandali pa ay nadinig kong may nag-uusap.
“Ano bang nangyari sa anak natin Luis?” ang sabi ng babae sa may bandang tabi ko, bakas sa boses ang pag-iyak nito.
“Si Mama!” ang sigaw ko sa sarili ko.
“Diyos ko! Bakit ganito ang nangyayari sa pamilya natin Luis? Si Gab, nasa alanganin ang kalagayan. Ang kapatid naman niya’y…”
Imbis na tapusin ang sinasabi niya’y humagulgol na lang ito.
Sa pagkakataong ito, nakaramdam ako ng matinding awa kay Mama. Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko sinabing hindi ko sila kilala. Nagsisisi ako sa lahat ng mga nagawa ko, dahil hindi lang ako ang nahihirpaan, kundi pati ang mga mahahalagang tao sa buhay ko. Dahil dito, hindi ko napigilang lumuha.
“Luis! Si Gabriel!” ang sigaw ni Mama.
Nadinig kong bumukas ang pintuan.
“Gabriel anak! Nadidinig mo ba ako? Nadidinig mo ba si Mama? Magsalita ka naman oh.” Ang umiiyak na sabi ni Mama.
“M-Ma…” ang sabi ko, bakas sa boses ang hirap.
“Diyos ko! Gising na ang anak ko!”
Pagkatapos sabihin ni Mama ang katagang iyon ay nadinig kong may mga yapak ng sapatos galing sa labas papalapit sa akin. Iyon ang huli kong natandaan.
Hindi ko alam kung gaano katagal ako nakatulog, ngunit sa aking pagising ay may isang taong naramdaman kong nakahawak sa aking braso. Bumulong siya.
“Hindi kita iiwan, lagi lang akong nandito sa tabi mo… mahal na mahal kita.” Bakas sa boses na umiiyak ito.
“Si Jared!” ang sigaw ko sa isip ko.
At kasabay nito’y nadinig kong nag-play ang isang kanta. Isang kanta na naging dahilan ng muli naming pagkikita, at pagpapatuloy ng naudlot na pagkakaibigan.
Josh Wilson - Before The Morning
Mp3-Codes.com
Do you wonder why you have to,
feel the things that hurt you,
if there's a God who loves you,
where is He now?
Maybe, there are things you can't see
and all those things are happening
to bring a better ending
some day, some how, you'll see, you'll see
Would dare you, would you dare, to believe,
that you still have a reason to sing,
'cause the pain you've been feeling,
can't compare to the joy that's coming
so hold on, you got to wait for the light
press on, just fight the good fight
because the pain you've been feeling,
it's just the dark before the morning
My friend, you know how this all ends
and you know where you're going,
you just don't know how you get there
so just say a prayer.
and hold on, cause there's good who love God,
life is not a snapshot, it might take a little time,
but you'll see the bigger picture
Would dare you, would you dare, to believe,
that you still have a reason to sing,
'cause the pain you've been feeling,
can't compare to the joy that's coming
so hold on, you got to wait for the light
press on, just fight the good fight
because the pain you've been feeling,
it's just the dark before the morning
yeah, yeah,
before the morning,
yeah, yeah
Once you feel the way of glory,
all your pain will fade to memory
once you feel the way of glory,
all your pain will fade to memory
memory, memory, yeah
Would dare you, would you dare, to believe,
that you still have a reason to sing,
'cause the pain you've been feeling,
can't compare to the joy that's coming
Would dare you, would you dare, to believe,
that you still have a reason to sing,
'cause the pain you've been feeling,
can't compare to the joy that's coming
com'n, you got to wait for the light
press on, just fight the good fight
because the pain you've been feeling,
it's just the hurt before the healing
the pain you've been feeling,
just the dark before the morning
before the morning, yeah, yeah
before the morning
Habang nagpi-play ang tugtog ay sinabayan niya rin ito ng kanta. Nasa kalagitnaan pa lang ng kanta’y hindi ko napigilang lumuha. Biglang humigpit ang hawak niya sa braso ko ng tumulo ang aking luha.
Nang matapos ang kanta’y nag-salita siya.
“Kamusta ka na Gab? Kamusta ang nararamdaman mo ngayon?” ang mahina niyang sabi habang pinipisil-pisil ang aking braso.
“Bakit wala akong makita Jared?” ang diretsong tanong ko sa kanya.
Hindi siya naka-sagot. Nadinig ko na lang ang paghagulgol niya. Hinalikan niya din ang aking pisngi at inihilig ang ulo sa aking braso. Dahil dito, nakaramdam ako ng takot, matinding takot.
“Jared sagutin mo ako! Bakit wala akong makita?” ang pagsisigaw ko.
Nasa ganoon akong pagsisigaw ng biglang bumukas ang pinto.
“Gab, anak…”
“Ma?”
“Gabriel!” ang sigaw niya sabay yakap sa katawan ko.
“Ma, na-miss kita. Sorry po sa ginawa ko ha?”
“Ssshhh… Wag mo ng isipin iyon anak.” Ang sabi niya sabay punas ng luha ko na dumadaloy sa pisngi.
“Ma, bakit wala po akong makita?” ang takot kong sabi.
Imbis na sumagot ay nadinig ko ang kanyang paghagulgol.
“Mama, bakit po wala akong makita? Bakit hindi ko kayo makita ni Jared? Ma sagutin niyo ako!” ang pagsisigaw at pag-iyak ko.
“Kasi anak… N-nasira ang mata mo.” Ang nanginginig niyang sabi.
Parang gumuho ang mundo ko nang madinig ko ang katagang iyon. Parang nawalan ako ng ganang ipagpatuloy pa ang buhay ko. Naalala ko tuloy ang sinabi ko dati kay Jared; ang pagkabulag ay isa sa aking pinaka-kinatatakutan. Heto, nangyari na nga… Ayokong mamuhay bilang isang bulag. Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang ako kesa mabulag ako habang buhay.
“Hindi totoo yan… Hindi totoo yan!!!” ang pagsisigaw ko kasabay nito’y pagwawala ko. Hinugot ko rin ang dextrose na nakakabit sa akin.
Ramdam kong yinakap ako ni Mama, samantalang naramdaman ko naman ang mga kamay at braso ni Jared na pumipigil sa akin.
“Ma, hindi ako pupwedeng mabulag Ma! Natatakot ako Mama!” ang pag-iiyak at pagsisigaw ko.
“Huminahon ka anak. Gagawan natin ng paraan ha?” ang sabi niya habang yakap ako.
“Jared… Please… Jared ayokong mabulag... Ayoko!!!” ang pagsisigaw at pagwawala ko pa rin.
“Nandito lang ako Gab, hindi kita iiwan kahit anong mangyari. Kumalma ka lang please. Hindi makakatulong yan eh. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo.”
“Jared hirap na hirap na ako! Wala ng mashihirap pa sa situasyon ko! Kumuha kayo ng kutsilyo’t saksakin niyo na lang ako para mamatay na ako!” ang sigaw ko sa kanya.
Nasa ganoon akong pag-iyak at pagwawala ng naramdaman kong may sinaksak silang karayom sa aking braso. Malamang pampatulog ito para kumalma ako. Ilang sandali pa’y umepekto na ang gamot.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog. Sa aking pagising ay siya ding pagtahimik ko. Hindi ko sila masyado kinakausap dahil ang gusto ko na lang ngayon ay mamatay na lang ako para matapos na ang paghihirap ko.
Ilang araw rin akong nakaratay sa ospital. May mga bumisita sa aking kamag-anak, mga kaibigan, kaklase noong high school na humingi ng tawad at binigay ko naman. Dahil dito, kahit papaano’y gumaan ang pakiramdam ko. Naramdaman kong napaka-selfish ko dahil merong mga taong gusto akong mabuhay at lumaban, samantalang ako gusto ko ng tapusin ito.
Isang araw, naka-upo ako sa wheel-chair noon kasama ang nurse at si Ella.
“Ella…”
“Yes Gab?”
“Alam mo, mabuti na rin sigurong nabulag ako nuh?”
“Bakit naman?”
“Kasi… Masyado ng maraming kasamaang nakita ang mga mata ko. Masyado ng maraming negatibong imahe ang nakita ng mata kong ito. Masyado na rin itong nabulag sa galit, sa paghihiganti... dapat ng itapon, dapat ng palitan.” Ang seryoso kong paliwanag.
Imbis na sumagot ay binago niya ang usapan namin.
“Gab…”
“Yes Ella?”
“8 months na ang anak natin.” Ang masaya niyang sabi.
Ngiti lang ang sagot ko. Muli ay naramdaman kong dapat akong lumaban para sa magiging anak ko.
“Inaalagaan mo ba yan ha?”
“Oo naman nuh!”
“Good. Naku! Mamaya niyan pinapagod mo yang bata. Araw-araw ka kasing nandito eh.”
“Hindi nuh! Kung pupwede ko nga lang ipakita sa iyo yung ultra-sound eh para makita mo kung gaano ka-gwapo ang bata kagaya mo.” Ang masigla niyang sabi.
Natuwa ako sa sinabi niya, but at the same time, naramdaman ko ang pagka-awa sa sarili… dahil bulag ako.
“Gab, wag ka ng malungkot.” Ang sabi niya.
Napansin niya siguro ang pagtahimik ko.
“Lahat ng pagdurusa, lahat ng paghihirap, lahat ng iyan, natatapos din.” Ang casual niyang sabi.
Hindi ko alam kung anong gusto niyang ipahiwatig doon, gusto ba niyang isipin kong may pag-asa pa sa kalagayan ko? Kasi sa totoo lang, hindi ko na iniisip na gagaling pa ako, na makakakita pa ako. Oo, nag-fufunction ng maayos ang lahat ng parte ng katawan ko, pero bulag naman ako. So what’s the use?
“Hay Ella.” Ang sabi ko na lang.
“Basta Gab, trust in God… Alam kong kaya mo yan. Malay mo, few days later magaling ka na. Basta lagi ka lang maging handa Gab. Laging Handa.” ang sabi niya, halata sa tono ang saya nito.
Hindi ko na lang pinansin iyon, imbis ay nanalangin ako.
“Kayo na pong bahala sa akin. Kung may mahihiling man ako, yun ay sana… Mahanap na ang kapatid ko. Sana maging maayos ang problema sa kumpanya, at sana… Maging maayos na ang lahat.”
Isang araw, sinabihan ako ni Mama na meron daw gagawin sa akin kaya patutulugin nila ako. Hindi na ako nagtanong pa kung ano pa iyon.Nang magising ako ay parang wala namang pinagbago, ganoon pa rin. Pero kagaya ng hiniling ko noong isang araw, sana nakatulong ang ginawa sa akin kung anuman iyon.
Isang araw…
“Gab anak, wag kang malikot ha?” ang sabi ni Mama.
“Bakit Ma?”
“Basta anak…”
Ilang sandali pa’y naramdaman kong tinatanggal nila ang benda sa aking mata.
“Now Gab, slowly… Idilat mo ang mga mata mo.” Ang sabi ng doctor.
Hindi ko alam pero bigla akong nabuhayan ng loob. Naisip ko bigla yung sinabi sa akin ni Ella at sinabi ni Mama na may gagawin sila sa akin.
“Makakakita na kaya ako?” ang na-eexcite kong sabi sa sarili ko.
Pagdilat ko ng mga mata ko’y nakita ko na medyo madilim na hindi ko maintindihan. Ilang sandali pa ay may mga tao akong naaninag. Unti-unti, nakita kong luminaw ito at nakita ko yung Nurse, si Doc, mga kasambahay namin, si Tito Angelo, si Tita Jade, si Mama, si Papa, si Ella, at si Jared.
Napangiti ako kasabay ang pagtulo ng luha ko senyales na nakakakita na ako.
Bigla silang nagpalakpakan, lumapit si Mama, si Papa, at si Jared.
Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ng mga oras na iyon. Parang daig ko pa ang nanalo sa lotto. Naalala ko tuloy ang sinasabi sa kantang “Before the Morning”, na sa bawat pagsubok, sa bawat sakit, sa bawat paghihirap, sa bawat pagdurusa, mayroon umagang nag-aabang para sa atin, na dapat hindi tayo mawalan ng pag-asa.
“Salamat sa Diyos!” ang lumuluhang sabi ni Mama.
“Sabi ko naman sa iyo Gab eh, wag kang bibitiw.” Ang sabi ni Jared na nakayakap sa likod ko.
“Ma’am Tess! Sir Luis! Hayaan niyo muna mag-moment yung dalawang mag-jowa!” ang biglang sabat ni Inday na kinatawa naming lahat.
Bigla naman akong namula pagkadinig ko noon. Kita ko din na abot-tenga ang ngiti ni gago. Hinawakan niya ang pisngi ko at pagkatapos ay pinunasan ang luha dito.
“Wag ka ng umiyak Gab. Eto naman napaka-iyakin.” Ang sabi niya na natatawa.
“Eh kasi naman eh! Hindi ko akalaing ganito na… na makakakita pa ulit ako. Hindi niyo man lang sinabi sa akin!” ang sigaw kong naiinis sa kanila.
“Para surprise Sir Gab!” ang sabat ni Kokoy.
“Yeaaahhh!!! Tingnan mo oh, sobrang saya ni Ser Gab, pero mas masaya siya dahil nakita na niya ang jowa niya! Pupwede na ulit sila magbembangan! Yehey!” ang walang prenong sabi ni Inday sabay palakpak pa na nakakaloko.
Para akong naging istatwa sa sinabing iyon ni Inday, kita ko naman na nagtawanan sila sa sinabi ng bobitang bungangerang ito.
“Ikaw talaga!” ang sabi ni Aling Minda sabay pingot at tampal dito.
“Arrraaayyy naman Aling Minds!” ang sigaw nito.
Muli ay napuno ng tawanan ang apat na sulok ng kwarto. Ilang sandali pa’y napansin nila ang pagtahimik ko.
“Anak bakit? May masakit ba? May bumabagabag ba sa iyo?” ang tanong ni Papa.
“Wala naman… I just want to meet the family of my donor.” ang seryoso kong sabi sa kanya. Nagtinginan si Papa at Mama, habang si Ella naman ay napa-yuko. Tumingin ako kay Jared na naka-akbay sa akin at nakita kong nakatingin siya sa akin ng seryoso.
“Bakit?”
“Ah anak, pupuntahan natin yung…” hindi niya natapos ang sasabihin, pansin ko ang namumuong luha sa mga mata nito.
“Ma, bakit ka umiiyak?”
“Ah wala! Wala! Pupuntahan natin siya next week.” Ang sabi ni Mama.
Hindi ko alam pero kinutuban na ako ng masama. Tinanong ko din kung nasaan si Ace, ang sabi ay may inaasikaso daw at next week ko daw siya makikita. Ganoon din si Ely. Tinanong ko rink ay Jared ang lagay ng kumpanya ngunit ang sabi lang nito’y pag-uusapan naming iyon next week. Hindi ko alam kung bakit puro next week ang sagot nila, iniisip ko tuloy parang revelation day iyon eh.
Dumating ang araw na makikilala ko ang pamilya ng Donor ng mata ko. Mag-aalas sais ng umaga ng bumyahe kami. Dalawang van ang ginamit namin patungo doon. Sumakay rin kami sa barko na pag-aari ko’t dumiretso sa isang isla. Nang makarating na kami doon ay namukaan ko ang lugar.
“Jared, anong ginagawa natin dito?” ang naguguluhan kong tanong.
Alam ko kasing napuntahan na namin nila Jared, Ella, at Ely ang lugar na ito noon bago kami gumraduate ng high school.
“Tara Gab.” Ang seryoso niyang sagot.
Habang naglalakad kami sa maputing buhangin patungo sa bahay sa gitna ng isla, napansin kong wala masyadong nagbago rito. Nandyan pa rin ang malalaking itim na bato sa isang sulok kung saan dati kaming umuupo para abangan ang sunset. Sa isang parte ay nandoon pa rin ang makukulay na bulaklak at iba’t-ibang klaseng halaman. Syempre hindi mawawala ang malalaking puno na nagsisilbing lilim sa aming paglalakad. Malamig ang simoy ng hangin, at kung titingnan ang dagat ay para itong isang crystal sa sobrang linaw. Isolated pa rin ang dating ng Isla.
Nang makarating kami sa bahay na nasa tuktok ng burol ay muli, tumingin ako sa likod at natanaw ko ang kabuuan ng isla. Napaka-ganda, parang paraiso.
“Gab!” ang tawag ni Tito Angelo sa akin sa loob ng bahay.
Pagpasok ko ng bahay ay napansin kong walang nagbago rito, kagaya pa rin ng huling punta namin apat na taon na ang nakakaraan. Hindi ko maiwasang magtanong…
“Bakit niyo ako dinala dito? Asan ang pamilya ng donor ko?” ang tanong kong naiirita na. Kasi naman, alam kong walang nakatira sa bahay na iyon dahil inuupahan iyon.
Tumingin si Mama kay Jared at pagktapos ay tumango ito.
“Gab, tara sa itaas…” ang sabi lang niya sabay akbay sa akin.
Pagdating naming sa ikatlong palapag ng bahay ay dumiretso kami sa isang kwarto, binuksan kumatok ito’t binuksan ang pinto.
Pina-una ako ni Jared pumasok at laking gulat ko sa aking nakita.
(ITUTULOY)
No comments:
Post a Comment