PART 3
Hindi ako makatulog.
Hindi ako mapakali.Ano ba itong nararamdaman ko.ang dami kong gustong
sabihin pero hindi ko alam kung sino ang kakausapin ko . kung sino ba
ang pagkakatiwalaan ko.sino bang tatakbuhan ko. Gusto kung sumigaw.
Gusto kong magwala. Gusto kong pakawalan ang mga bagay na nagpapahirap
sa kalooban ko. Gusto kong umiyak ng husto pero bakit ganito
patak-patak lamang ang luha na lumalabas sa mata ko.
Gusto kong
puntahan si ryan sa bar kung saan sila magkasama ni Jorge. Gusto kong
su-ungin ang ulan sa malalim na gabi para puntahan sila. Paano nalang
kung mag ginagawa silang masama? Paano kung may mang-yari sa kanila?
Paano kung patusin ni Jorge si ryan?
Anu ba itong naiisip ko,
lalong sumisikip ang dibdib ko. Pero hindi ko maiwasang maisipan ang mga
bagay na iyon. Paano kung malaseng sila pareho at mangyari kagaya ng
nangyari sa-amin ni ryan? Mababaliw ata ako.
Kung sa bagay,
wala naman mawawala sa kanya kahit na may mangyari pa sa kanila. Kung sa
bagay wala ring mawawala sa akin kahit na magkagustuhan pa sila. Lalake
silang pareho at kahit na ilang beses pa sila magtalik walang mababawas
at walang madadagdag sa mga sarili nila.
At sa akin naman, waaaaahh anuba dapat kong isipin.
Pilit kong binabalanse ang lahat ng bagay ng mga oras na iyon. Guess
thinking things in appositive ways will make better. Kaso ang
hirap.nagtatalo ang isip at utak ko. Anung oras na, hindi parin ako
makatulog. Mag-1am na.
tumayo ako sa pagkakahiga. napagawi
ako sa bintana. Napasilip ako sa labas para makalanghap ng sariwang
hangin dala ng sama ng panahon. Napansin kong may tao salabas. Basang
basa. Naka-upo sa labas habang umuulan. Nakaparke din sa tabi nito ang
kotse na kulay itim. Kilala ko ang postura ng lalakeng iyon. Kahit
nakatalikod ay kabisado ko ang itsura nito sa malayuan. Si ryan nga
iyon. Nakapandong lamang ito ng papel. Kakaiba, bakit sa dinami daming
pwedeng gamitin bakit papel pang naisipan niyang gamitin pananggalang sa
ulan?wala ba siyang payong? Pagkaka-alala ko meroon siya nito saloob ng
kotse.
Papanaog ba ako para puntahan siya? Oh hahayaan ko
nalang siya para makalimutan na niya ako. Pero, nagpa-alam na ako sa
kanya at pinaramdam niya nawala akong halaga sa kanya nitong araw na
ito. Imposible namang hindi niya ako matxt man-lang. imposible namang
hindi niya ako matawagan.
Hindi ako nakatiis. Pinuntahan ko siya sa labas.
“wuy anu bang ginagawa mo dito? Bakit nagpapau-lan ka? Basang basa ka na oh. Gusto mo bang mag kasakit?” tanong ko sa kanya?
“may kailangan ka bas-akin? Umuwi kana kaya anung oras na oh.
Mag-uumaga naat para makapagpalit kana ng damit mo. Basang basa na”
dagdag ko pa sa nauna kong sinabi.
“tamtam pwede ba kita makausap?” tugon niya sa akin.
“bakit? Anong meron? E dib a magkasama kayo ni Jorge?”sabi ko sa kanya.
“oo kanina magkasama kami. Umuwi di ako agad.” Aniya habang nakatungo
siya at nakaupo sa gilid ng kalsada at nagpapaulan.nakaextend ang mga
kamay nito at basing basaang soon ng longsleeve sa mga patak ng ulan at
bakat ang hubog ng mgamuscles nito sanhi ng pagkakadikit ng soot niya.
“so-sorry!” namamalat ang pagkakasabi niya at halatang umiiyak. Hindi
ko Makita ang mga mata niya dahil kasalukuyan siyang nakatango.
“Sorry saan?” pakli ko habang kunukubli ko ang galit sa kanya ng mga panahong iyon.
“sa lahat lahat.siguro tama ka. Tigilan na natin to. Ang sakit.
Ayokong dumating ang isang araw na ipagtabuyan mo ako. Ayoko dumating
ang isang araw na lalo mo akong kamuhian. Ayokong saktan ka.ayokong
gumawa ulit ng dahilan para paiyakin ka. Tam, naiinis ako sa sarili ko!”
tugon niya na umiiyak na.
“ta-tangap ko lahat ng mga sinabi
mo.hindi kita kaylan man niloko. Hindi kita kaylan man pinagpalit sa
kung sinu-sino. Ikaw lang ang mahal ko. Pe-pero mas lalong hindi ko
matatangap na ako ang dahilan ng pagihihrap mo. Alam kong mali itong
gagawin ko na pakawalan ka.alam kong makasarili ako sa desisyon na
to,pero ayokong masira ang maganda nating nasimulan dahil sa isang
dahilan na di mo pa alam kung ano ba talaga ang ngyari.”dagdag pa niya.
“ito naman talaga ang gusto mong mangyari diba? Ito naman talaga ang
gusto mo noong una palang. Ang daming pwedeng gawin kung may paraan
kalang para magparamdam. Wag mo akong gawing tanga. Wag mo akong gawing
katawatawa.bakit kayo magkasama ni Jorge? bakit? Oo andun na tayo,
kaibigan ko nga yung tao, pero ang masakit si jorge ang nagtxt sa akin
na magkasama kayo sa bar. Anu ang iisipin ko? Diba masakit? Pwede ka
namang magpaalam ng maayos sa akin.pwede mo rin naman akong isama di ba?
Bakit gusto mo rin ba siya? Bakit gusto mo rin bang tikman siya?
Ganoon ka ba? Wala kang pinagkaiba sa mga bakla na sex lang ang habol?
Pinagkatiwalaan kita. Alam mo bay un?” mangiyak ngiyak kong sinabi it
okay ryan.
Di ko namalayang tumulo na pala luha ko sa kirot na naramdaman ko.
"si-sige". Panalo kana. Gawin mo na ang gusto mong gawin. Magsama kayo.
Balewala naman ako diba? Sige dina kita guguluhin. Ito ang gusto mo
diba? Magagawa mo na ang lahat ng gusto mo ng wala ako. Putang ina. Ang
sakit. Minahal kita ng sobra. Pero bakit ginago mo ako. Gusto kong
manapak ng tao. Bakit mo ako ginago?” dagdag ko pa habang garalgalnaang
boses kosa pag-iyak.
“tamtam please.wag ka naman magalit sa akin.” Ika ni ryan.
“gago ka ba? Bakit di ako magagalit sayo, e nanggago ka.nanloko ka. Ang
sakit alam mo. Hindi mo nararandaman ang nararamdaman ko. Umalis kana.
Ayoko ng makitaang pagmumukha mo kahit kelan. Magkasaya ka.” Sabi ko kay
ryan at tumalikod na ako sa kanya at pumasok na sa loob ng bahay.
Naiwan si ryan sa labas. Naiiyak ako sa mga nangyari sa amin ngayong
gabi. Nakaramdam ako ng awa sa mga sinabi ko kay ryan. Basing basa
siryansa ulan, maga ang mata sa kakaiyak.
Makatarungan bang
pagtrato ko sa kanya. Hindi siyagaanong nakapagsalita. Ni hindi kosiya
binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag. Bakit di nya sinabi kung
mayroon man siyang dahilan. Gawa-gawa nya lang ba iyon? Para-paraan
nalang ba para makapagpalusot siya.tameme naman siya kanina.
Isang linggo na ang lumipas mula ng gabing iyon. Isang linggo na din
akong hindi pumapasok ng school. Wala kaming kumunikasyon ni ryan mula
noon.sariwa parin sa mga alaala ko ang nagyari. Gusto ko magliwaliw para
makalimutan siya. Halos ikinulong ko ang sarili ko ng boong isang
linggo sa bahay at umiinum ng alak mag-isa. Tulala parin ako sa
pag-iisip ng mga bagay na nagpapasakit ng kalooban ko.
Dumaan
ang ikasampong monthsary naming nahindi nag-usap. Nawalang special
memory. Nakakalungkot. Naalala ko ang pinagawa kong singsing na
nakapatong sa drawer ko. Disanasuot suot niya ito ngayon.ito pa man din
ang pinaka-espesyal na regalo kosa kanya. Naiiyak nanaman ako ng mga
panahong iyon.
Maya-maya pa may kumatok sa pintuan.
Nakakapagtaka wala naman akong inaasahang bisita. Laking gulat ko ng
Makita ko trixie. Siya lang magi-isa.ano kaya ang pakay niya sa akin?
Kukumustahin niya ba ako? Sa bagay alam niya naman ang bahay ko. Nadala
ko na pala siya dito. Samantala yung dalawa kong kaibigan hindi ko pa
nadadala dito sa bahay namin. Ayoko lang.ayoko kasi malaman nila kung
saan ako nakatira. Hirap na may mga sekreto rin kasi akong tinatago. Si
trixie lang ang kauna-unahang babae na dinala ko dito sa bahay. Noong
pinakilala ko siya sa kuya ko bago umalis ng ibang bansa.
“rick? Tao po!!! Rick anjan ka ba?” sambit ni trixie.
“oo teka lang. anjan na” tugon ko naman!
“tagal ha! Hmmp” tugon naman ni trixie naalam kong nagbibiro iyon!
“oh bakit ka napadalaw? Anong merun? Pagtataka ko naman.
“anong napadalaw ka jan? loko-loko ka hindi kana pumapasok. Hinahanap
ka ng mgaprofessors natin kung magdrop ka na daw ba? Nga pala hinahanap
ka din nila cerge at Jorge di ka naman daw makontak. Dika din daw
nagrereply sa fb. Ano ba ang nangyari?may problema ka ba?” tanong ni
trixie sa akin.
“ ah wala naman hehe”pilit kong tinatago ang sariliko sa mgangiti ko.
“sampalin kaya kita jan anung wala?eh bakit parang nagmumukmok ka dito?
Mayfamily problem ka ba? May pinagdadaanan kaba? At teka, ambantot mo
na di ka pa ba naliligo? At bakit ang kalat dito sa bahay mo? Anung
merun? May delubyo ba na dumaan dito. Ang daming bote ng alak, nagkaroon
ba ng party party dito?di Kaman lang nam-imbeta? Daming upos ng
sigarilyo!naku addict ka na ata babe! ^^” ngumingisi si trixie habang
sinasabi niya ito at nalala pa pala niya ang tawagan naming.
napangiti naman ako doon.biglang napawi ang naramdaman kong lungkot.
“hay naku, lilinisin ko muna to ha, at pwede ba maligo ka na at mag
ahit kita mo yan bigote mo eh ,hindi kana gwapings oh. Mukha mona si
squidward sa spongebob pero ang cute mo parin ^^” wika ni trixie
Napakadaldal talga ng babaeng ito. Hay kung ganito lang siya lage
malamang di ako nagsawa sa kanya na mahalin siya.kakaiba ang kakulitan
niya ngayon. Nakakamiss din siya sa totoo lang. ang dami dami na niyang
tanong at sinasabi, miski isa sa mga iyon hindi ko nasagot.
Hinayaan ko na lamang siyasa ginagawa niya. Habang ako nakaupo sa sulok.
Pinakikinggan ko siya sa mga sinasabi niya. Na-aaliw ako pag naririnig
ko ang boses ni trixie. Parang nanay ko na din kung umasta ang babaeng
ito.ang sarap sunggaban ng halik habang nagngangangawa siya sa mga
sinasabi niya.
“babe sasamahan kita hanggang bukas, tutlungan
kita maglaba ng mga labahan mo tambak na oh. At lilinisin ko ang bahay
mo. Grabe oh, sobrang dumi.pati ikaw madumi na din. Eh kung tumatayo ka
na kaya jan noh at maligo” wika nito.
“hmmm ge mamaya ako maligo pagtapos ka na jan”pakli ko naman.
Pinagmamasdan ko si trixie habang inaayos niya ang kobre kama at
pinapalitan. Maganda si trixie, may katangkaran dinito. Maputi. May
nunal din ito malapit sa labi niya. Mapungay ang mata at higit sa lahat
sexy, ang liit ng bewang proportion ang katawan nito lalo na ang boobs.
Naka sleeveless lamang ito ng mga panahong iyon at maikling short,
habang nakapuyod naman ang buhok nito at natatakpan ang kaliwang kilay
na humahampashampas sa mukha niya tuwing kumikilos.ang hahaba ng mga paa
lalo na pag naka high hills, maliliit na bilog ang hubog ng mga binti.
At napapawi ang lahat ng lungkot ko sa tuwing ngumingisi ito sa akin.
“pogi ano na tulala ka nanaman jan.”bulalas nito sa akin.
“ah .. ehhh wala naaliw lang ako sayo. Naiinlove kasi ako sa itsura mo
ngayun. Haha ngayun ko lang nakita na ganyan ka. Pero ang swett mo ha.
Nag abala ka pa sa akin para dalawin ako”
“hay naku alam mo namang love na love kita kahit na hindi na tayo. ^^chill lang. anuba kasi ang ngyari?”pag-uusisa nito.
“wala naman” tugon ko.
“wasus… lovelife bay an FREH????? Hehehe” aniyana may halong pang-aasar.
“babe, naranasan mo naba ang masaktan ng husto?”ang tanong ko sa kanya?
“oo naman.e dib a nga ng nagbreak tayo sobrang umiyak ako kasi love na
love kita, kaso ayaw mo sa akin kaya di na kita hinabol?”
“bakit di mo ko hinabol kung mahal mo ako?”
“bakit pa kita hahabulin kung close minded ka na ng mga panahong iyon?
Isa pa kung talagang mahal mo ako gagawa at gagawa ka ng paraan para
magkabalikan tayo di ba? Eh kung talagang ayaw mo na sa akin wala ako
magagawa. Kung ano ang pagtrato ko sayo yun ay dahil sobra-sobra kitang
minahal”wika ni trixie.
Ang lahat ba ng nagyayari sa akin
ngayun ngyari na kay trixie. Magkaparehas na ba kami ng ugali ngayon na
noon ay nasakal ako sa kanya.nasakal na din sa akin si ryan? Pero paano?
Ang lahat ba ng ipinakita sakin ni trixie dati naipakita ko rin ba kay
ryan ng katulad sa kanya kaya kami humantong sa hiwalayan? Paano?
Matinding selos ang dahilan kung bakit ako nagalit sa kanya at hindi
pananawa. Nagsawa naba sa-akin si ryan kaya sinabi niyang TAMA AKO!
ITIGIL NA NAMIN ANG LAHAT NG ITO.
Nasa akin bang mali? Oh
hinayaan nalang niya ako ng mga panahong iyon dahil gaya ni trixie alam
din ni ryan na close minded nadin ako ng mga panahong iyon? Ito ba ang
ugali ang dahilan kung bakit ako inii-wan ng mga taong mahal ko? Ito
rinbaang dahilan kung bakit ang malalapit kong kaibigan nawawala din
dahil close minded ako at napag-iisipan ko sila ng masama ng walang
basehan? Oh sadyang iniiwasan ko lang sila dahil hindi nilaalam ang
pinagdadaanan ko at wala silang alam sa dinadala ko?
Takot
lang ba ako na magtiwalasa mgakaibigan ko kung ano ako? At kung anu
meroon sa akin? Oh close minded ako na wala silang kinalaman patungkol
sa akin maging sa sarili kong buhay?ito bang mga dahilan kung bakit
nararamdaman ko na mag-isa lang ako sa mundo? Ito ba ang dahilan kung
bakit wala ako ngayun maka-usap at madalas sarili ko lang ang tinatanung
ko sa mga bagay bagay? Saan ba ako nagkamali? Hindi ko lang ba maamin
sa sarili ko na may mali ako?oh ako ang mali sa mgangyayari dahilan kung
bakit ako ngayun umiiyak at nasasaktan?
“babe? Umiiyak ka? Hmmm tumutulo luha mo oh?”wika ni trixie habang papalapit sa akin na may dalang pamunas ng luha.
“nasaktan ako” ito ang mga kataga na una kong nabanggit kay trixie.
Lumapit si trixie sa akin. Umupo siyasatabi ko na nasa sulok ng mga
panahong iyon.nakasubsub ang mukha ko sa tuhod ko noon dahil naiilang
ako makitang isang babae na ummiyak ang katulad ko nalalake. Dala ng
emosyon ko hindi nalingid kay trixie na may mga pinagdadaanan akong
problema. Ito na ang pagkakataong may makikinig sa mga hinanakit ko. Ito
na ang pagkakataong sasagot ng mga katanungan ko na gumugulo saisip
ko.
“nagmahal ako. Buong-buo binigay ko. Oras ko. Sarili ko.
Buhay ko. Ipinagkatiwala ko ang sarili ko sa kanya. Ipina-ubaya ko ang
lahat ng oras ko na magkasama kami. Inilaan ko ang mga importanteng
bagay sa kanya.pero bakit ganoon? Ako itong nasasaktan? Ako itong
umiiyak ngayon. Wala naman sa-akin nawala. Ako pa ngaang nagbigay diba?
Ibinigay ko ang mga iyon dahil hindi ko naman pwedeng sarilinin paralang
maramdaman ko ang maging Masaya.buong buhay ko ngayun lang ako nabaliw
sa isang tao. Nagmahal lang ako.bakit nya sinira ang tiwala ko sa kanya?
Bakit kailangan nya itago sa akin kung may mga bagay siya na ginagawa o
may iba siyang kasama? Bakit kailangan niyang ipamukha sa akin na noong
pagkakataong huli naming mag-usap parang balewala lang sakanya.na
ganoon lang kadali ang lahat.na parang laro lang ang lahat.bakit hindi
niya magawang ipaliwanag ang lahat ng bagay na kung saan ako
nagugulumihanan. Bakit hindi nya magawang ipaglaban ako at iparamdam na
ako lang ang nag-iisa sa buhay nya.bakit hindi nya ipinamukha sa akin na
ako lang ang prioridad nya at walang makaka-agaw ng atensyon niya,na
walang makakasira ng ng tiwala ko at walang makakanakaw ng pagmamahal
niya sa akin?bakit? nagmukhalang akong tanga sasarili ko.nagmukha lang
akong basang sisiw habang hinihintay ko ang mga bagay na gusto ko
marinig sa sarili niyang mga bibig mismo ng gabing naghiwalay kami.
Inantay ko na sabihin niya lahat ng gusto niyang sabihin. Pero imbes na
magpaliwanag siya, mas minabuti pa niyang ituloy ang paghihiwalay namin.
An ba ako sa kanya?wala ba akong halaga? Gusto ko maramdaman na sana
na-kayanan niyang ipaglaban ako sa mga tukso sa paligid niya. Na ako
lang ang pipiliin niya.na kahit sino pang dumating sa buhay niya ako
lang ang babalikan nya at ako lang ang rason ng lahat kung bakit siya
ngumingiti sa mga pagkakataong kakailanganin niya ako? Pero
hindi.nalaman ko nalang na may kasama siyang iba. Ni hindi manlang siya
nagparamdam. Tapos siya pa itong may ganang ituloy ang pakikipag
hiwalay. Oo aminin ko,may kasalanan din ako. Ako nga unang nakipag
hiwalay.pero kahit ganoon ang mga sinabi ko kahit masakit para sa
akin,Kaya kong lunukin lahat ng sinabi ko.magagawa kong magmaka-awa sa
kanya wag lang akong iiwan kung nasa tama siya, pero ang ngyari iba,
masakit trixie . Sobrang sakit” humahagolgol ako sa kakaiyak ng mga
panahong iyon habang paulit ulit na sinasabi ni trixie na tahan na,wag
na akong umiyak.
“tahan na babe.ahays.. hindi naman kasi sa
lahat ng panahon nangyayari ang mga bagay nana-aayon sa kagustuhan mo.
Kahit na maraming pagkakataon pa ang ibigay natin sa isang tao kung may
importante siyang dahilan, hinding-hindi natin sila ma-pwepwersa na
gawin ang bagay na-ikatutuwa natin o sasang-ayunan nila. Masakit isipin
na kung sinu pang pinagkakatiwalaan mo sila pa itong gumagawa ng mga
bagay na ikakasakit mo. At kahit na paulit ulit pa nila tayo saktan kung
ang taong pinagkakatiwalaan natin ay sobrang mahal natin sila pa itong
nabibigyan natin ng halaga at malaking espasyo sa buhay natin, sa puso
natin at kadalasan nagkakatalo sa espasyo ng pang-unawa. Alam mo kung
bakit? Minsan hindi natin kayang unawain ang sitwasyon ng mahal natin
lalo na kung nasaktan tayo,dahil nagiging makasarili tayo sa pansarili
nating nararamdaman. Nakakalimutan natin na may mga sarili din silang
obligasyon at dahilan kung bakit sila nakakagawa ng mga ganoong bagay.
Sa pagkakataong nasasaktan tayo, sabay na nagsasarado ang puso at isipan
natin. Kahit na anong paliwanag ang gawin nila hinding hindi kaylanman
mauunawaan ng isang tao pag may nararamdaman na kirot sa dibdib at
hinala sa isip. Nakakalungkot lang minsan na, dahil lamang sa mga
maliliit nabagay, iyon ang pinaguugatan ng hiwalayan ng dalawang
nagmamahalan, dumarating ang mga pagkakataon na dapat nagkaka-ayos sila
pero may mga lamat na na nakapinta at kahit anung gawin hindi nakayang
ibalik pa sadati. Ikaw? Anu ba pipiliin mo? Pipiliin mo ba ang lamat ng
isang relasyon naitapon nalang sa tabi, oh gagawa ka ng paraan para
marecycle man lang at lagyan ng desenyo para maging kaaya-aya ulet?
Desisyon mo lang ang sagot sa lahat ng mga katanungan mo.ikaw lang ang
makakasagot niyan. Ikaw lang ang may hawak ng sarili mong kaligayahan at
hindi yung karelasyon mo oh kahit na sino pa man. Pumili ka. Kung handa
ka na iiwan ang taong iyon at kalimutan. Matatanggap mo ba sa sarili mo
na isang bahagi na lamang siya ng buhay mo na nag iwan ng lamat sa
nakaraan mo? Oh babalikan mo siya para pagtagpi-tagpiin ang mga nabasag
na ng masasaya nyong nakaraan at gawin na mas magandang salamin ng
pagmamahalan niyo.siguro naman kung nabasag ang relasyon nyo ng sobrang
pino, at pagkatapos mong pulutin ang mga piraso, paliguan mo ng sobrang
pag-intindi at pang-unawa mo para magsilbing pandikit sa mga pirasong
iyon, tiyak sobrang tibay nun. Naimagine mo?kaw banaman paliguan ng
glue di ba ewan ko nalang kung di pa kayo magkabuhol-buhol? Pahabol na
biro ni trixie.
“hmmm may nabanggit ka kanina na may kasama
siyang iba? Obviously selos ang dahilan kung bakit kayo nag hiwalay?
Third party? Sobrang ganda naman yatang babaeng yan at dala-dalawa pa
kayong tinuhog. Lentek na yan. Well kakambal nang pag-ibig ang selos.
Dalawang klase ng selos mayroon ang mundo ng pag-ibig. Selos na
maykatuturan at selos na walang patutunguhan.
Kung nagseselos ka ng
walang basehan sa isang tao,tawag jan selos na walang patutunguhan
.duh?? pagselosan ba naman ang isang tao na di mo naman kilala at
walang kasiguraduhan sa kwento ng buhay mayroon sila.kababawan ng
pag-iisip lang yan. Let just say na inilagay mo ang sarilimo sa isang
sitwasyon. You have two option kung paano mu i-aakma ang sarilimo sa
sitwasyon either sympathy or empathy sasarili mo. gaya nga ng sinabi ko
kanina ang selos na walang patutunguhan ay isang kabobohan. At kapag
walang patutunguhan, malamang sympathy sa sarilimo ang kahihinatnan in
other word “way of innocence” alam mo kung bakit? Sabihin na nating
nakita mo ang sarili mo na nakahandusay sa putikan. At dahil nga na-awa
ka sa sarili mo ang ginawa mo nakijoin ka sa sarili mo para ilugmok at
humandusay na din sa kawalan. Oh diba kabobohan? Uu andun na tayo na
dinamayan mo ang sarili mo,pero may ibang paraan naman diba?
Pwede kanaman magselos ng todo kung talagang napatunayan mo na maymali
nga silang ginagawa.alamin mo. Imbestigahan mo.tanungin mo. Pag aralan
mo at tuklasin mo kung may tinatago nga sila.hinala? anjan lang yan
umaaligid at panira. Dun naman pumapasok ang selos na may
katuturan.syempre katuturan kasi naging matalino ka. Hindi ka naging
makasarili.hindi ka naging biased sa sarili, sa taong mahal mo pati dun
sa taong involve. Empathy ang tawag naman doon. Nakita mo na nga lugmok
ang sarili mo sa putikan di ba? E di hilahin mo ang sarili mo gamit ang
mga kamay mo para di ka mabahiran ng dumi. At least na-ahon mo ang
sarili mo sa pagkakalugmok. Tawag doon? “way of the wise” see? naging
matalino ka at ginamit mo ang kokote mo na alamin ang katotokanan kesa
idiin ang sarili mo sa mga mali mong paniniwala.”
Bilib naman ako
kay trixie,tama lahat ang mga sinabi niya hindi ko nga naman talga
nagawa ang mga bagay na ganoon. Narealized ko na sobrang kitid ng utak.
Biglang umaliwalas ang pakiramdam ko sa mga narinig ko sakanya. Alam ko
na masyado akong naging makasarili. Hindi ko nga naman pag-aari ang
buhay ni ryan bakit ko ba kasi nilalagay ang buhay niya sa palad ko na
para bang may titulo akong hinahawakan na ako lamang ang nagmamay-ari sa
kanya
Wala akong naisagot kay trixie kundi pawang paghikbi,
pagtahimik at makinig sa mga sinasabi nito. Lalong bumuhos ang luha ko
sa mga narinig dahil naibaling ko ang galit ko sa sarili ko dahilan ng
mga unos na nararansan ko.
“alam mo parehas kayo ni rj ng
sitwasyon. Weird.kasi tumawag din siya sa akin noong nakaraang araw,ewan
ko nakalimutan kona kung kelan yun., e di ba nga umuwi ang mommy at
daddy niya from states at sinundo niya iyon after work noong Friday, ba
yun? E nagkataon na naiwan niya ang fone niya sa bahay nang umalis siya,
kinatagpo niya daw yung bestfriend ng girlfriend nya kasi nga may mga
bagay daw siya na itatanong about dun sa girlfriend nya. Parang surprise
nya daw yun sa 10th monthsary ata nila.then nakitext naman daw siya dun
sya bestfriend ng girlfriend nya para inform na medyo naging busy sya
ng araw na yun at hindi na nakapagparamdampa, kasi nga afterwork
,sinundo yung parents nya sa airport, then nagtanung tanung sa
bestfriend ng girlfriend nya ng mga favorite nya na di nya pa alam tapos
nagkataon na naiwan yung fone nya, sad kasi di daw ata natanggap ng
girlfriend nya yung mga messages at almost 4 hours daw xa nagpa-ulan sa
harap ng bahay ng girlfriend nya at tawag sya ng tawag na nandoon sya
sa tapat ng bahay nila.nabasa nya daw kasi na may e-mail yung girlfriend
nya sa fb nakikipag break na sya sa kanya. Ang sabi pa nga ni ryan
pi-nrint nya pa yung mahabang message na yun para ibigay pabalik sa
girlfriend nya kasi nga hindi siya papayag na mawala siya kaso nabasa
ata yung papel. Sad di ba? Ang bobo kasi ng babae. Eh ayun nga, dahil
nga naramdaman ni ryan na sobra niyang nasaktan ang girlfriend nya
tinanggap nya nalang na makipaghiwalay sya.di na daw sya nagsalita ng
masama laban doon.kasi nga nauunawaan niya to. I mean nasasaktan din daw
kasi syaa pag nakikitang nasasktan yung girlfriend nya masdoble pa daw
yung sakin na nararandman niya.sweet ni ryan noh?”pagsasalaysay ni
trixie
“huh!”… tulala ako sa mga narinig ko habang tinititigan
ko si trixie pumatak ang luha ko sa kaliwang mata at nanginginig-ginig
ang gilid nito dahil sa sobrang galit sa sarili.
No comments:
Post a Comment