Part 8: "Ang Paglalahad.."
Pinarada ng Driver ang sasakyan upang kargahan ng hangin ang gulong ng sasakyan, at pagkababang-pagkababa ni manong, sing bilis ng kidlat ay humalik ako sa pisngi ni Kuya Jared, ngunit lumingon ito paharap sa akin kaya nahalikan ko ang gilid ng masarap ESTE! mapupula niyang labi. Hehehe..
KUYA JARED: “Ay Sayang hindi pa umiksakto! Hahaha..” ang nakaka-gago niyang tawa.
AKO: “Tangina mo naman!! Muntik na iyon ahh!” sabay pahid ng labi ko na kunwari ay nandidiri.. Nyahaha!!
KUYA JARED: “Wahahaa!! Kala mo ha.. Pero ok lang, at least sa gilid pa rin ng labi yun.” Sabay killer smile plus ngiting nakaka-gago (imaginin nyo! haha..).
AKO: “Ulul, Gagu..” ang nasabi ko. Ngunit sa loob loob ay kilig to the MAX!!
KUYA JARED: “Hahaha!! Eto naman ohh.. Sige ka hindi ko ikukwento.”
AKO: “ANo nga?? Kulit!! Ginawa ko na yung pinapagawa mo..”
KUYA JARED: “Ok sige na Gab.. Sige na.. Eto na po Ahihihii!!”
KUYA JARED (ulit): “Dati kasi kaming nakatira sa isang malawak na lupain, pero hindi namin pag-aari ang mga iyon. Pag-aari iyon ng mga MONTENEGRO.”
AKO: “NAMIN!?!?”
KUYA JARED: “Oo.. At dati kaming nakatira doon, engineer ang tatay ko samantalang ang nanay ko naman ay tumatanggap ng labahan.”
AKO: “Pero.. Paano tayo nagkakilala??”
--------------------
PAGLALAHAD NI JARED NG NAKARAAN
9 years old ako noon at ikaw naman ay 7 years old pa lang. Naglalakad ako sa bukid noon at nakasalubong ko ang apat na bata.
BATA 1: “Hoy bata!!”
JARED: “Ano yun?”
BATA 1: “Ang ganda ng nakasabit sa leeg mo ahh.. Kwintas ba yan?”
BATA 2: “Pare, hindi ata kwintas yan.. SINGSING yan na linagyan ng silver na tali..”
BATA 3: “Hoy, Ibigay mo nga sa amin yan..”
JARED: “Sorry pero bigay sa akin ng tatay ko ito.”
BATA 4: “Ahh ganon pala ha!!”
Bigla akong hinawakan sa damit ng isang bata at sinuntok sa mukha. Sumunod naman sa pagsuntok ang iba pang mga bata samantalang ang isa doon ay hinablot ang kwintas na singsing mula sa leeg ko.
JARED: “Wag mong kunin yan!! Bigay sa akin ng tatay ko yan!!”
BATA 1: “BAkit? May magagawa ka pa ba ha!?!?”
BATA 3: “Bagay lang yan sa inyong mga anak mayaman, sobra sobra ang napupuntang mga pera sa inyo samantalang sa amin na anak magsasaka ay wala!! Walang napupunta sa amin kaya naman, AMIN NA LANG ANG SINGSING NA ITO!! HAHAHA!!”
BATA 4: “Ayos pala yan pare, pwede nating ibenta ang singsing na iyan.”
Ngunit nagulantang sila ng dumating ang isang batang lalaki.
“Hoy, ibalik niyo nga yang kinuha ninyo sa kanya.” Ang sigawng nasabing bata.
BATA 2: “At Sino ka naman? Ha!?!?”
BATA 3: “Alis na tayo, yan yung anak ng may-ari ng lupa.”
BATA 1: “Oh? Ano naman? Ayos nga ehh. Mas marami tayong makukuha dyan.”
GABRIEL: “Ehh mga loko pala talaga kayo ehh.”
BATA 4: “Bakit may magagawa ka ba ha?”
GABRIEL: “Alam niyo kapag hindi niyo binalik yan sa kanya, BUONG PAMILYA NIYO PALALAYASIN KO SA LUPAIN NAMIN.. NAIINTINDIHAN NIYO BA IYON HA??”
BATA 1: “Gago pala ito ehh.”
At biglang sinuntok ng isang bata si Gabriel, I mean ikaw pala ngunit sinapo ito ng iyong kamay at pinilipit iyon.
BATA 1: “ARAYY!! Hoy, tulungan niyo ako dito.”
Akmang lalapit ang iba pang kasamahan niya nang sumigaw ka naman ng..
GABRIEL: “Sige, Subukan niyong lumapit at babaliin ko talaga ang braso nito. SIGE!!” ang pananakot mo. Hehehe.
BATA 2: “Alis na tayo..”
GABRIEL: “Hoy!! Yung singsing ibalik mo.”
Ngunit tumingin lang ang bata sa iyo nun.
GABRIEL: “IBALIK MO!!!” ang bulyaw mo.
At binalik nga ng bata ang singsing na iyon sa akin. Kasabay ng pagbalik ng singsing, ay pagtulak mo naman sa batang hawak-hawak mo kanina at sabay alis.
GABRIEL: “Ok ka lang ba?”
JARED: “Ok lang po ako..”
GABRIEL: “Teka nga!! Mas matanda ka sa akin ng dalawang taon ahh.. Kaya dapat ako yung mag-PO sa atin. Hehehe..”
JARED: “Hindi po, kayo po kasi yung anak ng may-ari.”
GABRIEL: “Naku, wag mong isipin yan.. Ako nga ehh hindi ko iniisip na ganun ako. At tsaka di ba ikaw yung anak ni Eng. Angelo Cruz? Yung best friend ng Papa ko?”
JARED: “Opo ako nga po..”
GABRIEL: “Ohh.. edi dapat wala ng Po.. Hehe.. Gabriel na lang.”
JARED: “Ok sige..”
GABRIEL: “At dapat, Friends na din tayo.” Sabay ngiti.
JARED: “Hehehe.. Sige ba!!”
At doon nag-umpisa ang pagkakaibigan natin. Madalas nga ako bumibisita sa mansyon ninyo nun ehh. Naaalala ko pa, naglalaro tayo, naghahabulan, at nagkukwentuhan. Isang araw nandoon tayo sa madalas na tambayan natin, yung burol sa may bandang itaas ng bukid.
JARED: “Gab, naaalala mo ba yung singsing na inaagaw sa akin dati nung mga bata?”
GABRIEL: “Oo bakit ano yun?”
JARED: “Gusto ko sana ibigay sa iyo ito.” Sabay hablot ng singsing na nakasabit sa leeg ko.
GABRIEL: “Ay Jared wag na!! Bigay sa iyo ng tatay mo yan eh.”
JARED: “Hindi tingnan mo..”
At pinakita ko sa iyo na nagiging dalawa ang singsing. In short, ang makapal na singsing ay nahahati sa dalawa.
JARED: “Ayan! Parehas tayong may singsing.”
GABRIEL: “Wow! Ayos ito ahh.. Naging dalawa!” ang natutuwa mong sabi.
JARED: “Oo kaya nga makapal yan ehh kasi nagiging dalawa. Double ring ang tawag ng ibang tao dyan pero ang totoong tawag sa singsing na iyan ay Friendship Ring.”
GABRIEL: “Ahh.. Pero bigay sa iyo ng tatay mo yan. Hindi ko pwedeng kunin yan Jared.”
JARED: “Hindi.. kunin mo na.. ALam mo ba kung sino ang nagbigay nito sa tatay ko?”
GABRIEL: “Sino?”
JARED: “Edi ang papa mo rin.. Friendship ring ng Tatay ko at Papa mo ang singsing na ito. Napunta sa akin ang mga singsing nila dahil daw tinago nila ang mga singsing nang ikakasal na sila sa mga nanay natin. Kung baga, yung dating friendship ring na suot nila ngayon ay wedding ring na. Then ayun ngayon, gusto ko tayo naman ang magusot nito.
GABRIEL: “Ahhh. Ngayon alam ko na.. Sige.. tatanggapin ko na.”
JARED: “Ikaw kasi ang best friend ko eh kaya gusto ko, ikaw mag-suot nito.” sabay ngiti.
GABRIEL: “Oo Jared.. Ikaw ang Best Friend ng Buhay ko.” Ngiti ka naman.
Maya-maya pinaandar mo ang radyo na dala-dala mo at biglang tumugtog ang kanatng “One Friend”. Ayos ang kantang iyon, tugmang-tugma sa ating dalawa.
One Friend – Dan Seals Song Lyrics
“I always thought you were the best
I guess I always will.
I always thought that we were blessed
And I feel that way still.
Sometimes we took the hard road
But we always saw it through.
If I had only one friend left
I'd want it to be you.
Sometimes the world was on our side
Sometimes it wasn't fair.
Sometimes it gave a helping hand
Sometimes we didn't care.
'Cause when we were together
It made the dream come true.
If I had only one friend left
I'd want it to be you.
Someone who understands me
And knows me inside out.
Helps keep me together
And believes without a doubt,
That I could move a mountain
Someone to tell it to.
If I had only one friend left
I'd want it to be you.
'Cause when we were together
It made the dream come true.
If I had only one friend left
I'd want it to be you.
Someone who understands me
And knows me inside out.
Helps keep me together
And believes without a doubt,
That I could move a mountain
Someone to tell it to.
If I had only one friend left
I'd want it to be you.”
JARED: “Ang ganda Gab!!”
GABRIEL: “Hehehe.. sabi na nga ba magugustuhan mo ehh..”
Akala ko tuloy-tuloy na ang lahat ngunit isang araw, ayoko sana puntahan ang tatay gawa ng delikado ang lugar dahil construction site iyon. Ngunit pinilit mo ako na gusto mong mamasyal kaya pumunta pa rin tayo kahit na delikado at may kalayuan sa luapin ninyo.
ENG. ANGELO CRUZ (tatay ni Jared): “Oh anak, kamusta kayo nitong si Gab? At tsaka bakit kayo nandito?”
JARED: “Ok naman po tay.. Eto po oh yung tanghalian niyo.”
ANGELO CRUZ: “Salamat anak..”
JARED: “Sige po tay, aalis na kami ni Gab.”
ANGELO CRUZ: “Sige mag-ingat kayo ha..”
Nang papaalis na tayo, biglang nakita mo na may pabagsak na isang tubo na bakal sa akin kaya..
GABRIEL: “Jared!!!” ang malakas mong sigaw.
Napaka-bilis ng pangyayari, hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko.. Napansin ko na lang na tinulak mo pala ako palayo at ikaw ang nabagsakan ng malaking bakal na dapat ay sa akin.
JARED: “GABRIEL!!” ang sigaw ko na umalingawngaw sa buong lugar.
Agad namang lumapit ang tatay sa akin.
JARED (ulit): “Tay, tulungan niyo kong buhatin itong bakal. HINDI SYA PWEDENG MAMATAY!!”
ANGELO CRUZ: “TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA!!” ang sigaw naman ni tatay sa mga tauhan nito at pagkatapos noon ay binuhat nila ang malaking bakal na bumagsak sa iyo.
Sa Ospital..
ANGELO CRUZ: “Dok, kamusta na po ang bata?”
Hindi pa nakakasagot ang doctor ng biglang dumating ang papa at mama mo.
TERESA MONTENEGRO (mama ni Gab): “Dok, anong pong nangyari sa anak ko?”
DOKTOR: “Malala ang pagkakabagsak ng bakal sa ulo niya. Masasabi ko pa ngang maswerte ang pasyente dahil sa liit niyang yan, naka-survive pa sya sa malaking tubo na bumagsak sa ulo niya. Sa ngayon, oobserbahan pa natin ang pasyente sa loob ng 24 oras. Excuse me.” At umalis ang doctor.
JARED: “Kasalanan ko ito.. kasalanan ko kung bakit nangyari ito kay Gab. Hindi ako itutulak at ililigtas ni Gab kung hindi ako nakatayo sa lugar na iyon.” Ang umiiyak kong sabi.
LUIS MONTENEGRO (papa ni Gab): “ANONG GINAWA MO SA ANAK KO?? Jared, Pinagkatiwalaan kita ngunit anong GINAWA MO??” ang bulyaw niya kasabay ng pagyugyog niya sa akin.
TERESA MONTENEGRO: “Papa!! Nasasaktan naman yung bata!!” ang pagsita at pag-awat ng mama mo.
ANGELO CRUZ: “Pare, walang kasalanan ang anak ko. ACCIDENTE ANG NANGYARI!!”
LUIS MONTENEGRO: “Anong walang kasalanan?? ANONG WALANG KASALANAN?? Simula ngayon, wag na WAG NA KAYONG LALAPIT SA ANAK KO!! LAYUAN NIYO ANG PAMILYA KO!! TANGINA!!” ang galit na galit na sigaw niya.
TERESA MONTENEGRO: “Papa naman!! Ano ba! Walang kasalanan ang bata.. WALANG KASALANAN SI JARED!!”
ANGELO CRUZ: “Pare naman..”
LUIS MONTENEGRO: “Wag mo akong mapare-pare dahil WALANG AKONG PARENG MAMAMATAY TAO!! Hayup ka!! Tapos na ang pagkakaibigan natin.”
Wala kaming nagawa ng tatay kung hindi lumayo. Bago pa man kami umalis sa lupain ninyo, nadinig naming nagkaroon ka na ng malay kaso wala kang maalala ni isa sa nangyari sa iyo, kahit ang nakaraan mo o kahit pa ang pangalan mo. Simula noon wala na kaming balita sa inyo, at dahil sa nangyari nag-umpisang maghirap ang pamilya ko. Doon nag-ugat ang pag-aaway ng mga magulang ko na naging dahilan upang maghiwalay sila at kami ng kapatid ko.
--------------------
KASALUKUYAN..
Medyo sumakit ang ulo ko sa mga narinig. Pero kahit ganoon, nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita upang masabi ko ang gusto kong sabihin.
AKO: “Kuya.. sorry sa nangyari.. nang dahil sa akin, kaya nasira ang pamilya mo at nagkahiwalay kayo ng kapatid mo.. Ako ang may kasalanan ng lahat.” Ang naiiyak kong sabi.
KUYA JARED: “Hindi mo kasalanan ang nangyari tol, kung tutuusin ako ang may kasalanan kasi ako ang matanda sa ating dalawa kaya dapat ako ang nasunod na hindi tayo nagpunta sa lugar na iyon.”
AKO: “Sorry talaga..” at tuluyan na akong humagulgol.
KUYA JARED: “Tama na.. wala na tayong magagawa pa.. Nangyari na ehh..”
AKO: “Pero.. Nung magkita kayo ni Papa, hindi ba siya nagalit?”
KUYA JARED: “Noong una, nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat ng ipakilala mo ako sa kanila. Nang mag-usap kami, siya mismo ang humingi ng paumanhin sa pagpapalayas niya sa amin. Nakita ko din Gab na nagsisi siya sa nagawa niya sa amin ng pamilya ko.”
KUYA JARED (ulit): “Pero kung ako ang tatanungin, ok lang sa akin.. naiintindihan ko kung bakit niya nagawa yun.. Ama siya Gab..”
AKO: “ANg bait-bait mo talaga.. Hehehe.. Hindi nga ako nagkamali sa pagpili ng best friend ko.” Sabay ngiti.
KUYA JARED: “Naku!! Nambola ka nanaman!! Hehe.. ay teka!! May ibibigay ngapala ako sa iyo..” sabay abot ng kamay niyang nakasarado.
AKO: “Ano naman yan?”
Nang buksan niya ang kanyang kamay, bumungad sa akin ang Friendship Ring naming dalawa.
AKO: “Wow!! P-Paano napunta sa iyo yan? Di ba nasa akin yan?”
KUYA JARED: “Hehehe.. Noong magkausap kami ng Papa mo, binigay niya sa akin yan. Kasi noong nasa ospital ka, nakita niya na suot-suot mo yan at dahil sa galit niya sa akin at sa tatay ko, kinuha niya iyon at tinago.”
AKO: “Ahhh.” sabay kuha nang singsing ko sa kamay niya.
AKO (ulit): “Ehh yung sa iyo? Yung kalahati nito?”
KUYA JARED: “Naka-suot sa daliri ko (sabay pakita sa akin). Alam mo ba, kahit nagkahiwalay tayo hindi ko nagawang tanggalin ang kalahati ng singsing na yan sa kamay ko, dahil umaasa ako na isang araw magkikita tayong muli.”
KUYA JARED (ulit): “Sige na.. suotin mo na yung sa iyo..” sabay suot ng kanya.
Sa puntong pagsuot ko ng singsing, lalong sumakit ang ulo ko at parang merong mga scenario na pumasok sa isip ko, yun nga lang kaunti lang ito at hindi masyado malinaw. Pero gayun pa man, ok lang kung hindi ko maalala lahat ang mahalaga ay naikwento ni Kuya Jared kung ano ang nakaraan ko. At ang mahalaga din ay kung ano kami ngayon! Yessss!!! Jowk!! Hehe. Teka! Ano ba kami?? Hhmmm. Gab ha.. Nyahahahaha!!
KUYA JARED: “Gab! Ok ka lang ba?” ang tanong niya gawa ng napansin niya na may masakit sa akin.
AKO: “Ok lang ako kuya.. May mga pumasok sa utak ko, ang mansyon kung saan tayo naglalaro, ang burol kung saan binigay mo ang singsing, mga ganun. Hehehe.”
KUYA JARED: “Pero alam mo sa totoo lang, noong makita kita sa clubhouse doon sa music room, nasabi ko sa sarili ko na; Pamilyar ang mukha nitong cute na ito ehh.. Alam ko, nakita ko na siya dati..”
KUYA JARED (ulit): “Lalo na noong sinabi mo ang pangalan mo, doon ko napagtanto na ikaw nga si Gabriel.. Alam mo ba, sobra-sobra ang pagpapasalamat ko sa diyos noon dahil binalik ka niya sa akin.”
AKO: “Naisip ko tuloy, it’s God’s will na nagyari ang mga iyon pero tingnan mo.. Nandito ka, kasama kita at…” hindi maituloy ang sasabihin ko gawa ng hindi ako sigurado at nahihiya ako.
KUYA JARED: “At ano??” ang seryoso niyang tanong.
AKO: “At.. At.. At kaibigan ko pa rin hanggang ngayon.”
Ngumiti lang siya at yinakap ako.
AKO: “Salamat ulit ha.. basta yung promise ko sa iyo naaalala mo ba? Yung tutulungan kitang hanapin nag kapatid mo? Dadagdagan ko yun.. At yun ay.. tutulungan din kitang hanapin ang tatay mo at buoin ang pamilya mo. I promise.”
KUYA JARED: “Salamat tol..”
After ng 30 minuto..
DRIVER: “Sir Gabriel, malapit na po tayo sa gate ng hacienda.”
AKO: “Ok.. sige po..”
(itutuloy..)
No comments:
Post a Comment