"GINO"
It's been eight months since I last
smiled, last laughed and last enjoyed a
day. After breaking up with my girlfriend
who cheated on me and realizing that
I'm surrounded by fake friends, all I
have left is my family. Only child lang
ako, kaya lahat ng gusto ko, binibigay
sakin ng parents ko except for their
time.
Malaki ang business ng parents ko kaya
most of the time, either nasa office sila,
or out of town/country for some
stressful business meetings. Nasa bahay
lang sila para magpahinga.
Hindi pa nga kami masyado
nagkakasabay kumain eh pero okay lang,
naiintindihan ko naman until one night,
mga 12 midnight na ata yun, gising pa
ako kasi may ginagawa akong school
proj, narinig kong nagaaway parents ko.
"we can't let them take Gino away from
us. tayo ang kinikilala niyang magulang"
"for god's sake victoria! hindi na natin
nagagawa ang role natin sakanya. and
wake up! he's not our real son!"
"tone down your voice George! baka
maranig tayo ni Gino"
I can't believe everything I've heard.
Next thing I knew, I found myself lying
and crying so hard in my bed. Ang sakit
sa pakiramdam, ang hirap tanggapin.
Sana nanaginip lang ako at paggising ko
bukas, walang masamang nangyari. Pero
alam ko na lahat ng nangyayari totoo.
Nakatulog nalang ako kakaiyak sa sakit
ng nararamdaman ko.
Since then, naging distant na ako sa
lahat ng nasa paligid ko. Galit ako sa
mundo. Lahat sila sinungaling,
manloloko, mangagamit. Ayoko na
magkaroon ng kaibigan, kakayanin ko
magisa at ipapakita ko sakanila na I can
stand on my own and be successful
without anyone's help.
Doon ako nagkamali.
Mga around 2am kanina nagising ako sa
ingay nila Mark na katatapos lang sa
inuman. Nung makatulog na sila,
lumabas ako, nagpahangin sa may lanai
and then I decided na umupo malapit sa
shore.
Ang sarap dito, relaxing, peaceful at
walang istorbo. Hindi ko alam kung bakit
pero yung araw araw kong
nararamdaman for the past eight
months sa inis, poot at galit ay napalitan
ng lungkot at awa sa sarili. Ano na bang
nagyayari sa buhay ko? Bakit ganito? Ang
hirap. Ang sakit sakit. Hindi ko na
napigilan ang aking emosyon at tuloyan
ng bumuhos ang mga luha ko.
Naaalala ko yung araw na masaya ako,
yung mga araw na may nasasandalan
ako, yung mga araw na feeling ko ang
swerte swerte ko. Sana hindi ko nalang
nalamat yung totoo, wala pa sigurong
nagbago. Ayoko man umiyak, hindi ko
mapigilan. Lahat ng mga masasamang
nangyari sa buhay ko nagbalik sakin,
napahagulgol ako sa sobrang lungkot at
sakit na nararamdaman ko, sinubukan
ko mang pigilan dahil baka may
makarinig sakin, hindi ko nagawa.
"sige iiyak mo lang. Iiyak mo lahat." Sabi
ng isang lalaki sa likod ko.
Sa gulat ko, pinunsan ko agad yung mga
luha sa mata ko. Umupo siya sa tabi ko.
Si Dustin pala. Ayokong may nakakakita
saking umiyak, pero kahit na alam kong
huli na ang lahat, tumalikod nalang ako
sakanya.
"anong ginagawa mo dito?" tanong ko
sakanya habang pinipilit ko sarili kong
huminahon.
"wala. ngapapahangin lang. ikaw?" hindi
ako sumagot.
"parang ang bigat niyan ah. kung ano
man yan, lilipas din yan" sabi niya sakin.
"wala kang alam Dustin. and I don't
need your advice" ayoko sanang sabihin
yan, pero yan ang lumabas sa bibig ko.
"bakit ba lahat na lang tintulak mo
palayo? Alam mo Gino, gusto talaga
kitang maging kaibigan but then you
keep on pushing me away everytime na
lalapit ako sayo.. lahat tayo kailangan ng
kaibigan, ng masasandalan. Hindi kita
pinipilit pero kung kailangan mo lang ng
kausap, handa akong makinig. Handa rin
akong maging kaibigan mo Gino.."
Hindi ko maintindihan si Dustin, marami
akong mga nagawang bagay na hindi
maganda sakanya, and yet he's still here
telling me all these things. Totoo nga ba
yung mga sinsabi niya o pakitang tao
lang? Ganyan kasi mga politiko eh. Nag
aalangan pa ako kung kakausapin ko
siya, baka isipin niya lang masyado akong
madrama.. Pero pakiramdam ko, kung
may tao akong dapat
sabihan, alam kong si Dustin yun. Patayo
na sana siya noong nagsimula akong
magsalita.
"My life is a lie" Humarap ako sa shore
at naisip ko kung tama ba tong ginagawa
ko.
Doon ko nakwento sakanya lahat ng
sakit, paghihirap at lungkot na
pinagdadaanan ko. Nasabi ko lahat
habang umiiyak, hindi ko matingnan si
Dustin kung ano ang reaksyon niya,
basta alam ko may nakikinig sakin, ayos
na.
"Kahit ganyan ka samin, may malasakit
pa rin kami sayo. concerned pa nga yung
iba sayo eh. at kung alam mo lang,
marami kami ang gustong
makipagkaibigan sayo" sabi sakin ni
Dustin.
Hindi ko alam kung totoo pero ang sarap
pakinggan. Maya maya pa inakbayan
niya ako and pinasandal niya ulo ko sa
shoulders niya. This is exactly what I
needed. A shoulder to cry on. Hindi na
ako nahiya kay Dustin, binuhos ko lahat
ng luha ko sa kanya. After a very long
time, may naiyakan ako, may nakaintindi
sakin, at may nasasandalan ako.
"From now on, kaibigan mo na ako.
Hindi kita lolokohin, and I'll be this one
person you can always rely on.. Promise
yan Gino."
Napayakap ako sakanya sa mga nasabi
niya, pakiramdam ko malapit ng
matapos ang mga araw na puno ng galit
at poot.
Nagising ako sa pagtawag sakin ni Tim.
"Gino.. Gino.. sensya na. Labas tayo. I
surprise natin si Dustin mamaya"
Pabulong niyang sabi.
Gusto ko pa sanang matulog kaso ayoko
naman maging KJ sa plano nila. Besides,
para din naman kay Dustin eh, sa bago
kong kaibigan. Nag gather kami sa harap
ng room namin kung saan tulog pa rin si
Dustin. May banner silang hawak na
nagsasabing "Happy Birthday Mr.
President!" yung iba may balloons and
meron ding party popper na
pasasabugin pagkalabas niya ng kwarto.
Maya maya pa nagsimula na ang plano.
Kumatok ng sobrang lakas si Tim sa
pinto.
"Dustin gising na! alas onse na oh grabe
ka naman makatulog. Iiwan ka namin
sige!!" sigaw niya.
Walang sumagot kaya kumatok ulit si
Tim "Dustin! HUY!!"
"oo na eto na babangon na. ang ingay!"
sigaw naman ni Dustin.
"okay guys, get ready" bulong samin ni
Tim.
Pagkabukas na pagkabukas ni Dustin ng
pinto, pinasabugan siya confetti sabay
sigaw nilang lahat "Happy Birthday
Dustin! wooooo"
siyempre hindi ako sumigaw, baka
magtaka pa sila besides, nagreet ko na
siya kanina, ako pa nga ang pinaka una
eh. Pinagmasdan ko yung reaction ni
Dustin sa surprise na inorganize ni Tim.
Nagulat siya sa confetti, pero after nun,
hindi na nawala ang ngiti sa mukha niya.
"ang landi niyo ah! HAHAHA salamat.
Maraming salamat sainyong lahat!"
masayang tugon ni Dustin sa kanila
Mga 3pm na kami umalis ng Nasugbo
pabalik ng Manila. Umupo ako sa dating
pwesto ko sa van, pero this time tumabi
sakin si Dustin. Hindi ko lang siya
pinansin, wala naman akong sasabihin
eh. Nagearphones lang ako, sumandal sa
bintana at dahil sa kulang ako sa tulog,
tuluyan ng sumara ang mata ko at
panandaliang nawala sa realidad.
Maya maya pa nagising ako sa boses ni
Dustin. "Gino, gising na.. andito na
tayo"
Bumangon ako. shit! nakakahiya!!
nakatulog pala ako sa shoulders ni
Dustin!!
"ay. sorry" ang tanging nasabi ko.
Natawa lang siya "wala yun noh"
Madilim na pala sa labas. Tiningnan ko
yung phone ko. 6:30pm na pala and ang
dami kong missed calls and texts galing
sa driver ko.
"sir what time ko po kayo susunduin?"
"sir ngayon po ba ang balik niyo ng
Manila?"
"Sir Gino saan na po kayo?" Lagot na!
Traffic pa naman by this time and
medyo malayo pa yung village namin.
Mukhang matagal tagal ako maghihintay
ah. Pagkababa namin sa mcdo, nagalisan
na yung iba, magcocommute lang kasi
sila. Yung iba naman, andun na agad
yung sundo kaya in no time, ako nalang
yung naiwan sa mcdo. Sinubukan kong
tawagan yung driver namin pero out of
coverage. Nakapatay ata. Tinext ko rin
ng tinext pero walang reply. Nawalan na
ako ng pagasa. Hindi pa naman ako
marunong magcommute ng biglang may
umupo sa harap ko. Si Dustin, may order
na fries and hot fudge sundae.
"fries oh" pagalok niya sakin "wala pa
sundo mo?"
"wala pa eh. hindi ko nga macontact.
ikaw?"
"andiyan lang nakapark. nagutom ako
eh, kaya kumain muna ako"
Natapos na siya kumain, hindi ko pa rin
matawagan yung driver namin.
"sabay ka na sakin" pagyaya ni Dustin
"ahh.. wag na. parating na rin siguro
yun.."
"sige ikaw bahala" loko to. Hindi man
lang ako pinilit.
Naglalakad na siya palayo nung tumayo
ako at sumigaw "WAIT"
tapos lumingon siya sakin, nakangiti.
Naglakad ako papalapit sa kanya.
"oh bat ka nakangiti?"tanong ko sakanya
"ang dami mo pa kasing arte eh. tara na
o buong gabi ka maghihintay diyan"
Natatawang sabi sakin ni Dustin.
Napangiti nalang ako sakanya nang bigla
niya akong inakbayan habang naglalakad
kami papunta sa kotse nila.
Pagkadating namin sa bahay ko,
nagpasalamat ako kay Dustin at muli
siyang binati ng Happy Birthday.
"pangalawa mo na yan ah. haha!
salamat rin"
at pumasok na ako sa malaki naming
bahay na wala namang tao kundi mga
katulong.
"sila Mama?" tanong ko kay Manang
Koring, ang aming mayordoma.
"Nasa Singapore po si ma'am, si sir
naman hindi pa rin nakakauwi from
Hong Kong.. kumain na po ba kayo sir?"
"ah.. busog pa ho ako, sige po salamat"
Umakyat na ako sa kwarto ko at
dumeretso sa CR para maligo. Hindi pa
ako dinalaw ng antok kaya nanuod muna
ako ng TV. Nag internet, at kung ano
ano pa. Lumipas ang oras pagkatingin ko
sa phone ko 11:57 na. Bigla kong naisip
na itext si Dustin. Hindi ko ugali
magtext lalo na pag hindi naman life or
death ang sitwasyon. Pero ewan ko ba
gusto ko lang siya itext.
"Hi Dustin si Gino to. Thanks for the ride
again. And it's the last minute of your
birthday, so happy birthday! next year
ulit" at exactly 11:59, nasend ko yung
text. Mga 1 minute later, may nagreply
"Edi ikaw na nga first and last ko! haha
Thank you Gino. I hope to hang with
you soon smile emoticon" Hindi na ako nagreply.
Natutuwa ako mayroon na ako ulit na
matatawag na kaibigan. Alam kong iba si
Dustin, hindi siya kagaya ng iba na
sinungaling at manloloko. After a very
long time, nakatulog ako ng walang galit
instead, masaya at magaan ang
pakiramdam ko. At isa lang ang rason, si
Dustin.
Itutuloy....
No comments:
Post a Comment