Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.

Saturday, March 21, 2015

STORY: DUSTIN PROMISE CHAPTER 2

Kinabukasan, pagkatapos namin mag
breakfast, hindi na nakapaghintay yung
iba at dumeretso na sa dagat. Maghapon
kaming naligo at nagbabad sa araw. Yung
ibang guys andun sa medyo malalim na
part, magaling silang lumagoy eh.
At yung iba naman samin andito lang sa
medyo mababaw naglalaro parang mga
bata. Umahon lang kami para kumain ng
lunch pagkatapos nun, balik ulit sa
dagat.
Noong medyo maghahapon na naglaro
kami. Mataya taya ulit pero this time by
pair. Bawal magkahiwalay yung pair or
else disqualified na. Bawal din sa sand
part dapat sa may dagat para extra
challenge. Nung ineexplain yung
mechanics napansin ko umahon si Gino
at pumunta doon sa bahay. Hindi naman
siya napansin nung iba pero feeling ko
ayaw niya lang maglaro. Kapartner ko si
Tim at kami ang unang taya. Nakakatawa
tingnan pero magka holding hands kami
habang hinahabol yung ibang pairs.
grabe! ang hirap makipaghabulan sa
dagat.
Buti nalang medyo mabagal sila Jess at
Lily kaya sila ang sunod na naging taya.
Sunod naman nilang nataya yung pair ni
Ryan at nataya naman nila sila Mark.
Ang saya ng araw na to! Before pa
lumubog yung araw, napagod na din
kami at nagsiahon na para makabanlaw
at makapagpahinga kahit sandali.

Dinner ang main event ng outing namin.
Maraming pagkain. May lechon, pasta,
chicken, bbq, pansit, pizza and isang 18"
na cake na pinasadya pa ni Pam sa
kakilala nilang professional baker. Yun
daw ang regalo niya saming tatlo. Kami
ni Lily and Mark yung nasa gitna habang
kinakantahan kami ng 'happy birthday'
ng mga kasama namin.
Tahimik kaming nagwish at sabay sabay
binlow yung candles. This is indeed one
of the most unforgettable birthdays of
my life! Pagkatapos nun eat all you can
na! kain ng kain up to sawa until sobrang
bloated na kami. Then siyempre hindi
nawawala ang inuman after. Umiinom
ako para makisama lang pero never pa
ako nalasing ng sobra. I know my limits
pagdating sa alcohol, pag feeling tipsy na
ako, stop na. Kaya mostly until 2 bottles
lang ng beer kaya ko.
Siguro mga 12 midnight na nung umalis
ako sa lanai area (dun kasi kami
nagiinuman) dumeretso ako sa room
namin para makapagpahinga na.
Pagpasok ko, andun na si Gino natutulog
sa left side ng bed pati yung isa naming
kasama nasa sahig. Then sila Mark and
Tim naman nakikipag inuman pa.
Tumabi ako kay Gino na naka white shirt
and boxers lang at natulog na rin.
In the middle of the night, bigla akong
nagising, naiihi kasi ako. Tiningnan ko
yung phone ko 3:36am na pala.
Bumangon and napansin na nasa tabi ko
na pala si Mark and sila Tim tulog dun sa
sahig.
Nagtaka ako kasi wala si Gino sa tabi ko,
wala siya sa kwarto. Lumabas ako para
mag CR, kinatok ko muna yung pinto
baka kasi andun si Gino pero noong
walang sumagot, pumasok na ako at
umihi. After noon, pumunta ako sa may
kitchen para uminom ng tubig.
"birthday ko na pala" sabi ko sa sarili ko
and mamaya na pala kami babalik ng
Manila. Lumabas ako sa Lanai at niligpit
yung iilang kalat na naiwan ng mga
kasama ko.
Hindi ko rin alam kung bakit pero feel
ko gising na gising ako. Ang sarap ng
hangin sa lanai kaya napaupo muna ako
doon sandali nang may nakita akong
isang lalaki na nakaupo sa may
dalampasigan. "sino yun?" tanong ko sa
sarili ko. Bumaba ako, lumabas sa gate
at naglakad papalapit dun sa lalaki. Tama
nga ang hinala ko, si Gino yun magisa, at
malungkot. Hindi ko alam kung aalis ba
ako para mapagisa siya o kukunin ko
yung opportunity para makausap siya ng
maayos. Babalik na sana ako sa bahay
nang marinig ko siya mag sob. Akala ko
wala lang pero narinig ko ulit. Si Gino...
umiiyak? bakit?
Lumapit pa ako pero parang hindi niya
napansin, dun ko naconfirm na umiiyak
nga siya. This time, nakatayo na ako sa
likod niya.
"sige iiyak mo lang. Iiyak mo lahat."
Hindi ko alam pero bigla ko nalang yan
nasabi.
Halatang nagulat si Gino at agad na
nagpunas ng luha gamit ang kaniyang
mga kamay. Umupo ako katabi sakanya,
habang siya tumalikod sakin.
"anong ginagawa mo dito?" tanong niya
sakin na naiiyak pa rin.
"wala. ngapapahangin lang. ikaw?" sagot
ko. Hindi siya sumagot..
"parang ang bigat niyan ah. kung ano
man yan, lilipas din yan" pagcomfort ko
sakanya.
"wala kang alam Dustin. and I don't
need your advice"
sa totoo lang, hindi ako nagalit o nainis.
Pakiramdam ko kasi kailangan niya
talaga ng kausap.
"bakit ba lahat na lang tintulak mo
palayo? Alam mo Gino, gusto talaga
kitang maging kaibigan but then you
keep on pushing me away everytime na
lalapit ako sayo" mahinahon kong sabi
sakanya.
"lahat tayo kailangan ng kaibigan, ng
masasandalan. Hindi kita pinipilit pero
kung kailangan mo lang ng kausap,
handa akong makinig. Handa rin akong
maging kaibigan mo Gino.."
Wala siyang imik, kaya tatayo na sana
ako para bumalik sa bahay nung..
"My life is a lie" Humarap siya shore,
inayos ko naman ang upo ko. Pareho na
kaming nakatingin sa dagat.
"Yung best friend ko dati, habol lang
sakin pera. Yung ex girlfriend ko,
manloloko. Yung iba ko kaibigan,
nandiyan lang pag may exam. Ang tanga
tanga ko nun, akala ko lahat sila totoo
sakin hindi pala" sabi ni Gino na
umiiyak.
"but you know what's worst?" dagdag pa
niya "it's when I've found out na ampon
lang ako" dito talagang bumuhos ang
mga luha niya.
Naaawa ako sakanya parang gusto ko
siyang yakapin to make him feel better,
pero siyempre hindi ko kaya..
"all these problems happened all so
fast. ang hirap tanggapin Dustin, wala
akong maiyakan, wala akong makausap.
Lahat sila nagsinungaling sakin"
Hindi ko alam ang sasabihin ko, parang
ako ang pinakaunang napagbuhusan ni
Gino ng mga nararamdaman niya at
ayokong magkamali sa mga sasabihin
ko.
"but that doesn't mean walang
nagmamahal sayo" sabi ko sakanya.
"sino? sino nagmamahal sakin Dustin?
mga sarili ko ngang magulang pinamigay
lang ako"
"ako. kami. Kahit ganyan ka samin, may
malasakit pa rin kami sayo. concerned
pa nga yung iba sayo eh. at kung alam
mo lang, marami kami ang gustong
makipagkaibigan sayo"
Patuloy ang pag iyak ni Gino. hindi ko
alam ang gagawin ko. Inakbayan ko siya,
and using my other hand, I let him rest
his head sa shoulders ko. Hindi naman
siya nagpapigil so yun, umiiyak pa rin
siya sakin.
Bromance man kung tignan, pero I just
want to make him feel na mayroon
siyang kaibigan na masasandalan.
"From now on, kaibigan mo na ako.
Hindi kita lolokohin, and I'll be this one
person you can always rely on.. Promise
yan Gino." seryoso kong sabi sakanya
habang tinatapik yung likod niya.
Napayakap siya sakin kaya niyakap ko rin
siya. Pagkatapos nun, bumitaw siya at
nagpasalamat.
"Thank you Dustin."
Nandun lang kami sa shore for 20 more
minutes then napagisipan namin na
bumalik na sa bahay para
makapagpahinga, malapit na rin kasi
sumikat ang araw pero bago pa kami
makapasok sa kwarto..
"Ahh Dustin, bago ko makalimutan.."
sabi niya sakin, so humarap ako sakanya
"Happy Birthday" nakatingin siya sa
baba noon, napangiti naman ako kaya
tinignan niya rin ako.
"salamat Gino. Ikaw ang unang nagreet"
sinuklian niya naman ako ng ngiti.
First time, as in first time kong makita si
Gino na ngumiti. Bagay sakanya mas
mukha siyang artista.
"gwapo mo pala pag nakangiti eh! dapat
lagi kang nakangiti" biro ko sakanya.
Pumasok na kami sa kwarto, humiga ako
sa kama at siya naman ay tumabi sakin.
Di rin nagtagal, nakatulog na ako.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment