“Matagal ka pa ba diyan Marco?”
“Saglit na lang ‘to. Minsan lang to
mangyayari kaya dapat gwapo
ako.”“Ikaw pa ngayon nagpapahintay
sakin. Lagi ka namang gwapo.”“Patience,
Anthony. Syempre dapat gwapo ako for
you.”
Nilapitan ako ni Anthony at niyakap. “Ok
na nga. Tayo na, naghihintay na sila sa
labas.”
Five years ago…
“May ginagawa ka?” Tumawag sakin si
Anthony. Mukhang may problema na
naman ‘tong lokong ‘to.“Saan?”“Dun sa
dati.”
High school pa lang, magkaibigan na
kami ni Anthony. Classmates kami
simula first year. Dati ay marami kami sa
barkada pero mula ng pareho kami ng
pinasukang school sa college, mas naging
close kami. Ngayon ngang second year
college students na kami, lalo pa
tumibay at mas lumalim pagsasamahan
namin. Usually pag tumatawag yan sa
disoras ng gabi at gusto makipagkita,
may problema yan. Sanay na kong bigla
na lang siyang tatawag at mapipilitan
naman akong iwan kung anuman ang
ginagawa ko at puntahan siya.
“Ano problema?” Pagdating ko sa lugar
kung saan kami madalas magkita,
nandun na si Anthony, nakasandal sa
puno.“Nakipagbreak siya sa akin,”
mahinang tugon ni Anthony.“Sino?”“Sino
pa ba? Para namang ang dami kong
girlfriend. Marco naman eh. Inaasar mo
pa ko,” mangiyak-ngiyak na sagot ni
Anthony.Inakbayan ko siya at tinapik
ang balikat niya. “Ito naman, pinapatawa
lang kita. Ikukwento mo ba?”“Masyado
daw akong maloko. Parang hindi ko daw
kaya magbago para sa kanya. Feeling
niya hindi ako nag-aaral ng mabuti at
walang plano sa buhay.”“Pinaliwanag mo
ba side mo?”“Para saan pa? Eh ayun na
ang tingin niya sa akin. Ang nakakainis
lang, nakilala na niya akong ganito tapos
ngayon bigla siyang
magrereklamo.”“Pano yan? Hindi ka na
makikipagbalikan?”“Alam mo namang
hindi ako nakikipagbalikan kapag alam
kong wala naman akong ginagawang
masama.”Hindi na ko sumagot pa at
tumabi na lamang sa kanya. Humiga siya
sa balikat ko at nagsalita ng marahan.
“Mukhang ikaw na naman ang mag-
aalaga at magtitiyaga sa ‘kin. Unless
hanapan mo agda ako ng bagong
girlfriend.” Medyo ngumiti siya habang
nagsasalita.“May choice pa ba ko?”“Eh
kung tayo na lang kaya?” Tumayo si
Anthony mula sa pagkakahiga niya sa
balikat ko at humarap sa akin.“Gago ka,
sinabi nang wag kang magloloko ng
ganyan eh. Papatulan kita.” Naiinis kong
sabi sabay palo sa braso niya.“Joke lang.
Hoy ikaw Marco, subukan mo kong iwan,
ipagkakalat ko sa campus na bading
ka.”“As if naman hindi pa nila lahat
alam. Kulang na nga lang sumali ako ng
beauty contest para may proof na
bading ako,” natatawa kong sabi.“Pag
sumali ka dun, promise ako escort mo
kahit ano mangyari.”“Natouch naman
daw ako dun. Ano malungkot ka pa
ba?”“Syempre naman. Pero ayoko ng
magdwell dun. Dito tayo matulog,” sabi
ni Anthony sabay higa sa
damuhan.“Baliw ka ba? Gusto mong
mamatay tayo sa kagat ng
lamok?”“Syempre prepared ako. May
dala akong kumot at Off.”“Prepared ka
nga. Eh hello may pasok ako bukas.
Tsaka may tinatapos akong paper kanina
nang bigla mo kong pinapunta dito.”“Sa
inyo na lang kaya ako matulog? Wala
naman akong pasok bukas eh. Buong
araw lang ako hihiga sa kama
mo.”“Bahala ka.”
Sumakay na kami sa kotse ko para
bumalik sa bahay. Nag drive-thru muna
kami sa Jollibee dahil hindi pa pala siya
kumakain ng dinner.Pagdating namin sa
bahay ay pumasok na agad si Anthony sa
loob. Nadatnan niya doon si Mama na
nanood ng TV. Hinalikan niya si Mama sa
pisngi at umupo sa tabi nito at nanood
din ng TV. Ganyan na kaclose si Anthony
at si Mama. High school pa lang kasi
madalas na siya dito sa bahay. Parang
anak na ang turing ni Mama kay
Anthony.
“Mama, dito daw matutulog si Anthony,”
sabi ko kay Mama matapos ko siyang
halikan sa pisngi.“Oh ok sige. Ayusin ko
ba yung guest room?”“Ay hindi na po
Tita. Dun na lang ako sa room ni Marco
matutulog,” sagot ni Anthony.“Sige ikaw
bahala.”
Umakyat na kami ni Athony sa kwarto
ko. Umupo siya sa computer chair ko at
binuksan ang laptop ko. Dumiretso
naman ako sa closet at kumuha ng
pamalit kong damit. Kinuhanan ko na
din ng damit si Anthony at ibinato ito sa
kanya.Nagpalit na ko ng damit sa
kwarto. Nagpalit na rin ng damit si
Anthony. Gwapong gwapo ako dito kay
Anthony. Sobrang amo ng mukha nya at
ang pupungay ng mata. Medyo payat
lang siya pero hindi namna pangit
tingnan. Kung hindi ko lang talaga ‘to
kaibigan matagal ko na ‘tong pinatulan.
“Anthony may tanong ako sayo? Bakit
parang sobrang komportable ka magbihis
sa harapan ko eh alam mo namang
bading ako?”“Kasi kaibigan kita. Alam
kong wala kang gagawing masama. Tsaka
alam ko namang hindi rin ako bibigay
sayo,” natatawang sabi ni Anthony.“Ang
yabang mo. Bakit, hindi ba ko gwapo?”
naiinis kong tanong.“Gwapo din naman.
Pero ‘di kasing gwapo ko,” natatawa
niyang sagot.“Ewan ko sayo. Umalis ka
na nga dyan sa computer chair ko,
tatapusin ko na yung paper ko. Dun ka
sa kama.”Umupo ako sa upuan at
binuksan ang file na kelangan ko
tapusin.Niyakap ako ni Anthony mula sa
likod.“Uy nagtatampo si Marco ko. Sorry
na.”“Oo na. Dun ka na sa kama. Wag
mo ko istorbohin ah. Kelangan ko ‘to
matapos ngayong gabi.”“Opo.”
Humiga sa kama si Anthony at
pinatugtog ang MP3 player ko. Puro lang
mga kanta ni John Mayer ang
nandun.“Adik ka talaga sa kanya ‘no?”
tanong ni Anthony.“Gusto ko lang talaga
mga kanta niya.”“So manonood ka ng
concert niya sa October?”“Hindi, ang
mahal ng ticket eh,” sagot ko.
Alas dos na ng madaling araw ko
natapos ang ginagawa ko. Kanina pa
nakatulog si Anthony. Nagprint na ko ng
paper ko tapos ay pinatay ang laptop.
Pinatay ko na rin ang ilaw at tumabi kay
Anthony.Nakatagilid kami pero sa
parehong side kami nakaharap. Niyakap
ako ni Anthony.“Good night best
friend.”“Kala ko tulog ka na?” tanong
ko.“Nakatulog na nga ko pero nagising
lang.”“O sige. Good night na.”Paano ba
naman ako hindi magkakagusto dito eh
sobrang sweet sa akin. Hindi sya
naaalangang yakapin o tumabi sa akin.
Sobrang bait pa. Hay mahal ko na ata
talaga tong mokong na ‘to. Pero alam ko
namang imposible.
Gumising ako ng 6 am para maghanda
sa pagpasok. Kumain na ako ng
breakfast tapos ay naligo at nagbihis.
Mga 7:15 ako umalis pero tulog pa rin si
Anthony. Hindi ko na siya ginising dahil
alam ko namang madadatnan ko siya
pag-uwi ko.
Pagpasok ko ng classroom ay nadatnan
kong andun si Sarah, ex-girlfriend ni
Anthony.“Marco nakita mo ba si
Anthony?” tanong sa akin ni Sarah.“Wala
siyang pasok ngayon.”“Alam ko ngang
walang pasok kaya nga tinatanong ko
kung nakita mo eh,” masungit niyang
tugon.Hindi talaga kami magkasundo
nito. Mula pa ng maging sila ni Anthony,
bihira ako sumama sa kanila dahil hindi
ko talaga gusto ugali niya. Maganda nga
siya at matalino pero ang pangit talaga
niya umasta. “Hindi,” maikli kong
sagot.Tinext ko si Anthony tungkol dito.
Marco: Huy hinahanap ka ng ex
mo.Anthony: Sino sa kanila?Marco: Edi
yung pinakabago.Anthony: Ano sabi mo?
Marco: Sabi ko hindi kita nakitaAnthony:
Sige. Text ko na lang siya.Marco:
Makikipagbalikan ka?Anthony: Oo eh.
Mahal ko pala talaga siya.Marco: Ewan
ko sayo. Pinuyat mo pa ko kagabi tapos
ganyan lang din pala.Anthony: Sorry na.
Nga pala alis na ko maya maya dito sa
inyo ah. Makipagkita ako
kaySarah.Marco: Ok.
Hindi naging maganda ang takbo ng araw
ako dahil sa text na iyon ni Anthony.
Medyo nasaktan ako at nagselos.
Pakiramdam ko kasi kapag kami ang nag-
away, hindi siya gagawa ng paraan para
magkaayos kami.
Pag-uwi ko ng bahay ay hindi ko na
nadatnan si Anthony tulad nga ng sinabi
niya. Binato ko ang gamit ko sa sahig at
humiga sa kama. Kinuha ko ang MP3
player ko at pinatugtog ito. Nagulat ako
ng may isang kanta roon ni John Mayer
pero cover lang. Mukhang walang
nagawa si Anthony kanina sa bahay kaya
nagrecord ng kanta. Natawa ako dahil
wala siya sa tono.
Nagtext ako sa kanya para asarin siya.
MARCO: Hoy Anthony, binaboy mo na
naman MP3 player ko. Kuna anu-ano
pinaglalalagay mo. Tsaka nabastos si
John Mayer sa ginawa mo.
Hindi sumagot si Anthony. Siguro ay
magkasama sila ni Sarah kaya ayaw
niyang magpaistorbo. Hindi ko
namalayan na nakatulog na pala
ako.Nagising lang ako ng tinawag na ko
ni Mama para maghapunan. Nang
tiningnan ko yung phone ko, wala pa
ring text si Anthony. Medyo nalungkot
ako. Hindi ko alam. Dapat patuwa ako
na makikipagbalikan siya dahil mahala
naman talaga niya si Sarah, pero di ko
maiwasan malungkot dahil may gusto
nga ako sa kanya.
Habang kumakain ay may tinanong sa
akin si Mama.
“Anak, kailan mo balak sabihin kay
Anthony yang nararamdaman
mo?”Nagulat ako sa tanong ni Mama.
Alam niyang noon pang high school ako
may gusto kay Anthony. “Never na
mama. Ayokong masira pagkakaibigan
namin. Tsaka alam kong imposible
namang ganun din ang nararamdaman
niya. Mawawala din tong nararamdaman
ko.”“Ayoko lang naman anak na nakikita
kang nasasaktan.”“Hayaan niyo na
Mama. Mawawala din ‘to.”
Kinabukasan, sa school ay nagkasalubong
kami ni Anthony.
“Marco sorry hindi ako nakapagreply sa
‘yo kagabi. Kasama ko kasi si Sarah
nun.”“Ok lang. Kamusta na nga pala
kayo?”“Ayun nagkita kami sa isang
restaurant. Sinubukan ko siyang
kausapin pero may gusto siyang gawin
ko na hindi ko kayang gawin,” tugon
niya.“Ano yon?”“Wala. I guess I just
have to move on. Alam mo, honestly,
she does not deserve me. And if she
cannot accept every aspect of who I am,
then she does not deserve my love,”
madamdamin niyang sagot.“Wow ang
lalim Anthony, ah. Sana nga makapag
move on ka na talaga. Marami pa
namang girls na nagkakandarapa sa ‘yo
eh,” sagot ko sa kanya.Hindi na muna
ako maghahanap. Kelangan ko muna
maglet go kay Sarah. Syempre kahit
ganun yun, mahal ko pa rin yun. Teka,
san ka punta? Kakain ako sa labas.
Itetext pa lang sana kita”“Sa library, may
ireresearch lang. Sunod na lang ako
sa’yo, saglit lang naman ako
eh.”“Samahan na lang muna kita. Wala
din naman na akong gagawin.”
Tinulungan ako ni Anthony magresearch
tungkol sa Communication theory
subject ko. Nakaupo kami sa isang table
ng lumapit ang isa kong
classmate.“Marco, may nahanap ako
tungkol dun sa assignment natin. If you
want, ipaphotocopy mo na lang,” sabi
niya.“Sige. Salamat. Siya nga pala, Anne,
best friend ko pala si Anthony. Anthony,
classmate ko, si Anne.”Nagshake hands
sina Anne at Anthony. Nahalata kong
medyo namula si Anne. Mukhang crush
niya ang best friend ko.Tumayo na kami
ni Anthony at pumunta sa photocopying
area. Nang makuha na namin yung
readings namin ay inaya na ako ni
Anthony kumain.“Anne, do you want to
join us? Kakain kami ni Marco diyan lang
sa labas ng school,” paanyaya ni
Anthony kay Anne.“Uhm, sige next time
na lang. May kailangan pa kasi akong
gawin eh. Thanks, though,” sagot ni
Anne.“Oh okay. Sige nice meeting
you.”“Nice meeting you too.”
Lumabas na kami ni Anthony at
dumiretso sa fishball stand. Favorite
snack kasi namin ni Anthony ang
fishballs. Simple joys in life
kumbaga.“Anthony, libre ko na to total
naman sinamahan mo ko sa library tsaka
alam kong broken hearted ka pa,” pang-
aasar ko sa kanya.“Alam mo hindi ako
maaasar sayo dahil ililibre mo naman
ako,” natatawa niyang sagot.“Ano
naman tingin mo kay Anne?” tanong ko
kay Anthony.“Well, ok lang. Mukhang
smart. Pero she’s too simple for my
type.”“Hindi ko naman tinatanong kung
type mo siya,” pang-aasar ko.“Just
sayin’.”
Pag-uwi ko ng bahay ay nakatanggap ako
ng text mula kay Anne.
ANNE: Marco, hindi ko alam na friend
mo pala si Anthony. Naging classmate ko
siya before at super crush ko siya. Alam
kong hindi niya ako maalala. Wala lang,
natuwa lang ako na may common friend
kami.MARCO: Napansin ko nga kanina
na namula ko nung pinakilala kita sa
kanya. Well, marami talagang
nagkakacrush dun. Pero playboy yun.
Ingat ka lang. HahaANNE: Alam ko
namang hindi ako magugustuhan nun.
Ikaw ba Marco, wala ka bang gusto kay
Anthony? Super close kayo eh. At
mukhang hindi siya nahihiyang kasama
ka.MARCO: Ako magkakacrush dun?
Alam ko lahat ng baho nun. Magkaibigan
na kasi kami since high school kaya
sanay na siyang kasama ako.Ganyan ang
buhay namin ni Anthony. Normal kung
ikukumpara sa iba. Magkaiba kami ng
course kaya wala kaming parehong
subjects. Nagkikita lang kami pag free
time namin or kapag nagcucut ng classes
ang isa samin para tumambay or magsit
in sa class ng isa. Unti-unti na ring
nakalimutan ni Anthony si Sarah. Mas
nagfocus siya sa pag-aaral niya. Ako
naman ay ganun din dahil iniingatan ako
ang grade average ko para naman
magkahonor ako sa graduation.
October na. Buwan na ng birthday ko.
Si Anthony naman ay December ang
birthday. Hindi namin nakasanayan na
magregalo sa isa’t isa. Madalas ay
nanlilibre lang kami kasama ng iba pa
naming high school friends.Isang araw
habang kumakain kami nina Anthony at
Anne sa may fishball stand sa labas ng
school ay may inabot sa akin si
Anthony.“Uy Marco, ito nap ala birthday
gift ko sa ‘yo. Ang tagal kong pinag-
ipunan yan ah,” inabot ni Anthony sa
akin ang isang envelope.“Wow, first time
mo magregalo sa akin ah. Mukhang
mapipilitan akong bigyan ka din ng
regalo sa birthday mo,” sagot ko.“Aba
dapat lang ano.”“Dali Marco buksan mo
na,” pangungulit ni Anne. Medyo
madalas na din naming makasama si
Anne dahil anging magpartners kami sa
final project namin.Binuksan ko na yung
envelop at nagulat ako sa laman.
Dalawang VIP tickets sa concert ni John
Mayer dito sa Manila. “Oh my god
Anthony, pano mo nabili ‘to? Ang mahal
nito ah.” Nakatitig lang ako sa ticket
habang nagsasalita.“Siyempre humingi
ako ng extra allowance sa parents ko
para makaipon. Tsaka binenta ko din
yung comics collection ko.”“Binenta mo
yun? Eh diba bata ka pa lang kinokolekta
mo na yun?” gulat kong tanong. Adik si
Anthony sa Spiderman comics at talaga
kinukulit pa niya ang Tita niya sa
Amerika para lang padalhan siya ng mga
issues nito. Hindi ako makapaniwalang
binenta niya yun para lang mabilhan ako
ng tickets.”“Sa pinsan ko lang naman din
binenta para sigurado akong maiingatan
niya tiyaka at least pwede ko pa ring
hiramin every now and then. Alam ko
kasing crush na crush mo si John Mayer
kaya ko naisipang bilhan ka since minsan
lang naman siya magconcert dito.”Di ko
napigilan ang aking sarili at niyakap ko si
Anthony sa harap ng maraming tao.
“Thank you so much Anthony.”“Sus, wala
yun. Best friend kita eh. Pero teka
kapag nagtagal pa tayong magkayakap
dito baka isipin nila ikaw na bago kong
girlfriend,” natatawa niyang sabi. Si Anne
naman ay nakatingin lang sa amin.Inalis
ko ang pagkakayakap ko sa kanya at
pinalo siya sa braso. “Gago ka. Wala
naman yung malisya.”“Syempre sa ating
dalawa wala yung malisya. Pero alam mo
naman yung ibang tao, mga tsismosa. Sa
gwapo kong ‘to, malamang mabilis
kakalat ang balita,” natatawa niyang
sabi.“Sabagay. Pero bakit
dalawa?”“Syempre kasama mo ako. Baka
mabore ka kapag ikaw lang mag-
isa.”“Salamat talaga.”
Ilang araw din kaming hindi
nagkakasama ni Anthony dahil finals
week na. Tinatapos na namin ni Anne
ang project naman at marami din akong
ginagawang papers samantalang si
Anthony naman ay busy sa exams
niya.Araw na ng concert. Sobrang
excited ako dahil fan talaga ako ni John
Mayer, tapos kasama ko pa si Anthony
manood.Buti na lang at weekend ang
concert at wala kaming pasok pareho.
Seven p.m. ang start ng concert pero
napag-usapan namin dati ni Anthony na
magkita na sa mall ng mga 4 p.m. para
gumala muna ng kaunti.
Nasa mall na ako kung saan gaganapin
ang concert ng tawagan ako ni
Anthony.“Hey Marco.”“Uy nasan ka na?
Andito na ko.”“I’m sorry pero hindi kita
masasamahan tonight. May bigla kasi
akong kelangan gawin eh.”“Ano yan?
Matagal na nating naplano ‘to
diba?”“Alam ko. Kaya nga sorry eh. Hindi
ko pa pwede sabihin sayo. Nasa akin
naman yung ticket ko. Susubukan ko
talagang humabol. I’m so sorry
Marco.”“Bahala ko. O sige, good luck sa
kung ano man yang gagawin mo.
Bye.”“Bye, Marco. Sorry.”Sobra akong
nalungkot dahil hindi ko makakasama si
Anthony sa concert. Ang tagal kong
hinintay ang araw na ‘to. Hay.
Pumila na ako ng maaga sa gate ng
concert grounds. Ng makaupo na ako ay
hindi ko mapigilang malungkot dahil
bakante ang katabi kong
upuan.Nagsimula na ang concert.
Natuwa ako dahil sa wakas ay nakita ko
si John Mayer magperform. Pero
syempre mas masaya sana kung kasama
ko si Anthony.Mga 10 p.m. natapos ang
concert. Nagpunta ako ng parking area.
Ng malapit na ko sa kotse ko ay may
nakita akong balloon na nakasabit sa
side mirrors ko. Hinanapo ko kung sino
gumawa nito. Pagtalikod ko ay nakita ko
si Anthony na may hawak na cake.
“I’m sorry hindi ako nakapunta sa
concert kanina. Sinubukan kong
pumasok pero hindi na ko pinayagan ng
guard.”Hindi ako sumagot at nakatitig
lang sa kanya.“Sorry talaga. Huy sorry
na. Ito oh, advanced birthday cake. Blow
mo na candle mo.”Hindi na rin ako nag-
inarte. Hinipan ko ang candle at ngumiti
sa kanya.“Ano wish ng best friend ko?”
tanong ni Anthony“Na sana matuto yung
bestfriend ko na tumupad sa pangako
niya.”“Sorry na talaga.”“Ano ba kasi
ginawa mo kanina?”“Hindi ko pa talaga
pwede sabihin eh.”“Kelan ka pa naglihim
sakin?”“Uhm, ngayon lang. Kelangan lang
kasi talaga.”“Sige bahala ko. Uuwi na
pala ako.”“Pwede makisabay? Nagtaxi
lang kasi ako kanina. Medyo naubos nap
era ko dahil sa cake,” nakangiti niyang
sabi.“O sige sakay.”Hinatid ko siya sa
kanila tapos ay umuwi na ko. Kahit hindi
siya nakasama sa concert ay natuwa pa
rin ako dahil sa ginawa niya kanina sa
parking area.Kinabukasan ay birthday ko
na. Naghanda si mama sa bahay.
Pumunta ang ilan naming kamag-anak.
Hindi nakarating kahit sino man sa high
school friends namin. Medyo nagtampo
nga ako sa kanila eh. Si Anthony naman
ay dumating kasama si Anne. Nagtaka
nga ko dahil taga Manila si Anne tapos
taga-Cavite lang din naman si Anthony
kagaya ko kaya hindi ko alam kung bakit
sila magkasabay.“Happy birthday
Marco!” bati sa akin ni Anne. May dala
siyang cake.“Thank you. Bakit kayo
magkasabay ni Anthony?” tanong ko sa
kanya.“Ah kasi sinundi ko siya sa kanila
dahil hindi niya alam papunta dito,”
sagot no Anthony na parang kabado.As
usual, sobrang komportable si Anthony
sa bahay. Tinutulungan niya si Mama sa
pag-aasikaso sa bisita namin.Masaya ang
buong araw pero hindi ko maiwasan
mapansin na parang mas nagiging close
sina Anne at Anthony.
Makalipas ang ilang araw ay mas naging
malapit sina Anne at Anthony. Minsan
nga ay nakakasalubong ko sila sa school
na magkasama. Medyo nagdududa na ko
na baka may hindi sila sinasabi sa akin.
Minsan at tinanong ko si Anthony
tungkol dito pero ang lagi lang niyang
sinasabi ay nagpapatulong lang daw siya
kay Anne o di kaya ay nagkita lang sila
somewhere kaya magkasama sila.
Isang araw, pag-uwi ko ng bahay ay may
sinabi sa akin si Mama na talaga namang
ikinagulat at ikinalungkot ko.“Anak,
tumawag sa akin ang Daddy mo kanina.
Ayos na ang papeles mo papuntang
states. Dun ka na sa kanya titira para
makapag-aral ka sa Amerika.”“Huh?
Bakit Mama? Ok naman ako dito ah. Ok
naman yung college ko. Ayoko pumunta
dun.”“Matagal ka ng gusto makasama ng
daddy mo. Pumayag din ako dahil para
din naman sa kinabukasan mo.”“Iniwan
niya tayo nung bata pa lang ako. Tapos
ngayon makikialam siya sa buhay
ko?”“Anak wag kang ganyan. Magkaayos
na kami ng daddy mo. Makakabuti yun
para sa future mo.”“Don’t I have a say
on this?”“I’m so sorry anak pero pareho
naming gusto ‘to para sa ‘yo.”“Mama
naman eh.”Niyakap ako ni Mama dahil
nakita niya akong umiiyak.“Kelan ako
aalis?” naiiyak kong tanong.“Sa
December anak.”“Sa December agad?
Hindi ako dito magpaPasko? Ang bilis
naman Mama. Hindi ba pwedeng Next
year na lang?”“Para kasi makahabol ka
sa second term sa papasukan mong
college. Sasama ako sayo para
magkakasama tayo magChristmas, pero
uuwi din ako dito.”“Magstay ka na lang
din dun Mama.”“Hindi pwede anak. May
bago ng family Daddy mo dun tsaka
walang mag-aasikaso sa business natin
dito.”“Hindi ba talaga pwedeng next
year na lang? Or better yet, never na
lang.”“Anak, we only want what’s best
for you. Tsaka bakit ba ayaw mo dun?
Bibisitahin naman kita minsan
dun.”“Syempre iba pa rin dito. Tsaka
mamimiss ko mga friends
ko.”“Mamimiss mo ba talaga sila lahat o
si Anthony lang?”“Mama naman eh.”
Nagtext ako kay Anthony tungkol dito.
Habang nakahiga sa kama ay tumawag
siya.“Hello Anthony, bakit ka tumawag?”
tanong ko.“Totoo ba yan o niloloko mo
lang ako?”“Totoo yun.”“Punta ako sa
inyo ngayon.”“Seryoso ka? May pasok
tayo bukas ah.”“Oo. Dadalhin ko na
uniform ko. Hintayin mo ko diyan.”
Makalipas ang isang oras ay narinig kong
may kausap si Mama sa sala kaya
bumaba ako upang tingnan kung sino
yun.
“Tita naman eh. Bakit niyo ilalayo si
Marco sa akin.”“Para yun sa future
niya.”“Eh kung isama niyo kaya ako dun.
Dun na din ako mag-aaral.”“Gusto mo
ba talaga yan?”“Mamimiss ko lang po
kasi talaga si Marco. As in big
time.”“Dun lang naman siya mag-aaral.
Malay mo dito pa rin siya magtrabaho.”
Si Mama, kausap si Anthony. Medyo
naiyak ako sa narinig ko. Pinahid ko ang
luha ko at bumaba.“Hoy Anthony,
kinukulit mo na naman si
Mama.”Nagulat ako ng bigla niya akong
yakapin.“Tita, hindi ko ibibigay sa inyo si
Marco. Hindi ko siya
pakakawalan.”Natawa si mama sa
ginagawa ni Anthony. Ako naman ay
halo ang emosyon. Gusto kong umiyak
pero ayokong gumawa ng eksena.“Hoy
Anthony nakakatawa ka. Umayos ka nga.
Mahiya ka kay Mama. Mamaya palayasin
ka nan dito.”“Pag pinalayas niyo ako dito
Tita, isasama ko si Marco.”
Ng tapos nang mag-asaran, pumunta
kami sa dining area para magsnack.
Nilabas ni Mama ang ginawa niyang
cheesecake. Dito na ikinuwento ni
Mama kay Anthony kung ano nangyari
kaya ako pupunta sa Amerika. Matapos
ay umakyat na kami ni Anthony sa
kwarto ko.
“So totoo pala talaga yun? Akala ko
pinagtitripan niyo lang ako ni
Tita.”“Ayoko din umalis pero mukhang
wala naman akong magagawa eh.”“Wag
mo kong kakalimutan dun ah. Bawal ka
magkaron ng best friend dun.”“Ay ang
selfish naman niyan,” natatawa kong
sabi. “Halika matulog na tayo, maaga pa
pasok natin bukas.”Matapos namin
maligo ay humiga na kami.
“Seryoso Marco, wag mo talaga akong
makakalimutan,” mahinang sabi ni
Anthony.“Oo naman. Ikaw din, wag mo
kong kakalimutan,” tugon ko.“Promise,
ikaw lang ang kaisa-isa kong gay best
friend. Pwede akong magkaron ng
maraming gay friends, pero never ko sila
magiging best friend.”“So kelangan
pinapasok mo talaga yung pagiging gay
ko?”“Oo naman. Alam mo namang never
naging issue sa akin yan di ba?” masm
ahina niyang sabi. Halata kong
malungkot siya.“Alam ko. Kaya nga
nagpapasalamat ako dahil sinuwerte ako
sa best friend ko. Gwapo na, mabait
pa.” Nakita kong napangiti siya sa sinabi
kong yun.“Since aalis ka nap ala,
sasabihin ko na sa ‘yo yung secret
ko.”“It’s about time. Tungkol ba saan
yun?” tanong ko.“Nililigawan ko si
Anne.”Medyo napapansin ko na yun
noon pa pero nagulat pa rin ako ng
inamin niya sa akin. Medyo may kurot
akong naramdaman sa puso ko.“Kelan
pa?”“Nung araw ng concert ni John
Mayer. Kaya hindi agad ako nakapunta,
dahil magkasama kami nun ni
Anne.”“Bakit di nyo sinabi agad?”“Di ko
din sigurado. Siguro feeling namin
magagalit ka.”“Bakit?”“Basta.”“Hindi ka
pa ba niya sinasagot?”“Hindi pa. Pero
alam mo Marco, hindi ko alam na
magkakagusto ako sa kanya. Diba dati
sabi ko sayo hindi ko siya type? Pero
siguro nadevelop ako sa kanya. Simple
kasi siya at hindi mahirap
pakisamahan.”“Mahal mo na?”“Oo
naman. Hindi naman ako manliligaw
kung alam kong hindi ko pa mahal. Galit
ka?”Hindi agad ako nakasagot. Hindi ako
galit pero syempre nasaktan ako. “Bakit
naman ako magagalit? Pareho ko naman
kayong kaibigan. Sana nga sagutin ak na
niya para masaya. O siya matulog na
tayo. Good night.”“Good night best
friend.”Pinipilit kong matulog pero
iniisip ko pa rin ang pag-alis ko at ang
tungkol kina Anthony at Anne. Di ko
mapigilang umiyak.
Nang mga sumunod na araw ay inayos
ko na ang papers ko sa school para sa
pagtransfer ko. Sina Anne at Anthony
naman ay palagi na kong sinasamahan.
Sinusulit siguro nila yung mga remaining
days ko sa school. Pero madalas din na
kami lang ni Anthony ang magkasama.
Madalas din na sa bahay na siya
natutulog. Naintindihan naman ni Anne.
Napansin ko din na mas nagiging sweet
sila sa isa’t isa. Nararamdaman ko ng
malapit nang maging sila. Masakit man,
tinanggap ko na din. Siguro
makakatulong ang pag-alis ko para
makalimutan ko an nararamdaman ko
kay Anthony.
December na. Birthday na ni Anthony.
Aalis na rin ako. Ang masakit pa dun,
hindi ko na aabutan ang birthday ni
Anthony. Nakabook kasi ang flight ko
tatlong araw bago ang birthday niya.
Sinubukan kong iparebook ang flight ko
pero wala ng flight na bukas pa kaya
wala na akong nagawa.“Ngayon ka na ba
talaga aalis Marco.”“Oo. Para namang
hindi mo nakita yung ticket ko. Halos
itago mo na nga para hindi ako makaalis
eh.”“Hindi ba pwedeng after na lang ng
birthday ko?” malungkot na tanong ni
Anthony.“Hindi pwede eh. Sayang yung
ticket tsaka wala nang mabook na flight
after ng birthday mo. Di bale, binigyan
naman kita ng regalo di ba?”“Hindi
naman yung regalo yung habol ko
eh.”“Alam ko,” tugon ko. Niyakap ko na
si Anthony.
Narinig ko ng tinatawag yung flight ko.
Ito na talaga. Hindi ko alam kung
makakabalik pa ako ng Pilipinas.
Maaaring ito na ang huling pagkikita
namin ni Anthony.Niyakap ko ulit si
Anthony, “O pano, goodbye na.”“Mag-
ingat ka dun ah.”“Mag-ingat ka din dito.
Alagaan mo si Anne. Mag-aral ka mabuti
dito.”“Oo. Hoy, pag ikaw nagkaboyfriend
dun pakilala mo sa akin sa chat tsaka
dapat alam ko facebook page niya para
mabantayan ko.”“Asa. Hindi ako
magkakaboyfriend dun. Imposible.”
Naiiyak na ko. At hindi ko nay un
napigilan. Ng Makita yun ni Anthony,
pinahid niya ang luha ko.“Dapat masaya
ka, makakakita ka na ng snow. Alam mo
namang ikaw lang ang best friend ko.
Hindi magbabago yun.”“Alam ko.”
**********************
“Matagal ka pa ba diyan Marco?”“Saglit
na lang ‘to. Minsan lang to mangyayari
kaya dapat gwapo ako.”“Ikaw pa ngayon
nagpapahintay sakin. Lagi ka namang
gwapo.”“Patience, Anthony. Syempre
dapat gwapo ako for you.”
Nilapitan ako ni Anthony at niyakap. “Ok
na nga. Tayo na, naghihintay na sila sa
labas.”
“I now pronounce you man and wife.
You may now kiss the bride.”
Makalipas ang limang taon, graduate na
ko sa Amerika habang sina Ann at
Anthony ay nakagraduate na din.
Pagkatapos ng graduation nila ay
nagpasya silang magpakasal dahil
nabuntis si Anne. Ginusto din naman
nila pareho na magpakasal.Ako? Ito
makalipas ang limang taon ay hindi pa
rin nagkakaron ng karelasyon. Makalipas
ang limang taon, mahal ko pa rin si
Anthony. Kaya nga ng tinawagan niya ko
at sinabihang kukunin akong best man sa
kasal nila, kahit masakit, ay pumayag ako
at umuwi ng Pilipinas.Nakita ko namang
masaya na sila kaya wala na kong ibang
nagawa kundi ang maging masaya na
lang din para sa kanila.
Habang nasa reception ay pinili ko
munang mapag-isa sa garden na katabi
ng reception area.“Anong ginagawa mo
dito? Nagdadrama ka?” tanong ni
Anthony.“Ah wala, nagandahan lang ako
sal ugar. Congratulations. May asawa ka
na at magkaka-anak na.”“Oo nga eh.
Sobrang saya ko, pero sana
mapanindigan kong buhayin ang pamilya
ko.”“Kaya mo yan. Alam kong maloko ka
pero alam ko din namang seryoso ka
pagdating sa ganyang bagay.”Nilapitan
ako ni Anthony at inakbayan. “Namiss
kita sobra.”“Namiss din kita.” Tumutulo
na ang luha sa mata ko.Hinawakan ni
Anthony ang mga balikat ko at iniharap
ako sa kanya. “Hindi ko man masuklian
ang pagmamahal mo, Marco, gusto ko
malaman mo na minahal kita bilang
kaibigan ko. Isa ka sa
pinakaimportanteng tao sa buhay
ko.”“Alam mo?”“Na ano? Na mahal mo
ako? Oo. Noon pa. Hindi mo man
sabihin, nararamdaman ko naman at
nakikita ko sa mga galaw mo.”“Bakit
wala kang sinabi tungkol dun?”“May
dapat bang sabihin? Hindi ko naman
madidiktahan ang puso mo at hindi
naman kita matuturuan sa kung ano
dapat ang maramdaman mo.”“Anthony,
hanggang ngayon, mahal kita,” umiiyak
kong sabi.“Alam ko,” tugon niya sabay
yakap. “Alam ko.”
Darating din siya. Alam kong darating
din ang taong mamahalin ako tulad ng
pagmamahal ko sa kanya. Hindi man
nasuklian ni Anthony ang pagmamahal
ko sa kanya, alam kong minahal niya ko
sa abot ng makakaya niya. Hindi man
ako ang kasama niya habang buhay, alam
kong may puwang ako sa puso niya. At
habang hindi ko pa nakikita ang lalaking
para sa akin, nandito lang ako,
magmamahal sa kanya; bilang isang
taong malalapitan niya tuwing may
problema siya; isang taong magpapasaya
sa kanya; isang taong magiging best
friend niya.
No comments:
Post a Comment