Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.

Tuesday, March 24, 2015

STORY: ANG LALAKI SA BUROL [9]

“Grabe igan... nagdrama talaga ang lola mo!” sambit ni Ricky. “Pero I’m proud of you igan. Kasi, pang-best dramatic actor din ang dialogue mo! At panalo pa!!! Imagine, pasimple mo siyang minura?” dugtong pa niya sabay halakhak.

“N-natatakot ako Ricky. Baka mas matindi pa ang gagawin niya sa akin, eh.”

“Huwag kang mag-alala, nandito ako igan. Ipaglalaban kita. Kung kailangang mag-strike kaming lahat ng mga crew ay gagawin namin. Abay buwesit na buwesit na rin ang mga kasamahan natin sa ugali ng amo nating babae. Mabuti kung maipagmamalaki ang pasweldo nila. Hmptt!”

“E di masesante silang lahat kung mag strike kayo?”

“Bakit? Hindi mo ba alam na sesesantehin din naman ang mga iyan kapag natapos na ang 6 months na mga kontrata nila? Hindi takot ang mga iyan,igan; gigil na gigil silang makaganti sa amo nating babae.”

“Hindi natin kaya si Sophia, Ricky. Baka lalo lamang mapahamak tayo. O baka... idadamay pa niya si Marlon.”

“Hindi niya magawa ang pumatay igan. Kasi, kapag ginawa niya iyan, sigurado, siya ang pagbintangan dahil alam ng lahat ang ugali niya! At kapag may nangyaring masama sa iyo, o kay sir Marlon, alam na...”

“Sana nga Ricky, hindi siya gagawa nang masama...”

Maya-maya lang, bumalik si Marlon kasama si Sophia na nag-iiyak pa rin. Ewan kung ano ang pinag-usapan nila at kung anong explanation ang ginawa ni Marlon upang ma-redeem ang pride ni Sophia.


“Tara... sa office ko tayo” ang utos ni Marlon sa amin habang si Sophia naman ay dumeretso sa kanyang mesa na hindi kami pinansin, nakasimangot ang mukha habang nag-aayos ng kanyang bag na parang aalis.

Sumunod kami ni Ricky kay Marlon. Noong nasa office na niya kami, “Sir... maniwala po kayo, si Jassim po talaga ang gumawa noong budget...”

“Alam ko Ricky...” ang sagot ni Marlon. At baling sa akin “...at salamat sa iyo, Yak!”

Napatingin naman si Ricky sa akin sa narinig niyang pagtawag sa akin ni Marlon na “Yak”. Iyon bang tingin na nabigla, may pagka suspisyoso ang dating, ang kilay ay nagkasalubong na tila ang sa isip ay nagtatanong ng, “Yak??? Ano iyon??? Bakitttttt???”

Ngunit hindi ko siya pinansin. Alam ko, nadulas lang si Marlon sa kanyang pagtawag sa akin ng “Yak”.

“...hindi ko akalaing kayang-kaya mong gawin ang budget, much less, matapos nang ganoon kabilis. Daig mo pa ang aming mga accounts staff sa paggawa niyan! Bilib ako sa iyo!”

“Walang anuman po, Sir Marlon.” Sagot ko.

“Ang husay mo pala talaga...”

“H-hindi naman po sir.”

“Ay mahusay po talaga iyan Sir. Summa cum laude po iyan sa daratng na graduation. Palaging nangunguna ang pangalan niya sa listahan ng mga honor students sa bulletin board ng unibersidad”

“Ganoon ba? Ang tali-talino mo pala, Yak!”

Muling lumingon sa akin si Ricky na ang tingin ay lalo pang naintriga.

Muli hindi ko siya pinansin. “H-hindi naman po... nasa tamang pag-aaral lang iyan.”

“O sya... masyado kang humble.” At baling kay Ricky, “Ricky, iwan mo muna kami ha? May pag-uusapan lang kami.”

Tumalima naman si Ricky. “Yes Sir...” tinumbok ang pintuan at bago pa man lumabas, binitiwan sa akin ang isang tingin na may bahid pakamalisyoso.

Lihim ko siyang dinilaan.

Noong kami na lang dalawa ni Marlon. “Kumusta ka na Yak?” sambit niya. At talagang pinanindigan na ang pagtawag sa akin ng “Yak”.

“O-ok naman po, sir...”

“Yak” ang pagsingit niya.

“...Yak.”

Tinitigan niya ako. “Sana... ikaw talaga ang bunso ko. Siguro, ang swerte-swerte ko. Mabait, masipag, matalino, at guwapo...”

Tahimik. Mistula akong nabilaukan. Hindi naman kasi totoong kapatid ko si James eh.

“Kung ako nga si Yak na kapatid mo... saan tayo nakatira? Taga-saan ba tayo?”

At doon na ako kinabahan. Hindi ko naman din kasi alam ang kanilang lugar.

At dahil sa ayaw kong magduda siyang nagsinungaling ako, sinagot ko siya ng, “S-sa Minadanao. O-oo, sa Mindanao nga!” Mabuti na lang, naalala ko ang nasabi ni James sa akin na sa Mindanao raw ang pamilya niya.

“Saan sa Mindanao?”

“Eh, a-ano...” ang nasambit ko. Hindi ko kasi talaga alam. “A-ano pala ang sinabi ni Ma’am Sophia sa iyo?” ang paglihis ko sa usapan. Ano ba naman kasi ang isasagot ko. Ni mga probinsya nga sa Mindanao, hindi ko kabisado.

“Huwag mong ibahin ang topic yak please...” ang sambit niya, bakas sa kanyang boses ang pagmamakaawa.

Para naman akong buinuhusan ng malamig na tubig. Napatingin na lang ako sa kanyang nagmamakaawang mukha.

“Sabik na sabik na akong makilala ang mga taong nagmamahal sa akin, yak. Ang tunay kong pamilya kung saan ako na-belong. Hindi ka ba naaawa sa akin?”

“Eh...” ang nasambit ko. Syempre, awang-awa ako sa kanya. Ngunit ano ba ang maitutulong ko? Kagaya niyan, wala akong alam tungkol sa pamilya niya. Kaya nanatili na lang akong nakatitig sa kanya. “P-paano kung hindi ikaw ang kapatid ko?” ang dugtong kong pagdiscourage sa kanyang tanungin pa ako tungkol sa pamilya niya.

“Wala akong pakialam. Basta aangkinin ko ang pagiging kuya mo. Habang hindi mo nakikita ang tunay mong kuya, mananatiling ako iyon. Ganyan ako kadesperado. Ganyan ako kasabik sa mga taong nagmamahal sa akin.”

Tahimik.

“Ngayon... Wala ka man lang bang sasabihin tungkol sa mga magulang natin? Kung saan talaga tayo nakatira, kung ano ang trabaho ko, kung ilan lahat tayong magkakapatid...?”

Kaya sa sobrang pagkaawa ko sa kanya, nabuo sa aking isip na mag-imbento na lang ng kuwento. “T-tayong dalawa lang ang magkapatid... S-sa D-davao City tayo nanirahan, malayo sa syudad. Ang nanay at tatay natin ay parehong nagtatrabaho sa bukid. Nakatapos ka ng kursong Business Management. T-tama, Business Management” napahinto ako. Naalala ko kasing iyon din ang kursong sinabi niya sa akin.

“Talaga? Kaya pala madali kong natutunan ang ibinigay na posisyon sa akin ni Sophia. S-siguro matalino ako no? May honors ba ako noong gumraduate? Kagaya mo?”

“Ah, e... oo” ang sagot ko. Blangko talaga ang isip ko. Basta kung ano ang biglang pumasok sa aking isip, iyon na.

“Anong trabaho ko?”

“Guwardiya.” Ang mabilis kong sagot. Guwardiya naman talaga si James eh. Iyon ang pinakamadaling tanong na naibigay niya.

Bigla rin siyang nahinto. “Guwardiya? May honors ako, Business Admnistration...? Bakit guwardiya?”

“K-kasi... wala ka pang experience kung kaya hindi ka natanggap sa trabaho. Atsaka, gusto mo atang mag-guwardiya muna eh.” Ang pag-alibi ko na lang. Tama nga naman. Matalino kamo siya, may honors sa paggraduate, subalit guwardiya ang naging trabaho. “Hindi nga ikaw ang kuya ko, ano ka ba!” ang pagbawi ko rin, pagbakasakaling hindi na niya ako kukulitin sa katatanong.

“Hindi... Guwardiya nga siguro ako. Kasi, kapag dumadaan na ako sa gate at nakikita ang guwardiya ng restaurant natin, parang may naramdaman akong familiarity sa kanyang trabaho, sa kanyang suot, sa dala-dala niyang baril...”

Tahimik uli. Hindi ko na kasi alam kung ano pa ang idudugtong. At namangha rin ako sa sinabi niyang familiarity sa paggu-guwardiya. Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin ni Ricky na sobrang lapit daw niya sa mga trabahante nila, pero lalo na sa guwardiya. Kapag may oras daw siya, nakikipagbiruan, nakikipagbangkaan sa guwardiya, at hindi naaasiwang pumasok sa loob ng guard house.

“Kailan ka uuwi sa atin tol... G-gusto kong sumama sa iyo.”

“Patay!” sigaw ko sa aking sarili, nakikinita ang eksenang dadalhin ko siya sa bahay; ang reaksyon ng aking mga magulang, ang tanong ng mga tao. At ang tatay ko pa. Seryosong tao na animoy hindi mo puwedeng mabiro. Syempre, napakalaking issue niyan sa kanila kapag nangyari. At lalo na kapag ipinakilala ko pang kapatid. Sino bang hindi magtatanong? Sino ba ang hindi magugulat? “Ah... bahala na!” Sa isip ko lang. “End of semester ako umuuwi Yak...” ang sagot ko.

“Hindi ba puwedeng bukas yak? O kahit next week? Gusto ko lang makita kung ano na ang nangyari sa pamilya natin? Di ba sabi mo, na stroke ang ating inay? Ano na kaya ang nangyari sa kanya?”

Hindi ko alam kung matawa o maawa sa kanya sa kanyang sinabi. Talagang pinanindigan na niyang magkapatid kami. “Eh... ok na siya! N-napagaling na raw.”

“Ah, mabuti naman. Kailan tayo uuwi?”

M-magagalit si Sophia eh... huwag muna siguro.”

“Kung ipaalam natin sa kanya, magagallit iyon. Maghanap ako ng alibi, Yak. Sasabihin kong bisitahin ko lang ang isang branch namin sa isang probinsiya. O, di ba?”

“Eh... marami pa akong gagawing project eh. Graduating pa naman ako. Tapos makapag-absent ako niyan sa trabaho ko rito. Hahanapin ako ni Sophia...”

“Ako ang bahala.”

“Ikaw ang bahala, ako naman ang kawawa.” Pagmamaktol ko.

“Ikaw naman o... ako nga ang bahala.”

“Eh... di, b-bahala ka.” ang naisagot ko na lang.

Iyon ang napag-usapan namin. Noong tatayo na sana ako upang lumabas ng opisina niya, tumayo rin siya at lumapit sa akin. At laking gulat ko na lang noong bigla niya akong niyakap. “S-salamat yak...”

Hindi ko lubos maisalarawan ang aknig nadarama. Para akong maiihi sa kilig. Naaamoy ko pa ang kanyang pabango, nasalat ko pa sa aking mga kamay ang pantsadong-plantsdo niyang puting long sleeved shirt. Nakiyakap na rin ako. Ninamnam ko ang sarap ng kanyang pagyakap.

“Basta isama mo ako sa atin yak ha...” bulong niya.

“O-opo yak...”

“Anong pinag-usapan ninyo ni Sir Marlon igan?” ang tanong ni Ricky noong natapos na ang trabaho namin sa restaurant at nagsabay nang umuwi.

“Gusto niya raw sumama sa amin...” ang casual kong sagot

“Talaga??? Ayiiiiii! Isama mo na dali. Para makita niya ang inyong mga magulang!”

Sa pagkarinig ko na naman sa sinabi ni Ricky, bigla na naman akong nalungkot. Para bang pabigat nang pabigat ang aking kalooban sa mga pagsisinungaling ko. Kung si Pinocchio ay humahaba ang ilong kapag nagsisinungaling, ako naman, patindi nang patindi ang bigat nito sa aking kalooban. Syempre, hindi totoong magkapatid kami ni James. Pakiramdam ko ay gusto ko na talagang sabihin kay Ricky ang lahat. Parang hindi ko na kaya ang bigat ng aking saloobin.

Hindi na lang ako kumibo. Hindi na rin ako sumagot. Pakiramdam ko ay matinding awa sa sarili ang aking naramdaman. Iyon bang feeling na nagtatanong sa sarili kung bakit ko nagawa ang pagsisinungaling; kung bakit ako nagpakahirap para sa kanya; kung may katuturan ba ang lahat na ginawa ko para sa kanya; kung karapat-dapat bang gawin ko ang mga kasinungalingang iyon para lamang sa aking naramdaman sa kanya... Sobrang naturete ang akin gisip. Pakiwari ko ay may sasabog sa aking kalooban.

Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga.

“Woi... ang lalim noon ah!” ang sambit ni Ricky noong napansin niya ito.

Tiningnan ko si Ricky sa mata, naghanap ng kasagutan ang aking isip kung nararapat bang ibunyag ko na sa kanya ang katotohanan.

“Bakit? May nasabi ba akong masama? Galit ka ba sa akin?” ang tanong naman niya noong nakita ang aking tingin na animoy nagtatanong.

“P-pwede bang maupo muna tayo?”

“S-sige. Sige...”

At naghanap kami ng lugar na mauupuan. Napunta kami sa di kalayuang children’s park at sa lilim ng isang puno ay may sementong upuan na medyo tago. Noong nakaupo na kami, may napansin si Ricky. “OMG! Sino ang nagbigay ng gold bracelet na iyan sa iyo? Ang ganda!”

Napangiti ako. “S-si sir Marlon.”

Nanlaki ang kanyang mga mata. “Wowww! Talaga! Patingin nga...”

Tinanggal ko sa aking kamay ang bracelet. Iniabot ko ito sa kanya.

Tiningnan niya itong maigi. “May pangalan pa!” at tiningnan ang gilid “Wow! May nakalagay na heart atsaka may pangalang niya!”

Napatingin din ako bigla sa sinabi niyang heart at pangalan ni Marlon. Hindi ko kasi napansin iyon sa sobrang liit ng pagkaukit. At nakumpirma kong mayroon nga itong pangalan niya na halos hindi mapapansin kung hindi talaga titingnang maigi.

Iniabot ni Ricky sa akin ang bracelet. Tiningnan niya ako sabay tanong, “Igan... kapatid mo ba talaga siya? At bakit ‘Yak’ ang tawag niya sa iyo? Ano ang ibig sabihin noon?”

At sa tanong na iyon ni Ricky hindi ko na napigilan ang aknig sarili. Yumuko ako, pilit na itinago ang mga luhang kusa na lang pumatak sa aking mga mata.

Napahinto si Ricky. Nabigla rin sa hindi inaasahang pag-iyak ko.

“H-hindi... Nagsinungaling ako” at tuluyan na akong humagulgol.

Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Ricky at hinaplos-haplos ang aking likod. “Ok lang iyan. Ok lang iyan igan...” ang nasambit na lang niya.

Tahimik.

“P-pwede bang malaman ang kuwento mo? Ang kuwento ninyo ni sir Marlon?” Ang pagbasag niya sa katahimikan.

“14 years old lang ako noong nagkakila kami ni James, security guard siya sa isang bodega ng mga kopra sa burol, malapit sa bahay namin. Na-attract ako sa kanya noon at noong nagkataong kami lang dalawa ang naligo sa ilog sa paanan lang ng burol, doon, may nangyari sa amin. Siya ang unang kong karanasan. Sa kanya ko naranasan ang pag-ibig. Siya ang nagturo sa akin ng lahat. Noong una, hindi ko masabi-sabi sa kanya na mahal ko siya. Ngunit noong paalis na siya pauwi sa probinsiya niya, nagawa kong isulat ang aking naramdaman sa isang tissue paper at isiniksik ko iyon sa kanyang bulsa bago siya pumasok sa bus. Iyon na kasi ang huling pagtatagpo naming kasi... hindi na raw siya babalik. Noong nakaalis na ang bus, naglakad na rin akong palayo sa terminal. Ngunit hindi pa ako lubusang nakalayo, narinig ko ang tawag niya. Pinahinto pala niya ang bus noong nabasa niya ang aking isinulat na ‘I love you’. Niyakap niya ako, sinabi niyang mahal din niya ako at nangako siyang babalik para sa akin. Ngunit hindi na siya bumalik. Naghintay ako ng text niya sa cp ng aking kaibigan ngunit wala rin.” At humagulgol na ako. “Noon gnakita ko si sir Marlon sa restaurant ninyo, kahawig na kahawig niya si James. Nunit hindi na niya ako natandaan. Kung kaya nagsinungaling ako, at inangking kuya ko si James...”

“S-sorry igan. Hindi ko alam.”

“Ako ang dapat mag sorry kasi... nagsinungaling ako. Mali ang aking ginawa Ricky at ngayon, hindi ko alam kung dapat ko bang ituloy pa ang paghabol sa kanya.”

“Nononono! Ituloy mo, igan. Ituloy natin. Alam mo, may iku-kwento din ako. Noong 14 lang din ako, palagi akong binu-bully sa klase, tinutukso, kinukutya. Pakiwari ko ay hindi ako na-belong sa mundo. Pati ang tatay ko ay galit sa akin. Hindi niya ako gusto. Bakla eh. Bakla ang kilos ko, bakla ang pananalita ko, bakla ang pag-iisip ko, kabaklaan ang gusto ko. Oo, may mga kaibigan ako pero kapwa ko rin bakla o di kaya, mga babae. Kung kaya ako ay binu-bully ng mga lalaki at minsan, ng ibang babae. Pakiramdm ko ay napakaliit kong tao. Ngunit pilit akong lumaban at bumangon. Wala akong choice eh. Alangan namang magpakalalaki ako sa aking kilos at pananalita kung hindi ko ito kaya. At syempre, ang pinakamasakit sa lahat, ay ang umibig. Umibig ako sa isang ka-klase, si Mark. Guwapo, prince charming, matangkad, athletic, tinitilian ng mga kababaihan kapag naglalaro sa court. Noong nalaman niya na may gusto ako sa kanya, niligawan niya ako. Sabi niya, mahal na mahal daw niya ako at gagawin ang lahat lumigaya lamang ako. Sweet, grabe ang kilig ko noon. Pakiwari ko ay natalbugan ko ang pinakamagandang mga babae sa campus. Lalo na noong dinala pa talaga niya ako sa isang party ng fraternity niya at sa harap ng mga ka-brod niya, inannounce niya na magsyota kami. Ang matindi hinalikan pa niya ako sa bibig, sa harap ng mga tao! Nakakabingi ang palakpakan habang feeling ko ay nasa langit ako at pinaligiran ng mga anghel. Ngunit ang hindi ko pala alam, pakana lang pala niya iyon dahil bahagi ito ng challenge na ibinigay sa kanya sa pagsali niya sa fraternity. At pagkatapos ng aming halikan sa harap pa mismo ng mga ka-brod niya ako sinabihan na tapos na ang lahat, isang pagkukunwari lang ang lahat, isang pagsubok lamang ito ng fraternity sa kanya. Ang sakit. Simula noon, hindi na ako naniniwala pang may lalaki talagang papatol sa akin. Hanggang dumating sa buhay ko si Ariel. Sabi niya ay mahal na mahal daw niya ako at gagawin niya ang lahat para sa akin. Narinig ko na ang linyang iyon kay Mark. Kaya kahit may naramdamn na rin ako sa kanya, pinilit ko ang sariling kamuhian siya. Ngunit mapilit si Ariel. At dahil doon, inaway ko siya, pinagalitan, pinahiya sa harap ng maraming tao. Siguro, ang lahat ng klaseng mura sa mundo na alam ko ay nasambit ko na sa kanya. Simula noon, hindi na siya nagpakita pa sa akin. Ngunit doon ako nagsisi noong biglang nalaman kong pumanaw na pala ito. May cancer pala si Ariel at lihim niya itong ininda. At noong dumalaw ako sa kanyang lamay, iniabot ng kanyang ina ang isang sulat. Nanghingi siya ng patawad sa akin dahil sa pagiging makulit niya sa panliligaw sa akin. Ngunit iyon daw ay dahil mahal na mahal niya ako. Tapos, kasama ng sulat ay ang isang singsing na kapag napatawad ko na raw siya, ay isusuot ko. At heto iyon...” at ipinakita naman ni Ricky sa akin ang kanyang singsing. At baling sa akin, “Matindi ang aking panghihinayang at pagsisisi. Naawa ako sa kalagayan niya, na sana, sa huling mga araw niya man lang ay napaligaya ko siya. Nanghinayang akong hinid ko man lang naipadamang mahal ko na rin siya. At nagalit ako sa aking sarili, kung bakit hindi ako nakinig sa kanya, kung bakit naging makasarili ako...”

Pakiramdam ko ay tuluyang nabaling ang aking lungkot sa lungkot na nadarama ni Ricky. Akala ko kasi, puro masasayang karanasan ang naranasan niya sa kanyang buhay dahil sa kanyang pagkapalatawa at pagka-palabiro. Iyon pala ay sa likod ng kanyang ngiti at tawa ay may masakit na kuwento ng pag-ibig.

Tiningnan niya ako. “Kaya ikaw... huwag kang bumitiw. Huwag mong hayaang isang araw ay mawala rin siya sa iyo na may dalang matinding pagsisisi ka sa iyong puso. Maswerte ka dahil kahit nawala siya sa iyo, heto bumalik siya. Kaya angkinin mo ang pagkakataon. Huwag mong hayaang isang araw, ang tanging maiiwan sa iyo ay ang bracelet na lang na ito.” Hinawakan niya ang aking bracelet. “Angkinin mo ang bracelet niya; angkinin mo rin siya... Tingnan mo ako; singsing na lang ang nasa akin. Wala na siya. At hindi ko man lang naipadama sa kanya ang aking pagmamahal.”

“P-paano? S-sabihin ko ba ka sir Marlon na m-mag-boyfriend kami? Hindi kaya siya ma-shock na ang syota pala niya dati ay isang l-lalaki pala? Hindi kaya siy magalit sa akin dahil sa pagsisinungaling ko?”

“Maghanap tayo ng magandang tyempo igan. Pero sa ngayon, magpanggap ka pa rin muna na kapatid niya. Kasi nga, baka hindi pa rin handa ang isip niya.”

Kinabukasan, habang sabay kaming naglakad ni Ricky patungo sa gate ng eskuwelahan, biglang may pumarang puting van sa aming tabi at bumukas ang gilid nito. Sa aming pagkabigla, hindi namin nagawang pumalag noong sabay kaming hinila ng may apat na tao patungo sa loob nito.

“Tali-an ang mga kamay at piringan ang mga mata daliiii!” ang sigaw ng isang lalaking nakasakay sa harap, katabi ng driver noong nasa loob na kami.

Piniringan nila agad kami. Hindi ko na rin nagawang tingnang maigi ang kanilang mukha bagamat may natandaan akong may mahabang buhok sa kanila, may kalbo... at ang mga porma ay mistualang mga galing sa kulungan. May mga tattoo kasi ang ibang nakita ko sa kanilang braso.

“Mga walang hiya kayo!!! Anong gagawin ninyo sa amin!!!” ang sigaw ni Ricky.

“Huwag ka ngang maingay bakla!” ang sigaw naman ng isang kasama nila na sa palagay ko ay lider nila. “Busalan nyo nga ang bibig ng mga iyan!”

At agad-agad nilagyan nila ng tape ang aming mga bibig.

Sobrang kaba ang aking naramdaman sa pagkakataong iyon. Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko mailabas ang aking boses. At ang tanging nagawa ko na lang ay ang umiyak. “Kasi! Kasi! Kasi!” ang sigaw ng isip ko. Gusto kong sisihin ang aking sarili sa paggigiit ko sa aking sarili kay Marlon. Si Ricky naman ay pansin kong
Hindi mapakali. Alam ko, nagsisigaw siya ngunit tanging ang mahinang ingay na nanggaling sa kanyang ilong lamang ang naririnig ko na natatabunan naman ng ingay at tawanan ng mga dumukot sa amin.

May halos isang oras siguro ang lumipas at naramdaman kong huminto ang aming sinasakyan.

Bumukas ang pinto at kinaladkad kami palabas ng van. May pintuang bumukas na tila isang yero. Sa tantiya ko ay isa itong bodega o factory na walang tao. Hindi lang ako sigurado.

Noong nasa loob na kami, tinanggal nila ang masking tape sa aming bibig. “Masarap pakinggan ang mga iyak at tili nitong dalawa kapag natikman nila ang sarap na ipalalasap natin sa kanila.”

Na siya namang sinagot ni Ricky ng, “Bakit! Ano ba ang gagawin ninyo sa amin!!! Bakit di ninyo kami kalagan” Mga duwag!!!”

“Hahahahaha! Ang tapang ng baklang ito!”

“Oo bakla ako kung kaya kalagan mo ako! Magsuntukan tayo!!!”

Na lalo pang ikinalakas ng tawa nila. “Ang tapang-tapang ng baklang ito! Idol yata si Manny Pacquiao!” sambit ng isa sa kanila.

“Baka si mommy Dionesia!” dugtong ng isa.

“Anong gagawin ninyo sa aminnnn!!!” sigaw uli ni Ricky.

“Huwag kang mainip...”

At habang nagsisigaw si Ricky, kinaladkad ako sa isang sulok at pagkatapos, ang aking nakataling kamay ay itinaas at itinali pa ito sa isang poste. Pakiramdam ko ay ganoon din ang ginawa nila kay Ricky.

“Pagpasensyahan niyo na... pinag-utusan lang po kami” sambit ng isa sabay hablot niya ng aking pantalon at hindi ko alam kung ano ang ginawa, tila hiniwa ito ng patalim atsaka sapilitang hinablot. Warak ang aking pantalon.

“Huwag poooooo!” ang sigaw ko.

Tawanan.

“Anong ginawa nila si iyo igan!!!” sigaw ni Ricky.

“Hinubad nila ang pantalon ko Ricky!!! Pinunit nila!!!” sigaw ko rin.

Na siya namang ikinalakas ng kanilang tawanan. “I-rape lang naman namin ang kaibigan mo bakla! Upang matuto ng leksyon.”

“Boss... mukhang masarap ring tirahin itong bakla eh!” sambit naman ng isa pang kasama nila.

“Huwag! Huwag niyong galawin ang kaibigan ko!” ang sigaw ko.

Na siya namang sagot ni Ricky ng, “Anong huwag! Hayaan mo sila! Ako na lang ang i-rape ninyo! Ilan ba kayo? Lima? Dagdagan nyo pa ng lima! Kaya ko yan!!! Halina kayo, tanggalin niyo na ang pantalon ko daliiii!”

Tawa nang tawa naman ang mga kidnappers. Parang gusto ko ring tumawa sa narinig sa sinabi ni Ricky. Ngunit nanaig ang takot ko sa aming kalagayan.

“Maghintay ka! Uunahin namin tong kaibigan mo dahil mas masarap ito kaysa sa iyo!” At naramdam ko na lang ang pagpunit na naman nila sa aking t-shirt.

“Maawa po kayo sa akin!!!! Maawa po kayo!!!” sigaw ko. Pati si Ricky ay nagsisigaw rin, nagmura.

Ngunit natabunan ng malakas nilang hiyawan ang aking pagsusumamo. Hangang sa naramdaman ko na lang ang mga kamay na humagod sa aking balat, “Ang sarap-sarap mo pala... ang kinis-kinis, amputi. Flawless! Daig mo pa ang babae, shitttt.” Habang dumadampi sa aking balat ang kanyang bibig, hinahalikan ang aking likod.

Hindi na lang ako umimik. Habang dinig na dinig ko ang kanilang pagtatawanan at ang pagmumura ni Ricky, nagpaubaya na lang ako. Matinding takot ang umalipin sa akin sa pagkakataong iyon. Naisip ko na kung papalag ako, baka lalo lamang akong masaktan o kaya ay baka tutuluyan nila kami ni Ricky.

Hanggang sa naramdaman ko na lang ang matigas na bagay na puwersahang ipinasok sa aking likuran. Napasigaw ako sa sobrang sakit at tumulo ang aking luha. Tinimpi ko pa rin ang lahat. Nagpaubaya ako. At sa bawat ulos ng kung sino mang tao ang nagpapasasa sa aking katawan, si James ang nasa isip ko. Sariwa pa sa aking isip noong una niyang ginawa iyon sa akin. Halos ganoon din kasakit, ganoon kahirap. Ngunit iba lang iyon dahil mahal ko siya at nag-uumapaw ang kasiyahan sa puso ko sa paggawa ni James sa akin noon. Wala akong nagawa kundi ang lihim na pag-iyak. Tiniis ko ang sakit at ang takot. Hanggan sa silang lahat ay nakaraos...

Hindi ko na nabilang pa kung ilan silang nagpapasasa sa akin. Pilit kong binura sa isip ko ang bahaging iyon. Basta ang natandaan ko lang ay ang maingay na hiyawan nila sa bawat putok ng kasamahan nila sa aking likuran at ang matinding sakit na dulot niyon sa bahaging iyon ng aking katawan.

Noong lahat sila ay nakaraos na, ramdam na ramdam ko pa ang pag-agos ng mga dagta nila na naipon sa loob ng aking likuran. Marahang umaagos ang mga ito palabas sa aking butas, dumadaloy sa aking hita at sa aking paa.

Patuloy pa rin ang kanilang pagtatawanan. Maya-maya, narinig ko naman ang tunog ng pagkapunit ng isang damit sa bay sa pagsigaw ng, “Mga hayopppppppp!!!”

“Akala ko ba ay gusto mong magpa-rape??? Ilan kamo? Sampu???” sigaw ng isang lalaki sabay tawanan ang lahat.

“Ang arte-arte nito! Gustong-gusto mo naman ng burat di ba?! Nandito na ang hangad mo! Dapat lang na magpasalamat ka sa amin! Mabigat sa kalooban namin ang gawin ito!” dugtong ng isa pa na sinundan ng mas malakas na tawanan.

At kagaya ng nangyari sa akin, pinagpapasasahan din nila ang katawan ni Ricky.

Noong natapos na silang lahat, basta na lang din nila kaming iniwan sa ganoong posisyon sa mismong lugar. Malaking pasalamat na rin namin na hindi kami nila pinatay.

Sinikap namin ni Ricky na kumawala sa pagkakatali sa amin. May kalahating oras din kaming gumawa ng paraan hanggang sa unti-unting nakawala si Ricky sa pagkatali at pagkatapos, kinalagan niya ako.

Doon ko napansin, nawala na pala ang bracelet ko. Hinalugad ko ang lugar ngunit hindi ko ito nakita.

Nag-iyakan na lang kaming dalawa ni Ricky sa nangyari. Inayos namin ang aming mga sarili, pilit na ibinalik sa ayos ang napunit naming mga damit. Mabuti naman at iniwan din nila ang aming mga bag. Kumuha ng tissue si Ricky sa kanyang bag at nagpahid kami. Kitang-kita ko ang preskong dugo sa mismong likuran ko na dumikit sa tissue noong pinahid ko ang aking likuran. “Ang sakit-sakit Ricky... ang hapdi!” Sambit ko.

“Ako nga rin eh...”

“P-parang gusto ko nang gumive-up, Ricky. Natatakot akong baka sa susunod hindi lang ganito ang gagawin nila sa atin.

“Ngayon ka pa lang ba gumive-up? Huwag kang matakot igan... Huwag tayong matakot kay Sophia.”

“S-sorry Ricky ha... nadamay ka tuloy.” Sagot ko naman.

“Ano ka? Swerte ko nga na-rape ako. Ibig sabihin, patok sa masa ang beauty ko.”

Napangiti naman ako. Marahil ay iyon ang paraan niyang pagpatawa upang hindi ako malungkot o ma-guilty sa nangyari. “E... hindi naman masa ang mga iyon. Pugante.”

“E di mas masarap. Ang mga pugante, may pagka-brutal sa sex! Iyan ang masarap! Sayang hindi ko nakuha ang mga number nila.”

“E bakit sigaw nang sigaw ka kanina. Minumura mo sila habang ginalaw ka?”

“Paanong hindi ako magmura? Nakapiring ako. Hindi ko nakita?”

Na lalo ko pang ikinatawa. “Ikaw talaga, puro ka biro... Paano kung may sakit ang mga iyon?”

Tahimik. “Mabuti na lang at hindi tayo pinatay no?”

“Pananakot lang iyong ginawa nila, igan. At kung iyan ang intensyon nila, pwes, ipakita natin kay Sophia na nasasarapan tayo sa pananakot niya!”

Iyon ang takbo ng aming pag-uusap habang naglalakad kaming paika-ika patungo sa pinakamalapit na kalsada. Noong nakahanap ng mapagtanungan, nagpaturo kami sa presinto ng pulis upang ipa-blotter ang nangyari sa amin.

Kinabukasan, base sa sinabi ni Ricky na huwag kaming magpahalata na natakot o may nangyari, parang normal lang kaming pumasok. Si Ricky ay may pakanta-kanta pa. Ako, pilit na lumakad ng maayos gawa ng sakit pa rin ng aking tumbong. Noong pumasok na si Sophia, pansin naming parang wala lang nangyari. At todo-ngiti pati siya sa araw na iyon. Para bang masayang-masaya siya.

“Demonya talaga ang babaeng iyan! Pagkatapos ng kanyang ginawa, nakuha pang ngumiti!” ang bulong sa akin ni Ricky. Magkasama na kasi kaming dalawa sa dining dahil iyon ang napagkasunduan nila ni Marlon na huwag na akong papasukin pa sa opisina ni Sophia. “Makikita niya ang gagawin ko...” dugtong ni Ricky.

“Bakit? Ano naman ang gagawin mo?”

“Basta...”

Kinagabihan, binuksan ko agad ang fb ko. Iyon kasi ang ipinakalat ni Ricky sa mga kasamahan namin na buksan ang mga fb nila sa gabing iyon. At base sa sinabi ni Ricky sa akin, gumawa nga siya ng sikretong grupo sa fb kung saan hinikayat niya ang mga crews sa restaurant ni Sophia na mag sit-in strike sila kinabukasan. Inimbitahan niya ang lahat ng mga crews sa grupo na iyon at doon siya gumawa ng insructions.

“Ipaglaban natin ang ating mga karapatan! At huwag kayong matakot dahil nasa atin ang alas. Ito na ang pagkakataong makaganti tayo sa pang-aapi sa atin ng amo nating demonya!”

At inisa-sia niya ang mga demand, kagaya ng –

1. Makatao at makatarungang pag-trato sa mga manggagawa, huwag iyong sinisigaw-sigawan na lang na parang alila
2. Karapatang mabayaran ng overtime kapag sobra na sa required working time ang tinatrabaho
3. Bayaran nang sakto ang manggagawa na walang kaltas. Ang SSS, Income Tax, atbp ay dapat pananagutan ng kumpanya, hindi ng empleyado na kapiranggot lamang ang suweldo
4. Pagregularize sa mga trabahenate, lalo na sa mga matatagal na at magaling magtrabaho
5. Salary increase
6. Magkaroon ng recreational activities para sa mga trabahante
7. Insurance
8. Separation pay na naaayon sa batas
9. Karapatang magpalabas ng saloobin na hindi tinatanggal

At nakita ko ang mga feedback ng mga miyembro. Marami ang sumang-ayon at sumuporta. Ngunit mayroon ding umalma dahil wala raw itong kasiguraduhan at sa ugali ni Sophia, siguradong tanggal sa trabaho ang sasali dito. At mayroon ding nagsabi na kapag siguradong hindi sila matanggal, saka na sila sasali. “Dapat ay ngayon na tayo lumaban habang may alas tayong hinahawakan. Dahil kung hindi ngayon, baka wala na tayong pagkakataon” ang argumento naman ni Ricky.

“M-magtagumpay kaya tayo niyan?” ang tanong k okay Ricky. Kinakabahan kasi ako dahil tila hindi pulido ang suporta ng mga crew. Takot sila.

“Magtagumpay tayo kasi, kung bukas tayo mag-strike, sa susunod na araw ay may catering preparation tayo para sa mga malalaking opisyal ng gobyerno, mga bisita ng gobernador na ang iba ay seretary pa ng malakanyang. Sigurado, mabibitin, mapilayan, at mapahiya sila kapag nagtanggal sila ng tao bago ang event na iyan.”

“E... paano kung pagkatapos ng event ng gobernador tayo tatanggalin lahat ni Sophia?”

“Hindi mangyayari iyan! Dahil hindi tayo papayag kung walang agreement. At kapag makipagnegotiate sila, ang kasunduan na pipirmahan natin ay naka-notaryo. Lalagdaan iyan ng abugado. Kung hindi nila susundin, talo sila sa labor case niyan.”

“Paano kung hindi talaga sila makikipagnegotiate? Tandaan mo, marami silang tauhan sa ibang branches. Baka doon sila kukuha ng mga tao.”

“May isang alas pa tayo.”

“Ano?”

“Si Sir Marlon, sasama iyan sa iyo kapag umalis tayong lahat sa restaurant ni Sophia... Takutin natin si Sophia.”

Kinabukasan, alas 8 ng umaga ay nandoon na kami ni Ricky sa restaurant. Agad kaming pumuesto sa labas, sa may lawn sa harap nito at ikinabit naming ang streamer, “We are on sit-in strike!”

Noong nakita ng aming kasamahan ang aming ginawa, may anim na lumabas at sumamang umupo sa amin sa damuhan.

Naghintay kami na may sumunod pa.

Wala na. Karamihan sa kanila ay nagdadalawang-isip, natakot.

Kinabahan na ako. Kasi, siguradong tatanggalin talaga kami ni Sophia at madadamay pa ang may anim na crews na sumuporta sa amin.

Maya-maya lang, dumating si Marlon. Hindi pa man nakaparada ang kanyang kotse ay lumabas na siya noong nakita kami sa harap ng restaurant. “Anong nangyari?” ang tanong niya kaagad.

“Sit-in strike kami sir!” sambit ni Ricky.

“Anong dahilan?”

“Sobra-sobra na ang pang-aapi ni Sophia sa amin. Heto po ang aming mga demands...” at ipinabasa ni Ricky sa kanya ang mga demands namin.

“Shitttt!” ang sambit ni Marlon noong natapos niyang basahin ang mga ito. Walang pasabing nagmadaling bumalik sa kanyang kotse at pumarada, halos ibangga na lang niya ang kanyang kotse.

Nagkatinginan kami ni Ricky. Mas lalo pa akong kinabahan sa inasta ni Marlon. Parang galit.

Ngunit maya-maya lang, nagulat na lang din kami noong nagmamadali siyang lumabas. Nakamaong lang, naka-t-shirt at tumabi pa sa amin sa pag-upo sa harap ng restaurant. “Sasali na ako!” Sabay hawak ng isang plakard. “Pwede bang dagdagan natin ang ating demand?” sambit niyang pabiro.

“A-ano po iyon sir?” sagot ni Ricky.

“Kalayaang malaman ang buong katotohanan!”

Tawanan, palakpakan kaming lahat.

At noong narinig ng mga hindi sumaling crews ang ingay naming at nakita pa nila si Marlon na sumali, nagtatakbuhan na rin silang lumabas, naghihiyawan na animoy nag-uunahan sa isang group picture taking.

Palakpakan ang lahat. Tawanan. Wala nang natira pa sa loob ng restaurant. Kahit ang guwardiya ay nakisimpatiya na rin at iniwan ang kanyang puwesto, naki-upo na rin sa aming tabi.

“Brod, bakit ka sumali? Masesante ka ng agency mo niyan!” sambit ni Marlon sa kanya.

“Hindi po Sir! Sasabihin ko po sa kanila na binabantayan kita rito, baka pagkakaguluhan ka ng mga empleyadong nagnanasa sa iyo.”

Lalong lumakas ang tawanan.

Maya-maya, may pulang kotseng dumating.

Enter Sophia. Walang kaalam-alam sa mga pangyayari. Tahimik lang kaming lahat. Pigil ang aming hininga na nagmasid sa mga kilos niya sa loob na nakikita namin sa pamamagitan ng glass walls ng restaurant.

At noong napansing walang katao-tao. Isang malakas na sigaw ang aming narinig. “What the hell happened hereeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!”

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment