Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.

Friday, March 27, 2015

STORY: BOOK 1 - Love Me Like I Am [4]

Part 4: “Gabriel, Jared, Ella, and Ely….. And STEPH!?!?!”

SI POGI (wahehe..): “Hey Gab!!”

Siyempre nagulat naman ako pero ng titigan ko siya ng malapitan, na-recognize ko na si..

AKO: “…..Jared?? wui!! KUYA!!” ang natuwa kong sabi.

KUYA JARED: “Kamusta ka na tol? Tinatawag kita kanina pero di mo naman ako pinapansin.”

AKO: “Ahh yun ba?? Akala ko kasi iba yung sinesenyasan mo nun at tsaka di kasi kita nakilala ehh.. nakilala lang kita ngayon nung makita kita ng malapitan.”

KUYA JARED: “Ngek!! Ehh lagi mo nga akong ka-text ehh.. Tas hindi mo man lang natandaan yung mukha ko..”

AKO: “Iba kasi hair style mo ngayon.. Nung una tayong magkita, di ganoon kahaba ang buhok mo pero naka-spike.. Ngayon, Humaba siya at.. NAKATAAS PA RIN.. Hahahaha!!!”

STORY: PISO [6]

Sa paglubog niya sa ilog na iyon matapos niyang ihagis ang piso, kita ko pa ang kasiyahan sa kanyang mga mata. Kita ko pa dito ang kasiyahang nag-uumapaw. Alam ko dahil magkasama ulit kami, nagkausap. Ako rin ay masayang masaya sa mga sandaling iyon hindi lang dahil sa magkasama ulit kami kundi dahil sa mga aral na dulot din niya sa akin noong kami ay magkausap. Ngunit may kurot din itong dulot noong di ko siya masumpungan noong ako ay umahon. Masigla ko pa ring dala-dala ang pisong ipagmamalaki ko sanang natagpuan ko na iyon. Ngunit wala siya. Hindi ko na siya makita kahit ano pa ang gawin kong paghahanap. Nalungkot akong bigla. Natakot. Kinabahan. Tila napakahiwaga ng pangyayaring iyon.



Ginising ako ng aking gunita at katotohanan noong marinig ko ang isang katok. Nanaghinip lang pala ako. Hindi ko akalaing isa iyong panaghinip. Ramdam na ramdam ko pa ang kanyang presensya. Ang tamis ng kanyang mga halik sa aki'y nalalasahan ko pa, ang higpit ng mga hawak niya sa aking kamay, ang init ng kanyang mga yakap, bilis ng tibok ng kanyang puso, ang kanyang nakakapanghipnotismong mga titig; ramdam na ramdam ko pang tila isa iyong totoong pangyayari.

Ang kasiyahang nararamdaman ko dito sa puso ko ay nananatili pa rin at nag-uumapaw ngunit ang katotohanang wala na siya sa aking buhay at kailanman ay hindi na muling magbabalik ang siyang gumising sa aking kahibangan.

Wednesday, March 25, 2015

STORY: BOOK 1 - Love Me Like I Am [3]

Part 3: “Beep!! Beep!! Of Jared and… New Friend: Angela Martinez”


BEEP!!! BEEP!!! May nag-text!

KUYA JARED: “Musta?”

Reply naman ako…

AKO: “Ok naman.. Masaya”

KUYA JARED: “Bakit ka Masaya?”

AKO: “Kasi, naging maganda ang New Year ko..”

KUYA JARED: “Bakit naging maganda ang New Year mo???”

AKO: “Kasi.. Masarap ang pagkain Hehehehe, masarap ang mga kwentuhan..”

KUYA JARED: “At??”

AKO: “Putek!! Anung At??”

KUYA JARED: “Sus kunwari pa ito!! Kasi nakilala mo ako! Nagkaroon ka ng kaibigan!! Yun yun kaya ka Masaya..”

Nabilaukan ako kahit wala naman akong kinakain sa oras na iyon. BULLSEYE!! Ang hirit ng loko!!

STORY: Ang Munting Lihim [5]

“Alvin! Bakit ang aga mo yatang pumasok! Kumain ka muna!” ang sigaw ni inay noong nakitang nagmadali akong umalis ng bahay na hindi man lang kumainng agahan.

“May project kaming tatapusin inay! Nalimutan kong ngayon pala ang deadline!” ang pag-aalibi ko.

Ang totoo, sinadya kong bumalikwas ng higaan habang tulog pa si kuya Andrei. Sobrang guilty ako sa aking ginawa. Hiya at galit sa sarili ang aking nadarama. Hindi kasi ako sigurado kung talagang tulog siya o nagtutulog-tulugan lang upang huwag akong mapahiya. Parang lalo pa tuloy akong nagalit sa kanya. Siya kasi ang dahilan kung bakit ko natutunan ang ganoon. Hindi ko lubos maisalarawan ang aking naramdaman. Iyon bang awa sa sarili na nagawa ko ang isang bagay na sabi nila ay “kasalanan” na hindi ko naman ginusto; na pigilan ko man ang sarili ngunit wala akong lakas upang panindigan na huwag gawin ito. Naalala ko pa noong bata pa ako, sinabi niyang hindi masama ito. Ngunit sa paglaki ko, unti-unti ring nabuksan ang aking isip base sa mga iniisip ng mga taong nakapaligid, mga kaibigan, mga ka-klase, na ito ay isang bagay na hindi katanggap-tanggap; isang bawal, at base sa ibang tao, isang pagkakalamali.

At ang masaklap pa. may naramdaman ako sa aking kuya Andrei. Alam ko, hinding-hindi maaaring mangyaring maging kami. Una, kapatid ang turing niya sa akin, at iyan din ang gusto ng aming mga magulang na ituring namin sa isa’t-isa. Pangalawa, kapag nalaman niya ito o ng aking mga magulang at ibang mga tao, pagtatawanan ako, o baka itakwil; masisira ang aking buhay.

Pumasok ako sa eskuwelang litong-lito ang pag-iisip at punong-puno ng kalungkutan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin; kung uuwi pa ba sa amin habang naroon si kuya Andre o kung uuwi man at sasapit ang gabi, anong alibi ang gagawin ko upang hindi siya matulog sa kuwarto ko; upang makaiwas ako sa tukso.