Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.

Wednesday, March 4, 2015

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 17

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta

 “Ano ha? Lahat ay ginagawa ko para sa’yo. Para sa inyo ni Lexi. Kahit masakit sa akin tinitiis ko. Ginagawa ko ang sa tingin ko ay tama para sa ikaliligaya ninyo ngunit huwag mo naman akong pagtripan pa ng ganito! Hindi ko alam kung ano ang intensiyon mo pero Boy, hindi ako natutuwa. Kaya siguro tama sina Papa, kailangan na sigurong iwasan na lang din kita. Salamat Boy ha! Salamat sa pagsira mo ng tiwala ko sa’yo.”

Tumalikod na siya. Humakbang na siya palayo sa akin.

Mabilis akong tumayo. Hinila ko ang balikat niya saka ko siya niyakap. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong magsalita o tumanggi. Sa isang iglap ay naglapat ang aming mga labi. Iyon ang gusto kong gawin noon pa. Iyon ang halik na matagal kong pinigilan noong unang araw na pinuntahan ko sa bahay nila. Kalakip dapat ng halik na iyon ang chocolate at red roses na ibibigay ko sa kaniya ngunit kay Lexi napunta.

Pakiramdam ko sa tagal ng panahon ay nabuo niya ako. Nasagot ng halik na iyon ang mga katanungang sinikap kong iwasang sagutin. Walang mali sa kung ano ang nararamdaman ko.

Nang una ay nagulat siya.  Ang malakas niyang pagtulak sa aking dibdib ay humina ng humina hanggang sa umakyat ang mga palad niya sa aking balikat, pataas sa aking leeg at sandaling huminto iyon sa aking pisngi. Ang mga palad ko naman ay umakyat mula sa kaniyang baywang, naglakbay sa kaniyang likod hanggang sa tumigil iyon sa kaniyang batok. Pagkasabik ang naramdaman ko. Ilang gabing pinangarap kong maulit muli ang labinlimang minutong halikan namin. Halik niyang siyang tuluyang nagpalaya sa ikinulong kong damdamin. Gusto kong samyuhin ang lahat at walang masayang sa mabango niyang hininga. Gusto kong manatili sa isip ko ang lambot ng kaniyang labi at init ng kaniyang katawang nakalapat sa akin.

“Anong ginagawa mo? Ano ‘to?” pabulong na tanong niya kahit magkalapat palang ang aming mga labi. Hanggang sa tuluyan na niyang inilayo ang mukha ko sa mukha niya.

Hindi pa din niya binibitiwan ang hawak niyang magkabilang pisngi ko. Nakatingin siya sa aking mga mata. Nagsimula akong nakaramdam ng hiya sa biglang ginawa kong iyon. Hindi ko sa kaniya maititig ang aking mga mata. Nandiyang titingin ako sa baba, babalik sa taas, pakanan at pakaliwa.

“Bakit mo ako hinalikan?” tinanggal niya ang kamay niya sa aking pisngi.

Tuesday, March 3, 2015

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 16

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta

Tumulo ang luha ko sa pisngi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit.
“Huwag! Huwag si Jino Diyos ko! Hindi ko kaya! Hindi ko alam kung paano ko patatawarin ang aking sarili kong ikamamatay niya ito. Hindi!!!!!”
Hanggang sa tuluyang kong isinigaw ang kaniyang pangalan. Paulit-ulit sa gitna ng aking hagulgol at paghikbi. Niyakap ko siya ng buong higpit. Hindi ko kakayaning mawala siya sa akin. Hindi ngayon, hindi sa ganitong pagkakataon.
“Brod, sandali lang, lalo mo siyang pinahihirapan sa ginagawa mong ganyan. Pahigain mo lang siya. I am a medical student and I know exactly what to do, kaya trust me on this okey?” pakiusap ng isang maputing lalaki na halos kaedad lang ni Master.
Dahan-dahan ko siyang pinahiga at pinatagilid niya ang ulo ni Jino. Kumuha siya ng sofa pillow na pinagpatungan niya sa mga paa ni Jino.
“Nag-faint lang siya dahil hindi siguro niya nakayanan ang hirap pero humihinga pa siya. Kailangan nating itaas ang paa niya at mas mababa ang utak to promote blood flow to the brain. We turn his head to the side so the the tongue doesn't fall back into the throat. Mga brod, pakiabutan nga ako ng ice at face towel please?”
Mabilis namang kumilos ang ilang brod namin at nag-uunahan pa silang ibigay ang kailangan niya.
“Ipunas mo itong malamig na face towel sa kaniyang mukha at leeg at magkakamalay na ‘yan maya-maya.” Kalmadong bilin niya sa akin.
“Paano kung hindi na? Please dalhin na lang ho natin siya sa hospital.” Pagsusumamo ko habang pinupunasan ko ang kaniyang mukha at leeg.
“Trust me, he just passes out and nothing to worry about.”

Hanggang sa ilang sandali lang ay binuksan na niya ang kaniyang mga mata.
Huminga ng malalim.
Hinawakan ko ang kamay niya. Unang pagkakataong ako ang unang humawak sa kamay niya na noon ay iniiwasan kong gawin.
Pinisil ko iyon.
“Kumusta ang pakiramdam mo! God! Pinakaba mo ako!”
“Okey lang ako pero sobrang sakit ng katawan at paa ko.” pabulong niyang sagot.
“Ako na ang aako sa kulang na palo mo sa paddle kung hindi mo na kaya.”
“Hindi, kaya ko pa.” pagpupumilit niya.

Monday, March 2, 2015

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 15

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta

                  “Putcha! Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.
“Di ba sabi ko sa’yo? Sisiguraduhin kong hindi ka mapapasama? Kaya sasamahan kita kahit gaano pa kadelikado ang gusto mong gawin sa buhay mo. If it’s all I ever do, Boy. I would give my all to you!”
“Nahihibang ka na ba Jino? Ano ‘to ha? Alam mo bang ginagawa mo?”
“Alam ko, katulad din ng ginagawa mo. Ngayon palang, sasabihin ko na sa’yo kung sakaling iuukit na nila ang pangalan ko sa bato, alam kong alam ng lahat na ginawa ko lang ang alam kong tama para sa ating dalawa at alam kong hanggang huli ay patutunayan ko sa’yo kung gaano ko ipinaglalaban ang pagmamahal ko sa’yo bilang kasangga mo. Hindi kita bibitiwan Boy. Hindi kita isusuko.”
“Paano kung pahihirapan ka nila at hindi mo kakayanin.”
“Kaya ko, basta alam kong nandiyan ka lang, lahat kakayanin ko.”
“Tigas talaga naman ng ulo oh!”
“Kung ito din lang ang tanging paraan para mabuo tayong tatlo nina Lexi, lahat ay gagawin ko.”
“Alam ba ni Lexi ito o kaya ni Miggy?”
“Hindi alam ni Lexi ngunit ginagawa ko ito hindi lang para sa akin kundi para na din sa kaniya. Gusto kasi ni Lexi na mabuo tayong tatlo at ito na lang ang tanging paraan ko para kahit di kita mailayo dito sa Akhro ay mapansin mo din kami. Gusto kong maramdaman mo Boy na mahalaga ka sa amin sa kabila ng mga nagawa namin sa’yo. Isang huling pagkakataon lang, kahit sa ilang minuto lang sa isang araw mo kami kakausapin, masaya na kami ni Lexi do’n huwag mo lang kaming tuluyang iwan.” Nakayukong pakiusap niya.
“Si Miggy? Pinayagan ka ni Miggy na magpakatanga ng ganito?”
“Sasamahan nga niya dapat ako ngayon ngunit hindi ko alam kung bakit nagbago ang desisyon niya…”
“Putcha naman Jino oh!” napasuntok ako sa kaliwang palad ko. “Naku naman! Bahala ka! Basta brad labas ako sa gusto mong gawin na ‘to. Kung may mangyari sa’yong masama, huwag ako ang sisihin mo. Wala akong kinalaman dito. Ikaw ang nagdesisyon.”
“Sarili kong desisyon ito Boy. Kung sakaling mang may masamang mangyari sa akin hindi ko iyon pagsisisihan at lalong malayong sisisihin kita. Siguro iniisip mo, ang kapal na ng mukha ko, nasisiraan na ako ng ulo dahil sa mga katangahang mga ginagawa ko pero kung ang pagiging tanga lang ang sukatan para bumalik yung dating pagtingin mo sa amin ni Lexi, mas nanaiisin kong magiging tanga na lang habang-buhay huwag ka lang mawala sa amin.”
“Huwag ka ngang nagsasalita ng ganyan sa akin, brad. Nakokornihan ako. ‘Kala mo siguro natutuwa akong marinig kang nagsasabi ng mga ganyan ano? Kaya ayaw ko sa inyo dahil sa mga kadramahang ‘yan e.” Pabulong na tinuran ko sa kaniya.

Sunday, March 1, 2015

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 14

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta

 Nang dumaan ako sa harap ng mga Tau Gamma ay malakas ang kaba sa dibdib ko pero hindi ako nagpahalata. Sa akin kasi nakatingin ang tropa ko. Naniniwala akong di nila ako pababayaan.

“Opppss putaaaa!” gulat na singhal ko.

Tinisod ako ng isa sa mga nakaupo.

Nawalan ako ng balanse at sumubsob sa katabing mesa.

Ang nakakainis ay nagtawanan pa sila.

Tumayo ang tumisod sa akin at mabilis niya akong kinuwelyuhan.

“Ano ha! May angal! Lalaban ka?”

Dahil sa naipong galit sa dibdib ko sa pagpapahiya nila sa akin ay mabilis ko siyang binigwasan ng suntok sa panga.

Pumasok iyon.

Nabitiwan niya ako.

Nagsitayuan na sila at iyon na din ang hudyat sa tropa kong lumaban nang napansin nilang sinimulan na nga nila ang riot. Nakita kong mabilis na lumabas sa CR ang lalaking may hawak na balisong kanina. Sa akin ang diretso niya.

Nagulat ako sa bilis ng pangyayari. Ang kanina ay masayang inuman namin at kuwentuhan ngayon ay nauwi na sa rambulan. Bangayan at suntukan na ang tanging nakikita ko sa aking paligid. Bago tuluyang nakalapit sa akin ng kaninang may hawak ng balisong ay pinulot ko ang isang upuan at  ubod ng lakas kong ipinukol iyon sa kanya. Tumama iyon sa balikat niya, nabitiwan nito ang balisong at halos mapaupo siya sa lakas ng pagkakatama niya.

Hindi siya nagpatinag. Mabilis siyang humakbang para gantihan ako ngunit bago pa man niya ako nalapitan ay hinarap na siya ni Kuya Jello.

“Bata atras na! Kaya na namin ‘to!” sigaw ni Kuya Jello sa akin.